Kabanata 8



Gusto


Linapit ko ang mukha ko sa niluluto ko. Napangiti ako. Hinalo ko pa ito at sinara muna ang stove. Naglakad ako palapit sa hinihiwa kong bawang. Ayos na ako, sumobra pa nga ang tulog ko kaya ngayon lang ako nakapag luto. Buti nalang at hindi ko pa siya nakikita.



"Okay ka na ba?"

Napa-angat ako ng tingin sa nagsalita. Nakatayo si Teo sa harap ng lamesa. May naramdaman akong umikot sa akin pero hindi ko pinansin 'yon.

"Ayos na ako. Maraming salamat." Saad ko at tinuon ang pansin ko sa hinihiwa ko.

Ang presensya niya ay napaka-hirap harapin. Kahit nakatayo siya malapit sa akin ay pakiramdam ko napakalayo niya. Kahit anong abot ko sakanya.. kulang pa din.

"Pupunta tayong Cebu City. Sasama ka sa akin." Natigilan ako sa sinabi niya. Ayoko muna siyang kausapin ng matagal kaya tumango nalang ako.

Hangga't maari ay mas gusto kong wag siyang makasalamuha pero imposible 'yon lalo na at nagta-trabaho ako sakanya. Isa sa mga dahilan si Sari.. pero para rin ito sa sarili ko.

Ayoko ng naiidudulot niya sa'kin. Ayoko ng pakiramdam tuwing nandyan siya sa malapit. Ayoko ang pakiramdam na parang kakapusin ng hangin pag nandyan siya, pagbilis ng tibok ng puso o ang simpleng pag ngiti ko tuwing masisilayan ko siya.

"Five days tayo doon." Aniya.

Natigilan ako pero ayoko mag reklamo dahil hahaba lamang ang usapan namin. Bumuntong hininga ako at tumango.



"Okay."

"Okay?" Kumunot ang noo ko. Rinig ko ang inis sa tono niya.

"Oo.. okay." Simple kong sagot habang naghihiwa pa rin ako.

Sandali akong natigilan nang maramdaman kong lumapit siya. Hinawakan niya ako sa braso at hinigit 'yon. Napatingin ako sakanya. Nagtama ang mga mata namin at nalusaw nanaman ako. Kita ko ang inis sa mga mata niya.

"Pangit ba ako?"

Napaawang ang labi ko sa tanong niya? Paano niya nagagawang tanungin 'yon? Hindi niya ba nakikita kung paano mahumaling ang mga babae sakanya dito? Hindi niya nakikita kung anong itsura niya sa salamin? Wala bang nagsasabi sakanya na sobrang gwapo niya na minsan parang kasalanan na 'yon.



Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang.

"Bullshit. Ano bang tinatanong ko sayo. I know what I look like. Kahit kailan ay hindi ako na insecure sa itsura ko. Damn this! Pero bakit ayaw mong tumingin sa akin? Bakit mas gusto mo pa atang tinitignan ang Doktor na 'yon."

Napalunok ako. Ano bang sinasabi niya? Si Dr. Mark? Bakit siya napasok dito? Tsaka bakit siya mai-insicure? Tingin ko nga ay lahat ng lalaki, manliliit pag nakaharap siya.

"Hindi ka pangit.." mahina kong saad. Hindi ko nga alam kung para saan pa ang pagsagot ko sakanya ng tanong niya.


Ang tanong niya ay parang.. ilan ang mata ng isang tao? Parang napaka-halata na ng sagot.

Bumuntong hininga siya at ginulo ang kanyang buhok. "Basta maghanda ka nalang."

Tumalikod siya at iniwan ako doon. Napailing nalang ako at tinuloy ang ginagawa ko.



Halos buong araw ko siyang iniwasan. Hindi ko siya kinausap, tinignan o pinansin man lang. Kahit sa loob ng kotse nang papunta kaming Baler ay hindi ko siya kinausap. Kahit gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ako sinama, kung bakit kami pupunta doon o anong gagawin namin ay hindi ko ginawa.

