Kabanata 25

Case

"Uuwi ka ba sainyo?" Tanong ko kay Teo habang pababa ako ng kotse niya.

He held my hand and I faint smile formed my lips. Inalalayan niya akong bumaba at kinuha ang bag na nakasabit sa balikat ko.

I watched him do things for me.

Sa nakalipas na dalawang araw na pamamalagi sa hospital ay hindi niya ako iniwan. He was always there making me smile and laugh. He made sure I was okay and he made me feel that he won't leave me. Sabi ko nga sakanya, wag niya ako masyadong sanayin baka hanap-hanapin ko pero natawa nalang ako sa sagot niya.

We will be together forever. Gusto ko na hindi ko kayaning mawala ako, dahil ako? I can't live without you anymore. I would rather die than not to be with you anymore.

I love you so much, Josephine.

Wala sa sariling napapangiti nalang ako tuwing naaalala ko 'yon. Dapat pala ay nirecord ko ang sinabi niya para kahit kailan ko gusto mo marinig ay pwede. Nakakahiya naman na ipaulit sakanya 'yon.

"Yes, I will. Haharap lang ako saglit sa mga magulang mo tapos uuwi muna ako. Will that be okay?"

Maagap akong tumango.

"Of course, masyado ka ng maraming binigay na oras para sa akin. Your family needs you too, you need to give them time." Nakangiti kong wika.

I'm talking about his mom, bumalik na ito pero kahit kailan ay hindi ko pa siya narinig na binanggit ulit ni Teo at isa pa, wala man ako dapat pakielam kay Mr. Montgomery ay hindi ko pa rin mapigilan ang mag-alala dahil mag-ama pa rin sila kahit na balik-baliktaran mo ang mundo.

Isa sa mga natutunan ko sa pamilya ko ay ang pagpapahalaga. People might not care but we need to care for each other.

"I am for you. That includes my time and my everything. Sandali lang ako, I'll check on you later." Aniya at marahang dinampian ang noo ko ng halik.

"Sus, corny mo Mr. Theodore." Tudyo ko sakanya.

"Damn, you're really back. I may not know you before but I can see what kind of person is Josephine Morgan." Natatawang wika niya.

Kumunot ang aking noo.

"And what kind of person I am?" Puno ng kuryosidad kong tanong.

His expressive eyes went through me and it made me shiver. Kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti, mas na-curious tuloy ako sa iniisip niya.

"Like a queen?"

Tumaas ang aking kilay sa kanyang sinabi. Inabot ng kanyang kanang kamay ang kamay ko at pinagsiklop ang mga 'yon. His lips reached for it and planted a small kiss at the back of my palm.

"Queen?" Manghang wika ko.

"Ahuh, my queen." Nakangisi niyang wika.

Umismid ako at hindi napigilang mapahalakhak. Napa-corny talaga ng lakaking 'to!

Umiling-iling nalang ako at nagpatianod sakanya para kunin ang gamit ko sa likod ng kotse niya. Hinatid lang naman niya ako sa bahay at aalis na rin siya pagkatapos magpakita kina mommy. Hindi nga nila alam na uuwi ako ngayon.

Pinilit ko lang si Teo na ilabas na ako sa hospital dahil mamatay na ako kakabilang ng dumi sa kisame doon. I conclude that I was very impatient before. Hindi ko matiis ang katahimikan sa hospital, parang mabibingi pa ako dahil doon.

"I love you." Banat niya habang sinasara ang likod ng kotse niya.

"Sinong kausap mo? Ako o yung bag?" Biro ko sakanya at napahalakhak ako nang masamang tingin ang ginawad niya sa akin.

"Sorry! I was just joking!" Bawi ko sakanya.

Binitawan ko siya at mabilis na hinawakan sa mukha para bigyan ng mabilis na halik sa labi. Pakiramdam ko tuloy ay may mga paru-paro sa paligid namin. I jusy really felt so alive and happy.

Kita ko naman ang pagkagulat sa kanyang mga mata kaya mas lalo akong natawa nang bumitaw ako sakanya.

"You're too aggessive, I'm not used to it."

Halos mapatili ako nang hapitin niya ako sa bewang at mabilis na yinakap. Lalong lumawak ang aking ngiti dahil sa higpit ng yakap niya sa akin. His other hand was holding my big bag pero hindi naging sagabal 'yon para yakapin niya ako.

Parang sasabog sa paninikip ang puso ko. I am happy.. masaya ako na tipong nakakatakot na baka maputol pa 'to.

"Dapat ay sa akin ka lang ganito.." banta niya.

