Chapter 4

JILL'S P.O.V

Palinga-linga ako dito sa loob ng airport habang hawak ang malaking board kung saan nakasulat ang pangalan nina uncle.

Medyo nahihirapan ako dahil medyo maraming tao sa loob ng airport. Balita ko'y mayroon yatang artistang dadating ngayon kaya maraming mga fans ang nag-aabang at heto ako pinipilit makapunta sa harap.

Nang sa wakas ay nagawa ko nang makapunta sa harap ay bigla namang tumunog ang aking cellphone. Ibinaba ko ang kanina ko pang hawak-hawak na board at sinagot ang tawag.

"Nasaan ka Jill? We didn't saw you inside the airport kaya lumabas nalang kami." kumunot ang aking noo nang malamang si Luke pala ang tumawag.

"Paanong makikita niyo 'ko, eh ang daming tao dito sa loob. Sa'n banda ba kayo? Pupuntahan ko kayo."

"Just outside the airport. Nandito narin si Leah. Nasa loob kami ng sasakyan niya."

"Sege papunta nako jan." pinatay ko na ang tawag pero bago pa ako makQAatakod ay biglang nagtilian ang mga tao sa paligid.

They are trying to make their way on the front. Muntik nang mahulog ang aking mga hawak dahil sa pagkabangga at pagkaipit ko sa gutna ng maraming tao. I groaned and grip my phone. Pinilit kong makalabas sa mga nagsisiksikang mga tao.

Nang sa wakas ay nakalabas na ako sa gitna ay nakahinga ako ng malalim. Nagsimula akong maglakad papalayo sa mga tao. Pero napangiwi ako dahil mas lalong lumakas ang kanilang pagtitilian. Lumingon ako sa tinitilian nila. Saktong lumingon sa gawi ko ang tao na sa aking palagay ay ang artistang kanina pa pinag-aabangan ng mga tao sa fans sa airport. Nagkasalubong ang aming mga mata pero kaagad ako nag-iwas ng tingin dahil bigla akong kinalibutan.

Lumabas ako sa airport at hinanap ang sasakyan ni Leah. Lumiwanag ang aking mga mata nang makita ang ito at nakabukas ang bintana habang nakasilip ang mga tao sa loob at kinakawayan ako. Tumakbo ako papalapit dito at binuksan ang pinto. I put the board down and hugged my two little kids.

"Mommy! We miss you!" Tiarah squeled and hug me back.

"Mommy, me can't breath." usal naman ng lalaking kong anak na si Crown.

Linuwagan ko ang yakap ko sa kanila at pinaghahalikan ang kanilang mga pisngi. I showered them with my kisses which earned a giggle from Tiarah and a groan from Crown.

"What? You didn't miss your mother? And you don't want my kisses anymore? Oh my son's breaking my heart." I sighed dramatically and hugged my baby girl.

"No mommy. Kuya misses you when were still away from you. He always cry at night because he want's you to be  the one putting him to slewp. He also kept on insisting coming back early mommy because he misses you." mahinang kwento ng anak kong babae habang nakayakap sa akin.

"Is it true darling?" I peek at my son's face and saw that it was very red from embarrassment.

"Ayah! You don't need to tell that to mommy." he pouted and crossed his arms.

Natawa ako dahil sa baby boy ko.
"Ay ang cute cute talaga ng baby ko. Kiss mo nga si mommy." nahihiyang lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.

"Mamaya na yang drama. Umuwi muna tayo. I want to sleep kasi antok na antok na 'ko." saka siya humikab.

"Mamaya na kayo magbonding ng mommy niyo babies. Kailangan muna natin tong iuwi ang unggoy niyong uncle dahil baka magtantrums to bigla wala pa naman akong dalang candy." lintaya ni Leah na siyang nagpabalikwas kay Luke.

"What do you think of me?! A baby?!"  umuusok na halos ang ilong nito dahil sa inis sa kakambal na siyang nagpatawa sa amin.

"Oh come on brother. I am just kidding. Why are you so affected? Hindi naman siguro totoo yung sinabi ko kaya ka affected. Or tinamaan ka talaga sa sinabi ko."

Bago pa makasagot si Luke ay inunahan ko na siya. "Okay, okay. Tama na 'yan. Umuwi at na tayo at doon na lang kayo mag-away sa bahay niyo." sabi ko sabay pulot sa board at inilagay ito sa sasakyan.

Nakangising pinaandar ni Leah ang sasakyan bago binelatan ang kanyang kapatid ngunit tanging irap lang ang natanggap niya mula rito.

"Nasaan si uncle?" tanong ko nang mapansing hindi nga pala namin kasama si uncle.

"Ayon. Nagpakuha sa driver niya. Mauuna na raw siya kasi bibisitahin pa niya ang kanyang 'love of his life' kuno. As if may poreber. Walang poreber no." natawa kami dahil sa tono ng kanyang boses.

