XXXVIII
Chapter Thirty-eight
Hapon na nang ibalik ako ni Jimin sa Bunnies. I told him to go back immediately, baka kasi pagalitan na siya ni manager Sejin dahil ang tagal din naming nawala. Nakakatakot pa man din ang manager nilang iyon. We parted ways giving each other sweet smiles. My heart honestly swelled for him.
Napasimangot ako nang makitang wala na si Kuya Haynes sa Bunnies. Hindi man lang niya ako hinintay, ni hindi siya tumawag o nag-text na aalis na siya. Wala rin namang sinabi sa akin si manager Kang tungkol sa pagkawala ko. That was one thing I had found out about him, he was like the most understanding manager. Ni hindi niya pa ako napapagalitan sa isang buwan ko nang pagtatrabaho rito.
He was just too considerate for my advantage.
"Oy ikaw ha! Saan kayo galing noong guwapo mong boyfriend, ha?" untag sa akin ni Aly habang ina-ayos ko ang mga gamit ko dahil tapos na ang shift namin. Nakapagbihis na kami pareho at naghahanda na sa pag-uwi.
Pinigilan kong mapangiti ng malapad. "Diyan lang," sagot ko. Hindi ko na siya tinatama sa tuwing sinasabi niyang boyfriend ko si Jimin dahil iyon pa rin naman ang paniniwalaan niya.
She nudged at me, playfully pinching my arm. She even had that malicious smile and only God knew what was running on her mind now. Ever since she had found out about Jimin and I, her teasing went even worst. Madalas ay hindi niya ako tinatantanan sa kaka-asar.
"Nakuuu! Hindi ko alam kung paano ka pa humihinga sa tuwing kasama mo siya! Grabe, si Jimin iyon!" pigil ang kilig niyang sabi ngunit may diin ang mga salita. Kulang na lang ay maglupasay siya sa harap ko kung hindi lang siya magmumukhang tanga. Kung alam lang niyang hindi ang paghinga ang problema ko sa tuwing kasama ko si Jimin kung hindi ang puso ko, hindi ko kasi kontrolado ang puso ko kapag nasa tabi ko lang si Jimin.
Si Jimin, siya kasi iyong lalaking dahilan kung bakit feeling ko parati akong naka-drugs sa pagka-high. If he was a drug to take me into my most incurable insanity… then I wouldn't mind taking more because he was just addicting.
He was my own personal ecstasy… ecstasy only made for me.
"But look at you, you can act normal in front of Taehyung." I teased her this time. Naalala ko kasi kung gaano sila kakomportable ni Taehyung sa isa't isa, para bang matagal na silang magkakilala.
Her eyes widened. Kitang-kita ko ang pagpula ng mga pisngi niya. "'C-Cause Taehyung is… Taehyung is d-different! And I'm talking about you and Jimin!" Ngumuso siya. She then marched towards the door and went out, avoiding further teasing. Guilty ang lokaret.
Natawa ako sa inasal niya. Palabas na sana ako ng staff room nang tawagin ako ni manager Kang na nasa may pinto ng office niya. Hindi ko napansing nandiyan pala siya. Nilapitan ko siya at paglapit ko ay may agad siyang inabot sa aking puting envelope.
"What's this? I just got my salary," I told him since hindi pa naman ngayon ang cut-off, isa pa noong isang linggo lang ako sumahod.
"L-last salary," aniya sa putol-putol na English habang nag-iiwas ng tingin sa akin tulad ng madalas mangayari kapag kausap ko ang ibang tao.
Kumunot ang noo ko. "Last salary? For what? Are you firing me, manager Kang?" I asked, too stunned upon realizing what this is. Dahil ba sa pagkawala ko kanina? Pero ang buong akala ko ay okay lang iyon dahil wala naman siyang sinasabi?
Crap, mawawalan ba talaga ako ng trabaho?
Mabilis siyang umiling. "Y-your oppa gave a resignation letter in your behalf," sagot niyang naka-iwas tingin pa rin.
My jaw dropped. Ginawa ni Kuya iyon? Pero bakit?!
Lumilipad ang utak ko habang nasa biyahe kami ni Aly pauwi. Iniisip ko ang lahat ng puwedeng dahilan kung bakit nagpasa si Kuya Haynes ng resignation letter para sa akin kay manager Kang. And was that even valid? Ako dapat ang pipirma roon! I couldn't call Kuya Haynes. Dahil sa dami ng mga dahilang pumapasok sa isip ko, iisa lang ang sigurado akong totoong dahilan ni Kuya. And I was afraid to confirm it from him. I just couldn't! Ayaw kong marinig iyon mula sa kaniya!
