Kabanata 24
Best
I breathed slowly.
Pinapakiramdaman ko ang nangyayari sa paligid. Pakiramdam ko ay sobrang bigat at pagod ng katawan ko. Bawat pintig ata ng puso ko ay naririnig ko.
Narinig kong bumukas ang pintuan.
"Is she awake?" Rinig kong tanong ni Jerem.
I know it's my brother. I know him, I know my little brother's voice. Hindi ako pwedeng magkamali.
"She's still recovering. Hayaan na muna natin." Rinig ko namang sagot ni Joseph.
Kahit hirap ay pinilit ko pa ring imulat ang mga mata ko. The waking up that I did was so hard that I thought I'm gonna die. It was like going back from the start all over again.
The pain and fear are so scary that it made me cry like there is no tomorrow.
"I hope she wakes up, now."
Kumalabog ang puso ko dahil sa narinig kong boses. I felt like tearing up just by hearing Teo's voice. He's here. Hindi niya ako iniwan.
"She will. She's strong and amazing. She will wake up." Paninigurado ni Jerem sakanya.
My eyes instantly adjusted from the bright light. Pinikit pikit ko ang mga mata ko para makakita ng maayos. Sa kaloob-looban ko ay dumadaing na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Everything hurts.
"I will never forgive myself if something happens to her." Mahinang wika ni Teo.
Parang nanikip naman ang puso ko sa sinabi niya. Why is he blaming himself? Wala naman siyang kasalanan. Walang may kasalanan. I actually secretly thanked the heaven because I remembered everything.
Lahat lahat, walang labis walang kulang. Mula sa bawat katagang bumalik sa akin hanggang sa bawat sakit na naramdaman ko ay naukit na ata sa pagkatao ko.
"Ako ang may kasalanan.." mahinang wika ni Jerem.
"Jer, wag masyadong madrama. It's not your fault." Sabat ko sakanila.
Narinig ko ang pag singhap nila kaya hinanap sila ng mga mata ko. My tired eyes rested on them and my lips formed a faint smile. I'm happy to see them right now.
"Ate.." Halos pabulong na sambit ni Jerem.
Mabilis silang tumayo at lumapit sa akin. Nasa kaliwa ko si Joseph at Jerem habang si Teo naman ay nasa kanan ko. Huminga ako ng malalim dahil hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon.
I remembered everything, what's next?
"Jer.. nakakatawa ka. Don't give me that look." Biro ko.
"Damn Pin. You're back." Hindi makapaniwalang wika ni Joseph.
"Yes jojo." Natatawang wika ko pero napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sumakit ito ng konti.
Kitang kita ko ang pag kagulat sa mga mata nila. Nilingon ko si Teo at kita ko ang malambot niyang mga matang nakatingin sa akin. I can't read him.. I want to know what he's thinking.
Pumipitik ang puso ko sa bawat hagod ng mga mata niya sa akin.
"You're calling me Jer again." Ani Jerem.
Napangisi ako sa sinabi niya. Of course I remember how I tease him with his name. Ayaw niyang Jer ang tawag ko sakanya dahil pang jejemon daw ito. Natatawa nalang ako tuwing sinasabi niya 'yon.
"You're calling me Jojo again. I never thought I will love to hear that from you. Call me Jojo whenever you like it but don't scare us like that again." Banayad na wika ni Joseph.
Napangiwi ako at malungkot na ngumiti. Hinawakan niya pa ang ulo ko at dahan dahang hinaplos 'yon. Kita ko ang malalim niyang pag hinga, marahil ay natakot talaga siya para sa akin.
We are twins so he will somehow feel my struggle.
"I'm okay. Don't worry. Where is mom and dad? I want to talk to them." Saad ko.
Madaming kailangang pagusapan, mga bagay na dapat tapusin. Gusto ko ng matapos 'to at alam kong matatapos na 'to lalo na at nakaka alala na ako.
"Okay, I'll call them." Ani Joseph.
Tumalikod siya at lumabas muna. Nakatingin lang sa akin si Jerem kaya tinaasan ko siya ng kilay. Kumunot ang noo niya dahil hindi niya nakukuha ang sinasabi ko.
