Chapter 14

JILL'S P.O.V

Ipinarada ni agent Spike(Red) ang sasakyan sa tagong parte na malapit sa warehouse kung saan mayroong nagaganap na illegal transaction.

Ikinabit ko ang aking headset at minabuting nakakabit rin sa mga agents ang kanilang earpiece at ang maliliit na camera sa kanilang mga damit. I am now officially agent Lightning, Fierce and Fire's eye. Since nakapasa sila sa kanilang pagsubok last time ay nabibigyan na sila ng malaking mga misyon. For that, I became their eye and guide.

Kasama rin namin sina agent Spike at agent Flash sa loob ng van. But we are not the only agents here because this mission is crucial and we need to finish this successfully.  Ang ibang agents ay nakapwesto sa ibang part ng warehouse upang magmatyag sa kilos ng mga taong kasali sa transakyon.

Sinabi rin sa akin ni Luke na mayroon rin daw na tutulong sa amin na ibang organization. Still they are agents but in a different organization. This mission is important because the transaction consist of drugs and human trafficking. Nagbebenta sils ng mga babae at droga na hinala namin ay hindi lalagpas ng fifty million. Hindi mo aakalain na sa loob ng abadonadong warehouse ay ang napakalaking halagang droga.

Maghihintay pa kami ng ilang minuto bago kami kikilos. Nauna pa kasi kaming dumating sa mga tao kaya kailangan naming maghintay. Hindi applicable sa amin ang 'filipino time'.

"Kinakabahan ako." tinatapik ni agent Fierce (Candy) ang kanyang dibdib.

"Marunong ka palang kabahan." asar sa kanya ni agent Fire (Ace).

Sumimangot si Candy at malakas na hinampas si Ace na hindi kaagad nakailag.

"Segu hampasin mo pa ko at makatikim ka sa halik kong mas masarap pa sa paborito mong leche flan." inginuso pa nito ang bibig at lumapit kay Candy.

Heto na naman sila sa kanilang away na walang kataposan. Natampal ko ang aking noo at itinuon nalang ang pansin sa monitor. Nakakonekta rin sa akin ang camera ng ibang agents kahit hindi ako ang eye nila. Maayos na sila sa kani-kanilang mga pwesto at naghihintay nalang rin ng signal kagaya namin.

Tiningnan ko ang oras at nakitang malapit nang magnine. I promised the twins that I'll be home by twelve. Kampante naman akong iwanan sila sa kanilang lolo dahil maalagaan sila doon habang nandito ako. Knowing how spoiled they are when it comes to their lolo uncle.

I look at Amber na abala sa kanyang cellphone not even bothered with the mission. Kampante lang siyang naglalaro sa kanyang cellphone na para bang walang nag-aabang na labanan. Sabagay, sanay na rin naman siya sa ganitong trabaho habang ang tatlo ay baguhan pa.

"Everyone, on your places within five minutes. The targets have arrived." I heared Luke signalled from my headset at alam kong narinig rin nila iyon sa kanilang mga earpiece.

Dali-daling nagsilabas ang apat dala ang kanilang mga armas. Dumapo ang tingin ko kay agent Spike na alertong nagmamatyag sa aming paligid. Kasama ko rin siya dito sa loob ng van dahil hindi maaaring ako lang mag-isa. Sinenyasan ko siyang pumasok sa likod na kaagad rin niyang sinunod. Bumukas ang pinto ng van dito sa likod at tumabi sa akin pagkatapos ito muling isara. I handed him a headset.

Magkasabay naming pinanuod ang mga monitor at binabantayan ang kilos ng mga agents.

Agent Fire hid behind the bushes facing the entrance of the warehouse. He made sure that he won't be seen because it'll be a dead end for us if someone will spot him. Mahirap na kapag makatunog sila. Mayroong malaking truck at mga sasakyan na dumaan sa harap kung saan nagtatago si agent Fire at pumasok sa loob ng abandoned warehouse.

Napangiwi ako dahil kaagad nagpakalat ang mga ito ng mga tauhan sa labas at loob ng warehouse. Marami pa ang mga sasakyang dumating kasunod nung nauna. Agent Flash climbed and hid behind the pile of bars. From her spot, I can vividly see the people underneath. Mayroong babaeng nakamaskara na bumaba mula sa isang mamahaling sasakyan.

