CHAPTER 11

"BA'T BASANG-BASA KA? Sumuong ka sa lakas ng ulan?" bungad na tanong sa kaniya ng kaniyang Yaya Minda.

"What happened to you, Princess? Why were you dripping wet?" Kababa lang ng kaniyang ama sa hagdan at inaayos ang gusot ng damit na sigurado si Sheena na kasusuot lamang nito.

"N-Na-flat kasi ang sasakyan ni Mr. Vinzon kaya minabuti ko na lang na sumuong sa ulan kaysa maghintay pa na maayos iyon," She retorted, lying. She and Thaddeus could stay inside the car, waiting for the rain to stop. It just that she want to control herself. Alam niyang bibigay siya sa halik na pinagsaluhan nila ng binata.

"You could wait until the rain stops. Maliban na lang kung-"

"Wala, Dad!" she beamed after cutting his father. Roi just looked at her suspiciously.

"Pumasok ka na sa kuwarto mo, Anak. Maligo ka para mabanlawan ang ulan sa katawan mo." Tumango na lamang siya sa kaniyang Yaya Minda. Iniwasan niya ang mga mata ng kaniyang ama na nagsususpetya pa rin.

Kaagad na siyang umakyat sa hagdan. Nang matapos ay kaagad na niyang tinalunton ang kaniyang kuwarto na nasa kaliwang bahagi. Pumasok siya roon saka nagmadaling pumasok sa kaniyang silid-paliguan para bumanlaw.

Ilang sandali lang ay kaagad siyang natapos. Lumabas siya na nakatapis ang puting tuwalya mula sa kaniyang dibdib hanggang sa ibabang bahagi ng katawan niya. Pati ang buhok niya ay napupuluputan din ng tuwalya.

Dahil sa hindi siya nakahanda ng kaniyang susuutin ay pumunta na lamang siya sa kaniyang closet at naghanap. Nang matapos ay kaagad na niyang isinuot ang mga iyon. Tanging plain na pulang t-shirt lamang ang damit niya at maong na short na hanggang hita niya lamang.

Hindi muna siya naglagay ng lotion. Balak niyang mamaya na lamang bago siya matulog. Nang matapos na siya ay kaagad siyang lumabas sa kaniyang kuwarto. Tinalunton ang hagdan saka bumaba rito.

Wala siyang naabutang tao sa sala kaya dumeretso na siya sa dining area, baka naroon ang mga ito. Pero nang maglakad siya paroon, wala naman siyang nakita. Napakunot tuloy siya ng noo. Wala rin siyang naririnig na ingay mula sa kusina.

Naghanda na lamang siya ng kaniyang makakain. Pagkatapos ay kumain na siya. Nang matapos ay bumalik siya sa kaniyang kuwarto.

Nang nasa kuwarto na siya ay kaagad niyang kinuha ang kaniyang laptop. Binuklat niya iyon na kaagad namang nabuhay. Inilagay niya ang kaniyang password.

Ibinukas niya ang kaniyang Instagram saka nag-scroll. Tinignan niya rin ang kaniyang profile. Nang maburyo ay kaagad na nilisan niya ang app saka nanoood na lamang ng movie. As usual, Thai movie ang kaniyang pinapanood. Naaadik na siya sa mga Thai actors and actresses. She has a crush on Nadech Kugimiya. Marami pa siyang hinahangaang mga artista sa Thailand.

Nang matapos sa pinapanood ay kaagad na siyang naghanda para matulog na. Humiga siya patihaya, facing the ceiling. Nang maalala ang halikan nila ni Thaddeus ay wala sa sariling napahawak siya sa kaniyang labi.

Hindi niya man aminin sa kaniyang sarili, pero alam niya na nang dumampi ang malambot at natural na mapulang labi ng binata sa kaniya, tumibok nang mabilis ang kaniyang puso na alam niyang hindi niya dapat nararamdaman. Hindi siya tanga para hindi iyon malaman. Sadyang ayaw niya lang itong pangalanan.

"Urghhh!" gigil na singhal niya saka mahigpit na niyakap ang unan niya. "I shouldn't feeling this! Not to that Thaddeus. Masyado na siyang gurang para sa akin. Ayaw ko sa mas matanda sa akin. Damn you, stupid fucking heart!" Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa unan, saka siya gumalaw-galaw sa kaniyang kama. Siya at ang kaniyang puso ay hindi mapakali.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may marinig siyang kumakatok mula sa labas ng kaniyang kuwarto, saka sumabay ang boses ng kaniyang pinakamamahal na ama.

