Kabanata 13

Home

Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Naka alis na ako sa mansyon pero ito ako at pabalik ulit dahil naiwan ko ang bag ko. Pagod na pagod na ako, kulang nalang ay mawalan ako ng hininga sa lahat ng nangyayari. 

Kailangan kong umalis.

Aalis ako kahit wala akong mapupuntahan.

Pumasok ako sa loob ng mansyon at naka hinga ng konti dahil nakita ko ang bag ko sa sofa. Mabilis ko itong kinuha at hahakbang na sana paalis nang makaramdam ako ng kakaiba. Mabigat ito pero nararamdaman ko ang pagdaloy ng isang napaka sarap na pakiramdam sa katawan ko.

Pakiramdam na nararamdaman ko lang sa panaginip ko.


"Ate Pin" Naramdaman ko ang tila pag kahulog ng puso ko sa narinig ko.

Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa nangyayari. Kung bakit sobra ang epekto sa akin nang pangalan na 'yon. Bumilis ang tibok ng puso ko at unti-unti akong lumingon. Nangilid ang luha ko at mas lalong nanikip ang dibdib ko nang masilayan ko ang isang babae sa harap ko.

Pinagmasdan niya ako ng mabuti. Kita ko ang pag awang ng kanyang labi at ang gulat sa mga mata niya. Nagsituluan ang mga luha niya, kasabay non ay ang pagtakip niya sa bibig niya.

Pinilig ko ang ulo ko, kailangan kong umalis..

"Mam? Sorry po" saad ko at linampasan ko siya. 


"Jade" Kahit hindi ako ang tinawag ay kusa akong natigilan. Lumingon ako at tumambad sa amin si Teo, Sir Ricardo at may kasama pa silang isang lalaki na may pagkakahawig kay Teo. 

Kita ko ang pagkagalit sa mata nilang tatlo. Pero wala akong pakielam! Mas galit ako. Namumuhi ako sa ginawa nila sa akin. Naramdaman ko ang pag akyat ng galit sa puso ko lalo nang mapunta sa akin ang tingin ni Teo. Ang tingin niya ay sobrang lambot nang mapadako sa akin pero hindi nagbago ang ekspresyon ko.

"Alissa" aniya.

Umiling ako at lalo kong naramdaman ang galit. Bumigat ng husto ang puso ko kaya kinailangan kong huminga ng malalim.

"Wag mo akong tawagin sa pangalang yan" madiin kong wika.

Kita ko ang pag kagulat sa mga mata niya pero hindi ko 'yon pinansin.

"Ate Pin.. Ate Josephine" Nabaling ang atensyon ko sa babae. 

Josephine?

Pinanuod ko siyang luampit sa akin at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Nakatingin lamang ako sakanya habang umaagos ang mga luha ko.

"Ate.." nabasag ang boses niya at napahawak siya sakanyang puso.

Napahikbi ako dahil unti-unti nang nabubuo sa isip ko kung ano ba talagang nangyayari. Naliliwanagan na ako at sigurado akong, ang babaeng kaharap ko ngayon ang makakatulong sa akin.

"Anong ginagawa niya dito?" Tanong niya.

Lumingon ang babae kina Teo habang ako naman ay linagay niya sa likod niya.

"Ano sabi ang ginagawa niya dito?!" galit na galit na sigaw ng babae. Ako naman ay halos mapatalon dahil sa sigaw niya.

"I-I am sorry" Ani daddy ni Teo.

Napaawang ang labi ko. Sorry? May magagawa ba ang sorry sa ginawa nila sa akin? 

Humigpit ang hawak ko sa kamay ng babaeng 'to. Hindi ko alam pero gumaan ang pakiramdam ko sa hawak niya. Pakiramdam ko ay ligtas ako..

"Jade.. damn! -- Dad! Tell her na wala akong alam! Bullshit pati kami nasisira dahil sainyo! I am going to make you regret this pag nasira kami! Mark that!" Galit na wika ng isang lalaki. Namumula na siya at kita ko ang pagtagis ng bagang niya.

Lalong napahigpit ang hawak ko sakanya. Nalipat ang tingin ko kay Teo at kita ko ang mataman niyang tingin sa akin. Umiling ako sakanya para makita niya kung gaano ako nasasaktan. Siya dapat ang pumoprotekta sa akin pero kabaliktaran ang nangyari..

"Dahil po ba to sa ayaw niyo sa akin? Kaya niyo po ba itinago ang pinsan ko dito?! Is this because of-- me?" Saad nung babae.

