CHAPTER 1

CHAPTER 1

TILAOK NG MANOK ANG nakapagpagising sa akin ngayong umaga. Gano'n naman palagi ang aking naririnig kaya wala ng nagbago ro'n. Bumangon na ako sa kama at dumiretso sa labas ng kwarto. Sinalubong ako ng tahimik na sala, mga huni ng ibon ang aking naririnig sa labas ng bahay.

Mag-isa na lang ako ngayon at wala ng kasamang magulang dahil namatay na si mama noong pinanganak ako. Habang si papa naman ay apat na taon ng patay dahil sa sakit na tubeculosis.

Mahina akong kumakanta at nagtungo sa bintana para buksan ito. Sumilay ang ngiti sa aking labi ng makita ang araw, hindi masakit ang sikat ng araw dahil maaga pa. Sumalubong sa akin ang malakas na hangin at napapikit ng sayawin ang aking mahaba, itim at maalon kong buhok.

"Maganda umaga po, mama," mahina at malumanay ang aking boses at dinako naman ang tingin sa litrato ni papa. "Magandang umaga po, papa."

Hinaplos ko ang litrato nilang dalawa at nilagay sa aking dibdib, nagkukunwari na kayakap ko ito. Nilapag ko na 'yon sa altar at nagtungo sa aking kwarto para kumuha ng tuwalya para makaligo na ako.

Nang mamatay si papa ay hetong bahay na tinitirhan ko ngayon ang naiwan niya sa akin. Mahirap ang buhay namin dito pero nasusurvive ko naman. At saka hindi ko sinisisi si papa kung bakit ganito ang estado ng buhay namin ngayon dahil nakikita ko na nagsusumikap siyang mabigyan ako ng maayos na buhay.

Simpleng itim na longsleeve ang sout ko at mahabang manipis na jogger pants ang sout ko. Hindi ko na nga alam kung pants pa ba ito o manipis na pajama dahil sa kalumaan. Pupunta ako ngayon sa bukid para mag tanim ng palay. Ito ngayon ang trabaho ko para may pang gastos araw araw.

"Lilianna!"

Umangat ang aking ulo habang nakatingin sa babae na kumakaway. Medyo malayo ito pero nakikita ko naman siya. Halos magkaparehas lang kami ng sout dahil mabababad kami sa ilalim ng araw. Habang hawak ang nipa na kalo sa kanan na kamay, umangat ang aking kaliwang kamay para kawayan ito pabalik.

"Bilisan mo para matapos na tayo agad dito!" sigaw niya.

"Sige po!" sigaw ko.

Gumuhit ang ngiti sa aking labi at lakad takbong nagtungo sa kanilang pwesto. Karamihan doon ay may mga asawa na at nagtatanim lang ng mga palay para sa pampalipas ng oras, syempre pang dagdag gastos din habang hindi pa sumasahod ang asawa nila.

"Magandang umaga po," magalang kong bati sa kanila.

Sabay sabay na sumilay ang ngiti sa kanilang labi ng makita ako.

"Magandang umaga rin, Lilianna. Nakapag almusal kana ba?" tanong ni Ate Rica, siya ang tumawag sa akin kanina at siya rin ang pinaka matanda rito. Pitong taon lang ang agwat ng edad niya sa akin, pero minsan ay halos kasing edad ko lang siya kung makisama sa amin.

Umiling ako at alanganin na ngumiti sa kanila. "Ay hindi po. Dumiretso po kasi agad ako rito pagkatapos ko maligo," tugon ko habang nakatingin sa kanila.

Parehas na niningkit ang aming mata dahil sa sikat ng araw. Pinatong ko na sa aking ulo ang nipa na kalo at ganoon din sila. Malawak ang bukirin kung saan kami nakatapak ngayon pero may isang partikular na pwesto ng isang bukirin lang kami dapat magtanim.

"Ikaw talagang bata ka," dinig kong wika ni Ate Rica. May kinuha siyang pagkain sa dala nitong basket. Nang mailabas niya kung ano 'yon, isang muron pala. "Heto at kainin mo muna 'to bago tayo mag simula. Pasensya kana at 'yan ang natirang muron na ginawa ko kagabi dahil may customer akong nagpaluto ng ganyan. Na sobrahan ng tatlo kaya dinala ko na lang."

