XIV
Chapter Fourteen
My head harshly thrashed side wards just as I felt both of my cheeks sting because of the hard slap my mother had given me.
"Mang!" Narinig ko ang malakas na tili ni Holly pero nanatili akong nakayuko at iniinda ang sakit ng magkabila kong pisngi.
Kahit kailan ay hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni Mamang o kahit ni Papang. Noong mga bata pa kami ay madali kaming napapa-amo ng mga banayad nilang pangaral sa amin. They would just scold us and a sweet talk after for us to learn… it was always like that. Kasi hindi naman kami mga batang pasaway noon.
Yes, we had done mistakes. Ano nga ba ang mga pagkakamaling iyon, aksidente naming nabasag ang favourite and imported vase ni Papang?
"I got mad because the broken vase could've wounded you. Play at the garden or at your room instead." Hindi naman talaga iyon sermon, saway lang.
Hindi namin inubos ang pagkain sa plato namin?
"A lot of people are starving, don't waste food."
Kinatamaran naming ligpitin ang mga laruan namin?
"Clean after playing, right?"
Naalala ko noon, my mother had to scold me because I wanted her to buy me a cat. Ayaw lang talaga ni Mamang na may hayop sa bahay, but she didn't hate them. Iyong pinatawag si Holly kasi may inaway siyang kaklase noon. Kinampihan pa ng mga magulang ko si Holly kahit na siya ang nakasakit pero matinding pangaral naman ang inabot sa bahay. Si Kuya Haynes naman ay pinagalitan ni Papang dahil na-ibagsak niya ang isa sa mga major subjects niya noong first year highschool siya, Papang just had to restrict his spendings as a punishment.
We had done a lot of bigger mistakes than that but never… never did they hurt us physically. At hindi ako nagagalit ngayon dahil lang sinaktan ako ni Mamang. Hindi masama ang loob ko dahil sinampal ako ni Mamang dahil sa totoo lang, kulang pa iyon. Kulang pa iyong mag-asawang sampal na iginawad niya sa akin.
I would let her hurt me because it would only give justice to all the mistakes I had done. I needed it for my own resolves.
Malakas akong suminghap nang may hikbing kumawala sa lalamunan ko saka ako dahan-dahang nag-angat ng tingin kay Mamang, hindi ko na napigilan. And it pierced my heart even more when I saw her eyes pooled with both disappointment and anger.
"M-Mang…" I sobbed just as I tried to reach for her but she shook her head just as she stepped backward, looking disappointedly at me.
Ang ibang tao sa living room ng bahay ay tahimik lang na tipong nakikisimpatya sa nangyayari. That made the atmosphere even more agonizing and painful for me. Lalo na nang makita kong maglakad si Papang palapit kay Mamang at bahagyang niyakap. Gusto kong lapitan si Mamang para punasan ang mga pisngi niyang ngayon ay puno na ng mga luha, pero alam kong kapag ginawa ko iyon ay masasaktan ko lang siya lalo.
"H-Hindi kita pinalaking… g-ganito. Hanselle, i-ibinigay namin sa'yo ang tiwala namin ng Papa m-mo, hindi para biguin kami ng ganito. H-how could you do this to u-us?" Basag na basag ang boses ni Mamang, katulad ng unti-unting pagkabasag ng puso ko dahil sa sakit na sumasalamin sa mga mata niya.
A disappointment.
Matagal ko nang tinanggap sa sarili kong isa akong malaking kabiguan. Isang failure. Pero sobrang sakit pala kung sa mga magulang ko mismo narinig iyon. Kasi sila… wala silang ginawa kung hindi ang pagkatiwalaan ko. Breaking their trust was worst than having my trust broken.
Nanginginig ang mga kamay nang pinunasan ko ang basa kong pisngi. Sobrang sakit, kasi tama sila. Tama si Mamang.
"I-I'm so sorry, M-Mang. I'm so sorry." I cried in front of them. Hindi ko naman inaasahang magagawa nila agad akong tanggapin, kami ng anak ko pero hindi ko inaasahang dudurog sa puso ko ang makita silang disappointed sa akin.
"Ate, paano mo nagawa i-ito?"
Nilingon ko si Holly habang tahimik na pinapatahan ni Papang si Mamang. Alam ko, kahit na kalmado lang si Papang ngayon, alam kong galit din siya dahil sa mga mata niyang walang emosyong nakatitig sa akin.
"Holly, I'm sorry…" I told her.
