Chapter 6
JILL'S P.O.V
Lumipas ang mga araw at ngayon ay pasukan na. Naging abala ako sa pagtuturo at pag-asikaso sa kambal. Hindi naman ako masyadong nag-aalala dahil ako ang guro nila. It's like hitting two birds with one stone. Nagt-trabaho ako pero at the same time ay nababantayan ko rin ang dalawa kong anak.
Though noong una ay nag-alala ako dahil this will be their first time going to school pero kalaunan ay nawala ang pag-alala ko dahil nakita kong maayos naman silang nakikipaghalubilo sa kanilang kakaklase. Kahit si Crown ay tahimik, nakikisabay naman siya sa kanyang mga kaklase.
Madali lang rin para sa dalawa ang mga ipinapagawa ko dahil tinuruan ko na sila noon. They're also fast learners kaya nangunguna silang pareho sa klase.
"Teacher! Teacher! Tingnan mo po ang gawa ko!" nagtatakbong lumapit sa akin si Wannie, isa sa mga estudyante ko.
Nagsusumiksik siya sa akin at inilapag sa aking table ang bondpaper na may drawing. Napangiti ako nang makita ang kanyang iginuhit.
"You did a good job! Now, continue what you're doing. Koloran mo pa ang mga damit nila para pagkatapos ay maipapakita mo yan sa mama at papa mo. Okay?" he gave a toothy grin and run back to his table while holding the paper on his left hand.
I told them to make a picture of their family as an activity for this day, and I am glad all of them are enjoying what they are doing.
Napagawi ang tingin ko kay Tiarah na nagd-drawing kasabay ang kanyang mga babaeng kaklase. Mukhang sersyosong seryoso talaga siya sa kanyang ginagawa at sa papel lamang nakatuon ang kanyang atensyon.
Hinanap ng aking mga mata ang kanyang kapatid nang hindi ko siya namataan.
Kumunot ang aking noo nang makita ko siyang mag-isang nakaupo sa malayong mesa na malapit sa book shelf. Nakatitig lang siya sa papel at parang pinag-iisipan pa kung ano ang ilalagay dito.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa kan'yang tabi. Nakita ko na wala pang kahit na anong guhit at malinis na malinis pa maliban sa pangalan niyang nakasulat sa ibabaw.
"Bakit wala ka pang nasimulan, anak?" malambing kong tanong sa kanya.
Nag-angat siya ng tingin maliit na ngumiti pagkakita sa akin. Ibinaba niya ang lapis na kanina pa niya hawak.
"I don't know what to draw. Should I draw Lolo, tita and tito with us?" nakakunot noo niyang tanong.
"Of course anak. They're family."
"O-okay po." puno ng pag-aalinlangang sagot niya.
I ruffled his hair and watched him draw.
Alam ko naman kung ano ang iniisip niya kanina. But I don't want to voice it out. Dahil maging ako ay hindi ko rin alam. Hindi ko kilala ang ama nila. I don't remember some events from my past.
"Teacher I'm done!" nagtatakbong lumapit sa akin si Wannie at iniwagayway sa harap ko ang bondpaper na may drawing.
"Really? Let me see nga."
Ibinigay niya sa akin ang papel na kanyang hawak.
"Am I doing it right teacher?" he looked at me, expecting to be praised.
"Of course, you did great. Now, are you ready to give it to your parents?"
"Yes po!"
"Teacher, tapos na rin po kami!" malalaki ang ngiting nagsitakbuhan sa pwesto ko ang iba ko pang estudyante habang iniwagayway ang kani-kanilang mga papel.
Isa isa kong tiningnan ang mga 'yon at nilagyan ng check at full mark score. Nang matapos ay tinapunan ko naman ng tingin si Tiarah na nilalagay ang kanyang papel sa loob ng kanyang bag.
"Baby, ayaw mo ba 'yan palagyan ng check at score?"
Umiling ito at umupo sa tabi ni Crown.
"I don't want to. You'll see my drawing and I don't like that. I want to show it to you momny together with grandpa, uncle and auntie." she pouted and cross her arms.
Natatawang pinisil ko ang kanyang pisngi sabay halik sa kanyang noo.
...
"Grandpa! I miss you!" malakas na tili ni Tiarah nang makita ang kanyang lolo sa living room ng mansyon nito.
