CHAPTER 7

"THANK YOU," ani Sheena nang tumigil ang kotse ni Thaddeus sa tapat ng bahay nila.

Saktong alas kuwatro ng umaga ay ginising siya ng binata para ihatid siya ng nito sa kanilang bahay. Alam ni Thaddeus na tulog pa ang kaniyang ama sa mga oras na ito.

"Welcome." Thaddeus smiled.

Lumabas na siya ng kotse saka ngumiti muli sa binata bago tuluyang lumabas.

She waved at him and walked away.

Thaddeus is a nice guy and gentleman. She saw how good his heart. Napatunayan niya iyon sa pagligtas at pagtuloy nito sa bahay niya sa kaniya. Though, she still not like him. Never.

As she entered their gate, she looked at Thaddeus' car, which was running slowly.

"God!" she frustratedly said as Thaddeus' smile a while ago appeared in the back of her mind.

Iniling niya na lamang ang kaniyang ulo saka naglakad na papasok sa kanilang bahay. Ewan niya ba kung bakit nakararamdam siya ng kaba.

Nang nasa tapat na siya ng front door ay dahan-dahan niya iyong pinihit para buksan.

"D-Dad. Y-Yaya." Biglang tinahip ang kaniyang puso nang makita ang kaniyang ama at yaya, pagkabukas na pagkabukas niya sa pinto.

Madilim at mariin na tinitigan siya ng kaniyang ama habang nakakunot ang mga noo nito. Samantalang ang kaniyang yaya naman ay nakalagay ang dalawang kamay nito sa kaniyang bewang at ang mga kilay ay nakataas.

"Where the hell did you go?" mariin ang bawat pagbigakas ng kaniyang ama sa bawat salitang binibitawan nito. Lalo tuloy siyang kinabahan.

She's doomed.

"S-Somewhere down the road." Hindi niya alam kung saan nanggaling ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig. She's not on her usual self.

"Again. Where the hell did you go?!" mapanganib ang boses na sabi ng kaniyang ama. Sa tono nang pananalita nito ay alam niyang hindi na ito natutuwa sa inaasal niya.

"A-Ano kasi, Dad. Si Y-Yna kasi yinaya ako mag-bar. Natakot akong umuwi kasi nakainom ako kaya nag-check in muna ako sa hotel para palipasan ang pagkalasing." Pinagsaklop niya ang kaniyang mga kamay para hindi mahalata ng kaniyang ama ang panginginig ng mga 'yon. For the first time, she lied to her father.

"Ano'ng nakain mo at sumama kang mag-bar, huh! And don't you dare fucking lie to me. I knew that you didn't went to hotel. Now, tell me the truth. Sino ang naghatid sa 'yo!? Who was that fucking son of a bitch? Don't try my patient, Sheena!" galit na ani ng kaniyang ama.

"I-I won't tell it, Dad. Please let me have my sleep." Yumuko siya pagkatapos ay kinagat-kagat niya ang kaniyang kuko.

"That's bullshit!" singhal nito. Ito ang unang beses na sininghalan siya ng kaniyang ama. Ito ang unang beses na nakita niyang umigting ang panga at nanggagalaiti dahil sa konsumisyon sa kaniya.

Nakuyuko pa rin siya kaya hindi niya nakita ang pag-alis ng kaniyang ama. Narinig niya lamang ang mabibigat na yabag nito palayo.

Her tears start falling. Her dad was mad at her. She knew that he would ignore her.

Itinaas niya na lamang ang kaniyang mukha. Doon, nakita niya ang kaniyang yaya. Kita niya sa mga mata nito ang pagkadismaya. Siguro galit din ito sa kaniya.

"Y-Yaya, are you mad at me too?" mahinang usal niya. Garalgal ang boses habang sinasabi iyon.

Galit na nga ang kaniyang ama sa kaniya. Pati ba naman ang kaniyang yaya ay galit din sa kaniya?

"Anak naman, bakit mo naman ginanon ang daddy mo? Nag-aalala lang naman siya sa 'yo." Halata ang pagkadismaya sa boses nito.

"Hindi ko naman po sinasadya, Yaya. Ginawa ko lang naman iyon para hindi siya magalit lalo sa akin. At saka ayaw ko ring malaman niya na sa bahay ng kaniyang kaibigan ako natulog," mahinang saad niya pa rin.

"A-Ano? Sa bahay ka ni sir Thaddeus natulog? Bakit? May nangyari ba sa inyo? Jusmeyo!" Napahilamos ang kaniyang yaya sa mukha nito.

"Wala po, Yaya. Ang advance mo naman mag-isip eh. He just saved me from the bastard on the bar who harassed me. Nakiusap ako na sa bahay niya muna ako makikitulog. Ayaw ko kasing umuwi dito sa bahay na nakainom. Alam mo naman si Dad," pagpapaliwanag niya sa matanda.

