Kabanata 20

Tayo?

Yumuko ako at napahawak sa binigay nilang baso na may lamang tubig. Napainom ako para kumalma at bahagyang pinunasan ang pawis na namuo sa aking noo.

"So where is she?" Tanong ko.

Lahat ng ito ay parang normal lang sakanila. Kung ikwento nila ay parang tapos na tapos na ito at hindi na kailangan isipin pa pero dahil ngayon ko lang nalaman ng ito, pakiramdam ko ay sobrang bago pa nito.

"She's in the cruise right now, with Josh." Ani Jade.

Tumango ako.

"I need to go. May meeting ako. Let's talk later, Ate. Don't think about it too much. Ayos na ang pamilya, nakita mo naman hindi ba?" Ani Jerem.

Sa pangalawang pagkakataon ay tumango ako muli. Bumaling naman si Jerem kay Jade at tinapik ito sa balikat.

"Pakihatid nalang siya." Ani Jerem.

"Sure." Sagot ni Jade.

Uminom nalang muli ako at hinayaan na makalayo si Jerem. Hindi ko maiwasan ang magpabalik balik ang tingin sa mga kaharap ko. Teo is sitting beside me, Jade is in front of me while Ivor is sitting beside Jade.

"Okay ka na ba? Gusto mong mag pacheck up? Let's tell your doctor." Alok ni Jade pero umiling ako.

"No need, may follow up check up naman ako niyan. Doon ko nalang sasabihin." Mahinang wika ko.

Tumango siya. "Okay, yun ang gusto mo. Let's go home." Aniya.

Tumayo ako at tumayo rin sila. Kinuha ko na ang bag ko pero inagaw 'yon sa akin ni Teo at bago ko pa maagaw sakanya 'yon ay nauna na siyang naglakad.

Bumuntong hininga ako dahil sa ginawa niya.

"Pagpasensyahan mo na siya. He's just very hardheaded."

Napalingon ako at nakitang nakatabi sa akin si Ivor habang naglalakad. Jade held my hand and we walked together.

"Galit ako sa kapatid ko, inaamin ko na nag away pa kami dahil sa ginawa niyang pag lihim pero trust me. Lahat ng pinakita niya sa'yo ay totoo. I know him, he's my brother." Saad ni Ivor.

Napaiwas ako ng tingin at sumunod ang tingin ko sa nangungunang naglalakad sa amin. Tinignan ko lang ang likod niya at parang maninikip na ang puso ko habang nakatingin doon.

"Magtataxi nalang ako. 'Wag niyo na akong ihatid. Nakakahiya naman." Mahinang wika ko nang makalabas na kami.

Umihip ang hangin kaya napahawak ako sa buhok ko. Ngayon ko lang napansin na madilim na pala. Napansin ko din na lumalamig na ang panahon, nitong mga nakaraang araw.

Gusto ko ito..

"No! Hahatid ka namin. I can't let you be." Maagap na wika ni Jade.

Alam ko kung bakit ayaw niya. Natatakot siguro siya na may mangyaring masama ulit pero umiling ako. Ako ang panganay, gusto kong makita nila na kaya ko pa rin ang sarili ko. Hindi naman sa may nangyari dati ay mananatiling ganon ang sitwasyon.

Hindi naman laging nasa piligro ang buhay ko.

"Ako nalang mag hahatid sakanya." Mabilis akong napabaling kay Teo.

Seryoso lamang ang tingin niya habang prenteng prentend nakasandal sakanyang kotse. Hawak hawak niya pa rin ang bag ko at sobrang weird niyang tignan.

Nagka salubong ang mga mata namin kaya naramdaman ko ang mabilis na epekto nito sa puso ko. Napakagat ako sa aking labi at handa na sanang humindi pero mabilis siyang umayos ng tayo at lumakad palapit sa akin.

"Let's go." Aniya at mabilis akong pinagbuksan ng pintuan.

"Ingat kayo!" Namilog ang mga mata ko nang marini 'yon.

"Jade-"

Bago pa ako makapagsalita ay mabilis na akong pinasok ni Teo sa loob ng kotse niya at walang sabi sabing sinara ang pintuan ng kotse niya. Tumingin ako sa labas at napangiwi ako nang makitang kumaway pa si Jade.

"Please, don't show me that kund of expression." Rinig kong wika ni Teo.

Lumingon ako sakanya at binaling ko ang buong atensyon ko sakanya. Kumunot ang noo ko at pinabayaan siyang paandarin ang kotse niya. Hindi ko nga alam kung bakit hinahayaan ko siyang dalhin ako ng ganito samantalang ayaw na ayaw ng utak ko.

Yun ang problema.. utak lang ang nag sasabi.

"Huh?" Naguguluhan kong tanong.

Liningon niya ako sandali.

"Wag mong ipakita sa akin na ayaw na ayaw mo at napipilitan ka lang na sumabay sa akin." Aniya.

