Chapter 27

THIRD PERSON'S P.O.V

"Kuya's doppelganger, wake up! Wake up!" gising ni Tiarah kay CJ at pilit hinihila ang kumot palayo rito.

CJ groaned annoyingly in responce and hid his face under the pillows. He still wants to sleep but it seems like someone's not letting him. CJ saw the clock and it's still five in the morning but she's already actively jumping on his bed.

"Ayah please sit down. You're disturbing our sleep and how many times did I have to tell you to call kuya CJ, kuya?" sermon ni Crown dito na siyang ikinasimangot nito.

"No! Ayaw ko tawagin siya na kuya. Bad siya kasi inaway niya ako sa locker room noon." pagmamaktol nito. "At narinig ko kanina sina grandpa na nag-uusap sa phone. Gising na raw si daddy. Pero pumunta na sila sa hospital at iniwan tayo because we're still sleeping daw. I want to see daddy. Let's go to the hospital please."

Magkasabay silang napabangon ni Crown nang marinig ang sinabi nito. Bumalatay sa kanilang mga mukha ang pagkasabik na makita muli ang kanilang ama. They want to see him so badly lalo na ang kambal. Simula nang malaman ng mga ito na si Tyrone pala ang kanilang ama ay ninais na nila na makasama ito.

"B-but we can't get there. Paano tayo makapunta? Hindi naman natin alam kung paano pumunta sa hospital." may bahid ng lungkot ang boses ni Crown.

Nang marinig ang sinabi ni Crown, malungkot na napahinto si Tiarah sa pagtatalon sa malaking kama. Umupo siya at naiiyak na tiningnan ang kakambal. CJ who was also excited to see his father again feel disappointed. Pero hindi niya kayang tingnan ang malungkot na mukha ng kambal. He can't bear looking at their sad faces. Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang mag-iisip ng paraan. Muli siyang dumilat at bumaba mula sa kanyang kama.

Kinuha niya ang cellphone niya na binigay ng kanyang daddy noong nakaraan niyang birthday. He dialed his grandpa's number and in a few rings, he answered. The twins are eyeing him curiously.

"Apo? If you're looking for us, we are here in the hospital. Your daddy is awake but we didn't brought you here with us because we don't want to disturb your sleep." ani nito.

"I know po. We want to come there and see dadd-" hindi naipagpatuloy ni CJ ang kanyang sasabihin dahil may maliit na kamay na biglang humablot sa cellphone.

"Grandpa please let us see daddy… Grandpa we miss daddy. Please, please, please, pretty please." pakikiusap ni Tiarah dito.

"Alright, alright. I don't want our princess sad. Give the phone to your kuya CJ princess because I want to talk to him."

Lumapit si Tiarah kay CJ at ibinalik sa kanya ang cellphone. Her face was beaming with excitement again after their grandpa's approval.
Pinakinggan ni CJ ang bilin ng kanyang grandpa na isama sa kanila ang yaya Emie niya. Pati narin ang magsama ng mga bodyguards. Na hindi na naman bago kay CJ. Whenever and wherever he goes, the guards that are assigned to watch over him would always follow him. It is frustrating but he knows that its for his safety. Lalo na at maraming mga kakompetensya ang kanyang grandpa at daddy sa negosyo. All of that was already explained by his dad. Inutusan din siya nito na bantayan ng mabuti ang kambal dahil siya ang nakakatanda sa kanilang magkakapatid.

Nang matapos na ang tawag ay tiningnan niya ang kambal na naghihintay ng kanyang sasabihin.

"Take a bath and get ready. We are going to the hospital to see dad and mom."

Pagkasabi nun ay nag-uunahan ang kambal sa pagbaba mula sa kama at pumasok sa bathroom na nasa loob ng kwarto ni CJ. Napailing nalang siya at tinawag ang kanyang yaya Emie upang tulungan ang kambal samantalang siya naman ay naligo sa bathroom na nasa guestroom ng mansion bitbit ang kanyang damit na pampalit. He can fully take care of himself despite his age. So he doesn't need anyone to tend to his needs. Pero nandyan ang yaya niya upang tulungan siya kapag hindi niya kaya ang isang bagay.

Matapos maligo ni CJ ay bumalik siya sa kwarto niya at naabotan si Tiarah na nagmamaktol kay yaya Emie. Hindi pa ito nakabihis ng damit at nakasuot lang ng panty. Linapitan niya ito at kinunutan ng noo.

"What's happening here? Why aren't you dressing yet?" tanong ni CJ dito sa nakakatakot na tono.