Napangiwi ako at hindi ko napigilan ang matawa na naman dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Who would have thought that Teo will warn a woman like this. Hindi niya ba alam na mas malaki pa ang tyansa na makahanap siya ng hihigit pa sa akin?

Mataas ang confidence level ko pero hindi ganon kataas para hindi matakot na baka may mahanap pa siyang iba. I already gave my heart to him and I already let him enter my being, hindi ko ata kakayanin na mawala pa siya.

"Mahal kita, Teo. Mahal na mahal.." mahinang wika ko at hinilig ang ulo ko sa dibdib niya.

"I love you too. Too much, Josephine." Bulong niya at naramdaman ko muli ang paghalik niya sa aking ulo.

Humiwalay siya sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti. It warmed me enough, especially my heart.

"Let's get you inside." Aniya.

Tumango ako at mag kahawak'kamay kaming pumasok sa loob ng gate ng bahay namin. Tuloy-tuloy lamang kami sa pagpasok hanggang marating namin ang kalooban ng bahay namin. Maingay dito kaya alam kong nasa bahay sila mommy.

Tuluyan na kaming pumasok at tinungo ang kusina ng bahay namin. Doon ko naririnig ang mga boses at hindi ako nagkamali dahil nandito nga sila.

"Mom.." tawag ko kay mommy para makuha ang atensyon niya.

Mas mabilis pa sa kidlat na napalingon sa akin si mommy na nagluluto habang umiinom sa may high stool si daddy. Si daddy din ay halos hindi mapakaling lumingon sa akin. I suddenly want to laugh because of them.

Parang nakarinig sila ng multo.

"Why are you here?"

Hindi makapaniwalang tanong ni daddy. Tumayo siya at sabay sila ni mommy na lumapit sa amin ni Teo. I held him tightly and smiled in front of mom and dad.

"This is our house.. I am supposed to go home here?" Subok kong pagsagot.

"Josephine.." banta ni daddy.

"Well, I wanted to go home! Alam ko naman na hindi niyo ako papayagan kaya I did it my way. Wag niyong sisisihin si Teo dahil pinilit ko lang siya. I am perfectly fine, I'll go back nextweek for a follow-up check up but right now.. it's clear as the ocean, wala na kayong dapat ikabahala." Pag dedepensa ko sa sarili ko.

Pinaliwanag ko na ang lahat ng dapat ipaliwanag dahil alam ko si daddy, siguradong papagalitan ako nito at baka si Teo pa ang mapagbuntunan. I remember very clear how dad can be very protective and he has his own ways that's why I need explain properly.

He sighed.

Doon lang ako napanatag nang marinig ang pag buntong hininga niya. I watched him grabbed mom's hand and held her. Alam kong humihingi siya ng tulong dito dahil pinapasakit ko ang ulo niya.

"Your daughter is really back. Pinapasakit nanaman niya nag ulo ko."

Parang batang pagsusumbong ni daddy. Napalingon ako bahagya kay Teo dahil hindi siya nagsasalita. I mean, I know that dad didn't gave him the chance to talk but it makes me worried about him.

He is staring straight ahead and he seems very serious.. para itong nagiisip ng sobrang lalim.

"Okay ka na ba, Pin?"

Bumaling ang tingin ko kay mommy at kahit may kaba sa aking puso dahil kay Teo ay tumango pa rin ako.

"Yes, I am perfectly okay mom." Sagot ko.

"Thank you Theodore.. for taking our daughter home." Matigas na wika ni dad.

Lumingon ako kay Teo at kita kong nakuha ni dad ang atensyon niya. I can really feel something, despite of him nodding and smiling towards my dad, I know something is wrong. Kinamayan niya 'to at yinakap naman siya ni mommy.

"Uuwi ka na ba niyan? Ayaw mong kumain dito ng lunch? Patapos na ang niluluto ko." Alok ni mommy.

Bahagya siyang lumingon sa akin at pinisil ang aking kamay. Bumaling siya muli kay mommy atsaka ngumiti.

"Hindi na po, uuwi din po ako sa amin. Talagang hinatid ko lang po siya. Maraming salamat po sa pag imbita." Magalang niyang wika.

Kita ko naman ang pagsilay ng matamis na ngiti muli kay mommy. Humilig ito kay daddy atsaka tumango. Dad smiled too, theybare very vocal on how they like Teo for me. Mabait daw ito at mukhang mahal daw talaga ako.

Everytime they say that, I can't stop myself from smiling ang being giddy.

"Sige, pero sa susunod. Sabayan mo kami ah." Ani mommy.

