CHAPTER 12

CHAPTER 12

"GUSTO MO PA YATA yung nasasaktan ka," galit na sambit ni Tita.

Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakahawak sa aking braso para alisin 'yon. Walang tigil sa pagtulo ang aking luha, nanlalabo ang aking paningin dahil doon pero binalewala ko lang 'yon.

"Bitawan mo 'ko, Tita!" sigaw ko habang tinanggal ang kanyang kamay pero sobrang higpit no'n.

Mabilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung saan ako mag popokus, kung sa pagkaladkad sa akin ni Tita o doon sa mga tatlong lalake na umakyat sa taas. Binalot ng malakas na hikbi ang buong pwesto namin ng makita na basta na lang pinaghuhulog ang mga gamit ko sa loob ng treehouse.

"Huwag!" muli kong sigaw.

Malakas kong tinanggal ang kanyang kamay at itinulak. Nakita ko na hinulog din nila ang litrato ni mama at papa kaya nanlalaki ang aking mata na nag tungo roon para sana saluhin pero bigla akong nahila ni Tita at malakas na pinadapo ang palad sa aking mukha. Napabaling ang aking tingin sa kaliwa at nalasahan ko pa ang sariling dugo.

Nang tumingin ako sa taas ay huli na ang lahat, tuluyan ng nahulog ang picture frame ni mama at papa sa lapag. Basag basag na 'yon at nadumihan na.

"Mama, papa..." lumuluha kong sambit habang nakatanaw sa picture frame na basag.

"Bakit ba hindi ka na lang bumalik sa pinanggalingan ng ina mo, ha!" galit ni Tita habang nakahawak sa kanyang kamay, hindi namalayan na nakalmot ko na pala siya nung tinanggal ko ang kamay nito sa aking braso.

"Hindi ka nababagay rito sa Cierra!" nanlilisik ang aking mata habang nakatingin sa kanya.

Bumilis ang tibok ng aking puso at nilapitan siya. "Bakit ako aalis dito! Dito naman ako pinanganak at lumaki! Wala akong ginawa na mali sa baryo na 'to kaya hindi ako aalis!" galit kong sambit sa kanya. "Huwag mong idadamay si mama sa init ng ulo mo. Hindi ko kasalanan kung nagmahalan silang dalawa ni papa at nanirahan dito!"

Parehas na nanlilisik ang aming mga mata sa isa't isa. Umangat ang kanyang kamay at dinuro ako. Malakas ko namang tinapik 'yon kaya nakatikim na naman ako ng isang sampal na galing sa kanya.

"Lumayas kana rito, Lilianna at bumalik kana sa Pazamor!" sigaw niya sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang balikat at malakas siyang tinulak. Bumagsak siya sa sahig habang nakaangat ng tingin sa akin. Puro mga bato na ang nasa likod nito dahil sapa na ang nandoon.

"Ikaw lang naman gumagawa ng dahilan para mapaalis ako rito," seryoso kong wika. Naglakad ako papunta sa kanya at napadako ang tingin sa hindi kalakihang bato na nasa aking gilid.

Ang bilis ng tibok ng aking puso at nararamdaman ko ang pagakyat ng dugo sa aking ulo. Nandidilim na rin ang paningin ko dahil sa mga pinagsasabi nito sa akin. Ramdam ko pa rin ang paghapdi ng aking pisngi pero hindi ko 'yon pinansin. Dahan dahan akong yumuko at kinuha ang bato na aking nakita.

"Anong g-gagawin mo?" kinakabahan na sambit ni Tita.

"Ano po bang problema mo sa akin?" malamig kong usal sa kanya habang naglalakad patungo sa pwesto nito. "Tita..."

Sa bawat hakbang ko papunta sa kanya ay siya naman itong pagatras. Konting atras na lang nito ay mababasa na siya pero wala akong pake. Wala na ako sa katinuan at tanging nasa isip ko lamang ngayon ay gusto kong manakit, ayaw na ayaw ko na nababastos ang magulang ko. Lalo na at wala na sila ngayon, mas lalong nakakabastos 'yon para sa akin.

