VII
💐 For JeckyPerez ,
thanks for reading, cutieee 💕 💐
- Hannan♥
♠♠♠
Chapter Seven
Sa mga sumunod na araw ay kung hindi ako nananatili sa Eve's ay nasa bahay naman ako nina Kuya Haynes na ilang blocks lang ang layo mula sa bahay ko dahil natutuwa akong makita ang kambal nila ni Chelsea. Kung minsan naman ay hindi pa ako natatapos sa Eve's ay umuuwi na ako at dumidiretso sa kanila at isa ang araw na ito sa mga iyon.
Nilagpasan ko lang ang bahay ko at nagpatuloy ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa harap ng malaki at kulay peach na bahay. Hindi tulad ng nasa bahay ko, bar gates ang mayroon ito at kulay itim. Nagbibigay-daan ito para makita ko ang malawak na driveway patungo sa nakatayong bahay ilang metro ang layo sa gate.
Bumusina ako para makuha ang atensyon ng guard na nasa guardhouse. Tumawag na ako kay Chelsea na pupunta ako ngayong araw dahil buong araw kahapon nasa Eve's lang ako, linggo kahapon at iyon ang araw kung kailan madalas dagsain ang Eve's kung kaya't hindi ko ito maiwan.
Pagkakita ng guard sa sasakyan ko ay agad niya akong pinagbuksan ng gate. I then drove inside the gate to the front of the big house.
Actually, marami ang nagbago sa bahay na ito ni Kuya Haynes. Noong hindi pa sila kinakasal ni Chelsea ay purong tsokolate ang kulay ng bahay, not simple but you could say it was a typical house. Nagbago lang naman ang hitsura ng bahay mula sa labas hanggang sa loob nang ikasal na siya sa best friend ko. Maraming pinabago si Chelsea, mula sa kulay, sa disenyo hanggang sa mga muwebles.
Gone was the luxurious and expensive furnitures and was exchanged with high standard yet affordable ones. Dahil hindi naman maluho si Chelsea, she preferred those high standards, yes, but as long as possible, she had said she wanted it all affordable. Hays, at nagkasundo kaming dalawa sa bagay na iyon dahil ganoong-ganoon din ang ginawa ko sa bahay ko.
Sinalubong ako ng malawak na sala ng bahay paglabas ko ng hallway mula sa main door. Only that, this house was really big. Ang tiled floor na tinatapakan ko ay may asphalt design at kulay abo. Sa pinakagitnang bahagi ng sala kung nasaan ang pabilog na espasyo ay naroon ang mga couches, tables and television set.
Nagtungo ako roon, may dalawang baitang hagdan pababa bago ko matapakan ang pinakasahig nito na nababalutan naman ng furry gray carpet. Ang mga leather couches ay kulay abo rin, maging ang round table sa pagitan ng mga couches. Ang shelf divider na pinagpapatungan ng television set ay kulay abo, even the standing lamp beside it. Sa likod ng divider ay ang likod ng grand staircase, so this living room was located just below the staircase. Kailangan ko lang umikot sa likod ng living room kung gusto kong umakyat sa second floor dahil doon nakaharap ang hagdan.
"Chels," tawag ko sa babaeng naka-upo sa carpeted floor habang nilalaro ang dalawang sanggol na nasa mas maliit na kulay puting carpet.
Hindi ko sila napansin kanina dahil natatabunan sila ng long couch. Napansin kong naka-simpleng purple maxi dress lang siya at pares ng comfy indoor slippers, tugmang-tugma sa komportableng atmosphere ng buong bahay.
"Oh, Hanselle, nandiyan ka na pala. Come, sit," aniya na saglit lang akong nilingon at muling ibinalik ang atensyon sa mga anak. Kambal na lalaki ang anak nina Kuya Haynes at Chelsea. Nabigyan na rin nila ang mga ito ng pangalan.
Si Jill Ares ang panganay at si Jack Eros naman ang bunso. Narinig ko, nakaplano na talaga ang pangalan ng mga ito matapos ang ultrasound ni Chelsea noon at matapos nilang malaman na kambal na lalaki ang mga anak nila.
Sa lagay na iyon, mukhang nagkasundo sila.
