X
Chapter Ten
Paupong bumagsak si Em sa sahig matapos naming makita ang resulta ng tinake niyang pregnancy test, hawak ni Evah ang ikalawang kit na may kaparehong resulta ng naunang kit na hawak naman ni Em. It seemed like her whole life depended on that thing and the result just crumpled down her whole.
Agad akong nag-panic sa ginawa ni Em kaya lumuhod ako sa harap niya at marahang hinaplos ang likod niya. "Now that you're not alone with that body, you need to be extra careful, Em. Makakasama sa bata ang kahit anong pagbagsak," banayad kong sabi sa kaniya, ipinapa-intinding kailangan na niyang mag-ingat simula ngayon. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakapatong sa mga hita niya. I saw how her fingers groped tightly the kit inside her fist.
Sobrang higpit niyon na lumalabas na ang mga buto niya sa knuckles.
"E-Em…" Aly's broken voice filled the gloomy atmosphere. Nakatayo siya malapit sa kama, ang mga mata ay puno ng pagtatanong habang bahagyang naka-awang ang mga labi.
Para makasiguro kami ay nagpasya kaming pag-take-in si Em ng pregnancy test. Of course, kailangang malaman ni Aly ang tungkol dito so we didn't deprive her the truth. Pare-pareho naming kaibigan si Em kaya dapat lang na nasa tabi niya kami. Nawindang kami nang lumabas ang resulta ng unang kit, that two red lines we all knew what was meant, hindi na namin pa kailangang basahin ang procedure para alamin ang ibig sabihin noon dahil bukod sa pagiging nurse ni Evah at pagkakaroon ko ng experience ay hindi naman na lingid sa kaalaman naming lahat ang ganito.
And maybe, just like how my stomach had fallen before, Em's world fell too when she saw the second kit with the same two red lines. That only said one thing…
She was pregnant.
"Bullshit! This is pure bullshit!" Pumailanlang sa kabuuan ng silid ang galit na sigaw ni Evah, nagpapakawala na ng mura dahil sa sobrang galit.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya dahil masyadong windang si Em para pansinin pa si Evah. Nalaman ko lang iyon nang mapansin ko ang panginginig ng mga balikat ni Em bago ko marinig ang mga hikbi niya.
Evah was furious and Em was devastated. Aly was disappointed and I was confused. Hindi ko maintindihan. Okay, being pregnant could be both a good news and a bad news pero bakit ganito ang mga reaksyon nila? Lalo na si Evah? It was like something wasn't really just getting in their favours.
No, all of this!
Nilingon ko si Aly para sana alamin kung may alam din siya ngunit ang kunot niyang noo at naguguluhang tingin kina Em at Evah ang nagsabi sa aking pareho lang kaming walang alam dito.
"Shit! Did you accept him already?!" sigaw ni Evah na halatang si Em ang kinaka-usap. I could see veins showing on her neck, a sign that she was really furious. I had seriously never seen her this angry before. May mga pagkakataong nagagalit siya pero hindi iyon katulad ng sa galit na ipinapakita niya ngayon. Bukod roon, nakikita ko ang parehong pagsisisi at disappointment sa mga mata niya.
Were they talking about the man who got Em's pregnant? Sino? Sino siya para magalit nang ganito si Evah? Walang ipinapakilalang boyfriend sa amin si Em pero mukhang may hinala si Evah. And I hoped they wouldn't deprive us the truth, it was seriously so confusing.
"No. That… that w-was just—"
"Dahil malalagot siya sa akin kapag nalaman kong pinilit ka niya, Em!" Pinutol ni Evah ang pag-aalinlangan ni Em.
"Hindi Evah! Hindi niya ako pinilit! Gi-Ginusto ko iyong nangyari…" Bahagyang tumaas ang boses ni Em pero agad ding kinain ng hikbi ang boses niya. "I-Isang beses lang iyon at hindi ko alam na…" She purposely stopped and cried even harder.
Muli kong hinaplos ang likod niya sa marahang paraan para patahanin siya. Hindi dapat siya umiiyak, baka makasama sa bata. Hindi na dapat nila pinag-uusapan pa ito. Nangyari na ang lahat. Hindi naman na mawawala ang buhay sa loob ni Em kung mag-aaway sila.