Wala akong ginawa kung hindi matulog sa byahe.

Gustong gusto ko man siyang kausapin ay hindi ko magawa, gusto ko maging tulad ng dati noong kaka-kilala ko palang sakanya. Nung wala pa akong nararamdaman. Nung ayos pa ang lahat.


"Nandito na tayo.."

Napatingin ako sa labas. Shangri-La. Ang mahal dito..

"Let's go." Aniya at tumango lamang ako.

Sumunod ako sakanya. Nasa likod lamang ako habang hawak ang gamit ko.


Hindi ko alam kung bakit ako nandito. Kung ano ba talagang ginagawa ko dito. May lumapit na lalaki sa akin at sinubukan kunin ang gamit ko pero napasinghap ako nang kunin ni Teo ang gamit ko at siya ang nagbuhat non. Gamit ang isa niyang kamay ay hinila niya ako. Napapatingin lahat ng tao na nadadaanan namin. Marahil ay dahil sa lalaking kasama ko.

Napakaga gwapo naman niya kasing tignan sa suot niyang simpleng puting sando at pantalon. Ako naman ay nakabistida lamang, baka isipin nila katulong niya ako. Pero tama naman 'yon..


Napakagat ako sa labi ko at sumunod lamang sakanya. Hinintay ko lamang siya sa tabi habang nakikipagusap para sa kwarto daw na tutuluyan namin sa hotel.

"Alissa."

Liningon ko siya at nakita kong pa-alis na siya. Mabilis akong sumunod sakanya at nung pumasok kami sa loob ng elevator ay hindi ko alam kung bakit parang kinakabahan ako.

Parang ang liit liit ng lugar na 'yon para sa amin. Sandali akong napatingin sakanya at kita kong seryoso siyang nakatingin sa harapan. Tumigil ang elevator at lumabas kami doon. Habang pinagmamasdan ko ang lugar ay nakaramdam ako ng kakaiba. Parang nakikita ko ang sarili kong naglalakad sa lugar na 'to. Pero imposible.. unang beses ko palang pumunta dito.


Pumasok kami sa isang kwarto at namangha ako sa laki non. May balkonahe doon at sigurado akong kitang kita ang magandang tanawin sa labas.

Lalakad na sana ako at susunod sakanya nang may mapansin ako.

"T-teo.. dito tayong dalawa? Ang ibig kong sabihin.. tayong dalawa lamang dito?"

Bakit ako nautal?! Ewan ko sa'yo Alissa!

Tumingin siya sa akin at ngumisi. Nakaramdam ako ng kakaiba sa mismong puso ko.

"Now you're talking to me. To answer your question.. yes. Dito ka sa kanang kwarto at dito ako sa kaliwa."

Nakahinga ako ng maluwag nang makitang may dalawang kwarto doon. Marahan akong ngumiti at tumango. Nauna na siyang pumasok sa loob ng kwarto niya. Ako naman ay pumasok sa loob ng kwarto ko.


Binaba ko ang gamit ko sa tabi ng kama at mabilis na pumunta sa balkonahe. Napangiti ako nang makita ang pool sa harap. Walang masyadong tao ngayon kaya napaka ganda tignan nito. Linanghap ko ang sariwang hangin at hinayaan liparin ang buhok ko.

Siguro ay may trabaho siyang gagawin dito. Bakit niya ako sinama?

Pero siguradong hindi niya ako pinapunta dito para mag-relax. Kailangan kong gawin ang trabaho ko. Lumabas ako nang kwarto at pumunta sa kusina. Nakita kong kompleto ang gamit doon. Punong puno din ang refrigerator. Nagluto nalang ako para may makain kami mamaya at ito naman talaga ang dahilan bakit niya ako sinama dito.



"Ala ala mo.. sa akin ay gumugulo.." napakanta ako habang nagluluto.