Tumalima ako sa sinabi niya, habang nauupo ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. Natutuwa akong makita ang pag-aalaga niya sa mga anak niya… bagay na ipinagkait ko sa sarili ko. Nasaan ba ako noong mga panahong nagpapalit pa lang ng diapers si Eve? Nandito ako sa Pinas at malayo sa kaniya. Nasaan ba ako noong mga panahong gatas pa lang ang kinakain ni Eve at kailangan niya ng magtitimpla ng gatas para sa kaniya? Nandito ako sa Pinas…
Maraming bagay akong pinalagpas habang lumalaki si Eve. Ni hindi ko nga nasaksikan ang unang dapa niya, ang unang gapang, ang unang tayo niya, ang unang upo at ang unang lakad niya. All those things, I had deprived it all to myself.
Kaya nga ba sobrang saya ko noong marinig ko siyang tawagin akong Mommy sa unang pagkakataon, pakiramdam ko noong mga panahong iyon, ako iyong pinakamasayang nanay sa lahat.
"Apple!" biglang sigaw ni Chelsea na pumutol sa mga iniisip ko. Isang kasambahay ang lumapit sa amin. Nag-iwas kaagad ito ng tingin nang magtama ang mga mata namin bago bumaling kay Chelsea. "Magdala ka rito ng meryenda para kay Hanselle," utos ni Chelsea rito na abala pa rin sa mga anak.
"Opo," mahinang sagot ni Apple bago tumulak para gawin ang inutos ni Chelsea.
Hindi ko mapigilang ngumuso dahil palaging ganoon kung pakitunguhan ako ng mga kasambahay niya. Kaunti na lang at iisipin ko nang may mali sa mukha ko, pati mga kasambahay sa bahay ay ganoon rin makitungo sa akin. Hindi ko naman sila kakainin, inaamin kong hindi nga ako madalas ngumiti pero mas creepy naman yatang ngitian sila ng walang dahilan.
"How's Eve's?" kaswal na tanong ni Chelsea nang sa wakas ay nilingon na niya ako.
Sumandal ako sa upuan at bahagyang tumingala. "Doing fine, Chels. Don't worry, you can still have your vacation, kaya naman namin sa Eve's. Mas mabuti kung itutuon mo muna ang atensyon mo sa mga anak mo," sagot ko. Lumunok ako saka mariing pumikit, unti-unting dinadalaw ng pait ang dibdib ko.
Ayaw kong matulad siya sa akin. Hindi ko sinasabing mas malakas ang loob ko kay Chelsea pero mahirap ang mga pinagdadaanan ko, I bet, she wouldn't take it all. Kaya habang nasa kaniya ang pagkakataon, hindi niya dapat sayangin. I didn't have the chance before… and that was our difference.
"Eve's will operate even without the two of us, you should've stayed longer with your daughter, Hanselle," aniya.
Umayos ako ng upo at dinungaw siya. Sa sobrang banayad ng pagkakasabi niya ay iisipin kong wala lang sa kaniya ang mga sinabi niya pero ngayong nakikita ko ang repleksiyon ng mga mata niya, gustong lumubog ng puso ko dahil ang kalungkutang sumasalamin sa mga mata niyang nakatitig sa akin ay ang siyang lumulunod sa puso ko.
Chelsea wasn't my best friend for nothing. She knew what was inside of me. She knew what my heart really felt right now. I might come as fine outside, she knew that inside of me, I was not so fine. We had been friends for almost six years. For her, I was just like a transparent bottle of water, easy to see and read.
"Kapag ginawa ko iyon, baka gustuhin ko na lang na mag-stay sa tabi ni Eve at huwag ng umalis," malungkot kong sabi.
"What's wrong with that? You should actually stay with her. You're family, the very closest." Iniwas niya ang tingin niya at itinuon na lang muli sa dalawang supling niya.
The twins were now sleeping silently. I didn't know if it was safe for them to be here outside but Chelsea had her OB. Ito ang nagtuturo sa kaniya ng mga dapat niyang gawin simula noong nagbubuntis pa lang siya.
"You know, I'll be very unfair to her. Mananatili ako kung kailan ko gusto samantalang hindi ko alam kung ilang beses siyang naghanap ng ina n-noon." My voice surprisingly broke. At ngayong nasasanay na siyang wala ako sa tabi niya, ngayon pa ba ako mag-di-decide na mag-stay? She obviously didn't need me anymore.
"Stop overthinking things, Hanselle. You wanna be with her, then stay with her."