"Tulungan niyo 'ko!" sigaw ni Tita.

Pabalik balik ang tingin niya sa akin at doon sa mga kasama nitong tatlong lalake na nasa taas.

"Nananahimik na po ako at nagtitiis na lang dito pero kayo 'tong nampepwerwisyo sa akin," walang emosyon kong sambit. "Hinayaan ko na nga pong kunin niyo yung tinitirhan ko kasi sabi mo sainyo 'yon tapos pati ba naman 'to kukunin mo," nanginginig ang aking katawan sa galit.

"Nasaan na ba kayo! Tulungan niyo rito, ang kukupad niyo mga inutil!" nanginginig ang kanyang boses dahil sa takot.

Humigpit ang aking pagkakahawak ko sa bato at nilapitan pa siya. Napasigaw siya dahil nabigla ito sa aking ginawa. Napahiga pa ito kaya nabasa ang kanyang buhok sa sapa.

"Inuulit ko, tita. Wala kang karapatan na pagsalitaan si mama tungkol sa kahit ano mang bagay!" galit kong wika sa kanya.

Umangat ang aking kamay at handa ng ipukpok sa kanya ang hawak ko. Napapikit pa siya at muling ang susumigaw sa aking harapan. Hindi ko lang natuloy ang aking ginawa ng may humila sa aking baywang at inilayo kay tita.

"Ano ba bitawan mo 'ko!" galit kong sigaw.

Nang tignan ko kung sino 'yon ay isa sa mga kasama ni tita na lalake. Humigpit ang hawak niya sa akin at ayaw akong bitawan. Nakita ko na nakatayo na sa aking harapan si Tita at muli akong sinampal, hindi pa siya nakuntento at dalawang beses niya 'yon ginawa sa akin.

"Mana ka talaga sa ina mo, Lilianna. Bayolente ka!" nagngangalaiting sambit nito sa akin.

Hinihingal ako dahil sa pagpiglas ko. Naninikip na rin ang aking dibdib dahil sa galit at matalim pa rin ang titig ko sa aking tiyahin.

"Paanong hindi magiging bayolente ang sama ng ugali mo! Sakim ka!" sigaw ko pabalik. "Lahat na lang inaangkin mo. Hindi mo pagmamay-ari ang buong Cierra kaya wala kang karapatan na palayasin ako sa baryo natin!"

"Punyeta ka! Hindi ka nararapat dito, Lili. Kaya tama lang na lumayas kana rito!"

Hindi na ako nakapalag ng muli niya na naman akong sinampal. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi niya ulit 'yon nagawa dahil sinipa ko ang kanyang sikmura.

"Hawakan niyo ng maigi 'yan! Simpleng pag hawak pero hindi niyo man lang magawa!"

"Aray! Bitawan niyo 'ko!" daing ko ng humigpit ang hawak ng lalake sa akin.

"What the hell is going on here..."

Isang pamilyar na boses ang aking narinig, kasabay no'n na parang may nahulog sa sahig kaya ng lingunin ko ito ay ang dala niyang plastic na puti ay nahulog sa sahig.  Lahat kami napatingin sa pwesto no'n. Naestatwa siya sa kanyang kinatatayuan at para bang hindi makapaniwala sa kanyang nakita.

"Steven..." mahina kong sambit sa kanyang pangalan.

Parang kusang naglaho lahat ng inis at galit ang aking naramdaman ng makita ko siya. Muling namuo ang luha sa aking mata at hindi napigilan na umiyak sa kanyang harapan. Nagmistulang talon 'yon at patuloy lang sa pagtulo pababa sa aking pisngi.

Hindi ko alam kung anong reaksyon nito, hindi ko mabasa ang reaksyon ng kanyang mukha dahil sa mata kong malabo. Nagtagal pa yata ng ilang segundo bago siya sumugod sa amin. Dahil malaki ang kanyang katawan ay nahila niya agad ako kaya napasubsob ako sa kanyang dibdib.