"Buti naman. Jusko kang bata ka. Pinag-alala mo ang iyong ama. Alam mo bang hindi pa iyon natutulog. Balisang-balisa ito habang naghihintay na dumating ka."

"P-Po?" Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa kaniyang Yaya.

Bigla siyang nakonsensiya. Hindi niya naman alam na hihintayin siya ng kaniyang ama nang ganoon katagal. Akala niya ay tulog na ito.

"Kausapin mo na ang daddy mo, anak. Huwag mong hayaan na lumipas nang matagal ang misunderstanding niyo. Magluluto na ako nang almusalan kaysa matulog pa muli. Sige na," anito saka ngumiti sa kaniya. Tumango siya bilang pagsang-ayon dito.

At nagsimula na ngang maglakad ang kaniyang yaya papunta sa kusina. Habang siya ay nagsimula na ring umakyat sa hagdan para bagtasin ang kuwarto ng kaniyang ama. Tama ang kaniyang yaya, hindi niya na dapat patagalin pa iyon. Daddy niya na lang ang mayroon siya kaya hindi niya hahayaan na lumayo ang loob nito sa kaniya.

Habang umaakyat sa hagdan ay ginugupuan siya nang hindi niya maipaliwanag na kaba. Huminto muna siya sa pag-aakyat. Huminga siya nang malalim saka nagsimula muling umakyat.

Nang marating niya ang tapat ng kuwarto ng kaniyang ama matapos ang pag-akyat niya sa hagdan, kaagad siyang kumatok sa pinto.

"Dad. Can I come in?" she said then knocked again.

Wala siyang narinig na tugon sa kaniyang ama kaya kumatok siyang muli at tinawag sa pangalawang pagkakataon ang daddy niya. Ngunit gaya nang nauna, wala pa rin siyang nakuhang sagot mula rito. Kaya kahit ayaw niya mang pumasok sa kuwarto ng tatay niya ay ginawa niya. Dahan-dahang pinihit niya ang seradura ng pinto at mahinang binuksan.

Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya kaagad ang kaniyang ama. Nakatalikod ito sa kung nasaan siya. Nakabaling ito sa painting ng mukha ng mommy niya.

Nag-ipon siya nang maraming lakas ng loob bago nagsimulang maglakad papunta sa daddy niya. Nang makarating ay umupo siya sa tabi nito.

"D-Dad, sorry." He hugged her father from his back. Pagkaraan ay narinig niya na lamang ang kaniyang sarili na humihikbi.

Nanlumo siya nang tanggalin nito ang pagkakayakap niya.

"What are you doing in my room? Did I let you in?" malamig ang boses na turan ng kaniyang ama.

"Daddy, please. I-I'm sorry if I made you worried. Promise, I won't do it again. Daddy, bati na tayo. Ayaw kong nag-aaway tayo." Ang hikbi niya kanina ay naging iyak.

Hindi man lang siya pinansin ng kaniyang Daddy. Nagmamatigas pa rin ito. Pero alam niyang hindi siya nito matitiis. Hinding-hindi.

Narinig niya ang malalim na paghinga nito. Galit nga talaga ito sa kaniya.

Akala niya hindi talaga siya nito lilingunin pero nagkamali siya dahil bigla itong humarap sa kaniya.

"Hindi mo alam ang takot na naramdaman ko kanina nang makita ko na unan mo ang nababalot ng kumot. I went home passed 10pm. Pinuntahan kita sa kuwarto mo para ayain na kumain. Alam mo naman na hindi ako makakain kapag hindi ka kasama, 'di ba?" She nodded at her father.

"Hindi ko alam kung saan ka pupuntahan nang sumapit ang alas dose nang madaling araw pero wala ka pa rin. Kaunti na lang magtawag na ako sa pulis para ipahanap ka. Nag-alala ako sa iyo nang sobra na kahit pagtulog ay hindi ko na nagawa dahil wala ka pa." Huminto ang kaniyang ama dahil sa panunubig ng mga mata nito.

"S-Sorry," mahinang usal niya.

"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa 'yo. Hindi ko alam kung paano ko pa kakausapin sa panaginip ko ang mommy mo kapag napahamak ka. Ikaw na lang ang mayroon si Daddy, kaya please don't make me worry again."

"S-Sorry, daddy. I'm so sorry." Mahigpit niyang niyakap ang kaniyang ama na hindi man humihikbi, kitang-kita niya naman ang paglandas ng mga luha nito.

"Don't do it again, princess," anito sa gitna nang pagyayakapan nila.

"Promise, Dad. I won't make you worried again. Sorry for being a bad daughter." Humiwalay na siya sa pagyayakapan nilang mag-ama.

"Already forgiven, Princess. Hindi naman kita kayang tiisin. I love you so much, princess," anito na ikinangiti niya.

"I love you too, Daddy." She closed her eyes when her father move his head closer to her. Naramdaman niya na lamang ang pagdampi ng labi ng kaniyang ama sa kaniyang noo.

Her daddy loves her. She always be grateful because she has a father like him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top