Kabanata 16

Tense

Wala sa sariling napangiti ako habang nakatingin sa langit. 

Nasa balkonahe ako ng kwarto ko ngayon at sa unang pag kakataon ay pakiramdam ko nalilinawan ako unti-unti. Masyado kasing naging mabilis ang mga pangyayari kaya pakiramdam ko noong una ay nahihirapan akong mag isip. Parang nakakawala ng hangin sa katawan..

Ang hirap huminga.

Kanina ay ng propose na si Ivor kay Jade, I felt so happy for her. Nagkaroon din ako ng pagasa dahil doon. Pag asa na totoong pwedeng maging masaya ang isang tao.. 

Hope that everything will be okay again..


"What are you thinking?" 

Napalingon ako at ngumiti ako ng marahan nang pumasok ng tuluyan si daddy sa balkonahe.

"Wala po.." mahina kong sagot.

Pinanuod kong humilig si dad sa railings at ganon din ang ginawa ko. Kung titignan daw si daddy ay nakuha daw namin ni Joseph ang mga mata namin sakanya at ngayong nakikita ko siya ng malapitan, parang nakikita ko rin ang mga mata ko. Ang kaibahan lang ay, puno ng kaligayahan ang sakanya.

Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga.

"Galit ka ba sa mga taong lumoko sa'yo?" 

Natigilan ako sa tanong niya. Napayuko ako at pinag laruan ang mga daliri ko.

"Opo.." Nangilid ang mga luha ko dahil namuo nanaman ang galit sa puso ko.

Nararamdaman ko nanaman ang pait at sakit ng lahat. Napakagat ako sa aking labi dahil nanginig ang aking mga kamay.

"Does it make you better?" 

Napaawang ang labi ko sa tanong niya. Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata ni daddy. Mataman niya akong tinitignan at naramdaman kong kusa ng nahulog ang mga luha sa mata ko.

Does it make me better?

No.. it doesn't. 

"Kayo po ba? Hindi po ba kayo galit sakanila?" I traced.

Huminga siya ng malalim. "I am beyond mad, Josephine. You're my daughter.. mas lalo akong nagagalit tuwing naaalala ko kung paano umiiyak ang mama mo, gabi gabi. Lalo akong nagagalit tuwing naaalala ko kung paano kami nag luksa dahil hindi ka namin mahanap. I love this family so much and I promised your mom to keep this family well protected pero nung nawala ka, wala akong nagawa. I amost hated myself back then.."

Napatakip ako ng bibig ko dahil hindi ko na napigilan ang mas mapahikbi dahil sa sinasabi ni daddy. I felt their pain.. 

Ngayon lang kami nakapag usap ni daddy ng ganito simula nang bumalik ako kaya mas ramdam ko ang sakit at hapdi ng trahedyang 'yon. Parang batang gusto kong magsumbong sakanya.. gusto kong sabihin kung gaano ako nasasaktan ngayon at tulad nang mga bata, gusto kong gumawa siya ng paraan para maalis 'yon.

Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko para mas maintindihan ang sinasabi niya pero ang paninikip ng dibdib ko ay hindi nakakatulong.

"But you know what I learned in life? You can never be completely happy if your heart is full of pain and anger." 

"Are you asking me to forgive them?" Hindi makapaniwala kong tanong.

I suddenly thought of Mikoy, Nanang.. Teo.

Umiling ito at unti-unting inabot ako para mayakap. Naramdaman ko ang init sa katawan niya. Yinakap niya ako at naramdaman kong parang lumuwag ang puso ko dahil doon. Humikbi lang ako ng humikbi sa bisig niya at yinakap ko din siya pabalik. Napaka sarap sa pakiramdam..

"I'm not asking you to forgive them.. I'm asking you to free your heart from the pain, Josephine. Hindi ko kayang nakikita ka na nahihirapan. Let us deal with everything.. just do your best to fix yourself and get back to us with a clear heart and mind."

Tango lang ako ng tango sa mga sinasabi ni daddy, gusto kong mag salita at sabihing susubukan ko pero hindi ko magawa. Puro hikbi lang ang mga lumalabas sa bibig ko kaya tango nalang ang naging sagot ko.

Kung kaya ko lang ay kakalimutan ko ang lahat. Kung kaya ko lang ay gusto kong bumalik bago mangyari ang trahedyang 'yon.. 

Kung kaya ko lang tanggalin lahat ng sakit sa puso ko ay gagawin ko.

Kung kaya kong palitan ng pagmamahal lahat ng sakit na nasa puso ko, gagawin ko.


"Rest.." Aniya at binuhat ako.

Para tuloy akong bumalik sa pagkabata. Ipanasok niya ako sa loob at inihiga sa kama ko. Tumabi si daddy sa akin at kinumutan ako.

"I'm sorry, Pin. I promise to protect you.." aniya.

Marahan akong napangiti at napatingin sa pintuan dahil bumukas 'yon. Nakangiti si mommy na pumasok at pumunta sa tabi ko.

