XXXII

Chapter Thirty-two

"Bilisan na natin Hanselle. Magtatampo iyong si Em kapag na-late tayo at hindi natin naabutan ang performance niya!" Aly said hastily as she quickly fixed the contents of her bag. Nasa harap kami ng mga kulay pink na lockers sa loob ng staff room ng Bunnies. I was all ready, kanina pa ako bihis actually. Mas nauna kasi akong magbihis kaysa kay Aly.

Simpleng black and white vertical stripes hanging shirt ang suot ko sa itaas at black tight skinny jeans sa ibaba na ipinares ko na lang sa puti kong sneakers, as usual, with my sling bag. I just let my hair hanging behind my back. Si Aly ay naka-furry collar purple blouse at white squarepants na pinaresan niya ng puting one-inch heel peep-toe shoes. May suot siyang pulang headband na may maliit na ribbon sa gilid.

We both had our lips tinted in pale red. Iyon lang ang tanging makeup na mayroon ang mga mukha ko samantalang nakuha pa niyang mag-blush on ng light lang.

"I'm all ready, Aly," sagot ko sa kaniya dahil masyado siyang natataranta kaya hindi na niya napapansing kanina pa ako tapos at hinihintay siya.

"Oh, you are? Shocks! I'm sorry!" aniya nang makitang naka-ayos na ako at siya na lang ang hinihintay. Malakas niyang isinara ang locker niya pagkahablot niya sa loob ang pula niyang shoulder bag na may tatak na LV. Nang matapos siya ay agad na kaming nagmadaling umalis. We still needed to walk the distance to the bus stop na malapit lang din naman dito sa Bunnies.

Niyaya kami ni Em na panoorin ang play na kinabibilangan niya. Aniya ay hindi naman daw siya ang female lead but she had several roles. She even told us the full story of the play. It was for me, actually. Hindi ko raw kasi maiintindihan ang script since Korean language ang gamit. I appreciated it and thanked her for it.

Tama nga naman siya. Noon daw ay madalas talagang manood sina Aly at Evah to support her, and I would like to support her too. We were friends. I was already a part of this circle… circle of friends.

Luckily, the play wasn't yet starting.

Nadatnan namin si Evah na nag-aabang sa entrance ng theater. She hugged in her chest three boxes of popcorns. Di tulad namin ni Aly ay naka-one piece dress siya, kulay asul ang long sleeves knee-length round neck dress niya na pinaresan niya ng puting high heels. Kami na ni Aly ang bumili ng inumin at pumasok na kami ng sabay-sabay pagkatapos.

Hindi naman gaanong kalakihan ang teatrong pinagtatrabahuan ni Em. May grandstand for audience na sapat lang naman sa dami ng taong nanunuod. Ang stage ay katulad lang din ng mga karaniwang theater stage. Since hindi pa nag-start ang play ay tanging ang makapal at mataas na kurtinang pula pa lang ang nakikita namin sa stage.

"Baka mamaya mauna ka na naman umuwi ha. You should take a restroom break first," Aly told me the moment we found a perfect spot for us. Nasa may bandang itaas kami para makita namin ng buo ang mga mangyayari sa stage.

Ngumuso ako. Siyempre, hindi nila alam kung ano talaga ang totoong nangyari noong nakaraang linggo. Nagi-guilty nga ako kasi kailangan ko pang magsinungaling sa kanila. But everywhere I looked, I couldn't just find the right words to explain what happened, sinong maniniwala sa akin? So I just told them little lies. Sinabi kong sumama ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako. Madali naman nilang pinaniwalaan iyon. Mabuti na lang, dahil baka kuyugin nila ako kapag nalaman nilang naka-engkwentro ko iyong mga lalaking hinahangaan nila sa show noong gabing iyon.

Hays. Nasasanay na akong laging nagsisinungaling. Well, prevarication sometimes occurs due to the call of need. Hindi ko naman sinasadyang magsinungaling sa kanila.

Kailangan lang talaga… I'm sorry po.

"Sorry na," sagot ko saka nag-peace sign kay Aly habang ngumingiti.

"Let's have a restroom break first," ani Evah.

And so, leaving Aly there, we took a restroom break. Saglit lang din naman ay bumalik na kami. Just then, the lights switched off. Magsisimula na ang play.

