XXXII
Easy
I was dripping with words,
and I remembered you.
So my writings have every part of you.
I wished it was easy for me
to click the backspace,
just how it was easy for you
to leave me.
♠♠♠
Chapter Thirty-two
My brother was one enough reason for me to think that my family wouldn’t ever agree to Jimin. My parents would somehow consider first, knowing how they always followed right etiquette and conducts but I was sure, they wouldn’t also like it if I would tell them all that had happened to me before.
Si Holly nga noon ay halos kamuhian ang buong BTS matapos niyang malaman ang mga pinagdaanan ko noon kasama ang mga ito.
All through the years, I realized how my family loved me so much, even had accepted me and forgiven me after hiding my daughter from them, they loved me so much that it would probably devastate them to know how I had a hard time chasing after the father of my daughter who had caused so much pain to me.
And now that he was here, all ready for his responsibility that should have been taken long ago, I knew it wouldn’t be easy for my family to accept Jimin. It would take time, for sure or maybe, they wouldn’t want to do anything with the idol anymore.
My parents were nice people, but not when we—their children—would be hurt.
Kaya naisip kong hindi magiging maganda kung iimbitahan ko si Jimin sa bahay. Hindi rin ako sigurado kung dumiretso na ba si Kuya Haynes sa Manila para sa trabaho niya, wala sila Mamang at Papang ngayon dahil nasa opisina rin sila at sana hindi na nabanggit ni Kuya sa mga ito ang tungkol kay Eve. Holly had been in Manila since she worked there, sa magazine company nina Ion siya nagta-trabaho.
Just like me, she had also refused a position from Mamang’s company. Doon dapat kami nagtatrabaho pero ni-isa sa amin, walang piniling doon magtrabaho. Maybe in time, I might find my way to Montecarlos but not now, si Eve na muna ngayon. Ayaw ko rin namang pasakitin pa ang ulo ni Mamang sa kung kanino niya ibibigay ang pamamahala sa Montecarlos gayong wala ni-isa sa amin ang gustong umako noon.
Sa main gate ng Ursula Mansion ay naharang kami dahil hindi naman kilala ng guards on-duty ang sasakyan ni Jimin. Kinailangan ko pang ibaba ang bintana sa gilid ko para masilip ako ng mga guard, dalawa sila roon, nginitian ko ang mga ito samantalang nanlalaki naman ang mga mata ng isa sa kanila nang makilala ako.
With that, the tall gate parted in half, revealing the long driveway towards the Ursula Mansion.
Hindi pa kami nakakarating sa mismong harap ng mansiyon ay naramdaman ko na ang paggalaw ni Eve kaya dahan-dahan ko siyang inuga para hindi siya magising. Hindi siya puwedeng magising dahil baka hindi niya pauwiin ang Daddy niya. Hindi ko siya matatanggihan kung gagawin niya iyon.
“M-Mommy…” Her soft and innocent groggy voice made me sigh, her little form wriggled in my arms as she sat properly. Lumingon-lingon siya sa kabuaan ng sasakyan habang kinukusot ang mga mata gamit ang mga knuckles ng mga maliliit niyang kamay. “Jimin oppa…”
“Got a good sleep, my love?” Jimin shortly side-glanced at her with a sweet smile on his lips.
Nakangusong tumango ang bata habang pumipikit-pikit pa. Hinaplos ko ang likod niya bago ko inayos ang buhok niya. Nang makita ko na ang mansiyon sa mismong harap namin ay nilingon ko sina Evah at Jessie na parehong nakatulog din sa biyahe bago ko muling binalingan si Eve.
The car stopped in front of the mansion as men were quick to surround the car. For sure naabisuhan na sila na kami ang sakay ng kotse.
“Say goodbye to him now, mahal ko. We’re here,” malambing kong sabi habang inaayos ko ang puwesto niya sa kandungan ko, tinanggal ko muna ang seatbelt na nakayakap pareho sa amin. Mula sa pagkakaharap ay inayos ko siya para makaharap niya ang Daddy niya.
“Does he need to go already? Can’t I play with him in my console, Mommy? Tell him not to go yet.” Mahina ang boses ni Eve pero narinig naman iyon ni Jimin.
How could I seriously refuse her if she was all soft and innocent while speaking? How could I even deprive her of what could make her happy if I loved her so much and that all I wanted was to give her the world, and my everything?
