Kabanata 23
Ala-ala
"Tutuloy ka ba talaga?"
Napatingin ako sa pinsan kong pumasok sa kwarto ko. Isinara ko ang kurtina ko, kanina pa ako nagmamasid sa labas dahil minememorya ko ang mga paborito kong lugar sa bahay namin.
"Yes, I will Jas. Don't worry okay? Ibabalik ko dito si Jade ng maayos and we will go back to the way we was." paninigurado ko at pinagpatuloy na ang pagaayos ng gamit ko sa maleta ko.
Kumuha din siya ng damit ko at tinulungan ako mag ayos.
"Bakit kasi pupunta ka pa doon? Jade is doing fine there." umupo ako at tinignan siya. Hindi lang naman yun ang rason.
"Sinabi ko na sainyo ang rason diba? Gusto kong bumawi, pakiramdam ko nagkulang ako kaya nagkaganito lahat. Ako ang panganay sa ating lahat pero wala ako palagi, I should have protected her. Tsaka isa pa, mag-isa lang siya doon. She needs someone kahit isa lang." Napabuntong hininga nalang si Jasmine sa sinabi ko. I am the stubborn daughten of Travis Morgan so they know whose genes they should blame.
"Bakit ba ayaw niyo akong pumunta don? Its not like this is my first time going to another country?"
"Pero first time na mag-isa. Iba ngayon.." paliwanag ko sakanya.
"And besides.. baka doon ko makita ang worth ko" natatawang wika ko kaya napailing nalang siya.
"Mommy.. sandali lang ako doon. I promise and I will always contact you promise." she hugged me like there is no tomorrow. Dad looked at me with too much sadness.
"Dad, I'll help with the company too" saad ko kay Daddy at yinakap siya.
"Take care Princess. I trust you.. you are my female version so I know you can handle this" napangiti ako sa sinabi ni daddy at yinakap siya ng mahigpit.
"Para namang hindi na tayo magkikita! I will be back okay? May skype naman." Humiwalay ako kay daddy at yinakap ulit si momny dahil ayaw niya tumigil umiyak. I wiped her tears, it breaks my heart to see her like this.
"Pin.. can't you just go? I can feel it, this is not a good idea."
I hugged her one last time. Pati na din si daddy.
"I love you all.. I will be back"
Ni-airplane mode ko na ang cellphone ko at kinuha ang journal ko. I feel like writing..
June 25, 2016
Today, I am sitting on my favorite place in the plane. I am looking outside while watching the clouds. Ewan ko ba.. imbis na stars at sun ang nagugustuhan ko ay sa clouds ako na-a'amaze. I love how it looked so fluffy and how it looks so white, para bang naka pure nito. Pupuntahan ko ang pinsan kong si Jade sa New York. I am so excited to see her. I want to help her in her difficult times. Kailangan kong bumawi sa mga pagkukulang ko sakanila. Gusto ko rin hanapin ang purpose ko doon, I wouldn't be able to find it in my family's circle.
Napahawak ako sa puso ko. I feel different. Suddenly my family's faces flashed in my mind, sumisikip ang puso ko.
Pero may dinaramdam ako. Naninikip ang dibdib ko.. parang kinakabahan ako
Natigilan ako sa pagsulat ng marinig ko ang boses ng piloto.
"Ladies and Gentlemen this is your captain speaking. Please fasten your safety belts."
Hindi pa naman niya sinasabi ang bagay na dapat kong ikabahala ay naramdaman ko na. Sa puso ko ay ramdam ko na ito ang araw na magpapabago sa buhay ko. It is a tragedy for everybody.
I love you mom.. dad.. Joss.. Jer.. everyone.
"Tulungan niyo ako.."
Sinubukan kong sumigaw at humingi ng tulong. Hinding hindi ko makakalimutan ang nangyari sa eroplano, I thought I'm gonna die but thank God, nung bumagsak ako ay nakaya ko ang impact.
Kitang kita ng mga mata ko kung paano namatay sa malamig na tubig ang bawat pasahero ng eroplano namin. Bawat gabi na nagdaan ay pinagdadasal ko na mahanap na ako ng pamilya ko. Alam ko naman na ginagawa nila lahat para mahanap ako. Mom is crying for sure.
"Mom.." bulong ko.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Paulit ulit sa utak ko ang nangyaring trahedya. Buti nalang ay binigyan ako ng lakas ng Diyos na lumangoy hanggang sa dalampasigan. I'm so scared but I had to swim.
I'm scared that I could die any second..
Kahit saan ako tumingin ay piliy na bumabalik sa akin ang sakit mula sa mga nakita ko. Habang lumalangoy ako ay nakikita ko ang unti-unting pagkawala ng Harris Airplane. Naninikip ang dibdib ko habang naaalala ang bawat hikbi at iyak ng mga pasahero. Ang mga iyak nila ay ang dahilan kung bakit umiiyak din ang puso ko.