She bit her lower lip just as her eyes slowly blinked with fresh tears. Dahil sa nangyari ay hindi na siya naka-alis para puntahan si Ion. Nilingon niya si Eve na nakatayo kasama sina Evah sa may hagdan, at panibagong luha ang namuo sa mga mata ko nang makita ko kung paanong lumambot ang mga mata ni Holly pagkakita kay Eve.
My daughter was just innocently watching us, too innocent to know what was happening. Mahigpit na hawak niya ang mga kamay ni Em na nakatayo sa tabi niya. Naroon din si Kuya Haynes para samahan si Eve, samantalang nagpapahinga pa rin hanggang ngayon si Chelsea pati ang kambal na tahimik kong ipinagpasalamat dahil kailangan nila ng pahinga.
"Oh my g-gosh, Ate Hanselle!" Holly exclaimed, at saka pa lang bumagsak ang mga luha mula sa mga mata niya bago ako mabilis na binalingan. "She exactly looks like her father!" she said in awe and realization.
Sinasabi ko na nga ba. It wouldn't take long for anyone who knew about what I had with Jimin before to realize everything upon seeing Eve. She had all the evidence of my past, her whole existence did.
"Who's her father, Hanselle?" Muling naagaw ni Mamang ang atensyon ko nang magsalita siya. Nagpupunas na siya ng pisngi at nasa likod na niya si Papang.
Napalunok ako dahil iyong tanong na iyon ang pinakamahirap sagutin sa lahat. Hindi nila kailanman nakilala ng personal si Jimin, bukod sa isa ito sa grupong kinalolokohan ni Holly noon so how would I answer them? Would that even make sense?
Truth… only truths, remember, Hanselle? My inner Goddess picked at my conscience again.
I mentally nodded. Ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako magsisinungaling at maglilihim pa sa pamilya ko. Kung ang pagsasabi sa kanila ng totoo ang magpapagaan ng guilt na nararamdaman ko… then it was all just the truth then.
"Hanselle…"
I was just about to answer when I heard Kuya Haynes' deep warning voice. Alam kong gusto niyang pag-isipan ko muna ito pero hindi ba sapat na ang limang taon para masagot ko na sa harap ng mga magulang ko ang tanong na iyon? Hiding my daughter was the greatest mistake I had ever done, so I needed to pay for it and there was only one compensation, the truth.
Hindi ko nilingon si Kuya Haynes, sa halip ay sinalubong ko ang malungkot na mga mata ni Mamang kahit na muli na namang namamasa ang mga mata ko. Mahirap sagutin, kasi hindi ko alam kung magiging sapat ba sa kanilang tanging pangalan lang ang maisasagot ko o kailangan ko pang sabihin sa kanila kung ano ang naging papel nito sa buhay ko.
But then, I answered them what I had in my heart. "He's Park Jimin, Mang. M-My ex-boyfriend…"
Matapos kong kumatok sa pinto ng kuwarto nina Evah ay pinihit ko ang seredura saka ko itinulak pabukas. My eyes immediately landed on the white bed located at the center of the room. Naroon nakapalibot sina Evah, Aly at Em sa natutulog na si Eve. Tipid akong ngumiti habang naglalakad palapit.
Evah stood from the bed and gave way for me. Nagpasalamat ako sa kaniya bago ako naupo sa kaninang inuupuan niya. My smile widened as I saw my daughter, sleeping peacefully. Napagod malamang siya sa kaka-iyak dahil pinagkaguluhan siya nina Papang at Mamang kanina, isama pa si Holly na talaga namang hindi siya tinantanan. The latter had totally cancelled her date with her boyfriend.
It was fine. It was fine for me if they couldn't forgive me for now, handa naman akong maghintay e, ang mahalaga, tanggap nila si Eve. I was so happy and satisfied while I was watching both of my parents having fun with my daughter earlier. Kahit na halatang naiirita si Eve dahil hindi niya kilala ang mga ito ay kinagiliwan pa rin siya ng mga magulang ko.
That was all I wanted, to be honest. To find the acceptance that my daughter deserved.
Nag-angat ako ng tingin sa tatlo nang makarinig ako ng hikbi. Nanubig ang mga mata ko nang makita kong humihikbi si Em habang nakatingin si Aly sa kaniya. Ilang saglit lang ay napahikbi na rin si Aly… they both carelessly cried in front of me.
Seeing my friends cry was like a refreshment for me. Hindi ko sinasabing natutuwa akong nakikita silang umiiyak pero dahil doon ay mas naramdaman ko lang na sa wakas, tanggap na ng mga magulang ko ang anak ko at ganoon din ang nararamdaman nila kaya sila umiiyak.
