CHAPTER 12
KINAUMAGAHAN nagmadaling naligo si Sheena. Nang matapos siya ay kaagad siyang nagbihis. Kinuha niya ang puting folder na binigay sa kaniya kagabi ng kaniyang ama. Pagkatapos ay lumabas na siya sa kaniyang kuwarto na hawak-hawak iyon.
“Good morning, Dad,” she uttered when she saw her father in the living room. He was sitting on the single couch, reading a newspaper.
“You’re leaving? You haven’t eaten your breakfast yet.” Her father put the newspaper on the table, then stood up and looked at her.
“Para makauwi ako kaagad. Mabilis lang ito. Puwede ko gamitin ang car mo, Dad? You know, we don’t have a driver for now. Naka-day off ang lahat ng tauhan natin,” she said then smiled at her Dad.
“Your car was already in the garage. Actually, kahapon pa ’yon dumating, hindi ko lang naipakita sa ’yo. Wanna see it now?” She nodded out of excitement. “Then let’s go.” Her father smiled at her before he walked.
When her father was stepping out of the living room, she followed him to their garage.
Ilang sandali lang ay narating na nila ang garahe. Tinanggal ng kaniyang ama ang harang sa garahe na nagsisilbing pangtakip sa kabuuhan niyon.
“Remove the cover of your car, Princess,” her father said.
Mabilis siyang lumapit sa natatakpan pang sasakyan. Nang makalapit ay hinimas niya muna iyon, bago tuluyang tinanggal ang nakakatakip doon.
Napatakip siya kaniyang bibig at lumaki ang mata ng dalaga nang bumungad sa harap niya ang kulay rosas na Mercedes Benz.
“Oh my God, Dad! Ang ganda!” Hinimas-himas niya ang bintana ng kotse. Pagkatapos ay pumunta siya sa hood nito at bahagyang hinimas iyon.
“Did you like it,” Roi said, smiling because he saw in her daughter's eyes the happiness.
Humarap ang dalaga sa ama at patakbong lumapit dito. “Thank you, Daddy. I love it. I love you, Dad.” Niyakap niya ang kaniyang ama na kaagad na tumugon.
“Anything for you, Princess,” he retorted. Walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman niya ngayon dahil sa aliwalas at kinang ng mga mata ng kaniyang unica hija.
“You never fail to make me happy, Dad. I'm lucky to have you as my father. Thank you, Dad.”
“You’re welcome, Princess.” Pinutol na ni Roi ang yakapan nila. May kinuha ito sa kaniyang bulsa. “Here's your car key. Go. Use your car, Princess.”
“Thank you again, Dad. I will go now. Para makabalik kaagad ako,” aniya na kaagad na tinanguan ng kaniyang ama.
Ngumiti siya muli rito saka tuluyan na niyang tinalikuran ang ama. Nakangiti siyang lumapit sa kaniyang kotse at saka pumunta sa may pinto ng driver's seat. Binuksan niya iyon nang may ngiti sa labi hanggang sa makapasok na siya sa loob ng kotse.
Kaagad niyang binuhay ito dahan-dahang pinaandar palabas ng garahe. Nang makalabas ay pinatigil niya binuksan niya ang bintana saka kumaway sa ama. Pagkatapos ay pinaandar niya napalabas ng kanilang gate. Dahil sa awtomatiko namang bumubukas iyon kapag lalabas sila gamit ang kotse ay kaagad siyang nakalabas sa kanilang gate.
She attended a driving lesson, she even had a practice on driving a car. That's why she knew how to drive even if it was the first time that she had her car.
While she was driving, she was moving her head left and right, witnessing the beauty of their subdivision, as well as the house that was built there. With a different exterior design and style.
Nang magsawa ay itinuon niya na ang kaniyang atensiyon sa daan, hanggang makalabas na siya sa subdivision.
MAKALIPAS lang ang tatlumpong minuto ay narating niya rin ang bahay ni Thaddeus. Inihinto niya ang kaniyang kotse sa labas. Nagdadalawang-isip kung baba na ba siya o kung babalik na sa bahay nila dahil sa hindi maipaliwanag na pakiramdam. Kinakabahan at nasasabik siyang makita ang binata sa hindi malamang dahilan.
