CHAPTER 20

KANINA PA si Thaddeus naghihintay sa labas ng gate ng bahay nila Sheena. Hindi siya umalis kahit kumakalam na ang kaniyang sikmura dahil sa gutom na nararamdaman.

It’s already passed nine in the evening. He was waiting for the light to be turned off. He won’t let this night pass without having even a short talk with Sheena. He wants to clear up what he said an hour ago.

Napangiti ang binata nang mapatay na ang ilaw sa buong bahay. Wala siyang pakialam kung makita man ang pagmumukha niya sa CCTV. Ang importante sa kaniya ay makausap niya ang dalagang kaniyang tinatangi.

Lumabas siya sa kaniyang kotse at walang pagdadalawang isip na inakyat ang may kataasang gate. Napapamura siya kapag nahihirapan siya pero tuloy pa rin. Kahit na nagmumukha na siyang magnanakaw ay wala siyang pakialam.

“Fuck!” he cursed when he heard the sound of his pants being torn because of the sharp things design of the gate.

Itinuloy niya pa rin ang ginagawa kahit napunit na ang kaniyang pantalon. Sa gitna pa naman iyon. Buti na lang ay hindi iyon ganoon kalaki kaya hindi masyadong kita ang suot niyang boxer brief puwera na lang kung iyon ang puntiryang tignan.

Labis-labis na saya ang kaniyang naramdaman nang tuluyan na siyang makababa mula sa taas ng gate. Nasa loob na siya ng gate ng bahay nila Sheena. Walang ingay na nagsimula siyang maglakad papunta sa gilid na bahagi ng bahay nila Sheena kung saan sa itaas na bahagi nito naroon ang kuwarto ng dalaga. Kita niya rin ang naggagandahang iba’t ibang uri ng bulaklak na inaalagaan ng dalaga.

Sobra pang natuwa ang binata ng makita ang malaking puno na nakadikit ang sanga sa balkonahe ng kuwarto ng dalaga. Kaagad siyang lumapit doon. Tinanggal niya ang suot na sapatos at medyas. Pati ang leather jacket ay ibinaba niya na rin saka nagsimula nang akyatin ang puno. Sa tanang-buhay niya ay ngayon niya lamang iyon ginawa at dahil pa sa babae.











NASA MALALIM na nang pagtulog si Sheena. Nakatulugan niya ang pag-iisip sa sinabi ni Thaddeus kanina na mahal siya nito. Hindi niya alam kung totoo iyon o nasabi lang ni Thaddeus iyon dahil sa nakuha na nito ang kaniyang virginity at naroon ang kaniyang ama.

Naalimpungatan siya nang may marinig na kumakatok sa sliding glass door ng balkonahe sa kuwarto niya. Una ay hindi niya iyon pinansin at ipinikit muli ang kaniyang mga mata pero naging paulit-ulit ang pagkatok doon at medyo lumalakas na rin. Kahit labag sa loob ay bumangon siya. Humihikab na bumaba siya sa kaniyang kama. Naramdaman niya ang lamig ng sahig ng kaniyang kuwarto dahil sa hindi niya mahanap ang gawa sa foam niyang tsinelas.

Naglakad siya papunta sa sliding glass door ng balkonahe saka hinawi ang kurtinang nakatakip doon. Nanlaki ang kaniyang mata nang bumungad sa kaniya ang mukha ng lalaking kanina ay iniisip niya lang na bago makalapag sa kaniyang balkonahe ay ilang beses muna itong nahirapan. Ilang beses na nahulog bago pa man makapunta sa sangang nakadikit sa balkonahe. Ebidensiya ang galos na nakuha nito pati ang maliliit na punit sa suot nitong itim na t-shirt.

Ano ang ginagawa nito sa kuwarto niya? Akala niya binalaan na ito ng kaniyang ama? At saka bakit may punit ang damit nito? Ano ba ang ginawa nito?

