CHAPTER 11
CHAPTER 11
WALA NA NAMAN SIYA sa aking tabi ng magising ako. Hindi maganda ang kundisyon ng aking katawan ngayon, ang baywang ko ay sobrang sakit lalo na ang bagay na sa pagitan ng aking hita. Masyado yata kaming napasobra kagabi.
Napahawak ako sa aking baywang ng sinubukan kong tumayo galing sa pagkakahiga. Nakabihis na ako ng pantulog na puting dress, nakasout na rin ako ng underwear na sa tingin ko ay si Steven ang nagbihis sa akin. Napahilamos na lang ako sa aking mukha at umangat ang tingin sa wall clock na kakalagay ko lang nung isang araw.
Nanlaki ang aking mata ng makitang late na ako sa dapat na oras na pagtatrabaho ko sa bukid. Kahit nananakit ang aking katawan at paika-ika pa ay nagawa ko pa rin maligo ng mabilisan sa sapa at nagbihis na.
Paika ika akong naglakad papunta sa bukid kung saan kami magtatanim ng palay kasama si Ate Rica, Ate Mae, at Ate Pia. Palang ay tanaw ko na sila kaya mas binilisan ko ang aking pagtakbo.
"Akala ko hindi ka makakapunta ngayon, Lilianna," sambit ni Ate Rica ng makarating ako sa kanilang pwesto.
Parehas na tumigil si Ate Mae at Ate Pia sa kanilang ginagawa.
"Pasensya na po, medyo napuyat lang po ako kagabi hindi ako maaga nagising," sagot ko habang hinihingal sa kanilang harapan.
Napalingon ako ng biglang tumalikod si Ate Mae at nagsimula sa pagtatanim. Hindi pa nga ako nagsisimula at puro pawis na ang aking mukha. Bigla siyang nagsalita habang abala sa kanyang ginagawa.
"Sino kaya ang nag mala cinderella kagabi at may pa grand exit pa. Parang hinabol pa yata ng prince charming at hindi man lang nabanggit sa amin," pagpaparinig ni Ate Mae.
Napalunok ako ng sulyapan niya ako bago ituon ang pansin sa palay.
Napabuntong hininga ako. "Nakalimutan ko pong magpaalam sainyo kasi maabutan na po—"
"Ng prince charming mo?" pagputol ni Ate Mae sa aking sinabi.
Napanguso ako dahil sa kanyang sinabi. Nang aasar na naman siya ngayon. Tinuwid niya ang kanyang katawan at nilapitan ako. Nakahalukipkip siya at naglakad malapit sa akin.
"Bakit ka umiyak, Lili? Alam mo bang nag-alala kaming tatlo sa 'yo," malumanay na tanong sa akin ni Ate Pia at hinawakan ang aking kamay.
Si Ate Rica naman ay hinawakan ang aking braso at hinimas pa 'yon.
"Balak ka pa naman sana namin sundan kasi gabi na at madilim na rin sa kalsada kaso nakita namin si Steven na hinahabol ka. Medyo naguguluhan lang kami sa nangyayari," pag singit ni Ate Rica.
"Akala ko nga hindi ka okay kasi umiiyak ka kagabi kaya inaasahan ko na rin na hindi ka makakapasok," wika ni Ate Mae. "Ano ba talagang nangyari?" tanong niya.
Tipid ko silang ningitian at napakamot nalang sa aking ulo. Hindi ako makapagsalita at sa tingin ko ay hindi rin sila titigil hangga't hindi ako nagsasalita.
"Nung nagpaalam ako sainyo na magbabanyo lang ako, naglibot pa ako sa mansyon nila Steven," pagkukwento ko. Mukhang interesado naman sila sa aking sinasabi kaya hinila ako paupo sa lapag kasama sila.
"Oh, tapos? Tuloy mo na nabibitin ako," pagmamamdali ni Ate Mae.
Napailing na lang ako at tinuloy ang aking kuwento.
"Yung nilabasan nila Steven atsaka nung babae na kasama niya sa pasilyo pumasok ako roon. Hanggang sa mapunta ako sa silid aklatan. Alam niyo naman po na may kahiligan din ako sa pagbabasa kaya pumasok ako. At ayon nakita ko sila na nag halikan—"
"Ha!?" biglang sambit ni Ate Mae.
