CHAPTER 13

CHAPTER 13

APAT NA BUWAN NG NAKALILIPAS at apat na buwan na rin kaming magkarelasyon ni Steven. Sa loob ng buwan na 'yan ay kapansin pansin na rin ang pagbabago ng treehouse na tinitirhan ko. Na kahit ayaw ko naman na gawin 'yon ay nagpupumilit siya na ayusin ito, lalo na at papalagyan niya raw ng kuryente at mga gamit sa loob ng bahay para raw maganda na tignan.

Wala naman akong nagawa dahil kahit anong paalala ko sa kanya ay hindi siya nakikinig sa akin. Siya mismo ang gumawa ng maliit na dirty kitchen sa baba ng treehouse at banyo. Maganda ang disenyo no'n at simple lang, kaya hindi na kami naliligo sa sapa. Maliban na lang kung gugustuhin namin at paminsan minsan ay nauuwi naman sa pakikipagtalik.

Bandang hapon na rito sa amin at nakaupo ako sa nakalatag na picnic mat. Kulay light pink 'yon at nakapatong na rito ang mga pagkain namin. Apat na buwan na kaming magkasintahan at sini-celebrate namin 'yon. Nakasout ako ng embriodery lace up bow dress. Hanggang tuhod ko lang ang haba no'n, ang aking buhok naman ay nakatali ng ponytail at may ribbon 'yon na kulay pink.

"Hi," isang pamilyar na boses ang aking narinig na nanggagaling sa taas.

Umangat ang tingin ko roon at nakita ko si Steven na nakadungaw sa barandilya ng terrace. Naka sout ito ng puting button down polo, nakatupi ang manggas no'n hanggang sa kanyang siko kaya nakita ko ang tattoo na 'yon. Ang itim na slacks nito ay napakalinis pa rin tignan kahit buong hapon niyang sout 'yon.

"Bumaba kana rito, nakahanda na ang mga pagkain natin. Masama na pinaghihintay ang pagkain, Steven," sumenyas ako na bumaba siya at sinunod niya naman 'yon.

"Alright, my doll," tugon nito sa akin.

Nanatili akong nakatingin sa kanya habang dahan dahang bumaba sa hagdanan, paikot ang disenyo no'n. Ang kanyang biceps ay bakat na bakat sa sout nitong polo, bagay na bagay sa kanya. Hindi ko maiwasan na makagat ang ibaba kong labi habang pinagmamasdan ko siyang naglakad patungo sa akin. Bakit mukha siyang masarap?

"Hey, what's on your mind? It looks like you are already imagining me walking to you without any clothes on," malambing niyang sambit sa akin na may panunudyong ngiti sa akin.

Sumimangot naman ako at inayos ang pagkain na nakapatong sa picnic mat. Ang totoo niyan ay may ginawa na siyang lamesa rito pero ang gusto niya ay nagmumukhang magpipicnic kami kaya ganito ang ayos namin.

"I'm just joking," pabiro niyang wika at tumabi sa akin.

Hinawakan niya ang kabilang balikat nito ko at hinila papunta sa akin. Hinalikan niya ang aking noo at tinignan ang buong ayos ko. Umangat ang gilid ng kanyang labi habang pinagmamasdan ako.

"Very very beautiful," papuri nito.

Naramdaman ko ang pag init ng aking pisngi. Mahina kong hinampas ang kanyang braso dahil sa sinabi nito.

"Hindi ko alam na may taste ka pala sa pagpili ng mga ganitong damit," nakangiti kong sambit sa kanya.

"You're easy to dress up. Like I said, you look like a doll," sumilay ang ngiti sa kanyang labi at kinulong ako sa kanyang bisig.

Madali niya lang akong nabuhat at patagilid na pinaupo sa kanyang hita. Ang lapit namin sa isa't isa at ilang dangkal na lang ay puwede na niya akong mahalikan. Malikot ang kanyang light brown na mata, tinitignan niya ang buong mukha ko.

"Happy monthsary, Lilianna," mahina niyang sambit sa akin.

Kinulong ko ang kanyang mukha sa aking dalawang palad hanggang sa ngumuso ang labi nito dahil sa ginawa ko. Mahina akong natawa dahil sa naging hitsura niya. Yumuko ako at hinalikan ang mapula niyang labi. Tinugon niya naman 'yon at naramdaman ang kanyang kamay sa aking batok para lumalim ang aming paghahalikan.

"Happy monthsary rin, Steven," malambing kong usal sa kanya at hinaplos ang kanyang panga. "Mahal kita."