Nang maka-uwi ako sa bahay ay pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Chelsea. Ilang beses ko na bang sinaway ang sarili ko sa kagustuhan nitong makasama si Eve ng mas matagal? Maraming beses na. And I knew very well what was the consequence every time that happened, my daughter was growing farther and farther away from me.
Now, I was confused again.
Matapos ang ilang linggong pag-stay ni Chelsea sa bahay ay napagdesisyunan na niyang samahan ako sa Eve's. That was after she had convinced my brother, of course, and well me because we wanted her to just stay at their house and take care of the twins.
"He's been overreacting, Hanselle! I hired babysitters! Hindi naman puwedeng sa bahay lang ako!" Chelsea frustratedly stomped her feet as she paced back and forth here inside our office. Suot na niya ang uniform niya since hindi na siya buntis. She had to wear maternal dresses before because of her belly bump. At kung noon ay bantay-sarado siya sa pagsusuot ng matataas na heels, ngayon ay naka-four inches heel siya.
I didn't wear Eve's uniform, pareho kami ni Evah na mas gustong personal choice ang isinusuot sa tuwing nasa Eve's. Si Aly ay ganoon din naman noong nasa Eve's Seoul pa siya pero dahil nasa Eve's Incheon na siya ay napagpasyahan niyang sumunod na rin sa dress code. Same goes for our very busy little actress, Em. Hindi siya madalas sa Eve's Seoul, once in a blue moon lang siya magpakita roon kaya hindi niya rin kailangan sumunod sa dress code.
"You've been fighting over trivial things. Hindi ko na alam sa inyong dalawa!" Sumasakit ang ulo ko sa kanilang mag-asawa. Mas lumala pa ata sila ngayong nagka-anak na sila. They both had built a battalion against each other, both were refusing to back down.
Parati silang may sagot sa isa't isa.
Gusto ko na tuloy isiping masyado silang nagpadalos-dalos sa pagpapakasal dahil ngayon pa lang lumalabas ang incompatibility nila.
"Itakas mo naman kami oh!"
Natuon ang buong atensyon ko sa kaniya mula sa pag-ri-review ko ng Eve's financial statement report ni Stephen ngayong taon. Huminto na siya sa pagpaparoo't parito at nagsusumamong tumingin sa akin.
"How serious it is, really?" I asked her with my brows crossed.
"Very serious! Naiinis na ako sa kaniya. Wala na nga siyang panahon sa amin ng mga anak niya tapos didiktahan pa niya ako? Sumusobra na s-siya!" Nabasag ang boses niya at napagtanto kong hindi lang ito basta katulad lang noong mga dating awayan nila. This was really serious.
Ano na naman bang ginawa ni Kuya Haynes?!
Tumayo ako mula sa swivel chair ko at nilapitan siya. I softly held her arms as I dragged her to the mini living room. Pina-upo ko siya sa couch saka hinaplos-haplos ang likod niya para patahanin siya.
"Talk to him. Mag-usap kayong dalawa. And I don't mean when you're both mad. Walang patutunguhan iyon. May hearing ba siya?" untag ko.
Bumusangot ang mukha niya bago malaglag ang mga mata niya sa kandungan niya. "Malay ko roon! I don't know, Hanselle! Ni hindi kami nagkakakitaan sa bahay sa sobrang busy niya!" She really sounded so mad and frustrated. Lukot na lukot ang mukha na tipong naiiyak na.
Bumuntong-hininga ako. I wanted to help her but I still didn't know my brother's side. Gusto ko rin silang tulungan pareho but I knew, their problem was theirs to solve and not mine. Inalo ko na lang siya dahil sa mga ganitong pagkakataon, hanggang pagdamay lang ang kaya kong gawin.
I was still not married so I didn't know how married couples handled their matters.
Noong buntis pa siya ay madalas kaming lumalabas kapag nalulungkot siya ngunit ngayon ay inis na inis siya at ni ayaw gumalaw sa table niya. Really, pregnancy could turn a woman's life upside-down.
Paminsan-minsan ay lumalabas ako ng office para i-check ang restaurant. Minsan ay nakikipag-usap ako sa mga regular customers at nagtutungo sa kitchen kahit na wala akong kaalam-alam sa mga pinaggagawa sa loob, gustuhin ko mang silipin si Bret sa office niya ay ayaw ko namang maabala siya sa trabaho niya.