She gestured one of her people to open the truck. Nang bumukas ito ay naikuyom ko ang aking kamao nang isa-isang bumungad sa akin ang mga babaeng halos wala nang sapkot sa katawan at nakagapos ang kani-kanilang mga kamay at paa.

Fear was evident on their faces but they can't show any signs of resistance dahil mayroong mga baril na nakatutok sa kanila. Indeed, this is human trafficking.

Ang mga lalaking kaharap ng babaeng nakamaskara ay hayok na pinasadahan ng tingin ang mga babaeng nasa loob ng truck.
Sunod na binuksan ng tauhan nung babaeng nakamaskara ang isa pang truck. I zoomed the screen to take a closer look of what's inside.

Just as what they've said, illegal drugs that cost millions are inside each boxes. Pinanood namin silang mag-usap na sa palagay ko'y ang kanilang kasunduan.  Dahil isa itong napakamalaking transakyon ay talagang marami ang mga armadong lalaki ang nakapalibot sa lugar. We are outnumbered by them. I hope na marami ang tauhan na ipapadala ang tutulong sa amin.

Mula sa hidden cam ni agent Lightning ay nakita ko ang pasekretong pagbaril niya sa dalawang lalaking tauhan ng mga magt-transakyon na nakabantay sa right side ng warehouse. Her gun has a silencer so there's no noise that was made and she's confident to shoot someone.

Ang iba ring mga agents ay maingat at tahimik na pinatumba ang mga armadong lalaki na nagpapatrol sa labas ng warehouse. Pagkatapos ay tinatago nila ang mga katawan ng mga ito. Narinig ko ang pagsasalita ni agent Spike sa microphone at mayroong sinabi kay agent Flash.

Tiningnan ko naman ang ginagawa nina agent Fire at agent Fierce.

"Agent Fire and Fierce, shoot the two men consecutively. Make sure that no one will notice you." I instructed them.

Sinunod nila ang aking sinabi ang magkasunod na binaril ang dalawang lalaki na nakabantay sa maliit entrance sa gilid ng warehouse. Kinuha nila ang bangkay ng mga ito at itinago. Ngayong wala nang mga nakapalibot sa warehouse at clear na ang area ay maaari na silang makapasok. Ang tanging mga tao nalang ay yung nasa loob.

Naghihintay nalang kami ng signal galing sa mga kasama namin. Wala akong namataan na ibang mga agents sa paligid na hindi familliar sa akin. Kaya nagtataka ako kung saan sila nagtatago.

"Everyone, standby. Wait for the signal." utos ni agent Spike sa mic.

Nagtatakang bumaling ako sa kanya. Tila ay naintindihan niya ang aking ibig sabihin.
"They will connect to our line. They'll announce it through the earpiece."

Tumango ako at hinintay ang kanyang sinasabing signal. A few moments later, a 'go' signal was heared from our headsets and the agents' earpiece.

Alerto at malinis na kumilos ang mga nagtatagong agents papasok sa warehouse. Kaagad na pinalibotan nila ang mga tao sa loob.

"Don't move!"

Gulat na gulat ang mga tao dahil sa biglaang pagdating ng mga bagong tauhan. Nang rumehistro na sa mga ito ay nag-angat sila ng kani-kanilang mga armas.

"What are you waiting for! Shoot them!" rinig kong sigaw ng babaeng nakamaskara sa kanyang mga tauhan.

Nagsimula silang magpalit ng nga putukan at rinig na rinig ko ang tunog ng mga putok ng baril sa aking headset. Nagulat ako dahil mayroong mga nakaall black na mga tao ang tumalon mula sa itaas at pinagbabaril ang mga taong kasali sa transaction. But they skillfully avoided shooting our agents and the girls who are still tied. Nagsimula ang mga babae na pumalag at pinilit na makawala sa tali dahil sa mga taong dumating na sa tingin nila ay ang tutulong sa kanila.

Relief was seen on their faces but there are still signs of fear because of the nonstop exchanging of bullets.

"Pay attention to the woman with a mask! She's planning to escape! Agents, watch her movements!" utos ko sa kanila nang mapansin ang akmang pagsakay ng babaeng nakamask sa Maybach na walang plate number.

