Kabanata 18
Last name
Inayos ko ang babasagin kong pin habang pababa ako ng hagdan namin. Medyo natakot pa akong gamitin ang pin na ito dahil babasagin. Nakita ko lang sa mga gamit sa harap ng lamesa ko. Kinakabisado ko na kasi ang mga gamit sa kwarto ko at nag babasa na ako ng ilang mga libro doon dahil napansin kong mahilig akong magbasa ng libro dati.
Napansin ko rin na masyadong maraming damit at maraming mga ipit at pampaganda. Sa mga litrato na nakita ko dati, masasabi kong medyo maarte ata ko.
"Magandang umaga, kambal!" Masayang bati ni Joseph sa akin.
Nilingon ko siya at nakita kong nasa kusina siya kasama sina mommy, daddy at Jerem.
Mabilis akong lumapit doon at yumuko.
"Magandang umaga po. Pasensya na po, late na akong nagising." Nahihiyang wika ko.
Sa totoo niyan ay halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip kay Teo. Iniisip ko ang mga sinabi niya at kung ano ng gagawin ko. Sa huli ay nakatulugan ko nalang ang pag iisip dahil wala pa ring pumasok sa utak ko tungkol sa kung ano ang maari kong gawin.
I was expecting for a dream.. pero wala ngayong gabi.
"Ayos lang! Sanay na kami!" Natatawang wika ni Jerem pero namilog ang mata ko ng mabilis siyang batukan ni Joseph.
"Grabe, kuya!"
Napahimas si Jerem sakanyang batok. Hindi ko mapigilan ang mapahagikgik dahil doon. Napalingon sila sa akin dahil sa pagtawa ko.
"Wag mo akong tawanan, Ate! Kung alam mo lang kung ilang beses akong nakaranas ng batok sa'yo. Halos araw araw mo ata akong binabatukan." Nakangusong wika ni Jerem.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Nahulaan ko na maaring maarte ako dati pero hindi ko lubusang maisip na makakapanakit ako ng tao lalo na at kapatid ko pa.
"Sorry.." mahina kong wika.
Mabilis naman tumayo si Joseph at inalalayan akong umupo sa isa sa mga upuan doon.
"Ayos lang. Maarte, masungit, may sarili kang mga bagay na pinaniniwalaan at hindi ko ipagkakaila 'yon pero hindi mo alam kung gaano ka kabuti. You have your own charity at the age of eighteen and you love us dearly. You sacrificed a lot for us too. Wala ka naman sa kondisyon mo ngayon kung hindi." Ani Joseph.
Napangiti ako dahil doon.
"Tama, anak. Let's start a new. Don't dwell on the past." Saad ni Mommy.
Tumango ako. "Sige po.. gusto ko po 'yan."
Ngumiti ako.
Pinagsilbihan kami ni mommy at linagyan nila ng pagkain ang pinggan ko. Pinilit kong ako nalang dahil kaya ko naman pero ayaw nila. Mabawasan lang ng konti ang pagkain sa pinggan ko ay dadagdagan na nila.
Tataba ako dito.
"Ate, you want to come? Sasama ako sa pag checheck ng simbahan para sa kasal ni Jade." Alok ni Jerem.
Tapos na kaming kumain pero naiwan kami sa kusina habang si mommy at daddy ay pumasok na muli sa kwarto nila.
"Sige.. nasabi na din sa akin ni Jade kagabi. Buti nalang kasama ka, wala daw driver ngayon.." nakangiti kong wika.
"Ang hirap mo kasing turuan." Komento ni Joseph sa akin.
Liningon ko siya at binigyan ng matalim na tingin. Alam na alam ko ang sinasabi niya. Tungkol ito sa driving lesson ko. Hanggang ngayon daw kasi ay wala akong improvement.
Natatakot kasi ako.. pakiramdam ko maaksidente ako bigla.
"Whoa! Whoa! Old Pin!" Natatawa niyang wika.
Nanlaki ang mata ko at inayos ang tingin ko sakanya. Napahawak pa ako sa mukha ko dahil hindi ko napansin na halos patayin ko na siya sa tingin.
Minsan ay napapansin kong lumalabas ang dating ako..
"Ngapala, sasama ka ba?" Tanong ko kay Joseph.
"Nope, I have work. Speaking of work, susubukan ka na namin ibalik sa kompanya. Nang mawala ka, nakahanap kami ng temporary replacement pero napag usapan namin ni daddy na subukang ipasok ka na ulit." Aniya.
Napaawang ang labi ko dahil doon. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng takot sa sinabi niya. Inabot ko ang baso at mabilis na uminom para makapag isip kahit papaano.