Tapos na ang matagal na paglilihim at pagtatago.
Evah walked towards them and both jailed them inside her arms as she smiled at me genuinely though the two just cried even harder. Masaya siya, hindi man niya iyon maidaan sa pagluha dahil alam kong hindi siya iyakin, alam kong masaya siya para kay Eve.
"I'm just s-so happy for our baby g-girl." Em sniffed through clogged nose and husky voice. She tended to be really overly emotional because she was pregnant. Napapadalas na nga rin ang pagpapakita niya ng mga morning sicknesses niya.
Lumapit ako sa kanila ng dahan-dahan para hindi magising si Eve at sumali sa yakapan nila. I showered them, "Thank you."
"You did right, Hanselle. Kilala kitang mahina ang loob, pero iyong ginawa mo kanina, katapangan iyon…" Evah softly told me when she pulled off the hug. Naupo siya sa espasyong nasa pagitan nina Aly at Em.
"For Eve, I'll do everything. No restrictions for now. Hindi ko na siya itatago. I'll be the best mother I deprived her to have." Nilingon ko si Eve at muli kong naramdaman sa puso ko ang kaginhawaang sa kaniya ko lang nararamdaman. I wouldn't deny that I had been a bad mother to her. Inaamin kong nagpadala ako sa kaduwagan ko maging sa galit ko na nagawa kong ipagkait kay Eve ang mga taong dapat ay matagal na niyang nakilala. At pinagsisisihan ko iyon.
That was so immature of me. I was actually still very immature even after all those years.
"Oh my baby angel, she deserves all the love!" Em hissed loudly as she laid beside Eve and carelessly pulled her in a tight hug.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya dahil baka magising ang bata pero nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang hindi naman nagising si Eve at yumakap pa pabalik kay Em. Her small pink plump lips were slightly apart and her chest rose and fell for heavy and calm breathing.
"She almost stirred up, Em!" natatawang sabi ni Aly na humupa na rin sa pag-iyak. Nakangiting nagkibit-balikat si Em saka mas lalong idiniin ang bata sa kaniya at pinanggigilan.
"Ang bango-bango ng baby girl namin. Dito mo na lang siya patulugin," Em said, snuggling the sleeping baby.
Baby, maglilimang taon na si Eve pero baby pa rin talaga kung ituring siya nitong tatlo, hindi na rin talaga ako magtataka kung bakit napaka-spoiled ng batang iyan.
"Yes, yes! I need a cuddle baby! We'll just lower the temperature down so she won't cry later," ani Aly, hinahaplos ang buhok ni Eve.
"Fine, just don't think twice to knock on my door if she cried in the middle of the night," sabi ko saka nilingon si Evah.
"I'll just take another room, Hanselle. These two would seriously kick me out later, can I just have the WiFi password?" Evah considerately said, slowly shaking her head over the two ladies who were now giggling because of my daughter's cute snoring.
"Oh sure, sure, Eve's' boss' boyfriend is waiting~" Em chimed teasingly that made Evah gap her mouth.
"Let me sleep," bulong ni Aly kaya nagkatinginan sina Em at Evah, parehong ngumunguso dahil sa indirect na pananaway sa kanila.
Sure again, I was left alone still reading the previous page while they were all now flipping pages, all in the same page.
Kinabukasan ay hindi na ako nagulat nang makatanggap ako ng cold treatment mula kay Mamang. It was fine. Tulad nga ng sabi ko, handa akong maghintay para sa kapatawaran nila though my father was treating me a bit nicely. Si Holly ay pinapansin din ako, kanina pa rin niya nilalapitan si Eve at nilalaro kahit na hindi siya nito ganoong pinagtutuunan ng pansin.
"What is this, Pang?" I asked Papang when he called me to his home office and handed me white a folder.
My father's house office screamed intimidation with its woody brown motif, every equipment was made of woods but the way they were placed as if to warmly welcome visitors would contradict to the intimidating atmosphere. A high shelf filled with different variants of books and proud plaques of different achievements my father had made was built as one of the walls.
Naka-upo siya sa swivel chair sa likod ng mesa niya. Sa likod niya ay mayroong platform na may dalawang baitang na hagdan ang taas at naroon ang floor to ceiling window kung saan makikita ang teahouse ni Mamang sa garden. Nakasara ang white laptop na nasa mesa niya sa harap niya at kahit nasa bahay lang siya ay naka-long sleeves siya at tie.