Agad siyang mahinang napadaing ng nabatukan siya ni Ate Rae at Ate Pia.
"Excited ka mayasdo, Mae," wika ni Ate Pia.
"Hindi pa nga tapos si Lilianna mag salita, eh," dugtong ni Ate Rica.
Mahina akong natawa at napailing. Napakamot na lang tuloy si Ate Mae at sinimangutan kaming tatlo.
"Masakit 'yon, ah!" reklamo nito. "Oh, sige ano na ang sunod, Lili."
"Tapos umiyak ako no'n. Kasi nasaktan at nagselos ako sa nakita ko," pagtutuloy ko. Unti unti na naman nabago ang mood ko dahil naalala ko na naman 'yon. "Nakita rin ako ni Steven na nakita ko silang dalawa nung babae kaya tumakbo ako, tapos narinig ko na tinawag niya pangalan ko kasi hinahabol niya ako at doon ko na nakabangaan si Ate Pia.
Nakita ko na kumunot ang noo ni Ate Mae. "Teka nga naguguluhan ako, ah. Ang weird lang naman kasi, kahapon lang siya nakarating sa Cierra tapos may ganoon na agad na eksena sainyong dalawa? Umiyak ka kasi nakita mo silang dalawa kasama yung babae niya tapos nagkiss? Pagkatapos no'n, ng makita ka niya at tumakbo ka hinabol ka niya?" paguulit nito.
"O-oo," nauutal kong tugon at kinakabahan.
Naningkit ang kanyang mata at pumitik sa ere. Hindi nakapagsalita si Ate Rica at Ate Pia, nakinig na lang silang dalawa sa amin ni Ate Mae.
"Ikuwento mo na habang nandito ka pa, Lilianna. Alam kong may iba pa 'yan, eh. May nararamdaman akong bukod lang diyan ang nangyari, eh," wika nito.
Napapikit na lang ako at alanganin na ngumiti sa kanya. Mukhang wala na akong takas sa kanila.
"Ilang araw na kaming nagkikita ni Steven," pag-amin ko sa kanila.
"Ano!? Kailan pa?" sabay nilang tatlong wika dahil sa pagkabigla.
Yumuko ako at pinaglaruan ang aking daliri dahil sa hiya.
"Yung araw na sinabihan ako ni Ate Mae na namamaga yung labi ko," sagot ko.
"Tumpak! Sabi na eh. Tama lang talaga kutob ko," usal ni Ate Mae at parang proud pa.
Imbis na magtanim kami ngayon ay inuna pa namin ang pag-uusap. May sout naman kaming nipa na sumbrero kaya hindi rin kami maiinitan ng sobra.
"Si Steven gumawa no'n sa 'yo, Lili? Siya ang humalik sa 'yo kaya namaga ang labi mo no'n?" tanong sa akin ni Ate Rica.
Dahan dahan akong tumango habang nakayuko. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Ate Pia at hinimas ang aking likod.
"Opo," tugon ko.
"Hindi na ako mabibigla kung maaga ko lang nalaman na si Steven gumawa no'n kay Lili. Sa mukha niya pa lang parang halimaw na humalik, eh. Paano pa kaya kapag sa kama na—"
"Ate!" pagputol ko sa kanyang sinabi. "Bakit mo sinasabi 'yan?"
Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng aking mukha. Ang bilis din ng pagtibok ng aking puso dahil pumasok na naman sa aking isipan ang mainit na pagtatalik naming dalawa. Hanggang ngayon nga ay ang mainit nitong haplos sa aking katawan at ang kanyang kamay ay ramdam na ramdam ko pa rin sa aking sarili.
"Oh, bakit ganyan ang reaksyon mo? Sa tingin ko lang naman 'yon, Lilianna. Kung makapagreact ka naman akala mo may nangyari na sainyo," tugon nito at mahinang hinampas ang aking hita.
Hindi ko na napigilan ang sarili na takpan ang aking mukha dahil sa pagkahiya. Namayani ang katahimikan at malakas na ihip ng hangin lang ang aming naririnig sa pwesto namin.
"Omg, ka!" dinig kong wika ni Ate Rica.