"Baka hindi ko alam ang gagawin ko doon. " Mahinang wika ko.
"Nandoon naman kami. We will guide you." Ani Jerem sabay hawak sa kamay ko.
Sa kondisyon namin ay minsan pakiramdam ko mas matanda pa si Jerem sa akin. I listen to him well and I depend on him for so many times already.
"No, that's okay. We'll try if you're still familiar with it. Sabi kasi ng doktor mo, you should go back to your old activities at baka makaalala ka. Next month pa naman.." ani Joseph.
Tumango ako bilang tugon nalamang. Inabot ko muli ang baso at uminom sandali.
Tama, kailangan kong harapin 'to. Kung makakatulong 'to para maibalik ang mga ala-ala ko ay gagawin ko. Hindi ako dapat matakot dahil ako si Josephine Morgan.
"Let's go. Mag prepare na tayo, ate." Ani Jerem.
Tumango ako at sabay sabay na kaming tumayo at tinungo namin ang kanya kanyang kwarto namin. Pumasok ako dito at agad na pumunta sa walk-in closet para tumingin ng isusuot ko.
Napansin kong naka ayos ang mga damit ko ayon sa kulay kaya ginagawa ko ang lahat para hindi ko magulo 'yon.
Kumuha ako ng isang maroon skinny jeans at isang simpleng sleeveless blouse. Napatingin ako sa mga sapatos ko at karamihan doon ay may heels. Pinili ko ang pinaka komportable ako at 'yon ang simpleng flats. Kumuha na rin ako ng underwear at tinungo na ang banyo para maligo.
"Are you done?"
Napa-angat ako ng tingin sa may pintuan ko nang biglang dumungaw doon si Jerem. Ngumiti ako at inayos ang sapatos ko at mabilis na tumayo.
"Oo.."
Kinuha ko ang bag ko at maagap na sumunod sakanya palabas. Inabot niya sa akin ang braso niya kaya napangiti ako. Inabot ko ito at hinawakan.
"Thank you." Saad ko.
Bumaba na kami ng hagdan at derederetsong lumabas sa bahay. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng kotse niya at puro ngiti nalang ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung dati pa ba siya ganito sa akin o ngayon lang dahil sa nangyaring trahedya sa akin.
Kung ano man 'yon. Masaya na ako na ganito.
Sinara niya ang pintuan at mabilis na lumipat sa kabila. Linibot ko ang tingin ko sa paligid at nakitang malinis na malinis ang kotse niya. Noong una ay akala ko talaga magulong tao si Jerem dahil sa pinapakita niya pero napansin kong malinis siya sa mga gamit niya.
Wala man lang dumi o kahit anong kalat sa loob ng sasakyan niya.
"If you're wondering why is it so neat.. then I will be wounded." Aniya atsaka tumawa.
"No! It's just, I didn't expect that it would be this neat." Paliwanag ko habang pinagmamasdan siya.
Ngayong nakikita ko siya ng malapitan at nakikita kong, hindi ko man siya kakambal ay malaki pa rin talaga ang pagkakahawig naming dalawa.
Mas nag mana lang nga siya kay mommy.
"Well that's understandable. Wait, wear your seatbelt." Aniya.
Na-alarma ako sa sinabi niya at mabilis na nilagay ang seatbelt. Narinig ko naman ang paghalakhak niya dahil dito. Napangiwi ako pero nauwi din sa pag ngiti 'yon.
Pinaharurot na niya ang kotse at mabilis naming tinungo ang simbahan na 'yon.
The church was really good. Hindi ganon kalaki at hindi ganon kaliit pero napaka ganda ng pagkakagawa nito. Mula sa mga nakaukit dito ay talagang nakaka mangha. Inalalayan ako ni Jerem paakyat sa ilang baitang doon at mabilis kong pinalo ang braso niya.
"Kaya ko naman." Giit ko.
Nag kibit-balikat lamang siya.
"I didn't had the chance to take care of you before and I regret every second of it so I'm gonna do it this time. In your second life.." aniya.
Parang may mainit na bagay ang humaplos sa akin dahil doon. Tumango ako at ngumiti.
Inakbayan niya ako at hindi ko na siya binawalan. Humilig pa ako sakanya at sabay na kaming pumasok sa loob.
"Gusto ko ako ang maghahatid sayo pag kinasal ka na, ate." Aniya kaya nilingon ko siya habang tinatahak namin ang papasok sa simbahan.
"Sus! Sweet mo!" Natatawang wika ko.
"I'm really a hard headed sibling before. Lagi kong pinapasakit ang ulo mo!" Natatawa niyang wika.