"Ayaw raw niya magsuot ng dress kuya. Lahat ng mga clothes na binili ni grandma sa kanya ay dress kaya hindi pa siya nagdadamit." sagot naman ni Crown habang napapakamot sa ulo.

CJ crossed his arms and gave his sister a menacing look. Pero hindi ito nagpatinag at sumimangot. She even placed both her hands on her waist and posed like some adult. Para itong matanda na nilalabanan ang titig niya kahit mas maliit ito kumpara sa kanya.

"Don't be a brat, Tiarah." CJ said but she just looked at him stubbornly.

CJ exhaled loudly and went to his wardrobe to look for clothes. Mayroon siyang nakitang maliit na batman t-shirt at maliit na short na kasyang-kasya kay Tiarah. Mga damit niya ito noong four years old palang siya pero hindi niya ipinatapon dahil binili ito ng kanyang mommy. He doesn't want to throw anything that's given to him by his mother. Nilapitan niya si Tiarah at pinakita ang mga damit.

"Ito ang suotin mo at huwag ka nang maglekramo kundi iiwanan ka namin ni Crown dito."

Hindi sumagot si Tiarah dahil lumapit lang ito sa kanya and she lifted both her arms. Kaya umupo siya upang magkapantay sila at binihisan ito. He just tucked in the shirt dahil medyo may kalakihan pa rin ito kay Tiarah. Pagkatapos nilang lahat magbihis ay pinakain muna sila bago umalis. Kailangan pa nilang utuin si Tiarah na bibilhan nila ng ice cream mamaya kapag kakain siya. CJ found out that Tiarah loves to eat sweets specially ice cream. She got a sweet tooth.

Excited na excited ang kambal habang papasok sa sasakyan. Sumunod naman si CJ sa mga ito. Sinara ng isa sa kanilang bodyguard and pinto ng kotse. Katabi naman ng driver si yaya Emie na abala sa pagpapacute rito. Nagsimula nang umandar ang sasakyan at sumunod naman ang dalawang kotse kung saan lulan ng mga ito ang mga bodyguards.

Yakap ni Tiarah ang bunny stuff toy nita at kinagat-kagat pa ang tenga ng bunny. Pinapagitnaan ni CJ at Crown si Tiarah kaya wala ni isa sa kanila ang nakatakas sa pangungulit nito.

"Promise you're going to buy me ice cream later and chocolates and lollipops an-" CJ cut her off.

"Ice cream lang ang sinabi namin kanina. Right Crown?"

"Yes," lumingon si Crown kay Tiarah na nakasimangot na naman. "And we will give you our promised ice cream later."

"I an going to tell daddy that you two are bullying me. Hmp! I hate you both!" inirapan niya ang ito at sinubsob nito ang mukha sa bunny na yakap-yakap.

CJ and Crown ignored her and looked outside the road. Hindi nila pinansin ang pagtatampo ni Tiarah sa kanila.

May biglang tumunog na cellphone sa loob ng sasakyan kaya sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng tunog. CJ saw his yaya Emie as she pick up her phone and answered it.

"Sir?…Yes po nasa backseat po silang tatlo. Okay po. Wait lang po iaabot ko po." bumaling ito sa tatlo sa backseat. "Young master, kakausapin kayo ng daddy mo." and she motioned him to get the phone but before CJ could reach it, someone did.

"Hello daddy?! Yes po daddy papunta po kami sa hospital po kasama si yaya Emie at ang driver at mga bodyguards po. Okay po." inilayo nito ang cellphone sa tenga at in-on ang loud speaker."Daddy, they are being mean to me. Buy niyo po ako mamaya ng ice cream and chocolates and many sweets po. Hindi po natin sila bibigyan diba po?" pagsusumbong nito at benelatan pa si CJ at Crown.

They heard their father chuckle from the other line, "We need to ask permission from your mommy first baby. Baka mapagalitan tayo ng mom mo kapag hindi tayo nagpaalam sa kanya. Tatanungin natin siya pagdating niyo rito."

"But mom never let ate many sweets. Hindi po niya ako papayagan." malungkot na sabi ni Tiarah dito.

"Matigas po ang ulo niya dad. Maybe she's not afraid getting cavities. Tapos masisira ang mga ngipin niya." pang-iinis naman ni CJ.

"Tama. Tapos mauubos na mga ngipin niya dahil sa mga sweets na kinakain niya. Hindi na siya makakain ulit ng pagkain kasi wala na siyang ngipin." Crown butted in.

"Look at them daddy! They're being mean to me again. I hate them!" naiiyak na sumbong ni Tiarah.

Hindi alam ni Tyrone kung matatawa ba siya o maiiyak dahil sa mga anak niya.
"Boys stop that. You are making our princess cry."