Nawala ang dalawang palad na nagsisilbing takip sa aking mukha ng may humawak no'n. Nang makita ko kung sino 'yon ay si Ate Mae 'yon na nanlalaki ang mata sa akin, na akala mo ay may narealize ito dahil sa aking naging reaksyon.
"Huwag mong sabihin na may nangyari na sa inyo nung hinabol ka niya kaya ganyan ang naging reaksyon mo sa sinabi ko!?" malakas nitong tanong sa akin. "Nag-sex kayo kagabi!?" halos hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
"Ate Mae!" awat ko sa kanya, ramdam ko ang pag init ng aking pisngi. Humaba ang aking nguso at humalukipkip. "Ang daming puwedeng gamiting salita bakit 'yan pa," reklamo ko.
"Anak ng, totoo nga," napanganga siya sa kanyang sinabi at napahawak pa bibig. "May nangyari nga talaga sainyo."
Napakurap pa siya ng ilang beses habang nakatingin sa akin. Tinignan niya ako simula ulo hanggang paa. Ilang beses niya pa 'yon inulit bago bumalik sa kanyang kinauupuan kanina.
"Masakit?" wala sa sariling tanong niya sa akin.
"Gaga! Natural masakit dahil una niya 'yon," wika ni Ate Rica at nahampas pa si Ate Mae.
"Parang hindi naman halata sa kanya na nasaktan siya," wika ni Ate Mae habang nakatingin sa akin.
"Masakit po siya mga ate," pag-amin ko.
"Oh no, ang baby natin!" lumapit si Ate Mae sa akin at niyakap ako.
Hindi pa rin yata niya tanggap ang nangyari sa akin.
"Lili, sinabihan kana ni Rica na magpakipot ka muna. Baka masyadong maging kampante 'yang si Steven kasi mabilis kang bumigay sa kanya," pagsingit ni Ate Pia.
"Ako po una humalik sa kanya nung unang pagkikita namin sa treehouse," sagot ko.
Naestatwa sila sa aking sinabi. Ramdam ko pa ang paninigas saglit ni Ate Mae, inalis na niya ang pagkakayakap sa akin at tinignan ako ng maigi.
"Ay, magaling ka rin pala," wika ni Ate Mae. sinulyapan niya si Ate Rica at Ate Pia. "Sino nag turo sa kanya ng ganyan? Umamin na kayong dalawa."
"Bakit ako aamin eh hindi naman ako," tugon ni Ate Rica.
"Mas lalo naman ako," sagot ni Ate Pia.
"Ate, nagtuturuan pa po kayo. Gusto ko po 'yon, parehas naming ginusto ni Steven yung nangyari rin kagabi," sambit ko. "Hindi niyo na rin ako aasarin na bawal magselos dahil kami na," hindi ko napigilan na ngumiti sa aking sinabi.
Nagkatinginan silang tatlo at napailing na lang. Sabay sabay silang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Nasaan na 'yang si Steven na 'yan? Grabe ang bilis gumalaw no'n, ah. Hindi natin napansin pero may kutob na talaga ako, eh," tanong ni Ate Mae.
"Ang dami mo pang satsat, Mae. maging masaya ka na lang kaya para kay Lilianna," pagsingit ni Ate Rica.
Ngumiti ako at niyakap sila ng mahigpit. Hindi na nagsalita si Ate Pia at nakikitawa na lang dahil sa nangyayari sa amin.
"Pero last na, nasaan ba talaga 'yon?" tanong ni Ate Mae.
Nagkibit balikat ako. "Hindi ko po alam, Ate Mae. nagising na lang ako kanina wala na siya sa tabi ko," mahina kong tugon dahil nalulungkot din ako dahil inaasahan ko na katabi ko pa rin ito sa pag gising ko.
"Anak ng ano 'yon, ginagawa ka lang parausan!?" reklamo nito, "Nasaan ang after care!? Dapat kapag nagising ka sa umaga naglalambingan pa rin kayo!"
Kulang na lang ay umusok ang kanyang ilong.
Dahil sa kanyang tanong ay napaisip din ako. Hindi ko rin nabanggit sa kanya ang tungkol doon. Gusto kong malaman kung saan din ito palagi napunta kapag umaalis siya sa treehouse kinabukasan. Gusto ko pa naman maranasan na mag-almusal kasama siya pero hindi 'yon nangyayari dahil wala na agad siya sa aking tabi.
