CHAPTER 9

NANG MATAPOS si Sheena sa pagkain ay kaagad niyang hinugasan ang mga ginamit nilang pinggan. Sa sobrang kalandian ng kaniyang ama ay nakalimutan na yata ng kaniyang Yaya Minda na may huhugasan pa ito. Linggo kaya day off ng ibang kasambahay nila. Tanging ang Yaya niya lang ang nag-stay in sa bahay nila dahil wala namang uuwian ito, saka sa probinsiya pa ang tahanan niyo. Hindi katulad sa iba nilang kasambahay na medyo malapit lang sa bahay nila.

Pagkatapos niya sa kaniyang ginagawa ay kaagad na niyang pinunasan ang kaniyang kamay saka lumabas na sa kusina. Pagkarating niya sa sala ay nakita niya kaagad ang panlalandi ng kaniyang ama sa Yaya Minda niya kaya tumikhim siya. Mabilis na tinanggal ng kaniyang ama ang pagkaka-akbay nito sa Yaya niya. Nakita niya naman ang pumumula ng pisngi ng kaniyang Yaya.

Deep inside Sheena was kept on chuckling. She found them cute.

“Nga pala, ’nak, it’s Sunday. It’s our time for God. Let’s go to the church; I think the mass has already started.” Her father’s attention was still on her Nanny who was still blushing.

“Mabuti pa nga, Dad. It’s been weeks since we went to the church. You’re always busy and I’m too lazy to go to church and listen to priest sermons,” she retorted.

“So let’s go.” Nakita ni Sheena ang pasimpleng paghawak ng kaniyang ama sa kamay ng kaniyang Yaya Minda pero kaagad naman nitong hinawi ang malikot na kamay ng kaniyang ama. Palihim na ngumiti na lamang ang dalaga.

“Hindi pa ako naliligo, Dad, as well as Yaya Minda,” she uttered.

“You still look presentable, Princess. You don’t have to wear something elegant. Simbahan ang pupuntahan natin, hindi party.” Napangiwi na lamang si Sheena dahil sa pinagsasabi ng kaniyang ama.

“I won’t wear an elegant dress, naman, Dad. I’ll just change my clothes and wear pants,” she explained.

Lumilikot na naman ang kamay ng kaniyang ama kaya lumayo nang kaunti ang kaniyang Yaya Minda rito.

“Papalit din ako.” With that, Minda walked quickly to her room in the maid's quarter.

Nang tingnan ng dalaga ang kaniyang ama, nakasimangot ito na para bang nalugi ito. Hindi niya na ito kinausap pa. Nagmadali na siyang umakyat sa kuwarto niya, nang sa ganoon ay makapalit na siya ng damit.

“Si Daddy naman kasi eh. Hindi tuloy ako makakaligo. Sisimba nang walang ligo. Hayst!” umiiling-iling na aniya.

Nagmadali na siyang magbihis. Pinili niya na lamang ang isang itim na pantalon saka puting t-shirt. Kung tutuusin ay ang simple lang ng suot niya pero ang lakas pa rin ng kaniyang dating.

Naglagay siya nang kaunting lipstick at naglagay ng concealer. Nagsalamin siya, pagkatapos ay lumabas na sa kaniyang kuwarto at bumaba sa hagdan.

Napatakip siya sa kaniyang bibig at ang mata niya ay nanlalaki nang makita niya ang kaniyang Yaya Minda at ama na naghahalikan. Hindi iyon mabilis at hindi rin mapusok. Mabagal lamang na gumagalaw ang labi ng mga nito.

She found it romantic.

Saka lang siya tuluyang bumaba sa hagdan nang maghiwalay ang mga labi ng ama at ni Yaya Minda.

“Let’s go na, Dad. Baka matapos na ang misa, hindi na tayo makasimba niyan,” she said.

“Mabuti pa nga. Para mapaliguan ang isa riyan ng holy water.” Umikot ang mata ng kaniyang Yaya Minda samantalang ang kaniyang ama ay pa-chuckle-chuckle lang.

“Let’s go,” her father retorted, still chuckling.

Yaya Minda and Sheena nodded synchronizedly. They started walking out of their house. When they finally went outside, her father locked the door.

“You two, open the gate and wait me outside. Ako na lang ang pupunta sa garage to pick the car we will going to use.” Sheena nodded, as well as Yaya Minda, who made her father smile.

Wala nang sinayang na oras pa sina Sheena at Yaya Minda, kaagad na silang naglakad papunta sa gate. Nang marating ay kaagad na nila iyong binuksan. Nang matapos ay lumabas na sila. Ilang saglit pa ay nakalabas na rin ang kaniyang ama na lulan ng kanilang bagong Honda S200.

Binuksan nito ang windshield. “Hop in you two,” her father said in a baritone voice.

Bago sila sumakay ay isinara muna nilang dalawa ang gate. Pagkatapos ay kaagad na silang sumakay sa kotse. Si Sheena na ang umupo sa backseat at si Yaya Minda ay sa katabi ng driver’s seat. Nag-aalangan pa nga ito pero wala nang nagawa nang nagsalita na ang kaniyang ama.

At nagsimula na ngang paandarin ng kaniyang ama ang kotse. Hindi naman gaano kalayuan ang simbahan na kanilang sinisimbahan kaya ilang minuto lang ay nakarating na sila roon. Ipinark na lamang ng kaniyang ama sa tabi ang kanilang kotse. Pagkatapos ay sabay-sabay na silang bumaba rito at naglakad papasok sa simbahan.

