CHAPTER 3

5:30PM when Sheena woke up. After she went shopping, she immediately went home and slept in her room.

She picked up her laptop and browsed her Instagram. He transferred the photos she took while she was shopping and posted them. Because she's famous, she immediately got a high number of reactions and comments. She smiled and then closed her laptop.

Isang sando at cycling lamang ang kaniyang suot. Nakaramdam siya ng gutom kaya naisipan niyang lumabas muna sa kaniyang kuwarto at bumaba sa kusina para tignan kung anong puwede niyang makain doon.

Komportable siya sa suot niya at siguradong wala pa naman ang kaniyang pinakamamahal na ama para pagalitan siya sa kaniyang itsura. Ayaw na ayaw kasi nito na ganoon siya magsuot. Hindi raw ito magandang tignan para sa babae.

Nang makarating siya sa kusina, naabutan niya roon ang kaniyang Yaya Minda na nagluluto. Hindi niya muna iyon pinansin at dumeretso na lamang sa refrigerator. Nang buksan niya iyon, cupcake lamang ang naroon. Kinuha niya iyon saka nagtimpla ng strawberry juice.

She went to the island counter and sat there, then started eating her cupcake and drinking the juice.

"Bakit ang dami yata ng niluluto mo, Yaya?" tanong niya. Nakatapos na siyang magmeryenda kaya nilapitan niya ang kaniyang Yaya Minda.

"May bisita raw ang Daddy mo. Hindi ko na natanong kung sino. Maya-maya parating na iyon kaya magpalit ka na ng saplot para hindi ka kapagalitan. Alam mo naman na ayaw na ayaw noon na nagsusuot ka ng ganiyan mga kasuotan." Hinalo ni Yaya Minda ang kaniyang niluluto. Nakasuot ito ng hairnet at apron.

"Ang kj naman kasi ni Daddy. Dito lang naman sa bahay tapos ayaw pa akong pasuotin ng mga ganito. He's to overprotective," giit niya saka umirap.

Yaya Minda just smiled when she saw Sheena's reaction. "Ginagawa lang iyan ng Daddy mo para sa ikabubuti mo. Hayaan at sundin mo na lamang para hindi kayo magtalo."

"Ano pa nga ba."

Nagpaalam na si Sheena sa kaniyang Yaya Minda para magbihis na. Mahirap na, baka maabutan pa siya ng kaniyang Daddy. Kailanman ay hindi pumasok sa kaniyang isipan na maging matigas ang ulo. Kung ano ang gusto ng kaniyang ama ay sinusunod niya na lamang. Hindi niya naman iyon ikakasama. Kilala niya ang Tatay niya, hindi ito gagawa ng anumang ikasasama niya.

When she was already in her room, she immediately went to her closet. She picked an above-the-knee short, but she didn't change her clothes. She's sure that her father won't get mad at her. Her attire looks fine at her. No one will see her part that shouldn't be revealed.

Nagkulong muna siya sa kaniyang kuwarto. Hihintayin niya na lamang na tawagin siya ng kaniyang Yaya kapag pinapatatawag na siya ng Daddy niya.

She took a nap again-waiting her Nanny to call her.






THADDEUS, on the other hand, just woke up from a deep sleep.

Kaagad niyang inayos ang kaniyang sarili. Alas sais y trenta na. Huli na siya sa usapang oras nila ni Roi. Sigurado siyang makaririnig na naman siya ng mga salitang paulit-ulit nitong sinasabi kapag nahuhuli.

Nag-mouthwash na lamang siya at inayos ang magulo niyang buhok. Nagsuot lamang siya ng kulay gray na long sleeve ngunit tinupi niya iyon hanggang sa kaniyang mapilantik na muscle at pinarisan ng maong na pantalon.

Hindi na siya nagsayang pa ng oras, baka mas lalo pang mainip sa kaniya ang kaniyang kaibigan. Mabilis siyang nakapunta sa kaniyang garahe at nagmadaling sumakay sa kaniyang kotse at umalis.




PASSED 6:40PM nang makarating siya sa mansion-like na bahay ng mga Hontiveros. Iginarahe niya muna ang kaniyang kotse, pagkatapos ay pinasadahan nang tingin ang malaking bahay. Kalahati lang yata nito ang kaniyang bahay.

Sa sobrang laki niyon ay malulula ka na lang kakatingin doon. Maganda ang imprastruktura. Talagang ginastusan. Sa unahan nito ay naroon ang fountain na katulad ng Merlion sa Singapore. Pinaliit na bersiyon lamang iyon. Sa gilid naman nito ay naroon ang swimming pool na hindi niya mawari kung ilang square meter iyon. Hindi naman kasi siya isang Engineer para malaman kaagad ang sukat niyon.

Binati siya ng mga guard na on-duty na kaagad niya namang tinanguan. Dahil sa naka-day off ang kasambahay nila Sheena ay wala ng iba pang bumati pa sa kaniya at tuluyan nang nakapasok.

