CHAPTER 14
“NAKAKAILANG SAYANG ka na ng gamot, Gurang! Isa pang sayang, iiwan na talaga kita ritong mag-isa!” singhal ni Sheena sa binata.
Pagkatapos niya itong pakainin ay inihanda niya kaagad ang gamot na ipapainom dito. Ngunit nakailang painom na siya ay nasasayang lang naman.
“I can’t swallow it. It’s choking the hell out of me! Why medicines were bitter? Are they brokenhearted? Hindi ba sila minahal? Na-ghost? Iniwan? Tangina! Nandadamay pa.” Nasa gamot na natapon sa kama ang tingin ng binata.
Sa tuwing lulunukin nito ang gamot ay nababara ito sa lalamunan niya kahit umiinom naman siya ng tubig. Lalo niya lamang nalalasahan ang sobrang kapaitan nito dahilan para mailuwa niya.
“Deretsohin mo kasi ang pag-inom. Ngumingiwi ka kasi kapag sinusubo mo na. Tuloy mo lang ang pag-inom. Lagay mo sa ibabaw ng dila mo saka uminom ka ng tubig!” naiinis pa ring usal ng dalaga, “Ito, inumin mo. Last na ’yan. Kapag nasayang pa ’yan, bahala ka nang mag-alaga sa sarili mo. Napapagod na ako!” sansala pa nito.
Parang naging normal na lang sa dalaga na sigaw-sigawan at pagalitan ang binata dahil sa kaartehan nito.
Kahit nag-aalangan ang binata na kuhanin ulit ang gamot ay wala siyang nagawa. Nagdarasal na lamang siya nang taimtim na sana ay malunok niya na ito. Ayaw niyang iwan siya ng dalaga. Gusto niyang nasa malapit lang ito. Kahit na sinisigawan at pinapagalitan siya nito ay ayos lang. Ang mahalaga nasa tabi niya ito at inaalagaan siya.
PINAKATITIGAN NG dalaga ang paglagay ni Thaddeus ng gamot sa dila nito. Hindi niya man makita ang pagngiwi nito, pero sigurado siya na sa isip ng binata ay ngumingiwi ito.
Ang tikas-tikas tapos gamot lang pala ang kalaban. Parang bata pa kung umakto. Umiling na lamang ang dalaga.
“Done. I swallowed the medicine. God doesn’t want you to leave me in this state. I’m so grateful. Thanks, God!” He did the sign of the cross and chuckled.
“Oh, ’di ba? Wala namang nangyari sa ’yo. Ang arte mo lang talaga!” she exclaimed. As usual, pinandilatan niya ito ng mata.
“Ang galing ng Nurse ko. Nananakot nga lang. Kidding.” He laughed in a sexy manner.
Baliw talaga. Sa isip-isip niya. Hindi niya alam kung bakit nagagawa ng binata na mag-aktong ganoon sa harap niya, gayong kapag nasa labas naman ito ay daig pa ang galing sa refrigerator sa sobrang lamig nitong tumingin.
Hindi niya inaasahang may ganoon pala itong katauhan. Isip-bata at takot sa gamot. Pero hindi niya maipaliwanag sa kaniyang sarili kung bakit ganoon na lamang ang sayang lumulukob sa puso niya ngayong inaalagaan niya ito. Ang sarap sa pakiramdam at naroon sa loob-loob niya na gusto niya pang maalagaan ang binata tulad ngayon.
Hindi niya man gusto ito, pero iniisip niya na sana lagi na lang may sakit ang binata nang sa gayon makita niya ulit ang personalidad nitong ganoon. Gusto niya iyon. Para bang bumabalik ito sa pagkabata.
Pumasok sa isip niya kung sino ba ang nag-aalaga rito sa tuwing nagkakasakit? Magaan at maayos na kaya ang nararamdaman nito sa pagkawala ng mga magulang nito?
Bigla siyang nakonsensiya sa paninigaw niya dito.
Iniiling niya na lamang ang kaniyang ulo saka inilagay na sa baba ng kama ang maliit na lamesa na napapatungan ng tray kasama ang mga ginamit nila sa pagkain kanina.