Magkasabay na sumagot sina CJ at Crown dito.
"Sorry." / "Fine, as long as she won't be a brat."

"Alright kids. Mamaya nalang ulit pagdating niyo dito. Magpapakabait ka sa mga kuya mo princess. Okay?" pagpaalam ni Tyrone sa mga ito.

Inirapan ni Tiarah ang dalawang kapatid na pinagkakampihan siya. "Okay dadd-" hindi nito natapos ang sasabihin dahil mayroong malakas na pagputok silang narinig.

Nabitiwan ni Tiarah ang cellphone dahil sa gulat. She covered both her ears at ganoon din ang ginawa nina CJ at Crown. Nasundan pa ito ng sunod-sunod na mga paputok. They cowered in fear.

"Young master, young lady! Ayos lang ba kayo riyan sa likod? Huwag po kayong lalabas at yumuko lang po kayo!" utos ni yaya Emie sa kanila.

Muntik silang matumba nang bigla nagbrake ang sinasakyan nilang kotse. Tiningnan ni CJ ang kambal at napansin ang luhang namumuo sa mga mata ni Tiarah. Hinila niya ito papunta sa kanya at niyakap na mahigpit. Pinapatahan niya ito nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan.

Three huge men each holding a gun appeared. Mayroon ring mga lalaking nagtutok ng baril sa kanyang yaya Emie at sa driver kaya hindi ang mga ito makakilos. CJ's protective instinct turned on. Mas lalo niyang siniksik sa kanya si Tiarah at hinawakan si Crown sa braso. Tumabi ang tatlong naglalakihang lalaki at isang pamilyar na babae ang nagpakita sa kanila. CJ was raging in anger when he recognized the woman. Simula noon ay masama na ang pakiramdam niya rito. And he confirmed it now.

"Well, well, well. How are you my dear son? Did you miss me? Because I dont."

Tinapunan lamang ni CJ si Sofia ng masamang tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin ay baka kanina pa ito nakabulagta sa sahig.

"Don't you dare lay your hands on my siblings, Sofia. I will kill you. My dad and my grandpa will kill you if you'll harm us." pagbabanta ni CJ dito.

Sofia laugh hysterically as if she heard the most hilarious thing in the world. Nilapitan niya si CJ at inangat ang mukha nito gamit ang hintuturo.

"I an sorry but they can't stop me darling. They ruined my life, might as well ruin theirs too and let start with you. Their precious gemstones…" Sofia said evilly.

Iniwas ni CJ ang kanyang mukha. Hindi niya hahayaang saktan nito ang mga kapatid niya. He won't forgive himself if something will happen to the twins because of the evil woman.

Sinenyasan ni Sofia ang tatlong armadong lalaki na dalhin ang mga bata nang biglang may boses na nagsalita na nagmumula sa cellphone na nasa sahig ng kotse. Lahat sila ay napatingin dito.

"Hello? Tiarah? Princess, what's happening there? Bakit nakarinig ako malakas na putok? Ayos lang ba kayo? Ibigay mo sa yaya Emie mo ang telepono."

May nakakakilabot na ngiti sa mukha si Sofia habang pinupulot ang cellphone at tinapat ito sa kanyang tenga.
"They'll be fine my dear as long as they won't irritate me. Kung magpapakabait sila ay hindi ko naman sila papatayin."

"Sofia? Dapat nasa loob ka ng kulungan! Paano ka nakatakas?! Shit! Touch even their single hair and you'll see your head rolling under your feet! Papatayin kita kapag malaman kong sinaktan mo kahit isa sa mga anak ko!"

Tumawa ng malakas si Sofia. "Sabi ko nga, hindi sila masasaktan kapag naging masunurin at mabait sila sa akin. What I need is your life my dear. I badly want you dead. Pero kapag nakuha ko na ang buhay mo ay isusunod ko naman ang buhay mo."

"You are crazy, Sofia! Lubayan mo ang pamilya ko! Huwag mo silang idamay!" nagpupuyos sa galit na ani Tyrone.

"I am sorry but I can't do that. Bye bye for now. Ciao!"

Pinatay ni Sofia ang tawag at tinapon ang cellphone. Binalingan niya muli ang mga batang takot na takot sa kanya at inutusan ang mga tauhan na dakpin ang mga ito. Kung makukulong lang din naman siya ay mabuti pang tapusin nalang niya ang nasimulan. Isa lang sa kanila ang magwawagi. It's either her or Tyrone. Pero kapag siya ang nanalo sa larong ito ay isusunod niya ang buong pamilya nito. Hindi niya hahayaang magsasaya ang mga ito samantalang siya ay nabubulok sa kulungan.