That was to divert my attention from calling to Korea.
Na-mi-miss ko si Eve at Bien pero kakausap lang namin noong nakaraan. Ayaw ko namang na-iistorbo si Bien lalo na at may pinagkaka-abalahan na siya ngayon. Kung kay Jessie ako tatawag ay paniguradong hindi ako kakausapin ni Eve. Ang mga kaibigan ko naman ay abala rin sa Eve's doon.
"Would you want to check the applicants?" tanong sa akin ni Bret tungkol sa mga applicants na willing i-fill up ang ilang vacant position sa kitchen. Kagagaling ko lang sa kitchen nang madaanan ko siya rito sa counter, siguro ay hindi rin niya gustong nananatili lang sa office niya.
"No, I trust your judgement. Ikaw na ang bahala sa kanila, Bret. Isalang mong mabuti." Umiling ako at tinapik ang balikat niya.
Ibinaba niya ang mga folders na dala niya kung nasaan malamang ang information ng mga applicants bago siya tumango sa akin bilang pagsang-ayon.
"Hanselle."
Mula sa pakikipag-usap kay Bret ay naagaw ni Chelsea ang atensyon ko nang makita ko siyang lumabas ng office namin. I sighed at that. Mabuti na lang at lumabas na siya gayong nakikipagtitigan lang naman siya screen ng desktop niya sa loob.
She lazily pointed the closed door behind her. "There's a call for you. It's your mother-in-law," wala sa sarili niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko at agad na bumalik kay Bret ang atensyon ko para lang makita ang gulat at nagtataka niyang mga mata na nakatoon sa akin. Maging ang ilang empleyadong nakarinig ay napahinto rin sa kani-kanilang ginagawa at napatitig sa akin.
Crap, Chelsea! Your mouth!
"E-Excuse me," paalam ko kay Bret at agad na nagtungo sa office, nilagpasan ko rin ang mukhang wala sa sariling si Chelsea.
Chelsea was so careless! Hindi niya puwedeng basta na lang bigkasin ang mga ganoong bagay rito lalo na at alam naman ng lahat ng nandito na wala pa akong asawa o kahit na boyfriend! They didn't even know about my daughter!
I quickly marched towards my table and to the phone on-hold on the table. Nakalapag lang sa mesa ang wireless telephone na halatang may naghihintay sa kabilang linya.
Paulit-ulit muna akong humugot ng malalim na buntong-hininga bago ko dinampot ang telepono at sa pinakamarahang tinig, "Hello?" I formally said to the other line.
["Hanselle! How are you?"] masayang tono ni Tita Celine ang bumungad sa akin.
I hardly pursed my lips as I stared at nothing in particular. Inalala ko kung anong araw ngayon at halos murahin ko ang sarili ko nang masulyapan ko ang digital clock sa mesa ko kung nasaan din nakalagay ang kalendaryo.
0504
Shoot, Hanselle! Sa dinami-rami ng makakalimutan mo, iyong araw ngayon pa. My inner Goddess snapped at me.
No, it was not about the month or the year, it was about the date, the every fourth of the month.
"I-I'm fine! Always b-been fine, Tita!" utal kong sagot. I nervously bit my lower lip as I started contemplating of explanations to tell her. Kasi wala ako sa Korea. Hindi ako makakapunta, kasi nanggaling na ako roon. And what if she asked me why I didn't tell her?
Madalas kasi ay nagsasabi ako sa kanila paglilipad ako pa-Korea. They knew about the Eve's opening event but of course, I still needed to tell them if I would be there or not. It was an unspoken agreement in between us.
["I miss my granddaughter. You want me to send Jigs to Seoul to get you and Chan?"] Her usual soft and sweet voice was present and it made me think of how lucky I was and my daughter to get acknowledged by her, by them.
By Jimin's family.
At nakaka-guilty na nakalimutan ko ang araw na ito gayong isang araw sa isang buwan na nga lang ito dumating at masuwerte na nga kami ni Eve dahil sa pagtanggap nila. Hindi dapat kinakalimutan. This was the only way I could thank them.
"Actually, Tita, I'm in the Philippines now but I can send Eve there. I'm very sorry!" Paghingi ko ng paumanhin habang hinihilot ang batok ko dahil tuwing ika-apat na araw ng buwan ay nagtutungo si Eve sa Busan para bisitahin sila.