"Anong nangyayari? Anong pinag-uusapan niyo?" Isinatinig ni Aly ang kanina ko pa gustong itanong, puno ng pagtataka at kuryosidad ang tono ng boses.
Nanatili akong inaalo si Em. I wanted her to get herself ready for her baby. Kahit na parang nakikita ko ang sarili ko noon sa kaniya, helpless and shocked, gusto ko siyang damayan. Just letting her feel that she wasn't alone through this, that I was with her… because I had been there.
"Girls, puwede bang saka na natin problemahin ang tungkol diyan? Em seriously needs a checkup," sabi ko para putulin ang tensiyon.
Humupa na ang iyak ni Em at sumisinok na lang siya. "I'm sorry, Hanselle." She managed to tell me in the middle of her faint sobs.
"No, no, it's fine. We need to make sure that you and the baby are fine." Umiling ako para ipakita sa kaniyang hindi niya kailangang mag-sorry sa akin.
"No, I'm really s-sorry, Hanselle. Sinubukan kong layuan siya, pinagtabuyan ko siya, Hanselle, pero k-kasi natalo ako ng sarili kong nararamdaman." Nag-angat siya sa akin ng tingin. She stared at my eyes with a glint of regret and pure sorry.
"Sino, Em?" Aly asked in an authoritative tone, as if she was asking in behalf of me.
Sa totoo lang, curious ako sa kung sino ang kanina pa tinutukoy nina Em at Evah pero kung iyon ang ikaka-stress niya na paniguradong makakasama sa batang nasa tiyan niya ay mas gugustuhin kong isantabi muna ang curiosity ko.
Em and the baby's health came first.
Nanatiling na katitig sa akin si Em na para bang hindi niya narinig ang tanong ni Aly. Punong-puno ng lungkot at dismaya ang mga mata niya. Hindi ko maintindihan. She might not yet ready for a baby, maybe, that was it. Though, malabo pa rin, dahil wala akong naramdamang lungkot at pagsisisi nang malaman kong buntis ako noon, only that, I was devastated because Jimin had left me… and more devastated because he wasn't beside me while conceiving our daughter.
Ginamit ko ang mga palad ko para saluhin ang mukha ni Em at binigyan siya ng malapad na ngiti. "Makakasama sa bata ang pag-iyak mo, Em. You should rest," mabini kong sabi saka ko sinulyapan si Aly sa likod niya. I saw Aly looking at us gravely. She didn't look pleased. I didn't know what she was thinking now or if she was just pure disappointed since she just knew Em's situation.
"I want to know, Em. Who is he?" Mas malalim at mas mariin ang bigkas ni Aly sa mga huling salita. Wala sa akin ang tingin niya kung hindi na kay Em na nakatalikod sa kaniya.
This was seriously a mess. Galit si Evah at Aly.
Bumaba ang kamay ko sa balikat ni Em at bahagyang hinaplos para iparamdam sa kaniyang hindi niya kailangang sagutin si Aly kung hindi pa siya ready. There was a time for it.
Suminok si Em kasabay ng mga panibagong luha ngunit kumpara kanina, hindi na siya humihikbi. Natatakot ako sa kalagayan niya. She really needed a checkup.
"Em!" malakas na sigaw ni Aly na nagpagulat sa amin.
"Aly, calm down—"
Pinutol niya ang sinasabi ko. "No, Hanselle! I want to hear from her that what I have in mind is wrong! Tell me, Em! Who is he?!" Pinalitan niya si Evah sa pagiging sobrang galit kanina.
Na-itikom ko ang bibig ko. Seeing a furious Evah was not nice but seeing a furious Aly was double, because Evah was naturally strict while Aly was a bubbly girl. Hindi ako sanay…
"Aly, huwag ka nang sumabay," malumanay na saway ni Evah. She looked calmer now than she was a while ago.
"Don't act like you haven't done something wrong too, Evah. May nililihim ka rin, alam ko!" sigaw ni Aly habang tinuturo si Evah. Napabuntong-hininga na lang si Evah, that gave me a hint that they were all in the same page now and I was the only one left still reading the previous page.