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Buhol buhol na ang mga bagay sa utak at puso ko. Pagod na rin akong mag isip dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Kung sino pa ang inakala kong magtatanggol sa akin ay siya pa ang pinaka nakakasakit sa akin.

"Miss - Jade.. let's talk. Ako ng bahala kay dad" Sabi nung lalaking isa.

"No.. I would be the one to settle this." Sagot ng tinatawag nilang Jade. 

Lumingon siya sa akin at hinarap niya ako. Lumambot ang puso ko nang magtama ang mga mata naming dalawa.


"Ate.. let's go home. Hinahanap ka ng lahat." aniya. Napatakip ako sa bibig ko, lalong kumalabog ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"Lahat? Sinong lahat?" Tanong ko. Mariin siyang pumikit at kita kong nasasaktan siya sa nangyayari.

Gusto ko siyang yakapin, nakaramdam ako ng ganon dahil sa mga luha niya. Kinuha niya ang wallet niya at napasinghap ako nang makita ang litrato nila.. kung saan kasama ako. Nakangiti ako sa litrato at mukhang masayang masaya ako doon.

Napahawak ako sa ulo ko at napaupo. Bumigat ang pag hinga ko dahil sa sobrang sakit. Literal ko na itong nararamdaman, may parte sa ulo ko ang sobrang pumipitik dahil sa sakit. Napadaing ako ng mahina. 

"Hey? Are you okay?" Nanigas ako sa narinig kong boses. Kinuha ko lahat ng lakas ko at piniglan ang sakit.

"Huwag mo akong hahawakan" Marahas kong inagaw ang braso ko sakanya at matalim siyang tinignan.

"Alis--" hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin dahil mabilis na dumapo ang palad ko sa mukha niya.

Nasasatan ako pero lalong bumigat ang puso ko nang saktan ko siya. Hindi patas! Bakit ganito? Nasasaktan ako pag nakikita ko rin siyang nasasaktan?

"I heard everything. Narinig ko ang paguusap niyo ni Sir Ricardo. Alam mo ang lahat pero hindi mo sinabi sa akin! Pinagmukha mo kong tanga! Alam mong hindi Alissa ang katauhan ko pero tinago mo!" Halos mawalan na ako ng hininga dahil sa hirap na nararamdaman.


Hindi man lang naubos ang mga luha sa mata ko. Patuloy lamang sila sa pag agos. Tinignan niya ako sa mata pero ako ang nag iwas. Hindi ko siya kayang tignan..

"Hindi ko alam nung una.. believe me pero nung nalaman ko, hindi ko kayang malayo ka sakin that's why I kept you here--" mabilis ko siyang sinampal ulit. 

Nanginginig ang kamay ko dahil sa pagdapo nito sa mukha niya. Mahina ang mga hikbi ko dahil pinipigilan kong ipakita ang sakit sakanila.

"Wag mo akong kamumuhian. Nagmamakaawa ako sayo.." 

"Hindi kita maintindihan." Bulong ko.

"Sana akin ka nalang.."

Ito ba 'yon? Ito ba ang ibig niyang sabihin doon? Ako ba ang babaeng pinapahanap ng kuya niya sakanya?

"Ang selfish selfish mo.. wala na si Alissa. Kalimutan mo na siya." Mabilis akong tumayo at tumakbo palayo doon..

Palayo sakanya..


Tuloy tuloy lamang ako sa pagtakbo, kung pwede ko lang takbuhan lahat ay gagawin ko.

"Ate!" Narinig ko ang sigaw ni Jade kaya kusa akong napatigil. Lumingon ako sakanya at lalong bumuhos ang luha ko.

"J-jade" Halos nahirapan akong banggitin ang pangalan niya. 

Mabilis siyang tumakbo at yinakap ako.

"Damn! Ang tagal ka naming hinahanap. Alam namin na buhay ka pa.. I am so sorry, kung hindi ako pumunta ng New York hindi mangyayari to" aniya habang umiiyak.

"Patawad din.." Mahina kong bulong at yinakap siya. Hindi ko man naiintindihan ang nangyayari ay alam kong siya na ang taong hinihintay kong mapapagkatiwalaan ko.

Hinawakan niya ako sa kamay at hinila sa isa sa mga upuan na gawa sa bato doon.

"Ano ang buo kong pangalan?" Mahina kong tanong sakanya. Kita ko ang pagmamasid niya sa akin. Baka naninibago siya..

