Epilogue
"Honey where are you?"
Nagmamadaling tinago ko ang tatlong puting bagay na hawak ko nang marinig ko ang boses ni Tyrone. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at huminga ng malalim. Lumabas ako sa banyo at naabotan ang asawa kong pilit tinatanggal ang necktie ng suit niya pero hindi dahil nahihirapan siya sa pagtanggal dito. Humihingi ng tulong na tiningnan niya ako. I laugh as I made my way towards him and removed his necktie. When it's finally removed, he wrapped his arms around my waist and leaned to kiss me.
"Where are the kids?" he asked after our mouths separated.
"The twins are just downstairs and CJ is in his room, hindi mo, ba sila nakita?" I told him with a smile. He shook his and shrugged. Binigyan ko siya ulit ng mabilis na halik bago lumayo sa kanya at tinungo ang pintuan. "Magbihis ka na. I'll be downstairs with them."
Lumabas ako sa kwarto namin at bumaba sa sala ng mansion kung saan naroon ang kambal.
Naabotan ko silang mayroong tinitingnan na cellphone. Hindi ito ang cellphone na binigay ng kanilang ama sa kanila. Nang nakalapit na ako sa kanila ay namukhaan ko ito. They are whispering to each other while peeking at the phone secretly.
"Dami ng pictures ni ate rito. Kung ipakita ko kaya 'to kay ate Hannah?" humahagikhik na sabi ni Tiarah sa kakambal.
"Ayah, kuya will be mad at us dahil pinakialaman natin ang cellphone niya." pagmamaktol ni Crown kay Tiarah pero inignora lang siya nito.
Patuloy sila sa pag-uusap at hindi man lang ako napansin na nakatayo sa likuran nito. I cleared my throat to get their attention. They turn and stared at me with wide eyes.
"Mommy!" magkasabay nilang bulalas.
"What are you doing? Bakit na sa inyo ang cellphone ng kuya niyo? Ibalik niyo 'yan sa kanya." sermon ko sa kanila. Naglakad ako patungo sa malawak na kusina dito sa loob ng mansion at kung saan naroon cook na abala sa pagluluto. "Tutulong po ako." gulat na napaikot siya habang may hawak na sandok sa isang kamay na parang ginawa niya itong armas sa kung sino mang aataki.
"Palaka kang unggoy ka!" mahina akong napatawa sa naging reaksyon niya. "Grabe naman kayo ma'am. Akala ko pa naman kung sino na." aniya habang ang kamay ay nasa ibabaw ng kanyang dibdib.
Napatigil ako sa pagtawa. "Sorry po manang," I looked at her apologetically. "Tutulong lang sana ako sa pagluluto."
"Ayos lang ma'am. Akala ko kasi si Annabel 'yung nagsalita. Nakakatakot," iminuwestra niya sa akin ang mga gulay na kailangan pang hiwain. "Hiwain niyo na lang po iyan, ma'am. Request po kasi ni young master na magpapaluto raw siya ng kare-kare."
"Sinong young master ba ang tinutukoy mo?" nagtataka kong tanong.
"Si young master CJ po." tumango na lang ako at sinimulan nang hiwain ang mga gulay na iluluto.
Ewan ko ba sa kanila. Tinanong ko nga noon kung bakit kailangan gan'yan ang tawag nila sa mga anak ko pero nakasanayan na raw nila iyon. Mabuti na lang at sinunod nila ang hiling kong 'wag akong tawaging 'lady'. Kinikilabotan ako sa tuwing tinatawag nila akong ganoon.
Pinagpatuloy lang namin ang pagluluto. We are quietly cooking side by side when CJ barged in the kitchen with a huge frown on his face.
"Mom have you seen the twins?" may halong inis ang boses na tanong niya sa akin.
"Na sa sala lang sila kanina. Wala ba doon? They've got your phone."
Mas lalong nagusot ang kanyang mukha dahil sa sinabi ko. "Wala sila doon. Maybe they are hiding somewhere-"
"There's no need to do that. I've found the culprit and they are guilty of their crime."
Sabay kaming napatingin sa pinanggalingan ng boses. Tyrone's standing with the twins with him. Hawak niya sa magkabilang braso ang dalawang bata na hindi man lang makatingin ng diretso sa kuya nila. Inupo sila ni Tyrone sa upuan at tinabihan sila.
Nakapameywang na hinarap sila ni CJ at inilahad ang palad niya. Binigay kaagad ni Tiarah ang cellphone sa kuya niya. Para silang maamong tupa dahil sa kasalanang nagawa.
"Ano ang sasabihin?" ani Tyrone.
Nag-angat sila pareho ng tingin. "S-sorry kuya." magkasabay na hingi nila ng tawad.
"'Di tayo bati liit." pagsusungit ni CJ kay Tiarah.
Lumapit ako sa mesa dala ang mga pagkaing nakahain. "Mamaya na 'yan. Kumain muna tayo okay?"
Tinulungan ako ng cook sa paghain ng mga pagkain at inilagay ang mga ito sa mesa. Nagpaalam na rin siyang umalis dahil pupuntahan pa niya ang kanyang asawa na personal driver ni Tyrone. Nakangiting tinanguan ko siya at nagpasalamat. Umupo ako sa tabi ni Tyrone na yinapos kaagad ang kanyang braso sa akin. Pinandilatan ko siya na tinawanan lang niya. Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain.