Wala akong maintindihan!
"Please, let's all calm dow—"
"It's Jeon Jeongguk."
Muli na namang pinutol ang sinasabi ko pero sa pagkakataong ito, naiwang naka-awang ang mga labi ko dahil sa gulat sa narinig ko. Ang mga mata kong kanina ay nagpapalitpat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo ay ngayon ay nanlalaki na. I slowly dragged my sight to Em and gawked at her in both surprise and dismay.
"It's Jeongguk! I'm s-sorry! I… I really didn't mean to. I was just… just s-swayed!" Pumuno sa kabuuan ng silid ang basag-basag na boses ni Em.
Kung confused ako kanina, hindi ko na alam ang dapat na maramdaman ko ngayon. Never. Never did I think that it would be Jungkook, or anyone from the BTS. We all had long ago cut connections from them. We had long ago left the chapters of our lives in where was BTS paged. We had long ago forgotten about them. At ang malamang buntis si Em at si Jungkook ang ama ay sobra-sobrang nagpagulat sa akin.
I let my hands lifelessly fall from her shoulders to the ground, my mind suddenly fell on a very confusing pit as I felt my stomach turning in a turmoil. I seriously didn't know what to say. I wanted to think of her health first, I wanted to think about her baby, I wanted to think about how she still ended up with Jungkook after all these years. I wanted to think about how they had started… I wanted to think about everything that it was keeping my mind unproductive.
Pakiramdam ko, dinadala ako ng mga pangyayari pabalik sa nakaraan.
"You all disappoint me," galit na sabi ni Aly. Maybe, she felt worst. Namataan ko siyang padabog na nagmartsa patungo sa pinto at padabog ring isinara paglabas niya, leaving us all shook with everything.
Wala kaming usapan at hindi kami nangako sa isa't isa na hindi na kami muli pang papayag na papasukin sa buhay namin ang kahit na sino sa BTS. Pare-pareho kaming nasaktan ng grupong iyon noon kaya't hindi kami tanga para hayaan silang pumasok sa mga buhay namin ulit. Kaya't hindi ko masisisi si Em kung nauwi man siya sa parehong lalaking nanakit sa kaniya noon at hindi ko rin masisisi si Aly kung galit siya sa ginawa ni Em.
I just didn't know what was the real status between Jungkook and Em. Sila ba? Kailan pa?
Marahan kong itinulak ang pinto ng second floor veranda nang makita kong nasa labas si Aly. Pumasok ako kasabay ng pagdampi ng panggabing hangin sa mukha ko matapos ding salubungin ng magandang city lights ang mga mata ko. I then pushed the glass door close.
Nakatayo si Aly sa railings at diretso ang tingin sa city lights. Gaya noong lunch, hindi rin siya sumabay ngayong dinner. And that was because she was still mad. Hinahangin ang ngayon ay hanggang baywang na niyang buhok.
Ever since we had been friends, we never had bigger fights. May mga tampuhan na agad din naman nadadaan sa magandang usapan at hindi nagtatagal ng ilang oras. And I didn't want to be a fuss right now. Pare-pareho kaming naguguluhan dahil sa mga nangyayari kaya't naiintindihan ko kung wala ni-isa sa kanila ni Em ang nagtatangkang makipag-usap.
Naglakad ako palapit sa kaniya. Pumuwesto ako sa gilid niya at ginaya ang pagmamasid niya.
"I can't believe she's capable of accepting the man who broke her years ago… I just c-can't understand," ani Aly sa gitna ng katahimikan at tanging ang sayaw lang ng hangin ang maririnig. Hindi ko na pala kailangang mag-isip ng sasabihin dahil siya na mismo ang nagbukas ng topic.
"You won't understand unless you listen to her, Aly," sagot ko, nanatiling nasa magandang tanawin ang mga mata.
"And you… paano mo nasasabi iyan? Pare-pareho tayong sinaktan noong mga taong iyon. Sa ating lahat noon, ikaw ang pinaka-nasaktan, kaya paanong nagagawa mong intindihin si Em?" Puno ng hinanakit ang boses niya. Halatang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nalakalimot sa mga nangyari noon.