Bakit siya kinakabahan? Bakit siya nasasabik? Maaari pa lang makaramdam nang magkaibang emosyon sa isang pagkakataon. Iyon ang mga lumalaro sa isipan ng dalaga.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Nang buksan niya ang mga mata niya ay kaagad niya nang binuksan ang pinto nang kaniyang kotse. Dahilan para makaramdam siya lalo ng kaba at pagkasabik.
Kaba, dahil baka galit ang binata sa kaniya dahil sa pagtakbo niya no’ng huli nilang pagsama. Sabik, dahil makikita niya na naman ang guwapo nitong mukha na hindi nakasasawang tignan. Ang matangos nitong ilong na gusto niyang mahawakan at pisilin ay isa sa nakakuha ng atensyon niya. Idagdag pa ang panga nitong depinang-depina na minsan niya nang umigting. Saka ang mata nitong kulay itim na kung tumingin ay parang sinisisid ang buong pagkatao at kaluluwa niya. Lahat ng ’yon ay kinasasabikan niyang makita muli.
Manhid na lang yata siya kung hindi niya pa rin napapakiramdaman ang kaniyang sarili na nabighahani siya sa binata. Kahit naman yata sinong babae ay mabibighani sa karisma ni Thaddeus, idagdag pa ang yaman nito—mas mayaman pa sa kanila. Hindi niya naman kailangan ang yaman nito dahil ’yong sa kanila ay sapat na sa kaniya. Ngunit bakit niya iniisip iyon? Hindi ba’t ayaw niya sa mas matanda sa kaniya?
No! Hindi ang gurang na ’yon ang sisira sa gusto ko. Ani dalaga sa kaniyang isipan.
Aminin mo na kasi sarili mo na nabibighani ka na sa lalaking ’yon, na unti-unti na itong pumapasok sa sistema mo. Giit naman ng isang bahagi ng utak niya.
No! I won’t fall for that old man! Never!
He’s not that old, Sheena. He's just fourteen years older than you. Whether you admit it or not, you know to yourself that you’re attracted to him. In denial.
I’m not! I don’t like a man who's older or younger than me. I’m not a fan of age-gap relationships. No freaking way!
Okay. Let’s see.
Pakiramdam niya ay ngumingisi na ang bahagi ng kaniyang isip na nakasagutan niya. Ipiniling ng dalaga ang kaniyang ulo. Pati sarili niya ay nagtatalo na. Baka kailangan niya na ng Psychiatrist.
Kahit pa si Thaddeus na lang ang lalaking natitira sa mundo, hinding-hindi siya magkakagusto rito. Hindi siya papatol sa isang gurang tulad nito.
Kinalma niya muna ang kaniyang sarili. Pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas sa kaniyang kotse bitbit ang puting folder na may lamang papeles. Isinara niya ang pinto ng sasakyan, saka naglakad na siya papunta sa gate.
She pressed the button of the doorbell that was glued to the side of the gate that was made from cement-painted white paint.
Maya-maya lang ay bumukas ang maliit na pinto sa gate at bumungad sa kaniya ang may katandaan ng babae.
“Magandang umaga po. Nariyan po ba si Mr. Vinzon?” she asked politely.
“Nandito po, Ma’am? Ano po ang kailangan niyo kay sir Thaddeus? Pasok po kayo, Ma’am.” Pinalaki nang matanda ang siwang ng maliit na pinto na nasa gilid ng gate katabi ng poste na kinakabitan ng gate kung saan nakadikit doon ang door bell.
Yumuko ang dalaga ang kaniyang ulo saka pumasok na. Mababa lang kasi ang pinto na iyon. Kung dati ay sa gate sila dumaan ng binata nang minsang dalhin siya nito rito dahil sa nakainom siya, ngayon ay doon siya dumaan sa pinto.
Nang una niyang punta rito ay wala siyang nakitang tao. Silang dalawa lamang ni Thaddeus noon.
“Matagal ka na po ba rito, Manang,” hindi niya napigilang tanong sa Ginang.
“Matagal na po akong nag-t-trabaho sa pamilya nila, Ma’am. Sa mansion nila ako nakatira at ako ang bumabantay roon kasama ang aking pamilya at iba pang tauhan nila sir Thaddeus na kahit wala na ang mga magulang nito ay naroon pa rin ang mga ito. Mabait kasi ang pamilya nila kaya kahit wala ng kaming amo roon, nandoon pa rin kami. Bayad na rin sa lahat ng tulong na naibigay sa amin ng kanilang pamilya.” Ngumiti sa kaniya ang Ginang. Lumabas pa ang mga ngipin nito na kahit matanda na ay kompleto pa rin.
