Chapter 8
JILL'S P.O.V
Nakangiting pinanood kong kumakain si CJ sa aking harapan. Nakakatuwang makita itong maganang kumain. Sa simpleng pagkain lamang nito ay mayroon humahaplos sa aking puso. It was weird pero siguro ay nakikita lang ko si Crown dito dahil magkamukhang-magkamukha silang dalawa.
Nang maubos na nito ang kinakain ay dumighay ito na siyang nagpatawa sa akin. Hiyang-hiya ito yumuko at namumula pa ang mukha pati tenga. Hindi ko napigilang pisilin ang magkabilang pisngi nito.
"Ang cute cute mo baby. Ilang taon ka na ulit?"
"I'll be turning ten po." mababa ang boses na sagot nito.
"You know, you look a lot like my son. His name is Crown." tila napanting ang nga tenga nito dahil sa sinabi ko at mabilis na nag-angat ng tingin.
"M-may iba ka na p-pong anak?" nahimigan ko ang lungkot sa boses nito pero hindi ko ito pinansin dahil may nakakuha sa aking atensyon.
"Iba?" naguguluhang tanong ko. Ano ang ibig niyang sabihin?
"N-nothing."
I saw sadness flash through his eyes before he could even bow his head. Malakas ang aking kutob na may alam siyang hindi ko alam.
Napa-iling ako sa aking sarili. Ano ba itong pinagsasabi ko.
Tumayo ako ang hinawakan ang kanynag kamay.
"Hali ka, hanapin natin ang yaya mo."
Lumabas kami sa diner at muling pumasok sa mall. Napili ko kasing pakainin siya sa diner na nasa tabi ng mall dahil masasarap ang mga putahe nila doon. Tinanong ko siya kung ano ang itsura at suot ng kanyang yaya para mabilis namin itong mahanap.
"She's wearing her black uniform. She's also dark and fat with a very small voice. She talks like a squeaking rat."
Napangiwi ako dahil sa pagdescribe niya sa kanyang yaya.
Halos malibot na namin ang buong mall pero hindi pa rin namin mahanap ang kanyang yaya. Kaya napagdesisyonan kong humingi ng tulong sa lost and found office ng mall.
Pumasok kami sa office at bumati sa amin ang dalawang babae na nakaharap sa monitor ng kani-kanilang mga computer at mayroong tinitipa dito. Mukhang hindi nila kami napansing pumasok kaya tumikhim ako upang makuha ang kanilang atensyon. Halos magkasabay silang nag-angat ng tingin.
"How may I help you, miss?" tanong nung isa.
"Gusto ko sanang humingi ng tulong tungkol yaya ng bata. Kanina pa kasi siya nawawala at nakita ko siyang nakatayo doon sa toy store. Kaya hinahanap namin ngayon ang yaya niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin namin ito nahanap."
Bumaling ang tingin ng babae kay CJ na hawak hawak ko sa kabilang kamay. Ilang segundo ay tumango-tango ito pagkatapos ay may pinindot na intercom.
"Kuya, punta ka po dito." muli siyang tumingin sa gawi namin at itinuro ang upuan sa harap niya. "Please take a sit miss."
Sinunod ko ang ang kanyang sinabi at umupo sa upuan pagkatapos ay inilagay sa gilid ang mga pinamili ko. Nangangalay na kasi ako dahil mga isang oras na rin kaming palakad-lakad sa mall. Si CJ naman ay kinandong ko nalang kasi mayroong nakapatong na kahon sa isang upuan.
Bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang isang gwardiya.
"Pinatawag mo ko maam?" tumango ang babae na nasa harapan ko.
"I'm sorry, but wala pang naireport na may naghahanap ng nawawalang bata. For now, dito po muna kayo habang tutulong naman sina kuya na hanapin ang yaya ng bata at iaannounce rin namin ang tungkol dito para mas mabilis ang paghanap. Ayos lang ba sa'yo 'yon, miss?" she asked asking for my approval.
Tango lamang ang aking isinagot. Napatingin ako sa gaurd na ngayon ay nakakunot ang noo at pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa bata pagkatapos ay tinitigan ako. Nailang ako sa klase ng pagtitig nito sa akin.
"Kuya, is there something wrong?" hindi ko napigilang tanong.
"Hindi mo po ba ka ano-ano ang bata maam? Magkamukha po kasi kayo. Baka anak mo iyang bata at nais mo lang sabihin na hindi iyo 'yan dahil gusto mong ipamigay ang bata." dire-diretsong usal nito.
Napatulala ako dahil sa sinabi niya. Parang bang nagloading ang aking utak dahil ang tagal tagal bago ko naintindihan ang kanyang sinabi. Nang tuluyan nang rumihistro sa akin ang kanyang sinabi ay parang tumambol ang aking puso.
"Ano po?" I asked in disbelief.
"On a second thought, magkamukha nga kayo ng bata miss. If people would look at the both of you closely, they would notice that you have a huge resemblance. It won't be noticed at a first glance. Anak mo ba ang bata miss?"
Umurong ang aking dila dahil sa narinig at napatulala sa mukha nito. Ano ba ang pinagsasabi nila? Bago pa man ako makailing upang itanggi ang paratang nila ay nakatayo na ang babae.
"Payong kaibigan lang miss. Huwag kang maging irresponsableng magulang at itakwil ang responsibilidad mo bilang ina ng anak mo. Napakagwapo pa naman ng batang 'yan. Kaya miss mas mabuti pang iuwi mo na 'yang bata sa inyo."
