CHAPTER 13

“WHAT ARE you doing here?” mahinang usal ni Thaddeus. Bagama’t hapong-hapo ito ay maayos pa rin nitong nabanggit ang mga salita. Walang bahid nang pagkautal.

Nakaupo na ang binata. Hindi katulad kanina na nakaratay ito sa higaan at balot-balot ng kumot niyang makapal. Ang bimpong nakapatong sa noo nito ay naalis na rin nito at nilagay na lang sa gilid kung saan may lalagyan doon, naroon din ang iba pang bimpo na nagamit niya.

“To give this folder to you. Dad kept on calling you last night but you're not picking up your phone. So he hand over this folder to me and instructed to give this to you.” Iniripan ng dalaga ang binata. “And as what I can see now, kailangan mo nang aalaga sa ’yo. Kung bakit naman kasi nagpaulan ka gayong alam mo naman na bawal kang maulanan?” Pagmamaldita pa rin ng dalaga.

“Manang was already here. She’s taking care of me—”

“She said you're being stubborn. You’re not taking the medicine she was giving to you. Para kang bata. Gurang na pero takot pa sa gamot.” Pamumutol niya sa sasabihin pa sana ng binata.

“Sino ba ang matutuwang uminom ng gamot? If it’s bitter than to a bitter gourd? And stop calling me gurang. I’m just 37 years old,” tugon ni Thaddeus. Umirap lamang ang dalaga rito.

“Ewan ko sa ’yo, Gurang. Here, take this folder. I wanna go home. Just give it to Dad if you’re already okay.” Inilahad niya ang folder sa binata na kaagad naman nitong kinuha at inilagay sa gilid ng kama.

“Aren’t you going to take care of me? I think I need a pretty caregiver. Baka gumaling ako kapag ikaw ang nag-alaga sa ’kin,” Thaddeus said, a playful smile crept on his handsome face.

“May taga-alaga ka naman na. So, you won't need me anymore. Manang can take care of you. Just stop your stubbornness. Matanda na si Manang, huwag mo nang pahirapan.” She roamed around, her eyes on Thaddeus' room. It was all black. From the wall, the bedsheet, and his blanket were all black. Even the table where the lampshade was placed.

Tanging ang ceiling lamang ang hindi itim ang kulay na nakita niya doon.

Nang ibaling ni Sheena ang kaniyang tingin sa binata, nahuli niya itong nakatitig sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit bakas sa mukha nito ang pagsusumamo. Para saan iyon? Gusto ba talaga ng binata na manatili siya?

Nasabi niya naman kanina na aalagaan niya ito, pero bakit ngayon ay nag-aalangan siya? Dahil ba hindi mapakali ang puso niya? Dahil ba sa lalong tumitingkad ang nararamdaman niya para dito sa tuwing malapit ang binata? Paano ang pinanghahawakan niyang paniniwala na hindi siya magkakagusto at papatol sa hindi niya ka-edad?

“Please, Sheena. Even just today, puwede bang manatili ka muna sa tabi ko? Puwede ba akong... magpa-alaga sa ’yo?” ani Thaddeus. Bakas pa rin ang pagsumamo sa mata nito.

Nag-isip muna ang dalaga bago sagutin ang tanong ng binata. Nakapagpaalam naman na siya sa kaniyang ama na hindi siya makakauwi tulad sa inaasahan ng mga ito. Hindi kaya ito mag-aalala na sobrang tagal niya na? Kilala niya ang ama, madali itong ma-pranning tuwing late na siya kung makauwi.

Inside Sheena’s mind, she heaved a deep sigh as well as closed her eyes before she uttered the words that made Thaddeus' face glisten.

“Just please, don’t be so stubborn. Lalayasan talaga kita kapag pinairalan mo ako nang katigasan ng ulo.” She rolled her eyes again that made Thaddeus chuckled.








LABIS-LABIS ang tuwang nadarama ngayon ni Thaddeus. Sa wakas ay makakasama niya nang matagal ngayon ang babaeng hindi niya inaasahang sisira sa paniniwala niya. Tanging ang babaeng kasama niya lamang ngayon ang nakabihag sa puso niya na akala niya talaga ay hindi iibig pero heto siya ngayon, minamahal si Sheena. Oo, mahal niya na ito. Mabilis. At wala siyang dahilan pa para i-deny ang kaniyang nararamdaman sa dalaga.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ng kaibigan niya kapag sinabi niya dito na mahal niya ang anak nito? Kilala niya ang kaibigan, sobra itong protective pagdating sa anak nito.

Saka niya na muna iyon iisipin, ang importante muna sa kaniya ngayon ay ang presensiya ng dalaga na hindi niya inaasahan na makakasama niya, tapos aalagaan pa siya. Siguro planado ng Diyos na magkasakit siya para magkaroon sila ni Sheena ng quality time, ’yon nga lang ay may sakit siya. Nagdilang anghel din ang nasira niyang cellphone dahil sa nabasa ng ulan. Isa rin ito sa kinokonsidera niya na dahilan kung bakit nasa tabi niya ngayon ang dalaga.

“Ba’t nakangiti ka riyan?” tanong sa kaniya ng dalaga. Napansin yata nito ang pagngiti niya. Hindi niya na kasi iyon mapigilan gayong nasa malapit lang ang rason kung bakit maaliwalas ngayon ang mukha niya.

