Kabanata 7

Makamandag

"Mom? Why did you name me Josephine?" Tanong ng isang babae nakamukhang kamukha ko.

May kausap itong babae na hindi ko masyado makita ang mukha. Hinawakan niya ito sa kamay at kasabay non ang paglapit ng dalawang lalaki sakanila. Hindi ko rin gaano makita ang mukha nila.

"Mula iyon sa Joseph na pangalan ng kuya mo. It's the female version of Joseph, it means to increase or to add. Dinagdag ka sa pamilyang ito.. kinompleto mo kami. Masaya kami na dumating si Joss sa buhay namin pero lalong dumagdag ang saya nang dumating ka." Saad nung babae. I want to see her face. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sa lugar na ito.

Malaki ang bahay at ramdam ko ang kakaibang dulot nito sa akin.

"Sus! Bakit mo tinatanong pin pin? Ayaw mo sa pangalan mo?" Saad nung lalaki. Pinilit kong lumapit sakanila pero ayaw gumalaw ng katawan ko sa kinatatayuan ko. Tila parang pinapanood ko lamang sila.

"Wala akong sinabing ganyan! Bwisit ka Jojo! Tinatanong ko lang naman.. it just made me so curious." Saad nang babae. Ako ba ito? Pero parang ibang iba ako. Mula sa damit na suot nang babae hanggang sa mga diyamanteng nakalagay sa tainga at leeg niya.

Ang ngiti niya ay iba rin.. kontento. Mayroon siyang bagay na wala ako.

"Wag na kayo mag away.. basta you are my Josephine Morgan. My dear Josephine." Saad nang isang lalaki na mayroong malalim na boses. Napahagikgik ang kamukha kong babae at humilig sa babaeng kausap niya kanina.

"I love you both. Pati na rin si Jojo kahit nakakainis siya. I will always love you all." Saad nang babaeng yon. Ramdam ko ang paglambot ng puso ko nang makitang magyakapan ang apat.

"Don't forget our new family member.." saad ng nakakatandang babae. Hinaplos nang kamukha kong babae ang tyan ng babaeng iyon.

"Jeremiah. Our little baby boy. Excited na si ate makita ka." Aniya. Gusto ko silang hawakan pero parang napakalayo nila.

"So pagpapalit mo na ako?" Wika nang lalaki sa tabi ng kamukha kong babae. Natawa naman ang kamukha kong babae.

"Of course not! You will always be my twin! Magkadugtong na ang buhay natin." Saad ng kamukha kong babae at naglokohan na sila sa sofa na yon.

Napahawak ako sa puso ko.

I felt something..

Familiarity..

I felt home.

Mabilis akong napamulat at bumilis ang aking paghinga. Ano yon? Ano nanaman ang panaginip na 'yon? Totoo ba iyon o sadyang gawa gawa lang iyon ng imahinasyon ko?

"Patawad Alissa. Patawad na nagselos pa ako sa inyo ni Sir Theodore. Gumising ka na please.." nakarinig ako ng paghikbi. Ginalaw ko ang aking kamay pero sobrang bigat non.

Sinubukan kong tumayo pero sobrang sakit ng katawan ko. Liningon ko ang nagsasalita at bumungad sa akin si Sari.

"Sari.." mahina kong bulong at nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Mabilis niya akong yinakap.

"Mabuti naman gumising ka na! Sobra mo kaming pinag-alala." Napapikit ako.

Nagising ako.. na maraming tanong sa aking katauhan. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako na nagkakaroon ako ng mga ganitong panaginip o hindi.

Tinatanong ko ang sarili ko kung nakakatulong ba sila o ginugulo lang nila ang mga bagay na dapat ay tanggap ko na ngayon.

Naalala ko ang sinabi niya. Kaya niya ba ako iniiwasan? Dahil kay Sir Teo?

"Nasaan pala yung babae?" Tanong ko at bumitaw sakanya. Lumingon ako sa paligid. Nasa isang tent kami.

Ako nalamang ang nandito at si Sari. Wala ng mga survivors dito.

"Maayos na siya. Dinala na siya sa hospital. Maraming salamat daw pala." Tumango nalang ako sa sinabi ni Sari. Tumayo na ako kahit naramdaman kong kumirot ang paa ko.

Ako ata ang nailang sakanya. Ayoko na maramdaman niya na inaagawan ko siya o ano. Tinignan ko siya at ngumiti ako.

"Labas na tayo.." saad ko at nauna ng maglakad. Sobrang sakit talaga ng paa ko dahil siguro iyon sa pagkakabagsak ko.

"Hinihintay ka nalang namin magising.. hindi ka kasi namin magalaw baka may fracture sayo. Pero narescue na ang mga dapat marescue." Aniya. Puro tango lang ang naging sagot ko. Hinawakan niya ako nang makalabas na kami sa tent.