Natigilan ako sa pagiisip nang may marinig akong mga yapak. Gusto ko man lumingon at tignan kung sino ang mga 'yon ay hindi ko magawa. Naka dapa ako sa lupa at hindi ako makatayo. Hindi pa ako nakakakain o inom lang man. I'm almost drained.
"Anong gagawin natin sakanya?"
Parang kikilabutan ako sa boses na 'yon. A rescue shouldn't be like this.
Dahan-dahan akong gumapang. Ayoko sakanila.. natatakot ako.
Sinubukan kong hanapin ang bag ko pero mukhang na-alon na ito. Ayokong pumikit kahit na pagod na pagod na ako. Sobrang sama ng pagkakabagsak ng eroplanong sinasakyan ko.
"T-tulong" halos hangin nalang ang lumabas sa bibig ko.
Nasaan na ba ang mga kasama ko sa loob ng eroplano? Ako nalang ba ang hindi nasasagip? Dad and Mom will worry! Their hearts will be broken!
Sa layo ata ng linangoy ko ay wala na akong nakitang ibang tao. Ang iba ay namatay, lumubog at ang iba ay tuluyan ng nalunod. The image of them dying is killing me too.
Gusto kong magsumbong sa pamilya ko at sabihing hindi ko na kaya pero hindi ko magawa. Something in me says that I need to do this on my own. Mula sa puntong 'to ay sarili ko nalang ang makakatulong sa akin.
"Dalhin na natin.."
Umiling iling ako habang naririnig ko sila.
Natatakot ako para sa pamilya ko.. I need to get back. I need to talk to them para malaman nilang ayos lang ako at safe ako. The news of what happened to my plane will spread like fire!
"Utos sa atin ni.." sinubukan kong pakinggan ang pinaguusapan nila pero hindi ko maintindihan. Fuck! I need to get myself to stand up.
Napilayan din ata ang paa ko. What the heck?
"Iuwi nalang muna natin siya. Baka patayin tayo ni Ser pag hindi natin siya sinunod"
Sino ba ang mga taong to? Mapapagkatiwalaan ko ba sila? Sigurado akong hindi sila ang rescue team dahil siguradong si Jayden ang namumuno non.
Narinig ko ang palapit nilang yapak sa akin. Sinubukan kong linawin ang mata ko pero sobra na rin napagod ang mga ito.
"Tulungan niyo.. po ako.. ibalik niyo.. po ako sa pamilya ko.. please.. maawa po kayo" buong lakas kong sinabi at unti unti ng nagdilim ang paningin ko.
Nararamdaman ko ang sarili ko na binubuhat. Unti unti kong minulat ang mga mata ko pero hirap na hirap akong gawin 'yon. Ayaw sumunod sa akin ng mga talukap ko. Huminga ako ng malalim para makakuha ng lakas.
"Bakit ba gusto ni Mr. Montgomery na itago ang batang 'to? Mukha namang may pamilya siya at mukha pang mayaman."
Tumaas ang kaba sa puso ko. Montgomery? Ivor Montgomery? Pero imposibleng iutos ni Ivor ito. Hinding hindi siya mapapatawad ni Jade pag nalaman niya na siya ang nasa likod nito.
"Utos 'to ni Mr. Montgomery. Wala tayong karapatan na kwestyunin siya. Malaki ang makukuha nating pera dito."
Halos pukpukin ang puso ko sa narinig ko. Sanay ako na paalalahanan ni mommy at daddy na may mga taong mananamantala sa amin lalo na at kilala ang aming pamilya pero hindi ko akalain na ganito pala 'yon. Nakakakilabot at nakakatakot sila. Magagawa nilang manira ng buhay ng ibang tao para sa pera?
Money is so scary, it can turn people into monsters.
"Naaawa ako sa bata.." rinig kong wika ng isang babae.
Gamit ang buong lakas ko ay sinubukan kong tignan ang mukha ng nag bubuhat sa akin. Bumagsak ang puso ko nang makitang dalawang matandang babae at lalaki ang mga 'yon. Mukha silang normal na mga tao at sa mukha nila ay hindi mo iisipin na kaya nilang gawin 'to.
"Bibigyan daw tayo ng maliit na bahay sa Argao ni Ser. Ayos na 'yon para makapag simula tayo ng maayos na buhay. Ayos naman ang kabuhayan don at hindi naman natin pababayaan ang batang 'yan." Rinig kong wika ng lalaki.
"Paano pag nagising na siya?"
Inaalala pa nila 'yon? Hinihiling ba nila na wag na akong magising?
"Tsaka na natin problemahin 'yan basta sumunod nalang tayo sa utos ni ser." Wika ng lalaki.
Sinong sir?
Naiyukom ko ang mga palad ko pero sadyang wala na talaga itong lakas.
Hindi na talaga kaya ng katawan ko. Gustuhin ko man na makinig pa ay hindi ko na talaga kayang tiisin. Ang lamig ay hindi rin nakakatulong sa akin. Naramdaman ko nalang na pinasok ako sa isang lugar at nakaramdam na ako ng init.
