Kabanata 12

Bakit

"Goodmorning" 

Napangiti ako nang may pumulupot na kamay sa bewang ko. Maaga akong nagising para ipagluto siya. Kakauwi lang namin kagabi dito sa Argao, buong gabi akong gising dahil natatakot ako na pagkagising ko ay iba na ang lahat. Nakakatakot na sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay mabilis din itong mawala.

"Doon ka muna, mabaho ako." Natatawang saad ko.

Namilog ang mata ko ng maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko.


Sobrang umaapaw ang emosyon at buong sistema ko ngayong umaga. Kagabi lang ay iniisip kong baka magbago na ang pakikitungo niya sa akin pero ito siya at pinaparamdam sa akin 'to.

"Teo! Ikaw ah!" Pagbabawal ko sakanya. 

Sinara ko ang stove at hinarap siya. Nakangiti niya akong sinalubong kaya napangiti ako lalo. Minsan ay hindi ako makapaniwala na ganito kabilis lahat. 

"I don't care.. you still smell nice for me." aniya. 

Napailing nalang ako at kumuha ng plato para sakanya. Linagay ko 'yon sa lamesa at pinangkuha ko na rin siya ng linuto kong bacon at hotdogs. Umupo na siya at hinintay ko siyang sumubo pero tinitigan lang niya ako.


"Hindi mo gusto yung niluto ko?" Nag-aalalang tanong ko. Hindi pa kasi ako napamalengke kaya wala pa akong pwedeng iluto maliban sa bacon at hotdogs.

"Hindi ka sasabay sa akin?" Tanong niya.

Napaawang ang labi ko at natigilan. 

"Teo.. tagaluto mo lang ako dito. Hindi ako pwedeng sumabay sa'yo." Deretsong sagot ko kahit na nagsisimula ng bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sinong nagsabing bawal? Umupo ka na sa harap ko at sabayan mo ako." utos niya pero hindi ako gumalaw.

Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Teo.. hindi talaga pwede. Kahit anong sabihin mo.. taga-luto mo lang ako dito. Wag kang mag alala, hindi naman ako nabubuhay sa imahinasyon na dahil pumunta tayo sa isang resort ay iisipin ko ng pwede na tayo. Tanggap ko naman ang lahat."

Ang sakit pala na manggaling sa akin mismo 'to pero ito naman talaga ang totoo. Hindi naman ako impokrita na iisiping mabubuhay na ako ng iba dahil lang sa sinabi na niya ang nararamdaman niya tungkol sa akin. Hindi ako ganon..

Alam na alam ko ang agwat namin, malinaw na malinaw ito.


"You're insulting me, do you know that?" Napalingon ako dahil sa sinabi niya.

Tinitignan niya ako na para bang lahat ng sinabi ko ay hindi totoo. Kung tignan niya ako ay parang wala siyang pakielam sa mga sinabi ko. Nanikip ang dibdib ko at napakapit sa upuan sa tabi ko. Nawawalan ako ng lakas sa mga sinasabi niya.

"Kung naiinsulto ka sa sinasabi ko, paano pa ako? Ano nalang sasabihin ng iba? Natatakot ako sa kung iisipin nila sa akin. Sino ba ang maniniwala na magkakagusto ka sa akin? Isang probinsyanang tagaluto mo?" nangilid ang luha ko sa hindi ko malamang dahilan.

Ayoko naman pagusapan namin 'to ngayon pero hindi na naiwasan.


"I'm really insulted. Tingin mo ba may pakielam ako sa iisipin ng iba? Pumunta ako dito ng hindi man lang iniisip ang tatay ko dahil mahal ko ang lugar na 'to. Kaya kong iwan lahat para sa mga bagay na mahal ko. Tingin mo ba ay titigil ako dahil lang sa sinasabi ng iba, gayong alam na alam kong gustong gusto kita? Wag mong minamaliit ang sarili mo, Alissa. You don't know who you are and I am sure.. I assure you, you're amazing." Binigyan niya ng diin ang bawat lumalabas na salita sa bibig niya.

Nag simula ng bumagsak ang mga luha sa mata ko at mabilis ko rin namang pinunasan ang mga 'yon. Halo-halo na ang mga nararamdaman ko. Masaya dahil sa mga sinasabi niya, malungkot dahil sa sitwasyon na 'to, takot na hindi ko kayanin at marami pang mga bagay. Problema ko pa ang pagkatao ko.. paano ko pag sasabayin ang lahat?


Ang bigat bigat ng puso ko ngayon.

"Sorry.." mahina kong bulong.

Mabilis naman siyang tumayo at hinapit ang bewang ko palapit sakanya. Kasabay non ay ang pagkalabog ng puso ko. Yinakap niya ako at naramdaman ko ang malalim niyang paghinga. Tuwing ganito siya kalapit ay hindi pa rin ako makapaniwala.. 

Ako? Mapapalapit sakanya ng ganito? Mayayakap siya ng ganito? Sino ba ako para ibigay siya sa akin?

Kulang na kulang ako at sobra sobra siya..