"Princess, are you still awake?" rinig niyang saad nito.

Kinalma niya muna ang kaniyang sarili saka niya sinagot ang kaniyang ama, "Yes, Dad. Why?" Binitawan niya ang unan saka gumalaw papunta sa dulo ng kama. Bumangon siya saka lumapit sa pinto.

"Can we talk? I'm with your Nanny, we will going to tell you something and I have a favor again," sagot ng kaniyang ama. Narinig niya itong nagsalita, pinapakalma ang kaniyang Yaya Minda.

Wala pa naman pero alam niya na kung ano ang sasabihin ng mga ito sa kaniya. Pero ang isipin na may pabor na naman ang kaniyang ama, napapakunot noo na lamang siya. Ano na naman kaya ang pabor nito?

Pinihit niya ang seradura ng kaniyang pinto saka dahan-dahan niya iyong binuksan. Bumungad sa kaniya ang abot-taingang ngiti ng kaniyang ama. Nakita niya ang pagpisil nito sa kamay ng Yaya Minda niya. Ramdam niyang tensyonado ito.

Oh, my Nanny was too nervous.

Sa isip ni Sheena ay napapangiti siya. Ngayon niya lamang nakita na ganoon ang kaniyang Yaya. Natatakot ba ito sa magiging reaksiyon niya tungkol sa sasabihin ng mga ito?

Pumasok na sila sa kuwarto niya. Kung kanina hindi niya makita ang hawak ng kaniyang ama dahil sa nakatago ito sa likuran nito, ngayon ay klaro na iyon sa mata niya. Isang puting folder iyon. Sigurado siyang may papeles doon. Para saan naman 'yon?

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." Her Dad took a deep breath. He looked at her Nanny who was still tensional. He smiled at Yaya Minda, making her calm. "Princess, me and your Nanny were dating. I mean I'm courting her."

Sheena covered her mouth using her hand. Her eyes went wide open. Acting like she was shocked about her father outcasted the relationship between him and her Nanny Minda.

"Really!? How?! Kailan pa?" she said, shockingly.

"Just this day." Her father clicked his tongue.

Nakaisip siya ng kalokohan kaya binago niya ang kaniyang ekspresyon. Mula sa pagiging kunwaring gulat ay pinadilim niya ang kaniyang mukha. Binalingan niya ang mga ito na may pagkadisgusto. Mag-audition na lang kaya siya sa pag-aartista, marunong naman pala siyang mag-acting? Sa isip-isip niya.

"Sabi na kasing huwag na nating ituloy ito, Roi. Ayaw ni Sheena sa magiging relasyon natin," ani Yaya Minda saka yumuko. Sa ekspresyon nito ay kaagad na na-guilty siya. Pero sinimulan niya na eh, kaya tatapusin niya na.

"I love you, Minda. We need to tell it to her. Kahit ayaw niya at least alam niya. We shouldn't hide it." Sa isip ni Sheena ay napapangiti siya. Tunay nga ang nararamdaman ng ama sa kaniyang Yaya. Akala niya flirt-flirt lang. She knew how flirty her father is. She saw how her father flirting his beloved mother every seconds when she still alive.

"Congrats, Yaya and Dad!" she shouted, making her Nanny jump because of shock. Her father covered his ears. "I saw you, Dad, the way you flirted with Yaya Minda in the dining room. I even saw the way you kissed her lips. And I have been matchmaking the both of you for a long time," she added.

She walked the small distance between her and her Nanny then she hugged her. Subsequently, she stopped the hug and faced her father.

"You're not mad, Princess?" Kinunutan siya ng noo kaniyang ama.

"I'm not, Dad. I'm happy for the both of you," she retorted, then smiled genuinely at him.

"Salamat, Anak." Her Nanny's voice became brittle.

"You don't have to say thank you, Yaya. Congratulations! I'm excited to call you Mama!" she happily said, then hugged Yaya Minda again.

"Puwede mo naman na akong tawaging Mama, kung gusto mo." Nginitian siya nito.

