Kabanata 6

Rescue

Natapos ang buong gabi ng hindi man lang ako nakatulog. Sinubukan ko pero ginugulo pa rin ako ng maling nararamdaman ko. Pag lalo ko siyang tinitignan ay mas nahihirapan ako.

Pagka-sikat ng araw ay tumayo na ako at nagmadaling tinungo ang kusina. Nagluto ako at dinala ko sa kwarto niya. Hinawakan ko siya sa leeg at wala na ang lagnat niya pero kahit ganon ay parang ako naman ang napapaso. Iniwan ko nalang ang pagkain doon at nagmadaling bumalik sa kwarto ko.

Tumigil na rin ang ulan kaya makakalabas na ako.

Naligo ako at nag-ayos, dumiretso na ako sa bahay namin pagkatapos non.

Kailangan ko rin bisitahin sila nanang.

"Ay! Magandang umaga, Alissa! Kumusta ang mansyon?" Bati sa akin ni Aling Belen bago ako pumasok sa bahay namin.

"Magandang Umaga po! Ayos naman po!" Masayang wika ko at pumasok sa bahay namin.

"Nang!" Masayang bati ko. Nagulat sila at kita ko ang pagsilay ng ngiti sakanilang mga labi. Kumakain sila ngayon kaya tumabi ako kay Mikoy.

"Ate.. dito ka na ba ulit?" natawa ako sa sinabi ng kapatid ko. Yinakap ko siya ng mahigpit.

"Hindi pa 'e. May trabaho pa si ate pero dadalaw naman ako sayo. Miss mo na ako no?" Natatawang wika ko sakanya at narinig ko rin ang halakhak ni tatang.

"Opo" saad ng kapatid ko at nakaramdam ako ng saya sa puso ko. Kahit naman may mgapagdududa ako ay hindi ko makakaila na.. napamahal na ako sakanila.

Pinaghain ako ni Nanang at doon na ako kumain.

"Sige nay, labas po muna ako. Pupuntahan ko lang si Sari." Saad ko. Nag ayos ako ng buhok at itinali ito.

"Sige.. ang balita ko may medical immersion daw sa kabilang bayan. Hindi ba ay tumutulong ka sa mga ganon? Baka kailangan nila ng magboboluntaryo" Napangiti ako at tumango. Humalik ako kay nanay at nagmadaling lumabas.

Gusto kong mag-volunteer para sa immersion. Gustong gusto kong tumutulong sa mga pinupuntahan ng medical team ng bayan namin. Pakiramdam ko, ako.. sila nung mga panahong ako naman ang kailangan ng sasagip.

"Sari!" Sigaw ko nang makita ko siya sa hindi kalayuan. Kumaway ako sakanya at nagmadali. Kita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin pero ngumiti pa rin siya.

"Nandyan ka pala. Ah.. ano kasi.. pupunta ako sa medical team ngayon. Sumali ako para makatulong" tumango ako at sinabit ko ang kamay ko sakanya.

Parang may kakaiba sa kaibigan ko ngayon. May problema ba siya?

"Ako din.. gusto ko din sumama" marahan naman siyang tumango sa akin. Tinungo na namin ang clinic pero hindi pa rin niya ako kinakausap.

"May problema ka ba?" Tanong ko sakanya pero umiling naman siya. Alam kong meron.. ano kaya yon?

"Alissa! Buti naman at nandito ka na! Mag vovolunteer ka ba ulit?" Nawala ang atensyon ko kay Sari dahil sa pagtawag sa akin ng isa sa mga nurse doon.

Lumapit ako doon at binigyan niya ako ng isang first aid kit.

"Oo, mag vovolunteer ako." Tinanggap ko iyon at chineck ang laman non.

"Saan ba tayo niyan?" Tanong ko sakanya. Nakita kong nagsi-labasan na rin ang mga nurse sa clinic at pati na rin si Dr. Mark.

"Magandang Umaga Alissa. Sa pangalawang bayan tayo. Masyadong maraming nasalanta doon. Maraming nawawalang mga tao kaya siguradong kailangan nila ang tulong natin." Napabuntong hininga ako sa sagot ng isa sa mga nurse doon, si Gina.

Bigla akong kinabahan. Tuwing nag vovolunteer ako at nakakakita ng mga taong nangangailangan ay parang nakikita ko ang sarili ko sakanila.. yung itsura ko sa mga panaginip ko ay parang nabubuhay ay nagiging totoo.

"Sige.. tara na" saad ko atsaka binaling ang tingin ko kay Sari na nakatingin din sa akin. Ngumiti ako sakanya pero nag-iwas lamang siya ng tingin.

Ano 'yon?

"Na-miss namin ang pagdalaw mo dito Alissa. Walang magandang binibini. Lalo na tong si Doc." natawa ako sa sinabi ni Ricko, isa sa mga tumutulong din.

Lumabas na kami ng Clinic at sumakay sa kotse na pagmamayari ng Mayor dito. Ipinapahiram niya ito tuwing mag mga immersion.