The play was about the harsh and sore truth of one's community. Pero kahit na may pagka-violent ang lahat, mayroon pa ring romance. Just a little part of romance to sweeten the violent genre of the play… that was what Em told us about the story. Pero sa mismong play kahit na hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi, ipinakita ng mga actors and actresses sa play kung paano pinapa-ikot ng masasamang gawain, crimes, corruption and so many bad things ang mundo.

That we weren't ruled by that one person in power, we were ruled by those bad things. Front lang ang pagkakaroon ng isang leader para may masisi at ma-point finger ang mga useless na taong wala naman ginagawa para sa ikaka-unlad ng bayan.

That was why the title of the play was, 'Where is The Love?' because the main male lead who was acting as the leader couldn't seem to find the love that could solve all those bad things.

Marami ngang role si Em. She acted as one of the violent and useless resident, a sister and a passerby.

Nang matapos ang play ay halos magsitayuan kaming tatlo nina Evah at Aly dahil sa galing ng kaibigan namin. Nasa stage siya habang nakangiting nakahawak sa kamay ng babaeng katabi niya sa pila bago sila sabay-sabay na yumuko.

I didn't know she was an amazing theater actress! Gaano ba kadali ang pag-arte gamit ang iba't ibang role? Napakahirap! I didn't even know how to act. Baka kapag pina-iyak ako… hindi na ako huminto. Plus, it was a live acting!

"You did so great!" Aly beamed at Em who was fixing her makeup inside the dressing room that also served as the backstage.

"Of course! I've been in this field for years! Let me tell you a secret," mahinang sabi ni Em habang nakatingin pa rin sa malaking salamin dito sa dressing room nila. Some of her colleagues were here too. Sinenyasan niya kaming lumapit sa kaniya kaya sabay-sabay kaming dumuko sa kaniya at naghintay ng sasabihin niya. Inilibot muna ni Em ang tingin niya. "The play director first offered me the female lead role," she whispered carefully while picking a paper of tissue and wiping her red painted lips.

Passerby ang huli niyang role kanina, a rich passerby at that, kaya pulam-pula ang mga labi niya.

I gasped while both Aly and Evah just rolled their eyes as if that wasn't a new thing for them anymore. They both leaned back. Humalukipkip si Aly habang na-iiling na napatitig na lang si Evah sa repleksiyon ni Em sa salamin. I remained leaning to Em, though. Pero bakit? Bakit hindi siya yung naging female lead?

"Right! Ang arte mo kasi. Hindi ka talaga magkakaroon ng lead roles niyan!" Evah hissed, irritation was shown all over her face.

Ngumuso si Em sa salamin. "Didn't you see? May kissing scene sila. Alam niyo naman na hindi ako tumatanggap ng lead role na may kissing scene, 'di ba? I've never had my first kiss, so why would I let anyone kiss me?" mahinang sabi pa rin ni Em na ngayon ay ang kulay sa mga mata naman ang pinapahiran ng tissue.

I heard Aly snicker loudly. Nang sulyapan ko ang repleksyon niya sa salamin ay nakita kong paulit-ulit siyang umirap. She looked so done with Em.

"Yeah right! Then don't do romance genre, Em. Doon ka sa wala kang male lead. Like duh? May kissing scene talaga kapag may male lead at nasa genre'ng Romance ka!" Aly said.

Napatango ako, sumasang-ayon sa sinabi ni Aly. So that was the reason why Em wasn't still having the female role? Gusto kong sabihin na part iyon ng professionalism pero gusto kong marinig muna ang kuwento niya. Aniya ay hindi pa siya nahahalikan sa tanang buhay niya, and that was something anyone should respect.

Hindi ko tuloy alam kung masuwerte akong nahalikan na ako. Well, I had my first kiss with my first boyfriend during my college days. I had given him my first kiss a year after I said yes to his courtship. Yes. Ganoon katagal kasi, masyado akong paranoid noon. I just didn't know the twists and turns of relationship back then. Dalawang taon ang itinagal namin ng first boyfriend ko at hindi na siya nasundan pa dahil naging abala ako noon sa pag-aaral.

Kumain kami sa labas nina Em bago kami umuwi. I already got my first salary, at natutuwa ako. It wasn't packaged in a card because my manager gave it to me in cold cashes inside a white envelop. Iba pala talaga sa pakiramdam kapag hawak ko iyong perang pinaghirapan kong makuha.

