XII

Chapter Twelve

"B-But will... will it really be fine?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Bret sa akin, laglag ang panga at nanlalaki ang mga mata. Ang akala niya siguro ay nagbibiro lang ako. Totoong marami pa akong trabahong gagawin at totoo ring may tiwala ako sa judgement niya.

I knew how logical and twisted his mind at the same time, napatunayan ko iyon noong dinala niya sa ospital ang best friend ko.

"Of course. Ikaw na rin ang mag-orient sa kanila. Did you follow what I told you? Sinabi kong kumuha ka ng assistant manager, 'di ba? It's for you. Ah, tell the staffs that we're accepting student interns. Kaya kung may request sila, just make a request letter and send it to me for approval, okay?" mahabang litanya ko para i-distract ang gulat na nananatili pa rin sa mukha niya.

We started accepting working students months ago, kaya hindi na rin masama na tumanggap ng student interns for the staffs. Isa pa, I knew how hard it was to find an internship nowadays. Kung hindi lang sa pangalan ng university na pinasukan ko noon and well, sa apelyido ko, nuncang makahanap agad ako ng kumpanyang tatanggap sa akin as a student intern.

"Uhm, o-okay. So I'll be attending the interview tomorrow," mahina niyang sabi habang tumatango.

"Definitely!" I exclaimed, hardly stopped myself from clapping because it would be very exaggerated.

Nang lumabas si Bret ng opisina ko ay hindi ko napigilang tumawa. For a responsible man like him, he lacked confidence. Dapat sa mga katulad niyang may ibubuga naman ang utak at skills, dapat ay taas-noo siya.

Crap, I would die for the skills!

Matapos ang isang linggong pananatili sa kanilang probinsiya ay bumalik na si Jessie na nakapagpatuwa ng sobra kay Eve. Her beloved nanny was back. Hindi nga ba't hinahanap-hanap niya ito? Now, si Bien na lang ang ini-uungot niya sa akin.

Nakangusong tumitig sa akin si Jessie na para bang humihingi ng permiso dahil kanina pa umiiyak si Eve at nakasiksik doon sa couch, nakahalukipkip ang bata habang pinapatay na ang loob ko dahil sa mga luha at hikbi niya.

She was wearing a simple pair of baby pink spaghetti cotton shirt and short pants, her curly hair was still so damp but sweats were all over her forehead down her neck, and her cheeks were red.

"It's s-so... so hot. Let m-me take a b-bath..." Mahina ang boses niya at halos kinakain na ng mga hikbi niya.

"Mahal ko, you just took a bath earli-"

"But I feel so g-greasy and s-slick..." She cut me off in a soft whimper, her pair of small eyes firmly shutting closed as new set of tears streamed down, breaking my heart even more. Pawis na pawis siya, nababasa na ang damit niyang kasusuot pa lang niya na dinagdagan pa ng mga luha niya.

Hindi pa rin siya nasasanay sa init ng Pinas, sa isang araw ay nakakasampung beses yata siyang maligo, nagbabad sa bathtub at pahirapan pang i-ahon. Ibinaba na rin namin ng tuluyan ang temperature sa kabuuan ng bahay pero hindi iyon sumasapat sa kaniya. Nakakatakot tuloy isiping baka bigla na lang siyang magyayang bumalik sa Korea.

"Ma'am Hanselle, baka po magkasakit siya kung maliligo siya ulit," nag-aalalang sabi ni Jessie na tinanguan ko dahil hindi nga malabong mangyari iyon.

"Mommyyy... Tito Bien~!" Now, she was calling for Bien.

Lumapit ako sa kaniya at maingat na naupo sa tabi niya, bahagya akong yumuko para makapantay ko siya. My heart cheered giddily because she didn't flinch away when I moved my hands to touch her small and tear-stained face, but it broke me at the same time seeing new batch of tears falling down. Binuhat ko siya at ipinatong sa kandungan ko dahil hindi naman siya mabigat, sa liit ba naman niyang iyan.

"I'm sorry, mahal ko..." Hinalikan ko ang mga basa niyang pisngi habang sumisinok siya. "Okay, okay, what about I'll let you take a bath for only five minutes but you can't take a bath anymore, 'mkay? Your cousins are coming, don't you want to play with them?"

Her watering eyes slowly stared up at me as she wiped her own tears with the back of her small hands, slowly nodding her head in agreement.

"Ma'am Hanselle..." ani Jessie pero hindi na nagpatuloy pa, nasa tono niya pa rin ang pag-aalala.

