Kabanata 27

Surname

This is not the last chapter.

Marahan akong napapikit habang mahigpit ang hawak ko sa kinauupuan ko. Jerem literally drove fast like what I wanted. Gusto ko nalang na makarating kami sa Argao, nag roro pa kami at inis na inis ako dahil doon.

Gusto ko mang gamitin ang private heli ng pamilya ay hindi ko ginawa lalo na at ayaw kong malaman nila mommy. May kapangyarihan silang pigilan akong umalis kung doon ako sasakay.

"Malapit na tayo. Handa ka na ba, ate?" Tanong ni Jerem.

Napalunok ako at nag mulat ng mata. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kinauupuan ko at literal na tumakbo ang puso ko dahil sa mga nakikita ko. It felt so.. nostalgic. Seeing everything is making me so emotional.

Mula sa mga nadadaanan naming palayan, puno at mga kakahuyan ay parang maiiyak ako sa sobra-sobrang nararamdaman. This place can make me feel so weak yet alive at the same time.

"Ate, dad is calling me. Fuck. Natatakot ako. Pucha!" Rinig kong sunod sunod na mura ni Jerem.

Pinaharurot niya lalo ang kotse habang ako ay lumingon sakanya. His phone is ringing at nandoon ang pangalan ni daddy. Napakagat ako sa aking labi, alam ko naman na hahanapin kami pero hindi ko alam na ganito kabilis.

"Shit! Bakit may mga nakaharang!"

Binaling ko ang atensyon ko sa tinutukoy ni Jerem. Namilog ang mga mata ko nang makita ko na puno ng tao ang harap ng bahay nila Nanang. Umakyat ang kaba sa puso ko lalo na nang makita kong may mga ilang pulis din na nandoon.

"Stop the car, Jer." Utos ko.

"What? No. Dumiretso na tayo sa Mansyon nang makita mo na si Montgomery." Aniya.

"Stop the car!" Hindi ko napigilan na itaas ang boses ko para sumunod siya.

Mabilis niyang tinapakan ang preno at parang lalabas ako ng kotse sa ginawa niyang 'yon. Pasasalamat ko nalang sa seatbelt at naprotektahan ako nito.

Napahawak ako sa puso ko para kumalma 'to. Ang mga mata ko ay nanatiling nakatingin sa harap. Wala sa sariling bumaba ako at tuloy-tuloy na lumapit doon. Lahat ng tao ay napalingon sa akin at kita ko ang pagkagulat sakanilang mga mata.

After all, nakasama ko naman silang lahat. Mga kapit-bahay na alam kong may alam din tungkol sa akin.

"Alissa.." rinig kong mahinang bulong.

Kusang tumigil ang aking paa sa paghakbang.

Nag tiim-bagang ako at taas noong binalingan ang taong tumawag sa pangalang 'yon. Nanakit ang puso ko nang makita kung sino 'yon. Hindi rin naman nakatakas sa akin ang mga naririnig na bulungan mula sa mga tao.

Kung ako si Alissa, siguradong mag-aalala ako sa kanilang mga bulungan pero ako si Josephine Morgan at wala akong pakielam.

"Alissa? Sinong Alissa?" Malamig na tanong ko nang magtama ang mga mata namin ni Sari.

Kita ko ang pag ka-konsensya sakanyang mga mata. Mas lalong nanakit ang puso ko nang makita ko 'yon. Pinigilan ko na mag tubig ang mga mata ko lalo na at nakumpirma ko na may alam nga si Sari.

Sino ba sakanila dito ang walang alam?

"Alissa.." pag-uulit niya.

Nanginig ang kanyang bibig. Naiyukom ko ang mga palad ko dahil sa panginginig ng aking kamay.

"Wag mo akong tawagin niyan." Malamig kong tugon.

Nag-iwas ako ng tingin at lumingon sa mga Pulis na nandoon.

"Ano po ang problema dito?" Tanong ko.

"Ina-aresto po namin lahat ng taong nakatira sa tahanang ito sa kasong kidnapping."

Napaawang ang aking labi.

"No need. Itigil niyo 'yan." Utos ko.

"Pero mam, ito po ay sinampa ng-"

"Mga magulang ko ang nagsampa ng kaso. Ako ang tinutukoy na kinidnap at sinasabi ko sainyo ngayon na hindi totoo 'yan. Ako ng bahala sa mga magulang ko basta umalis na kayo kung hindi, ako mismo ang magpapatanggal sa inyo sa serbisyo." Matalim kong wika.

Natigilan naman sila sa sinabi ko. Matalim ko silang tinignan pero nawala din 'yon dahil may humawak sa balikat ko at pinihit ako paharap sakanya. Sumalubong sa akin ang naka-ngiting mukha ni Jerem kaya napangiwi ako.