“Sino po ang katulong dito ni Thaddeus?” tanong niyang muli.
Bakit tila bigla siyang naging interesado sa buhay ng binata?
“Wala po. Simula nang mawala ang kaniyang mga magulang ay umalis siya sa kanilang bahay at nanirahang mag-isa. Ayaw niyang manatili sa kanilang mansiyon dahil nagiging emosyonal lamang siya sa tuwing naalala niya ang masasayang kaganapan sa bahay na iyon, kasama ang kaniyang magulang. Idagdag pa na may malaking painting roon nang kaniyang ama at ina, kasama siya. Kaya pinili niyang umalis sa bahay na ’yon. Naiintindihan namin iyon kasi kahit kami man na katiwala nila ay nagiging emosyonal sa tuwing nakikita namin ang painting na iyon.” Bumuntong-hininga ang ginang. “Kaya lang naman ako naririto dahil sa mataas ang lagnat ni Sir Thaddeus. Naulanan daw. Alam nang bawal siyang maulanan dahil mabilis siyang nilalagnat kapag nuulanan, tapos nagpaulan. Siguro kung nabubuhay pa ang kaniyang ina, siguradong sandamakmak na sermon ang matatanggap niya mula rito.” Pagpapatuloy pa nito na biglang nalungkot.
Bigla siyang nag-alala para sa binata. Dahil doon ay nanaig sa kaniya ang kagustuhan na makita ito. Ang kaba na nararamdaman niya kanina ay biglang naglaho sa puso niya. Ngayon ay gusto niya na lang itong makita at mayroon sa loob niya na gustong alagaan si Thaddeus.
“Kumusta na po siya ngayon?” nag-aalalang tanong niya sa matanda.
“Mataas pa rin ang lagnat. Ang unti kasi kumain tapos ayaw inumin ang mga gamot na binibigay ko. Ang tigas talaga ng ulo. Kahit noong bata pa ’yan, ang hirap talaga painomin ng gamot. Gusto palaging syrup kahit noong nagbibinata na siya. Ayaw niya raw sa lasa ng gamot.” Napabuntong hininga na lamang ang matanda. “Pasok na po tayo sa loob. At saka iyong niluluto kong lugaw para sa almusal ni Sir Thaddeus baka nililipad na.”
“Sige po, Manang,” tugon niya dito.
Nang maglakad na ang ginang ay sumunod na siya dito. Hanggang sa tuluyan na silang makapasok sa loob ng bahay.
Nakasara ang garahe ng binata nang mapalingon siya room habang naglalakad siya kanina.
Sa sala pa lang ay ramdam na kaagad ng dalaga ang hindi ganoon kalamig na atmospera dulot ng aircon. Katulad nang una siyang makapunta rito ay ayos na ayos pa rin ang gamit sa sala.
“Nasa kuwarto niya si Sir Thaddeus. Pupuntahan mo ba?” ani Ginang. Tumango siya biglang tugon. “Sige puntahan mo na siya. Nasa gitna na kuwarto ang kaniya.” At naglakad na ito sa kusina.
Ang dalaga naman ay nagsimula nang umakyat sa hagdan papunta sa kuwarto ng binata. Nang makaakyat ay kaagad na siyang pumunta sa nasa gitna na kuwarto. Nagdadalang isip kung bubuksan niya ba ang pinto o aalis na lang. Pero nanaig sa kaniya ang kagustuhan na makita ang kalagayan nito. Kaya kahit hindi pa kumakatok ay dahan-dahan niya nang binubuksan ang pinto.
Nasa gisid ang kama ng binata kaya kahit maliit pa lang ang siwang nang pagbukas niya ay nakita niya na ito. Nakahilata at may nakalagay na bimpo ang noo nito at balot-balot ng kumot.
Bigla siyang nakaramdam ng awa at nakokonsensiya siya dahil iniwan niya ito. Biglang paghingi ng paumanhin ay gusto niya itong alagaan.
Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa suot na pantalon. Binuksan niya iyon at saka mabilis na nagtipa ng mensahe para sa ama. Nang matapos ay isenend niya iyon at tinago nang muli ang kaniyang cellphone.
“I will take care of him hanggang sa gumaling siya,” mahinang usal niya at tiningnan ang binata.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top