"That's a new found orphanage, Hanselle. Sa Cebu ang main home niyan. Ikaw ang gusto kong humawak niyan dahil nakapangalan na kay Eve ang orphanage."
Hindi makapaniwalang napatitig ako kay Papang mula sa pagtingin sa hawak kong folder nang marinig ko ang sinabi niya. That answered the bold and Calibri font style 'Eve's Heaven' in front of the cover. Iyon ang pangalan ng orphanage.
"Pang…" I uttered in utmost shock as I felt my heart well up. Dahil hindi ko inaasahang gagawin ni Papang ito gayong kakakilala pa lang nila kay Eve. I was still very delighted by their acceptance towards Eve and now, this.
"Hanselle, I'm still very mad because of what you've done but Eve is my granddaughter. My first grandchild. She deserves the world, she deserves all the luxurious things other that the very love I could give her. Matagal mo siyang itinago sa amin at pinagsisisihan kong ngayon ko lang siya nakilala…"
Halos mapaluhod ako sa harap ni Papang dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. It was my mistake and I couldn't believe he was taking a part of that mistake. Nakatitig lang ako sa kaniya habang mahigpit na hawak ang folder samantalang prente lang siyang naka-upo sa upuan niya at seryoso ang titig sa akin.
"Accept it. Don't deprive me of doing things for my granddaughter, and expect so much from your mother. She's planning to do something big for Eve."
Kahit nang lumabas ako ng office ni Papang ay nanatili akong walang imik at gulat pa rin. Naghahalo ang saya at dismaya sa puso ko. Masaya ako dahil sa ipinapakitang pagmamahal at pagtanggap ng mga magulang ko kay Eve pero nadidismaya ako sa sarili ko.
This could have happened sooner if I had only let it. How could I deprive my daughter so much love she could get?
Matapos kong maitago ang folder sa kuwarto ko ay bumaba ako sa living room kung nasaan si Eve at Jessie. Si Mamang ay nasa Montecarlos habang si Kuya Haynes at Chelsea ay nasa Ursula Law Firm dahil si Kuya ang inatasan ni Papang roon. They left the twins with the care of their nannies at nandito rin naman kami. Evah and Aly both went with Em for the latter's checkup.
"Eseeen!" Narinig ko ang boses ni Eve na sinundan niya ng halakhak sa dulo kaya napahalakhak na rin ako.
Nang tuluyan na akong makarating sa living room ay nakita kong nilalaro ni Eve si Esen sa long couch samantalang si Jessie ay naka-upo sa single couch at kinakalikot ang phone niya. Sa mesa ay may isang bowl ng M&M chocolates and two tall glasses of water, mayroong standing electric fan sa gilid ng couch at nakatutok sa kaniya kaya nililipad ang dulo ng suot niyang flowing spaghetti dress at ang buhok niya.
I smiled when I saw her laughing while Esen was wriggling on top of her lap. Kapag nakangiti siya ng ganyan… kamukhang-kamukha niya ang tatay niya, ang pagkakabinat ng mga labi niya at pagkakawala ng mga mata niya. Hindi rin maipagkakailang ang fondness na ipinakapakita ni Esen sa kaniya ay katulad din ng fondness nito kay Jimin noon.
Magkatulad na magkatulad.
Minsan nga naisip ko, bakit hindi ko iniwan si Esen sa bahay ko sa Taguig katulad ng ginawa ko sa iba pang bagay na konektado sa amin ni Jimin? Then I realized, because Esen needed to be in my daughter's life. Kahit huwag na si Jimin, kahit si Esen na lang. I had settled for that because that was what lent for me… it was what only lent for me.
"Mahal ko," tawag ko kay Eve bago ako umupo sa tabi niya. She knew basic Filipino words and that I thanked Jessie for. Plus, it was my endearment to her.
Natigil siya sa pakikipaglaro kay Esen at tiningala ako gamit ang singkit niyang mga mata na bahagyang kumukurap. Her curly hair was now freed, hanging beautifully behind her. Itim na itim ang mga iyon at medyo may kahabaan na.
"How's your catching up with your Lolo and Lola last night?" I asked her since I didn't have the chance to ask her yesterday. Hindi ko na kasi siya ginising dahil sa himbing ng tulog niya.
Nawala sa akin ang mga mata niya nang tumalon si Esen mula sa kandungan niya. Suminghap siya at muling bumaling sa akin para humingi ng tulong na kunin si Esen habang nakaturo siya rito. Hinalikan ko muna siya sa ulo bago ako yumuko para buhatin si Esen at dahan-dahang ilapag muli sa kandungan niya.
