VIII
Chapter Eight
Really. Hindi pa pala tapos ang tadhana na paglaruan ang buhay kong akala ko ay tahimik na matapos kong pakawalan si Jimin. For years, fate had not stuck its nose again to my life so I had let the big coincidence that had happened at the hospital before and at the premiere night pass, because they were not something big that I had to deal with.
Kaya ko silang palampasin, kahit na muli pa kaming magkita ni Jimon ay palalagpasin ko ulit dahil sa phase na ito ng buhay ko, coincidence na lang ang mga iyon.
Nothing special, not worth even a single nerve cell but this? This wasn't a coincidence! This, all that was happening was ridiculous! Hindi ito puwedeng mangyari! Not when I was far from my daughter!
I nervously paced back and forth at the living room while trying to calm my chaotic mind and to keep myself from doing something I would probably regret. Gusto kong lumipad ng Korea, gusto kong kunin si Eve at gusto kong ilayo siya sa lalaking iyon. Hindi sila dapat na magkita!
Crap, why did it have to be this sudden?! Ni hindi ko ito napaghandaan, ni hindi ko ito inaasahan!
Kanina nang tumawag sa akin si Evah na maayos na nakarating si Eve sa mga grandparents niya ay akala ko magiging okay ang lahat, ang buong akala ko ay magiging katulad lang din ang araw na ito ng mga madalas mangyari sa tuwing nagagawi si Eve sa Busan. I had never asked for this to happen, not ever!
"Hanselle! Hanselle, where are you?!"
Nahinto ako sa wala sa sariling pagpaparoo't parito sa sala ng bahay ko nang pumailanlang ang matinis at nag-pa-panic na boses ni Chelsea bago siya lumitaw mula sa hallway na nanggagaling sa main door. Sa hitsura niya ay mukhang naistorbo ko nga siya dahil nakapantulog na siya. She was wearing a purple silky night gown, hair in a mess and I could only imagine my brother's frustrated face for taking his wife in the middle of the night.
I wanted to get intimidated by her night clothes since only a pair of pajamas was my type of night clothes... at naiisip kong tanging mga wives lang ang may karapatang magsuot ng nighties.
Crap, I was not a wife!
Bumagsak ako sa couch at naiiyak na napatitig sa kaniya dahil hindi ko talaga alam ang gagawin pagkatapos ng lahat ng mga nakita ko. I let my palms weakly catch my face, trying not to cry.
"What's with your text? Anong sinasabi mong magkasama sina Eve at Jimin? Sigurado ka ba? Did you call Evah already?" Sunod-sunod ang pagpapa-ulan niya sa akin ng mga tanong.
Sasagot pa lang ako nang dumating si Manang Bing na may dalang tray kung nasaan ang dalawang baso ng tubig. Alam niyang darating si Chelsea. Hindi ko tuloy mapigilang ma-guilty dahil naistorbo ko ang pagpapahinga niya.
Crap, I was so damned and very terrified earlier upon seeing Jimin's post on social media that I didn't really have the time to properly think of what to do. Basta nag-panic na ako.
Who wouldn't?! Nag-post si Jimin ng picture nila ni Eve na magkasama sa Twitter!
"Hija, tubig muna," banayad na sabi ni Manang Bing sabay abot sa akin ng isang baso ng tubig pagkalapag niya ng tray sa coffee table.
Tinanggap ko ito pero hindi ko ininom. "Manang, bumalik na po kayo sa kuwarto niyo. Pasensya na po sa abala." I apologetically told the kind old lady, trying not to show her how I was near to breaking down at this point.
She raised an understanding stare at me before she turned to Chelsea. Mayamaya ay tumango siya at iniwan na kami, ngunit nag-iwan siya ng ilang bilin sa akin tulad ng huwag akong magpupuyat. She, of course, knew about my daughter. Naging malapit siya sa akin, isa siya sa mga taong bukod sa pinagkakatiwalaan ko ng lubos ay nagagawang maintindihan ang mga desisyon ko sa buhay.
Gusto ko sanang sabihin sa kaniyang hindi ang pagkakaroon ng eye bags ang concern ko ngayon, dahil iyon anak ko, kasama iyong walang-kuwentang tatay niya, paano ako makakatulog? Ni hindi ko nga magawang kumalma!
