Chapter 26
JILL'S P.O.V
Pilit kong idinilat ang aking mga mata at kinapa ang cellphone kong tumutunog na dahilan ng aking pagkagising. I answered the call without looking at the caller. I was still so sleepy and it was evident with my voice.
"Hello, who's this?" I asked in a hoarse whisper.
"It's me, Ryker. Nandito ako sa isang hospital malapit lang sa bahay mo. You need to come here."
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa kan'yang sinabi. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at kaagad na pumasok sa walk-in closet upang maghanap ng damit.
"Bakit? Anong nangyari? May sugat ka ba? Saang hospital ba 'yan? Pupuntahan kita." natataranta kong tanong sa kan'ya.
"Kumalma ka, Jill. I am not hurt or anything but I think you need to be here." napahinto ako at nakahinga ng maluwag.
"Then, sino?" nagtataka kong tanong.
Bakit ko kailangang pumunta sa hospital? Mas lalo pang lumalim ang pagkakunot ng aking noo dahil hindi siya sumagot. Tiningnan ko ang cellphone dahil baka napindot ko ang end call pero hindi naman.
"Ryker, are you still there? Bakit 'di ka na nagsasalita?"
Narinig ko siyang huminga ng malalim bago ako sinagot. "Tyrone was sent inside the ICU an hour ago. He's shot near his chest and we don't know what will happen to him during and after the operation. I just thought you need to know about this since you and him-" hindi niya naipagpatuloy ang kan'yang sasabihin dahil pinahinto ko siya.
"Wait, sinong Tyrone ba ang tinutukoy mo? Maraming Tyrone sa mundo kaya be specefic."
Nagsimula nang manlamig ang aking mga kamay kahit hindi ko pa man naririnig ang kan'yang sagot.
"The Tyrone you are thinking right now." maikling sagot niya.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nabitawan ko ang hawak kong cellphone. Saglit akong napatulala at prinoseso ang kan'yang sinabi. Nanginginig ang mga kamay na pinulot ko muli ang cellphone.
"I'll be there. Send me the address."
Hindi na siya nakasagot dahil pinatay ko na ang tawag. Nagmamadali akong nagbihis ng damit tsaka tinawag si ate Lily. Binilin ko sa kan'ya ang mga bata at sinabing uuwi rin ako pagkatapos. Natutulog pa sila kaya hindi ko na sila ginising para magpaalam.
Madali ko lang natunton ang address na binigay ni Ryker. When I got inside the hospital, Ryker was waiting for me near the entrance.
"Kakatapos lang ng operation pero hindi ko pa alam ang kalagayan niya."
Giniya niya ako sa kwarto kung saan si Tyrone kasalukuyang nakaconfine. Naabutan naming bahagyang nakabukas ang pinto. Naunang pumasok si Ryker sa kwarto pero parang akong natuod sa aking puwesto dahil hindi ko magawang ihakbang ang aking mga paa at pumasok. I don't think I can bear seeing him lying on the hospital bed.
Nagtataka akong tiningnan ni Ryker pero umiling lang ako sa kan'ya. 'Di ko makita si Tyrone mula sa puwesto ko dahil mayroong dalawang taong nakatayo sa paanan ng hospital bed at kausap ng mga ito ang doctor. I can her the woman sobbing while her husband was trying his best to soothe her.
"You don't need to worry, Mrs. Frost. As I've said, he's just unconcious and maybe he'll wake up after a few days. Hopefully, he'll recover if we'll cooperate and monitor his health."
Nang marinig ko iyon ang nakahinga ako ng maluwag. Parang isang napakabigat na bagay ang nawala. Nawala ang kaba, pag-alala at takot na kanina ko pa dala-dala.
Nagpa-alam ang doctor sa mag-asawa upang umalis. Because I was blocking the way ay umalis ako rito upang makadaan siya at ang kasama niyang nurse. Dahil hinatid ng mag-asawa sa tingin ang doctor ay napansin ako ng mga ito. I wanted to hide but it's too late. Napilitan akong pumasok nang tuluyan sa loob ng kwarto at salubungin ang tingin ng mag-asawa. The woman's familiar stare scrutinized me that made me uneasy. Naglakad siya palapit sa akin. Although her face still has some trace of tears but her eyes were full seriousness.