Nakangiting tinanggap ko 'yon at mabilis na binuksan. Agad naman nanubig ang aking bangag ng makita 'yon. Sa hitsura pa lang ang sarap na.

"Maraming salamat po, Ate Rica," pagpapasalamat ko at kinain na 'yon.

Ang natirang dalawa ay binigay niya kay Ate Mae at Ate Pia. 33 years old na si Ate Rica at Ate Mae, itong si Ate Pia ay mas bata lang ng isang taon kela Ate Rica at Ate Mae. Nagpasilong muna kami sa ilalim ng puno ng alatiris para ubusin ang pagkain ng makapagsimula na kami sa pagtatanim ng palay.

"Kung nauuhaw kayo may dala akong tubig. Kumuha ka na lang kayo rito, ah," tinuro ni Ate Pia ang tubigan na nasa gilid niya habang ngumunguya ng muron.

"Salamat, Ate Pia," wika ko habang kumakain.

Kaming apat lang ang nandito dahil mamayang tanghali ay pupunta naman ang magsasaka rito. Sadyang nauna lang kami para tapusin ang trabaho namin dito.

Narinig ko pa ang pinaguusapan nila Ate Mae at Ate Rica sa gilid pero hindi na kami sumali ni Ate Pia. Nakinig na lang kami sa pinaguusapan namin.

"May dala ka bang panali ng buhok, Lilianna?" dinig kong wika sa akin ni Ate Rica.

Nahihiyang napakamot ako sa aking ulo at tinignan siya.

"Hindi po. Sorry, nakalimutan ko sa pagmamadali," mahina kong wika.

Tinapik ako ni Ate Pia sa balikat para iparating na ayos lang. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa sa akin ni Ate Mae at naupo sa aking tabi. Siniksik na nilang dalawa ako ni Ate Pia habang si Ate Rica ay nasa aking likuran.

"Ako may dalang extrang panali huwag kang mag-alala," nakangiting wika ni Ate Pia.

"Salamat po," tugon ko.

Nang matapos kong ubusin ang muron ay tinapon ko 'yon sa dala naming basurahan na plastic. Mahina akong napahagikhik dahil sinisimulan na ni Ate Rica na tirintasin ang mahaba, itim at maalon kong buhok. Hilig nilang gawin 'yon sa akin buhok bago kami mag tanim para raw hindi sagabal sa gagawin ko.

"Ang ganda mo talaga, Lilianna. Wala ka bang manliligaw sa baryo natin?" biglang tanong ni Ate Pia.

Wala sa sariling napalingon ako sa kanya dahil sa sinabi nito. Si Ate Mae naman ay tinutulungan si Ate Rica sa pag ayos ng aking buhok.

Umiling ako. "Wala po, Ate Pia," tugon ko.

"Ay sus. Bakit naman? Ganda ganda mong babae, Lilianna. Para kang anghel kung alam mo lang. Ang nipis ng katawan mo, at pakorteng puso pa ang shape ng mukha mo," pagpuri sa akin ni Ate Rica.

Parang gusto ko na lang maglaho ng parang bula dahil sa mga pinagsasabi nila. Hindi ako sanay na pinupuri ako, naiilang ako at naninibago.

Nakita ko na tumango tango pa si Ate Pia at ngumiti. "At nagmumukha kang inosente dahil sa mga mata mo. Ano nga ba ang tawag doon?" kumunot ang noo ni Ate Pia at sa kalaunan ay napaturo sa akin. "Doe eyes! Mas lalo kang naging inosente dahil doon."

"Mga ate hindi ako sanay sa mga puri niyo kaya tigilan niyo na,"nahihiya kong wika.

Napuno ng tawanan ang aming pwesto at niyakap ako.

"Inosente naman talaga itong si Lilianna, Pia," sambit ni Ate Mae at tinignan ako. "Wala rin siyang naging boyfriend since birth, tama ba?"