"Ako ng bahala.. finish your business here. Don't be impulsive. Ginagawa lang nila ang trabaho nila." Aniya.

Sinenyasan niya ang mga pulis na sumunod sakanya palapit sakanyang sasakyan. Hindi ko naman gustong gamitin ang kapangyarihan para mapa-alis ang mga pulis pero hindi ko din maaatim na hulihin sila Nanang. Oo nga at nagkasala sila at dapat managot sa batas pero ako ang nabiktima.

Hindi ba ako ang may pinaka nakaka-alam kung anong dapat mangyari sakanila? Ayoko ng manakit, malabo at hindi maiintindihan ng mga tao 'yon pero ito ang paninindigan ko. It's me being tired of everything.

"Babalik ka na ba dito, Alissa?"

Nilingon ko ang kapitbahay namin na nagtanong 'non.

Umaakyat ang pagiging mataray ko at ramdam na ramdam ko 'yon pero huminga ako ng malalim para hindi lumabas 'yon. They lied to me, yes, but they have been a very good co-citizen to me. Hindi ko naman makaka-ila 'yon.

Umiling ako. "No. Hindi na po. Aalis na rin po ako niyan. Iba ang pakay ko dito."

Tumalikod na ako at dinaanan silang lahat.

"Anak.."

I stopped on my tracks.

"Alissa?"

Sandali akong mariing napapikit bago lumingon sa tumawag sa akin. Kilalang kilala ko ang taong tumawag sa akin. Hindi ako pwedeng magkamali na si Nanang 'yon. Ayaw kong gumawa ng eksena dito pero nanonood na ang lahat.

Nagtama ang mga mata namin ni Nanang. Hawak niya sakanyang kamay si Mikoy. Kusang napunit ng ilang beses ang puso ko habang tinitignan sila ngayon. Parang pinapatay ako habang nakikita ko sila ngayon. Ginawa ko ang lahat para hindi lumabas ang mga luha sa aking mga mata.

"Hindi ako si Alissa. My name is Josephine Morgan."

"Anak.."

"Stop. I need to go." Mapait kong wika.

Tumalikod na ako at kasabay 'non ang pagpatak ng luha ko. Nanikip ang puso ko at nahirapan akong huminga.

"Nagbago ka na talaga. Wala ka man lang utang na loob sa mga nag-aruga sa'yo." Rinig kong wika ng ina ni Sari.

"Nagbago? Bakit? Kilala niyo ba ako? I'm not even the Alissa you knew. Kung kayo ang itago mula sa pamilya niyo, kung kayo ang lokohin at paglaruan ng ganito, let's see if you won't turn out this way." Puno ng pait kong wika.

"Anak.. patawarin mo kami."

Biniyak ang puso ko sa sampo nang marinig ang boses ni Nanang.

Bumuga ako ng hangin bago nagpatuloy sa paglakad. Tuloy lamang sa pag-agos ang luha ko. Nakita kong patango-tango ang mga pulis habang kausap si Jerem. Napatingin silang lahat sa akin nang tuluyan na akong makalapit sakanila.

"Hey.." mahinang bati ni Jerem.

Inakbayan niya ako at linapit sakanya.

"Aalis na po kami, ser. Maraming salamat po." Saan ng isang pulis.

Tinanguan lang sila ni Jerem at ako naman ay hindi na sila pinansin. Hinila na ako ni Jerem at sinakay sa kotse niya. Mabilis siyang lumipat sa driver's seat at pinaandar ang kotse paalis.

Hindi ko maiwasan ang bahagyang tignan ang mga tao sa labas habang nakatanaw sila sa amin. Ramdam ko ang sakit ng mga luha ko sa pag-agos. Napasandal nalamang ako sa upuan at hinayaan ang sarili konh umiyak. Nakatulong sa akin ang pag-abot ni Jerem sa aking kamay para hawakan.

"Hahayaan ko kayong mag-usap ni Montgomery. I won't meddle. Just do it fast. We need to go back before the sun sets." Ani Jerem.

Tumango ako.

Nag-angat ako ng tingin sa daan na tinatahak namin. Tanaw na tanaw ko na ang Mansyon mula dito. Wala sa sariling malungkot akong napangiti habang nakikita ang daan dahil marami rin akong ala-ala dito. Kahit kailan, hindi ko na makakalimutan ang lugar na 'to.

Masakit man ang mga naging karanasan ko dito ay hindi ko naman makakaila na naging masaya din ako. Nakilala ko ang parte ng sarili ko na kahit kailan ay hindi ko nakilala.