"Can I sleep with you too, anak?" Pinunasan ko ang mga luha ko at tumango.

Tumabi ito sa akin at yinakap ako. Nakapagitna ako sakanilang dalawa at yinakap kami ni daddy.

"Hmm.." 

Sabay sabay kaming napalingon sa pintuan at sabay na pumasok si Jerem at Joseph. Ngumiwi ako para pigilan ang ngiti pero sa huli ay natawa kaming lahat. Mabilis na tumabi si Joseph kay mommy at nakiyakap habang si Jerem naman ay humiga sa paanan naming lahat. Kunyari ay napadaing pa kami dahil sa bigat niya pero sa huli ay natawa din kami.

"Sleep now.." Ani daddy at pumikit ako.

Dahan dahan ay pilit kong tinanggal ang sakit sa puso ko.


"Saan ka pupunta Ate?" tanong ni Jerem sa akin habang palabas ako ng bahay.

Sandali akong tumigil at liningon siya.

"Sa doktor, may check up ako ngayon.." Sagot ko.

"Gusto mo samahan kita?" Alok niya.

Umiling ako at tinapik ang balikat niya. "Kaya ko na.." 

Nag paalam na ako sakanya at tuluyan ng lumabas. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang gabing nag usap kami ni daddy at simula non ay sinubukan ko ng pakawalan ang lahat. Hinayaan ko na sila nalang ang mag isip tungkol doon. Balita ko ay si Jayden ang nag iimbistiga ng tungkol sa nangyari sa akin, sabi pa nila ay mas maganda daw at mapapabilis ang pag hahanap ng katotohahan sa buong nangyari kung babalik ang ala-ala ko kaya ginagawa ko ang lahat para makatulong.

Nakikipag cooperate ako ng maayos sa doktor ko at nag aattend ako ng mga therapy.

Sumakay ako ng kotse at hinatid ako ng driver namin. Tinuturuan pa kasi ako ni Joseph na mag maneho, medyo nahihirapan pa ako kaya driver pa ang nag hahatid sa akin. Dumiretso na kami sa hospital at pinuntahan ko ang doktor ko.

"Wala ka pa bang mga naaalala maliban sa mga panaginip mo?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Mga panaginip ko lang po talaga.. hindi ko nga po alam kung totoo lahat ng iyon o gawa gawa lang ng isip ko." Sagot ko.

Panay panaginip lang ang na kekwento ko dahil doon lang naman ako konting nakakaalala. Puro malabo pa at hindi ko masyadong maintindihan minsan. 

Napakagat ako sa aking labi at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"Wag mo masyadong pilitin ang sarili mo. Maganda nga 'yan at kahit papaano ay may inaalala ang utak mo. Ang iba nga ay wala talaga.. basta dahan dahan lang at wag kang ma pressure. Hindi naman tayo nag mamadali dito." aniya.

Tumango ako. "Thank you po."

"Be back after two week." Aniya at tumango nalang ako ulit.

Tumayo ako at lumabas na.

Ang hirap naman kasi na wag pilitin ang sarili. Minsan ay gusto ko nalang talaga maka alala.. pakiramdam ko ay doon lang magiging ayos ang lahat. Pakiramdam ko.. yun ang susi sa lahat ng ito. Pero alam kong tama ang doktor, pag pinipilit ko ang sarili ko ay sumasakit lang ang ulo ko at mas hindi ko naiintindihan ang mga panaginip ko.

Natigilan ako sa pag iisip nang tumunog ang cellphone ko at nakita ang message ni Jasmine.

Hey Ate Pin! We're outside the hospital. Pasukat tayo ng dress for Jade's wedding.

Napangiti ako dahil doon at mabilis na tinungo ang labasan ng hospital. Gaya ng sinabi niya ay nakita ko silang nakatayo doon at nakahilig sa sasakyan ni Jade. Linibot ko ang paningin ko at nakitang wala na doon ang driver namin.. 

"Pinauwi na namin. Baka hindi ka sumama 'e" natatawang pag amin ni Jade.

Ngumiwi ako. "Sasama naman ako 'no." depensa ko at sumakay na kami sa kotse ni Jade.

"Bakit tayo lang?" tanong ko dahil naisip ko na, kung mag papasukat kami ay dapat ganon din ang iba.

"Naka schedule sila next week. Mauuna ako at si Ivor mag pasukat pero pinasabay ko na kayong dalawa.." Ani Jade.

"Tsaka magulo pag nandon ang mga lalaki. Hayaan natin sila." Ani Jasmine habang pinipigilan matawa.

Nagpakawala din ako ng halakhak dahil sa sinabi niya.

Puro kwentuhan lang ang nangyari, kinwento ko sakanila na nahihirapan akong matuto na mag drive at tawa naman sila ng tawa. Muntik ko na kasing mabangga ang kotse namin at sobrang stress ni Joseph dahil doon. Nag kwento din sila sa mga nangyayari sakanila pero pakiramdam ko ay iniiwas ni Jade na masabi si Teo. Basta ang alam ko ay nandito pa siya sa Manila.