"Ako na, Jessie. Five minutes lang, hindi ko na lang siguro siya patutungtungin sa bathtub, mabilis na shower lang. Just ready her cooling powder and new set of cool clothes."

Kailangan kong sanayin si Eve sa weather dito sa Pinas, hindi maganda kung palagi siyang mabababad sa tubig. I got the pool drained the last time before I had gone to Korea and I hadn't asked the maids to fill it again. Mabuti na lang dahil mas hindi ko yata magugustuhang sa pool naman maisipan ni Eve na magbabad lalo na at may malaking sun screen sa itaas ng pool area para proteksyon sa araw.

Ayaw ko na ring isipin pa ang gagawin ni Bien oras na malaman niyang nahihirapan si Eve dito, hirap na hirap na nga akong araw-araw na pigilan siyang lumipad dito kahit na gusto ko na rin siyang makita pero ayaw kong agawin siya sa trabaho niya. I heard there was already a big improvement in the boys he was managing, the songs he composed were being presented into choosing the best song for the boys' debut and everything was favouring him at all.

I had a heart to set aside my daughter's happiness and mine's also for his dreams.

"Just bring her," ani Kuya Haynes matapos kong itanong sa kaniya kung isasama ko ba si Eve sa Valenzuela para sa magaganap na board meeting bukas.

I had always wanted what was best for my daughter but I didn't know what were those. Kaya madalas, kay Kuya Haynes ako kumukunsulta o kung minsan ay sa mga kaibigan ko at kay Bien. I knew, I only knew how to deprive her things and I hated that about myself. It was not easy to practice being a good mother.

"Paano sina Mamang at Papang? Kung sa bahay tayo tutuloy, baka maghinala sila kay Eve," takot kong sabi. Hindi ko alam kung para saan pero sigurado ako, sa pagkakataong ito hindi na ako natatakot na malaman ng mga magulang ko ang tungkol kay Eve.

I didn't know if it was because of the uncertainty or the unpreparedness, because either way, dalawa lang naman ang magiging resulta. I would have to face my parents disappointment or their unacceptance.

"I don't want to do this..." Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang paghaplos ni Chelsea ng braso niya kaya nagpatuloy siya. "Or have one of your friends act as her mother." He spilled.

Napanganga ako sa sinabi niya habang naririnig ko naman ang singhap nina Em at Evah na nasa tabi ko lang dito sa long couch sa main living room, sa harap namin ay sina Kuya at Chelsea. Si Eve ay nasa kuwarto kasama si Jessie at ang kambal, with their nannies.

"Haynes, I told you it's really not a good idea-"

"In that case..." Pinutol ko ang sinasabi ni Chelsea at nilingon si Evah. I was having doubts of course. Pero hindi na ako kailanman sumalungat sa mga sinasabi ni Kuya. "Evah, will you do it for me?"

I saw how she gaped her mouth but slowly nodded afterwards.

We would do this.



Napangiti ako nang makita ang ultrasound result ng huling checkup ni Em. Nakasaad doong magpipitong linggo na siyang buntis at kung tama ang kalkulasyon ko, exactly, the day before the premiere night of her last movie was the first day of that seven weeks.

Nagkita na sila ni Jungkook bago pa ang premiere night. Really, who would think?!

"I was eight weeks pregnant when I first saw my Eve through a sonogram from my very first ultrasound," nakangiti ko pa ring sabi habang nakatitig sa sonogram ng first ultrasound ni Em at naaalala ang unang ultrasound ko with Kuya Haynes.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang kasiyahang nadama ko sa simpleng ultrasound result lang na iyon. I still had it with me actually. I had it filed in a book together with my other ultrasound results. Even my mother booklet I had for my daily checkup before was kept well, kahit ang baby booklet ni Eve during her first three weeks checkup.

"I kind of felt weird when I saw that. Hindi ako makapaniwalang... baby ang ibig sabihin ng puting bilog na bagay riyan," sagot ni Em sa akin.

"Em," ani Evah matapos niyang balatan ang isang ponkan at inabot ito kay Em.

"Hm thanks, Evah," sagot ni Em saka ngiti kay Evah.

Ever since we had found out about Em's pregnancy, Evah started taking care of Em. Simula sa mga pagkaing kinakain ni Em hanggang sa pagsama rito sa mga checkup consultations nito. Kung hindi ko lang sila kilala, iisipin kong magkapatid sila dahil sa alagang binibigay ni Evah kay Em.