Sinandokan ko si Tiarah dahil hindi man lang siya kumuha ng pagkain at sa halip ay kinukulit si CJ.
"Bati na tayo kuya. Promise na ko kukunin ang cellphone mo at tingnan ang mga pictures ni ate Hannah na crush mo," sinamaan siya ng tingin ni CJ pero hindi siya nagpatinag at pinagpatuloy ang pagsasalita. "Promise rin tutulungan ka namin ni kuya Crown na sabihin sa kanya na crush mo siya kasi torpe ka. 'Di ba kuya?"
Kinalabit niya si Crown na abala sa pagkain.
"Idadamay mo na naman ako, Ayah. Ikaw na lang ang gagawa." sabi nito na hindi man lang nag-angat ng tingin.
"Mom ang kulit ni Tiarah!" naiinis na pagmamaktol ni CJ.
Sabay kaming natawa ni Tyrone dahil sa pagkabusangot ng kanyang mukha.
"Your sister's right son." Tyrone teased him.
"Mom kinakampihan ni dad si Tiarah." he grumbled annoyingly.
"Ewan ko sa inyong mag-ama kayo."
"Honey let's make babies. I badly want you pregnant." he said huskily while planting little kisses on my neck as soon as we got inside our room. "Malaki na sila CJ. Kita mo may crush na ang panganay natin. Gusto ko ng bagong baby."
It's been two and half years simula noong ikasal kami and ever since gustong-gusto na niya talaga akong magbuntis. I can't blame him dahil pinagbuntis ko ang tatlo naming mga anak na hindi siya kasama at hindi niya sila nakasama sa mga naunang taon ng mga bata. Palagi niyang sinasabi sa akin na gusto niyang maranasan na humawak sa maliliit na kamay ng anak at kargahin ito ng buong ingat. He wants to witness my stomach getting bigger as days and months goes by. Gusto niyang mamili at pumili ng mga damit ng mga magiging anak namin. He wants to be there when I give to our babies dahil hindi niya ang mga iyon naranasan kay CJ at sa kambal.
He hold my head and kissed me passionately while his hands are roaming around my body. Napakapit ako sa kanyang balikat dahil sa biglaang panghihina ng aking mga tuhod. He dragged me towards the bed and put me down gently. Bumaba ang kanyang mga halik aking leeg at mahina niya itong kinagat.
"T-Teka lang," pagpigil ko sa kanya nang akmang huhubarin niya ang aking pang-itaas na damit. "M-may sasabihin ako s-sa'yo."
"Later honey-"
I placed my index finger on his lips and smiled at him sweetly. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at umalis sa kama. Nagmamadaling pumasok ako sa banyo at kinuha ang tatlong puting stick na itinago ko roon kanina.
"Honey akala ko ba may sasabihin ka?" sinundan niya pala ako sa banyo. Napatingin siya sa hawak ko. "Ano ang mga 'yan?"
Pinakita ko sa kanya ang tatlong puting stick na may dalawang puting linya sa harap ng kanyang mukha. Sa una ay tila nagloading pa siya at hindi narealise ang ibig kong ipahiwatig. Pero ilang segundo lang ay lumiwanag ang kanyang mukha at nagsimula nang magsigaw-sigaw.
"Yes! Yes! Fucking yes!" napahiyaw ako dahil bigla niya akong binuhat at inangat sa ere pagkatapos mariin niya akong hinalikan sa labi. "Love you honey! Thank you! Teka lang I'm going to tell the children about the good news!"
Tumakbo siya palabas sa banyo at iniwan akong mag-isa. Narinig ko ang malakas na pagbukas ng pinto dito sa kwarto namin at ang kanyang mga sigaw na halata ang excitement sa boses.
"Huwag mo silang gisingin! Natutulog na ang mga bata!" pero hindi niya ako pinansin.
"Kids! We're going to have another family member!" rinig kong sigaw niya sa kabilang kwarto kung saan natutulog ang mga bata.
Lumabas ako sa banyo at sinundan si Tyrone sa kabilang kwarto.
"Talaga? Sino po?" inaantok na tanong ni Tiarah habang si Crown ay na sa kabilang kama at kinukusot-kusot ang mga mata.
"What's all of the fuss, dad?" humihikab na tanong CJ na galing sa kanyang kwarto.
Hinila ako ni Tyrone at hinapit sa beywang.
"Magkakaroon na kayo ng bagong kapatid."
"Really?!" bumaba si Tiarah sa kanyang kama at linapitan kami. Hinimas niya ang maliit ko pang tiyan. "I hope it's a girl."
"No, it'll be a boy." ani Crown na bumaba na rin sa kanyang kama.
"No kuya! Gusto ko girl para may kakampi na ako! Dalawa kayo ni kuya CJ na boy tapos gusto niyo boy ulit. Hmp!" tiningnan ako ni Tiarah. "Di ba girl mommy?"
Ngumiti lang ako sa kanya at hindi siya sinagot. Boy or girl, I'll love him or her like how much I love CJ and the twins.
"Don't worry kids kasi gagawa kami ng maraming baby ni mommy niyo. Tapos form tayo ng basketball team at ang mga girls ang cheerleader."
Sinuntok ko siya sa kanyang tiyan pero hindi naman malakas. "Ikaw nalang kaya manganak?" I scowled at him.
END
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top