Natatakot ako…
"Oh? Parang pinagsakluban na naman iyang mukha mo? Hindi ba kinontak ka na ng kuya mo? At saka hoy, nakakatakot iyong kuya mo ha! Para siyang masungit na boss!" pansin sa akin ni Aly habang naglalakad na kami sa kahabaan ng street patungo sa bahay.
Madilim na pero dahil sa mga street lights ay nabibigyang liwanag ang daan para sa mga passers-by. Nadaanan pa namin kanina iyon dumpling house na madalas naming kainan, kung minsan ay nag-ti-takeout kami mula roon para pagsaluhan sa bahay.
"He's a lawyer, that's why," wala sa sariling sagot ko. Natatakot ako sa totoo lang talaga. I didn't want to entertain any reason because I just didn't want what was happening. Naguguluhan ako.
Anong pinaplano ni Kuya? Why wasn't he telling me?
"Wow! Kaya pala ganoon siya. Intimidating pero guwapo siya, in all fairness. Magkapatid nga kayo," sabi niya, unaware of the chaos within me.
I don't have time to think about that, Aly. Natatakot ako sa mga posibleng bagay na tumatakbo sa utak ni Kuya. You just don't know how powerful my family can get when it comes to decision making… no one could break through it, even me.
At kapag si Kuya nag-decide, there would be no change of mind or second thought.
Kaya nang tumunog ang phone ko at makita kong si Kuya Haynes ang tumatawag ay abot-abot ang pagtatahip ng puso ko sa kaba. Before answering the phone, I uttered a short silent prayer…
God, please just be it anything else and not… that.
["Hanselle, get ready for tonight. We'll go to the airport four sharp in the morning."] He didn't even say hello as he spilled the bomb.
Pakiramdam ko, bumagsak lahat ng pag-asa ko sa narinig ko. Mahigpit kong hinawakan ang phone ko at mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi ko. I only let it go when I tasted the metallic taste of blood and when I felt my throat throb. My tears started pouring, accompanying my aching heart. My fear of being far away from Jimin heightened. Itinakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko dahil naiiyak ako. I didn't let a sob escape from my throat.
Baka marinig ako ni Kuya!
["Just pack your things for now and get here at Victoria Hotel. You didn't tell me you have belongings in the airport? Don't worry, I've taken care of it already. Just be here, I'll wait for you."] His voice was steady and firm, patunay lang na desidido siya at hindi siya makikinig sa mga sasabihin ko.
"K-Kuya…" I immediately covered my mouth as an unexpected sob escaped. I gulped hard and fixed my voice. "Kuya, you should've asked me first. M-masyadong mabilis ito. I… I still want to stay," I told him, sounding so hopeful. Umaasang mapapabago ko pa ang desisyon niya.
Of course, I needed to convince him! Hindi ko puwedeng basta na lang hayaan si Kuya na ibalik ako sa Pinas. Paano si Jimin?! I couldn't leave him… I wouldn't leave him. I promised him I wouldn't.
["Hanselle, you've stayed here for almost three months and I think, it's enough. We're going back to the Philippines and that's final. Just get yourself here! Don't wait me to drag you from there,"] medyo galit niyang sabi. Na-i-imagine ko na ang galit niyang mukha sa kabilang linya at niisip ko pa lang iyon ay nanginginig na ako sa takot.
"Wait, Kuya—!" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil agad-agad na niyang pinutol ang tawag. I just limply sat on Em's bed, heart aching due to this very sudden and unwanted event in my life.
Just when I thought fate was done playing with my life, I was wrong… dahil heto na naman siya, messing my life, again. At mukhang balak nitong ilayo ako sa lalaking mahal ko.
Matagal akong tumulala habang iniisip pa rin ang lahat. My tears were just freely flowing on their own, aching my eyes and wetting my cheeks over and over again. I couldn't leave just like this. I couldn't leave Jimin here. I just couldn't. I… I promised him. I couldn't break that promise, not now that we were just starting! What should I do?
Napasinghap ako nang maisip kong tawagan siya saka mabilis kong pinunasan ang mga pisngi ko. I immediately dialed Jimin's number. Kabado kong idinikit sa tainga ko ang phone ko at hinintay siyang sumagot. I bit my lower lip as I heard more than five rings and still, no answer.