"Kaya mo ba?" Tanong niya sa akin. Napatingin ako sa paa ko. Bumuntong hininga ako at tumingin sa paligid. Kita ko na nasa harap ng kotse sila Dr. Mark habang nag-aayos.

"Kaya ko.." simpleng sagot ko at naglakad muli. Pinilit kong maglakad ng normal. Mukhang nakuha na rin ng iba na nahihirapan ako kaya mabilis silang dumalo sa akin.

"Ayos lang ako. Sige na.." saad ko sakanila at umayos ng tayo.

"Na-report na namin ang nangyari sayo" napaawang ang labi ko. Simpleng bagay lang naman to. Baka nakarating pa ito kila nanang. Mag-aalala ang mga iyon.

Umiling nalang ako at nauna ng pumasok sa sasakyan. Pumasok na rin sila at pumwesto na kami sa pwesto namin kanina.

"Alam na ba 'to nila nanang?"tanong ko kay Sari. Parang nawalan ako ng tinik sa dibdib nang umiling siya.

"Yung mga natira lang sa clinic.. balak kasi namin kung hindi ka pa gigising ay dadalhin ka na namin sa hospital." paliwanag niya sa akin. Tumango nalang ako at ngumiti.

Tinuon ko ang atensyon ko sa labas. Iniiwasan niya ako dahil kay Teo? Pero ngayon ay pinapansin niya na ako dahil sa hindi ko alam na dahilan. Natakot siya na mawawala ako nang may sama siya ng loob sa akin?

"Sari.. yung kay Sir Theodore" panimula ko sakanya. Hininaan ko ang boses ko para hindi marinig ng iba. Tinignan ko siya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"I am sorry Alissa. Hindi ko naman sinasadya na sumama ang loob ko sayo. Hindi ko lang napigilan. Mali ako.. hindi ko dapat naramdaman iyon. Wala ka naman kasalanan. Patawad.." ngumiti ako sa sinabi niya. Atleast may mabuti naman palang nadulot ang nangyari sa akin.

"Wala ka naman dapat i-kabahala. Wala naman akong gusto sakanya." inaasahan kong magiging masaya siya sa sinabi ko pero nanatiling malungkot ang ekspresyon niya.

"Gusto ka niya Alissa. Sigurado ako.. nakita ko 'yon sa mata niya. Iba ang titig niya sa iyo." Mabilis akong umiling sa sinabi niya. Hindi 'yon totoo. Nagkakamali lang siya.

"Hindi.. nagkakamali ka lang" saad ko at umiwas ng tingin. Hindi na siya nagsalita pa kaya buong byahe akong nakatingin sa labas. Nakatulog na rin silang lahat at ako ay nanatiling gising dahil sa pagiisip.

Pag-iisip sakanya na hindi ko naman dapat ginagawa.

Pagiisip sa mga panaginip ko na gumugulo sa akin. Sino si Josephine? Sino si Joseph? Bakit sila nasa panaginip ko? Kung nakita ko lamang ang mga mukha nang mga kausap ko sa panaginip ko. Totoo kaya ang mga 'yon?

Kailangan ko pang maghanap ng ebidensya. Hindi ako pwede magpadalos dalos. Sigurado na ako.. hindi lang ako si Alissa. Mayroon pang iba sa katauhan ko at aalamin ko 'yon.

Tumigil ang sasakyan at nakita kong narating na namin ang bayan. Huminga ako ng malalim at nauna ng bumaba sakanila. Napadaing ako dahil sa pilay ko sa paa at buti nalang ay nahawakan ako ni Dr. Mark sa kamay.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin at mabilis akong tumango. Inayos ko ang paa ko dahil sobrang sakit nito. Medyo hinawakan ko ito para mawala ang sakit.

"Ayos lang ako.. medyo kumirot lang." Saad ko at inayos ang tayo ko. Ngumiti ako sakanya at hinawakan niya ako sa braso.

"Saya ni Dr. Mark oh" natatawang saad nila sa likod. Napailing nalang ako at sinubukang ilakad ang paa ko.

"Libre naman!" Sigaw nila ulit mula sa likod. Natawa na rin ako dahil kita ko ang pagtawa ni Dr. Mark. Alam ko naman na linoloko lang nila kami.

"Alissa." Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na 'yon. Parang may nagwala sa puso ko nang lumingon ako.

Nakasandal siya sa sasakyan niya at matalim ang tingin sa amin.

Mukhang ayos na siya..

"Teo.." mahina kong wika. Ngumisi siya sa amin at kita ko ang paglipat ng tingin niya sa nakahawak na kamay sa akin ni Dr. Mark.

"What happened?" Tanong niya at lumapit sa amin. Kita ko ang inis sa mukha niya.

Hindi ko napigilan na mapatingin kay Sari. Kita ko ang pag-iwas niya ng tingin. Liningon ko muli si Teo.