Nang matapos namin ang aming pagkukuwentuhan ay nagsimula na agad kami sa pagtatanim hanggang sa matapos na.
PAGOD NA NAGLAKAD AKO patungo sa treehouse. Pababa na ang araw at nakikita ko na rin ang pag akyat ng buwan. Habang naglalakad ay napatigil ako ng makita si Tita. nakaangat ang kanyang tingin habang iniexpeksyon ang treehouse.
Nakahalakupkip ito at namasid sa bahay na nasa taas ng puno. Bumilis ang tibok ng aking puso at nilapitan siya.
"Tita, ano pong kailangan niyo?" tanong ko ng makalapit.
Agad siyang natigilan ng makita ako. Seryoso ang kanyang mukha na naglakad patungo sa akin habang nakahalukipkip.
"Hindi ko alam na nakatira ka pala rito, Lili," sambit nito ng makalapit sa akin.
"Ngayon ay alam niyo na po," tugon ko.
Umangat ang gilid ng kanyang labi. "Pilosopo ka rin pala 'no," natatawa niyang wika.
Mabilis ang tibok ng aking puso, hindi maganda ang kutob ko sa mangyayari ngayong gabi. Gustong gusto ko na rin magpahinga dahil masama ang aking pakiramdaman.
"Baka naman po pati ito aangkinin niyo rin, Tita? Nananahimik na po ako rito at hindi ko kayo napeperwisyo simula ng umalis ako sa bahay niyo," seryoso kong wika.
Mahina siyang natawa at tinaas ang kanyang kamay. Lumabas ang tatlong lalaki sa gilid ng malaking puno malapit sa entrada bago makapasok sa mismong lugar kung saan kami naka pwesto.
"Buti alam mo. makakaalis kana rin pala rito, Lili. At nagbabalak ako na patayuan ng kulungan ng mga baboy ang pwesto rito para sa negosyo ko," wika niya na ikinakunot ng aking noo. "Pakikuha mga gamit niya sa taas at simulan niyo na rin gibain 'yan bahay na 'yan," utos niya sa mga lalake na naglalakihan ang katawan.
"Hindi!" sigaw ko. "Itigil niyo 'yan!" muli kong sigaw. "Gumagawa ka lang po ng paraan para mapaalis ako rito 'no? Paanong makakagawa ka ng kulungan ng baboy rito, eh ang layo nito sa mismong bahay niyo na inangkin din sa akin!" sigaw ko.
"Kung makapagsalita ka ng inangkin akala mo naman nanggaling talaga sa 'yo 'yon! Hindi ka pa ba nakakaramdam sa gusto kong iparating, ha! Lumayas kana dito ay bumalik kana kung saan nanggaling ang ina mo!" sigaw niya pabalik sa akin.
Nanlalabo na ang aking mata dahil sa walang tigil na pagtulo ng aking luha pababa sa pinsgi. Hindi ko pinansin si tita at sumugod ako sa mga lalake na akmang aakyat sa taas pero hinarang ko ang aking sarili. Hindi ko na napigilan na lumuha sa kanilang harapan. Hindi ako papayag na sirain nila 'to, malaki ang parte nitong treehouse sa akin dahil simula bata pa lang ako ay meron na ako nito.
At si papa pa ang gumawa no'n. Kung sisirain nila 'yon ay parang pinatay na rin nila si papa.
Ang isang maton na lalake ay basta na lang akong hinawi kaya napasalampak ako sa sahig. Kinuyom ko ang aking kamao at sinugod sila. Hinila ko ang damit na sout nito para hindi siya tuluyang makaakyat sa taas pero malakas niya akong tinulak kaya tumalsik ako sa sahig.
Nanlaki ang aking mata ng makitang nakapasok na silang tatlo sa taas. Wala akong magawa dahil malaki ang kanilang katawan samantala ako ay maliit lang. Susundan ko na sana sila ng may humiklat sa aking braso, sobrang higpit na sa tingin ko ay magiiwan 'yon ng pasa.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo! Gusto mo ng nasasaktan ka, Lili? Parehas talaga kayo ng ina mo, 'no? Parehas na matigas ang ulo niyong dalawa!"
SHANGPU
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top