...
JILL'S P.O.V

"Man, Sofia escaped from prison. We should d-"

Hindi na pinatapos ni Tyrone si Ash sa kanyang sasabihin. "I know and she got my children." walang bahid ng emosyon na pagkasabi niya.

"Fuck! So you called me here because of that? Hell!" natatarantang wika ni Ash pagkarinig sa sinabi ni Tyrone.

Simula kanina ay wala nang bahid ng emosyon ang makikita sa mukha ni Tyrone. He told us everything about the call. May binili ako kanina sa labas ng hospital kaya hindi ko alam ang nangyari. Kahit hindi pa tuluyang gumaling si Tyrone ay hindi siya napagilan nina mr. and mrs. Frost. Kaya nandito kami ngayon sa secret basement ng mansyon ng mga Frost. The place is huge and full of many kinds of techs and weapons.

But I can't appreciate the whole place because my mind is lingering with my children.
Para akong mababaliw sa pag-alala at takot. Kung ayos lang ba sila, kung nakakain na ba sila o nasa maayos ba silang lugar. Kung noon labis ang pag-alala ko nung nawala si CJ. Triple pa sa pag-alala ko noon ang nararamdaman ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Hindi ko na kayang mahiwalay sa kahit isa man sa kanila. Hindi ko makakayang mawala ang sino man sa kanila. Iniisip ko palang ay pakiramdam ko mamatay na ako.

Umalis ako sa basement ng mansion at muntik ko nang mabangga si Leah at Luke na papunta sa pinanggagalingan ko. Alam na rin nina uncle ang nangyari kaya narito sila upang makipag-usap sa mga Frost sa planong pagsagip sa mga anak ko. Hemlock and Thanatos are united again for the second time. It's suppose to be a good thing pero hindi ko kayang maging masaya gayong ang pagkakidnap ng mga anak ko ang siyang dahilan. Hindi ko sila pinansin at patuloy lang sa paglalakad hanggang sa narating ko ang veranda.

Mariin kong kinagat ang ibaba ng aking labi upang pigilin ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa aking mga mata. Pero hindi ko na ito napigilan dahil sunod-sunod itong bumagsak at umagos. Tumingala ako at pinanuod ang mga bituin na nagniningning sa kalangitan. It looks so peaceful but beneath it hides many evil and horrendous deeds of the people. Beneath the beautiful clouds and stars are the people full of greed for power and evil aims.

Hindi ko alam kung kailan pa ba ito matatapos. Kasi… buong buhay ko paulit-ulit nalang ang ganitong mga pangyayari. I don't when will this stop. Kung kailan ba wala nang natira sa akin? I already lost my mother and father when I was young. Kaya mahal na mahal ko ang pamilya na mayroon ako ngayon kasama ang aking mga anak. Ngayon namang mayroon na akong sariling pamilya ay ito naman kukunin sa akin? I kept telling and convincing myself that everything will eventually be alright. Pero ngayon ay hindi ko magawang maisip na magiging maayos lang ang lahat dahil puro pag-aalala at takot lang ang lumulukob sa damdamin ko.

Natigil ako sa pag-iisip nang dalawang matikas na braso ang yumakap sa akin mula sa likuran. Alam ko na kaagad kung sino ito pagka-amoy ko sa kanyang pabango. His manly scent wafted my nose and it put me a little at ease. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. Lumingon ako sa kanya at nagsalubong ang aming mga tingin.

His stares directed on my tears that are still streaming down my face. Linapit niya ang kanyang mukha at hinalikan ang magkabila kong mga mata. Pinapalis niya ang aking mga luha sa pamamagitan ng kanyang mga halik. His kisses went down to the tips of my nose then to my lips. She parted my mouth and he inserted his tongue inside my mouth. It was wild then it went passionate and it comforted me. Nang mahiwalay ang mga labi namin ay pinatong niya ang kanyang noo sa aking noo. We stared at each others eyes.

"I love you…" hinawakan niya ang aking mukha. "Everything will be fine. We will get them back unscratched."

Tinitigan ko siya at tuluyan na akong kumalma dahil nagmumula sa kanya ang mga katagang 'yon. "I trust you." I give him a slight peck on his lips. "But you also need to come back to me unscratched. I don't want any of you harmed. Mag-iingat kayo. And I love you too."

Muli niyang nilapit ang kanyang labi sa labi ko at pinagsaluhan ang mahabang halik.





...
(A/N: please bear with the errors.
Baby CJ really took his role as a kuya. Cinarrier ni baby😆.)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top