Nang tuluyan na siyang makalapit sa akin ay hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. She hugged me and cried her heart out again. Hindi ko alam ang aking gagawin kaya inangat ko nalang ang aking mga kamay at hinaplos ang kan'yang likuran. Nakita kong napailing at napahilot sa sintido si Mr. Frost dahil sa ginawa ng kan'yang asawa. Lumapit siya at inalis ang kan'yang asawa mula sa pagkakayapos sa akin. He gave me an apologetic look. Yinakap nito ang asawa upang patahanin.
"Honey you heard what the doctor said so please stop crying already. Malakas pa sa kalabaw ang anak natin kaya hindi ka na dapat nagsasayang ng luha dahil gigising rin siya. This is not the first time that this happened to him so there's no need for you to worry like that."
Hinampas nito ang asawa at naiinis na pinasadahan ito ng tingin. "Kahit na! Namimihasa na 'yang anak mo dahil hinahayaan mo lang palagi! Paano kung hindi lang 'yan ang inabot niya? Naku! Kayo talagang mga lalaki."
"Honey umuwi muna tayo. Bumalik nalang tayo bukas at hayaan muna natin ang mga bata dito."
Wala itong nagawa kun'di ang sumang-ayon dito. Nang makaalis na ang mga ito ay tsaka ko lang nilapitan si Tyrone. He's peacefully sleeping on the hospital bed. Nagsimula nang magtubig ang aking mga mata habang pinagmamasdan siya.
Lumapit sa akin si Ash na kanina pa palang nagmamasid sa amin sa gilid at ngayon ko lang napansin. Mahina niyang tinapik ang aking balikat. Pagkatapos ay inaya niya si Ryker na lumabas kaya naiwan ako sa loob ng kwarto kasama si Tyrone.
Huminga ako ng malalim at umupo sa upuan sa tabi ng kama. Hindi ko alam ang buong pangyayari kung bakit umabot sa puntong nabaril siya. But right now, I don't care about anything. All I want is for him to wake up and recover. My hands are itching to touch his face and for once, I let myself. I caress his face lightly and feel his skin underneath my palm.
Nang marinig ko mula kay Ryker na dinala siya sa hospital ay parang nawasak ang aking mundo. He is already here and I dreaded the day when he will disappear from our lives again. Habang papatungo ako rito ay saka ko narealise na tama na ang mga pagpapanggap. I am tired pretending that I still don't remember anything.
Yes……tama kayo.
My memories came back noong dinala ako ni Tyrone sa kan'yang rest house. It all came back when I saw our photos together with CJ stored in his gallery. But I was scared and confused. I was overwhelmed by my regained memories. At natatakot ako dahil paano kung hindi ako tatanggapin ng anak ko. I was gone for freaking four years. Hindi ko alam kung tatanggapin pa ba niya ako sa kan'yang buhay gayong he already has everything he needs.
But now… I regretted pretending and not telling him that I am the same Jill that he met four years ago. I am the same Jill that raised CJ for five years.
...
"Mommy when will he wake up? I want to play with daddy. Mommy If I'll kiss daddy will he wake up? Like how princess Aurora woke up after being kissed by her prince?" pangungulit na tanong ni Tiarah sa akin.
Nandito kami ngayon sa loob ng ward na kinalalagyan ni Tyrone. I already told them about everything at madali lang naman nila iyong natanggap. They are even ecstatic when I told them that Tyrone is their father. Para akong nakahinga mula sa pagkakasakal nang masabi ko na iyon sa kanila.
Hindi lang naman ang kambal ang masaya maging ang mga magulang ni Tyrone ay tuwang-tuwa nang makilala ang kambal. Their grandparents spoiled them rotten and it's still three weeks simula nung ipinakilala ko sila sa isa't-isa ay napakadami nang mga bagay na binigay ng mag-asawa sa kambal.
Also… it's been three weeks and two days simula nung maconfine si Tyrone at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Paulit-ulit na akong kinulit ng kambal kung kailan magigising ang kanilang ama. But I don't have an answer to their question.
"Apo iba kasi ang reason kaya natutulog si daddy mo. Nagpapahinga kasi siya pagkatapos niyang magfight sa mga monster. Kaya hahayaan muna natin siya okay? Halika ka nga rito."