"You're fucking 45 minutes late, Vinzon. Gawain ba iyan nang matinong kaibigan? Hindi ka marunong tumupad sa oras na pinag-usapan. Damn and fuck you, Vinzon!" bungad sa kaniya ng kaibigan.

Here we go again. Ani Thaddeus sa kaniyang isipan.

Imbis na humingi ng paumanhin sa kaibigan ay nginisian niya pa ito. Sanay na siya sa kaniyang kaibigan. Inaasahan niya na talaga ang reaksiyong iyon mula rito.

"Napatagal sa dreamland, bud. At least I still came. Ano pa ba ang ikinapuputok ng butsi mo, Hontiveros?" Roi just raised his middle finger.

"Let's go in the dining room. Malamig na tuloy ang pagkain sa sobrang tagal mo," Roi retorted and makes his moves going to the dining room.

Thaddeus just smirked and followed his friend.

"Ya, patawag naman si Sheena." Utos ni Roi kay Yaya Minda na kaagad namang sumunod.

Napansin ni Thaddeus ang matagal na pagsunod ng mga mata ng kaibigan sa inutusan kaya napangisi siya at kaagad na inasar ang kaibigan dahil sa kaniyang napansin.

"Ang tanda mo na Hontiveros pero namumula ka pa rin. Tell me, are you attracted to that maid?" he blurted out.

"Where did you get that fucking Idea!? Saka hindi siya maid. She's my daughter's Nanny." Laban naman ni Roi.

"The way you stared to that girl, kakaiba. Ang hirap ipaliwanag kasi wala akong experience. Thanks sa internet, kahit papaano may alam rin ako about that fucking love. Love my ass. Sakit lang yan sa ulo at puso."

"Whatever you say, Vinzon." Thaddeus just chuckled. Afterward, he clicked his tongue.

Roi and Thaddeus' conversation was interrupted when Sheena entered the dining room.

Napatingin si Sheena sa hindi kilalang lalaki na kasama ng kaniyang Daddy. Kaunti na lang ay malagalag ang kaniyang panga nang saktong pagdapo ng kaniyang mga mata sa binata ay tumingin din ito sa kaniya-sa mismong mata niya. Pati ang kaniyang puso at nagsimula na ring magharumentado sa paraan nang pagtigtig sa kaniya ni Thaddeus.

Thaddeus and Sheena's eyes locked at each other like they were just the people inside the dining room. Hindi man lang nila naisip na may iba pa silang kasama. Pareho nilang hindi maipaliwanag ang kanilang nararamdaman habang magkatitigan.

Naputol lang ang kanilang mainit na titigan nang magsalita si Roi na hindi man lang napansin ang kanilang matagal na titigan. At ipinakilala ang isa't isa.

"Sheena Hontiveros," Sheena said.

"Thaddeus Vinzon." Thaddeus smiled at Sheena.

Sheena huh! Thaddeus uttered at the back of his head.

And they handshakes.

Kaagad naman silang napabitaw sa kamay ng isa't isa ng parang may kuryenteng dumaloy sa kanilang kamay. Wala sa sariling napatitig na naman si Thaddeus sa dalaga.

Her heart-shaped face and thin lips turned him on. Even her curvaceous body.

Sheena on the other hand stopping her self to divert her eyes at Thaddeus but she failed. His presence making her anxious. Kaya kahit ayaw niya ay napatingin pa rin siya rito. Not knowing na nakatingin din pala sa kaniya ang binata.

Hindi siya makapaniwala na mayroong nabubuhay na mala-diyos ang mukha at katawan. Hanggang dibdib lamang siya ng binata. Sigurado siya roon kahit hindi niya na sukatin pa. Napagtanto niya tuloy na pandak nga talaga siyang tunay.

"Shall we eat? Lalong lumalamig ang pagkain," Roi retorted causes Thaddeus and Sheena back at their senses.

Habang kumakain ay panaka-nakang nagnanakawan ng tingin sina Sheena at Thaddeus nang hindi man lang napapansin ng Daddy ng dalaga.





PAGKATAPOS nilang kumain ay kaagad na nagpaalam si Thaddeus na uuwi na.

While he was driving his car, Sheena's face appear at the back of his head. Dahilan para bigla niyang matapakan ang break ng sasakyan.

"Damn it! What's happening to me!? Ohh, fuck it. No way!"

Alam niya kung ano ang dahilan ngunit ayaw niya iyong aminin sa kaniyang sarili. Imposibleng may makasira sa pananaw niya.

No fucking way!

Pinasibad niya na lamang ang kaniyang kotse at umiling nang umiling.

HABANG si Sheena naman ay kanina pa kakagalaw sa kaniyang higaan. Pagkaalis na pagkaalis ni Thaddeus ay nagpaalam kaagad siya sa kaniyang Daddy na papasok na sa kaniyang kuwarto. Gusto niyang matulog ngunit ginugulo ang isip niya ng guwapong imahe ng binata.

"No! Not to that person. Masyado na siyang gurang para sa akin. And I don't like men who's older than me. I want a man at my age. Not to that gurang. Not in my Daddy's friend!" she blurted out and rolled over her bed.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top