"Ayos lang po ako. Medyo nagkaroon lang ng hindi magandang pangyayari sa pag-rescue." Saad ko sakanya. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

Hindi niya pala alam..

"Bakit ikaw ang nagrerescue? Babae ka! Wala bang pwedeng gumawa niyan, dapat ba ikaw? Dammit! Kaya ka nawala sa kwarto ko para gumawa ng ganito? Ayos lang naman but.. fuck. Kailangan mo ba bumalik sa akin na ganyan ang lagay?" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Malalim na ang paghinga niya habang nakatingin sa akin.

Wala siyang pakielam sa iba. Sa akin lang siya nakatingin.

Ang dami niyang maling sinabi.. baka ano pang isipin nila. Napalingon ako sa iba at kita ko ang pag-iwas nila ng tingin. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak sa akin ni Dr. Mark.

"Pwede na ba siyang umuwi?" Tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin. Napayuko ako at napahawak nalang sa bestida ko.

"Alissa.. ayos na ba sayo na umuwi ka? Ako na maghahatid sayo." Napalingon ako kay Dr. Mark.

Rinig ko ang mahinang mura ni Teo.

"Sir Theodore.. ayos na po si Alissa. Pwede na po siyang umuwi." Mabilis akong napalingon kay Sari na nakangiti ngayon. Bakit niya sinabi iyon?

Natigil ako sa pagtitig sakanya nang higitin ako ni Teo. Hinila niya ako palapit sakanya.

"Thanks" aniya at dahan dahan akong dinala sa kotse niya. Binuksan niya ang pintuan at mabilis akong binuhat para makaupo.

"Teo!" Napasigaw ako at nakita kong bahagya siyang napangiti. Nang akmang kukunin niya ang seatbelt ay inunahan ko siya at ako na ang nagsuot non.

"Fix yourself. I'm mad right now. Damn mad Alissa." Aniya kaya napaiwas ako ng tingin. Sinara niya ang pinto at gaya ng sinabi niya at inayos ko ang sarili ko.

Sumakay siya at pinaharurot na ang sasakyan. Nakatingin lamang ako sa labas nang hawakan niya ang kamay ko. Liningon ko siya at kita ko ang kunot sa noo niya.

Ang puso ko ay sobra-sobra ang paghuhurumentado ngayon. Nagwawala ito pero pilit ko itong pinapatigil. Hindi pwede. Dapat ay umaktong patay at manhid ang puso ko.

"Are you really okay? Don't you need to go to the hospital?" Saad niya. Mabilis siyang tumingin sa akin pero binalik din niya agad iyon sa harapan.

Umiling ako at hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ayoko ang nararamdaman ko at ayoko ang dulot ng hawak niya sa akin. Nakakapaso.

"Ayos lang ako Teo. Sanay naman ako.."

Tumingin ako sakanya at pinagmasdan siya. Maling lalaki.. maling nararamdaman.

Hindi ko alam kung paano nakakaya ng mga babae na magustuhan ang tulad niya. Napakatayog niya, tuwing titignan ko nga siya ay pakiramdam ko mali na, magkagusto pa kaya?

Maling magkagusto sakanya at mayroon akong napakadaming dahilan kung bakit. Sa sobrang dami non ay nakakatakot. Nakakatakot na baka kahit sa dami ng dahilan ko ay manalo pa rin ang naghuhurumentado kong puso.

"Can you promise me one thing Alissa?" Natigil ako sa pagiisip sa sinabi niya.

Tinigil niya ang sasakyan kaya napalingon ako sa labas. Nasa harap na kami ng mansyon nila. Nagulat ako ng hawakan niya ako sa aking baba at hinarap sakanya.

Napakalapit na ng mukha niya sa akin. Pilit kong nilalayo ang mukha ko pero hindi ko magawa. Paano ko mapipigilan ang sarili ko kung sa isang hawak lang niya ay nawawala na ako sa sarili ko.

Nagkakaroon ng gyera sa puso ko.

"Ano?" Mahina kong tanong sakanya. Banayad ang tingin niya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko.

"Can you stop being on danger? I think I'll lose my mind the next time I hear that you're in danger." Mali. Mali to. Syempre nag-aalala lang siya. Nag-aalala siya sa lahat ng nandito sa Argao. Importante ito sakanya kaya ganon.. hindi lang naman siguro sa akin siya ganito.

"Answer me.." aniya at napababa ang tingin niya sa labi ko. Napalunok ako dahil sa mga sinasabi niya.

"Pa-pangako.." saad ko at tumango. Ngumiti na siya at nanlaki unti-unti ang mata ko nang lumapit ang labi niya sa pisngi ko.

"Say it again.." aniya. Para akong alipin sa mga salita niya. Bakit ganito siya? Lahat ba ng salita ng isang Montgomery ay makamandag?

"Pangako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top