Pinasadahan niya ng tingin ang binata na hindi pa nagsasalita dahil hingal na hingal pa ito. Hindi rin siya makapagsalita dahil sa gulat na nararamdaman kaya pinasadahan niya na lamang ito ng tingin at ininspeksiyon ang buong paligid para alamin kung saan dumaan si Thaddeus. Nakita niya ang may kalakihang sanga na nakadikit sa balkonahe ng kaniyang kuwarto kaya napatango na lamang siya sa kaniyang isip. Matagal na niyang balak ipaputol iyon pero nawawala sa isip niya. Ang mga dahon kasi niyon ay pumapasok na kuwarto niya kapag humahangin nang malakas at nakabukas iyon.

Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba iyon o hindi pero nauna na ang kaniyang kamay, dahan-dahan ng ini-slide ang pinto para pagbuksan ang binata.

“Dad already warned you. Why did you come back? What if he sees you?” bungad niya rito. Pansin niya pa rin ang marka ng suntok ng kaniyang ama rito. Nagkulay itim na ito at ang gilid ay kulay lila.

“I just want to talk with you. Gusto ko lang linawin ang sinabi ko kanina.” Malamlam na tiningnan siya ni Thaddeus.

Ito na ba iyong iniisip niya kanina? Sasabihin na ba ng binata na hindi totoo iyong mga katagang sinambit nito kanina? Na hindi talaga siya nito mahal? Na nasabi niya lamang ito dahil naroon ang ama niya? Bakit hindi man lang siya nito pinaghanda?

She acted as if she was not overthinking about where this conversation would bring them.

“Kung babawiin mo ang sinabi mo kanina na mahal mo ako, wala na tayong dapat pang pag-usapan. I already knew it. Makakaalis ka na!” she said refraining herself to stutter in front of him.

“No. It’s not. I meant it. I just said what my heart wants to be spoken. And that’s it. I love you, Sheena. I really do. I don’t know where it started. All I know is I love you. It’s genuine.” Kahit nagugulat siya sa mga pinapakawalang salita ng binata ay hindi niya iyon pinahalata.

Seryoso ba talaga ito? Mahal siya ng gurang na ito? Hindi siya makapaniwala. Wala siyang makapang salita para itugon dito.

“I’m not expecting you to love me back. Just let me love you even from afar. I’m already contented with it. Just don’t ask me to stay away from you. I can’t do that and I will never do that,” Thaddeus said. Sincerity was visible in his eyes. She can see it vividly.

Ito na rin ba ang pagkakataon na aminin ang nararamdaman niya para dito? She already admitted that she was in love with him when she let him take her to high heaven. When she surrendered her virginity to him. Is it not enough to confess her feelings? That this old man in front of her already owns a big part of her heart?

Alam niya sa sarili niya na wala na sa isip niya ang kagustuhan na ang ka-edad niya lamang ang kaniyang mamahalin at hahayaang maging nobyo niya. Katulad ni Thaddeus, hindi niya rin alam kung kailan nagsimulang mahalin ng puso niya ang binata at kung paano iyon nangyari. Nagising na lamang siya na tinitibok at hinahangad na ito ng kaniyang traydor na puso.

Aamin siya pero magpapakipot muna siya. Ayaw niyang isipin ng binata na madali lamang siyang makuha. Oo nga nakuha na nito ang pinaka-iingatan niyang pagkabirhen pero hindi pa rin iyon sapat na rason para matawag siyang easy to get. Hindi siya ganoon.

“How sure are you that you love me? What if you’re just tricking me to get what you want—to own me again?” Hindi niya alam kung saan niya hinuhugot ang kaniyang pinagsasabi. Ang alam niya lang ay iyon ang paraan niya para hindi masabi ni Thaddeus na easy to get siya.

“My heart says it vividly. I love you, Sheena. I really do. Like what I’ve told you, you don’t have to love me back. I’m not forcing you. What I only want is to let me love you,” usal ni Thaddeus. Bakas pa rin sa boses nito ang sinseridad.

“Syempre kuwento mo iyan.” Pakipot pa rin niya.

“I will prove that to you.” A playful smirk plastered on Thaddeus’ face.

Dahan-dahang naglakad ang binata palapit sa kaniya dahilan para mapaatras siya. He was looking at her intensely. He’s really determined to show his love for her in a way that she can’t forget.