I cursed under my breath when she's finally got inside the car and started leaving. Mas lalo pa akong nairita nang pinagdadampot ng mga lalaki ang mga babaeng nakatali at ginawang hostage.

I turned to Red who was seriously instructing the other agents.

"We need to stop the woman."

"Just stay here. Someone need to watch over the agents." seryoso nitong usal na hindi man lang ako binalengan ng tingin.

"Ako nalang. Just stay here."

Hindi ko siya hahayaang makatakas because sa kulungan ko siya ibabagsak. Their illegal and unhuman deeds are unforgivable. If we will let her escape, it's evident that she'll repeat this kind of transaction. The worst part is she's selling women. Mismong mga kabaro niya ay nagawa niyang ibenta para mapagkitaan. Her kind should rot in hell. She's not human at all. She is a devil incarnate.

Kumuha ako ng baril at binuksan ang sasakyan. I was about to step out when a hand stopped me. Liningon ko siya at kinunotan ng noo.

"It's dangerous." may bahid ng pag-aalalang sabi niya.

"I'll be fine." I smiled at him reassuringly.

Ilang segundo niya ako tinitigan bago pinakawalan ang aking pulso. Wala siyang nagawa kun'di ang mapabuntong hininga dahil sa katigasan ng ulo ko. Kapag mayroon akong gusto ay alam niyang walang makakapigil sa akin. He knows me very well. Kilala na niya ako dahil sa tatlong taon na naming magkasama sa mga misyon.

"Fine. But remember that the twins are waiting for you." tumango ako at simula nang tumakbo palayo.

I understand what he meant. He's telling me to stay alive for my children that I would definitely do. In every mission, my twins were always my strenght and they're the reason why I would never let them kill me.

I won't dissapoint my twins. I won't do anything that would cause them pain and sadness. That's the last thing that I would do.

Habang tumatakbo ay isinuot ko ang aking mask at kinasa ang aking baril. Sinundan ko ang sasakyan ng babae na hindi pa lumalayo. Dumaan ako sa damuhan kung saan paelevate ang daanan. Para itong shortcut at aabangan ko lang ang sasakyan ng babae. Mabuti nalang at hindi ko na kailangan pang habulin ang sasakyan sa batuhing kalsada.

Nang dumaan na ang sasakyan kung saan ako nakapwesto ay tumalon ako sa bubong nito.  Dahil malakas ang impact ng aking pagtalon ay lumikha ito ng tunog. It alerted the people inside the car. I thought that it's only the woman inside but I just noticed the two armed men with her.

Nagpaputok ang mga ito ng baril sa parte kung saan ako tumalon na kaagad ko namang nailagan. I slid my body in the shotgun seat.

Ipinalibot ko ang aking dalawang paa sa keeg ng lalakeng nakasakay dito. He didn't expected my move kaya hindi kaagad siya nakakilos. I snap his head with my legs and pulled him out of the car. Bumukas ang pinto ng shotgun seat kaya madali akong nakapasok.

Nakatutok sa akin ang baril ng lalakig nagd-drive pagkapasok ko palang. When he pulled the trigger and shot me, I easily avoided it by moving my head slightly. He didn't have enough time to react when I raised my gun and shot his head.

Tinapakan ko lang ang accelerator ng kotse dahil straight naman ang daan kaya okay lang kung walang magmamaneho at palikuin ito.

I was about to face the backseat and point my gun at the woman with a mask when I feel a stinging pain near my chest. I was caught of guard and it just allowed her to shot me again.

All my strenght suddenly dissipate. Naramdaman ko nalang ang aking katawan na unti-unti nahuhulog but before that, I mustered all my strenght and point my gun towards the woman. Ibinuhos ko ang aking buong lakas sa pagkalabit ng gatilyo at binaril siya. I made sure na tinamaan siya kaya hinayaan ko na ang aking sariling mahulog sa damuhan.

Something caught my eyes before my fall. Tinatak ko iyon sa aking isip dahil maaaring malaki ang magiging tulong no'n sa akin.

"I will find you"
I muttered before I drift from my conciousness.



...

(A/N:  please bear with the errors.)




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top