"What did you do to her?" walang emosyong tanong ni Steven sa mga lalake ng tiyahin ko.

Walang imik ngayon ang tiyahin ko, nabigla yata dahil nasa harapan niya ang apo ng kapitan nitong baryo namin. Walang nagsalita ni isa sa kanila at tanging hikbi ko lang ang naririnig sa pwesto namin.

"What did you to her!?" malakas na sambit ni Steven at parang dumagundong ang sigaw nito sa buong lugar.

Mabilis ang kanyang kilos, wala na siya sa aking tabi at nakita ko na sumugod siya sa lalakeng may hawak sa akin at pinagsusuntok iyon. Hindi nakapalag ang humawak sa aking dahil sa pagkabigla. Inaawat pa si Steven ng kasama ng tiyahin ko pero sila ay nakatikim din ng suntok sa kanya.

Habang ako ay natulala at pinagmamasdan ang kaniyang ginagawa. Sunod sunod na suntok ang binigay niya roon hanggang sa makuntento siya.

"Steven," kinakabahan kong tawag sa kanyang pangalan.

Mabilis ko siyang pinuntahan sa kanyang pwesto at hinawakan ang kanyang braso. Mabilis ang kanyang paghinga at matalim ang titig sa lalake na wala na ngayong malay sa kanyang ilalim.

"Steven, tama na," naiiyak kong wika dahil sa takot.

Natatakot ako sa kanya dahil parang hindi siya ang Steven na parati kong kasama sa tuwing kaming dalawa lang sa taas. Wala na ang masayang emosyon nito sa tuwing kausap o kasama ako dahil mukhang nandidilim ang kanyang paningin.

"Steven!" sigaw ko at hinawakan na ang kanyang braso para tumigil siya. "Tama na please," naiiyak kong wika.

Umangat ang kanyang tingin sa akin habang nagtaas baba pa rin ang dibdib nito. Puno na ng dugo ang kanyang kamao. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang braso para tumayo ito, mabuti na lang at sumunod siya.

Ganoon pa rin ang kanyang reaksyon, nandidilim at galit. Moreno ang kanyang balat pero hindi nakatakas sa aking paningin ang pamumula ng kanyang leeg at mukha dahil sa galit.

"Get out of here," malamig na sambit ni Steven ng lingunin niya ang aking tiyahin.

Naramdaman ko ang braso ni Steven na humawak sa aking baywang at hinapit papalapit sa kanya. Wala na akong pake kung makita ng tiyahin ko 'yon.

"Lumayas na si Lilianna—"

"Get out of here or I'll shoot your head."

Nanlaki ang aking mata ng makitang may hawak ng baril si Steven at itinutok sa tiyahin ko 'yon.

"Steven!" tawag ko sa kanya. "Bakit ka meron niyan!?" halos hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

Hindi niya ako sinagot dahil nakatuon ang kanyang pansin sa tiyahin ko. Mukhang ayaw niya pang gumalaw kaya kinasa ni Steven ang baril at tinutok muli sa kanya. Doon natauhan ang aking tiyahin kaya nagmamadali siyang umalis kasama ang tatlong lalake na akay akay ang walang malay nilang kasama.

Nang mawala na sila sa aking paningin ay basta niya na lang binagsak ang hawak niyang baril at hinila ako papunta sa sapa. Nagpahila na lang ako hanggang sa mabasa kaming dalawa roon.

"Your face is dirty," ang kanyang boses ngayon ay mahinahon at malambing na.

Pinunasan ko ang aking luha ay naghilamos. Habang nakayuko ay napansin ko pa rin ang dugo sa kanyang kamao kaya hinawakan ko 'yon at hinugasan.

"Pinapaalis niya ako," mahina kong wika sa kanya na akala mo ay nagsusumbong. "Ang layo layo ko na sa kanila. Bakit ba gusto nila akong paalisin dito?" naiiyak kong sambit.

Huminga ako ng malalim at kinalma ang aking sarili. Ang hapdi na ng aking mata dahil sa pag-iyak. At paniguradong namumugto na 'yon.