Muli niyang hinalikan ang aking labi at niyakap ng mahigpit. Sumubsob siya sa aking dibdib at tinaas baba ang kanyang palad sa aking likuran.

"I love you too," tugon niya habang nakasubsob pa rin sa aking dibdib.

Mahina akong natawa ng makitang namumula ang kanyang tenga, nahihiya na pala ito. Nagtagal kami sa ganoong posisyon at nang magtagpo ulit ang aming tingin ay siniil niya ako ng mainit na halik.

Tinugon ko naman 'yon at sinampay ang aking braso sa kanyang batok. Akala ko ba naman ay magtatagal kami sa ganoon pero hindi pala. Siya na agad ang unang pumutol no'n.

"Kumain na tayo at baka sa iba pa 'to mapunta," sambit niya sa akin.

Binalik niya ako sa dati kong puwesto at binuksan ang mga tupperware na pinaglalagyan ng mga pagkain namin. Mahina akong natawa at tinulungan siya. Simpleng handa lang naman dahil gusto niya memorable iyon para sa amin, ganoon din ang ginawa niya sa naunang monthsary namin.

"Bakit parang ayaw mo ng gano'n ngayon, ah," pangaasar ko at naglagay ng spaghetti sa plato.

Tatlong putahe ang nandoon. Spaghetti, menudo, at chicken buffalo wings. May nakahanda rin na kanin at syempre ang inumin namin. Hindi niya rin nakalimutan na bumili ng cake na maliit at may dedication na happy 4th monthsary. Simple pero ang ganda.

Wala akong nagastos dito maski singkong duling dahil ayaw niya. Alam niya naman na kaya kong bumili dahil may pera ako ang kaso hayaan ko na lang daw siya na siya ang gumastos sa lahat.

"We just ended up having sex inside our treehouse last month instead of celebrating our monthsary, and the next day you had a fever. I don't want to do that again, doll," sagot niya, kumakain na ito ngayon habang nakikipagusap sa akin. "Mamayang gabi na lang 'yan," pahabol nito at tumaas ang gilid ng kanyang labi.

Napailing na lang ako at tinuloy ang aking kinakain. Mabilis lang ang aming ginawa dahil nang matapos kami ay nakatayo na kaming dalawa at sinasayaw niya ako. Hindi ko kaya maging seryoso, kaya buong pagsayaw namin malapit sa sapa ay tumatawa ako. Paminsan minsan ay napapahagikhik.

"Para tayong ewan dito, Steven," natatawa kong sambit.

Ningitian niya lang ako at niyakap ako, napasandal ako sa kanyang malapad na dibdib habang mabagal na lang ang aming sayaw. Rinig na rinig ko tuloy ang pagtibok ng kanyang puso. Napakabilis at malakas ang kabog no'n.

"I just want to dance you," bulong niyang sambit.

Hindi ko alam kung ilang minuto kami nasa ganoong posisyon. At dahil hapon na kami nakakain at inabutan na ng gabi. Umakyat na kami sa taas at nagpahinga na. Nakabukas na ang ilaw at ang kama na malaki ay malinis na rin.

"Maaga ka na naman bang aalis bukas?" tanong ko sa kanya.

Nakaupo ako ngayon sa kama at pinagmamasdang siya. Inaayos niya ngayon ang lock ng sliding window ng treehouse. Nakapalit na kami ng pantulog, kulay pink sa akin na partner pajama habang sa kanya ay kulay itim.

Tumango siya at nilingon ako. Nagtungo siya sa akin at parehas kaming nahiga sa kama.

"Yes. don't worry gigisingin kita kapag aalis na ako—"

"Kailan mo sasabihin sa akin yung ginagawa mo kapag aalis ka rito?" pagputol ko sa kanyang sinabi.

Sa loob ng apat na buwan ay palaging ganito ang nangyayari sa amin. Alam kong importanteng araw ngayon dahil monthsary namin pero hindi ko na mapigilan ang sarili na tanungin siya tungkol dito.

Nasa pinakadulo ako habang siya ay sa kabila. Medyo malikot kasi ako matulog kaya mas gusto ko yung may nakaharang. Ang isang braso ni Steven ay nasa aking baywang. Hindi siya makasagot sa aking tanong kaya napabuntong hininga ako.

"Steven, alam kong wala akong karapatan para tanungin kita tungkol dito pero girlfriend mo ako. Hindi ko alam kung nagtatago kana ba sa akin o ano. Wala ka ring nababanggit tungkol sa trabaho mo ngayon," malungkot kong wika.

Umiwas siya ng tingin at niyakap na lang ako. Kinulong niya ako sa kanyang bisig at hndi man lang nagsalita.