"Halata naman." Pag babasag ko sakanya habang natatawa na din.
"Oh! Sa wakas! Dumating na rin ang dalawang sweet na mag kapatid!" Sa boses palang ay alam ko ng si Jade 'yon.
Medyo sanay na kasi ako sakanilang mga boses.
Napaayos ako ng tayo at inayos rin ni Jerem ang pagkaka akbay sa akin. Linagay ko ang ilang takas na buhok sa likod ng aking tenga at nag angat ng tingin sakanila.
Napaawang ang labi ko dahil sa pares ng mata na sumalubong sa akin. Naramdaman ko nag pag tibok ng puso ko ng mabilis at ang pag lalim ng hininga ko. Nasa dulo siya ng simbahan habang kami ay nasa gitna na.
"Bilisan niyo!" Rinig kong dagdag ni Jade habang tumatawa.
Bago ako mag iwas ng tingin ay sinigurado kong ngumiti ako para sakanya. Sa buong pag iisip ko kagabi ay isa lang naman ang medyo malinaw sa akin, ang kasalanan ng ama ay hindi kasalanan ng anak.
Humingi siya ng tawad tungkol sa pagiging makasarili niya, hindi ko pa siya buong pusong napapatawad pero alam kong darating din ang araw na 'yon. Basta sa ngayon, masasabi kong naiintindihan ko siya.
"Jerem! Help us! Ikaw ang may alam sa mga ganito.." ani Jade.
Hindi ko alam ang tinutuko nila kaya hinayaan ko nalang si Jerem na lumapit doon. Kita kong nag alinlangan pa siyang iwan ako at puntahan saglit sila Jade pero ako mismo ang nagtulak sakanya doon.
Kami lang naman ang nandito. Wala si Jasmine at naiintindihan ko 'yon dahil alam kong may trabaho siya. Si Ivor naman ay si Teo lang ang kasama.
Umupo muna ako sa isa sa mga pahabang upuan ng simbahan at linibot ko ang tingin ko sa buong lugar. Nakaka antig puso ang simbahan dahil hindi ko na ata maalala kung kailan ako huling pumunta sa simbahan. Nakalimutan ko na atang magpasalamat dahil nandito pa ako at buhay ako..
"Hey.."
Natigil ako sa pag iisip nang maramdaman ko ang pag tabi niya sa akin. Napahawak ako sa upuan at kinalma ang puso ko.
Ngayon ay naiintindihan ko na ang sinasabi ng iba. Malapit nga siya pero parang malayo pa rin..
"Hi.." bati ko sakanya.
"Nakatulog ka ba kagabi?"
Nagulat ako sa tanong niya kaya napalingon ako sakanya.
Mataman siyang nakatingin sa akin kaya sandali pang umikot sa utak ko ang tanong niya bago ko ito nasagot.
"Bakit?" Mahinang tanong ko.
"Kasi ako hindi.. I was thinking of you the whole night." Mahina din niyang wika.
Ngayon ko lang napansin, habang pinagmamasdan ko siya at sobrang lapit namin ay na miss ko pala siya. Parang ang tagal kong hindi napagmasdan ang mukha niya ng walang galit sa puso ko.
"When I saw you smiled at me a while ago, you don't know how much you made me happy." Dagdag niya.
Ngumiti ako ng marahan.
"Medyo naiintindihan na kita ngayon.."
"Damn. Kahit hindi mo ako maintindihan. It's okay.. I just really need your forgivess. I don't like you mad at me.."
Huminga ako ng malalim at ngumiti ulit para mapahatid sakanya na ayos na ako sakanya. Hindi na ako galit..
"In time.. darating din 'yon." Saad ko.
Linibot niya ang tingin niya sa buong simbahan at muling binalik sa akin ang tingin niya.
"Josephine.." mahinang tawag niya sa pangalan ko.
"Hm?" Tugon ko.
"Now you know why you wanted that name. It was you, it is you and it will always be you."
Parang pipigain ang puso ko dahil sa sinabi niya. Tumingin siya sa harap ng altar kaya napatingin din ako doon. Naramdaman kong inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil.
Hindi mapigilan ng puso ko na tumalon dahil doon. Na miss ko ang simpleng pag hawak niya sa akin.
"But I wouldn't mind changing your surname to a Montgomery."
Namilog ang mga mata ko at napaawang ang labi ko dahil sakanya. Nabuhay ang buong sistema ko at nawala ang puso ko. Liningon ko siya at sumalubong sa akin ang mga mata niya na nagsasabing seryoso siya.
"I will make that happen.." dagdag niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top