"Uminom ka muna," ani Chelsea nang mapag-isa kami sa sala. Tulog na ang mga maids dahil hating-gabi na.
I only drank a bit of water and then put the glass back on the tray. Nanginginig ang mga labing binalingan ko siya pagkatapos. Hindi ko ito gusto. Hindi ko gusto ang mga nangyayari, kung totoo mang kasama ni Jimin si Eve... ibig sabihin ba noon ay nasa Busan din siya? Alam ng pamilya niya? At hinayaan nilang magkita ang dalawa?!
Crap, this wasn't good!
"Did you calm down now?" paninigurado ni Chelsea.
Bahagya akong tumango habang marahas na nagtataas-baba ang dibdib ko dahil sa paghinga. But my insides weren't behaving any minute from now. Bumuntong-hininga akong at inilahad sa kaniya ang phone ko kung nasaan naroon ang isang sikat na Korean Showbiz site.
It was actually a paparazzi site.
Hindi ko sinadyang makita iyon, dumaan iyon sa feeds ko sa Facebook at agad na naagaw ng thumbnail nito ang atensyon ko kaya binuksan ko hanggang sa dalhin ako nito sa mismong article.
"I saw that earlier, I don't know if that's recent or old... Chelsea, but the point is, magkasama si Eve at Jimin!" Mas bumilis pa ang paghinga ko.
Mariin niya muna akong sinulyapan bago niya itinuon ang atensyon niya sa phone ko. Nasa site na iyon ang mga minu-minutong trends sa mga Korean celebrities and idols.
I didn't see Jimin's actual post since I had long ago deactivated all of my social accounts, I had long ago disconnected from social media aside from Facebook, but of course, hindi pa rin maiiwasan ang mga news and trends.
Jimin posted a photo of him, carrying a little girl on his back, both had raised their hand for a finger heart and base on the site itself, galing sa Twitter ang post na iyon.
He even captioned it in hangul alphabets...
'내 여자애 버'
#JIMIN
Translated by Google 'My baby girl version.'
Nakangiti si Eve sa picture habang nakayakap ang maliliit at mapuputi niyang braso sa leeg ni Jimin at nasa likod siya ni Jimin na naka-indian seat sa damuhan, sa likod nila ay imahe ng isang swing sa playground. She looked genuinely yet so innocently happy with Jimin as if she knew him. At hindi ako tanga para hindi makuha ang mensahe ng caption ni Jimin.
Siguro iyong mga tao, iniisip nilang nakuha lang malamang ni Jimin sa kung saan ang batang iyon at naisipang makipag-picture. May iba ring sigurong nag-iisip na nakuha ng bata ang atensyon ni Jimin dahil hawig sila. Pero hindi ganoon. Nasa Busan si Eve, nasa mga magulang ni Jimin ang anak ko. And what if he was in Busan too? What if he was at his parents' house too?
E 'di malamang nagkita sila ni Eve! At naiisip ko pa lang ang mga posibilidad na tumatakbo sa utak ng lalaking iyon ngayon ay pinapatay na ako sa kaba.
Madalas mag-post si Jimin sa Twitter pero ngayon lang nag-trend ulit ang isa sa mga post niya. I didn't want my daughter to get exposed in public and most importantly, not when we just got seen together with Bien nights ago! Yes, dahil binanggit din sa article si Bien at si Em, binanggit doon na ang batang kasama ni Jimin sa picture ay ang batang kasama ni Bien sa premiere night ng pelikula ni Em. I was out of the picture, no one mentioned about me but that wasn't still good.
"I think you should call Evah or..." Matapos makita ni Chelsea ang picture sa article ay nag-angat siya ng tingin sa akin at tipong tinatantiya muna ang hitsura ko bago niya ituloy ang sasabihin niya. "Or Bien. He's the only person I could think of that can get your daughter, Hanselle," aniya.
Naisip ko na ang bagay na iyan ngunit agad rin namang sumagi sa isipan kong abala si Bien. Mahalaga ang tinatrabaho ni Bien ngayon at ayaw kong abalahin siya. Not now. Ayaw kong mas idinamay pa siya rito.