Mga bagay na kahit kailan, hindi ko dalat naranasan pero nangyari.

Mga bagay na ibabaon ko sa aking puso para maging ala-ala.

"We're here." Jerem breathed.

Napalunok ako nang makita na ang mansyon. Tumango ako at pinunasan ang mga luha ko. Liningon ko si Jerem at ngumiti sakanya.

"Thank you, Jerem. Wait for me." Saad ko.

Tuluyan na akong bumaba ng kotse at agad kong naramdaman ang malambot na damuhan sa aking paa. Dahan-dahan akong nag lakad papasok at laking gulat ko nang makitang bukas ang gate ng Mansyon. Tuloy-tuloy akong pumasok dahil dito.

Sandali akong tumigil at nag-angat ng tingin para matanaw ang kabuo-an ng mansyon.

"What are you doing here?"

Hindi ko alam pero nang marinig ko ang boses na 'yon ay kusang tumulo ang isang patak ng luha sa aking mata. Gumuhit ang isang napakatalim na bagay sa aking puso. Masaya ako na narinig ko ang kanyang boses pero nasasaktan din ako sa hindi malamang dahilan.

"Teo.." I traced.

Liningon ko ang pinanggagalingan ng boses na 'yon.

Nagtama agad ang aming mga mata. Nakatayo siya sa may garden kung saan may man-made maze na ngayon ko lang nakita.

"Ikaw.."

Nahirapan akong magsalita habang nakikita siya ngayon. Parang ang lapit-lapit niya sa akin pero sobrang layo niya din.

"Anong ginagawa mo dito?" It's my turn to ask.

"This is where I should be." Mabilis niyang sagot.

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa mga sinasabi niya.

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" Lakas loob kong tanong.

Kumunot ang aking noo nang mag-iwas siya ng tingin. Kasabay din 'non ay ang pag guhit ng sakit sa aking puso. Na-kompirma ko na sinasadya niya talagang hindi sagutin ang tawag ko.

Bakit ang sakit na 'non para sa akin?

"You shouldn't be here. Galing ka sa hospital. You should be resting." Malamig niyang wika.

Ibinalik niya ang tingin niya sa akin pero sa huli ay tinalikuran niya ako.

"Anong ibig sabihin nito? Ganito nalang ba tayo? Is this what you call the end?" Mahinang tanong ko pero sapat na para marinig niya.

Napakagat ako sa aking labi. I wanted to say..

Iiwan mo na ba ako?

Gustong gusto ko 'yan sabihin pero hindi ko magawa dahil parang papatayin ko na ang sarili ko kung gagawin ko 'yon. Natigilan siya sa aking tanong at hindi ko mapigilan ang magkaroon ng pag-asa.

Oo, alam ko na hindi ko dapat to ginagawa. Ako ang babae pero ito ako at ako pa ang pumunta dito. Kung tutuusin ay hindi ko 'to dapat ginagawa pero may ganon bang basehan sa pagmamahal? Para sa akin ay kailangan kong gawin lahat para masalba ang pagmamahal na alam kong kahit kailan ay hindi ko na matatagpuan.

"I'm not good enough for you, Pin. I will never be." Banayad niyang saad.

Impit akong napahikbi sakanyang sinabi. Bakit ang hirap-hirap makaramdam ng kasiyahan sa buhay ko? Bawal ba talaga akong maging masaya?

"Sino ka para sabihin 'yan? You're more than enough for me, Teo. I will never wish for anyone than you." Puno ng paghihirap kong wika.

"Sana ganon lang kadali.." he traced.

Liningon niya ako at hinayaan kong tumulo ang mga luha ko habang tinitignan siya. Gusto ko man punasan ang mga 'yon ay hindi ko ata kakayanin ang gumalaw sa pagkakataong 'to. Every part of me is dying right now.

Kita ko ang pagtagis ng kanyang bagang.

"See? I'm hurting you right now." Puno ng galit niyang wika.

"Nasasaktan ako kasi ganyan ka! Nasasaktan ako kasi tinatalikuran mo ako! Akala ko kahit kailan hindi mo ako iiwan? Pero bakit ikaw pa ata ang unang tumatalikod sa akin? Ito ba ang pagmamahal para sa'yo? Kung ito rin naman 'yon, sana hindi mo na pinaranas sa akin! Ang sakit sakit, Teo. Sobrang sakit na mas pipiliin ko pang mamatay nalang kesa makita kang naglalakad palayo sa akin."

Mariin akong napapikit dahil hindi ko na napigilan ang mapahagulgol. Napahawak ako sa aking puso at mariing kumapit doon. Puro hikbi ko lang ang maririnig at nanghihina na ang aking mga tuhod.