"Talaga!?" aniya na kaagad tinunguan nito, "Yey! You're not my Nanny anymore. Starting today, you're now my Mama. Mama Minda. Sounds great!"

Napaluha na lamang si Minda. Ang sarap palang matawag na Mama. Wala kasi siyang anak kaya hindi niya alam ang pakiramdam na tawaging ganoon, ngayon alam niya na at ang sarap sa pakiramdam. Dahil sa pagiging emosyonal nito ay niyakap muli ito ni Sheena.

"You're such a crybaby, Mahal." Kinabig ng ama niya ang kaniyang Mama Minda, saka ito pinaharap sa kaniya at pinunasan ang luha. Gano'ng-gano'n din ito sa kaniyang Mommy nang nabubuhay pa ito. One thing she realized, her father is a walking green flag man.

Nang maalala niya ang sinabi ng kaniyang Mommy, bigla siyang napangiti.

"Marunong ka na pala Dad manligaw? I still remember how Mom said that you didn't court her. You just got her v-card to make her yours," she said mocking her father. In that strategy, she also realized that her father is a bit red flag. Except that, overall, her father is a green flag.

"Huwag ka riyang makinig, Mahal. Marunong naman ako, hindi ko lang alam kung paano." Bumaling ang kaniyang Dad sa kaniya. "Araw-araw ko namang nililigawan ang Mommy mo noong kami na at kahit mag-asawa na kami tapos kahit nang dumating ka na sa buhay namin. You witnessed how I courted your mother when she's still alive." Her father placed his hand on her Mama Minda's waist then pulled her.

Nang makita ni Sheena ang kaniyang Mama Minda na dati ay Yaya ang tawag niya, bigla siyang na-guilty. Pag-usapan ba naman nila ng kaniyang ama ang tungkol dito at sa kaniyang ina. Binalingan niya ito. She's too insensitive.

"Sorry, Mama Minda, if we talked about Dad and Mom before," she said genuinely.

"Ayos lang 'yon, Anak. Ang sarap ngang pakinggan. Nalaman ko rin na hindi pala marunong manligaw ang Daddy mo. Magaling lang sa panlalandi." Ngumiti ito sa kaniya saka binalingan ang kaniyang ama.

"That's foul. I knew how to court. I just prefer the easy way. Yeah, the easy way. I can do that to you, Mahal," ani kaniyang ama saka ngumiti.

"Parang ibibigay ko naman sa iyo 'yon, Mister. Label muna. Saka ligaw muna bago landi. Hawak-hawak at halik-halik. Wala kang halik at kung ano man 'yang iniisip mo, hanggang hindi pa tayo." Mama Minda smirked at her father.

"Kawawa ka naman, Dad," ani Sheena saka tumawa, inaasar ang kaniyang ama.

"You're too mean, guys. Pinagtutulungan niyo ako. It hurts." Inilagay ng kaniyang ama ang kamay nito sa dibdib, animoy nasasaktan ito. Tinawanan lamang nila ito.

"Ewan sa 'yo. Sabihin mo na 'yong pabor mo nang makatulog at makapagpahinga na 'yang anak mo," ani ng kaniyang Mama Minda.

"Oo nga, Dad. Anong favor na naman ba 'yan?" sansala niya.

"Here." He handed the white folder to her. She accepted it. "Can you give that to my friend, Thaddeus, tomorrow? I called him to pick up here, but he wasn't answering my call. I dialed his number a consecutive time, but still, no response. I guess, he's too busy."

Just hearing the man's name, she was thinking a while ago, making her heart beat rapidly.

Gusto niyang tumanggi pero wala sa sariling napatango siya.

Her inner self was betraying her.

"Thanks, Princess," ani kaniyang ama. Ibabalik niya na sana ang folder dito pero parang may lahi ni Flash ang kaniyang ama at Mama Minda. Mabilis ang mga itong nawala sa harapan niya. Narinig niya na lamang ang pagsara ng pinto ng kaniyang kuwarto.

Umiling siya saka inilagay niya ang folder sa may lamesa na napapatungan ng lampshade, saka ibinagsak na lamang ng dalaga ang kaniyang katawan sa kama at nahiga.

Ang isipin na makikita niya na naman ang binata ay lalong nagpapakalabog sa kaniyang dibdib.

Hayst.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top