"What if I ask Evah to send my daughter here." And yes, that would be the dumbest yet the only thing my hard working cerebrum could come up to. Hindi ko na alam. Kung lilipad ako sa Korea, maraming tao akong mapi-perwisyo... sina Evah, Aly at Em, ang Park family at si Bien.
Gulat na napatitig sa akin si Chelsea. "Are you serious? What about your parents?" untag niya.
"I'll seek help from my brother with that matter, Chelsea or..." Nag-iwas ako ng tingin. "It's maybe time for them to meet her, I think," sabi ko pero halata sa tono ng boses ang alinlangan.
I would rather risk her here than let her with Jimin in Korea.
Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula kina Evah. Nag-video call kami. They were all affected too because I had been receiving texts from them all night yesterday and even today.
["I didn't know he's in Busan,"] ani Em habang malungkot na nakatitig sa akin.
I was actually surprised to see them all now, as if they were not busy with their own lives. Dapat ay nasa Eve's sina Evah at Aly samantalang si Em ay nasa trabaho rin. Sa aming lahat, si Em ang madalas na nakaka-alam ng mga kaganapan tungkol sa BTS dahil nasa iisang industriya ang field nila. She could easily find out if Jimin would travel out of the city like always.
["Should we get your daughter? I'm sure, his parent would understand,"] mungkahi ni Aly na siyang nasa gitna.
That was my plan.
Hindi ko nga lang talaga maintindihan kung paanong napayagan nina Tita Celine na magkita si Eve at Jimin, not that I was doubting them. Nananalangin na lang ako na sana ay nagawan nila ng paraan iyon. They could tell Jimin everything except from the truth that Eve was his daughter. At naniniwala naman akong hindi nila sasabihin kay Jimin iyon. We had come this far because they had agreed to my decision. We had come this far because I trusted them.
["Don't worry, she'll be there, ako na ang maghahatid sa kaniya-"] Hindi pa man natatapos si Evah sa pagsasalita ay pinutol na siya ni Em sa desidido at pinal na tono.
["I'll go too."]
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Evah kay Em habang unti-unting nagsasalubong na rin ang mga kilay ko dahil sa mga sinasabi nila.
["How about your career?"] Evah confusedly asked Em. Si Aly ay nagpapalipat-lipat ang tingin sa dalawa at mukhang hindi alam kung sasabat ba o ano.
["I've actually taken a break, Evah. That's why I'm always here at Eve's."] Nagkibit-balikat si Em saka muling bumaling sa akin nang may malapad na ngiti.
Pare-pareho kaming nagulat sa sinabi ni Em kaya wala siyang nagawa kung hindi ang ikuwento sa amin ang mga nangyari sa kaniya. Sinabi niyang hindi siya nag-renew ng kontrata sa HIT dahil gusto niya munang magpahinga at pinayagan naman siya ng management. I could see how risky and hard the decision she had made. Hindi man kami pare-parehong pabor dito ay wala kaming magagawa. It was her decision.
["Then count me in. It has almost been a decade since I had last stepped on the Philippines ground."] Ngumuso si Aly bago ngumiti rin ng malapad.
Hindi ako makapaniwalang ganoon kabilis lang silang nakapagdesisyon na magtungo rito sa Pinas gayong may mga unsettled issues pa sila sa mga pamilya nila rito.
Nang matapos ang video call namin nina Evah ay pinansin ko na ang phone kong kanina pa tumutunog na nasa mesa ko. My heart raced upon seeing Bien's name. Of course, Bien would always be Bien, we were his priority. He must have already heard about what happened and was probably thinking how he could help just like how he always did.
Sinagot ko agad ang tawag niya.
["Hanselle, where's Chan?"] bungad niya sa akin sa banayad ang boses niya pero may kakaiba, the firmness and alertness were present.
Sumandal ko sa sandalan ng swivel chair ko sabay haplos sa batok ko. This was not good. I would want him to not get himself involved with this though I was overwhelmed hearing his voice now, and for as long as I wanted his presence all through this, I just couldn't afford to take him away from his job now.
Mas gusto kong mag-focus siya sa ginagawa niya ngayon. I would want him to change his priority. From I and Eve to even more important things. That was just right. He couldn't jail himself to us, though I would like him to stay with us.
"Did you see it already?" I asked back with a sigh. Dahil panigurado namang nakita na niya ang isyu. It wasn't really an issue but it was a big deal for me. Hindi ko gustong mag-cross pa ang landas nina Jimon at Eve.