“Do you have boyfriend?” Biglang napatigil ang dalaga sa ginagawa dahil sa tanong ng binata.
Why did he ask that kind of question out of nowhere? Why did he become interested in her love life suddenly?
Inaayos niya muna ang kaniyang sarili bago sagutin ang tanong ni Thaddeus sa kaniya.
“As of now, I have no boyfriend since birth,” deretsang sagot niya dito.
“I don’t believe you. You’re beautiful, hindi nga lang kind. Kidding. You’re pretty and I think beautiful inside, sa ’kin ka lang bad. I doubted that no guys try to pursue you.” He chuckled.
“A lot of guy try to pursue me but no one had a chance to have me. The reason that they were too old, sometimes, younger than me. Hindi ako pumapatol sa mga ganoon. Gusto ko ka-edaran ko lang,” usal niya. “Magtatanong-tanong tapos hindi naman pala maniniwala sa sagot.” Pagtataray niya dito.
Parang biglang naging komportable siya dito na kahit ang dahilan kung bakit wala pa rin siyang boyfriend hanggang ngayon ay nasabi niya.
“Ang hirap naman pala.” Ewan ba ni Sheena kung bakit nahimigan niya nang pagkalumo ang boses ng binata.
“Why did you suddenly ask about it? Are you going to court me?” aniya, ang mga kilay niya ay nagsimula na namang tumaas at ang mata ay bakas ang simpatya.
Bakit siya naghihintay sa sagot nito? Umaasa ba siya na sana sabihin ng binata na oo? Bakit siya biglang naging interesado? Papayagan niya kaya ang binata na ligawan siya gayong labing-apat na taon ang tanda nito sa kaniya?
“Me either. I don’t need a girl in my life. I can live without a girl. I can warm my bed alone, and I’m content living alone. But you came. Ginulo mo ako. Pati plano ko ay nagulo. So... If you would let—”
Naputol ang sasabihin ng binata nang biglang may kumatok. Naghihintay pa naman ang dalaga sa sasabihin nito.
Kahit nabitin ay tumayo pa rin siya at pinagbuksan ang kumatok. Bumungad sa kaniya si Manang Josefina na may bitbit na isang palanggana na aluminum. May laman itong tubig at may bimpo na rin doon.
“Ito na ang pangpunas sa katawan niya, nilagyan ko na rin yan ng mga dapat ilagay,” ani Manang Josefina saka ngumiti sa kaniya.
Kinuha niya ang hawak nito. “Salamat, Manang.” Ngumiti siya pabalik dito.
Lumakad sila palapit sa kama. “Anak, babalik na ako sa mansion ah? May mga kailangan pa kasi akong iutos sa mga kasamahan ko roon. Ikaw kasi, pinagbawalan mo na akong gumalaw-galaw at gawin ang mga trabaho na dati ko namang ginagawa,” ani Manang Josefina.
“You’re old enough to do your job, Manang. You deserve a rest. I just called you to be here, to take care of me temporarily. I think tomorrow or later, I can move better. Mas naging malala kasi ang lagnat ko ngayon kasi galing sa ulan. You can go now, always remember what I’ve told you. Don’t do your job anymore. Just instruct them and sit as if you’re the queen.” He chuckled and smiled genuinely at Manang Josefina.
“Ewan ko sa ’yong bata ka. Aalis na ako,” maaliwalas ang mukha na usal ng Ginang. “Hija, kapag nagpasaway at pinairal ng bata ’yang ang katigasan ng ulo, huwag kang magdalawang isip na sapukin. Para umayos. Paalam sa inyo,” baling nito sa kaniya.
She smiled at her and uttered, “Gagawin ko talaga, Manang. Ingat ka po.”
“Salamat, hija. Iwan ko na kayo.”
“Take care, Manang. Have a safe ride.” Tinanguan lamang ng matanda si Thaddeus saka ito tuluyang naglakad palabas ng kuwarto.
Nang makalabas si Manang Josefina ay sinarado ni Sheena ang pinto.
