CHAPTER 19

PAGKATAPOS NANG pagwawala ay naisipan ni Sheena na matulog. Ngayon nga ay kagigising niya lamang. Alas kuwatro na ng hapon. Inaayos niya ang kaniyang sarili nang may kumatok sa kaniyang pinto.

“Pasok!” aniya na hindi man lang lumingon sa pinto hanggang bumukas iyon. Napatingin lamang siya roon nang bumungad ang kaniyang mama Minda pero kaagad din namang binalik ang atensyon sa ginagawa

“Anong nangyayari sa ‘yo kanina. Hindi maipinta ang iyong mukha. Hindi mo rin kami napansin ng daddy mo. Nilagpasan mo lang kami. Para kang galit na aso na sasakmal na lang bigla.” Narinig niya ang tunog ng pampaang kasuotan nito. “Pati rito sa kuwarto mo dinig namin ang inis na inis na boses mo at pagmumura? May nangyari ba?” Napayuko na lamang siya.

Bigla siyang nahiya sa pinaggagagawa niya kanina. Hindi niya naman kasi alam na may makapapansin.

Dahil sa pinagkakatiwalaan niya naman ang kaniyang nama Minda ay naisipan niya nang ikuwento rito kung bakit siya ganoon kanina. Lumunok muna siya nang ilang beses saka bumuntong hininga. She knows that her mama Minda will not gonna judge her if she knew that she gave her virginity to the man who’s not even her husband, not even her boyfriend.

“May sasabihin ako, Mama. Pero huwag mo munang ipaalam kay Daddy ah?” Tumango ang matanda na ikinangiti niya.

“Makakaasa ka sa akin, anak. Ano ba iyon?” tanong nito. Lalo tuloy siyang kinakabahan. Pinanlalamigan din siya ng kamay at ramdam niya rin na parang pagpapawisan siya nang malamig.

“A-Ano kasi...” May pag-aalangan pa rin si Sheena. Bumuntong hininga siya at kinakabahang tiningnan ang kaniyang mama Minda. “M-May nangyari po sa amin ni Thaddeus.” Naging mahina ang kaniyang boses.

“Ano kamo?!” nakukunot ang noong usal nito na lalo pang ikinakaba ng dalaga.

Humugot uli siya nang malalim na hininga para ulitin ang kaniyang sinabi. “May nangyari po sa amin ni Thaddeus.” Yumuko siya pagkatapos niya iyong sabihin.

“Jusmeyo kang bata ka! Bakit hinayaan mo ‘yon? Paano mo ‘yan sasabihin sa Daddy mo? Paano kung may mabuo?” ani matanda na bahagyang tumayo dahil sa gulat.

Biglang kumalabog ang dibdib ni Sheena dahil sa mga tanong ng kaniyang mama Minda. Iyon din ang problema niya. Paano niya ‘yon sasabihin sa kaniyang ama? Saka paano nga kung may mabuo? Iyon ang hindi niya napag-isipan bago niya ibigay ang sarili kay Thaddeus.

Marahas siyang napahilamos. Nagsisimula na rin siyang mag-panic sa kaniyang isipan dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin sakaling may mabuo nga. Handa na ba siyang maging ina? Makakaya niya kaya?

“Sorry, mama Minda. Hindi ko pinag-isipan ang lahat.  Puwede po huwag mo munang ipaalam kay Daddy ito? Ako na lang po ang magsasabi sa kaniya.” Tinanguan lamang siya ng matanda.

Lumapit ito sa kaniya saka hinimas-himas ang kaniyang likod, nagpapahiwatig na magiging maayos din ang lahat.

Napaluha ang dalaga dahil sa prustrasyong nararamdaman. Kasalanan niya naman. Hindi kasi siya nag-iisip. Hinayaan niyang pangunahan siya ng init ng katawan. Ngayon tuloy nagdurusa siya. Sa isip niya ay nararapat lamang ito sa kaniya.

“Maiwan na kita. Mag-isip isip ka muna, anak. Dapat masabi mo na iyan sa Daddy mo sa lalong madaling panahon nang hindi siya magulat kung bakit lumubo iyang tiyan mo eh wala ka namang nobyo,” ani kaniyang mama Minda na ikinatango niya na lamang.

Niyakap siya ng kaniyang mama Minda bago ito tuluyang lumabas sa kaniyang kuwarto.

Nang makaalis na ang matanda ay kaagad na namang nilukob ng kaba ang kaniyang puso. Ano kaya ang magiging reaksiyon ng kaniyang ama kapag nalaman nito ang nangyari sa pagitan nila ng kaibigan nito? Itatakwil kaya siya nito? Paano na ang pinaka-iingatan nitong pangalan? Natatakot siya sa magiging posibleng mangyari kapag nalaman iyon ng kaniyang ama. Nilulukuban na siya ng pangamba at takot.