I didn't hide my daughter from him just to let them meet now.
Nakarinig ako ng ilang mararahas na kaluskos mula sa linya niya bago siya sumagot. ["Yes,"] he answered, firm and short.
"Don't worry, Bien. Evah's going to get her and send her here in the Philippines," sabi ko sa kaniya para hindi na siya mag-alala kahit na napaka-imposible noon dahil si Eve ang pinag-uusapan dito.
He would really get involved.
["Philippines? Are you sure, Seol?"] hindi makapaniwalang tanong niya. I again heard some noises from his background and I suddenly wondered if he was working now.
Dual purpose ang desisyon kong iyon, at ayaw ko nang ipaalam pa sa kaniyang isa siya sa dahilan kung bakit umabot ako sa desisyon kong iyon. If this was what it would take just to get him back to his right path then I would be willing to do so. We needed to be patched off from him so he could set his priority right.
Hindi ko binabalak na tuluyan kaming ilayo ni Eve sa buhay ni Bien, ang gusto kong mangyari ay ibaling niya sa mas mahahalagang bagay ang sarili niya, hindi kami ni Eve iyon, iyong bagay dapat na mag-bi-benefit siya katulad ng trabaho niya. He had long awaited for this... he should focus.
"For now, yes, Bien," simple kong sagot.
["Then I'll book a flight same as Cha-"]
"Bien, don't ever do that. You can't leave your job, you can't leave your boys. They need you. Listen, this is only for now. Eve will be back," putol ko agad sa kaniya. I had expected it. He had become so easy to read for me. Alam na alam kong sasabihin niya iyon. He didn't really need to think it through because Byun Bien would really do that.
At hindi ko mapapayagan iyon, not when I was trying so hard not to show him how I wanted him through this too.
I shifted in my seat as I tried to stop myself from sighing loudly. I could feel my heart slowly beating but loudly inside for our hopeless resort. Kung may paraan lang na makasama namin siya ni Eve nang wala kaming masasagasaang mga mahahalagang bagay ay papayag ako.
["Hanseol-ah",] bigkas niya sa pangalan ko makalipas ang ilang sandaling katahimikan sa linya niya. His soft and low voice sounded hurt.
Oh, no, don't!
Alam ko ring bukod sa kami ang priority niya ay natatakot siya. Natatakot siyang mawala kami ni Eve sa kaniya. Alam ko iyon, alam na alam.
Crap, he was so attached!
"We'll be back, Bien. You won't lose us," seryoso kong sabi na tila ina-assure siya. I needed to assure him, hindi ko rin namang gugustuhing maramdaman niyang mawawala kami sa kaniya.
Hindi pa sila nagkakalayo si Eve ng matagal, palagi niya itong nakikita kung kailan niya gusto at oras na lumipad na si Eve pa-Manila, mawawala na ang pagkakataong iyon mula kay Bien. Kaya kailangan niyang maramdaman na malayo man kami, hindi kami mawawala sa kaniya.
["Okay. I'll wait for you. Please, come back directly to me, Seol. I love y-you."] Nabasag ang boses niya at kasabay rin noon ay ang unti-unting pagkabasag din ng puso ko.
Please, don't get hurt. This isn't just painful for you, Bien, sa akin din. Crap, sa akin din!
Mariin akong pumikit bago ko pinakawalan ang barang nasa lalamunan ko na matagal nang pumipigil sa akin para isatinig ang isinisigaw ng puso ko, matagal ko nang gustong sabihin at matagal ko nang gustong gawin. I was still so afraid. Pero kung ito lang din naman ang makakapagpagaan ng loob niya, bakit ko ipagkakait sa kaniya kung matagal ko na rin naman itong gustong sabihin?
It was time to spare myself from the unknown trance that had been hurting me and let my heart decide... For me, for Eve and for Bien. For us.
"I will, Bien, I'll surely come back to you, we'll come back. And I'm sorry if this came too late but I want you to know that... that I love you too." My lips quivered for every word but it soothed my aching heart as if being released for being caged for long.
At least, that felt so good. At least, for years, everything suddenly felt so right.