Crap, please Jimin. Answer the phone!
Paulit-ulit ko siyang tinawagan pero walang sumasagot. Busy ba siya ngayon? At ngayon pa talaga ito mangyayari? Noon naman ay parati siyang may oras para sa mga tawag at texts ko. Parating ako ang walang oras… hindi puwedeng hindi ko siya maka-usap! I needed to know from him what to do at times like this… marinig ko lang mula sa kaniya na magiging okay ang lahat, kontento na ako.
I just stared at nothing in particular as I waited for him to answer my second call attempt but the other line just kept on ringing. Hindi na ako mapakali. Habang mas tumatagal na hindi niya sinasagot ang mga tawag ko ay mas sumasakit ang pagkabog ng dibdib ko.
Bumuntong-hininga ako saka pumikit ng mariin nang matapos ang ring back at wala pa rin.
Ah, right! Updates. I needed updates. At sa mga ganitong panahon, si Aly ang kailangan kong lapitan.
Tinakbo ko ang pinto ng kuwarto palabas at nagtungo sa kuwarto nina Aly. Pagkakatok ko sa pinto ay agad kong itinulak itong pabukas at pumasok. Nakita ko si Em at Evah na parehong nakadapa sa ibabang kama habang si Aly ay nasa taas at kumakanta ng kung anong Korean song.
"Aly…?" I called her in an obvious hoarse voice.
Bumangon ang dalawa nang makita ako, they both just stared confusedly at me. Si Aly rin na nasa itaas ay sumilip sa akin. Napansin ko pa ang pagkalaglag ng panga ni Aly dahil marahil sa namumula kong mga mata dahil sa iyak, both Em and Evah remained staring at me.
"Could… could you give me an update about BTS…?" I asked her trying not to break a sob. Nagkatinginan sina Evah at Em ngunit nanatili silang tahimik, mukhang nakikiramdam pa rin.
I hardly pursed my lips. Alam ko ang tumatakbo sa isip nila. They must probably think that it was absurd that I didn't know what was going on with the BTS when one of the member was my… well, we didn't have label yet, pero alam kong iniisip nilang boyfriend ko si Jimin.
"Uhh, actually I'm watching their live guesting. They're with Bubbles," alinlangang sagot ni Aly as she showed me her tablet. Hindi ko iyon napansin kanina dahil nakahiga siya at nakasuot siya ng earphones. Bumaba siya bago niya ako sinenyasang maupo sa kama ni Evah at sabay-sabay naming pinanood ang live guesting ng BTS.
That was why he was not answering my calls. Dahil busy siya at may live guesting sila. Anong oras naman kaya matatapos iyon? I couldn't leave without talking to him. We needed to talk. Kailangan kong makausap siya para malaman kung anong gagawin ko!
Hindi ko gustong pagbalik ko ng Pinas ay hindi ko na alam kung ipagpapatuloy pa ba namin ang kung anumang namamagitan sa amin. That was why we need to talk. I needed a word from him…
The host was interviewing BTS together with Bubbles. Binubuo ng limang babae ang grupo ng Bubbles at isa sa kanila ay si Sally, Jimin's girlfriend in people's eyes, in everyone's eyes.
Kumunot ang noo ko nang magsigawan ang mga audience matapos sumagot ni Sally sa itinanong ng lalaking host, while Jimin smiled before saying something that earned crazy screams from the audience. Pakiramdam ko, sinasang-ayunan ni Jimin ang kung anong sinabi ni Sally na nagpakilig sa mga tao.
They were very convincing that even me… got almost convinced.
Nagtatakang nilingon ko ang tatlo dahil gusto kong kumpirmahin ang nasa isip ko.
"What… what did Sally say?" I asked while still looking at Sally and Jimin. Talagang pinagtabi silang dalawa. BTS were smiling as well as the Bubbles. A very perfect combination.
Muling nagkatinginan ang tatlo. Nagsisikuhan pa kung sino ang sasagot sa akin.
I sighed in desperation. "It's fine. Just tell me," sabi ko.
I saw Em utter a deep sigh. "The host asked them how their relationship is going… and Sally answered they're getting stronger. Also, the host asked them if they can tell saranghae to each other and they did," she told me honestly.