Lumapit sa akin ang gwardiya at kinuha ang mga paper bag na may lamang aking pinamili kaya wala akong nagawa kun'di ang tumayo habang buhat-buhat si CJ.
Bago pa man kami tuluyang nakalabas ay narinig kong ang pagbulong ng kasamahan nitong babae.
"Ang gwapo nung bata. Sino kaya ama nun? Artistahin eh. Swerte naman nung babae. Irresponsable nga lang."
Nang nasa labas na kami ng opisina ay ibinaba ko na si CJ at kinuha sa gwardiya ang mga paper bag. Magalang na nagpaalam sa akin ang gwardiya at sinabing may gagawin pa raw siya.
Balik na naman sa una.
Ano ba ang problema ng mga tao ngayon? Hindi ko sila naiintindihan. Ang labo nila.
Malayong-malayo naman ang itsura ko kay CJ. I thought it was just a coincidence that Crown and CJ look identical, pero dahil sa mga sinabi nila ay bigla akong nagduda.
CJ looked at me waiting of what to do next after we've been thrown out. He grip the edge of my shirt. I ruffled his hair and smiled at him reassuringly.
"Let's go outside at maghanap tayo ng mauupuan doon. Im sure nangangalay ka na."
"Okay."
Lumabas kami ng mall at pumunta sa part kung saan may mga bench na nakahanay. Umupo ako at pinaupo ko rin siya tabi ko.
Tahimik naming pinanuod ang mga taong padaan-daan sa harapan namin. Nababahala ako kasi hindi pa rin namin mahanap ang kanyang yaya at pagabi na rin. Baka wala na akong choice kun'di ang dalhin siya sa bahay. Naghihintay sa akin sina Crown at Tiarah kaya hindi ako pwedeng magpagabi dahil naghihintay sa akin ang dalawang iyon.
Pumunta kasi kami sa bahay nina uncle kaninang umaga at nang makita ako ni Leah ay inaya niya akong kumain sa restaurant. Ayaw sumama ng kambal kaya iniwan ko muna sila sa lolo nila at ihahatid na lamang ni uncle ang mga ito bago gumabi. If they'll reach home without me in there, hahanapin ako ng mga iyon.
"Wala ka bang number ng yaya mo? Or your parents number para matawagan natin sila."
Tinitigan siya nito at matagal bago siya sumagot. Para bang pinag-iisipan pa nito ang susunod na sasabihin.
"I-I don't memorize dad's phone number and I don't have yaya's number as well."
Then, I don't have another chouce but to bring him home with me.
Huminga ako ng malalim bago muling nagsalita.
"Would it be fine to you I I'll g-" hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil may biglang sumigaw at tumakbo papunta sa kinauupuan namin.
"Y-young Master! Andito ka l-lang pala," hinihingal itong napahawak sa tuhod at hawak ng isang kamay ang dibdib. "A-akala ko nawala ka na. Buti nalang nakita ka namin dito at baka mapapatay ako ng M-master dahil sa pagkawala mo. Saan ka ba kasi nagsusuot? Bakit bigla kang nawala? Labis mo kaming pinag-alala."
Tama ang deskripsiyon na sinabi ni CJ sa akin tungkol sa yaya niya. Nakasuot ito ng uniform at matinis ang boses nito. Mataba ito't maitim at ngayon ay buhahag ang buhok dahil sa pagtakbo.
Sa likod niya ay mayroong nakasunod na bodygaurd at tumatakbo rin ang mga ito. Huminto ang mga ito sa harapan namin.
"How's the young Master?! " pasigaw na tanong ng isa sa mga body gaurd.
"Sa palagay ko'y ayos lang ang young master. Teka lang," bumaling sa akin ang yaya ni CJ at puno ng panghuhusga niya akong tiningnan."Mayroon ka bang ginawang masama sa young master?! Naku naku! Kung mayroon kang ginawang masama sa young master dapat ay magtago ka na dahil h-"
"Yaya she did nothing to me. In fact she's the one who helped me look for you. Don't overreact and please low down your voice." nakatakip ang tengang sabi niya.
Maging ako ay napahawak sa tenga dahil sa pagsigaw ng yaya ni CJ. Hindi ko lubos maisip kung paano kinakaya ng kanyang kausap na makinig sa kanya kung palagi siyang nakasigaw.
"Umuwi nalang tayo young master dahil siguradong mapapatay na ako ng master dahil sa pagkawala mo. Ipagdasal mo nalang na hindi ako matatanggal sa trabaho."
Saktong pagkasabi nito ay mayroong mamahaling kotse na pumarada sa harapan namin. Hinila si CJ ng kanyang yaya papunta sa sasakyan at may pag-alinlangang nagpahila si CJ rito.
"Wait!" bago pa sila tuluyang makapasok sa sasakyan ay sumigaw ako sabay tayo bitbit ang paper bag na may lamang stuff toy. Lumapit ako kay CJ at ibinigay sa kanya ang paper bag. "Don't forget this. This is yours."
"Thank you. U-uhm, we're going to see each other again right?"
Saglit akong napaisip
I smiled and nod at him.
"If it's our fate. Then we'll meet again each other soon."
Tumango siya at tuluyan nang pumasok sa sasakyan. Umandar ang kotse at nakasunod rin dito ang kotseng sinasakyan ng mga nga bodyguard nito. Pinanuod ko ang mga itong unti-unting nawala sa aking paningin.
I hope we'll meet again.
...
(A/N: please bear with the errors.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top