“Give me your hand,” she instructed. Thaddeus handed her his right hand.
Bago niya hawakan iyon ay kinuha niya muna ang bimpo sa palangggana saka niya iyon piniga. Pagkatapos ay hinahawakan niya ang kamay nito saka sinimulang punasan. Sa init nito para siyang napapaso.
Ilang sandali pa ay natapos na siya sa pagpupunas sa kamay nito pati mga braso. Nakakaramdam siya nang hindi niya maipaliwanag sa tuwing nasasagi ng daliri niya ang matitigas na muscle ng binata. Pero isinawalang bahala niya lamang iyon hanggang matapos siya at isinunod ang paa nito hanggang sa itaas na bahagi ng tuhod nito na kaagad namang natapos. Ngayon ay isusunod na niya ang katawan nito. Inuna niya sa likod.
Nang sa tiyan niya na pupunasan ang binata ay umupo siya nang maayos sa kama. Ngunit nagulat siya nang biglang umupo ng tuwid si Thaddeus saka hinawakan ang laylayan ng damit nito.
“W-What are you doing?” She uttered, stuttering. She already has a hint about what he is going to do, but she doesn’t want to jump to a conclusion. Baka nagkakamali lang siya.
Pero napaluwa ang kaniyang mga mata nang humubad ang binata. Hindi nga siya nagkamali nang hinala. Tumambad sa kaniya ang malalaman na abs ng binata. Na kahit hindi niya pa man nahahawakan ay alam niyang matigas ang mga iyon.
Palaman na lang ang kulang. Sa isip-isip niya.
“You’re salivating.” Napaayos siya nang upo saka kinapa ang gilid ng kaniyang labi para sipatin kung talaga ngang naglalaway siya.
Napamulagat siya nang mahinang tumawa ang binata. Senyales na ginagago lamang siya nito.
“Humiga ka na nga lang nang mapunasan ko na ang tiyan mo!” inis na usal niya.
Yumuko siya dahil biglang naramdaman niya ang pag-init ng kaniyang pisngi. Dahil ba ito sa inis o sa hiya dahil nahuli siya ng binata na nakatitig sa mga abs nito.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nabuwesit dito. Nakulangan ba siya sa pagtitig sa kumikinang-kinang na mga abs nito? Nang balingan niya ang binata ay nakahiga na ito at nakapikit.
Binasa niyang muli ang bimpo saka piniga. Pagkatapos ay dahan-dahan niya nang pinunusan ang tiyan ng binata, pataas sa malapad na dibdib nito.
Hindi niya alam kung bakit nakararamdam siya nang ganoong pakiramdam. Hindi niya iyon mapangalanan. Basta ang puso niya ay mabilis na tumitibok. Dahil sa hindi siya mapakali, hindi niya nararamdaman na ang kaniyang hinlalaki ay paunti-unti nang humahagod sa dibdib ng binata. Nang bumaba pa ang kaniyang pagpunas sa tiyan nito, naramdaman niyang nasisipat niya na ang abs nito. Tama nga ang hula niya, matigas ang mga iyon.
Naramdaman niya ang paggalaw ng binata. Nang balingan niya ito ay nakaupo na si Thaddeus. Hindi niya na nga namalayan na natanggal na nito ang bimpo sa kamay niya. Nararamdaman niya na lang na matigas na ang nahahawakan niya. Walang iba kung hindi ang mala-diyamanteng pandesal ni Thaddeus.
Hindi man lang siya kumurap nang hawakan ni Thaddeus ang kaniyang mukha, patungo sa kaniyang baba at iniangat iyon.
“You’re seducing me, huh!” With that, she suddenly felt his lips on hers. Claiming it as if he owns her lips. It was gentle and romantic.
Nawala na rin sa katinuan si Sheena. Hindi niya na naisip pa ang lahat. Ang alam niya lang ay gusto niya iyon. Ilang sandali pa ay naramdaman niya na lamang na sumasabay na siya—ang labi niya, sa bawat galaw ng labi ng binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top