Tiningala ako ni Eve na para bang hinihintay ang gagawin ko. At sino bang niloko ko? Hindi ko siya kayang tanggihan, lalo na at nakapa-inosente ng pares ng mga maliliit niyang matang nakatitig sa akin. Ayaw ko na rin pang malaman niya kung paanong nahihirapan ako ngayon sa setup namin ng Daddy niya dahil mas mabuti nang wala siyang alam dito.
When she grew up, she would also have to understand everything so I would just save it for that. Sa ngayon, kung anong makakapagsaya sa kaniya, iyon na lang muna. Kung ang Daddy niya ang ikasasaya niya, then I would endure the guilt and the awkwardness all for her. Kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang mga nangyari kagabi, kahit na sa loob-loob, pinapatay pa rin ako ng sobra-sobrang kahihiyan, sige, titiisin ko.
Looking over at Jimin as I deeply sighed, I let my stupid heart decide again. “Could you g-go in for a while? Just until she… she gets tired playing?” Mabilis akong nag-iwas ng tingin matapos ko iyong itanong dahil pakiramdam ko, isinusuong ko na naman ang sarili ko sa kaniya.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa paghawi ng mga kulot na hibla ng buhok ni Eve mula sa mukha niya. She was already staring at her father, waiting for his response. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mula sa gilid ng mga mata ko ay makita kong tinanggal ni Jimin ang seatbelt niya saka marahang yumuko para ilapit kay Eve ang mukha niya.
That meant, he was also in close proximity with me and I could smell his sweet scent that both tortured and pleasured me last night.
Crap, Hanselle, you’re not in the position to even get excited over just his scent! You couldn’t get vulnerable for him again!
I agreed with my inner Goddess as I hinted it hardly shaking her head at me.
“Chan, I really want to play with you but Oppa has something very important to do first. Can I go first and then be back after lunch?” Sobrang lambing ng boses ni Jimin habang kausap si Eve na para bang nag-iingat siyang hindi magugustuhan ng bata ang sagot niya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ni Eve saka mas inilapit pa rito ang mukha niya hanggang sa magtama na ang mga ilong nila. “I promise to be back and bring you a toy. What do you want?”
Ang buong akala ko ay hindi magugustuhan ni Eve ang sagot ni Jimin, knowing her, hindi siya papayag na hindi makuha ang gusto niya kaya bahagya akong napasinghap nang dahan-dahan siyang tumango na nagpangiti ng sobrang lapad kay Jimin. He was quick to drop a peck on my daughter’s lips before he backed away and raised a gaze at me.
Hardly pressing my lips, it was hard not to let my eyebrows cross when meeting his small eyes. Ayaw kong i-acknowledge iyong disappointment na lumulukob sa dibdib ko dahil sa pagtanggi niya kay Eve. Hindi dapat ako mainis pero kasi, ano pa bang ibang bagay na mas mahalaga kaysa sa anak niya?
Fine, fine, I should calm down, it was fine with my daughter… it shouldn’t bother me.
“Today’s Sally’s flight back to Korea…”
Nalaglag ang mga balikat ko kasabay nang pagkakalaglag ng puso ko. I didn’t want how my insides reacted but they weren’t something I had taken under my control ever since, they were his to begin with so I couldn’t do anything but to show him that it wasn’t affecting me.
Lumunok ako saka mabilis ulit na nag-iwas ng tingin. Sa likod napadpad ang mga mata ko, at mas sumakit lang ang puso ko nang makita kong gising na sina Evah at Jessie. Evah was staring sadly at me but her eyes told me so much words she couldn’t just spill because Jimin was here.
“S-Sure… she may need an a-assistance. She’s nice so please s-send my regards to her.” Hindi ko na hinintay pang makasagot siya dahil binuksan ko na ang pinto, bago lumabas ay inayos ko muna ang pagkakabuhat ko kay Eve saka dire-diretsong tinahak na ang hagdan paakyat ng mansion.
Men around were quick to surround us, following us until the main door. Hindi na rin akong nag-abalang lingunin sina ni Evah at Jessie dahil ayaw kong makita ang sasakyan ni Jimin pero bago ako tuluyang pumasok sa pintong binuksan para sa akin ng isa sa mga guards ay huminto ako at binalingan ang guard na nasa pinto.