Galing sila sa ultrasound session ni Em at dumaan lang sila rito sa opisina ko para na rin ma-ipakilala sila sa mga staffs dito. Si Aly ay hindi pa bumabalik simula ng umuwi siya sa pamilya niya noong nakaraan. Tinotoo niya ang sinabi niyang gusto niyang makipag-ayos sa pamilya niya.

Nalulungkot ako dahil hindi pa masyadong maayos ang samahan naming apat.

Of course, Em should be in disguised. She was also quite famous here in the Philippines. In order for her to have a private life here, since private life was far from what she had, she needed to be in disguised, that was both to protect herself and the life she chose. For as much as possible, she wanted a low-profile life here. Kaya niya nga iniwan ang pag-aartista ay para piliin ang mas simpleng buhay.

I heard she asked Evah to give her the next branch of Eve's. Hindi naman na niya kailangan pang hingin iyon, dahil oras na magkaroon ng panibagong branch ang Eve's ay sa kaniya mismo mapupunta.

Umalis din naman agad silang dalawa dahil may pupuntahan pa sila. They even asked if they could take my daughter out with them. Naisip kong nababagot na ang batang iyon sa bahay kaya't pumayag ako.



"Did you wash up already?" tanong ko kay Eve nang muli ko na namang maamoy mula sa kaniya ang pamilyar na amoy na iyon. She naturally smelled like baby and melon but something was really mixing up with her smell... something sweet and minty, so familiar.

Kagagaling lang nila nina Evah at Em sa pamamasyal. Pagkagaling ng dalawa sa office kanina, bumalik lang sila sa bahay para sunduin si Eve at Jessie para isamang mamasyal.

This past few days, I was noticing the extra attachment of Em to my daughter. Madalas ko silang nakikitang magkasama sa kusina at nag-bi-bake. Kung minsan naman ay nanonood sila ng movie sa kuwarto nina Em ng silang dalawa lang. Minsan, nadadatnan ko sila sa living room at naglalaro ng kung ano sa tablet ni Eve kasama si Esen.

"I'm going to wash up now," Eve innocently answered me as she let go of my hold. Nilingon niya ang terrace at mukhang hinahanap si Jessie na magpapaligo sa kaniya. Magulo ang pagkakatali ng pigtails niya at may mantsa ng kung ano ang light blue niyang collar printed shirt.

She really needed a bath, because I was not liking that familiar sweet and minty scent mixing on her. Ayaw ko na rin isipin pa kung saan niya iyon nakuha.

"Come, I'll help you..." I softly told her. Hinawakan ko ang kamay niya bago tumayo. We then went to our room.

Habang lumalaki si Eve ay sinasanay ko na rin siya sa shower gel at shampoo flavour na madalas kong ginagamit. Kahit sa Seoul ay maintained nina Evah ang lahat ng mga ginagamit niya.

Luckily, pumayag naman siya at hindi na hinanap pa ang nanny niya, when in fact, she was always whinning at me how she always wanted her nanny to take care of her.

Seemed like she was starting to like me a little... bit and I was willing to wait for her.



"Susunduin ba tayo, Hanselle?"

Mula sa pag-aayos ko ng mga gamit ni Eve sa isang travelling bag ay nahinto ako at nilingon si Em na hindi ko namalayang nakapasok na pala sa kuwarto ko.

"No. Sasabay tayo sa kanila Kuya. He'll drive the van," sagot ko at ipinagpatuloy na ang ginagawa.

"Okay. Anyway, ngayon ang balik ni Aly, right? Sasama ba siya...?" Nahimigan ko ang lungkot sa tono ng boses ni Em na muling nakapagpahinto sa akin.

I just stared at nothing in particular as I thought of Aly. Umalis siya dahil gusto niyang balikan ang pamilya niyang naiwan niya rito noon. Umalis siya para makipag-ayos sa mga ito. But she left, leaving a hollow inside our hearts. We didn't fight literally, but we all knew what we were all having... a gap. Dahil sa mga nangyari bago umalis si Aly, kahit na pakiramdam ko sinusubukan niyang intindihin si Em, alam naming lahat na may nabago na, may nasira na, may nawala.

"She'll come. She called last night. Aniya ay mauuna na tayo at susunod na lang siya. Susunduin ko na lang siya sa Monumento pagdating niya," sagot ko.

"S-She called...?" mahina at malabo sa pandinig ang boses ni Em pero umabot iyon sa pandinig ko.