Bahagya kong nginuso ang labi ko at tinuro 'yon sa gawi ni Teo. Nanlaki ang mga mata niya at pinigilang mapangiti. Tumango tango siya habang pinapigilan ang matawa.
Damn.
"Sige, Ate. Labas muna ako. I'll call the others." Aniya habang natatawa.
"Go! Alis!" Inis na inis kong wika.
Kailangan pa akong tawanan? Aba't! Lumala ata ang kapatid ko. Ang hirap ng pick-up.
"Ate Pin! You're really back. Ikaw na ikaw na 'yan!" Natatawa niya pa rin na wika.
Of course I am back. Shit ah! Nakakamiss pala ang confidence level ng isang Josephine Morgan. I never felt so alive!
"Just go!"
Natatawa siyang lumabas ng hospital room ko. Ako naman ay hindi ko alam kung saan ako titingin. Ang katahimikan na lumalabas mula kay Teo ay nakaka kaba para sa akin.
From my high confidence to no confidence at all.
Si Teo lang ata ang may kayang gumawa sa akin nito. Masyadong kumakabog ang puso ko at nawawala ako sa sarili.
"Hindi mo ba ako kakausapin?" Pagbabasag ko sa katahimikan.
Bahagya pa akong tumikhim para lumakas ang boses ko. It's coming out so weak and I don't like it. I want to be stronger..
Unti-unti siyang lumingon sa akin. Yumuko siya at umupo sa tabi ko. Humagod ang kanyang mga mata mula sa aking kamay na naka swero pataas sa mukha ko. Our eyes met and I felt warm.
'Yun lang pero bigdeal na sa akin.
"I was so scared. Akala ko mawawala ka sa akin." Mahina niyang wika.
"Teo.."
Nanglambot ang puso ko dahil doon. My strong facade went away and I just want to cry my frustrations to him. Napalunok ako para mawala ang pagkaka bara sa lalamunan ko.
I can sense the fear from him.
"I won't.."
"I can never forgive myself if you do."
Kumunot ang noo ko at umiling iling. Kahit hirap ay umayos ako ng upo. Mabilis niya akong tinulungan pero yinakap ko lamang siya. I hugged him tight na para bang takot na takot ako sa mga sinasabi niya.
This is not what I expected from him. I expect him to tell me he missed me or he is happy that I'm awake but instead fear.. 'yun ang bumungad sa akin.
"Montgomery.. itong apilyidong 'to ang sumira ng buhay mo. My dad's petty reason will never be enough to compensate everything. Hindi man niya sadya na ganon ang mangyari sa'yo.. hindi niya dapat plinano na kunin ka. He might not wanted the airplane to crash, hindi pa rin 'yon iba dahil tinago ka niya. My blood is a pest for you.." Puno ng sakit ang boses niya.
Parang bibiyakin ang puso ko sa gitna. Deretsong hati at sobrang sakit. How can he say this? Pakiramdam ko, sa sinasabi niya.. hindi lang ang tatay niya ang sinisisi niya. Kung hindi pati na rin ang sarili niya.
Naramdaman ko ang pag akyat ng kamay niya papunta sa likod ko. He hugged me tight too. Naramdaman kong binaon niya ang mukha niya sa leeg ko at kahit nahihiya ako sa amoy ko na feeling ko mabaho na, hinayaan ko nalang siya.
"It's not your fault. Just like how Ivor and Jade got together.. pwede rin sa atin. Me, being with you has nothing tondo with your dad. It's only about us. Labas siya doon." Mahinang paliwanag ko.
I felt a liqued thing on my neck. I conclude it was his tears. Mas lalo ko lamang hinigpitan ang yakap niya sa akin. I want to tell him through my hugs that I love him despite of everything.
I understand that he's scared but he doesn't need to be.
My heart is only for him.
"I am willing to change my surname just so I wouldn't be a Montgomery. I am willing to do everything.. dammit. Wag mo lang akong iwan. Natatakot ako na ngayong naka alala ka na, pati ako ay kamuhian mo. I'll die.. hindi ko kakayanin. Fuck, I never thought I will be like this."
Napakagat ako sa labi ko.
