XXVII
Chapter Twenty-seven
Noong tinanong ako ni Bien kung bakit hindi natuloy ang lipad ni Eve patungong Seoul, Korea ay sinabi ko na lang sa kaniyang nagbago ang isip ko dahil hindi ko kayang malayo si Eve sa akin, lalo na at nandito si Jimin. He had broadly understood that and didn’t ask me further questions.
Pakiramdam ko, ayaw niya lang mag-overboard at magtanong ng mga tanong na tingin niya ay hindi ko magugustuhan. I was guilty for it because I had made him feel that he couldn’t cross a boundary within my relationship with him, I had made him feel limited from knowing things about me and I had made him feel unprivileged.
Oo, guilty’ng-guilty ako sa bagay na iyon.
It was as if I had the courage to tell him that Jimin was already seeing my daughter. It might have affected him, the last thing I wanted to happen was he would get preoccupied with trivial things. Baka kapag sinabi ko sa kaniya noon na nagkikita na sina Jimin at Eve ay ma-distract siya at hindi makapagtrabaho ng maayos.
Kaya kung kailangan kong ilihim na nakakasama na ni Jimin si Eve hanggang sa matagumpay niyang ma-ilabas ang bagong grupo ng SMT ay gagawin ko.
Hinayaan kong mag-usap si Bien at Eve habang naghahanda ako ng meryenda para sa bata, kasama ko sa kusina si Jessie samantalang napansin ko si Esen kanina na muling dumikit kay Eve. The cat was seriously so fond with my daughter. Hindi naman naging ganoon kalambing sa akin iyong pusang iyon kahit noon pa, si Jimin talaga iyong gusto niya at madalas niyang lapitan.
Napaka-unfair din talaga ng pusang iyon.
“Ma’am Hanselle…”
Mula sa paglalagay ng strawberry cream sa isang parisukat na flake biscuit ay nag-angat ako ng tingin kay Jessie nang marinig ko ang mahina at alinlangan niyang boses. Natigil ang mga kamay ko sa ginagawa saka nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ko ang paghihirap sa mukha niya.
“Uh, may itatanong lang po sana ako kaso baka po masyadong personal.” She winced as she gulped. Sa hitsura niya, parang hirap-hirap siya sa kung anong gusto niyang itanong sa akin.
Hindi na rin naman bago si Jessie para sa amin ni Eve. Ilang taon na rin niyang inaalagaan ang bata at talaga namang na-attach na sa kaniya ang loob nito. Paniguradong kung maiisipan man ni Jessie, if ever, na umalis ay hindi iyon magiging madali para sa anak ko. Hindi ko rin naman gugustuhing umalis siya, pero hindi naman puwedeng habambuhay ay nasa tabi siya palagi ni Eve.
There would come a time that she would really have to go for herself.
Tipid ko siyang nginitian. “Ask me and then we’ll know if it’s too personal…” I urged her, bringing my attention back to the food I was preparing.
Pagdating sa meryenda ay kahit ano kinakain naman ni Eve. Maintained ang pagkain niya ng matatamis, lalo na ng paborito niyang chocolates. Sa ice cream naman ay limitado lang din, kung kinakailangang huwag ko siyang pakainin noon ay gagawin ko pero siyempre dahil bata siya, mahilig talaga siya sa ice cream. Hindi ko naman siya kaya hindi-an kaya kahit mabigat sa loob ko, pinagbibigyan ko siya.
“M-Matagal na po akong fan ng BTS, M-Ma’am Hanselle. Bata pa lang po ako ay hinahangaan at sinusundan ko na po sila. Bukod po kasi sa ang ga-guwapo nila ay may sense at maganda rin po ng music nila…” Nang tumigil siya sa pagsasalita ay nahinto rin ako sa ginagawa pero hindi ako nag-angat ng tingin.
I had always known Jessie’s admiration for BTS because she wasn’t very secretive about it. Minsan nga ay naririnig ko siyang nagpapatugtog ng mga kanta ng BTS. Tapos nito lang huli matapos niyang malaman na si Jimin ang Daddy ni Eve ay naririnig ko siyang nagkukuwento kay Eve ng tungkol sa BTS. I let her because Eve was still too young to know what her babysitter was telling her.