It just became a habit. Kung minsan ay sila ang nagtutungo sa Seoul para kay Eve kapag maaga kong nasasabi na nandito ako sa Pilipinas, ang kaso nga ay nakalimutan ko ngayon.
['That's so sad…"] Lumungkot ang boses niya. ["So should we just go to her—"]
Mabilis ko siyang pinutol. "No, no! I'll just tell Evah to send her to you and she can stay there for as long as she wants. I hope that'll make it up to you. I'm very sorry." I paced back and forth because I still felt tensed.
Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay iyong ma-disappoint ko sila. Isa sila sa mga mahahalagang tao sa buhay ni Eve. Ipinagkait ko na sa kaniya ang tatay niya, hindi ko na yata makakaya pang ipagkait sa kaniya sina Tita Celine… nakikita kong masaya si Eve sa tuwing kasama sila. Somehow, I was glad that I didn't deprive my daughter to meet her grandparents… kahit na hindi sa side ko, kahit sa side na lang ni Jimin.
Usually, umaabot ng isang linggo si Eve sa kanila kapag walang school, kapag mayroon naman ay dalawang araw lang pero siguro ay kakausapin na lang ni Evah ang teacher ni Eve para payagan ito.
["Oh, stop apologizing, Hanselle. I'm actually very thankful that you're letting us bond with her. That will do. I'll just call your friend,"] mahinahon pa rin ang tono ng boses ni Tita Celine na mas nagpa-guilty sa akin. Napaka-softspoken talaga niya. Minsan hindi ko na lang talaga mapigilang isipin kung anong mayroon ako para tanggapin nila ako ng buong puso matapos ang mga desisyon ko noon.
Even without Jimin knowing, they had still accepted me and had hidden everything from Jimin like I had asked them to. Hindi nila ipinilit sa akin ang karapatan ni Jimin bilang Daddy ni Eve. They had even understood all of my decisions, without questions. Because they knew what had happened before.
"Okay, Tita. See you when I get there then," tangi ko na lang sinabi bago magtapos ang tawag. Nanghihinang ibinaba ko ang telepono at nahahapong napa-upo sa swivel chair ko. I didn't even realize I was standing while talking to Tita Celine.
It was actually all just an accident. Everything.
Four years ago, matapos akong dalhin nina Evah noon sa hospital dahil pumutok na ang water bag ko at mag-li-labor na ako ay nagkataon na nasa parehong hospital rin ang mga magulang ni Jimin dahil tumaas ang blood pressure ng Daddy niya. Those time, they were in Seoul for some important matters. Jimin wasn't there since he was in a live broadcast and was lately given notice.
Sa hospital na rin kami nagpang-abot ni Tita Celine. We had just accidentally bumped into each other while I was in a hallway going to meet my baby, and she was going to her husband's room. Noong mga panahong iyon ay nakapagdesisyon na akong huwag nang ipalam kay Jimin ang tungkol sa anak namin dahil nakita ko namang masaya na siya. I didn't want to ruin both his life and his happiness.
I had stayed in the hospital for a week but Tita Celine and her husband only lasted for three days. Nang magpapaalam na sila sa akin ay nagtungo sila sa kuwarto ko na noong mga panahong iyon ay kasama ko sa kuwarto ang baby ko.
And who wouldn't think of Jimin upon seeing my daughter? They had immediately concluded upon seeing the baby and well, compromised with me that they would want to help me with the baby.
Tumanggi ako noon kasi kaya ko namang buhayin ang anak ko pero hindi iyon ang ibig nilang sabihin… gusto nilang makasama ang apo nila.
All was set beyond Jimin's knowledge of course. Also, Eve had acknowledged them as her grandparents. Sa pamilyang Park, si Jimin lang ang natatanging walang alam. Isa rin sa dahilan kung bakit pumayag akong Park ang gamiting apelyido ni Eve sa Korean name niya ay dahil suportado iyon nina Tita Celine.
They were even registered as Eve's relative though her father's position was left unfilled.
The fourth of the month wasn't so special if not of this reason. Minsan, nililipad ko pa ang Korea para lang sa araw na ito, kaya ako guilty dahil hindi ko inaakalang makakalimutan ko ang araw na ito at panigurado, na-mi-miss na rin ni Eve ang mga ito.
Of all the things I could forget!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top