Nailakumos niya na lamang ang kaniyang kamay sa kaniyang mukha. Ang kaniyang luha na kanina niya pa pinipigilan ay dahan-dahan nang nagsisipagtulaan.

Humiga siya na lumuluha pa rin hanggang sa makatulog siya nang hindi niya namamalayan.













SAKTONG ALAS sais ng gabi nang magising si Thaddeus. Umalis siya sa kaniyang kompanya at umuwi sa kaniyang bahay. Nang makarating siya roon ay naligo muna siya na mabilis naman na natapos.

He was wearing a plain black t-shirt, black maong pants, black leather jacket, and of course black sneaker. Halatang paborito niya ang ganoong kulay.

Lumabas na siya sa kaniyang kuwarto. Sinigurado niyang na-i-lock niya iyon nang maayos. Bumaba na siya saka dumeretso sa mga nakahilerang iba’t ibang alak. Kumuha siya ng wine glass saka kumuha ng alak. Nilagyan niya ang hawak niyang wine glass. Kailangan niya iyon para magkaroon ng lakas ng loob.

Mabilis niyang nilagok iyon saka sinalinan muli ang kaniyang wine glass. Nakatatlong baso siya bago tuluyang inayos ang kaniyang sarili. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kaniyang bahay. Ini-lock niya muna iyon bago tuluyang pumunta sa kaniyang kotse para simulan na itong paandarin nang sa gayon ay makapunta na siya sa bahay nina Sheena.















NASA TAPAT na siya ng bahay nila Sheena ngunit hindi niya magawang makalabas sa kaniyang kotse dahil sa kaba. Sa tanang-buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganoong kaba. Hindi siya mapakali. Parang gusto niya na lamang na umalis sa lugar. Pero nandito na siya. Kung hindi pa niya sasabihin ngayon, kailan pa? Kung kailan wala na siyang oras pa?

Nagpakawala siya nang mahaba at malalim na buntong hininga saka tuluyan nang bumaba sa kaniyang kotse. Hindi niya na iyon pinasok pa dahil aalis din naman siya.

Alam niya namang bukas iyon kaya pumasok na siya. Naglakad pa siya para maabot nang tuluyan ang bahay dahil medyo may kalayuan pa ito mula sa gate. Gaya nang unang punta niya roon ay namamangha pa rin siya. Bigla niya tuloy namiss ang kanilang mansion. Umiling siya saka binilisan na lamang ang paglakad.

Napansin niya na may dalawang tao na nasa tapat ng pool kaya doon na siya dumeretso. Kilala niya naman kung sino ang mga iyon base sa bulto ng mga katawan nito.

“Night date?” Thaddeus said. Nakatalikod ang dalawa kaya nang marinig ng mga ito ang kaniyang boses ay sabay itong napalingon sa kaniya.

“Ohh, Vinzon. Napadalaw ka?” Ngumiti si Roi sa kaniya na ikinangiti niya na rin.

“I have something important to discuss with you,” aniya na hindi pinapahalata na kinakabahan siya.

“About what? Is that important?” Nagsimula nang mangunot ang noo ni Roi.

May alam na si Minda sa pag-uusapan ng dalawa kaya nagpaalam na siya na papasok sa loob para kuhanan nang maiinom ang magkaibigan. Kinakabahan siya sa maaaring gawin ni Roi kay Thaddeus. Pero kung ano man iyon alam niya kung bakit ito nagawa nang katipan.  Nagsimula na siyang maglakad na panaka-nakang nilingunan ang magkaibigan.

Nang makaalis na si Minda ay biglang nakaramdam muli ng kaba si Thaddeus. Sa lakas nang kalabog ng puso niya ay pakiramdam niya ay lalabas na iyon sa kaniyang ribcage. Para siyang bata na aamin sa kasalanang nagawa.

“It is about me and your daughter,” ani Thaddeus. Iyon pa lang nasasabi niya pero ang kaniyang katawan ay para nang pinagpapawisan nang malamig.

“Anong tungkol sa inyo?” Nakakunot pa rin ang noo ni Roi. Naghihintay sa sasabihin ng kaibigan.

“U-uhh, I-I took her virginity,” medyo may kahinaang usal ni Thaddeus pero naging malinaw iyon sa pandinig ni Roi.

“What did you just say!? You took my daughter virginity? What the fuck!? Bakit anak ko pa? Tangina mo, Vinzon!” Bigla siyang madilim na tiningnan nito. Ang mga bagang ay umiigting. Para siyang kakainin nito ng buhay.

“B-Bud—”

Pinutol ni Roi ang dapat na sasabihin niya pa sa pamamagitan nang pagpakawala nito nang isang malakas na suntok sa mukha niya. Medyo napaatras siya at bahagyang madadapa pero itinukod niya ang kaniyang paa nang maayos para matuwid pa rin siyang makatayo.