“Isa rin po ako roon sa mga taong naniniwala sa relasyon nila ni Kang Sally. Bilang isang fan, sinuportahan ko po sila, simula po noong unang beses na may lumabas na balita tungkol sa kanilang dalawa pero marami po kasing nangyari noon. Iyong pinaka-pino-point ko po, may non-showbiz girlfriend po si Jimin dati bago po muling umingay iyong sa kanila ni Sally… ikaw po ba iyon?”
I felt my heart fall with that.
Kakaunti lang ang mga nakaka-alam ng relasyon namin ni Jimin noon, yes, it was true that we were somehow revealed but not literally because I had stayed hidden, my identity had stayed hidden from the public. Kaya siguro ganoon kadali lang iyon kinalimutan ng lahat matapos muling pumutok ang balita na may relasyon si Sally at Jimin.
Parang itinapon na lang basta iyong tungkol sa akin kasi mas interesado sila kay Sally, o mas magandang sabihin na hindi naman talaga kailanman tinanggap ng publiko iyong sa amin ni Jimin.
Isa iyon sa pinakamalaking joke na naranasan ko sa mundo ng K-Pop. It was funny how one month ago, Jimin was revealed to be in a relationship with some unknown girl and then after a month, his relationship with Sally was once again revived.
‘Sally and Jimin have just had a short breakup, the girl must be just his rebound!’
‘poor girl. she must have been thinking that jimin will srsly choose her over sally!’
‘its nice she gone! Its still Sally and Jimin in the end!’
'im sure shes not that beatfl lol'
How could I forget how people had talked to me and treated me badly like they knew everything?
Buntis ako ng mga panahong iyon at may hindi stable na emosyon kaya sobra-sobrang pagpipigil ang ginawa ko noon para lang huwag mag-post at ipaalam sa lahat iyong side ko. Hindi ko iyon ginawa at proud ako sa sarili ko dahil doon. Iyon lang yata iyong pinaka-tama at pinaka-sane na ginawa ko noon dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa sarili ko dahil sa mga ginawa ko noon.
I had dangerously risked myself numerous times for him before and I wasn’t very proud of it. Na ilang boses kong binalikan ang mga iyon, I re-imagined everything so many times that I wished I should have done otherwise.
Sana itinoon ko na lang iyon atensiyon ko noon sa sarili ko kaysa ang sundan siya sa mga broadcasts at fan meetings nila.
“Sabi ko nga po masyadong persona—“
“Yes, it was me…" Putol ko sa kaniya. Ibinaba ko ang hawak kong flake biscuit sa plato saka bumuntong-hininga. “Hindi ko alam ang opinion mo tungkol doon pero tapos na iyon, Jessie.”
“To be h-honest po, naiinis po ako noon sa non-showbiz girlfriend ni Jimin, Ma’am Hanselle, kasi naniniwala po ako sa relasyon nila ni Sally. Inaamin ko pong natuwa ako noong magkabalikan sila at nawala sa eksena iyong babae…” Humina ang boses niya kaya muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya.
Ngumuso ako nang makita kong nagpupunas siya ng mga mata saka marahas na nagpakawala ng buntong-hininga.
“Hindi ko rin po kasi alam talaga iyong totoo pero sa nakikita ko po ngayon, alam ko pong may mga nangyari noon sa inyo na hindi alam ng lahat. At si Chan po? Isa po siya sa mga nangyari noon kaya nagsisisi po ako, parang isa po ako sa mga taong pinagkaitan si Chan ng… ng p-papa.” Nabasag ang boses niya at nanginig ang mga balikat niya kaya agad akong nag-panic.
I was quick to cut the distance between us as I hesitantly held her arms, lightly shaking her since I still didn’t like moments like this. Hindi pa nakatulong sa awkwardness na nararamdaman ko na pakiramdam ko ay ako ang dahilan ng pag-iyak niya.
“Hey, what happened before was long done. Walang Daddy si Eve ngayon hindi dahil sa mga taong iyon, hindi ko sila sinisisi dahil may karapatan silang paniwalaan ang gusto nilang paniwalaan. Kami ni Jimin ang may kasalanan, pero hindi ko sinasabing pagkakamali si Eve. She just came the wrong time but she still is so much precious to me.” Marahan kong hinaplos ang mga braso ni Jessie, umaasang titigil siya.