Parang kinurot ng sandali ang puso ko doon. Binaling na niya muli ang atensyon niya sa harap.

"Hindi naman sa ganon.." mahinang wika ko.

"So you don't hate being with me?"

Bahagyang tumalon ang puso ko dahil sa sinabi niya. Pumikit pikit ng ilang sandali ang mga mata ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi nakakatulong 'yon para makapag isip ako ng maayos.

"Hindi." Simple kong sagot.

Totoo naman 'yon. Hindi ko naman intensyon na makita niyang ayaw ko siyang kasama lalo na at hindi naman talaga. Kung alam lang niya ang dulot niya sa akin ay hindi niya masasabi 'yan.

"Really?" Manghang tanong niya.

Tumango naman ako.

Pinagmasdan ko siya lalo na at nakita kong may naglalarong ngiti sakanyang mga labi. Pinanuod ko siyang ngumiti at ang pilit niyang pagtatago ng ngiting 'yon.

"Kumusta ka naman? I mean.. kumusta ang pananatili mo sa bahay ng tunay mong pamilya?" Panimula niya.

Umayos ako ng upo at bahagyang ginalaw ang wing ng aircon na nakatapat sa akin dahil linalamig ako.

"Okay lang, akala ko mahihirapan ako pero hindi naman pala." Mahinang sagot ko.

"Good. I was worried." Deretso niyang saad.

Napalunok ako. Wala talaga siyang preno, sasabihin at sasabihin niya kung anong nasa utak niya.

"Balita ko, komunsulta na kayo sa Doktor? For your memories?" Aniya.

Kumunot ng bahagya ang noo ko pero mabilis ko rin 'yong pinilig. Napaka rami niyang tanong, pakiramdam ko tuloy ay bumabalik kami sa dati.

"Oo.." sagot ko.

"May mga naaalala ka na?" Sunod niyang tanong.

Hindi ko mapigilan ang panliitan siya ng mata. Why is he so curious? Anong meron?

"Bakit mo gustong malaman?" Tanong ko.

"Hindi ko ito tinatanong dahil may masamang balak ako. Please don't think that this have something to do with my father." Dere-deretso niyang wika.

Napaawang ang labi ko. Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Hindi ko naman iniisip 'yon. Napaka inosente ng tanong ko para isipan niya ng ganon. Napaiwas ako ng tingin pero hindi ko rin mapigilan na ibalik sakanya ang tingin na 'yon.

Mas lalong nanikip ang puso ko nang marinig ko ang sumunod na musikang pinatugtog sa radyo ng kanyang sasakyan.

Nadarama ko pa
Ang iyong mga halik na hindi ko mabura
Sa isip at diwa
Tila naririto ka pa

"Wala naman akong iniisip na ganon. Hindi ganon ang tingin ko sa'yo, Teo. Kahit na nagalit ako sa'yo noon, kahit kailan ay hindi ko inisip na kasabwat ka ng ama mo." Seryoso kong wika.

Kita kong bahagya siyang natigilan. Ako naman ay pilit binabalik ang isip ko dito dahil pilit din itong lumilipad sa araw na 'yon. Noong nasa Argao pa kami at narinig ko rin ang kantang 'to.

Noong gabing napatunayan ko sa sarili ko na may kakaiba akong nararamdaman para sa lalaking 'to.

Naririnig mo ba
Mga patak ng aking luha
Mananatili nang sugatan
Ang damdamin sinta

"Really?" Mahina niyang tanong.

Tumango ako.

Parang kusang tumataas ang mga balahibo ko habang naririnig ko ang kanta. Bumibilis din ang tibok ng puso ko. Maling oras ang pagpapatugtog non. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Sa bawat araw
Bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko

"Tinatanong kita kasi, naisip ko. Paano kung may minahal ka ng lalaki dati? Nakalimutan mo lang pala siya.. paano kung ganon? Paano na ako? Paano na ang nararamdaman ko para sa'yo?"

Parang babagsak ang puso ko dahil sa mga sinasabi niya. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Pinagdikit ko ang dalawa kong kamay at pinagsiklop ang mga 'yon.

Ito ba ang tamang oras para pagusapan 'to? Nasa kotse kami at isa pa, hindi ako makapag isip ng maayos. Masyadong maraming nangyari sa araw na 'to.

Ala-ala mo sa akin ay gumugulo
Bakit 'di na lang bawiin
Ang hapdi sa aking puso
Pipilitin ko limutin ang pag-ibig mo
Kung panaginip lang ito sana'y
Gisingin ang aking puso

"Sa lagay ko ngayon Teo, kung malaman ko mang may minahal ako dati, wala namang magbabago. Inaayos ko pa ang buhay ko. Hinahanap ko pa ang sarili kong nawawala at minamahal ko pa ang mga taong nasa paligid ko. Wala pa 'yan sa isip ko.." I traced.