Dahan dahan akong tumango. "Opo."

"Oh 'di ba. Siya lang ang inosente rito," wika ni Ate Mae.

"Kailan ka ba magkaka boyfriend, Lilianna?" tanong ni Ate Rica habang abala sa aking buhok. "Bente sais na ang edad mo wala kang balak mag asawa?"

"Hindi ko po alam, Ate. Masaya naman po ako sa ganap ko ngayon. Kaya hindi pa naman ako naghahanap ng katuwang sa buhay. At saka hindi ko rin masasabi kung magkaka-boyfriend ba talaga ako o hindi," tugon ko.

Napantig ang aking tenga ng makarinig ng mahinang tunog ng sampal. Si Ate Mae pala 'yon at mahinang sinampal ang braso ni Ate Rica na ngayon ay abala parin sa pagtitirintas ng aking buhok. Mahina tuloy natawa si Ate Pia dahil sa ginawa ni Ate Mae.

"Gaga ka talaga, Rica. Pinipressure mo yung bata," wika ni Ate Mae.

"Nagtatanong lang naman, eh," Ate Rica.

"Kaya ayaw mag nobyo ni Lilianna kasi may hinihintay 'yan dito," wika ni Ate Pia sa pangaasar na tono.

Agad naman akong napatingin sa kanyang pwesto dahil sa sinabi nito. Mukhang gusto rin malaman ni Ate Mae at Ate Rica kung sino 'yon kaya alam ko ang atensyon nila ay napunta rin kay Ate Pia.

"Weh?" tila hindi makapaniwalang tanong ni Ate Mae.

"Sino?" tanong ni Ate Rica.

Nanunudyong tumingin sa akin si Ate Pia habang ako naman ay namumula na ang aking pisngi dahil kilala ko kung sino ang tinutukoy nito. Sa kanya ko lang naman nababanggit sa kanya ang lalaki na 'yon at paminsan minsan ay kela Ate Rica at Ate Mae rin.

"Sino pa nga ba? Yung apo ng kapitan nitong Cierra, si Steven," tugon ni Ate Pia na may pangaasar na ngiti sa aking labi ng masulyapan ako.

Naramdaman ko ang pangiinit ng aking pisngi sa sinabi nito. Wala na nabuking na ako!

"Ate!" nahihiya kong sambit sa kanya.

Narinig ko ang mahinang pag singhap nila Ate Rica at Ate Mae. mukhang tapos na siya sa pag aayos ng aking buhok kaya parehas silang dalawa na nagtungo sa aking harapan.

"Totoo ba, Lilianna?" tanong ni Ate Rica.

Dahan dahan akong tumango at narinig ang mga tilian nilang dalawa. Nakisama na rin si Ate Pia. mahina akong napadaing ng sabay sabay nila akong yakapin ng mahigpit.

"Grabe dalaga na ang baby namin," wika ni Ate Rica at parang naiiyak pa.

Hindi ko tuloy maiwasan na matawa sa sinabi nito. Nag iinarte na siya na malaki na raw ako at nagkakagusto na ako.

"Malaki na ako ate. At saka matagal ko na rin siya gusto 'no," mahina kong wika at nahihiya pa.

Narinig ko ang malakas na hampas ni Ate Mae kay Ate Rica sa sobrang saya na naramdaman. Napailing na lang si Ate Pia at nakinig sa usapan namin.

"Ano ba! Ang sakit na nga ng katawan ko lalo mo pang papasakitin," reklamo ni Ate Rica.

"Bakit po masakit, ate?" tanong ko. "Gusto mo pa ba na hilutin ko 'yan? Marunong po ako maghilot," nagaalala kong sambit.

Umiling si Ate Mae bago magsalita. "Huwag na, Lilianna. Paanong hindi sasakit katawan niyan eh masyadong nagpakasasa kasama ang mister niya kagabi. 'Yan ang kapalit niyan," paninisi nito. "Masyado kayong mapusok."

Agad ko namang naintindihan ang ibig nitong sabihin. Nakipagtalik si Ate Rica sa kaniyang asawa kagabi kaya masakit ang katawan nito.