I wanted to hug her to make her feel that she didn’t need to feel guilty about it because she just believed what was lent right in front of my eyes. Kahit siguro ako, iyon din ang paniniwalaan kung ako siya.
“May papa sana s-si Chan ngayon kung hindi kayo naghiwalay…” she brokenly uttered in between sniffles.
“Though yes, you’re right. Baka nga may Daddy siya kung hindi kami naghiwalay.” I smiled sadly, thinking about that beautiful reality that was taken away from my daughter.
That was just one of the existing what ifs in between Jimin and I. What if he didn’t leave me before? We could have been married now. What if he had just told me the truth before leaving? I might be hurt but I would still have to accept it.
Ang pagkakamali kasi ni Jimin noon, iniwan niya ako ng walang rason at eksplenasiyon kaya sobrang hirap para sa akin ang magpatawad. I would let him into my life, that was something I failed to control but I knew deep within me, I still pampered in my heart the pain and hatred I had for him.
I still couldn't forgive, and I didn't think I ever would.
"H-Hindi niyo po ba naisip na bumuo ng p-pamilya para kay… k-kay Chan?" Her voice was still broken but curiosity was dripping.
"Handa akong bigyan ng pamilya ang anak ko, Jessie… pero hindi kasama si Jimin doon."
Hindi na siya muling nagtanong pa pero naririnig ko ang mahihina niyang sinok habang tinutulungan ako sa paghahanda ng meryenda. Siya ang naghahanda ng inumin samantalang ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng cream sa mga flake biscuits.
Nang matapos kami ay lumabas na kami ng kusina at bumalik sa living room. Nakita kong tumatawa si Eve habang paulit-ulit na nag-pa-flying kiss sa screen, dahil malakas ang volume ng tablet ay naririnig ko rin ang malakas na halakhak ni Bien.
"I miss you, Tito Bien! Why can't you go here?" Ngumuso si Eve na nakapagpangiti sa akin. Kanina ko pa naririnig sa kaniya ang tanong na iyan.
["Because I still have works here, baby. Didn't I promise you that we'll raid places there when I'm done here? We can also buy all the chocolates you want!"] Iyon din ang paulit-ulit na isinasagot ni Bien sa kaniya na masaya naman niyang tinatanggap.
Inilapag namin ni Jessie ang mga pagkain sa coffee table na nasa gilid dahil nakalatag pa rin sa sahig ang mga rubber carpet ni Eve. Nang sinulyapan ko si Eve ay nakita kong hinarap niya sa akin ang screen ng laptop niya kung saan ko nakita si Bien.
My heart felt like leaping out of my chest when I saw his handsome form. He was smiling, his background was pure white but I could hear faint noises such as voices from his part. Mukhang nasa SMT building siya at nagtatrabaho.
"Hi Bien-ssi…" nakangiting bati ko sa kaniya saka dumampot ng dalawang magkapatong na flake biscuits. Lumapit ako sa couch na pinupuwestuhan ni Eve. "You look nice."
Tinanguan ko si Jessie nang magpaalam siya para magtungo sa kuwarto ng kambal kung nasaan ang mga babysitter ng mga ito. Close na siya sa dalawang iyon dahil magkaka-edad sila.
["How hard it is to admit how handsome I am, Seol-ah?"] Bien teasingly asked while I carefully handed Eve the flake biscuits that she happily took.
Ibinalik na ni Eve ang ayos ng tablet sa mga hita niyang nakatuwid at magkadikit. Hindi naman lumalampas sa upuan ng couch ang mga paa niya dahil napakaliit lang niya. She cutely bit on the biscuits and giggled at the first bite.
["Chan, tell me, is your Tito Bien handsome?"] tanong niya kay Eve.
"You're very handsome, Tito Bien. My teacher likes you…" malambing na sagot ng anak ko na ipinagsalubong ng mga kilay ko. Sure, it was months already since I found out that Eve's teacher liked Bien but I didn't expect my daughter to still remember that.
Narinig ko ang awkward na halakhak ni Bien at nang sulyapan ko siya ay halos hindi siya makatingin sa akin kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata. Humalukipkip pa ako para lang ipakita sa kaniyang hindi ako natutuwa dahil doon.