"Pasensya kana kung natanong ko 'to, imbis na dapat masaya lang tayo dahil apat na buwan na tayong magkarelasyon. Pero hindi pa rin maalis sa isipan ko ang tinanong ko kanina. Girlfriend mo ako, Steven. Nandito ako para sa 'yo kaya sana walang magtatago ng lihim sa isa't isa," malumanay kong wika, habang nakayakap sa kanya.

"I just work with my grandfather, doll. May plano siyang project dito sa Cierra kaya medyo busy lang. I'm sorry," tugon nito.

Nasagot na niya ang aking katanungan pero bakit parang hindi ako kumbinsido? May kutob ako na hindi lang 'yon. Ang bilis tuloy ng tibok ng aking puso na akala mo ay lalabas na siya sa aking ribcage.

"'Yan lang bukod doon sa sinabi ni Kapt. Cillian na tutulungan mo siya sa paparating na eleksyon?" tanong ko muli.

Doon ay umangat na ang kanyang ulo. Seryoso ang mukha nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Matagal pa 'yon, Lili. Limang taon pa ang hihintayin—"

"Oo o hindi lang naman ang hinihingi ko Steven," pagputol ko sa kanyang sinabi.

"Oo," bulong niya sa akin.

"Please huwag kang maglihim sa akin, Steven," hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa aking baywang. "Pakiramdam ko kasi hindi mo ako pinagkakatiwalaan kung gano'n ang gagawin mo. Kung sa tingin mo ay ipagkakalat ko 'yon, hindi ko gawain 'yon. Highschool lang ang natapos ko, Steven pero hindi ako tanga para hindi ka maintindihan o 'yang hindi mo masabi sa akin."

Humigpit ang hawak niya sa aking baywang at hinaplos ang aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palad sa aking pisngi.

"Don't think like that, Lili. I know you can be trusted," sambit niya sa akin.

"Bakit pakiramdam ko may tinatago ka sa akin—"

Naputol ang aming paguusap ng biglang magring ang cellphone nito sa lamesa malapit sa gilid ng aming kama. Napabangon siya at kinuha 'yon, mukhang importante yata dahil nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha ng makita kung sino 'yon.

Sinagot niya ang tawag at sumenyas sa akin na lalabas lang. Tumango lang ako at pinanood siyang lumabas. Gano'n na ba ka-private ang paguusapan nila kaya dapat hindi ko marinig?

Hindi pa yata umabot ng limang minuto ay pumasok na siya sa loob at nagbihis na. Mabilis 'yon kaya kumunot ang aking noo.

"Saan ka pupunta," tanong ko sa kanya.

Ang sout niyang damit kanina habang sini-celebrate namin ang monthsary ay muli niyang sinuot. Nagmamadali na siya at hindi na niya matupi ng maayos ang manggas ng kanyang polo.

"My grandpa called me. May kailangan daw siya sa akin kaya kailangan kong bumalik agad sa mansion," tugon niya at kinabit ang sinturon ng masout niya ang itim nitong slacks.

"Tungkol saan daw? Gabi na, ah. Baka mapano ka sa labas kung pupunta kapa roon," nag-aalala kong wika at bumangon na rin sa pagkakahiga.

Lumapit siya sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Mabilis niyang hinalikan ang aking labi at pinagdikit ang aming noo.

"I'm sorry, doll. I can't tell you," mahina niyang wika sa akin.

Bumagsak ang aking balikat at mahinang tinanggal ang kanyang palad sa aking pisngi. Tinulak ko na siya para iparating na umalis na. Tumalikod ako at humiga, kinumutan ko rin ang aking sarili at tumulala na lang sa kahoy na pader.

"Lili, i'm sorry. I can't tell it right now—"

"Paki-lock na lang ang pintuan kung aalis kana," pagputol ko sa kanyang sinabi.

Pinikit ko na ang aking mata at sinubukang matulog. Wala akong mapapala kung pipilitin kong alamin 'yon dahil hindi niya 'yon sasabihin sa akin.

"Lili. I'll come back later, don't worry. Goodnight, I love you," pagpapaalam nito sa akkin.

Ipinikit ko ang aking mata at pinilit na matulog. Nang marinig ko ang tunog ng lock ng pintuan at pagsara ay nanikip ang aking dibdib. Wala sa sariling hinawakan ko ang aking dibdib kung saan namapuwesto ang aking puso.

Naninikip 'yon at ang sakit.