“Pakisundan po iyong kotse hanggang sa makalabas ng Ursula Land. Make sure he’s safe till the boundary.”
Isang tango lang ang isinagot sa akin ng guard saka ako nagpatuloy papasok. Sa living room ay nadatnan namin si Kuya na prenteng naka-upo sa couch habang hawak ang isa sa mga controller ng console game ni Eve habang tamad na ikinukumpas sa ere ang kamay kung nasaan ang controller at seryosong nakatitig sa screen.
He was still in his formal three-piece suit so it kind of weird seeing him play a kiddie game, knowing that he should be analyzing complicated cases and talking to his clients now. Inaasahan ko talagang nasa Manila na siya. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng kaba dahil baka kaya hindi pa siya umaalis ay dahil pagagalitan niya ako.
Sa likod ko ay naramdaman ko na ang presensiya nina Evah at Jessie dahil mahina silang nag-uusap.
“Sally’s not his girlfriend, Jessie. It’s actually very complicated since you don’t know how entertainment business works…”
“Pero bakit nandito rin po si Sally?”
“Because she has something she needed to be fixed here…”
Tumigil din naman sila nang tuluyan na silang makarating sa tabi ko. Eve instantly wriggled in my arms to break free from my hold. Dahan-dahan ko siyang ibinaba saka ko inayos ang damit niya.
“Tito Haynes!” Pumuno sa kabuuan ng living room ang matinis niyang boses saka siya tumakbo para magtungo sa kinaroroonan ni Kuya.
My brother, being disturbed from his lazy game turned his head towards us and it seriously made my heart jumped when a small smile tried to peek from his lips seeing my daughter run excitedly towards him. Hindi niya iyon hinayaan kaya nauwi siya sa pagnguso.
The kid excitedly jumped him a hug, mumbling incoherent words from my ears because of the distance until her muffled sobs resounded around the area. Nakasubsob na sa leeg ni Kuya ang mukha niya, ang maliliit na mga braso ay nakapalibot sa leeg nito habang maingat siyang inaangat ni Kuya para paupuin sa lap nito.
My brother was bigger than Jimin so she really looked so small in his arms. It was always like that.
“Ssh, don’t cry, Eve. You’ll wake your cousins,” mabining sabi ni Kuya habang marahang hinahaplos ang likod ng bata.
Nagpatuloy kami nina Evah sa paglalakad palapit sa kanila habang damang-dama ko ang paglambot ng puso ko, pinapalitan ang bigat na nararamdaman ko kanina dahil kay Jimin.
“I’m s-sorry Tito Haynes! I know I was a bad g-girl and that I was stubborn but I love you! I didn’t mean what I said at the ho-hospital! Even if sometimes you’re bad, I still love y-you, Tito!” Her muffled voice was somehow comprehended for us.
“Of course, you didn’t mean it, Eve. I know. I was just mad because your stubbornness may bring harm to you and you know, I don’t want you to get hurt. You’re your Tito’s girl, remember?” Pagpapatahan ni Kuya sa bata. “Stop crying now. I’ll let you play with your cousins later but promise me you won’t make them cry like the last time, okay?”
Eve cutely nodded her head, her fist drying her eyes as she raised her other free hand, it wasn’t even the right one but nevertheless, it all made us smile. “I p-promise I won’t bite Jack’s chubby cheek again. He’s so cute and he always chuckles at me so I couldn’t resist.”
Naalala kong galit na galit nga si Kuya isang beses dahil iyak ng iyak si Eros, may bakat ng mga ngipin ang kaliwang pisngi ng bata. Gigil na gigil pala kasi si Eve kaya kinagat niya. Sa kambal ay iyong bunso iyong obvious na masayahin dahil iyong panganay ay madalas tulog. Naalala ko ring madalas ding umiyak noon si Jiji, iyong baby nila Yeol at Mandy dahil madalas ding panggigilan ni Eve.
“How can you even know who’s who in them?” takang-tanong ni Kuya sa mahinang boses na tila sa sarili iyon tinatanong na mukhang hindi na pinansin ni Eve dahil naagaw na ng bata ang controller kay Kuya para ipagpatuloy ang laro.