I understand now.. 'yun ang kinakatakutan niya. Ang madamay siya sa galit ko sa daddy niya. I am not mad, believe it or not but I am not mad. Nasasaktan ako oo pero hindi ako galit.
Life is short. I experienced death.. I almost died but God gave me a second chance to live so I'm gonna make the most out of it by continuing my life by living and loving.
I'll love till I die.
"I love you Teo. I love you Theodore. I love you Theodore Montgomery." Buong buo kong sabi.
Naramdaman kong natigilan siya sa sinabi ko. I faintly smiled and kiss his neck. Ako na talaga 'to.. Alissa can't do this but Josephine can.
"You are a Montgomery and I love you. I love everything about you including you, being a Montgomery. Walang dapat baguhin dahil noong araw na minahal kita, kasama doon ang pagiging Montgomery mo." Banayad kong wika.
He rested his head on my shoulders. Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at marahan 'yon na hinaplos. Bumilis ang tibok ng puso ko sa munting ginawa niya. Damang dama ko ang mabagal niyang pag hinga.
He kissed the back of my ears. Lumawak ang ngiti ko dahil doon.
"Montgomery caused you your tragedy." Bulong niya.
"Kaya mo bang tanggapin 'yon? Hindi mangyayari lahat ng masasakit na bagay sa'yo kung hindi dahil sa tatay ko. Hindi ka dapat nawalay sa pamilya mo, hindi ka dapat nakalimot at hindi sana lumalim ang sugat at sakit nararamdaman mo. I can feel it, Josephine. What you're feeling inside is painful."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. Hawak hawak niya pa rin ang kamay ko kaya ako naman ang pumisil non. Huminga ako ng malalim ang mapait na ngumiti.
Tama siya, it is very painful. Tipong matatanong mo sa sarili mo. Bakit ako? What did I do wrong to experience this but at the back of my mind. Alam ko ang sagot and that is.. everything has a reason. May rason kung bakit ako at bakit ganito ang nangyari.
I will never say that I hated what happened. Masakit pero hindi ko kinamumuhian.
"Yes, it's painful. Tama ka Teo pero.. you're one of the reason why am I still fighting. Isa ka sa mga rason kung bakit hindi pa ako kinakain ng galit na maaring lumabas sa puso ko. I love living because of you. Not everything is bad, Teo.. I met you and that is enough for me forgive."
Kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. Malungkot akong ngumiti at nag baba ng tingin. Pinagmasdan ko ang kamay niya habang dahan-dahang linalaro at hinahaplos 'yon.
I'm looking for the right words to say. I want him to understand how much I love him. Alam kong naguluhan siya sa sinabi ko pero wala naman siyang dapat ikabahala. Buo na ang desisyon ko at sasabihin ko 'yon kina mommy mamaya. Kahit na pigilan nila ako ay wala silang magagawa.
I am not asking for permission. Sinasabi ko lang sakanila.
"Forgive? You'll forgive my dad? No.. I won't allow it. Hindi ko nga siya magawang patawarin tapos ikaw? How could you forgive him? He caused your tragedy. Kung kailangan kong magsampa ng kaso laban sakanya, gagawin ko. He ruined you." Puno ng galit niyang wika.
Umiling iling ako. I understand him but I can't let his feelings move my own decision. Alam ko ang gusto ko at ang gusto ko ay matapos na 'to. Isa lang naman ang gusto ko at ang maging masaya nalang kasama ang pamilya ko, pati na rin siya.
Kung mag sasampa ako ng kaso ay hahaba at hahaba lamang ang lahat. Gusto kong ipaliwanag ang lahat sakanya pero ayaw ko ng makipagtalo. Seeing his eyes turn dark is a sign that his decision is hard as a rock right now. Hindi makakabuti ang pag kontra ko sakanya.. instead I want to day the right words.
Mga salitang alam kong kaming dalawa lang ang makakaintindi. Mga salitang galing sa puso.
"Teo.."
Huminga ako ng malalim at inangat ang kamay ko. Hinawakan ko siya sa mukha at marahang hinaplos 'yon. His dark eyes turned gray..
Nanglambot 'yon at malungkot na nakatingin sa akin.
"The tragedy that you were talking about? It was my best tragedy. It was the best because I met you."
I smiled and I sligthly placed a light kiss on his lips.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top