Kabanata 17
Thank you
"Stop it." Inis kong wika.
Sinubukan kong wag tumingin sakanya at magpatuloy nalang sa binabasa. Kahit anong subok kong intindihin ang binabasa ko ay wala talagang pumapasok.
Damang dama ko ang presensya niya sa tabi ko.
"Ate Pin! Ikaw muna. See this sketch if you like it.." Rinig kong tawag ni Jade.
Napangiti naman ako dahil doon at mabilis na tumayo. Lihim akong nagpapasalamat sakanya dahil linayo niya ako kay Teo. Wala na akong kotrol doon at kailangan na kailangan ko ng tulong.
"Saan ba?" Tanong ko.
Nakangiti niya akong sinalubong at hinawakan niya ang kamay ko. May isang staff ang lumapit sa amin at linatag ang isang sketch pad sa harap namin.
"Diyan ka muna ah.." ani Jade kay Ivor.
Tumango naman ito.
"Take your time." Ani Ivor.
Naglagay siya ng tatlong papel sa harap ko na may naka guhit na tatlong iba't ibang klase ng gown at napaawang ang labi ko nang makita ang mga nakaguhit. Lahat naman ay maganda at kahit anong piliin ay hindi naman lugi.
Pero may isang nakakuha ng atensyon ko. Tube at bagsak ito.
"Ang ganda.." hindi ko mapigilan sabihin habang tinuturo ang gown na 'yon.
"I know you'll like it. Ganyan ang mga tipo mo, dati pa man." Ani Jade.
Tumango ako. "Ito nalang ang akin.." nahihiyang wika ko.
"Sure! Bagay sa'yo 'yan!" Ani Jade sabay hagikgik.
"You'll wear a tube gown?"
Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may maramdaman akong mainit na hininga sa leeg ko. Napalunok ako at lumalim ang pag hinga ko.
"Ano ba." Madiin kong wika at lumayo sakanya.
"It's too showy." Aniya.
Liningon ko siya at matalim na tingin ang pinukaw ko sakanya. Kahit na binigyan ko siya ng ganong tingin ay hindi pa rin nagbabago ang seryoso niyang tingin sa akin.
Kung ganon.. ipipilit niya talaga na showy ang pinili ko?
Seryoso siya?
"Tingin ko ay wala ka namang pakielam dito. Ako ang mag susuot at hindi naman ikaw." Deretso kong wika.
Bahagya pa akong napatingin kay Jade na mataman lang nanunuod sa amin. Nakatabi na sakanya si Jasmine at Ivor. Hindi ko naman mapigilan ang mahiya dahil sa harap pa nila kami nag aaway. Hindi tuloy mapigilan ng sarili ko ang lumabas ang pagkairita sa loob ko.
"Still, it's too showy." Aniya.
Bumuga ako ng hangin dahil sa inis. Wala akong balak na kausapin siya at tignan siya. Wala akong balak na maramdaman pa ang presensya siya pero ito ako at damang dama ito.
"Bahala ka! Basta gusto ko 'to." Inis kong wika at tinalikuran na siya.
Liningon ko ang staff na 'yon at sinenyasan na siyang sukatan ako.
"Pakisukatan na po ako.." magalang kong sabi.
Mabilis naman siyang sumunod at ginawa ang trabaho niya. Ramdam ko ang paninitig ng iba pero hindi ko pinansin 'yon.
Bahala siya!
"Okay lang po ba talaga ito? Baka magalit po ang boyfriend niyo." Saad ng staff habang sinusulat ang huling numero ng sukat ko.
"Di ko siya boyfriend." Deretso kong saad.
"Josephine!" Narinig kong inis na wika ni Teo.
Hindi ko siya pinansin at binigyan nalamang ng huling tingin ang mga sukat ko pati na rin ang guhit ng gown na 'yon.
Maganda talaga 'to..
"Maraming salamat.." saad ko doon sa nagsukat sa akin at liningon na si Jade.
"Tapos na ako." Nakangiti kong wika.
Kita ko naman na nagulat siya sa pagharap ko habang si Jasmine ay nag madaling bumalik sa waiting sofa chair doon at kumuha ng magazine. Pinilit ko ang sarili ko na wag tignan si Teo. Kahit mahirap na hindi siya mapansin ay ginagawa ko pa rin.
"Uh.. okay. Sige si Jasmine na." Aniya.
Kahit ka-uupo lang ni Jasmine ay mabilis siyang tumayo ulit at nag madaling lumapit. Inosente niya kaming tinignan at ngumiti pa siya.
"What's happening? Ako na ba? Tapos ka na, Ate?" Sunod sunod niyang tanong.
Hindi ko mapigilan ang matawa sa sinabi niya at tumango tango nalang. Kahit si Jade ay natawa din.