Lumapit si Tiarah sa lola niya at yumakap dito. Ngumiti ako sa kan'ya bilang papasalamat at ngumiti rin siya pabalik. Si Crown rin ay naaaliw sa pakikipag-usap sa kaniyang lolo tungkol sa mga baril. Mabuti nalang at nandito ang kanilang ang mag-asawa para tulungan ako sa mga bata.
My eyes caught CJ sitting alone on the couch beside Tyrone's bed. Lumapit ako at umupo sa kaniyang tabi. Napakatahimik na niya simula nung pinakilala ko siya at ang kambal sa isa't-isa. Hindi niya ako kinakausap at palagi lang tahimik na nakaupo sa isang sulok.
Inangat ko ang aking kamay at hinaplos ang kaniyang buhok. He didn't complain but still he didn't even throw me a glance. Napakalaki na niya kung ikumpara sa batang-batang CJ na naaalala ko. He was very young back then when that incident happened. I miss my son.
Hindi ko mapigilang mamuo ang luha sa aking mga mata. But I tried to stop my tears. I hug him even without his consent and hide my face in his small neck. Hindi ko na kakayanin na muli siyang mawala sa akin. Four years is enough. I can't bear thinking that I am going to be separated from any of them again.
Inangat ko ang aking ulo at tiningnan si Tyrone na mahimbing na natutulog sa hospital bed. Parang wala siyang sugat na natamo mula sa pagkabaril dahil sa mahimbing niyang pagkatulog. Nalaman ko mula kay Ryker ang buong pangyayari. Pinakulong nila si Sofia at ang kasabwat nito dahil sa mga gawain nitong illegal. I also found out na siya ang pasimuno sa human transaction na naganap noon.
That woman was controlled by greed and power. Naalala ko noon na kasama rin siya ng kanyang ama noong ipinadakip nila si CJ upang makuha sa akin ang hawak kong chip. Pero ngayon ay matagal na itong sinira ng Hemlock Organization para hindi na makapaminsala ng kahit sino.
I am brought back from my reverie when CJ tried to remove my arms that's wrapped around him. Kusa ko nalang itong inalis at hinayaan siyang lumayo sa akin. It pained me seeing him so distant towards me and the twins. Maging ako ay binibigyan niya ng silent treatment. Everytime I tried talking to him, he will immediately avoid me like I am infected with a virus. Huminga ako ng malalim upang maalis ang mabigat na pakiramdam mula sa aking dibdib.
Nang sumapit ang gabi ay nagpaalam na ang mag-asawa sa akin na uuwi. They brought the children with them so that they could rest in the mansion. It takes a lot of convincing before they obliged. Samantalang nagpaiwan naman ako sa hospital dahil gusto kong bantayan si Tyrone. The other reason is that I want to be the first person that he will see once he'll wake up.
Humiga ako sa tabi ni Tyrone at tinitigan ang mukha niya. Sa paglipas ng panahon ay mas nadagdagan din ang kanyang kagwapohan. He's facial features is more matured and he look more alluring than before. He is more bewitching than four tears ago.
"I love you." bulong ko sa katagang ilang taon kong kinimkim sa aking kaloob-looban. It was four years ago when my heart started screaming for him. Nawala man ang mga alaala ko pero kailan man ay hindi umalis ang pagmamahal ko sa kanya dito sa puso ko. Namamahay nga yata ito sa puso ko at baka ngayon ay nakapagpatayo na ng building.
However, I don't know kung ganoon din ba siya sa akin. With that thought I can't help but feel sad. Simula noon hanggang ngayon ay hindi ko alam ang nararamdaman niya para sa akin. Napakakomplikado ng mga pangyayari at ang nais ko lang naman ay matigil na 'tong lahat at mamuhay ng tahimik. I closed my eyes to sleep.
"I love you more." wika ng boses na biglang nagpadilat ng aking mga mata.
Napabangon ako nang wala sa oras at pinakatitigan siya ng mabuti. Maybe I am hallucinating because of my longing for him. But I was staring directly at his smiling eyes. Halatang kakagising pa lang niya mula sa mahabang pagkatulog dahil sa mapupungay niyang mga mata. His mouth is slightly lifted forming a smile. Para akong natuod at hindi makagalaw.
"I really want to kiss you but I don't have the strength. Can you lean closer and kiss me?" mahina ang boses na tanong niya.