Tumango naman si Teo sa sinabi nila at kinamayan muli si daddy. Binigyan din siya ng yakap ni mommy ulit bago nag-paalam si Teo. Nagpa-alam din muna ako na ihahatid ko siya sa labas.

"I'll see you later?" Saad ko.

Nakalabas na kami sa gate namin at nasa harap ng kotse niya. Lalong nabagabag ang puso ko nang hindi siya sumagot agad. Ngumiti lang ito sa akin at mabilis na tinawid ang distansya naming dalawa.

Hinalikan niya ako sa labi at mabilis na yinakap ako. Ang yakap niya ay tila isang mahigpit na tali dahil sa higpit nitong pagkakayakap niya sa akin. I can feel his fast pounding heart. I suddenly wanted to ask if he's okay but I didn't. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako at damhin ang presensya ko, para malaman niya na nandito lang ako.

"I'll see you.." mahina niyang wika.

"Teo.." bulong ko at marahang pumikit.

"Thank you for being okay. Thank you for being here in front of me. If something happened to you, I'll never forgive myself."

"What?"

Parang sasabog ang puso ko sa mga naririnig ko sakanya. Napaka seryoso ng usapan pero hindi ko mapigilan ang kiligin. Malungkot akong napangiti at mahigpit na yinakap siya pabalik. I slightly tapped his shoulder to make him feel that I understand him.

I never thought I'm gonna feel this way. Pag nasasaktan siya, parang nasasaktan din ako.

"It's not your fault.."

"Still.." he breathed.

"Basta, hindi mo kasalanan 'yon. Okay na ako so you don't need to worry." Saad ko.

Humiwalay na siya sa akin at tinignan muli ako sa aking mga mata. He slightly touched my chin and a faint smile formed on his lips.

"I'll see you soon. Soon." Aniya at hinalikan ako sa noo.

I smiled and nodded.

Soon.

Pinanuod ko siyang pumasok sa kotse niya at kumaway pa ako habang pinapaandar na niya paalis ang kotse. Parang may karayom na tumusok sa aking puso habang pinapauod siyang paalis. Sabagay, in the future.. I don't need to see him leave anymore.

Tumalikod na ako at pumasok muli sa aming bahay. Napahawak pa ako sa aking dibdib habang pinagmamasdan ang buong kabahayan namin. It's my first day here with my memories back. It makes me so happy, I really feel home right now. Every memory I spent here is remembered.

I don't need to struggle anymore..

"Hey!"

Nagising ako sa pag-iisip nang makita si Joseph na pababa ng hagdan kasama si Jerem. Kumunot ang noo ko dahil nakakapagtaka na nandito sila pero mabilis na napalitan ng ngiti 'yon nang makalapit sila sa akin at yakapin ako.

Natawa ako at yinakap din sila pabalik.

"Umayos nga kayo! Ang tatanda niyo na!" Pagbabawal ko sakanila.

"You're really back.." ani Jos.

"Ate.. I missed you so much." Sweet na wika ni Jerem.

A warm hand stroked my being. I love to hear this from them. I never thought that I will feel this wau towards them. Dati, parang wala lang akong pakielam pero pagkatapos ng nangyari sa akin parang gusto ko na araw-araw at bawat minuto ay kasama ko sila.

I appreciated everything.

Sabi nga nila, hindi mo mapapahalagahan ang isang bagay kung hindi ito mawawala sa'yo.

I lost them once and I won't let it happen again. I will make sure to secure this family and I promise to uphold everything especially my family in the future. Mas naiintindihan ko na ngayon kung ano ang kahalagahan ng lahat ng ito.

"Yes, I am." Natatawang wika ko.

"Josephine."

Napahiwalay ako sakanila at napalingon sa gawi ng kusina namin. Nakatayo sa hamba ng pintuan si mommy at daddy. Ngumiti naman ako sa gawi nila pero napawi ang ngiti ko dahil sa seryosong ekspresyon ni daddy at sa puno ng pag aalalang ekspresyon ni mommy.

"Ano po?" Magalang kong tanong.

"We need to talk." Ani daddy.

Napatingin ako sa mga kapatid ko at kita kong wala rin silang alam kaya bumaling ako muli kay daddy.

"Tungkol saan po?"

Umakyat nanaman ang kaba sa puso ko habang mataman akong tinitignan ni daddy. Tuwing ganito siya ay talagang kinakabahan ako dahil ibigsabihin ay seryosong seryoso ang pag uusapan namin.

"We will file a case against the Montgomery." Matigas na wika ni daddy.

"Dad.."

Namilog ang mga mata ko at bumagsak ang kanina lang ay masaya at lumilipad kong puso.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top