Nalalasahan niya na ang dugo mula sa labi niya na pumutok sa lakas nang pagkakasuntok sa kaniya ng kaniyang kaibigan. He spit the blood from his mouth.

Ambang susuntukin pa siya ni Roi nang marinig nila ang boses ni Sheena at Minda na magkasabay na sumigaw, “Roi! Dad!”












KAKALABAS LAMANG ni Sheena sa kaniyang kuwarto. Nagising siya dahil sa uhaw. Nang tumingin siya sa kaniyang bintana ay nakita niyang madilim na pala. Tinangnan niya ang kaniyang alarm clock at nakita ang oras doon saka napatango. Lumabas na siya sa kaniyang kuwarto para uminom na dahil uhaw na uhaw na talaga siya.

Nang makababa na ay kaagad siyang naglakad papunta sa kusina pero napatigil nang makasalubong ang kaniyang mama Minda na may hawak na dalawang baso ng alak at isang bote ng mamahaling alak.

“Nandito si Thaddeus. Nasa pool sila ng daddy mo. May pag-uusapan daw sila. Kinakabahan ako para kay Thaddeus at sa magagawa ng daddy mo sa kaniya,” walang pakundangan na ani ng kaniyang mama Minda.

Bigla siyang kinabahan. Parang biglang nawala ang kaniyang uhaw na naramdaman. Imbis na dumeretso sa kusina para uminom ay kaagad siyang tumalikod at mabilis na naglakad palabas ng kanilang bahay para pumunta sa pool. Ramdan niya ang pagsunod ng kaniyang mama Minda.

Nang makalabas ay bumungad sa kaniya ang malakas na pagsuntok ng kaniyang ama kay Thaddeus. Lumaki ang kaniyang mata dahil doon. Nakita rin iyon ng kaniyang mama Minda.

“Oh my God!” Napatakip siya ng kaniyang bibig nang mapaatras ang binata. Akala niya ay matutumba ito.

Ambang susuntuking muli ng kaniyang ama si Thaddeus nang sabay nila itong tinawag ng kaniyang mama Minda. “Dad! Roi!” Napailingon ito sa kanila na nakataas ang kamao. Pansin niya rin na nakatingin na si Thaddeus sa gawi nila.

“Go to your room, Sheena! I will wreck the face of this asshole!” singhal ng kaniyang ama.

Hindi niya ito pinakinggan. Bagkus ay tumakbo siya palapit sa mga ito.

“Dad, pleas—”

“I said, go to your room!” Pumumutol ng kaniyang ama. Mariin ang bawat salitang binibigkas nito.

“No, Dad. I want you to stop. Ginusto ko rin naman iyong nangyari. He told me to stop him but I didn’t. So please, Dad!” aniya saka biglang yumuko.

“Tangina! He just took your virginity for fucking sake! Is that okay with you!? You two were not even in a relationship. Is that what you want? To be a disgraceful woman, huh, Sheena?” Parang nabingi si Sheena sa sinabi ng kaniyang ama.

Of all people, ito ang inaasahan niyang iintindi sa kaniya pero masakit na salita lamang ang narinig niya mula rito. Hindi niya mapigilan na hindi tumanim ng sama ng loob sa ama.

“Roi!” banta ng kaniyang mama Minda.

Parang natauhan naman ang kaniyang ama sa lumabas sa bibig nito kaya nang tingnan niya ito ay kita-kita niya sa mga mata nito ang pagsisi dahil sa binitawang salita.

“Sorry. Just stay away from that asshole. I won’t let you see him anymore. It’s my fault. I let you stay at his place.” Kitang-kita ni Sheena sa mata ng kaniyang ama na ilang sandali lang ay maiiyak na ito.

She disappoint him. Yumuko siya dahil sa isiping iyon.

“I love your daughter, bud. I’m ready for the consequences. I will not run away from this. Pananagutan ko si Sheena,” sinserong ani Thaddeus.

“No! I will never let you see my daughter again. Never!”  Binalingan siya ng kaniyang ama. “Go to your room!” mariing usal nito.

Walang nang nagawa pa si Sheena kung hindi sundin na lamang ang kaniyang ama.

Lalakad na sana si Sheena nang magsalita si Thaddeus, “Don’t do this to me, bud. I love your daughter.”

“Fucking stupid love! Sheena, go to your room! Now!” ani Roi. Galit na ang ama niya kaya kailangan niya na itong sundin. “And you, son of the bitch, get out! Huwag ka nang magpapakita pa sa akin at sa anak ko. Baka mapatay talaga kita!” huling katagang narinig niya mula sa kaniyang ama bago siya tuluyang tumakbo papasok sa bahay nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top