Bakit kaya hindi nalang siya umuwi sa Argao? Kailangan siya doon..


Mabilis namin narating ang lugar na 'yon.

"This way mam.." Saad nang tao sa front desk at inasikaso kami papasok sa loob.

"I have an appointment here. It's for my wedding.." rinig kong wika ni Jade.

Linibot ko ang mga mata ko at namangha ako sa mga nakikita kong gown at magagandang damit. 

"Gold and white po ang theme?" Pag kompirma ng isa sa mga tao doon.

Hinayaan ko lang makipag usap si Jade doon at umupo muna kami ni Jasmine sa sofa doon. Kita kong may katext siya at hindi ko sinasadyang makita ang pangalan ng katext niya. Dylan ang nakalagay doon..

Nakilala ko na ang asawa ni Jasmine at masasabi kong mabuti itong tao. Mahal na mahal rin niya ang pinsan ko.

"Hey.." Sabay kaming napalingon ni Jasmine sa narinig naming nagsalita.

Namilog ang mata ko at parang bumagal ang unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako nagulat dahil nakita ko si Ivor kung hindi dahil nakita ko kung sinong kasama niya. Automatic silang napalingon lahat sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Hindi ako dapat mag paapekto. Araw ni Jade ito, para sakanya kaya ako nandito kaya hindi ko dapat gawing big deal ito. Malamang ay kasama ni Ivor si Teo, kapatid niya ito.

"Ate Pin.." RInig kong tawag ni Jade sa akin.

Kinuha ko ang buong lakas ko at ngumiti akong humarap sakanya.

"Ayos lang.. sige na. Do your thing." Saad ko at kumuha nalang ng magazine sa gilid. Pinilit kong mag basa nalang at ituon ang atensyon ko doon.

Gusto kong kalimutan ang presensya niya dito pero hindi ko ata magagawa iyon lalo na at umupo sa tabi ko. Bahagya kong nahigit ang hininga ko dahil sa pag tabi niya sa akin. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw o paano ko lilipat ang pahina ng hawak kong magazine. Konti nalang ay manginig ang kamay ko dahil sa nerbyos at kaba.

Bumuga ako ng hangin at pinilit ang sariling kumalma.

Bakit ba siya tumabi sa akin? Nanadya ba ang lalaking 'to?

"Kumusta ka na?" 

Halos mabitawan ko ang hawak ko dahil sa pagkarinig sa boses niya.

Sandali akong natigilan. Sasagot ba ako? Mag kukunyari ba akong hindi ko siya nakikita?

"You look good.." dagdag niya.

Parang manghihina ako sa boses niya. Pinilit kong ituon pa rin ang tingin sa binabasa ko pero mauubos ko na ata ang mga letra dito ay hindi ko pa rin magawang ilipat. Tinignan ko si Jasmine na abala sa kausap sa cellphone niya at si Jade na kasama si Ivor, nakikipag usap sa isang babae.

"Are you really gonna avoid me?" 

Napabuga ako ng hangin dahil sa sinabi niya. Liningon ko siya at pinilit kong gawing normal ang ekspresyon ko nang mag tama ang mga mata namin. Parang mas manghihina ako ngayong kaharap ko na siya. Kahit mahirap ay matalim na tingin ang ipinukaw ko sakanya.

"Okay lang ako. Happy?" Mataray kong wika.

Ayaw ko siyang tarayan pero lumalabas ang pagiging mataray ko. Isa ito sa mga natuklasan kong pagkatao ko.. medyo may temper nga ako.

"Yeah, I am happy." Aniya at bahagyang ngumiti.

Pilosopo pa!

Inirapan ko nalang siya at tinuon ang sarili sa binaba ko ulit. Nakakuha na ako ng lakas at linipat ang pahina non pero napasapo ako sa noo ko dahil napunit ko ang pahinang 'yon. Masyadong malakas ang pagkakalipat ko non. 

Nakakainis talaga!

"Josephine.." 

Literal akong nanigas nang may umabot sa kamay kong nakahawak sa noo ko. Namilog ang mata ko nang matagpuan ang kamay niyang nakahawak doon. Mabilis na pumintig ang puso ko at pinilit bawiin 'yon pero mahigpit niya 'yong hinawakan.

Bakit ba ang kulit niya?

Bakit parang wala lang sakanya ang lahat? Dapat nga ay iniiwasan niya ako dahil may kasalanan siya sa akin.

Lumalim ang paghinga ko dahil hinaplos niya ang kamay ko. Nag palipat lipat ang tingin ko sa kamay niyang humahaplos doon at sakanya na matamang nakatingin sa kamay ko.


"You're too tense.. I am happy because you are. Atleast, may epekto pa pala ako sa'yo." Aniya atsaka ngumiti.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top