Nang makapasok sila sa loob ay kaagad na silang umupo sa bakante pang upuan sa pinakalikod. Saktong pagkaupo nila ay oras na sa pagkanta ng Ama Namin kaya kahit kakaupo lang nila ay tumayo sila para sumabay sa pag-awit. Pagkatapos noon ay nagsermon muli ang pare na taimtim nilang pinakinggan na may kasamang taimtim na pagdarasal.

Nang matapos ang misa ay kaagad na silang lumabas sa simbahan. Sumakay silang muli sa kanilang kotse at nilibot ang lugar.

Nag-aya si Yaya Minda na mamalengke dahil Linggo naman kaya huminto sila sa pamilihang bayan at nagsimula nang mamalengke. Pagkatapos ay inilagay nila iyon sa likod ng kotse. Pumasok na rin sila roon at nagsimula iyong paandarin ng ama ni Sheena pauwi.

Habang lulan ng kotse, napansin ni Sheena ang kaliwang kamay ng kaniyang ama na dahan-dahang dumadaosdos mula sa manibela ng kotse pababa. Ilang sandali pa ay nakita niya na lamang na magkahawak kamay na ang kaniyang ama at ang Yaya Minda niya. Kita niya rin iyon sa rear mirror ng kotse.

Ngumisi na lamang si Sheena dahil sa namamasiran. Ang ama niya ay pasimpleng dumidiskarte sa kaniyang Yaya Minda.

Nang makarating sila sa kanilang bahay, tulad ng dati sina Sheena at Yaya Minda ang nagbukas ng gate at nagsara.

Nang makapasok na sila sa kanilang bahay, dahil sa tanghali na, nagpresinta na si Yaya Minda na magluluto na.  Nang magsalita ang kaniyang ama na tutulong ito sa pagluluto wala nang nagawa pa ang kaniyang Yaya kung hindi ang pumayag na. Wala rin naman itong magagawa kahit pigilan pa ang kaniyang ama, matigas ang ulo nito. Isa pa, sigurado si Sheena na hindi talaga ito tutulong. Lalandiin lamang nito ang marupok niyang Yaya.

Pinabayaan niya na lamang ang dalawa. Malalaki naman na ang mga ito, kaya na nila ang kanilang mga sarili. Umakyat ang dalaga sa kaniyang kuwarto. Kaagad niyang hinubad ang kaniyang saplot at pumasok sa kaniyang silid paliguan nang nakatuwalya lamang. Nang makapasok ay bumabad siya kaniyang bath tub. Nang magsawa ay nag-shower na siya. Pagkatapos ay lumabas na nang nakatapis ng puting tuwalya.

MABILIS NA LUMIPAS ang oras. Parang kanina lang ay kakakain lang nila nang pananghalian, ngayon ay ilang saglit na lang ay magagabi na.

“Princess, I have a favor,” ani kaniyang ama. Hindi niya napansin ang pagpasok nito sa kaniyang kuwarto. Sabagay, abala siya sa ginagawa niya sa kaniyang laptop.

“What is it?”Umayos siya nang upo saka isinara ang kaniyang laptop.

“Hmmm... I have a meeting with my friend, Thaddeus Vinzon. Puwede ikaw na lang ang umattend?” her father uttered.

Hindi siya kaagad nakasagot sa kaniyang ama dahil sa sinabi nito. Lalo na nang banggitin nito ang pangalan ng lalaki na pilit niyang iwinawaksi sa kaniyang isipan, na ikinatuwa niya naman dahil ngayong araw ay nagtagumpay siya na huwag itong isipin. Pero ngayon na binanggit ng kaniyang ama ang pangalan nito, hindi na naman siya mapakali.

Her stupid heart beat rapidly with just hearing Thaddeus’ name. Her heart was really that stupid. She should not feel it towards that old hag.

“You’re not busy naman, Dad. So why don’t you go and attend that meeting,” she uttered absentmindedly.

“I’m busy, Princess. So busy.” Bumuntong hininga ang kaniyang ama.

“Busy in what, Dad? Ayaw kong makaharap ’yong gurang na ’yon. He’s intimidating,” she retorted. She was lying. How can she feel intimidated by him when, in fact, she has an unknown feeling towards him?

“I’m busy winning your Nanny’s heart, Princess. Can’t you see, I’m flirting with her to make her mine? This is not the right time to tell you, but this is just the reason to make you approve my favor. So, Princess, can you attend the meeting with my friend for me? I’m desperate to get your Nanny’s yes. So please, Princess. Pumayag ka na. Sige na.” Her father pouted. At his father's gesture, who is she to say no to him?

“Okay. Fine. Just make sure Dad na pag-uwi ko ay may maganda kang ibabalita sa akin,” aniya saka pinaningkitan ang kaniyang ama.

“Yes, Princess. By 6pm hahatid kita sa restaurant. I already texted my friend. He will wait for you to the restaurant I told to him. And I will be the one who will bring you there. I’ll just text him na ihatid ka rito sa bahay. Thank you, Princess.” Niyakap siya ng kaniyang ama na kaagad niya namang tinugunan.

Bahala na.

Iyon lamang ang nasambit niya sa kaniyang isipan. Sigurado siyang mababaliw na naman ang kaniyang puso kapag nakaharap na naman ang binata. Ganoon naman lagi ang kaniyang puso, humaharumentado kapag nasa tabi lamang si Thaddeus Vinzon.

Bakit sa gurang pa?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top