Para akong robot na tumango at lumapit sa kanya para bigyan siya nang halik. It's just a light kiss but when I was about to move away, he gripped my head to deepen the kiss until we are breathless.
THIRD PERSON'S P.O.V
CJ was watched his two younger siblings intently. Nakaupo siya sa sofa na nasa loob ng kanyang kwarto dahil okupado ng nga iti ang kama niya. Naiinis siya sa mga ito lalo na kay Tiarah na palagi siyang sinasabihan na evil doppelganger daw siya ni Crown. Pinanuod niya ang kambal habang sila ay nagkukulitan sa loob ng silid niya. His grandma and pa asked him if they can stay inside his room for the mean time since their room is not yet ready. He don't want to be rude so he allowed them.
But he's regretting his decision every night since they stayed in his room. Napakaingay ni Tiarah at ubod ng kulit. He is okay with Crown because he is silent. Hindi ito madalas magsalita, liban nalang kapag kinakausap. Naiinis siya sa mga ito. Naiinis siya dahil sa maraming dahilan. Una ay dahil hindi niya mapigilang mainggit sa mga ito dahil sa mga panahong hindi niya kasama ang ina pero kasama nila 'to. Naiinis siya dahil bakit ngayon lang niya nalaman na mayroon pala siyang mga kapatid. And lastly, naiinis siya dahil gustong-gusto rin niyang magkaroon ng mga maliit kapatid pero hindi niya alam kung paano maging kuya sa mga ito.
Crown looks exactly like him when he's younger and Tiarah is the carbon copy of their mother. Crown is always quite and his twin is always loud and noisy. They are the exact opposite if each other.
"Kuya, I can't sleep! Let's play house kuya. Come on, come on, come on." ani Tiarah habang nagtatalon-talon sa malaking kama ni CJ.
Kinukulit niya si Crown na kanina pa naaaliw sa librong hawak na kinuha niya mula sa bookshelf ni CJ. Binalingan ni Crown ang kakambal at pilit itong pinapatigil sa pagtalon.
"Ayah, would you please stop jumping and just sleep already? Or magbasa ka nalang ng book kagaya ko?" naiinis na wika ni Crown dahil sa pagkadisturbo ni Tiarah sa kanyang binabasa.
"Ayaw! Nakakatamad magbasa ng book. Laro nalang tayo sige na. Laro na."
Umiling si Crown dahil sa kakulitan ng kanyang kakambal. His mommy would always tell him to be patient towards his sister because he is older than her. But he is just a few minutes older than Tiarah. Naiintindihan naman niya kaya pinilit niyang maging mas matanda nang mag-isip kaysa dito. Minsan lang talaga ay 'di niya maiwasang mayamot dahil sa pagkakulit nito.
Nagpakawala si CJ ng malalim na buntong hininga. Gusto niyang matawa sa namomroblemang mukha ni Crown dahil kay Tiarah. Lumapit siya sa mga ito at umupo sa ibabaw ng kanyang kama. If he wants to sleep tonight he must do something to rein Tiarah. Napatigil ito dahil sa bigla niyang paglapit.
"I'll tell you a bed time story para makatulog na kayo and please stop jumping on my bed Tiarah. Humiga ka na para makinig sa story ko. Kung ayaw niyo naman, doon kayo sa labas matulog katabi ang mga multo.Hindi naman kayo takot sa ghost diba?" pananakot niya dito.
Tumigil ito at mabilis na humiga at pumasok sa kumot. Pero tiningnan din siya nito ng masama dahil sa pananakot niya. Ganoon din ang ginawa ni Crown matapos itiklop ang librong hawak. Napangiti si CJ sa inasal ng kambal. Kumuha siya ng isang libro mula sa bookshelf niya na naglalaman ng fairytale stories. Nagsimula na siyang basahin ang libro at tahimik lang na nakikinig ang dalawa. Gusto niyang makatulog na ang mga ito para makatulog na rin siya.
Nang matapos na niya ang buong kuwento ay mahimbing nang natutulog ang kambal. Muling napangiti si CJ at tinabi ang libro. Maingat siyang tumabi kay Tiarah para hindi ito magising.
'I guess it's not that bad having a little siblings.'
...
(A/N: please bear with the errors.)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top