"Yes, Em. Don't worry, we're all going to be fine." Bumuntong-hininga ako dahil alam ko kung ano ang nararamdaman niya.

We were all afraid. Of course, natatakot kaming tuluyang masira ang pagkakaibigan naming nalamatan na, but then, I was hoping. Umaasa pa rin akong magulo lang pare-pareho ang mga isip namin noong umalis si Aly. Masyado lang maraming iniisip si Aly tungkol sa pamilya niya kaya ganoon.

Maayos naming lahat ito.

Tumango si Em habang mariing nakapikit. Ngayong nakikita ko siyang nahihirapan, hindi ko mapigilang isipin kung paano silang nag-umpisa ni Jungkook... matagal na ba silang nagkikita? Sure, they had the same work environment, hindi malabong magkita sila pero may malalim ba silang relasyon? O... isang pagkakamali lang ni Em ang lahat?

What about Evah? Sino ang tinutukoy ni Em na lalaking mahal ni Evah? Was it the same guy we were just talking about? Iyong taong dahilan ng pagngiti ni Evah noong huli naming pag-uusap tungkol sa buhay pag-ibig niya?

Wala akong alam. Ang saklap. Wala akong alam sa buhay ng mga kaibigan ko. I didn't even know half of their family issues, the guys in their lives or how they all started dating. Is it me? Ako ba iyong nagkulang? O sila iyong naging malayo ang loob sa akin? Kailangan bang kumatok muna ako sa kanila bago nila buksan ang bawat pinto ng mga buhay nila? Kailangan bang hintayin kong magkusa muna silang imbitahin ako papasok? O bukas na ang mga pintong iyon at kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan kong pasukin ang mga iyon?

Maybe, it was really me. Nasa akin ang mali. I had been very restricted and afraid to overboard into their lives.

Nang lumabas si Jessie at si Eve na nakatapis ng kulay pink na tuwalya ay siya namang pihit ni Em patalikod para lumabas na ng kuwarto.

"Em..." I softly called her.

She stopped but didn't turn around.

"Your mistake will always be your mistake, but the child inside you is not and will never be a mistake. If only I could personally thank Jimin for giving Eve to me, then I will. You've got the most precious gift that a woman could ever have."

"Ngayon pa lang, nagpapasalamat na ako sa lalaking iyon, Hanselle... if you only know," she said as she walked out of my room.

At least, she was aware, because I wanted her to understand or to just feel the serenity and the happiness I had felt while conceiving my daughter despite of all the pain Jimin had inflicted me.

"Mommy!"

And this... this beautiful gift would always be the most precious gift for me.

"Dahan-dahan, Chan! You might slip!" natatarantang hinabol ni Jessie si Eve nang tumakbo patungo sa kamang kinaroroonan ko ang tila excited na excited na bata. Tumutulo ang basang buhok niya sa sahig ng kuwarto.

Tinanguan ko si Jessie para sabihing ako na ang bahala kay Eve para makapaghanda na rin siya. Tango lang din ang itinugon niya sa akin saka siya lumabas na ng kuwarto.

"Tita Evah told me we're going far away from here! What dress should I wear?" nakangiting tanong ni Eve saka siya sumampa sa kama kung saan nakakalat ang ilan pang mga damit niyang hindi ko pa na-ipapasok sa bag. "We can call Tita Aly to ask her about my dress! She's good at choosing, Mommy!" She added, her innocence was adding up more brightness on her happy face.

Nasanay siyang si Aly ang madalas na namimili ng mga isusuot niya. And her innocence was sparing her from the mess in the family now. She was too young to be aware anyways.

"Hm, why don't you let Mommy choose your dress?" I smiled at her. Hinawakan ko ang mukha niya at bahagyang hinawi ang ilang kulot na hibla ng basa niyang buhok. Pinupog ko ang basa niyang mukha ng mga halik na nagpahagikhik sa kaniya.

"Will you make me look like a princess like Tita Aly always does?" She blinked at me, unaware of her question. She just didn't know, she was the princess of my world. Nag-iisa siyang prinsesa ko at kahit na tanging pink cotton towel lang ang tapis sa katawan niya, mananatili siyang nag-iisang princess ng buhay ko. Or if she still didn't know, she was also the only princess of her Tito Bien.

Always. Only her.

"Of course, a princess will always look like a princess whatever clothes she wears."

"Are we going to take Esen with us?"

"Yes, mahal ko," sagot ko matapos kong i-braid ang buhok niya.