"Josephine.. Josephine Morgan. Your twin brother is Joseph Morgan, your other sibling's name is Jerem Morgan. Siya ang susundo sa atin. Your mother's name is Alina Scott Morgan and Your father's name is Travis Morgan. Napakalaki nating pamilya para ikwento ko pa sayo ang buo.. you'll see later."  aniya. 

Nanumbalik sa akin ang mga panaginip ko.. hindi kaya, totoo lahat ng mga 'yon?

"May kambal ako?" Napahawak ako sa puso ko.. yung lalaki sa panaginip ko, siya siguro ang tinutukoy niya. Ngumiti siya at tumango sa akin.

Nag usap kami, halos lahat ay kinwento ko sakanya. Lahat ng nangyari sa buong dalawang linggo ng pananatili ko dito ay kinwento ko. Pati mga pag dududa ko ay binanggit ko. Hindi ako agad nagtitiwala kaya hindi ko alam sa sarili ko kung paano ko nagawang ikwento ng walang pag dadalawang isip sakanya ang lahat.

Natigilan kami sa paguusap nung may helicopter na lumilipad sa himpapawid ang kumuha ng atensyon namin. May nakalagay na SSM sa helicopter na 'yon.

"Nandito na sila" aniya. Dahil sa lakas ng hangin ay napahawak siya sa akin.

"Sa atin yan?" tanong ko at tumango naman siya.

"Yes.. mamaya makikilala mo na ang lahat" Mula sa helicopter na 'yon ay may bumabang dalawang lalaki. Napa-ayos ako ng tayo dahil hindi ko alam kung paano haharapin ang mga lalaking 'yon.

"Jade.. ang hassle ng--" saad nang isa pero mabilis din siyang natigilan dahil napunta sa akin ang mga tingin niya.

Nag tama ang mata namin at parang may umikot sa tyan ko.

"Fuck Jayden! Inaantok na ako.. kung ano ano na nakikita ko" natatawang wika nang lalakin 'yon. Yung mata niya.. sigurado akong nakita ko na 'yon.

"You're not the only one. Me too" sagot ng isa habang nanatili ang tingin sa akin.

Humakbang paharap si Jade kaya ako din ay napahakbang. Lalong namilog ang mga mata niya sa paglapit namin. Siguradong mas nakikita na nila kami ng malinaw dahil sa buwan.

"Jayden.. imbistigahan mo kung bakit nandito si Ate Pin. Do everything in legal. Jerem, magpadala ka ng tao bukas dito, puntahan niyo ang pamilyang kumupkop kay Ate Pin and pilitin niyo sila maglabas ng impormasyon. Sigurado na ako kung sino ang may kagagawan nito pero I don't want to do things that we will regret so gagawin natin to legally and Jayden, Jerem.. Ate Pin's back." mabilis na sabi ni Jade. Hinila niya ako papasok ng helicopter pero hinarangan kami nang dalawang lalaking 'yon.

"Shit, nanaginip ba ako?" Saad nung pamilyar ang mata. Yung isa naman ay hinablot ako at hinarap sakanya.

"Damn! Its true.." Aniya pero hinawakan siya sa kamay ni Jade.

"I will explain everything later. Sa ngayon umuwi muna tayo.. please contact Jasmine and make sure na kompleto na ang pamilya." saad ni Jade.

Nag katinginan ang tatlo habang ako ay sinusubukan iproseso lahat ng mga nalaman. 

Lumapit sa akin ang may pamilyar na mata at hinawakan ako sa kamay. Nanglambot ng husto ang puso ko dahil doon.

"Let's go home now.." saad niya habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako at kita ko rin ang pag ngiti niya.


Pinasok nila ako sa helicopter at tumabi sa akin ang may pamilyar na mata.

"You can sleep.." aniya. 

Tumango ako at humilig sa bintana pero mabilis niyang inabot ang ulo ko at pinatong 'yon sa balikat niya. Mula sa bintana ay nakita ko ang malawak na lupain ng Argao.. Hinding hindi ko makakalimutan ang lugar na 'to. Kung saan nangyari ang pinakamalaking trahedya ng buhay ko.

Naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko. Nanghina ako ng husto at bumigay nalang dahil naramdaman ko na sa wakas ang gustong gusto kong maramdaman. Sa dalawang buwan ay ngayon ko lang ito naramdaman..


I felt home..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top