"How can I look at you? How can I love you if whenever I see you or your family, bakas ng sakit na dinulot ng tatay ko ang nakikita ko. I will never understand him.. I will never forgive him for doing that to your family. Kahit pa sabihin niyang bumagsak ang kompanya at nagsarado ang ilang factory namin dahil sa pinili ng kapatid ko ang pinsan mo, hinding hindi ko siya mapapatawad. I will never forgive him! I will never fogive myself from being his child! I will never forgive myself from having his surname!"

Umiling ako.

Nagmulat ako ng aking mga mata. I can see anger in his eyes and it's making my heart break into pieces.

"Kahit kailan hindi ko sinumbat sa'yo yan. I never questioned you for being his son!"

"I know. I fucking know that, Josephine. Gasgas na 'to pero putang'na! Ako ang mali dito! Ako ang may problema! Ako ang hindi makapagpatawad! I so damn want to mary you yet I can't even let you carry my surname. I can't give you the surname of the man who created the tragedy in your life. I can't.."

Napaawang ang aking labi. Hindi dahil sa mga sinabi niya ngunit dahil sa mga luhang tumakas sakanyang mga mata. The man I love is crying in front of me.. he's crying because he wants to marry me.

"Then marry me.." I breathed.

Kita ko ang gulat sakanyang mga mata. Napalunok ako bago humakbang palapit sakanya. Kahit hirap ay ginawa ko pa rin ang makakaya ko para makalapit ng husto sakanya. Tumayo ako sa kanyang harapan atsaka ng angat ng tingin para magtama muli ang mga mata namin.

I will never get tired looking at his expressive eyes. The eyes I want my children to have..

"I will never get tired of saying this, Teo. Sa ating dalawa, walang mas importante. You will always be more important than anything else. This tragedy will never be a match to you. Hinding hindi kita ipagpapalit sa kahit anong bagay. Besides, this tragedy is my best tragedy because it is the point of my life where I met you. That point was also the happiest day of my life. It will be forever be that way. I will never blame you nor your family, hindi dahil sa kabutihan o ano pa man. Kakalimutan ko ang lahat dahil may mga bagay na kusang pinapatawad ang puso. Kung ang paraan para makasama ka ay kalimutan ang lahat.. gagawin ko."

A tear fell from my eye.

"Josephine.."

He held my hands. Malungkot akong napangiti dahil doon. Ang sarap sa pakiramdam na maramdaman ang balat niya sa akin. Inabot niya 'yon at hinagkan. Mariin akong napapikit sa ginawa niyang paghalik sa aking kamay.

"I love you. I love you so damn much. I'm so sorry.. I'm so sorry for being a Montgomery."

Mabilis niya akong hinila palapit sakanya lalo at yinakap. Napasinghap ako dahil doon pero yinakap ko rin siya pabalik. Pinulupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang at yinakap ako ng mahigpit. Hinilig ko ang aking ulo sakanyang balikat at yinakap din siya sa higpit na gustong gusto ko.

I felt him kissed my neck.

I smiled.

"I love you, Theodore Motgomery. Parte ng pagkatao mo ang pagiging Montgomery at kahit kailan, hindi kita sisisihin doon." Bulong ko.

I felt him sighed.

"I love you so much. Hindi ko kakayanin na kamuhian mo ako.. I would rather turn my back on you knowing that you love me than seeing you hate me for being a Montgomery."

Parang may pumisil sa aking puso dahil doon. Humigpit pa lalo ang pagkakayakap niya sa akin at dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata.

"That will never happen. Basta, wag mo na akong iiwan." I whispered.

"Never.." tugon niya.

"Talaga?" I can't help but ask.

I bit my lower lip as my heart beats go crazy and wild.

"Let's get married."

Natigilan ako sa sinabi niya. Lumuwag ang pagkakahawak ko sakanya ngunit mas lalo lang niya akong yinakap.

"Let's turn you to a Josephine Morgan Montgomery. Say yes then there will be no turning back. Say yes then you'll have to spend the rest of your life with me. Say yes then you'll be stuck with me forever. So now.. I won't ask you because I'll never take no for an answer. I'll make you say yes."

Humiwalay siya sa akin at mabilis akong hinagkan. Isang madiin at mapusok na halik ang kanyang ginawad sa akin. Alam kong may pinapatunayan siya sa kanyang halik pero masyado na akong blangko para alamin pa 'yon.

Ang alam ko lang ay sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Bumigay na 'to at napakapit nalang ako sakanyang braso para kumuha ng suporta. My heart and body was blazing with fire. My soul is so alive that it's making myself so strong yet so weak at the same time.

"Let's get married." he said between his kisses.

"Yes.." I whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top