"Because I don't know their story, Aly. Just like how I know nothing about your story with Taehyung…" I trailed off when I saw her heave a deep sigh at the mention of the name of the man who broke her years ago. "I know that you were close to him before but I didn't exactly know your story. Just like Em and Jungkook," pagpapatuloy ako. Kagaya ng wala silang alam sa istoryang mayroon sina Evah at Namjoon noon. I couldn't really judge Em, I couldn't judge Evah and I couldn't judge Aly, dahil wala akong alam.
Noong isang buwan kaming nanatili ni Jimin dito sa Pinas, five years ago, bago tuluyang magbago ang lahat, hindi ko alam kung paanong nagkamabutihan sina Aly at Taehyung ganoon din sina Em at Jungkook. Though, I knew Namjoon was Evah's ex-boyfriend, I still didn't know their story.
Ni hindi namin pinag-usapan kung paanong iniwan kami ng BTS. It was like a page of our past that had been restricted, no one had dared to touch, no one had dared to flip back and no one had dared to read. At sa tingin ko, iyon ang pagkakamali naming lahat. We were so hurt before that we were so afraid to talk about it or to look back on it after getting over what had happened. At ngayon, lahat kami ay naguguluhan dahil wala kaming mga alam sa kuwento ng bawat isa.
"I know your story with Jimin." Nilingon niya ako. "We all know your story," dagdag niya. Above the shining city lights, the sparks that her teary eyes catered were what much shinier.
Sa loob ng limang taong lumipas, na kay Eve at Bien lang ang buong atensyon ko. I didn't dare look back what had happened. Kinalimutan kong bago ako saktan ni Jimin ay pinaramdam niya sa akin kung gaano niya ako kamahal… kinalimutan ko lahat para matanggap ko sa sarili kong hindi na kami puwede pa.
"No, you only know the outlines, Aly… and not the content. You don't know how Jimin gave me the world before, you don't know how we both built promises and you don't know how we both planned everything about our future… that was before he destroyed the world he gave me," sabi ko. Nagtungo ang mga kamay ko sa railing para maghanap ng makakapitan.
Looking back after a healed heart was not really making me all comfortable. Kasi ngayon ko lang talaga ito ginawa matapos ng ilang taon.
"Just like how you don't know how Taehyung showed me that he would never hurt me, he would never betray me but he did more than that." Nabasag ang boses niya ngunit nanatiling tikom ang bibig niya pagkatapos, na para bang hindi niya pinapayagang maglabas ng hikbi ang lalamunan niya. "He made me fall and left me shattered," aniya.
Imbis na titigan siya ay ibinalik ko na lang ang tingin ko sa harap, filling my now blurry vision with the beautiful city lights. Ang buong akala ko ay tapos na kami sa pahinang iyon ng mga buhay namin. I didn't know that opening it again and attempting to look back on it would cause us this pain.
The pain of the unhealed wound of the past, scarring us all over again. At paano pa namin maiiwasan ang mga nakaraang iyon kung may isang bagay na ang maaaring magdugtong sa amin pabalik… sa mga taong nanakit sa amin? Could we really handle going back?
Kinabukasan ay sinamahan naming tatlo si Em sa hospital para magpa-check up. Hindi ko na kailangan pang pilitin si Aly na sumama dahil kahit na galit siya, mahalaga pa rin si Em sa kaniya. Ganoon din si Evah na mukhang humupa na ang galit.
Ako ang nagmamaneho ng Jeep ko habang si Em ang nasa shotgun seat while both Evah and Aly were on the backseat. Tahimik lang ang loob ng sasakyan buong biyahe, when in fact, we were all noisy when we were all in good terms. I had to leave Eve to Chelsea since wala pa rin si Jessie.
Nagpa-schedule na ako ng session with Doctor Sahara, siya ang OB ni Chelsea at naisip kong siya na lang din ang i-rekomenda kay Em since trusted na siya.
"You can all stay here while Miss Ricaforte goes through all the tests," ani Doktora Sahara nang imbitahin niya kami sa kaniyang opisina matapos naming magkamustahan at maipakilala ko ang mga kaibigan ko. She even lead us to the black leather couch just at the living room.