Naalala ko tuloy nung nasa sasakyan niya ako. Kahit nakakahiya 'yon ay masaya pa rin ako dahil siya ang kasama ko non. Hindi ibang tao na pwedeng pag-samantalahan ako.

"Bakit 'di nalang pawiin ang hapdi sa aking puso.."

Napangiti ako. Kalmado ang puso ko ngayon. Pero nag wala ang kalmado kong puso nang may marinig akong tumikhim mula sa likod. Napalunok ako.

"Ah.. Teo. Pinagluluto lang kita." Wika ko habang hindi pa rin siya nililingon.


"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung bakit kita dinala dito?"

Binitawan ko ang kutsilyong hawak ko pero hindi pa rin ako lumilingon. Umiling ako at tinuloy na ang paghiwa.

"Hindi mo man lang ba ako lilingunin?"

Naramdaman ko ang paninikip ng puso ko.

"Hindi mo lang ba ako kakausapin, Alissa?"

Huminga ako ng malalim at binitawan ang hawak ko.


"Ano bang-" napaawang ang labi ko nang pagkaharap ko sakanya ay sobrang lapit na niya sa akin.

Napasandal ako sa lamesa dahil doon. Sobrang lapit niya na kailangan ko pang higitin ang aking hininga para lang makahinga ng maluwag.

"Putang ina" Bumaba ang tingin sa aking labi.

"Minumura mo ba ako?" bulong ko at sinubukan siyang itulak pero napakalakas niya.

Napaawang ang labi ko at napasinghap ako nang maramdaman ko ang pag gapang ng kamay niya sa bewang ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at namilog ang mga mata ko.



"I'm sorry baby." Aniya at marahang hinaplos ang balikat ko pababa sa aking braso.

Tumaas ang balahibo ko dahil doon. Kakaiba ang dulot 'non sa akin. Halos marinig ko ang lakas ng pintig ng puso ko. Sumisigaw ang buong sistema ko dahil sakanya. Amoy na amoy ko ang pabango niya at parang malulunod ako dahil doon. Sobrang bango non para sa akin.


"Sasagutin kita kahit hindi mo tinatanong kung bakit kita dinala dito." Aniya at linapit ang bibig niya sa tenga ko.

Napakurap ako ng ilang beses. Nararamdaman kong may nangyayari sa pagkababae ako. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Mali ito.. maling hinahayaan ko siya.

Pero bakit hindi ko kayang tumigil? Pakiramdam ko napaka-makasarili ko.

"I want to be with you. I am selfish. Damn selfish." Napapikit ako dahil sa sinabi niya.

Marahas ko siyang tinulak at sinubukang makalayo sakanya. Gusto kong tumakas.. takasan lahat. Siya at ang nararamdaman ko.

Hinigit niya ako muli at hinarap sakanya. Kita ko ang pag -titimpi at galit sa mga mata niya. Sinubukan kong kunin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas.


"Why are you avoiding me? Why are you not talking to me? Why are you making me crazy?!" halos mapaigtad ako sa sigaw niya. Hinarap ko siya at tinignan sa mata. Galit siya pero tumataas na rin ang bagay na nararamdaman ko sa puso ko.

"Dahil kay Sari! Gusto ka ng kaibigan ko! Dahil mayaman ka at iba tayo ng mundo! Dahil ang layo layo mo kahit nandyan ka lang! Dahil natatakot na ako sa nararamdaman ko tuwing nandyan ka! Natatakot ako sa kaya mong iparamdam sa akin! Dahil bawal ka!" Napahagulgol ako. Masyadong umaapaw ang nararamdaman ko.

Ang mga bagay na tinatago ko ilang araw na ay dahan-dahang lumalabas. Yumuko ako at pinagbabayo ang dibdib niya.

"Dahil napakaraming rason para hindi ka gustuhin pero isang tingin ko lamang sayo ay nawawala lahat ng 'yan. Bawat ngiti mo, nakakalimutan kong bawal ka. Bawat lapit mo sa akin, nagugustuhan ko. Sobra.. sobra." hindi ko na napigilan at napalakas na ang boses ko.