"Mamaya, umuwi ka muna. Bumalik ka mamayang gabi, may sasabihin ako sa'yo. SIguradong malilinawan ka na sa lahat at mag babago na ang tingin mo sa sarili mo." aniya.

Kumunot ang noo ko dahil doon at bumilis lalo ang tibok ng puso ko. Parang alam na alam ng puso ko kung anong sasabihin niya pero hindi lang maintindihan ng utak ko kung ano 'yon. Nag-angat ako ng tingin sakanya at sinalubong ang mga tingin niya. Kita ko ang paghihirap sa mata niya kaya inangat ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang mukha niya.

"Gusto kitang tanungin kung.. ano ba 'yon pero hindi ko gagawin. Maghihintay ako." saad ko sakanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang palad ko. Nasasaktan ako tuwing nakikita siyang nahihirapan ng ganito kaya hindi na ako makikidagdag. 

Hihintayin ko nalang siya..


"Mahal na ata kita.." Nagulat ako sa sinabi niya.

Kung kanina ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon naman ay sobrang lakas nito. Pwede pala 'yon? Magsabay ang bilis at lakas ng tibok nito. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga dahil sa mga sinasabi niya.

"Wag kang magsalita ng ganyan! Kung hindi ka pa sigurado.. wag muna. Mahaba pa naman ang panahon.." natatawang wika ko pero nanatili siyang seryoso.

"Hindi mo naiintindihan. I'm afraid that I won't have enough time to tell you that.." aniya.

Hindi nalang ako kumibo at nag ayos ako ng tayo. Ngumiti ako sakanya at pinaupo na siya sa upuan niya. Kumuha ako ng plato at umupo sa harapan niya.


"Teka.. bakit pala Alissa ang tawag mo sa akin?" tanong ko.

Gusto kong paga-anin ang usapan kaya tinanong ko 'to.

"Nakabalik na tayo.. that's why." sagot niya pero ngumiwi ako.

Pinag kuha ko siya ng pagkain at ako mismo ang naglagay non sa sa pinggan niya. Nakita ko namang pinag mamasdan niya ang bawat ginagawa ko. 

Napailing nalang ako.

"You really like the name Jospehine? Do you also want to change the name on your birth certificate?" aniya habang pinipigilan tumawa.

Sumaya naman ako dahil doon. Sa wakas ay ngumiti na rin siya.

"Hindi no.." wika ko at kumain nalang.


Birth certificate? Kung iisipin ay hindi ko pa nakita ang birth certificate ko.



Naglalakad na ako pabalik ng bahay namin. Sadyang binabagalan ko ang lakad ko para mas mapagmasdan ang taniman sa magkabilang gilid ko. Kahit naman hindi ko kilala kung sino talaga ako ay hindi ko ikakaila na minahal ko ang lugar na 'to. 

Bawat hibla ng tanim dito at bawat pag usbong ng araw ay hinding hindi ko makakalimutan. Nakatatak na ito sa isip at puso ko. Napangiti ako dahil palubog na ang araw..


Huminga ako ng malalim at binuksan ang maliit na bakod ng bahay namin. Nakita ko ang mga bulaklak na inaalagaan ko, yumuko ako at hinawakan ang mga 'yon.

Napatayo ak ng maayos nang marinig ko ang sigawan ni Nanang at Tatang. Nag aaway ba sila?


"Nang-"

"Kailan natin sasabihin sakanya ang totoo? Kailan natin sasabihin na hindi naman tayo ang mga magulang niya? Naawa na ako doon sa bata. Oo nga at nakatulong sa atin ang perang binigay sa atin pero pinagkakait natin ang magandang buhay na pwedeng magkaroon siya! Mababaliw na ako kakaisip kung kailan ba matatapos to! Kailan natin sasabihin na hindi naman talaga siya si Alissa!"

Natigil ako sa pagpasok sa narinig ko. Pakiramdam ko ay gumuho ang buong pagkatao ko, pwede pala 'yon.. yung literal na mararamdaman mo yung sakit.

Napaawang ang labi ko at napahawak ako sa puso ko. Sobra sobra nag nararamdaman kong sakit. Hindi ito unti-unti kung hindi biglaang sakit ang nararamdaman ko. Damang dama ko ang pag guhit ng sakit sa bawat parte ng katawan ko. 

"Papatayin na ako ng konsensya ko. Alam mo ba kung bakit ko siya hinayaan umalis sa bahay na 'to at manirahan sa mansyon? Dahil hindi ko siya kayang makita! Tuwing nakikita ko ang batang 'yon ay kinakain ako unti-unti ng konsensya ko! Gabi gabi ay napapaginipan ko ang nanyari noon.. kung paano natin siya itago habang nasa bingit na siya ng kamatayan!"

Masasakit na hikbi na ang pinakawalan ko. Naiyukom ko ang mga palad ko sa sobrang galit na nararamdamdan ko. Hinding hindi ko sila mapapatawad. Lahat ng mga nanloko sa akin..


Akala ko ay gusto ko ng katotohanan pero bakit ang sakit marinig..

Ito na yung hinihintay ko pero parang hindi ako handa..