"Don't worry, they're never going to do that again. I'm here. I'll protect you, Lili." malambing ang kanyang boses. "They have no right to kick you in Cierra. Kahit sila ay walang pagmamay ari rito bukod sa bahay at lupa nila na tinitirhan."

Tumango ako at hinaplos ang namumula niyang kamao. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Hinawakan ko ang kanyang braso na puno ng tattoo at niyakap siya rin siya ng mahigpit. Ang kanyang palad ay napunta sa aking pisngi kaya umangat ang aking tingin.

"Did she slapped you a while ago?" tiim bagang niyang tanong sa akin, tinutukoy niya ang aking tiyahin. Ang kanyang hinlalaki ay hinahaplos ang aking pisngi, alam kong namumula 'yon at imposibleng hindi niya rin 'yon napansin.

Maputi ang aking kutis kaya alam kong kapansin pansin talaga ang pamumula no'n.

Tumango ako habang nakatingin pa rin sa kanya. Nakalapat lang ang aking palad sa malapad nitong dibdib habang ang isa niyang kamay ay nasa aking likuran lamang.

"Masakit pa rin ba?" tanong nito.

Umiling ako. "Hindi na gaano, Steven. Okay na ako, salamat dumating ka. Baka kung ano pang nangyari sa akin kung hindi ka nakapunta rito."

"Hmm. that's good," tugon niya. Yumuko siya at hinalikan niya ang aking pisngi. Hindi ko napigilan na ngumiti dahil sa ginawa nito. "You're cheeks looks swollen. Mabuti na lang hindi ko nakita na ginawa niya 'yon sa 'yo. Baka hindi ko mapigilan ang gagawin ko sa kanya," mahina niyang wika.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa habang seryoso siyang nakatingin sa akin. Ang light brown nitong mata ay grabe kung makatingin, para akong natutunaw at nakakapanlambot 'yon.

"Did he touch you?" muli nitong tanong.

Umiling ako habang nakatingin sa pa rin sa kanya. Nakita ko ang pag tingin niya sa aking buong mukha. Ang isa niyang kamay na nasa aking likuran ay napunta na sa aking kabilang pisngi. Parehas na niyang hinahaplos 'yon habang nakatingin sa aking mga mata.

"Are you sure, Lilianna?" tanong niya.

Napalunok ako at dahan dahang tumango habang nakatingin sa kanyang mata, para akong hinihipnotismo sa paraan ng pagtitig nito sa akin. Umangat ang kaliwa kong kamay at palad nito na nasa aking pisngi. Hinalikan ko rin 'yon habang nakatingin sa kanya. 

Hindi pa ako nakuntento, ang aking kanan na kamay ay nasa panga na nito at hinihimas 'yon.

"Wala siyang ginawa sa akin, Steven. Pinigilan niya lang ako dahil 'yon ang utos sa kanya ng tiyahin ko," sagot ko sa kanya, mahina kong usal sa kanya na kami lang ang nakakarinig no'n.

Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi. Nakita ko na tumango ito at nagsalita pero nakapokus lang ako sa labi niyang namumula sa aking harapan. Bakit parang ang sarap no'n halikan?

"That's good, doll," mahina niyang bulong sa akin. Ang kanyang katawan ay unti unting lumalapit sa akin. Ang isa niyang kamay ay bumaba at nagtungo sa aking baywang para mas lalong lumapit ang katawan ko sa kanya.

Kumunot ang aking noo ng marinig ang kanyang sinabi.

"Doll?" tanong ko sa kanya. "Kailan pa ako nag mukhang doll, Steven," kunot noo kong tanong sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin sa akin at napayuko. Maya maya ay naramdaman ko ang pag alog ng kanyang balikat, tumatawa siya. Napasimangot ako dahil do'n at hinampas ng mahina ang braso nitong may tattoo.

"Bakit ka tumatawa?" naiinis kong wika sa kanya.

Umiling siya at binalik ang tingin sa akin. "Nothing. You're just cute."

"Baliw," tugon ko at humalukipkip.