Ang kasunod na tumawag sa akin ay ang taong kahapon ko pa gustong maka-usap. Hindi ako nag-attempt na tawagan siya dahil natatakot ako pero gusto ko pa rin siyang maka-usap. She needed to clear my mind, I needed to hear from her the clarification.
"Tita..." bungad ko nang sagutin ko ang tawag.
["Hanselle, I heard you ask Evah-ssi to send Chan to the Philippines, is that true?"] banayad ngunit puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Tita Celine. I couldn't believe she was asking me that question first thing. Hindi ba't ako dapat ang nagbabato ng tanong?
Pagod na napahilot ako sa batok ko bago sumagot, "Yes. I can't afford Jimin to see her, Tita, I'm sorry." Pinilit kong pakalmahin ang boses ko.
I didn't know what had happened in Busan. I didn't know if they had let it happen, if they had let Jimin see my daughter. Pero hindi rin naman ako natutuwa. Kahit pa na hindi sadya ang lahat ng iyon, kahit pa na nagkataon lang ang lahat.
They knew more than anyone how I disgusted Jimin seeing Eve.
["Is this about the photo?"] untag niya. Kahit na hindi niya tukuyin kung anong picture iyon ay pareho naming alam kung ano iyon. At alam niya... alam niya kung anong epekto sa akin noon.
Alam nilang lahat. I wouldn't resort this far if I wanted my daughter to meet her father, to meet Jimin.
"Tita, you know too well that the very last thing I want to happen right now is for them to meet," sabi ko sa pinakamahinang tinig ngunit sinigurado kong maririnig at maiintindihan niya ako.
["Hanselle, they are supposed to meet,"] simple ngunit puno ng pagsusumamong sabi niya na nagpasinghap sa akin.
Possibilities and reason started flooding my mentality. Naisip kong baka hindi nagkataon lang ang lahat pero magagawa ba nila sa akin iyon? Of course, I was just the mother of their grandchild and Jimin was their child. Mas papaboran at kakampihan nga malamang nila ito. But I trusted them!
"We don't need him, Tita. You know how we managed to survive even without him. Please, don't do this," sabi ko sa nagmamaka-awang tinig. Ayaw kong isipin na sila ang may pakana ng lahat ng ito. Ayaw kong isipin na baka binigo nila ako pero bakit wala man lang silang ginawa para mapigilang ang pagkikita nina Eve at Jimin?
By all means, they could be the reason why Eve and Jimin had met in the first place! At ayaw kong tanggapin iyon! I didn't want a betrayal from them.
["My son deserves to meet his daughter, Hanselle. Don't deprive him his rights this time. Please don't, Hanselle."]
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa phone ko pagkatapos naming mag-usap ni Tita Celine. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o kung ano. I couldn't get mad at her, at them, at the Park Family since they had been so nice to me and Eve. Pero hindi ko rin kayang ibigay ang gusto nila. At this rate, I wouldn't mind fighting for my daughter's custody.
Hindi man niya kinumpirma sa aking may kinalaman nga sila sa pagkikita nina Jimin at Eve ngunit ang mga sinabi niya sa akin ay sapat na para kumpirmahing... hindi na sila sang-ayon sa desisyon kong itago o ipagdamot kay Jimin si Eve.
Ang pinag-aalala ko, baka sa mga oras na ito, iniisip na ni Jimin na siya nga ama ni Eve, at nasa Busan pa rin ang anak ko!
Muli kong sinulyapan ang wrist watch ko habang nagsisilabasan na ang mga tao mula sa departure area ng NAIA at hinihintay kong lumitaw ang imahe ng mga taong gusto kong makita.
Katabi ko ang driver na siyang magmamaneho ng van na siyang naghatid sa akin. Hindi kami magkakasya sa Jeep ko kung iyon ang dinala ko kaya ipinahiram sa akin ni Kuya Haynes ang isa sa mga service vans nila. Ang Jeep ko ay maliit lang at kayang lumulan ng apat na tao lang. Hindi kami magkakasya, lima kami at anim kung isasama si Eve.
Kusang umangat ang mga labi ko at nagbara ang lalamunan ko nang lumitaw na sina Evah, Aly, Em, Jessie at Eve mula sa arrival area. Agad akong kumaway para kunin ang atensyon nila. Hawak ni Evah ang kamay ni Eve habang nakasunod sa kaniya ang tatlo. Siya rin ang unang nakapansin sa akin.