Sabagay, ako nga ay hirap ding matukoy kung sino si Eros at Ares sa kambal kapag parehong gising ang mga ito at magkasama. Nalalaman ko lang kapag tulog ang isa at hyper ang isa dahil parang iyon ang individual trademark nila. Si Jill Ares iyong panganay at tulugin, samantalang si Jack Eros naman iyong bunso at madalas na hyper.
Bago pa man ako mapansin ni Kuya ay dahan-dahan na akong sumibat, mabagal ang mga hakbang patungo sa hagdan, sa likod ng couch ako dumaan pero hindi pa man ako nakakarating sa hagdan ay natigilan na ako nang marinig ko ang malalim at mariing boses ni Kuya.
“We’ll talk later, Hanselle.”
Sighing deeply, I mentally noted that I should prepare myself for that talk.
Buong oras bago mag-lunch ay magkasama lang si Kuya at Eve sa living room, bumaba rin doon si Chelsea kasama ang mga baby-sitters dala-dala ang kambal. Hinayaan ko na muna siyang maglaro dahil puwede naman siyang maligo pagkatapos mag-lunch para diretso tulog na.
Nagpaalam din sa akin si Evah na aalis. May lakad na naman sila ng boyfriend niya. Isa pa rin ang lalaking iyon, I believed he still had to sit with us four for inquiries… hindi puwedeng basta na lang niya makuha si Evah ng ganoon lang kadali. Ayaw ko na rin munang isipin si Jungkook at Em, pakiramdam ko, inuulit nila iyong sa amin ni Jimin at alam kong wala akong dapat ikabahala kay Aly.
She was already decided that she wouldn’t ever let the same man hurt her again. Nakikita ko rin sa kaniya noon na hindi na siya uulit pa. Na hindi na rin niya hahayaang bumalik si Taehyung sa buhay niya. I didn’t know if it was a good thing but for now, I assumed it was. Sa bagay na iyon kami magkatulad ni Aly, na kung walang Eve sa buhay namin ni Jimin ngayon, hinding-hindi ko na siya hahayaang makapasok sa buhay ko ulit.
“We visited my family last week, they weren’t very situated with Joon because of his career but I know, they’ll try for me. Isa pa, pumayag na akong pamahalaan ang negosyo nila, hindi nila puwedeng ipagkait sa akin ngayon ang taong nagpapasaya sa akin.”
Nabanggit nga niya sa amin ni Evah na pumayag na siyang manahin ang negosyo ng pamilya niya. She was already looking for a school where she could extend her degree to doctorate. Aniya ay hindi naman niya iiwan ang Eve’s, nandito naman daw kami para roon, magkakaroon lang siya ng mas malaking responsibilidad na paniguradong mangangailangan ng buong oras niya.
“Naunahan pa kami ni Namjoon na ma-meet ang parents mo. My family will be willing to meet Ignacios, when’s that?”
Hindi naman masama ang loob ko na mas nauna niyang ipakilala si Namjoon sa pamilya niya. We were all just too caught up with each other’s life that was why we hadn’t really thought about it. Maiisip pa ba namin iyon kung ang unang bumungad sa amin pagdating namin dito sa Manila ay ang katotohanang buntis si Em? Sumunod pa iyong nangyari sa Montecarlos kaya naiwan naming lahat iyong Eve’s Manila, sinundan kaagad iyon ng pagkakatuklas ng mga magulang ko ng tugkol kay Eve.
And then sunod-sunod na iyong mga nangyari na talagang hindi na namin maiisip pa na kilalanin ang pamilya ng bawat isa… well, except for me since they already knew my family.
“Soon, Hanselle. I’ve always told my parents about you and your family, well my father thinks exactly the way your father does. Baka kapag binanggit ko sa kaniya na investor ang Papa mo ay mag-set kaagad iyon ng meeting.”
Pareho kaming natawa roon. Sure, my father would be very willing to meet Evah’s parents when business was involved. Siya na nga yata ang lawyer na may pinakamaraming investments sa iba’t ibang kumpanya. Ginagamit niya ang pangalan ng Ursula Law Firm sa bawat investments niya.
“I don’t even want to imagine it. May sariling medical service provider ang Ursula Law Firm, it’s M Clinic, and I’m sure, he won’t think twice providing additional service from another medical facility just for his employees. Uhg, I don’t want to think about it!”