Huminga ako ng malalim. "At kung meron nga, noon na 'yon. Hindi ako sigurado kung mararamdaman ko pa ang pagmamahal na 'yon ngayon. Masyado ng nabago ang buhay ko. Para akong bata na tinuturuan ulit."

Napatingin ako sa labas at pinagmasdan ang ilang butil ng ulan na nahuhulog sa bintana.

Umuulan pala..

Noong araw na 'yon, umuulan din. Sino bang mag aakala na nasa kotse niya kami, umuulan din, parehas din ng kanta ang pinapatugtog pero ibang iba na ang lahat. Hindi na ako ang naka bestidang si Alissa.

Ako na si Josephine Morgan.

Ngayo'y nangungulila
Sa 'yong mga lambing at pagsuyo sinta
Maibabalik pa ba
Kung wala nang pag-ibig mong wagas

"May pag asa pa bang bumalik ka sa akin?"

Tuluyan ng bumagsak ang puso ko at mabilis na nilingon siya. Hinanap ng mga mata ko ang mga mata niya para makita kung nag bibiro lang siya pero hindi ko 'yon makita dahil naka harap siya sa daan.

Sa bawat araw
Bawat tibok ng puso
Ikaw ang nasa isip ko
Oh...

"Kailangan ko bang sagutin 'yan?" Tanong ko.

Tinigil niya ang sasakyan at sinubukan kong tignan ang lugar na kinaroroonan namin pero masyado ng madilim at malakas ang ulan para makita at maaninag ko pa 'yon.

Kasabay ng bawat pagpatak ng ulan sa bintana ay ang bilis ng tibok ng puso ko. Rinig na rinig at damang dama ko ito.

"I want to talk about us.." aniya.

I licked my lower lip.

Napahawak ako sa noo ko dahil hindi ko alam ang iisipin ko. Tuluyan na niya akong nilingon at parang sobrang liit ng sasakyan na 'to para sa amin. Rinig na rinig ko ang malalim niyang paghinga.

Bumaba ang tingin ko sa dibdib niya at kitang kita ko ang pagtaas-baba nito. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya at halos hilahin ako ng mga mata niya.

"Tayo?" Halos pabulong kong wika.

Tumango siya.

Hindi ko alam na ma-mimiss ko pala ang pagtingin sakanya ng ganito. Yung hindi ko iniisip ang lahat, puso ko lang ang naririnig ko at kaming dalawa lang. Masyado na kasing lumiit ang mundo para sa amin.

"Yes, Josephine. Tayo. Kaya kong maghintay pero hindi ko kayang isipin na malaki ang tsansa na makakawala ka pa sa akin. I'm selfish but if you say no, if you say you don't want me anymore.. I'll stay away."

Hindi ako alam pero parang may punyal na tumama sa puso ko. Masyado akong naging abala sa pagbabalik ko sa pamilya ko na hindi ko na ito naisip, kung ano nga ba ang mangyayari sa aming dalawa.

Hindi ba pwedeng hinay hinay lang? Hindi ba pwedeng pagpapatawad muna? Dapat ba ay may sagot agad?

"Montgomery believes that when love comes in, there are no factors, no inhibitions. You just love and conquer."

Humahagod sa puso ko ang mga sinasabi niya. Mata sa mata ang aming mga tingin pero puso sa puso ang aming mga sinasabi. Damang dama ko ito at parang nawawala na sa paningin ko ang mga nakikita ko sa paligid.

Nasakanya nalang ang atensyon ko at siya nalang ang nakikita ng mga mata ko.

"Ganon dapat ang gagawin ko. I'll just love and conquer but guess what? Naisip pa rin kita.. para saan pa ang pagmamahal ko kung hindi ka naman magiging masaya sa akin? Hindi ko kayang ipaglaban 'to kung ikaw mismo ay ayaw mo. Mahalaga pa rin sa akin ang magpapasaya sa'yo."

"Teo.."

Wala akong masabi. Puso ko nalang ang nagsalita. Lumapit ako sakanya at inabot siya. Inangat ko ang mga kamay ko at mabilis siyang yinakap.

Mariin akong pumikit.

"Akala ko ba selfish ka?" Tanong ko.

Naramdaman ko na ang pangingilid ng luha sa mga mata ko at naninikip na ang puso ko pero mabilis na tumulo ang mga luha ko nang maramdaman ko ang paglagay niya ng kamay niya sa likod ko at mabilis akong yinakap pabalik.

"Yes, but I can't be selfish forever." Banayad niyang wika.

Lumambot ang puso ko dahil doon at umiling ako.

"Just be selfish. Kahit sa akin lang." Bulong ko.

Puso ko nalang ang gising at nagsasalita para sa akin. Bahala na.. basta kasama ko naman siya ay ayos lang. Kahit magulong magulo ang puso ko, napapakalma niya 'to at nawawala ang mga iniisip ko.

Sapat na 'yon para sabihin na masaya akong kasama siya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top