Ngumiwi ako nang kagatin ko ang pang-ibabang labi ko. It stung. Pakiramdam ko nagkasugat ito kanina dahil sa diin ng pagkakakagat ko. Nanginig ang mga labi ko pero bago pa tumulong muli ang mga luha ko ay tumakbo na ako palabas ng silid at bumalik sa kwarto namin ni Em.
"Hanselle!" I even heard them call me but I didn't turn around to look. I locked the door and as soon as I got in… I broke down.
Saranghae.
Iyong mga salitang napakahalaga sa akin at hindi ko kayang basta na lang bigkasin, ganoon lang kadali niyang nasabi sa iba. Iyong mga salitang sa iisang tao, sa kaniya to be specific, ko lang kayang sabihin ay napakadali lang niyang ibinigay sa iba. I needed to understand… I really had to, because he had things he needed to protect. Oo, naiintindihan ko. Naiintindihan ko ring hindi man niya gustong sabihin iyon ay wala siyang magagawa.
Yes, I understood. Pero kasi masakit e. Sobrang sakit.
Bumabalik sa ala-ala ko ang pagngiti ni Jimin kanina as if he meant whatever that was. At ngayon pa talaga ito nangyayari kung kailan may mas malaking problema akong kinakaharap.
I could only acknowledge one problem at a time. Kasi hindi naman ako si Wonderwoman na kayang iligtas ang mundo sa dami ng sakuna. I could only face one problem at a time and escape the other… at mas pipiliin kong unahin iyong problemang nandito na. Iyong problemang hindi ko na matatakasan.
At si Kuya Haynes iyon.
"Hanselle! Hanselle! I'm going to open the door! Are you okay?" I heard Em shout from the outside while knocking on the door.
Binuksan ko ang closet namin ni Em at pinaglalabas ang mga damit ko. Wala akong maleta… pero nakakita ako ng isang travelling bag sa likod ng pinto. I took it and messily stuffed all of my clothes inside. I zipped it afterwards. Isinabit ko sa balikat ko ang bag at naglakad patungo sa pinto. I sniffed loudly as I opened the door. Gulat na mga mukha nina Aly, Evah at Em ang sumalubong sa akin. Hawak pa rin ni Aly ang tablet niya at hindi ko tuloy mapigilang mapaluha dahil doon.
Masakit ang puso ko. Ngayon pa lang kami nag-uumpisa ni Jimin tapos ganito na ang nangyayari. Kung hindi ba ako aalis ngayon, masasaktan pa rin ba ako ng napanood ko, ng live guesting ng BTS kasama ang Bubbles? O mas masakit lang talaga siya kasi aalis ako?
Sa ikalawang pagkakataon, aalis na naman ako ng may basag sa puso… dahil sa iisang tao at sa parehong dahilan.
"H-Hanselle, what… i-is that?" Evah asked me, pointing the bag on my shoulder. Si Em ay mariing nakatitig sa mukha kong paniguradong basang-basa ng luha habang si Aly ay itinatago sa likod niya ang tablet.
I sighed as a sob resounded from my throat Nilingon ko si Em at malungkot na tinitigan. "I'm sorry I borrowed your bag," sabi ko sa kaniya. Ginamit ko ang isang kamay ko para tuyuin ang pisngi ko dahil sa mga panibagong luha. Great, I couldn't believe I was crying again!
"Hanselle, Jimin didn't say it back—"
"Em, tama na. Let's give her a break." Pinutol ni Evah ang sinasabi ni Em at binalingan ako gamit ang banayad na titig na para bang gusto niyang sabihin sa sa aking naiintindihan niya ako.
"Wait, Hanselle, saan ka pupunta? Bakit… naka-impake ang mga damit mo?" Aly asked but then bit her lower lip when she realized what was happening.
Mariin akong pumikit at tinitigan silang lahat. "I'm going back to the Philippines with my brother," sagot ko, sigurado kong sagot habang pilit inaalintana ang sakit sa dibdib ko dahil hindi nito kayang sang-ayunan ang desisyon ko.
Nanlalaki ang mga mata ni Em habang unti-unti namang napapanganga si Aly at si Evah ay tumulala lang sa akin. I would miss these people, sure thing. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba ako rito pero sigurado akong hindi ko sila makakalimutan.
"Is this because of Jimin?" Aly guessed, being careful with her words.