"Ate.."
Kumunot ang noo ko. Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko pero nakaramdam din ako ng ginhawa.
"Ate."
Nag mulat ako ng mata at medyo mabigat ang pag mulat ko doon. Medyo malabo ang paningin ko at pinanliitan ko ng mata ang paligid para makita ng maayos ang lugar. Lumingon ako sa humawak sa kamay ko at nakakita ako ng isang batang lalaki.
"Sino ka?" Halos pabulong kong wika.
"Ako po si Mikoy." Nakangiti niyang wika.
"Mikoy? Sinong kausap-"
May pumasok na matandang babae pero natigilan siya nang magtagpo ang mga tingin namin. Ang hawak hawak niyang pinggan ay nabitawan din niya. Marahan akong ngumiti sakanya.
"Gising ka na.." Hindi makapaniwala niyang wika.
Kumunot ang noo ko at linibot ang tingin sa buong lugar. Napahawak ako sa puso ko dahil sobrang bilis ng tibok non at parang kabadong kabado ako.
"Nasaan po ako?" Tanong ko sakanila.
Luminga linga ako habang hinihintay na basagin nila ang katahimikan. Napatingin ako sa kaliwa at nakita ang salamin. Namilog ang mga mata ko habang nakikipagtitigan sa salamin. Isang tanong ang pumasok sa isip ko nang mga oras na 'yon.
Sino ang babaeng nakikita ko sa salamin?
"Ate Pin! Wake up!"
"Josephine! Dammit!" Nakaramdan ako ng matinding kalabog sa puso at mabilis akong napahawak sa leeg ko.
Umubo ubo ako at napahawak sa sentido ko. Naramdaman kong inangat ako at hinagod ng kung sino ang likod ko. Parang hinahabol ako ng kabayo sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Josephine, you got me really worried." Naramdaman ko ang mainit na bisig ni Teo at yinakap niya ako ng mahigpit.
I know it's him, boses at epekto niya palang sa akin ay alam ko na siya 'to.
"Ate, I'm sorry. Hindi kita dapat tinulak." Rinig kong paumanhin ni Jerem.
"Pin, talk to us.." Puno ng pag aalalang wika ni Joseph.
Ngumisi ako.
Minulat ko ang mga mata ko at nag angat ng tingin. Naka hilig ako sa bisig ni Teo habang nakapalibot silang lahat sa akin. Kita ko ang pagkagulat nila sa pag ngisi ko.
"Pin? Are you okay?" Dagdag na tanong ni Joseph.
Binaling ko ang tingin ko kay Joseph at tinaasan siya ng kilay na mas kinagulat niya. Kitang kita 'yon sa pamimilog ng mga mata niya. Nag ayos ako ng upo pero mahigpit ang hawak sa akin ni Teo kaya nanatili akong nakahilig sakanya.
Bumuga ako ng hangin.
"Jo, okay lang ako. I'm totally fine." Saad ko.
Medyo napahawak ako muli sa noo ko dahil naramdaman kong nanakit 'yon. Bumalik ang mga alaala na nakita ko habang nasa bingit ako ng kamatayan kanina. Napahawak ako sa kamay ni Teo at mahigpit rin niya akong hinawakan.
"Jo? You're calling me Jo again? Don't tell me.."
Hindi ko na nasundan ang mga susunod niyang sinabi dahil paulit ulit na nag replay sa utak ko ang mga pangyayari. I will never forget the faces of the people who tried to hide me from the truth.
Si nanang at tatang.
Oo, alam ko na alam nila ang totoo pero hindi ko akalain na sila ang naging instrument mula simula. Mas masakit pala na marinig ang una nilang mga sinasabi noong mga panahon na 'yon. Pera? Ginawa nila 'to para sa pera?
Sumunod sila sa utos para sa pera? Hindi ba nila naisip na maaari akong mamatay ng mga panahong 'yon. I was hanging between life and death, pero ang iniisip pa rin nila ay ang utos at ang pera?
Sobrang nanikip ang puso ko at nag init ang mga mata ko. Napahawak ako ng mahigpit sa dibdib ko at tinago ang mukha ko sa dibdib ni Teo. Humagulgol ako sa bisig niya at narinig ko ang pag aalala sa mga boses nila.
"Wala silang awa! Sinira nila ang buhay ko para sa pera!" Hagulgol ko.
Lalong humigpit ang hawak sa akin ni Teo at naramdaman ko ang labi niya sa noo ko. Ang sakit sakit ng puso ko. The innocent face of Mikoy and shocked face of Nanang hurted me a lot. Minahal ko sila.. minahal ko na sila.
Bakit ganon? The more you try to open and love other people, the more they hurt you.
Mas masakit lalo na kung mahal mo.
"You remember everything.." rinig kong mahinang saad ni Jasmine.
Bago pa ako makasagot ay unti unti na akong nanghina at dumilim ang paningin ko. Naramdaman ko nalang na may isa pang patak ng luha ang tumulo mula sa mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top