Patalon siyang tumabi rito sa couch at yumakap sa bewang nito. Uncle chuckled and kiss his granddaughter's fore head.
"Ako ba? Hindi mo man lang namiss baby girl? Ohw, my heart is in pain. I need a doctor." umakting na parang nasasaktan si Luke at nag-papaawa kay Tiarah.
"Hmp! I did not miss you ninong! I remember last last day you didn't buy me an ice cream." nakasimangot na sagot ni Tiarah sabay irap dito.
"Ouch! Yun na lang ba ang silbi ko sa'yo? Ang ipagbili ka ng ice cream? I think my heart just shattered." he clutched his breast as if it was aching painfully.
"Is it painful ninong?" napailing kami nina uncle at Leah nang lumapit si Tiarah sa ninong niya at tumabi rito.
Naglakad ako papuntansa couch habang hawak sa kanan kong kamay si Crown. Umupo ako sa tabi ni Uncle at nakipagbeso. Nagmano naman si Crown sa kanyang lolo bago kumandong sa akin at sumandal sa aking dibdib.
"Sorry po. I am just joking. Love you po, ninong." sabay halik ni Tiarah sa pisngi ni Luke na ngayon ay nakangiti na ng malaki. Benelatan pa niya si uncle.
"Wow! Bakit biglang nawala ang pain sa heart ko? Ang galing naman ng kiss mo baby girl!" pagpuri pa niya kay Tiarah.
"So, sino mas love mo baby girl? Ako ba or si Tito gurang? Di ba mas love mo ako? Right? Right?" malaki ang ngiting tanong niya sa anak ko.
Nalilitong napatitig si Tiarah sa mukha ni Luke at napayuko. Parang pinag-iisipan niya ang isasagot sa kanyang uncle. Nang muling umangat ang kanyang mukha at tumingin kay Luke ay mas lumaki ang ngiti nito.
"I love Crown the most." napalis ang ngiti sa mukha ni Luke dahil sa naging sagot ni Tiarah.
"Hindi kasali si Crown sa choices baby girl. And of course you'll choose crown because he's your twin." humaba ang nguso niya pero binalewala lang siya ni Tiarah at lumipat sa couch na inupuan namin.
"Stop being childish, Luke! You're gross." pang-aasar pa sa kan'ya ni Leah.
"Who are you? Do I know you? Wala akong kilalang kasing pangit mo. You should not talk to me. I'm allergic to ugly people."
"Sinong pangit? Ako? Baka sarili mo pinatatamaan mo? Kaya wala kang girlfriend eh dahil sa kapangitan mo."
At nagsimula na naman sila sa kanilang bangayan. Binalewala na lang namin sila dahil sanay na kami. Halos naman araw-araw nagbabangayan ang dalawang 'yan. They're always acting like a baby when they shouldn't be. Mas childish pa sila sa mga anak ko.
"Huwag niyo silang gayahin mga apo. I'll tell you a secret...pareho silang mga pangit." pabulong na sabi ni uncle sa mga bata.
"Why are they always fighting, grandpa? Crown and I don't always fight like uncle Luke and auntie Leah." nakakunot ang noo na tanong ni Tiarah kay uncle.
"That's just how they show their love to each other. Pero huwag niyo pa rin silang gayahin mga apo. Nakakapangit 'yon."
Magkasabay na tumango ang kambal na para bang natakot dahil sa pagbabanta ni uncle sa kanila. While the are still fighting oblivious what uncle told about them to the twins.
Nang tumigil na sina Luke at Leah sa pagbangayan ay dinala nila ang kambal sa garden para maglaro doon. Kaming dalawa ni uncle nalang ang natira sa living room. And now, kinukulit niya ako dahil mayroon daw siyang pabor na nais ipagawa sa akin.
He wants me to attend a charity ball in his behalf. He can't go to the charity because it'll be their anniversary with his wife na si aunt Marta. They've been together for three years now. She used to work for us but when she got married to uncle naging full housewife na ito.
Wala naman akong kaso doon pero magbobonding kami ng kambal sa araw na gaganapin ang charity ball.
"Segi na mahal kong pamangkin. Yun nalang ang iregalo mo sa amin ni babe. Please, please times one hundred pamangkin." he pleaded.
Malakas akong napabuntong hininga at napilitang tumango. What can I do? Kinokonsensya ako ng gurang 'to eh.
"Bakit ba kasi hindi mo nalang po tanggihan ang invitation?"