Umiling ako saka ko pinunasan ang mga luha ko. "Ayaw ko siyang iwan, Aly. Gusto kong lagi ko siyang kasama pero wala sa akin ang desisyon ngayon. My brother will drag me if needed just to bring me b-back to the Philippines…" Muling kinain ng hikbi ang tinig ko at dahil doon ay napalapit sa akin si Aly saka marahang hinaplos ang likod ko.
"But you should call him and let him know about this," ani Em na nanunubig na rin ang mga mata.
"I will. I will call him, Em. I'll see what we can do about this," sabi ko saka tumango-tango habang sumisinghot pa rin. Aalis ako, pero hindi ibig sabihin noon ay aalis akong hindi ko nakakausap si Jimin. Hindi puwedeng masira ko ang pangako ko sa kaniya kanina lang.
I promised him that I would stay with him, beside him no matter what.
This… this would only for a short period of time. Aalis lang ako, hindi kami maghihiwalay. May online communication outlets naman. I was sure, we would get through this. I would try to contact him now so that I could propose to him long distance relationship but if I failed to contact him… there was no guarantee with our relationship.
Maraming puwedeng mangyari pagbalik ko ng Pinas.
"We'll talk to your brother! We'll convince him!" saad ni Em na para bang may magagawa talaga sila kung kakausapin nila si Kuya Haynes. Ako ang gagawa noon. Bago ako tuluyang umalis, kukumbinsihin ko muna si Kuya. Pakikiusapan ko siya. If needed, I would beg.
Umiling ako. "Huwag na. Ako na ang bahala sa kuya ko," malungkot kong sagot.
Malungkot din nila akong tinitigan, and I knew, we all looked hopeless now.
Ayaw kong umalis nang hindi nagpapaalam ng personal kay Jimin pero alam ko ring hindi ko gugustuhing umalis kapag nagkita kami. Baka hingin ko na lang sa kaniyang itanan ako para hindi na kami makaalis ni Kuya. So I just hoped to only hear his voice. Hindi ko kasi alam kung may pagkakataon pa ba kaming mag-usap kapag nasa Pinas na ako.
I just really wanted to hear from him one last time those words… before I left. I just wanted an assurance from him to guarantee us.
"Ihahatid ka namin," ani Evah sa pinakakalmadong tinig na sabay na tinanguan ng dalawa bilang pagsang-ayon.
Umiling ako pero iniwan na nila ako at nagtungo sa kani-kanilang kwarto para magbihis.
I said my thanks to them when we arrived at Victoria Hotel. Pare-pareho kaming nagulat nang makita namin ang hotel. I was expecting a not so high-end hotel, iyong standard lang, pero si Kuya nga pala ang nandito. He would really choose the most expensive.
"You know… I just confirmed my suspicions. Galing ka nga sa mayamang pamilya," Em said as she was looking at the grandeur building in front of us. Namamangha ang mga mata niya.
"Kayo din naman," simple kong sabi dahil noon ko pa napapansin, hindi lang sa mga brands na suot nila kung hindi maging sa paraan nila ng pananamit at pagkilos.
Ngumuso lang si Em at natawa si Evah. Hindi nila dineny so tama nga ang hinala ko. They came from rich families too. Too sad, we didn't have the chance to talk about it. Ngayong aalis ako, nagsisisi na akong masyado kong nilimitahan ang sarili ko na kilalanin sila. Sana pala kinilala ko sila noon pa…
I just waved them goodbye until the cab they were in went out of my sight. Pumasok ako sa hotel at agad na nagtungo sa reception desk. Tinanong ko ang room na kinaroroonan ni Kuya Haynes and the front liner girl asked a guy to escort me there. Nag-thank you ako sa lalaking singkit ang mga mata nang makarating kami sa mismong pinto ng silid ni Kuya. Yumuko lang siya at umalis na.
I softly knocked on the door and when it opened, I saw my brother still wearing his coat and tie. Walang pagbabago sa hitsura niya nang makita niya ako na para bang inaasahan na niya ako. He just pulled the door widely and let me in.
"Get some sleep first after you clean yourself. Gigisingin kita kapag aalis na tayo," he stiffly told me, no smiles and pure poker face. Na para bang ipinapakita niya sa aking hindi siya pleased sa lahat ng ito.
Well, me too.
Huminto ako sa gitna ng silid. The room was undeniably vast and luxurious but I just couldn't give a damn because I was broken. Binalingan ko si Kuya habang marahas na bumubuntong-hininga para kumuha ng buwelo sa sasabihin ko.