Ano ba 'to? Umaakto ba siya na wala siyang nakita o narinig?
"Doon muna ako.." saad ko sabay turo sa waiting sofa chair.
"Sure." Ani Jade.
Tinungo ko ang upuan at muling bumalik sa pwesto ko kanina. Kinuha ko ang magazine na hawak ko kanina at medyo pumapasok na ito sa akin ngayon. Lalo na ngayong nasa cooking section ako ng magazine.
Pinapakita doon ang isang sikat na cook na may sariling restaurant. Hindi ko mapigilan ang bahagyang pag haplos doon dahil pakiramdam ko ay napaka sarap sa pakiramdam non..
Ang magkaroon ng sariling restaurant..
"I miss you cooking.."
Mariin kong hinawakan ang magazine. Ngayon ko lang napansin.. makulit at matigas ang bungo ni Teo. Sabagay.. dati pa naman, gusto niya ay lagi siyang nasusunod at lagi niyang nakukuha ang gusto niya.
Ang kaibihan lang, dati ay ayos lang sa akin. Ngayon.. iba na ang sitwasyon. Ibang iba na..
"Tigilan mo ako." Inis kong wika.
"No. Never. Kahit anong gawin mo, Josephine. Hindi ko gagawin 'yon." Deretso at matalim niyang wika.
Napabuga ako ng hangin at matalim siyang tinignan. Nakipag sukatan ako ng tingin sakanya at hindi ako nagpatalo. Inis na inis ako. How can he look at me with those eyes while we all know that he lied to me!
Paano niya nagagawa 'yon?
Just thinking about the reason is making me frustrated.
"Bahala ka sa buhay mo."
Inirapan ko siya at tinignan nalang muli ang magazine. Hindi naman nag tagal ay lumapit na rin sila Jade sa amin. Si Jade at Ivor ay umupo sa kaharap na upuan habang si Jasmine ay umupo sa tabi ko.
"Let's wait for the final designs. May pinaayos lang ako." Ani Jade.
Tumango lamang ako bilang pag sangayon. Ayos lang naman sa akin ang maghintay lalo na at sabay sabay naman kaming uuwi. Ang problema ko lang ay ibig sabihin non, matagal kong makakatabi si Teo.
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Jade kaya sinara ko muna ang magazine na hawak ko.
"So.. paano kayo nagkakilala?" Panimula ni Jade.
Nakatingin siya sa akin pero hindi pa rin ako sigurado kung ako ba ang tinutukoy niya.
Inangat ko ang kamay ko at tinuro ang sarili ko. Tumango siya kaya ang sunod kong tinuro ay si Teo. Maagap naman siyang tumango tango.
"Nag trabaho ako bilang tagaluto sa mansyon nila." Totoo kong sagot.
"So you two are together?" Tanong naman ni Jasmine.
Kumunot ang noo ko. "Hindi."
"Yes we are." Ani Teo.
Liningon ko siya at matalim na tinignan. Is this what he really wants? Is he seriously pushing this thing?
"Hindi tayo. Tagaluto mo lang ako." Madiin kong wika.
Ngumisi siya at umiling.
"Did you forget what happened-"
"Walang nangyari. Pagkakamali lahat ng mga pinakita mo sa akin. Then I just reacted based on what you showed me. In short, pagkakamali lahat."
Kita ko ang pagtagis ng bagang niya. His eyes showed anger and annoyance. I never wanted to talk about this, para sa akin ay tapos na ang lahat pero pinapahirapan niya ang mga buhay namin.
Pinapahirapan niya ang buhay naming dalawa.
Kung naiinis siya at nagagalit siya.
Mas naiinis ako!
"Whoa.. chill." Rinig kong wika ni Ivor.
Nag iwas ako ng tingin at pinakalma ang sarili ko.
"I'm not asking the two of you this things for you to fight but to know things dahil alam namin na kayo lang ang nakaka alam ng mga bagay tungkol sainyo. We need to know this things because we're sorting Ate Pin's life." Ani Jade.
Alam ko naman na gusto lang nilang tumulong pero ang hirap palang balikan ng lahat. It was a very painful memory but it also made me happy once.
Kaya hirap na hirap ako.
As much as possible ay mas gusto ko ng kalimutan ang lahat pero alam kong hindi naman ganon kadali 'yon. Babalik at babalik pa rin ako kung saan nagsimula lahat ng 'to.
"I'm going to cooperate.." ani Teo.
Napabuga ako ng hangin at tinignan siya muli. Kahit hirap na hirap akong salubungin ang mga mata niya ay ginawa ko pa rin. Ginawa ko ang lahat para hindi malunod dito.
"Tingin mo pag kakatiwalaan ko lahat ng lalabas sa bibig mo? Sa lahat ba ng sinabi mo sa akin, kahit isa.. may totoo ba?"