"The invitation was sent to me by an important person. He's a partner. That's why I should be there."
"Pero pwede mo namang sabihin na anniversary niyo nang asawa mo. Maybe he'll understand." namomroblema kong sabi.
"Nasabi ko nang dadalo ako and I can't take my word back. Simple lang naman amg gagawin mo pamangkin. You just need to sit there for me. Baka nga dahil sa pagpunta mo doon makahanap ka rin ng forever mo." sabay kindat sa akin at tapik sa balikat ko.
"I don't need a boyfriend. I am already contented with my twins."
Tumayo siya at tinapik ang balikat ko.
"You'll never know, ija. We can't tell the future. Pupunta lang ako sa kusina at maghansp ng makakain." pagkasabi no'n ay umalis na soya papunta sa kusina.
Naiiling na lamang ako dahil halatang inatake na naman siya ng pagkapatay gutom.
Nang sumapit ang hapon ay nagpaalam na kami kay uncle na uuwi na. Ilang minuto ko ring pinilit ang kambal na tumigil na sa kakalaro dahil uuwi na kami. Mukhang nag-eenjoy talaga sila sa pakikipaglaro kasama sina Luke at Leah.
Noon kasi ay nasanay ang mga ito na palaging bumibisita dito sa bahay nina uncle at makipaglaro kay Luke at Leah dahil palagi ang mga ito dito nakatambay. Kahit may sariling mansyon ang mga ito ay nakabuntot pa sila kay uncle. Pero ngayong nag-aaral na ang kambal ay minsan na lamang silang nakakabisita dito.
"Babalik naman tayo dito next week. Magkikita ulit kayo." pagkukumbinsi ko kay Tiarah na ngayon ay bagsak ang balikat.
"Apo, tama si mommy mo. Babalik naman kayo rito sa susunod na linggo. Bibisita rin kami ng grandma Marta niyo sa bahay niyo. Ayos na ba 'yon?"
"Okay... But I want to show them my drawing before we go po." mahina at malungkot niyang sabi.
Oo nga pala. Isa sa reason kaya siya excited pumunta rito ay dahil nais niyang ipakita ang gawang drawing kay uncle, Luke at Leah.
I scavenge the backpack I was holding for the paper. Nang makita ko ito ay ibinigay ko ito sa kan'ya. Nawala ang lungkot sa kanyang mukha pagkakita sa papel na hawak ko at napalitan iyon ng excitement.
"Grandpa, look po sa draw ko! This is me po and Crown and mommy po and you, grandma Marta and uncle Luke and auntie Leah." malaki ang ngiti na ipinakita niya ang drawing sa kanyang grandpa.
"Aba-aba, ang galing naman magdrawing ng baby girl namin. Ang gwapo ko dito ah." pagpuri ni Luke na kakarating lang.
He crouched in front of Tiarah and ruffle her hair. Mas lalong lumaki ang ngiti nito sa labi dahil sa pagpuri ni Luke. Sunod na dumating ay si Leah at nakita ang guhit na ginawa ni Tiarah.
"Did you do this baby? Ang galing galing mo naman."
"Thank you po." she blushed because of the compliments she recieved and hide her face behind the paper she's holding.
Natawa kami dahil sa inakto niya.
"Nagdraw rin po si kuya. You should see his also."
"Nagdraw ka rin baby boy? Patingin nga si ninang." malambing ang boses na sabi ni Leah.
Pero hindi umimik si Crown, sa halip ay nagsumiksik at nagtago sa hita ko. Tumawa ng malakas si uncle.
"My apo is being shy."
"Aalis na po kami, uncle. Baka magbago pa ang isip nitong mga apo mo. Ewan ko nalang. Ang hirap pa naman kumbinsihin ang mga 'to." pagpapaalam ko.
"Siya segi-segi. Magsi-alis na kayo." tumango ako at pinapasok ang dalawa sa sasakyan at kinabitan ng seat belt bago ako sumunod.
"Don't forget about what I told you, ija." pahabol ni uncle.
"Opo," bumaling ako sa dalawa na nasa backseat. "Buckle up guys."
I started the engine and drove the car.
Nakita kong kumakaway ang kambal sa labas ng bintana.
"Babye po! Bring ice cream po pagbibisita ka po!" sigaw ni Tiarah na kinailing ko.
...
(A/N: please bear with the errors.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top