Isang pares ng Barbie sleeveless denim top at denim skirt ang napili kong damit niya, pinaresan ko iyon ng Barbie pink boots niya at sinuklay ko na lang muna ang basa pa niyang buhok saka ko siya sinuotan ng itim na stoned headband.

Wala nang atrasan ito.



Nilingon ko si Eve na pinagigitnaan nina Evah at Em sa backseat ng van habang ipinaliliwanag nila sa mura nitong isipan ang mga dapat nitong gawin pagdating sa bahay. For as much as I wanted to sit beside her, I couldn't. Kailangang ma-brief ni Evah ng mabuti ang bata. I didn't even want to do this. If I only had a more better choice than this.

"But will Mommy be okay with it? What should I call Tita Em then?" naguguluhang tanong ni Eve matapos siyang kausapin ni Evah. Na-touch ako dahil nagawa niya pang isipin ang mararamdaman ko.

"Hanselle, I still don't think this is a good idea. Bata pa si Eve, what does she know?" sabat ni Chelsea na siyang nasa passenger's seat at si Kuya Haynes ang nagmamaneho. Ako ang nasa front seat kasama ang kambal at ang nannies ng mga ito. Sina Evah, Em, Eve at Jessie naman ang nasa likod, kasama nila si Esen na natutulog sa hand carrier nito.

"Take all risks, Chelsea. Para ito sa pamangkin ko," sabat din ni Kuya Haynes para sawayin ang asawa.

"Pamangkin ko rin siya, Haynes! Ang akin lang, mas pinapalala lang natin ang problema! This is not a solution! Why do you need to fraud your parents?! Apo nila si Eve at sigurado akong hindi nila matitiis ang bata, well, ganoon ang pagkakakilala ko sa in-laws ko!" sigaw ni Chelsea kay Kuya. She had been not so convinced with this resolution.

"Please, huwag na kayong mag-away," awat ko sa kanila. Ilang minuto na lang at nasa bahay na kami, ngayon pa ba mangyayari ito?

"Stop shouting, my little guys are sleeping," mahinanong sabi ni Kuya sabay mabilis lang na lumingon sa front seat kung nasaan ang kambal kalong ng kani-kanilang nannies.

Chelsea huffed loudly as she crossed her arms and just stared outside the window. Hindi na muling nagsalita pa.

Nilingon ko sina Evah at Em para sana humingi ng kapanatagan ngunit ang malulungkot nilang mga mukha ang bumawi ng mumunting assurance na magiging okay ang lahat. For a moment, naisip kong umatras ngunit nang mamataan ko na ang pamilyar na mga estatwa sa Monumento ay alam kong huli na.

The time and the circumstances weren't asking for my approval, they were asking for my courage. Courage to take risk, courage to finally stand up for my daughter and courage to finally give her more than what she deserved... my family. Kaya't nang lumampas ang sinasakyan ni Kuya sa Monumento, nakapagdesisyon na ako.

"Kuya, after the meeting, I'll introduce my daughter to the family. My daughter," mariin kong sabi kay Kuya sa matigas at desididong tinig.

They all turned their attention to me. Kuya Haynes had to stop the car and parked it beside the lane, Chelsea stared at me from the passenger's seat and I could feel both Evah and Em staring at me too. Maging ang tatlong babysitters na nasa sasakyan.

Ang lakas ng loob kong pangaralan si Em kanina samantalang napakaduwag ko para ipaglaban ang karapatan ng anak ko laban sa sarili kong kaduwagan.

"Hanselle-"

"Kuya, hindi para sa akin, para sa anak ko." Pinutol ko na ang dapat ay sasabihin niya dahil wala ng makakapagpabago pa ng desisyon ko. Pagkatapos na pagkatapos ng board meeting, sasabihin ko na sa mga magulang ko ang tungkol kay Eve.

Ang lahat. Lahat ng mga nangyari.

I wanted to apologize to my daughter. Kasalanan na ang itago siya sa mga magulang ko at napakasama kong ina para dagdagan pa ang kasalanan ko sa kaniya ng isa pang kaduwagan. I hated her father but I hated myself more. I just didn't deserve her as much as her father did.

Isang haplos mula sa likod ko ang nagpagaan ng loob ko. And when I turned to look, I saw a hand on my shoulder bridging a white arm. Nakita ko ang nakangiti at maamong mukha ni Em, sa tabi niya ay ang taong nagbukas ng panibagong lakas sa akin. I saw my daughter staring at me innocently, blinking her pair of small eyes.

It was really time to right all the wrong things I had done, all for my daughter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top