["Ah, ah, Park Hyechanie, you shouldn't know things like that. You're still a kid."] He uncomfortably shifted in his seat, still refusing to meet my gaze.
"I'm already four, Tito…" Eve even innocently raised her one hand where her four fingers were up before she turned her head to me. Inirapan ko si Bien saka nginitian ang bata. "I miss school, Mommy. When can I go to school again?"
Hindi ko pa rin napag-iisipan ang tungkol sa pag-aaral ni Eve. Masyado akong caught up sa sayang dulot ng lapit namin sa isa't isa na hindi ko alam kung kaya ko bang magkaroon na naman siya ng ibang bagay na pagkaka-abalahan. Hating-hati na nga ang atensyon niya sa akin sa iba pang tao e, ngayon lang kami talaga nagkaroon ng ganitong pagkakataong magkasama ng matagal.
Seeing Bien as my escape, I stared helplessly at him. Alam kong kapag hindi nawala sa isip ni Eve ang tungkol sa pag-aaral niya, ingungutngot niya iyon sa akin at hindi titigil hangga't hindi siya napapagbigyan.
["Baby, can you wait for Tito? I'll just finish my work here and then when I go there, we'll also talk about your school. You want to study there?"] Sobrang lambot ng boses ni Bien na tila natatakot ding hindi magustuhan ng bata ang sagot niya.
Kumagat sa biscuit si Eve bago umiling. "It's hot here. I miss my school and my classmates," she innocently answered so I already made up my mind.
Kakailanganin naming bumalik sa Korea para sa pag-aaral ni Eve. Hindi na rin masama dahil naroon ang trabaho ni Bien, isa pa, naroon din ang isa sa Eve's. I could tell Evah that I could take over Eve's Seoul for a while. Hindi ko pa alam ang plano nila Evah at Namjoon pero paniguradong sa Korea rin nila pipiliing manirahan dahil kay Namjoon.
Sigurado namang may trabahong babagsakan ang BTS sa Bighit Entertainment kung sakali mang ma-disband sila.
["Okay, we'll let your Mommy decide about that, baby. You should always ask her first if what you want is fine with her. You're not being stubborn there, aren't you?"] Sumeryoso ang hitsura ng mukha ni Bien kay Eve na tahimik na nakikinig.
Yumuko ako para dumampot ng biscuit saka lihim na natawa dahil attentive na attentive si Eve habang nakikinig kay Bien. Hinaplos ko ang likod ni Eve nang muli akong umayos ng upo sa tabi niya at muling tinitigan si Bien sa screen.
"I'm not stubborn…" mahinang sagot ni Eve saka yumuko.
["Of course, you're a good baby girl,"] proud na sabi ni Bien kay Eve kaya napangiti ng malapad ang bata at tila proud na proud din sa sarili.
Kung anu-ano pa ang pinag-usapan ng dalawa. Minsan ay sumisingit ako kapag ipinapasok nila ako sa usapan nila. I could see that my daughter was more comfortable talking in Korean and that was understandable since she grew up in Korea. Sobrang dami nilang napag-uusapan dalawa, para bang hindi sila nag-uusap tuwing gabi. Kahit mga sa tingin ko ay walang kuwentang bagay ay pinag-uusapan nila, hindi siyempre mawawala ang mga reminders ni Bien kay Eve na masunurin namang tinatanguan ng bata.
In the end, he promised my daughter to immediately finish his work in Korea so he would come here sooner. Sinabi ko sa kaniyang hindi niya kailangan magmadali na agad namang kinontra ng bata.
"I wanna see him, Mommy!"
Bumuntong-hininga na lang ako saka tumango dahil baka magalit pa siya at umiyak na naman.
Nang matapos niyang makipag-usap kay Bien ay natuwa ako nang kusa siyang lumapit sa akin at yumakap. She softly rested her head on my shoulder and in just a minute, she was already breathing peacefully and calmly. Napagod yata siya sa pakikipag-kuwentuhan kay Bien, mabuti na rin iyon dahil nakalimutan niya iyong tungkol kay Jimin.
I just asked Jessie to fix our bed so I could let the baby sleep there. Hinalikan ko siya sa noo nang ma-ilapag ko siya sa kama matapos ko siyang kumutan.