HANGGANG SA MAKAPAGTRABAHO ulit ako sa pagtatanim ng palay ay hindi na siya umuwi. Mag hahapon na ngayon at patapos na rin kami sa pagtatanim. Buong araw akong wala sa mood dahil sa nangyari kagabi kaya maski mag biro si Ate Mae ay hindi niya magawa.

"Okay ka lang ba talaga, Lili?" nagaalalang tanong sa aking ni Ate Mae.

Tumango ako at ningitian siya. Si Ate Pia at Ate Rica ay abala sa kabilang pwesto sa pagtatanim.

"Okay lang po ako, Ate Mae. Medyo wala lang sa mood ngayon," tugon ko.

Napabuntong hininga siya at binaba ang dala niyang palay. Niyakap niya ako ng mahigpit at mahina akong napaigik ng mas lalong sumikip 'yon, sumunod na pala sila ate Pia at Ate Rica. natawa ako at niyakap din sila pabalik.

"Makikinig kami kapag may problema ka, Lili. nandito lang kami ng mga ate mo," malambing ng sambit ni Ate Rica.

"Tama. nandito lang kami, Lili. Kaya huwag kang mahihiya," pagsingit ni Ate Pia.

Napapikit ako at niyakap silang tatlo pabalik. "Salamat po mga ate," tugon ko.

Nang mapansin nilang medyo gumaan na ang aking pakiramdam ay pinagpatuloy na nila ang pag tatanim. Sa sobrang busy namin sa ginagawa ay hindi ko biglang may tumikhim sa aking likuran, sabay kaming apat na napatingin doon. Kumunot pa ang aking noo dahil sa malakas na sikat ng araw.

"Kapt. Cillian," mahina kong sambit.

Napatuwid ang aking katawan at naramdaman ko na tumabi sa akin sila Ate Rica. Nakibati rin sila sa kanya.

"Magandang hapon po, ano pong pakay niyo rito," pagbati ko.

Nakikita ko na tinignan niya kaming apat. May kasama itong dalawang lalake sa kanyang likuran kaya hindi siya nag iisa.

"Sino si Lilianna sa inyong apat?" tanong niya sa amin.

Umangat ang aking kamay at sila ate naman ay tinuro ako. Dumako ang tingin niya sa akin at tinignan ako mulo ulo hanggang paa.

"Ako po, Kapt. Cillian. Bakit po?" tanong ko sa kanya.

Pinanood ko lang siyang naglakad patungo sa akin. Nakasout ito ng polo na brown at puting short. May suot siyang sumbrelo at nakasabit ang shades na itim sa polo nito.

"Hija, ikinagagalak kitang makilala," sambit nito at nilahad ang kanyang palad sa akin.

Napatingin ako sa tatlong kasama ko, kahit sila ay naguguluhan pati na rin ako. Kunot noo kong tinanggap ang kanyang kamay para naman hindi ako lumabas na bastos dito.

"Ako rin po," magalang kong tugon.

"May I know what your mother's and father's names are?" biglang tanong niya sa akin ng tanggapin ko ang kanyang kamay.

Binawi ko agad 'yon at tinago sa aking likuran. Nanatiling nakakunot ang aking noo habang pinagmamasdan siya.

"Arturo ang pangalan ni papa at ang kay mama naman po ay Alejandra," sagot ko.

Tumango tango siya habang parang malalim ang kanyang iniisip.

"Abella is your surname right?" muli niyang tanong sa akin.

"Opo, bakit po?" tugon ko ng tumango.

Bakit ang dami niyang tanong sa akin? Hindi ko alam kung anong pakay niya sa akin, bigla na lang siyang sumusulpot dito, hinding hindi namin inaasahan na pupunta ang kapitan ng Cierra.

"Nothing, I was just asking," ngumiti siya sa akin at bumaba ang tingin sa sout kong kwintas.

Hindi nakaligtas sa akin ang pag-taas ng gilid ng kanyang labi ng makita ang sout kong kwintas. Bumilis ang tibok ng aking puso at tinago agad 'yon sa loob ng aking damit na longsleeve.

"Villiafuerte, huh," mahina niyang bulong na aking ikinakunot ng noo.

"Po?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Imbis na sagutin ay ngumiti lang siya sa akin.

"Wala—"

Isang malakas na sigaw ang aking narinig. Mabilis kaming lumingon sa hindi kalayuan, kahit tirik na tirik ang araw ay nangingibabaw ang hitsura ni Steven habang papunta rito sa aming pwesto.

Nandidilim na paningin, halatang nagpupuyos sa galit. At ang kamao niyang nakakuyom habang lakad takbong nagtungo sa aming pwesto.

"Grandpa!"

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top