The image of my innocent daughter looking around became blurry as my eyes immediately watered, my heart drumming in both excitement and eagerness, kulang na lang ay takbuhin ko sila para mayakap ang anak ko.
Welcome to the Philippines, Eve... my hometown.
I blinked several times to dry my eyes while happily waving at them until they reached me. My heart automatically cheered at the sight of my daughter this near. She was wearing a simple bunny printed white shirt, denim skirt that hung above her knees at pink na barbie boots. Ang kulot niyang buhok ay naka-pigtails na naman. May suot siyang maliit at kulay pink na square bag.
Lumuhod agad ako sa harap niya para makapantay ko siya. Naiiyak ako dahil sa pinaghalong saya at excitement kahit na nasa harap ko na siya. Kahit na mukhang hindi siya natutuwang makita ako ay sobrang saya ko pa rin dahil nandito siya ngayon sa harap ko.
"Hi mahal ko! How's your first airplane ride?" malambing kong tanong sa kaniya habang hinahaplos ang mga malalamig niyang braso. They were paper white and very thin, seemed like she had brought with her the coldness of Seoul. Her cheeks were a bit crimson, I noticed it was because of heat since bullets of cold sweats were forming on her forehead.
"My head hurts, and I feel so hot..." Humikab siya. "Mommy, why Tito Bien didn't go with us?" tanong niya sa kumukurap na mga mata.
Sinasabi ko na nga ba at hahanapin niya si Bien dahil sobrang attached siya roon sa tao.
Matamis akong ngumiti sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya. Natural lang na mahilo siya dahil first time niyang sumakay ng eroplano at nasanay siya sa lamig ng Korea kaya paniguradong mahihirapan siyang mag-adjust sa weather ng Pinas.
"Don't worry, he'll come here but he needs first to finish his work, Eve," sabi ko sa kaniya.
Tumango siya sa akin na tipong naiintindihan niya ako saka siya muling humikab. Nangingiting hinila ko siya palapit sa akin para buhatin. Four years old na siya pero napakaliit niya pa rin. May pinagmanahan sa height, hanggang ilalim lang siya ng hips ko sa totoo lang.
Dahan-dahan kong itinulak ang ulo niya sa balikat ko at marahang tinapik-tapik ang likod niya. "Sleep first, mahal ko, hm," bulong ko sa kaniya. Nang balingan ko sina Evah ay nakita ko ang mga ngiti nila, reciprocating the smile on my lips. Hindi ko tuloy mapigilang mapanguso.
They had been hiding from their family here in the Philippines. Hindi ko talaga inaasahang ganito lang kadali ko silang mapapa-uwi rito.
It wasn't me. I guessed it was Eve.
"Welcome back to the Philippines, runaways." I teasingly told them while starting to slowly rock Eve so she could sleep.
Nanlaki ang mga mata ni Em sa sinabi ko saka siya mabilis na umiling. "Hey, I'm not a runaway! Itong dalawa lang ang runaway!" Itinuro ni Em sina Evah at Aly, halatang defensive.
Evah just laughed, not denying it while Aly glared at Em. If I knew, they were all runaways. Si Evah lang ang tanging alam ko ang history kung bakit siya naroon sa Korea. Itong dalawa, I knew that they were runaways, pero hindi ko alam kung anong dahilan ng mga paglalayas nila.
I just hoped they came to fix their issues with their families here, with that, nagbabalak na rin akong sabihin ang lahat sa mga magulang ko, simula kay Eve siyempre.
Binati ko rin si Jessie at pinasalamatan siya sa pag-aalalaga kay Eve. Pinayagan ko siyang umuwi na muna sa pamilya niya para makasama ang mga ito since matagal din siyang nawalay sa mga ito. So hinatid na muna namin siya sa bus terminal bago kami umuwi sa bahay.
Dahan-dahan kong inilapag si Eve sa kama ng kuwarto ko dahil mahimbing siyang natutulog. Pagkatapos ay nagtungo ako sa walk-in closet para kumuha ng dalawang unused pillows para ilagay sa magkabilang gilid niya. Malikot siyang matulog, kabaliktaran kapag gising siya, sa kuwarto namin sa Seoul ay may dalawang medium-sized Finn stuffed toy siya sa tabi niya para hindi siya mahulog.