Malaki ang office ni Doctora Sahara. Kulay puti at dilaw ang pinakapangunahing kulay na mapapansin. Kulay dilaw ang mga dingding, ang kisame at ang tiled floor na tinatapakan namin samantalang puti ang kulay ng lahat ng muwebles, ang mga kurtina at ang pinto.
"Kayo na po ang bahala sa kaniya, Doktora," sabi ko nang naka-upo kaming tatlo nina Aly at Evah.
Tumango si Doktora. "I'll let my secretary assist you…" Nilingon niya si Em. "Miss Ricaforte, you ready?"
Isang tango lang ang ibinigay ni Em bago niya kami binigyan ng isang tipid na ngiti at sumunod na kay Doktora palabas ng silid para umpisahan na nila ang mga tests na gagawin sa kaniya. Naiwan kaming tatlo sa loob ng silid habang nagpapakiramdaman. Napahinga lang ako ng maluwag nang bumukas ang pinto at iniluwa ang sekretarya ni Doctora Sahara.
Kilala ko siya dahil kung minsan ay ako ang kasama ni Chelsea noon sa mga sessions niya with Doctora.
She politely offered us something to drink. Tea ang hiningi ni Evah samantalang sinang-ayunan ko ang cream coffee na ni-request ni Aly. Pagdating ng mga inumin namin ay muling lumabas ang sekretarya at naiwang kaming tatlo sa loob.
"I'll have to go and visit my family after this." Ang malalim na boses ni Aly ang pumutol sa tensiyon.
Nang nilingon ko siya ay nakita kong pinaglalaruan niya ang hawakan ng mug niya. Nakayuko siya at diretso ang tingin sa kulay tsokolateng kape. Nasa parehong dulo kami ng leather couch at napapagitnaan namin si Evah na ngayon ay nakatitig na rin kay Aly.
Nasa mga labi ni Evah ang tip ng baso niya at mukhang naudlot sa pag-inom.
"I need to settle my issue with my family. Walong taon akong nawala kaya paniguradong mahihirapan ako pero nandito na ako… I wanna fix the fight I have with them. This is actually long overdue," aniya pa.
Walong taon. Hindi ko ata kakayaning maka-away ang pamilya ko sa loob ng walong taon. Lumaki akong independent pero hindi ako patatahimikin ng konsensiya ko. I had actually been dealing with my guilt for hiding my daughter from my parents, and not being in good terms with them would probably kill me.
"Fixed marriage, the sole reason why I ran from my family before. They wanted me to marry someone, a son of one of their business partners. Bunsong anak ko, ang mga Kuya ko ay parehong biktima ng fixed marriage," pagkukuwento niya sa mahinang tinig habang nakatitig pa rin sa kape niyang nasa mesa.
Hindi ko mapigilang mapalunok dahil ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob ng buksan ito sa amin, sa akin.
"Alam niyo iyon, Evah. Kagaya mo, hindi ko rin gustong sila ang magdesisyon sa buhay ko. But I think, the long eight years is enough for me to forgive them and for them to understand me. I just hope I still have a place in the family."
Tumayo ako at pumuwesto sa single couch na katabi lang ni Aly. I opened my arms as I leaned onto her and hugged her so tight. Pakiramdam ko, nagkulang ako bilang kaibigan. How come I let those years pass without knowing all these? Because I didn't want Aly to open up to me if she was not yet ready. Tama ba iyong ginawa ko? It took us this long? I had waited for her, them to open up to me. Pakiramdam ko, hindi dapat ganoon ang ginawa ko.
"We'll support you, Aly. I'm sure, they'll accept you. And if not, then we're here. You'll always have us," sabi ko habang hinahaplos ko ang likod niya at nararamdaman ko ang pagtataas baba ng dibdib at balikat niya. Sumali sa amin si Evah. She leaned in as she locked us both inside her arms.
It was really time. It was really time for them to fix the mess they had with their families. Lalo na si Em, she was pregnant and her family should be with her… not just us, her family the most.
And well, Jungkook also. Though, I didn't know if Em planned to let Jungkook know about her pregnancy.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top