"Bolero ka talaga no!" Yan nalang ang nasabi ko. Matagal na nila akong inaasar kay Dr. Mark pero wala naman dapat dahil hindi naman kami ganon kalapit sa isa't isa.

"Ricko, dumaan na ba si Alissa? Ricko, saan ba nagtatrabaho niyan si Alissa? Ricko, balita ko ay sa Mansyon si Alissa ngayon?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ricko. Parang ginaya niya ang pagkakasabi pa ni Dr. Mark. Humalakhak ako dahil sa sinabi.

"Okay naman ba sa mansyon? Hindi ka ba pinapahirapan doon?" Tanong sa akin ni Dr. Mark. Natigilan ako at biglang pumasok sa isipan ko si Teo.

Kumusta na kaya siya? Kinain niya kaya ang linuto ko? Hinanap niya kaya ako?

"Ayos naman.. hindi naman. Nagluluto lang naman ako doon." Saad ko sabay tingin kay Sari. Kita ko ang pag-iwas niya kaya lalo akong nabahala.

Hindi kaya..

Hindi naman siguro..

"Gwapo daw si Sir Theodore?" Tanong ni Gina habang humahalakhak at parang kinikilig.

"Hindi naman ganon si Alissa. Hindi naman siya tumitingin sa panglabas na anyo." liningon ko si Ricko at napangiti sa sinabi niya.

"Gwapo siya hindi naman makakaila pero wala sa akin iyon." Sabi ko at hindi napigilang umiwas ng tingin.

Wala naman talaga.. medyo nagpapasaway lang ang puso ko pero wala talaga. Dapat wala. Wala.

Wala akong magawa kundi makitawa nalang. Sa buong byahe ay puro tawanan at asaran lang ang nangyari. Pati si Sari ay nakisama na rin kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Wala pang isang oras ay nakarating na din kami sa ikalawang bayan.

Napaawang ang labi ko dahil sa nakita ko. Puro putol na puno at sirang nga bahay. Sa bayan namin, may mga ilang nasira pero hindi ganito ka-grabe. Anong nangyari at naging ganito?

"May isang bahay na nasunog habang bumabagyo kaya naging ganyan.." parang nabasa ni Gina ang nasa isip ko.

"Nagdamay damay na. Mula sa mga tindahan, sa mga eskwelahan.." dagdag pa ng isang babae.

Tumigil kami kung nasaan ang rescue team. Bumaba na kami ng kotse at lumapit kami doon at kita ko ang mga ibang na rescue na nasa stretcher. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"Maraming salamat at nakarating kayo. May isang bahay dito.. dalawang palapag. Nacheck na namin ang sa baba pero ang sa taas ay hindi pa. Masyadong marupok ang pagkakagawa kaya delikado.." umiling ako sa sinabi ng isa sa mga rescue team doon.

"Bakit pa tayo nandito kung hindi rin naman natin i-checheck iyon" saad ko. Natigilan silang lahat sa sinabi ko.

"Ako nalang ang aakyat doon. Kung marami tayo ay.. baka bumagsak lang. Abangan niyo nalang ako sa baba. Mag ready na kayo ng first-aid.." pagdagdag ko ng makitang parang nagiisip pa sila.

Inayos ko ang mga gamit na kailangan ko. Ginawa ko na ito dati at pinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para makatulong.

Binigyan ako ng Diyos ng pangawalan pagkakataong mabuhay kaya gagamitin ko ito sa pagtulong.

"Pe-pero.."

Pinutol ni Dr. Mark ang sasabihin sana ni Ricko.

"Tama si Alissa. Ang mabuti pa.. samahan mo sila Gina na magcheck ng ibang bahay. Pati yung elementary school i-check niyo baka may mga survivors pa. Ako at si Sari nalang ang tutulong kay Alissa." Tumango ako sa sinabi ni Dr. Mark.

Walang nagawa sila Ricko at sinunod nalamang nila siya. Mabilis kaming nagtungo sa bahay na sinasabi.

Nag-angat ako ng tingin ng makita ko ang bahay na kulang nalang ata ay malapit na itong gumuho.

"A-alissa.. wag ka na kaya tumuloy?" Napalingon ako kay Sari. Ngumiti ako at umiling. Magsasalita na sana ako pero natigilan ako sa narinig ko.

"Tulong! Tulungan niyo po ako!" Natigilan kami sa narinig namin. Napatingin ako sa ikalawang palapag.

"Baka pwede tayong humingi ng tulong pa.." napailing ako sa sinabi ni Sari. Hindi na kaya maghintay ng sitwasyong to. Hindi na kaya ng pundasyon ng bahay.

"Kailangan Sari.. matagal ko na itong ginagawa. Maliit na bagay lamang to." Saad ko. Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil alam kong pipigilan lamang niya ako.

Mabilis akong pumasok ng bahay na iyon. Linibot ko ang paningin ko. Kung mag-aafter shock ito ay hindi kami makakaligtas.