"Magagalit sa atin si Ser. Baka ipapatay pa tayo non. Alam mo naman ang kondisyon niya diba? Walang mangyayaring masama sa atin basta panatilihin nating sikreto ang lahat. Basta nasa puder natin si Alissa ay walang problema. Masaya naman yung bata kasama tayo, hindi ba pwedeng ganito nalang? Bakit bigla mo na naman inuungkat ang nangyari dalawang buwan na ang nakakaraan?" narinig kong wika ni Tatang.

Nangatog ang mga binti ko kaya napahilig ako sa pintuan namin. Nagsitakasan na ang mga luha ko at lumalalim na ang paghinga ko dahil sa sakit.

Sabi nila.. pag nasaktan ka, dahan dahan mo tong mararamdaman, papasok sa buong pagkatao mo pero bakit ngayon, mabilis at masakit ang nararamdaman ko. Walang preno ang sakit, hindi man lang ako binibigyan ng pagkakataon na makahinga.

"Pero.. maawa naman tayo sakanya. Hanggang kailan natin siya lolokohin? Hanggang kailan natin siya itatago dito? Matalino siya at balita ko mayaman ang pamilya niya, tagapagmana pa siya ng isang malaking kompanya sa Maynila. Lahat 'yon ay pinagkakait natin sakanya at isa pa may nanay siya na nag luluksa para sakanya. Nanay din ako.. alam ko kung gaano kasakit para sakanya 'yon." ani Nanang.


Anong gagawin ko? Hindi ko alam ang gagawin ko..

Napatakip ako sa bibig ko dahil hindi ko mapigilan ang mapahikbi. Parang kakapusin ako ng hangin. Napakapit ako ng mahigpit sa dibdib ko dahil sobrang sakit nito.

"Dalawa lang 'to, pag sinabi natin sakanya ang totoo, baka ipakulong tayo o kaya ipapatay naman tayo ni Ser. Kung mananahimik tayo ay walang problema.. mabubuhay tayo ng maayos. Anong gusto mo? Mamimili ka. Paano nalang si Mikoy?" Saad ni Tatang.

Bakit ang makasarili nila? Bakit ganyan sila magsalita? Bakit ganito si Tatang?

Hahakbang na sana ako paalis nang may tumawag sa akin. Napako ako sa kinatatayuan ko at hinayaang bumagsak ang mga luha kong pilit kong pinipigilan.


"Ate?" napalingon ako at nakita ko si Mikoy na nakatayo sa likod ko. 

Mabilis na lumabas si Nanang at Tatang. Gulat na gulat silang makita ako doon. Napatakip sa kanyang bibig si Nanang.

"A-anak.." rinig kong wika ni Nanang pero mabilis akong tumakbo.

Hindi ko sila kayang harapin. Hinding hindi ko sila kayang pakinggan. Hindi ako tanga.. alam ko at naiintindihan ko yung mga sinasabi nila. Yung mga hinala ko, totoo lahat. Hindi nga ako si Alissa.. linoloko ako ng lahat ng tao sa paligid ko. 

Sinong pwede kong pagkatiwalaan?

Sino nag utos sakanila? Bakit nila 'yon ginawa? Gustong gusto ko magtanong pero paano kung mag sinungaling nanaman sila?

Ano na ang gagawin ko ngayon na alam ko na ang totoo? 

Si Teo.. siya nalang pwede kong puntahan..


Mabilis akong tumakbo pabalik ng Mansyon. Halos madapa dapa na ako dahil sa pagtakbo pero wala akong pakielam. Si Teo lang ang makakatulong sa akin..

Mabilis akong pumasok ng mansyon at tinungo ang kwarto niya pero tulad ng nangyari kanina ay natigilan ako. Nakarinig ako ng pag-aaway mula sa loob. Mabilis akong napasandal sa pader sa tabi at ginawa ko ang lahat para matigil ako sa pag-iyak.

"Dad! Bakit mo 'to ginagawa?! Hanggang kailan mo i-dedeny sa akin na ikaw ang may kagagawan kung bakit nandito si Josephine Morgan! Ikaw ang may kasalanan kung bakit si Josephine ay naging si Alissa! Fuck! Sinira mo ang buhay niya! Kinulong mo siya dito!"


Naramdaman ko nalang ang sarili kong napa-dauosdos at napaupo sa sahig. Yinakap ko ang sarili ko at tahimik na humikbi. Alam niya.. alam din ni Teo. Kailan pa? Bakit nila ako niloloko? Bakit nila ako pinaglalaruan? Ano bang nakukuha nila pag nakikita nila akong nasasaktan? 

Sabi niya gusto niya ako, totoo ba 'yon o sinabi niya lang 'yon para pagtakpan ang kasinungalingan niya?

Sino pa? Sino pa ang pwede kong takbuhan? Gustong gusto ko mag sumbong at sabihing nasasaktan na ako pero kanino gagawin 'yon? Gayong.. wala akong mapagkatiwalaan sa lugar na 'to? 


Napahawak ako sa dibdib ko, halos namanhind na 'to. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay namanhid nalang 'to.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top