To be honest, I didn't know for until when we would have to be in this kind of setup. She had both Bien and Jimin in her life, she could have them forever so I wouldn't want any of them to go. Kung sa buhay ko naman, alam ko sa sarili kong hindi puwedeng dalawa sila. I couldn't be greedy and want them both for myself because they both had emotions but how could I decide if I knew, for whatever decision I might come up to, it would still affect my daughter.
Palabas na ako nang kuwarto ko nang makarinig ako ng phone na tumutunog. It had a different ringtone from the ringtone of my phone so I already knew it was Eve's phone. Nahanap ko iyon sa beside table katabi ang lamp at isang maliit na Jake stuffed toy ni Eve.
Iisang tao lang naman ang puwedeng tumawag o mag-text sa number na nandoon sa phone ni Eve kaya matagal din akong napatitig doon. Kung hindi lang gumalaw si Eve ay baka hinayaan ko na lang iyon sa pagtunog. I quickly cut the distance to the beside table with silent steps and picked the phone only to see his name.
Jimin oppa…
Si Eve ang nagsabi sa aking iyon ang ilagay na pangalan ni Jimin.
Bago ko sagutin ang tawag ay lumabas muna ako ng kuwarto namin ni Eve saka naglakad patungo sa kabilang silid, kuwarto iyon ni Holly at wala naman siya rito kaya okay lang na pumasok ako. Hindi naman siya magagalit dahil noon pa niya pinagtatanggal ang mga BTS posters niya kahit na hanggang ngayon ay fan pa rin siya.
Isa pa, hindi naman ako makiki-alam sa mga gamit niya.
With a deep sigh, I swiped the screen and put the phone over my ear. "Hello?" My voice was annoyingly soft and pampering, I hated myself. Pumikit ako ng mariin saka palihim na tumikhim para ayusin ang tono ng boses ko. Ang huling gusto kong mangyari ay maisipan niyang posible pa ang mga gusto niyang mangyari.
["Yoboeseyo? Is this H-Hanselle-ssi?"] It wasn't Jimin's soft raspy voice, it was Sally's soft beautiful voice.
Humigpit ang hawak ko sa phone kasabay nang pagbilis ng tibok ng puso ko. Why was I so affected of her, with anything that involved her or just her name, I didn't know. Pinagsisisihan ko na noon pa na nagalit ako sa kaniya kahit na wala naman talaga siyang kasalanan pero hindi ko pa rin talaga mapigilang maapektuhan sa kaniya.
She had played a big role in my relationship with Jimin before and was still paying a big role into the relationship of my daughter with Jimin now.
"Y-Yes…" I answered, gulping hard. "You're Sally, right? You're calling using Jimin's p-phone." I hardly bit my lower lip, taming my harsh tongue and keeping myself from blurting out words I would seriously regret after.
["Y-Ye. H-He's asleep. Uh, I just c-called because I want to personally talk to you."] Her voice wasn't even changing tone, it was still so soft and very sweet.
Maling-mali ako sa mga pinag-iisip ko sa kaniya noon. I had thought so badly of her, even thought mean things for her and mentally told her things she didn't deserve in the first place and now that I was hearing her soft voice, she was proving me how she didn't really deserve all the hatred I reserved for her.
Para siyang hindi makabasag pinggan, na tila takot siyang may masabi siya sa aking hindi ko magugustuhan at ikagagalit ko. She sounded too careful and very soft it hurt because it felt like she was a hundred times better than me. That if Jimin would tell me that he chose Sally because she was better than me, then I would seriously understand.
Nakikita ko na kung bakit ako iniwan ni Jimin noon, kung para naman sa babaeng nasa kabilang linya, siguro nga kahit sino ay gagawin din ang ginawa ni Jimin. Anyone would have chosen Sally over me, it only would make sense.
["Y-You still there? Sorry for c-calling so sudden, I just really really need to talk—"]
"No, don't apologize. You can text me where you want us to talk."
Pumayag ako dahil mas gusto kong marinig kay Sally ang lahat kaysa kay Jimin. Baka kasi kapag kay Jimin ko mismo marinig ang lahat, baka hindi ko kayanin, baka madurog na naman ang puso ko.
It had taken me years and effort to lift myself up and put the pieces of my heart together… I didn't want another heartbreak from Jimin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top