"Kuya, let's talk," seryoso kong sabi sa kaniya na nakaupo na sa couch at busy sa mga papel na nasa mesa na mukhang siyang pinagkaka-abalahan niya bago ako dumating.
"Just go to sleep, Hanselle. Can't you see, I'm working," sagot niyang hindi man lang ako inaangat ng tingin.
"I don't want to go," diretso kong sabi na naka-agaw ng atensyon niya. Pinatigas ko ang anyo ng mukha ko para ipakita sa kaniyang kahit natatakot na ako ay hindi ako basta-basta na lang magpapadala sa pagsusuplado niya.
He raised his gaze to me as his one brow arched. Pinigilan ko ang mapa-atras dahil doon at pinanatili ang matigas kong anyo. "Why? Because you can't leave your Korean boyfriend? Iyon ba ang dahilang kung bakit ka nagtagal ng ilang buwan dito?" mariin niyang tanong sa tonong hindi na niya kailangang marinig ang sagot ko dahil alam na niya.
Napanganga ako. Hindi ko alam na… alam niya ang tungkol doon. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang unti-unting nagsasara hanggang sa tuluyan na itong bumilog. Knuckles at the back of his palms started showing with how he tightly closed his fist. Tuluyan na akong napa-atras dahil doon.
"Don't look so surprised, Hanselle. I got you followed for a week and I'm very disappointed with what I've heard. You're dating a useless Korean popstar?" His harsh words struck my heart real hard. Sinabi niya iyon sa paraang diring-diri siya, na para bang wala siyang maisip na dahilan kung paanong nangyari iyon.
My balled fists only attested that we were really siblings. Pareho kaming nakakuyom ang kamao dahil pareho kaming galit. My chest rose and fell quickly due to my harsh breathing. "Don't call him names, Kuya!" sigaw ko dahil sa paraan ng pagtawag niya kay Jimin.
"And look at you? You were working at a filthy coffee shop, wearing that cheap filthy bunny. Tss! You're misleading, lady. This isn't the life you want. Ngayon, babalik tayo sa Pilipinas at sa kumpanya ni Mamang ka magtatrabaho!" I could hint the finality in his voice.
This was what I was saying… bukod sa may isang salita si Kuya ay mas lalo pang pinagtibay ng galit niya ang desisyon niya.
Mabilis ang paghingang sinamaan ko siya ng tingin ngunit nanatiling mariin lang ang titig niya sa akin habang nakaupo at nakatingala sa akin, fists were still balling tightly. Nararamdaman kong muli ang pamamasa ng mga mata ko at ang pagsakit ng dibdib ko dahil sa pinaghalong frustration at takot.
"Wala ka namang alam sa gusto ko e! Life I want? Gusto ko ng buhay na kagaya nito. I'm free. I have no one to tell me what to do! I have no one to meddle with my business! Hindi ako babalik ng Pilipinas!" pagmamatigas ko.
"Did you just shout at me? Iyan ba ang natututunan mo sa pakikipag-date doon sa boyfriend mo? You used to be so mature and proper, what happened?" Nanliliit ang mga mata niya sa akin. His voice was filled with disappointment.
I sobbed. "Huwag mo siyang idamay rito, Kuya! Ikaw rin naman ah! You used to be so supportive of me… what happened?" Pinunasan ko ang mga luhang bumasa na naman sa pisngi ko.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. He gritted his teeth as if restricting himself from doing something he would surely regret after.
"Let's stop this nonsense argument. Pumasok ka na sa kwarto at magpahinga," aniya bago inabalang muli ang sarili sa mga papeles na nasa mesa.
"Pero Kuya, makinig ka muna—"
"Hanselle! Stop being stubborn! I can't support you anymore when I'm seeing you misleading!" sigaw niya na nagpatalon sa akin sa gulat. "Tapos na ang usapang ito! Sa kuwarto!" He stood up and angrily pointed one of the door.
Imbis na matakot ako sa kaniya ay sinalubong ko ang umaapoy sa galit niyang titig kahit na nanghihina na ang mga tuhod ko dahil sa sagutang ito at dahil sa takot sa kaniya. Aside from I naturally feared my brother, I tended to easily get scared of angry people.
I shook my head stubbornly. "N-no! You know how stubborn I could really get! Alam mo kung gaano ko ipinaglalaban ang mga gusto ko! Alam mo Kuya! And this? This isn't what I want! I want to stay, I don't want to go. Just let me stay!" I screamed vigorously. I stomped my foot as I stared angrily at him too. Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya kahit na may mga nagbabadya pa ring mga luha sa mga mata ko.