Si Papang pa, gagawa at gagawa iyon ng dahilan para lang makapag-invest. Kahit pa doblehin niya ang insurance ng mga emplyado niya.
Evah wasn’t opening the topic about why I was with Jimin last night and that was something I mentally thanked her for. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kung sakali mang magtanong siya. Ni wala pa rin akong maisip na isasagot sa mga posibleng tanong ni Kuya sa akin oras na kausapin na niya ako.
It would only be about Jimin, I knew, and did I have the answers for it? Of course, I just didn’t know if he would like it though.
Nang umalis si Evah ay bumaba ako sa kusina para tumulong sa paghahanda ng lunch dahil kailangan ko ng gagawin para hindi ako mahulog sa pag-iisip. Pinipilit kong maging productive, kailangan ay maging abala ako dahil kaunting katahimikan lang ay bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.
Ayaw ko, masakit sa dibdib. Ayaw ko ring isipin sina Jimin at Sally. I was done with them, I already knew what had happened before. They were both just a victim, they both had something they could lose back then that was why they were put in such situation. Naiintindihan ko na ring hindi ginusto ni Jimin ang lahat. Hindi ko nga lang alam kung paano nga magagawa ni Jimin na makawala sa pagmamanipula ng Bighit at SMT sa kaniya.
Bubbles had disbanded already, so Sally was out, but Jimin was still an artist of Bighit. Nagbabalak na mag-disband ang BTS, and I didn’t know if it would seriously mean they would be out of Bighit. For sure, kukunin din sila ng Bighit para maging mentor or producer ng mga bagong groups na i-ri-release ng Bighit.
“Oo nga, nakita ko ngang kausap ni Eve sa tablet iyong boyfriend ni Miss Hanselle! Ang guwapo!”
“Iyon ba iyong Papa?”
“Hindi yata! Pero koreyano rin yata iyong Papa ni Eve…”
Hindi pa ako nakakarating sa kusina ay narinig ko na ang pag-uusap ng mga kasambahay na nasa loob kaya natigilan ako.
“Siguro guwapo rin iyong Papa, ang gandang bata kasi ni Eve.”
“Malamang, maganda si Miss Hanselle kaya guwapo rin ang babagay sa kaniya.”
“Parang si Miss Holly saka si Sir Ion! Parehong maganda’t guwapo! Crush ko kaya iyong si Sir Ion…”
“Hoy, may makarinig sa’yo. Ambisyosa ito!”
Hindi ko alam kung ikatutuwa ko bang mabilis na nawala sa akin at kay Eve iyong pinag-uusapan nila pero hindi ko mapigilang malungkot kasi alam ko naman talagang hindi maiiwasang pag-usapan kami ni Eve gayong nakikita ng mga kasambahay na wala rito iyong Daddy niya, tapos ibang lalaki iyong madalas namin kausap tuwing gabi.
Hindi naman ganitong buhay ang gusto kong ibigay kay Eve pero kasi noong dumating siya sa buhay ko, wala akong choice kung hindi ang tanggapin kung anong ibinigay sa amin.
Pinahupa ko muna ang usapan nila at hinintay na tuluyang ma-divert ang topic nila sa kung saan. Pumasok lang ako nang nagsisimula na silang magbangayan kung sino ang maghuhugas ng mga pinggan at kung sino ang maghahanda ng tanghalian.
Dalawang batang maids ang nadatnan ko sa kusina na parehong natigilan nang makita ako. Mabilis silang yumuko at nagkanya-kanya sa mga gawain, siguro kasing-edad lang nila si Holly. Marami ng bagong maids ang Ursula Mansion dahil marami na rin ang nawala, iyong mga matatagal na kinailangan nang umalis.
Tipid akong ngumiti kahit na wala naman sa kanila ang nagtangkang mag-angat ng tingin sa akin. Inabala nila ang mga sarili nila sa mga gawaing bahay tulad nang madalas nilang gawin tuwing tumutulong ako rito sa kusina.
“Anong pinrepare niyo for Eve?” I softly asked them. Sabay pa silang nagtinginan na para bang nagtatanong sa isa’t isa kung sino ang sasagot sa akin.
“A-Ah, sabi po ni Sir Haynes hotdog nuggets daw po ang lutuin namin para kay Eve,” sagot ng isa sa kanila kaya tumango na ako at nilapitan ang counter kung nasaan ang mga pagkaing ready to serve na.