"Anong magagawa ko eh parehas din naman naming gusto? At saka hindi ako makatanggi ang sarap kasi," humagikhik pa si Ate Rica sa bandang dulo. "Pinagbigyan ko na rin kasi mag stay in na ulit 'yon sa trabaho niya."

Para na akong sasabog dito dahil sa kanilang mga sinasabi. Alam kong namumula na ako ng sobra kahit hindi nila sabihin, partida nakasilong pa kami sa ilalim ng puno.

Nakatakip na ako sa aking tenga dahil hindi ko kinakaya ang kanilang mga sinasabi.

"Tama na nga 'yan mukha ng kamatis 'tong kasama natin," pag aawat ni Ate Pia.

Agad naman silang tumigil kaya tumayo na ako dahil tapos naman na ang aming ginagawa rito. Ang aking buhok ay nakatirintas sa dalawang bahagi. Nakatakip pa rin ang aking tenga habang nakatayo. Parang umaalingaw ngaw pa yata ang mga boses nila.

"Pero ang swerte mo ro'n, Lilianna kung magiging kayo," nakangiting wika ni Ate Mae.

Naglalakad na kaming apat patungo sa bukid. Dahil nauna akong naglakad hindi nila nakita ang pagsilay ng ngiti sa aking labi.

"Kaya nga!" pagsang ayon ni Ate Rica. "Balita ko may lahi 'yon, ah. 'Di ba kapag may mga lahi malaki sila."

"Malaki ang alin?" naguguluhang tanong ni Ate Mae.

Kahit ako hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin.

Pinanood namin ang sunod nitong ginawa. Tinuro niya ang ibabang parte nito habang naglalakad kami. Nanlaki naman ang aking mata at napaiwas ng tingin dahil do'n. Mabilis ang aking lakad dahil ayaw kong ipakita na namumula ang aking pisngi.

"Mga tumatakbo talaga sa isip mo, Rica. Sarap mong yantukin," wika ni Ate Mae.

Mabilis nila akong nahabol sa paglalakad kaya naririnig ko na namang ang pinaguusapan nito. Gano'n pa rin ang topic kaya nilingon ko sila habang nakahalukipkip. Parehas na natigilan silang tatlo sa aking hitsura. Nakakunot ang noo sa kanila.

"Ate Rica, hindi magandang pag-pantasyahan mo ang ibang lalake bukod sa asawa mo," may bahid na inis kong sambit sa kanya. "Ano na lang masasabi ng asawa mo kung narinig niya ang sinasabi mo tungkol kay Steven?" naiinis kong wika habang nakahalukipkip.

"Hindi naman pagpapantasya—"

"Magsasalita ka pa kasi. Nagseselos tuloy 'tong si Lilianna. Itigil mo na 'yan!" awat ni Ate Mae.

"Sorry, Lili. Hindi na mauulit," paghingi ng paumanhin ni Ate Rica.

Tumango ako at napabuntong hininga. Hindi ko alam pero sa tingin ko tama ang sinabi ni Ate Mae. Nagseselos ako dahil naririnig ko ang sinasabi nila tungkol kay Steven. Parang meron nagsasalita sa aking isipan na ako lang may karapatan na mag-isip ng ganoong bagay sa kanya at wala ng iba. Napailing na lang ako sa aking iniisip.

Nababaliw na yata ako.

"Tinatanggap ko na po ang sorry mo, Ate Rica," wika ko at ningitian siya.

Nakita ko na parang nabunutan ito ng tinik sa aking sinabi. Ganoon din sila Ate Pia at Ate Mae. Siguro ay ngayon lang nila ako nakitang parang naiinis.

Tumalikod na ako at nauna ng maglakad dahil nakikita ko na ang pwesto na pagtataniman namin ng palay. Pero bago pa ako makalayo sa kanila ay narinig ko ang sinabi ni Ate Pia na ikinatigil ko.

"Alam mo na ba ang bulong bulungan dito sa Cierra, Lili? Naririnig ko kasi na uuwi na raw si Steven," wika ni Ate Pia.

SHANGPU

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top