He frustratedly brushed his hair up using his fingers. His frustrated face could only attest on how he badly wanted this conversation to stop, on how he badly wanted to dismiss me now. Pero hindi niya magawa dahil lumalaban ako at kahit na galit siya… alam kong malambot pa rin siya pagdating sa akin.
He always supported me… and I hoped that was still valid.
"Sinusuportahan kita noon dahil nakikita ko ang maganda mong dahilan! Na gusto mong matutong tumayo sa sarili mong mga paa! Hanselle, can you even hear yourself? You wanna stay here and abandon your family in the Philippines for some useless bastard?! That's pure bullshit!" He was now more than angry.
Pakiramdam ko handa na siyang saktan ako anumang oras. I thought wrong. Akala ko ay bibigay na siya. Akala ko ay lalambot na siya. I just couldn't see his reasons just like how he chose not to see my reasons!
Nag-init ang ulo ko sa muling itinawag niya kay Jimin. I could afford him shouting at me but calling Jimin names he didn't deserve was very below the belt! Nasasaktan ako. How could he call Jimin bad names when Jimin was so precious to me?
I gritted my teeth. "I said don't call him names! May pangalan siya! And I'm not trying to abandon you all!" sigaw ko na halos pumuno sa buong silid.
Mukhang nagulat siya sa ginawa ko. He had his mouth gaped open and his eyes widened. Ngunit hindi ako nagpatinag, hindi ngayong sinusubukan niyang ilayo ako kay Jimin. He really did come here, wanting me back to the Philippines as if he knew everything about me. Wala siya rito noong mga panahong sobra akong nahihirapan kaya hindi niya puwedeng sabihing inaabandona ko sila! At higit sa lahat, hindi niya kilala si Jimin! Hindi niya alam kung gaano ito kadisenteng lalaki. He didn't have even the single right and privilege to call Jimin names. Being my brother didn't give him the damn fvcking rights!
"Wala kang alam kasi hindi naman ikaw ang nasa sitwasyon ko e! You don't know anything 'cause you've never been in love!" sigaw kong muli nang makita kong tigagal pa rin siya sa sigaw ko kanina.
"Hanselle." His warning tone but I didn't stop.
I just couldn't stop!
"What?! You only know how to act cold towards other! You only know how to imprison yourself in your own comfort zone! You only know how to boss around your underdogs—!" I stopped myself abruptly. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil napagtanto ko kung gaano ka-below the belt ang sinabi ko sa kaniya. Because somehow… I knew, that hurt.
Kasi pareho kami ni Kuya Haynes. We were both like a snail… always hiding in our own shell and afraid to show our inferiority and insecurity. Kami pareho iyong iisiping outcast agad sa unang impresyon dahil hindi kami masyadong nakikihalubilo sa iba. Nasasaktan ako sa tuwing ipinapamukha sa akin kung gaano kawalang kwenta ang buhay ko kaya alam kong hindi maganda ng dating sa kaniya ng mga sinabi ko. I just insulted his life…
Napaatras ako nang makita ko kung paanong umigting ang bagang niya at kung paanong lumitaw ang mga litid niya sa leeg. Ang mga kamao niya ay mas humigpit ang pagkakasara. And when I looked at his eyes, his eyes turned blood shot. Mas ginalit ko siyang lalo…
"Kuya—"
"I told to you stop being stubborn. Mas lalo mo lang pinapatunayan sa akin kung gaano kawalang kwenta ang lalaking iyon dahil siya ang dahilan kung bakit ka nagkakaganito ngayon. Now, don't let me drag you… inside.that.room!" Mariin ang bawat mga salitang lumalabas sa bibig niya na kitang-kita ko ang mahigpit na pagkakadikit ng itaas at ibabang mga ngipin niya.
Kahit na gusto ko talagang makumbinsi siya na payagan na akong manatili rito, napapagod na akong makipagsagutan sa kaniya. I knew it was useless. Alam kong walang makakatibag ng desisyon niya but I wanted to at least try my best to save everything between Jimin and I. Kaso… mukhang wala na talaga akong magagawa. Ang tanging natitirang pag-asa na lang sa akin bago umalis ay ang maka-usap si Jimin kahit na sa phone lang.
I just really wanted hear his voice.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top