CHAPTER 14
CHAPTER 14
"Grandpa!"
Lahat kami ay napatingin kay Steven. Nanlilisik ang kanyang mga mata habang nakatingin sa aming pwesto, lalo na kay Kapt. Cillian. Hindi nakatakas sa aking paningin ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi.
Palipat lipat ang tingin namin sa kanilang dalawa. Nagmamadali na si Steven sa pagpunta rito. Nang makarating siya sa aming pwesto ay hinawakan niya ang aking kamay at dinala sa kanyang likuran.
"What are you doing here!?" galit na singhal ni Steven sa kanyang lolo.
Dahil malaking tao siya ay hindi ko makita ang lolo nito na nasa harapan namin. Nakatago ako sa kanyang likod, nang lingunin ko sila Ate Rica ay parehas silang tatlo na nanahimik sa tabi ko. Nakinig lang sila sa nangyayari ngayon.
"Don't raise your voice at me, grandson. You won't like what I can do," seryosong sambit ni Kapt. Cillian.
Nang silipin ko siya ay seryoso ang kanyang mukha at may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Dumako ang tingin niya sa akin at lalong lumawak ang kanyang ngiti, kaya muli akong tinago ni Steven sa kanyang likod.
Hindi ko alam bakit kailangan niya akong itago? Ano ba talagang meron. Naguguluhan ako.
"Steven, ano bang meron? Bakit mo ba ako tinatago?" naguguluhan kong tanong sa kanya. "Naguguluhan na ako sa nangyayari ngayon."
"Stay behind my back, doll," mahina niyang tugon sa akin.
Nanginginig ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.
"We already talked about this, Grandpa—"
"About what?" pagputol ni Kapt. Cillian sa sinabi ni Steven.
Hindi na ako sumilip at nanatiling nagtago sa likuran ni Steven. Ang kasama kong tatlong ate ay nakitago na rin kay Steven, nasa likuran ko silang tatlo.
"Huwag mong idadamay si Lilianna sa mga plano mo," seryosong sambit ni Steven.
Pinagsiklop ko ang kanyang palad sa akin. Ang maliit kong palad ay nakahawak sa kanya para kahit papaano ay kumalma siya. Nanginginig pa rin kasi ang kanyang kamay, buong katawan niya na pala ang nanginginig dahil sa galit.
Bumilis tuloy ang tibok ng aking puso dahil sa sinabi ni Steven. Plano? Ng alin?
"What plan are you talking about, Steven? I didn't know what you were talking about," sagot ni Kapt. Cillian.
Hindi alintana sa amin ang sobrang tirik ng araw, mas mainit pa ang tensyon na nararamdaman ko rito dahil ramdam na ramdam ko ang galit ni Steven.
"Acting like innocent, huh?" baritono ang boses ni Steven at halatado na ang pagka-inis.
Mahinang natawa si Kapt. Cillian. Narinig ko ang mahinang kaluskos kaya muli akong sumilip. Nakatalikod na pala ito, isang malakas na hangin ang dumaan sa aming pwesto kaya napapikit ako dahil doon. Bago pa siya umalis sa aming harapan ay muli siyang lumingon sa amin.
Tumigil 'yon sa aking pwesto at nakita ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
"You're Villafuerte, Lilianna," sambit nito sa akin.
Apelyido ni mama 'yon. Ano bang problema niya sa apelyido ni mama. Wala na rin naman akong alam sa pinagmulan ni mama dahil hindi ko na rin naman natanong kay papa iyon, at parang iniiwasan niya pa ang tungkol sa bagay na 'yon.
"You're mother is Villafuerte, which means that you are related to him," nagbago ang ekspresyon ng kanyang muhka, naglaho ang ngiti sa kanyang labi at naging seryoso.
Bumilis ang tibok ng aking puso at napaatras dahil doon. Mukhang naramdaman naman ni Steven ang naging reaksyon ko kaya muli niya akong dinala sa kanyang likuran.
"Grandpa, stop talking," pambabanta ni Steven sa kanyang lolo.