"Oh you sound really bitter my dear twin. Palibhasa hanggang ngayon wala ka paring naging girlfriend. My poor brother. Don't worry kasi baka wala lang talagang nakatadhana sayong babae dahil your purpose in this life is to be a priest. Hindi pa naman huli ang lahat. Gusto mo bang i-enroll kita para in the next decade pari ka na?" pang-aasar ni Leah sa kanya.

"No thanks!"

Tawa lang ako ng tawa dahil sa pag-aasaran ng kambal. Liningon ko ang dalawa kong anak na ngayon ay nakatoon sa ipad ang atensyon.

"Mga anak 'wag kayong gumaya sa mga baliw niyong ninang at ninong, okay?" sabi ko sa kanila.

"Okay!" sabay at walang pag-aalinlangan nilang sagot.

"Dont believe your mother mga inaanak. Nagj-joke lang 'yan." sabay sinamaan ako ng tingin ni Leah.

...

"Okay, we're here."

Pinark ni Leah ang sasakyan sa labas ng bahay namin. Binuksan ko ang pintuan at liningon ang dalawa na abala parin sa paglalaro sa ipad.

"Twins, mamaya na yan. Bumababa na kayo or gusto niyong sumama nalang kayo sa ninang at ninong niyo. Magpapa-iwan nalang ako rito at maghanap ng ibang cute na baby." I threaten them dahil parang wala na yata silang balak na tumigil kakalaro sa gadget.

"No! You're my mommy and I don't share!" itinapon ni Tiarah ang ipad at yinakap ako ng mahigpit.

"I'm out!" tila lumipad si Crown dahil mabilis siyang nakababa sa kotse. Nang makita siya ng kanyang kakambal ay kaagad itong humiwalay saakin at lumundag palabas ng sasakyan.

"Me too!"

Pareho kaming natawa ni Leah dahil sa inasta ng dalawa. Bumaba na rin ako dala ang gamit ng kambal pati ang board.

"Iuwi mo na yang kakambal mo bago pa yan maging bugnutin." sabi ko kay Leah bago sinara ang pinto.

"Bye twins! See you again!" paalam niya at pinaandar na ang sasakyan.

Nang mawala na sa aming paningin ang sasakyan ni Leah ay binalingan ko ang dalawa kong chikiting.

"Pasok na tayo sa loob."

Binuksan ko ang pintuan gamit ang susi at pinauna ng pasok ang mga bata. Ibinaba ko ang board at inilagay ang mga bag sa ibabaw ng maliit na table dito sa sala.

"Home!" Tiarah squealed and ran inside the house.

Then she ran towards the sofa both arms are wide open. Akmang aakyat siya sa rito ngunit nasubsob ang kanyang mukha sa sofa. Akala ko ay nasaktan siya pero nang akmang lalapitan ko siya ay bigla itong tumawa ng malakas.

Sumunod naman sa kanya ang kanyang kakambal at umupo sa sofa. Sinandal nito ang mukha sa arm rest ng sofa at ipinikit ang mata.

Tumatawa parin si Tiarah na parang tuwang tuwa dahil sa pagkasubsob. Naiiling ngunit natatawa ko siyang tiningnan. Linapitan ko si Crown at lumuhod sa harap niya.

"Antok ka na baby?" mahina kong tanong. Tumango siya at ibinuka ang mga braso. Maingat ko siyang kinarga at binalingan si Tiarah.

"Sleep muna kayo ni kuya para makapagpahinga kayo. Hindi ka ba napagod doon sa airplane?"

"Pagod po mommy. But I'm excited to play with you."

"Okay mamaya na ang play. Matulog muna kayo ni kuya mo." sabay hawak sa kanyang maliit na kamay.

Dinala ko silang pareho sa kanilang kwarto. Hindi ito kalakihan pero tama lamang para sa kanilang dalawa. Mayroon itong dalawang bed na magkaiba ang kulay at disenyo. Tiarah's bed is pink. The blanket and pillow are pink as well with unicorn design, while Crown's bed is plain blue and no design. Ayaw kasi  nito na mayroong litrato o guhit ang kanyang higaan hindi katulad ni Tiarah na nagrequest na may unicorn design ang kanyang unan at kumot.

"Get on your bed na anak." utos ko kay Tiarah na sinunod naman nito.

Binaba ko si Crown sa higaan niya at kinumutan ng maayos. Humikab ito at pumikit. Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi at binalingan naman si Tiarah na nakatingin sa akin. Linapitan ko siya at inayos kanyang kumot.  Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi katulad ng ginawa ko sa kanyang kuya.

"Matulog ka muna baby. Later we'll talk about your trip with your lolo and uncle. You have many things to share right?"

"Opo. I'll tell you about the beautiful places na pinuntahan namin." sabi niya habang humihikab.

"Okay. Kaya matulog ka na." hinaplos ko ang kanyang buhok bago tumayo mula sa pagkakaupo.

"I'll wake you up if ready na ang dinner."
Sinara ko na ang pinto ng kanilang kwarto

I checked the time at nakitang malapit na palang maggabi kaya inabala ko ang aking sarili sa paghahanda ng pagkain para sa hapunan.


(A/N: please bear with the errors and thank you for reading.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top