Kung patatagalin ko pa ang presensiya ko kasama sila ay mas mahihirapan sila. Natutunan ko na rin naman kahit paano na mag-adjust para sa kanila. Ako na lang iyong iiwas para hindi na sila mahirapan.
I just helped the maids prepare the foods on the dining table before I called the others for lunch. Hindi isinasabay nina Kuya Haynes at Chelsea sa pagkain nila ang kambal, may oras ang breastfeeding ng mga ito. Si Jessie siyempre ay kasama sa hapag, siya ang katabi ni Eve sa kabila samantalang sa harap namin pumuwesto sina Kuya tulad ng nakasanayan.
“Hindi ka papasok? Kahit half-day?” takang-tanong ni Chelsea kay Kuya Haynes habang nasa hapag kami.
“No. There are lots of attorneys at the firm, Chels. I’m sure one day without me won’t be a loss. Isa pa, wala naman akong kliyenteng i-mi-meet ngayon—“
“Since when did you run out of clients to meet? Noong nakaraan lang halos sa Manila ka na nga matulog ng ilang araw dahil sa mga demanding mong kliyente.” Chelsea’s voice was in a mock, she was surely meaning something.
Na-ibaba ni Kuya ang silverware na hawak niya saka nagpakawala ng buntong-hininga, nilingon niya ang asawa niyang ngayon ay abala na sa pagkain. Jessie and Eve were both silently eating, oblivious of the tension between the married couple. Ayaw ko rin namang makisali kaya nanahimik na lang din ako.
“Look, Chels. We’ve talked about this already. The senator’s daughter was hard to handle, so it took me more time dealing with her—“
“Ah, kaya pala kinailangan mong mag-stay sa Manila ng dalawang gabi? Why? You’ve worked overnight with her too? O baka inumaga rin kayo?”
“Chelsea.” May pagbabanta na ang boses ni Kuya Haynes kaya umirap si Chelsea saka padabog na ibinaba ang mga kubyertos niya. Tumayo siya at walang sabi-sabing umalis. Ni hindi niya pa nangangalahati sa pagkain niya.
“Excuse me, I’ll just follow her,” Kuya calmly said that I just responded with a slight nod before he stood up and left the dining area.
Sure, the married couple had something to talk about that we couldn’t get involved. Galit pa sa akin si Kuya kaya ayaw ko rin munang maki-alam sa kanila, baka mamaya ako pagbuntunan. I was sure, Chelsea could handle my brother… or was it otherwise? Kuya should handle his wife.
Hindi naman sila madalas magkaroon ng malalaking away, pero sa tuwing nagkakaroon sila ng ganitong klaseng away, pahirapan talagang suyuin ni Kuya si Chelsea. My brother’s wife had always been too hard to handle. I also didn’t know how they handled their fight but I was sure, they didn’t hurt each other physically. Malalaman ko na lang talagang hindi sila okay kapag dinidedma ni Chelsea si Kuya.
“Mommy, their plates still have foods,” takang sabi ni Eve sa akin habang hawak niya ang pares niya ng silverware na may Finn at Jake na design. She was well-taught by Bien not to waste foods that was why she knew it wasn’t nice.
Caressing her back gently, I smiled at her. “They just have something to talk about, mahal ko. You should eat fast so you can take a bath and then sleep, okay?”
Umiling siya na ipinagtaka ko. Normally naman ay papayag siya dahil ganoon ang routine niya. Tulog siya ng tanghali tapos magigising around three in the afternoon para maglaro ng console game niya, o kung minsan ay magyayayang mag-swimming.
“I’ll take a bath after this and wait for Jimin oppa, he said he’ll come and we’ll play.” Pagkatapos noon ay ibinalik na niya sa pagkain ang atensiyon niya na para bang iyon ang desisyong kailangang masunod at wala na akong magagawa.
How accurate she was. Alam din siguro niyang siya ang reyna ng buhay ko kaya ganiyan siya.
Hindi ko rin inaasahang maaalala niya pa ang tungkol sa bagay na iyon. I didn’t know if Jimin was serious about it but Eve was serious when she said she would wait for him.
She could sacrifice her sleep just for a playtime with her father.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top