"I call you a doll because you look like it, especially your beautiful doe eyes. It makes you look more innocent," yumuko siya at lumapit sa aking tenga bago magsalita. At nag marinig ang kanyang sinabi ay awtomatikong namula ang aking pisngi. "Well, not anymore, my doll. You're not innocent anymore."

Sumamingot ako at mahinang kinurot ang kanyang braso. Tumawa siya at kinulong ako sa kanyang bisig.

"I'm not joking. Hindi rin ako makapaniwala na parang ibang Lilianna ang kasama ko kapag may nangyayari sa atin, And that's fine," malambing niyang wika habang nakatingin sa aking mga mata. "You look innocent from the outside, but inside? I don't think so," pang aasar nito sa akin.

Sinimangutan ko na lang siya at humalukipkip. Mahina siyang natawa at hinawakan ang aking baba para maka pokus ang aking tingin sa kanya.

"You're so beautiful, doll. I really like your round, doe eyes. They seem attractive to me, and they sometimes twinkle when you're happy. The way your cheeks turn rosy if you are shy, flushed, or being teased. And your adorable nose, your lips that are always inviting me to kiss, and your beautifully heart-shaped face. Every time I see you, there's something unusual about your aura—it's like an angel with a doll face. Lilianna, I love everything about you. I love you," malumanay at malambing ang tono ng kanyang pananalita sa akin.

Parang may kung anong humaplos sa aking puso dahil sa sinabi nito. Ramdam ko ang pag akyat ng dugo sa aking pisngi, namumula na naman ako sa sinabi niya. May kung anong nagsisiliparan na paruparo sa aking tyan. Heto ba 'yon kapag kinikilig ka?

"Mahal na din kita, Steven," tugon ko at tinignan siya.

Umangat ang aking kamay at hinawakan ang kanyang panga. Ang mga mata naming dalawa ay namumungay na rin dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman. Madilim na rin sa aming pwesto at ang sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa amin dito sa sapa.

Nilapit ko ang aking mukha. "Mahal na mahal kita, Steven," mahina kong sambit sa kanyang labi.

Gumapang ang aking kamay sa batok nito at hinapit papalapit ang kanyang mukha sa akin. Siniil ko ito ng mainit na halik at dinala ko ang isa niyang kamay sa aking baywang. Humigpit ang hawak niya roon at mas lalong pinalalim ang paghahalikan naming dalawa.

Ang pakiramdam na nangiinit ay nararamdaman ko na naman, unti unti na siyang kumalat sa aking katawan na akala mo ay apoy. Ganoon din kay Steven na akala mo ay pati siya ay nahawa. Basa na kami dahil sa sapa kaya binuhat niya ako at dinala sa pinakadulo kung saan may malaking bato. Mahina akong akong napasinghap ng isandal niya ako roon at tinuloy ang naudlot na halik naming dalawa.

Mainit. Agresibo. At nakakapanghina 'yon. Dahil madilim at wala namang nakakakita sa amin ay mabilis niya lang ako nahubaran. Nang matapos ako ay sinunod niya ang kanyang sarili. Hindi ko alam pero nasasabik ako sa mangyayari sa amin ngayon. Nasasabik na naman ang aking katawan dahil may mangyayari na ulit sa amin, lalo na at dito pa sa labas.

Kampante ako na walang makakakita sa amin kaya ayos lang.

Muli niya na naman akong inangkin na imbis magpahinga kami sa taas. Napuno ng halinghing ang aming pwesto, hindi alintana na may makarinig man lang sa amin.

"Steven," mahina kong tawag sa kanyang ngalan, napatingala ako at hinahabol ang aking hininga.

Paulit ulit ang kanyang pag angkin sa akin dito sa sapa, nakasandal sa malaking bato at halos malukot ang mukha dahil sa kakaibang sensayong nararamdaman.

At ang gabi na ito ay nabalot ng mahinang halinghing ko, daing ni Steven at ang mga pangalan namin na paulit ulit na sinasambit ngayon gabi.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top