She wriggled happily as she started tickling the poor cat. Hindi kaya na-to-torture na itong si Esen sa anak ko at hindi lang makapagsalita?
"Eve," muling tawag ko sa kaniya dahil naghihintay ako ng sagot.
"I missed my halmeoni and my harabeoji," hindi lumilingong sabi niya sa akin na puno ng lungkot ang boses.
I silently gaped at what she said. Ang grandparents niya sa father's side ang tinutukoy niya dahil malapit siya sa mga ito. Buong buhay ni Eve, kasama niya ang grandparents niya sa father's side. Lumaki siyang nasa tabi niya ang mga ito kaya hindi ko siya masisisi kung na-mi-miss nga niya ang mga ito.
Akala ko, handa na ako. Handa na akong ibigay sa kaniya ang lahat… pero mali ako. Kasi hindi, kailanman, hindi ako papayag na makilala niya ang tatay niya at natatakot akong kailangan kong ilayo siya sa mga magulang ni Jimin.
Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin na lang siyang laruin si Esen ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na siya masyadong tumatawa. Though I could promise her one thing, hindi na ako lalayo sa kaniya. I would now push my acting mother to a higher level… no restrictions.
Yumuko ako sa kaniya at marahang niyakap siya. Hindi man siya gumanti ngayon, sa susunod, sinisigurado kong yayakap na siya sa akin pabalik. Nasa ganoon kaming sitwasyon nang may dumating na isang kasambahay na may dalang isang pumpon ng pamilyar na mga bulaklak.
Sa akin siya lumapit, bahagyang nakayuko at hindi makatingin sa akin. I didn't recognize her as one of our old maids so maybe she was new.
"Miss Hanselle, may dumating pong d-delivery para po sa inyo…" She softly told me as she carefully handed me the bouquet of white forget-me-not flowers.
Nagtatakang tinanggap ko ito. "Galing daw kanino?" tanong ko sabay lapag ng pumpon sa kandungan ko. I inspected it until I saw a white rectangular card near the mint ribboned knot.
"'Di po sinabi, Miss," sagot niya kaya tinanguan ko na lang siya bago umalis.
Nilingon ko si Jessie at nakita kong manghang nakatitig siya sa pumpon ng mga bulaklak na nasa kandungan ko. Alinlangan ko siyang nginitian saka ko tiningnan ang card.
'Flowers to keep me stored in your forgetful mind.'
Iyon lang ang nakasulat sa card sa hindi masyadong maayos ngunit malinis na sulat-kamay at wala man lang ibang hint ng kung kanino man ito galing. Wala rin naman akong kilalang puwedeng magpadala nito. Not Bien. Hindi iyon mahilig magbigay ng flowers at busy siya kaya paniguradong hindi siya. At nasa Seoul siya.
Who could it be?
Ngayon lang ako nakatanggap ng flowers galing sa isang mysterious sender. Gusto kong isipin na baka hindi para sa akin ang mga bulaklak, kaso ay paborito kong bulaklak ang mga ito. The sender must have known that I liked forget-me-nots.
Seriously, who gave these flowers? There was only one person that I knew who knew about my interest with forget-me-nots…
"Ma'am Hanselle, galing po kanino?!" kinikilig na tanong ni Jessie sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Malapad siyang nakangiti habang may kislap ang mga mata. Eve remained innocently playing with Esen, not giving a damn.
White forget-me-not flowers. Mahilig ako sa kahit na anong uri ng forget-me-nots pero ngayon ko lang naisip na maganda pala ang white.
For a while… I remembered him. I remembered Jimin when he had given me blue forget-me-not flowers years ago, when he had appeared in front of my house holding a bouquet of blue forget-me-nots and was trying to get me back. Kung paano siyang umiyak at nagka-awa noon sa harap ko.
The memories were still so damn fresh in my mind… na para bang kahapon lang silang lahat ng nangyari.
Tss. He had given me so much good memories to reminisce but he had also left me bad memories to shake away from my mind. Pero siyempre, malabong-malabong sa kaniya ito galing dahil masaya na siya sa buhay niya ngayon. Masaya sila ni Sally.
Bumuntong-hininga ako saka sumagot sa tanong ni Jessie. I smiled at her as I shook Jimin's memory away from my mind. There was no reason for me to think about him. Not again. Isa na lang siyang masakit na parte ng nakaraan ko.
"Honestly, I never liked secret admirer things… but this is kinda cutely mysterious. Kung kanino man ito galing, salamat na lang," natatawang sabi ko. "Bien would seriously freak out if he heard about this."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top