Para akong mabibingi dahil sa lakas at bilis ng tibok ng aking puso. Wala sa sariling napahawa ako roon at pinakiramdaman ang sarili. Walang imik sila Ate Rica sa aking likuran dahil ayaw nilang makisali sa nangyayari ngayon.
Binalingan siya ng tingin ni Kapt. Cillian at napailing. Tinignan niya ako sa huling pagkakataon bago ibalik kay Steven ang paningin.
"Ang daming puwede mong makilala, bakit ang isang Villafuerte pa, Steven?" seryoso niyang tanong sa kanyang apo. Hindi na niya hinintay ang magiging sagot ni Steven at tuluyan ng umalis.
Parang binuhusan ako ng malamig sa aking narinig. Kasabay ng paninikip ng aking dibdib at parang nanlambot pa ang aking tuhod. Masakit siya at parang pinipiga ang aking puso. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking dibdib kung saan naka pwesto ang aking puso, kasabay no'n ang panlalabo ng aking mata. Nagbabadyang tumulo ang aking luha.
Ayaw sa akin ng lolo ni Steven.
LUMIPAS NG ILANG ARAW simula nung nangyari sa bukirin ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang sinabi ng lolo ni Steven sa akin. Tahimik akong naghahanda ng lulutuin kong pagkain sa baba ng treehouse dahil nandito ang dirty kitchen. Nakabili na ako ng ulam namin kaya lulutuin ko nalang ito.
Dahil lang sa Villafuerte ako ay ayaw na sa akin ng lolo niya? Wala nga akong kaalam alam kung saan nanggaling si mama bukod sa Pazamor ito nakatira dahil namatay siya noong pinanganak ako.
Huminga ako ng malalim at napakurap ng maramdaman ang pamumuo ng aking luha. Tumingala ako at kumurap ng ilang beses para mawala ang aking luha na nagbabadyang tumulo pababa sa aking pisngi.
Mahina akong napasinghap nang maramdaman na may pumalibot na braso sa aking baywang. Nabitawan ko ang kutsilyo at napaharap sa taong may ari no'n.
"Steven," mahina kong wika ng makitang siya 'yon.
Medyo madilim na rito sa aming pwesto pero may ilaw naman na nagsisilbing liwanag sa amin. Bagsak ang kanyang buhok at halata ang pagod sa light brown nitong mata, ng tignan ko ang kabuuhan ng kanyang katawan ay nakasout siya ng puting tshirt na hapit na hapit sa kanyang braso at short na kulay itim.
"Did I scare you?" mahina niyang bulong.
Nilagay ko muna ang kutsilyo sa lababo at muli siyang hinarap. Sinampay ko ang aking kamay sa kanyang batok at tinignan siya sa mata. Halos ilang dangkal na lang ang pagitan sa amin.
"Sakto lang. Hindi ko kasi napansin na nakalapit kana sa akin tapos bigla mo pa akong niyakap sa baywang," tugon ko.
Mahina siyang natawa sa aking tugon at nilapit ang mukha sa akin. Gumapang papunta sa kanyang itim at bagsak na buhok ang aking palad at mahinang sinabunutan 'yon ng maglapat ang aming labi.
Nang tumagilid kaonti ang aking ulo dahil parehas na naging agresibo ang aming halikan ay doon na 'yon lumalim. Malikot ang kanyang labi at dila sa akin. Halos magdikit na ang aming katawan at unti unting naglalakbay ang kanyang palad sa aking katawan, habang ako ay mahinang sinusuklay ang malambot nitong buhok habang sinasabayan ang halik nito sa akin.
Hinawakan niya ang aking baywang at pinangko, pinaupo niya ako sa gilid ng lababo kung saan ako nag hihiwa ng mga rekados. Hinawi niya 'yon papalayo sa akin. Magkadikit ang aming noo at pinagmasdan ang isa't isa ng ilang segundo, parehas naming hinahabol ang hininga.
"Are you okay, doll?" nagaalala niyang tanong sa akin. "Your eyes is red a while ago. Did you cry?" malambing niyang tanong sa akin.