Patuloy lamang sa paghakbang si Thaddeus palapit sa kay Sheena na patuloy din nitong ikina-aatras. Sa gilid ng kaniyang mata ay kita niya ang kaniyang kama kaya padoon ang direksyon niya. Nagpatuloy siya sa pag-atras hanggang maramdaman na niya ang gilid ng kaniyang kama. Wala na siyang aatrasan pa kaya napaupo na lamang siya roon. Ikinangisi iyon ni Thaddeus. Tinangala ng dalaga ang binata. Bumangad sa kaniya ang mukha nito. Lalo na ang mata nito na samu’t saring emotion ang nakikita pero naka-aangat pa rin ang pagmamahal para sa dalaga.

Ibinaba pa lalo ni Thaddeus ang mukha nito sa kaniya saka hinawakan ang panga niya. Maya-maya lang ay naramdaman niya ang labi ng binata na sakop ang kaniya. Masuyo ang halik na iyon. Ipinapahiwatig ang sinisigaw ng puso nito. Wala sa sariling napapikit ang dalaga. Nilalasap ang sarap ng labi ng kahalikang sa buong buhay niya ay hindi niya pinangarap na mahalikan. Lalo pa’t mas matanda ito sa kaniya.

Nang magsimulang gumalaw ang labi ng binata ay walang pag-aalinlangan na tinugon niya ito. Sinasabayan niya ang intensidad ng halik na binibigay nito sa kaniya.

Hahawakan na sana niya ang ulo ni Thaddeus para idiin pa ang halikan nila pero tinapos na nito ang kanilang masuyong halik na ikinadismaya niya. Nabitin siya.

“Siguro naman ay naniniwala ka na talagang mahal kita!” nakangising usal ni Thaddeus nang makaayos na ito ng tayo.

Wala siyang makapang salita. Natauhan siya sa ginawang pagtugon sa iginawad nitong halik sa kaniya. Hindi lang tinugon, pinantayan pa. Akala ba niya ay hindi siya easy to get? Bakit ganoon na lamang siya kadaling tumugon sa halik nito? Sa isip niya ay kinakastigo niya ang kaniyang sarili.

“Mahal din kita.” Biglang napatakip siya sa kaniyang bibig.

Bakit niya iyon nasabi? Hindi niya naman iyon naiisip. Kusa na lamang na lumabas iyon sa kaniyang bibig. Kinakalaban talaga siya ng kaniyang puso. Nakisali pa ang bibig niya.

Samantalang si Thaddeus naman ay nanlaki ang mga mata. Hindi niya alam kung totoo iyon o nabingi lamang siya.

“Can you say it again?” saad ni Thaddeus.

“I say nothing.” Laban naman ni Sheena.

“No. You say something. Repeat it. I wanna hear it again,” giit pa rin ni Thaddeus. Napakakulit!

“Wala na nga.” Patuloy pa rin na pagtanggi ni Sheena pero sa loob-loob niya ay ngumingiti siya dahil sa kakulitan ni Thaddeus.

“Mayroon. Hindi mo uulitin o gusto mong sakupin ko uli ang labi mo?” He smirked. Biglang kinilabutan ang dalaga.

Ayaw niya nang mapahiya pa ulit sa pamamagitan nang pagtugon sa halik nito.

“Oo na. Mahal din kita.” Biglang napasinghap ang dalaga nang mahigpit siyang niyakap ng binata.

“I love you more. Sobra mo akong napasaya,” ani Thaddeus. He feels like he’s in the cloud nine.

Tinugon niya ang yakap nito na maya-maya lang ay kaagad na natapos.

“So... are we in a relationship now?” he asked.

“No. Manligaw ka muna.”

“Is it necessary?”

“Of course!” Inirapan ni Sheena si Thaddeus na ikinangiti lamang nito.

“Fine. I will court you,” sumusukong saad ni Thaddeus. Sheena just smiled.

Tinawid ni Thaddeus ang pagitan nilang dalawa. Sunod na naramdaman ni Sheena ay ang labi nito na sakop-sakop muli ang kaniya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top