Napatingin silang dalawa sa pinto nang bumukas ’yon. Nakita nila si Manang Josefina na bitbit ang bagong luto na lugaw. Dalawang mangkok at dalawang tubig ang nakita niyang nasa tray. Siguro, para sa reyna niya ang isa roon.

“Manang, sana po tumawag at kumatok ka para napagbuksan kita ng pinto. Paano po kung natapon ’yang bitbit mo? Mainit pa naman ’yan,” magalang na ani Sheena.  Lalo tuloy na napangiti siya. Hindi lang maganda ang  nakabihag sa puso niya, mabait din ito. Masungit nga lang pagdating sa kaniya.

“Ayos lang po, Ma’am. Kaya naman ng balikat ko.” Ngumiti na lang ang matanda sa dalaga. “Ito na po ang lugaw. Masarap ’yan. Kainin niyo na habang mainit pa. Sinamahan na rin kita ng para sa ’yo. Parang hindi ka pa kasi nag-almusal. Ang aga mong nagawi dito.” Dagdag pa nito.

“Ikaw, Manang, nag-almusal ka na ba?” ani Thaddeus na nasa dalaga ang tingin. Hindi niya kasi kayang hindi titigan ito.

“Tapos na ako, Sen—Sir.”

“Manang, sabing huwag mo na akong tawaging Senyorito pero tinawag mo naman akong Sir.  You can call me on my name. Puwede mo rin akong tawaging anak, just like what you used to when I'm still young. Lumaki lang ako, binago mo na ang tawag mo sa akin. I miss you calling me anak. I love it.” Nginitian niya si Manang Josefina saka ibinaling muli ang tingin kay Sheena na hinahanda na ang pagkain niya.

Nakita niyang inilagay ng dalaga ang maliit na lamesa sa kaniyang kama saka ipinatong roon ang tray na may lamang pagkain nila. Nang matapos ay umupo na ito sa kama niya na wari ba’y napapagitnaan nila ito.

“Oo na. Kumain ka na riyan. Ma’am—” Hindi natuloy ng Ginang ang pagtawag sana sa dalaga kasi hindi niya alam ang pangalan nito.

“I’m Sheena, Manang. Katulad nang sabi ni gurang, tawagin niyo na lang din po akong anak o kaya hija. I don’t want somebody else to see me as superior of them. I believe that each of us deserves an equal treatment. Mayaman man o mahirap,” ani dalaga saka nagpakawala nang matamis na ngiti.

Sa pinaggagawa ng dalaga, lalo lamang siyang nahuhulog dito.

Ngumiti si Manang Josefina sa dalawa. “Kumain na kayong dalawa. Kukuha lang ako nang pampunas sa katawan mo, anak.” Baling nito kay Thaddeus. Tumango lamang ang binata rito.

At umalis na nga ang Ginang. Isinara nito ang pinto.

“Puwedeng huwag kumain?” aniya. Nakita niya kaagad ang paniningkit ng mga mata ng dalaga. “I’m just kidding.” Alanganin siyang ngumiti.

“Eat your food and I will eat mine. Ubusin mo ’yan, iinom ka pa ng gamot,” nakataas ang kilay na usal ng dalaga saka siya pinaikotan ng mata.

Ngumiti na lamang siya dahil sa ginagawa ng dalaga. Imbis na ma-turn off dito dahil sa katarayan nito ay lalo lamang siyang nagkakagusto rito. Mas lalo niyang ginugusto na pagmasdan ang katarayan nindo. Sa isip niya, may karapatan naman itong magmaldita. Ganda eh.

“Hindi mo ako susubuan? You know... I’m sick.” He licked his lip. Subsequently, he put his tongue inside his mouth and clicked it.

“May lagnat ka lang, hindi ka baldado. Mahahawakan  mo ang kutsara at kaya mo nang subuan ang sarili mo. Gurang ka na,” ani dalaga. Sa muli ay tinarayan na naman siya nito.

“Please... Subuan mo na kasi ako. Hindi ako kakain kapag hindi mo ako sinubuan.” Pagmamaktol niya dito sabay pout. Baka umepekto kay Sheena.

“Edi ’wag mo! Hindi naman ako ang magugutom. Aalis na rin ako after I ate this food,” turan ng dalaga.

“Why so heartless? Sige na kasi, subuan mo na ako. Ayaw mo, edi ’wag.” Lukot ang mukha na umusog siya palayo sa pagkain.

“Dami mong arte. Buwesit ka! Oo na! Susubuan na!” naiinis na sabi nito.

Ngumingiti na bumalik siya sa posisyon niya kanina.

“Puwedeng... ’yang kutsara na ginamit mo, ang gamitin mo rin sa pagsubo sa akin.” Malamyos na tiningnan niya ang magiging reaksiyon ng dalaga.

Pinandilatan siya nito ng mata saka tinaasan ng kilay. Sa gitna nang pagtataray sa kaniya ni Sheena, hindi niya inaasahan na itatabi nito ang kutsara na nasa pagkain niya. Pagkatapos ay kaagad na siya nitong sinubuan. Sa isip-isip niya, napagod na ang dalaga kakadakdak sa kaniya, kaya kahit labag sa loob nito ay sinubuan pa rin siya ng dalaga, gamit ang kutsara na ginamit nito sa pagkain kanina.

They just have an indirect kiss. Thaddeus was smiling with satisfaction in the back of his mind. Imagining that their lips met, where it was just the spoon that was inserted into his mouth with food. He even imagined the sweetness of her lips that intoxicated him.

Dang! I’m whipped!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top