Dahan dahan akong tumango at humaba ang nguso. Nilapit ko ang aking sarili sa kanya at tinanday ang baba sa kanan niyang balikat.
"Oo. hindi ko pa rin makalimutan yung sinabi ng lolo mo sa akin, Steven," nasasaktan kong bulong sa kanya.
Pumalibot ang braso niya sa aking baywang at niyakap ako ng mahigpit. Ang kanyang kamay ay unti unting sinusuklay sa aking buhok.
"I'm really sorry, doll. Huwag mo na lang intindihin yung mga sinasabi niya," malambing niyang sambit habang sinusuklay ang aking buhok.
Ako na ang kusang umalis sa pagkakayakap at pinagmasdan ang seryoso nitong mukha. Wala sa sariling pinaglandas ko ang aking hinlalaki sa pilat sa kanyang mukha.
"Anong bang meron sa apelyido ng mama ko Steven? Mukhang may problema ang lolo mo sa apelyido ni mama," sambit ko sa kanya. "Huwag akong idamay sa alin? May hindi ka ba sinasabi sa akin?" tanong ko sa kanya.
Nakita ko ang pag alon ng kanyang adams apple habang nakatingin sa akin. Kalmado ang mga tingin niya, hindi siya makasagot sa akin. Sumikip ang aking dibdib dahil do'n.
"Steven? May hindi ka ba sinasabi sa akin? Para akong tanga rito at hinuhulaan yung dahilan bakit gano'n ang asal ng lolo mo sa akin noong isang araw. Villafuerte rito Villafuerte roon, lagi na lang sumasagi sa isipan ko tuwing gabi ang mga sinasabi niya sa akin," mahaba kong usal sa kanya.
Hindi siya makasagot sa akin. Dahan dahan akong bumaba at inalalayan niya pa ako habang nakahawak sa aking baywang.
"Huwag mo ng isipin 'yon—"
"Hindi 'yon gano'n kadali, Steven," pagputol ko sa kanyang sinabi.
Hindi niya magawang sumagot sa tanong ko. Para akong kakapusan ng hininga dahil ang bilis ng tibok ng aking puso. Sumisikip pa 'yon at akala mo ay pinipiga.
"Hindi madali na hindi isipin 'yon. Nabanggit ng lolo mo si mama, hindi naman siya siguro magsasalita ang lolo mo tungkol sa ina ko kung hindi 'yon totoo 'di ba?" pagtutuloy ko. "Kaya sana, sabihin mo sa akin kung anong meron. Kasi naguguluhan ako."
"Lilianna, I can't," nahihirapan siyang banggit iyon at parang napilitan pa.
Akmang hahawakan niya ang aking kamay ng iniwas ko 'yon. Nasasaktan na tinignan ko siya habang nakatago sa aking likod ang dalawang kamay ko para hindi niya hawaka 'yon.
"Bakit?" nasasaktan kong sambit.
Unti unti ng nanlalabo si Steven sa aking paningin dahil sa mga luha kong nagbabadyang tumulo. Hinayaan ko lang 'yon at hanggang sa tumulo pababa sa aking pisngi.
Naalarma siya dahil do'n at akmang lalapitan ako pero natigilan lang din ng lumapit siya sa akin.
"I'm sorry, doll," napapaos niyang sagot sa akin.
"Wala kang tiwala sa akin, Steven? Mukha ba akong hindi mapagkakatiwalaan? Paano kita matutulungan diyan sa problema mo kung ayaw mo sabihin sa akin—"
"Lilianna, this is very serious and I don't want you to involve with this problem," pagputol niya sa aking sinabi.
Napapailing na tinignan ko siya, simula ulo hanggang paa. Pinunasan ko ang aking luha at nasasaktan na ningitian siya. Bago pa tuluyang umakyat sa taas dahil nawalan na ako ng gana kumain ay nagsalita ako.
"Gusto ko lang na ipaalam sa 'yo Steven na huwag ka sanang maglihim at magsinungaling sa akin dahil 'yon ang pinaka ayaw ko," sambit ko kahit na garalgal ang aking boses at tuluyan ng umakyat sa taas.
"Lili!"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top