Patuloy lamang ako sa pagbabayo sa dibdib niya pero natigil ako nang hawakan niya 'yon at dahan dahan niya iyon binaba. Napasinghap ako nang buhatin niya ako mula sa aking bewang at ini-upo sa lamesa. Napahawak ako sa lamesa dahil doon.


"Teo!" sigaw ko at sinubukan ko siya muling itulak ngunit siniil niya ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko dahil doon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kakaiba ang halik na binibigay niya sa akin. Masyado siyang makasalanan at hindi tama. Hindi ako makahinga sa ginagawa niya.

Mula sa pagpupumiglas ay binaba ko na ang kamay ko at tumigil sa pagpupumiglas dahil ako lang din ang mapapagod. Nagpaubaya ako sakanyang halik na hindi ko alam na ganito ang magiging epekto sa akin. Nawawala na ako sa aking sarili. Mula sa pagkakahawak niya sa aking bewang ay mas lalo niya pa akong hinapit palapit sakanya. Sobrang lapit namin na pakiramdam ko lahat pwede.. ipinasok niya ang dila niya sa aking bibig at naramdaman kong may lumabas mula sa pagkababae ko. Hindi ko alam ang sensasyong nararamdaman ko. Unang beses ko palang itong naramdaman.

Masyadong malambot at matamis ang kanyang mga labi, kabaliktaran iyon ng klase ng binibigay niyang halik sa akin. Parang may gusto siyang patunayan. Unti-unti na rin pumikit ang aking mga mata. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa aking bewang, ngunit hindi pa rin siyang bumibitaw sa pagkakahalik sa akin. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinatong 'yon sa kanyang balikat. Muli niya akong hinapit. Bumilis ang tibok ng puso ko nang may maramdaman ako mula sa pantalon niya.

Bumaba ang kanyang halik sa aking leeg kaya napaungol ako dahil doon. Nakaka baliw ang mga ginagawa niya sa akin!

"T-teo" mariin kong sinara ang aking bibig nang makawala 'yon. Bahagya siyang humalakhak sa pagitan ng paghalik sa aking leeg.

"Damn.. that sounds nice." Halos mapaliyad ako sa sensasyong binibigay niya. Marahan niya 'yong kinagat at ngumiti siya. Hinaplos niya 'yon ng bahagya.


Napamulat ako nang tumigil siya. Hinawakan niya ako sa aking batok at inalis ang mga buhok na napunta sa aking mukha. Malalim pa rin ang aking paghinga dahil sa ginawa niya. Nakatingin lamang ako sa mga mata niya.

"Did I hurt you?" bahagya akong napangiti ako sa tanong niya. Umiling ako. Hindi ko kayang mag salita.


Binaba niya ang kanyang kamay papunta sa mga palad ko. Hinaplos niya 'yon.

"Wala akong pakielam sa mga rason mo. Gusto ako nang kaibigan mo? Wala akong pakielam. Mayaman ako? Damn.. wala akong pakielam sa rason na 'yon. Iba tayo ng mundo? Ako ang papasok ng mundo mo. Malayo ako? Ako ang lalapit sayo. Bawal ako? Walang makakapagsabi non maliban sa akin. Natatakot ka sa nararamdaman mo para sa akin? Bullshit.. wala akong magagawa don but please don't be scared, baby.." saad niya at marahan akong hinalikan sa noo.


Lumandas ang luha sa aking mga mata.

"Hindi kita naiintindihan.." halos pabulong kong saad. Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata. Mula sa pagkakahawak sa aking kamay ay tinapat niya 'yon sakanyang dibdib.


Napatingin ako doon at nag-angat ng tingin sakanya. Sinalubong ko ang mga mata niyang napakalalim. Ang matang parang ako lang ang nakikita. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.


"Gusto kita. Alissa, gustong gusto kita."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top