"Alissa!" Narinig kong sigaw ni Sari kaya lumingon ako.

"M-mag iingat ka.." napangiti ako at tumango sa sinabi niya.

Tumakbo ako papunta sa taas. Medyo umilag pa ako dahil may natumbang kahoy. Sa bawat pagakyat ko ay may nahuhulog din, marahil ay sa pressure na dinudulot ko sa pag-tapak ko.

"Tao po? May tutulong na sainyo.. nasaan ba kayo?" Sigaw ko habang iniilagan ang mga nahuhulog na kahoy. Basang basa ang palapag kay natatakot ako na bumigay nalang ito bigla.

Gawa lamang kasi ito sa kahoy. Kung guguho man ito ay sisiguraduhin ko munang ligtas ang nasa loob.

"A-andito po ako.." narinig ko ang paghikbi sa isang kwarto kaya mabilis ko itong tinungo. Dahan-dahan ko itong binuksan dahil may naramdaman ako.

Napaawang ang labi ko sa nakita ko. Napatingin ako sa taas.. kung itutulak ko ang pinto, bibigay ang kahoy sa taas ng pinto, kung hindi ako nagkakamali ay ito ang sumusuporta sa pintuan. Matatamaan nito ang kahoy na nakalawit sa palapag. Pag ito ay natamaan ay tuloy-tuloy na babagsak ito pati na rin ang buong palapag.

"Andito na ako.. ang pangalan ko ay Alissa. Tutulungan kita.." paano ko siya tutulungan. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

Napapikit ako.. isip Alissa. Isip.

"Meron bang bintana diyan?" Tanong ko sa tao sa loob. Huminga ako ng malalim. Hindi kakayanin ng taling dala ko na suportahan siya kung ilalabas ko siya sa bintana.

"O-opo.." napangiti ako at tumango. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto habang sinisigurado na hindi mahuhulog ang kahoy.

Kinuha ko sa bag ko ang tali at hook atsaka ko tinulak ito sa loob.

"Isabit mo itong hook diyan sa bintana at itali mo sa sarili mo ang tali.." paliwanag ko sakanya.

Narinig ko ang paghikbi niya.

"Natatakot ako.."

"Wag kang matakot. Nandito ako. Hinding hindi kita pababayaan. Ngayon.. gawin mo ang sinabi ko sayo. Konti nalang ang oras." Diniinan ko ang pagkakatapak ko sa palapag na tinatapakan ko. Naramdaman kong bibigay na ito.

"Sige.." hinintay ko siyang matapos.

"Ayos na ba? Hilahin mo ang tali mula sa hook para malaman mo kung matibay ang pagkaka-hook nito" sobra sobra ang kabang nararamdaman ko pero hindi ko ito hinayaang mapansin niya.

"Matibay na.." saad niya kaya napapikit ako.

"Good. Ngayon.. pagkabilang ko ng isa, dalawa at tatlo. Humawak ka ng mabuti sa tali at pumikit ka. Naiintindihan mo ba?" Tanong ko. Hinawakan ko na rin ang pintuan.

"O-sige.."

"Isa.." pinihit ko na ang pintuan.

"Dalawa" tumingin ako sa taas. Sana tama ang kalkulasyon ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Tatlo! Pikit!" Sigaw ko at tuluyan ko ng binuksan ang pintuan. Tumakbo ako sa loob at lalapit sana sakanya pero bago pa iyon ay bumagsak na ang palapag.

Narinig ko ang pagsigaw niya. Napapikit ako at napahawak sa ulo ko. Naramdaman ko ang pagbagsak ko sa unang palapag. Naramdaman ko din ang pagsakit ng likod ko, hindi ko ito magalaw. Binuksan ko ng marahan ang mata ko at kita ko ang pagtanggal niya sa pagkakatali niya.

Napangiti ako dahil dito.. tama ang kalkulasyon ko..

Alam kong hindi na ako aabot para mas mahipitan ang hook pero sinubukan ko pa rin. Buti nalang at mahigpit na ito.. salamat naman.

"Miss! Alissa! Alissa!" Lumapit siya sa akin. Isa siyang babae at kita ko ang pagluha niya. Ngumiti ako at pinilig ang ulo ko.

"Tulong.."

Naalala ko bigla ang panaginip ko.

"Ligtas ka.. ngayon sundin mo ang huling utos ko. Lumabas ka at may makikita kang doktor doon at isang babae. Alam na nila ang gagawin.." saad ko at kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"Pero.. ikaw?" Tanong niya sa akin pero umiling ako muli.

"Sundin mo ako.." saad ko at kita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata niya.

"Babalikan kita" aniya at lumabas na.

Sinubukan kong tumayo pero hindi ko talaga kaya. Nakarinig ako ng kakaibang tunog, tila parang may..

Napatingin ako sa taas at napaawang ang labi ko. Pumikit ako at inabangan ang kahoy na babagsak mula sa ikalawang palapag.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top