"We're better off without your father, Eve. We don't need him, 'mkay?" mahina kong pagkausap sa anak ko bago ako yumuko sa kaniya para bigyan siya ng marahang halik sa noo.
Nakaya namin ni Eve na wala siya sa buhay namin. Hindi porke't nalaman ni Jimin na anak niya si Eve ay basta na lang siyang papasok sa buhay ng anak ko, sa buhay namin ng anak ko na parang walang nangyari. Just so he knew, he had left me before. I had already closed my door for him and I didn't have plans on opening it again for him, even the door of my daughter's life.
Wala na siyang lugar sa buhay namin.
Muli akong bumaba sa living room dahil naiwan ko roon sina Evah. Naabutan ko si Manang Bing na nag-se-serve ng pagkain para sa kanila. Naroon din ang dalawang maids at naka-alalay kay Manang Bing.
"Thanks, Manang." I told the kind old lady before she smiled at me and strode off the living room back to the kitchen.
"Nice house," komento ni Aly nang makalapit ako sa kaniya habang nagmamasid ang mga mata niya sa kabuuan ng bahay. She stood just near the couch, maybe too occupied with my house's interior to sit first.
Mas malaki ang bahay na ito kaysa sa bahay na nabili ko sa Seoul at mas moderno rin ito kumpara roon pero parehong simple lang.
"Hanselle, where's our room? Nahihilo kasi ako, gusto kong magpahinga muna," ani Em na naka-upo sa couch at bahagyang nakapikit, hawak pa ang sentido. Beside her was Evah, busy with something on the phone.
I didn't think it was because of the air ride. Sanay siya sa biyahe dahil madalas siyang lumabas ng bansa para sa mga projects niya noon. She also had few fan meetings outside Korea for her international fans. Kaya bakit siya nahihilo?
Nang makita kong mukha talagang pagod na pagod siya at gusto nang magpahinga ay bumuntong-hininga ako.
"My bad, let me bring you to your rooms first," hinging-paumanhin ko saka siya tinanguan.
"I'm fine here, si Em na lang saka si Aly muna ang ihatid mo, Hanselle." Nag-angat si Evah ng kamay para ipakitang okay lang siya bago niya ibinalik ang atensyon sa phone niya.
Napapansin kong kanina pa siya abala sa phone niya. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty dahil baka marami silang naiwang trabaho sa Eve's. Ngayon pa lang din talaga nila naiwan ang Eve's ng wala ni isa sa amin ang naroon para magbantay kahit na nakakasiguro naman kaming kikita ito kahit wala kaming lahat doon. But Eve's boss was very workaholic. See, working even here.
"Mabuti pa nga, Hanselle, gusto ko na ring magpahinga," pagsang-ayon ni Aly kaya't tumayo na si Em dala ang mga strollers nila at hinatid ko na sila sa guest room kung saan sila magi-stay.
I asked them if they wanted a separate room for each of them and they said they were fine with just one room so sa iisang kuwarto ko lang sila hinatid. Malalaki naman ang kama sa bawat kuwarto kaya't kahit tatlo pa sila roon ay magkakasya sila.
"Tss, kailan pa naging tulugin ang babaeng ito?!" inis na sabi ni Aly nang iwan ni Em ang stroller niya sa pinto at dumiretso ng bagsak sa kama.
Natatawang hinila ko na lang ang stroller niya papasok habang nililingon si Aly na nakabusangot ang mukhang nakatitig kay Em at tila hindi mabigyang sagot ang nangyayari kay Em. The latter must be really tired.
"Alam mo bang kada-oras yata ay natutulog iyan sa Eve's? Nagsusumbong sa akin si Evah. Hindi ko nga alam kung bakit hindi na siya pumirmang muli ng kontrata sa HIT e halata namang in-demand pa rin siya! Ay ewan!" She harshly dragged her stroller to the closet before walking to the bed.
Kahit naman ako ay naguguluhan pa rin hanggang ngayon kung bakit niya binitawan ang acting career niya. She was still on her prime. Walang matinong actress ang iiwan ang pag-aartista sa gitna ng kasikatan.
Siya lang. At hindi ko lubos-maisip kung anong dahilan niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top