Nakakahiya na talaga 'to pero hindi ko mapigilan ang mag react. I hate how much I like his words. It makes me flutter but at the end of the day, ma kekwestyon 'yon dahil lahat ng pinagsamahan namin ay mali.
Bakit siya pa kasi ang kailangan lumoko sa akin?
"I like you.. that's true." Seryoso niyang wika.
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Narinig ko ng sabihin niya sa akin ito dati pero ngayon, iba. Iba sa tipong.. sinasabi niya ito kahit na ang daming nangyaring masama.
"Hindi ako naniniwala sa'yo." Saad ko.
Tumayo ako at bumaling kina Jade. Kita ko ang pag katameme nila sa amin kaya tumikhim pa ako para makuha ang atensyon nila.
"Jade, doon nalang ako sa labas mag hihintay." Wika ko.
Hindi ko na sila hinintay na sumagot at dere-deretso akong lumabas doon.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pinilig ko ang aking ulo para mahimasmasan ako at makapag isip ng maayos.
Sobrang nasasaktan ang puso ko ngayon. Hindi ko nga alam kung bakit pa ako nasasaktan.
"Josephine-"
May humawak sa braso ko at hinarap niya ako sakanya. Sinundan ako ni Teo at nakita kong wala siyang kasama. Hinayaan nila siyang sundan ako.
"Sabi mo.. po protektahan mo ako. Ito ba ang tinutukoy mong pag poprotekta sa akin?" Nangingig kong tanong.
Huminga siya ng malalim at yumuko. Mula sa braso ko ay bumaba ang pagkakahawak niya papunta sa kamay ko. Hinawakan at hinaplos niya 'yon. Tulad ng dati kong nararamdaman sakanya, lumambot ang puso ko at bumilis ang pintig nito.
Hindi man lang nabawasan ang nararamdaman ko sakanya.
Oo, galit ako. Pero hinding hindi na ata mawawala ang pagmamahal na kayang kaya kong ibigay sakanya.
"I told you I'm selfish.. if I can keep you as long as I wanted to. I'll do it." He breathed.
Nangilid ang luha sa aking mga mata.
Nag angat siya ng tingin at sinalubong ang mga mata ko. Wala na akong nakikita sa mata niya kung hindi pagmamahal. Wala na ang inis at galit kanina.
Sigurado akong, ganon din ang nakikita niya sa aking mga mata.
"Makulit ako.. matigas ang ulo ko. Kahit pag tulakan mo ako ngayon. Hindi ako susuko sa ating dalawa. I know what you feel for me and I don't have any plans on changing that. Galit ka lang.. pero alam kong nandyan pa rin ako."
Napatakip ako ng bibig dahil hindi ko na napigilan ang pag hikbi ko. Nasasaktan ako ng sobra sobra. Nakakainis siya!
He's too confident! Madaya siya! Alam na alam niya kung anong nasa puso ko at hindi ko na kailangan ideny 'yon. Dahil ako mismo, alam na totoo ang mga sinasabi niya.
"I'm sorry.." aniya at naramdaman kong hinawakan niya ako sa bewang at hinila palapit sakanya.
Yinakap niya ako at linapat niya ang ulo ko sa dibdib niya. Doon ko binuhos ang mga luha ko. Humagulgol ako sa dibdib niya.
"I know what I did is wrong but trust me.. late ko na rin nalaman. I saw the picture na pinapahanap sa akin ng kapatid ko. You don't know how hard is it for me when I saw the picture.. it was you. The beautiful Alissa I know is in the picture.. her hair is in style, with expensive jewelries. Malayong malayo sa pagkakakilala ko sa'yo. I know.. dapat sinabi ko sa'yo agad pero nagkakasama palang tayo. Hindi ko kayang putulin ang mayroon tayo. Selfish.. yes selfish but it's my heart. I'm sorry."
Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Gusto ko man sumagot pero wala akong masabi. Umiyak lang ako ng umiyak. Narinig ko na rin ang pagbukas ng pintuan muli. Alam ko na sila Jade 'yon.
Bahagyang nahagip ng mata ko ang bulto ni Jasmine. Nanatili silang nakatayo sa likod namin. Hinayaan nila kami.
Huminga ako ng malalim at kusang lumayo kay Teo. Ngumiti ako ng marahan at hinaplos ko ang kamay niya. I missed his hands..
"Thank you, Teo."
Nag angat ako ng tingin at ngumiti sakanya. Naramdaman ko ang pag guho ng puso ko. Nag iwas ako ng tingin at tumalikod na sakanya. Dumiretso ako sa sasakyan ni Jade at narinig ko ang pag tunog non.
Binuksan ko ang pintuan at sumakay ako doon.
Sapat na 'yon..
Ito muna.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top