We just ate in one of those tent eatery around the city. We drank but not too much. May mga trabaho kami bukas kaya hindi kami puwedeng maglasing.

"Oh look, Kookie posted a new photo on Twitter." Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang sabihin iyon ni Aly. She had been busy with her phone while we were sort of doing our round shots. Nakakadalawang bote pa lang naman kami ng soju, dalawang bote para sa aming lahat.

Evah was grilling some beef meats habang si Em ay nagbabalot ng beef sa lettuce leaf at isinusubo niya sa amin at habang ako naman ay nakikikain lang. Paminsan ay kinakain ko ng walang lettuce ang beef dahil hindi ko gusto ang lasa ng lettuce.

Aly then showed us her phone. Lahat kami ay dumukwang para makita iyon. Halos mabilaukan ako nang makita ko yung litratong pinost ni Jungkook…

Crap, bakit pinapasakit na naman nila ang puso ko?

"'I miss you, noona. Hyungs miss you too.' Oh ayan, tinraslate ko na para sa'yo ang pinost ni Jungkook," ani Aly sa akin na ang tinutukoy ay ang caption ni Jungkook na may Korean characters at sa ibaba ng caption na iyon ay ang litrato ng Polaroid camera ko katabi ng ilang developed photos ng BTS.

Napansin ko ang dami ng likes ng post na iyon ni Jungkook sa Twitter account nila, may mga retweets na rin at may mga comments, that was four hours after it had been posted.

"Noona?" Em asked confused. Sinenyasan niyang ngumanga si Aly dahil susubuan niya ito ng beef.

I thought wala siyang interest sa BTS…?

Nagkibit-balikat si Aly. "Malay ko. May Ate ba si Jungkook?" takang tanong rin ni Aly saka tinanggap ang pagkaing ibinibigay ni Em. Binalik niya sa phone niya ang mga mata niya habang ngumunguya.

"Hindi ko rin alam e. Baka naman umalis iyong isa sa mga noona staffs nila," Evah guessed nonchalantly. Busy siya sa harap ng griller habang hawak ang stainless clamp.

"Wait! There's more!" biglang sigaw ni Aly. She again happily waved her phone at us.

Sumandal ako sa upuan ko at hindi na muling nakisali sa kanila. Dinampot ko na lang ang isa pang clamp at tinulungan si Evah sa paggi-grill. Si Em ay nagpatuloy na rin sa ginagawa niya, not really giving so much attention to it. Maiintindihan ko siya, kasi hindi naman siya ARMY. But did I have a reason too? Could I just act like I didn't really care? Would they notice?

"Nag-post din si Taehyung! Omo, baby Taehyung kooo!" Aly squealed in her seat. "'Please come back, I need someone to choose the coolest shirt I should wear. I miss you.' Bakit ganito mga post nila?" takang tanong ni Aly matapos niyang i-translate ang pinost ni Taehyung.

My heart accelerated because I knew very well what Taehyung meant about his post. Hindi ko alam na naaalala niya pala ang mga maliliit na bagay na ginagawa ko sa kaniya noon. Akala ko wala lang iyon sa kaniya…

Wala lang talaga! They're tricking you again, Hanselle! My inner Goddess snapped at me.

I bit my lower lip to suppress my lips from quivering. Kung anumang mga binabalak nila, kung para saan iyong mga pinagpo-post nila ay hindi ko na alam. If only I had the courage to knock on their door and tell them to leave me alone!

"And shocks! He made his wardrobe go public. I can see Gucci everywhere!" dagdag niya pa. Kumikislap ang mga mata ni Aly, it was too obvious that she was a hardcore—no pun intended, pure wholesome—Taehyung's stan. She drew her phone near us, kaya kahit na hindi ko gustong makita ay wala akong nagawa kung hindi tingnan ang screen ng phone niya kung nasaan naroon ang pamilyar na setup ng closet ni Taehyung.

My heart once again ached. Yumuko ako para iiwas ang tingin. I didn't want to get fooled again. They were just bored since I wasn't there anymore. Wala na silang mapaglaruan.

"Joonie posted too, a white and very feminine bed filled with girly stuff toys. Ang caption niya ay, 'This bed looks lonely. It misses you too.' Kabog ang English niya oh," aniyang hindi pa rin tumitigil. Hindi na siya nag-abala pang ipakita sa amin ang screen ng phone niya since nakikita naman niyang wala kaming interest pareho ni Em samantalang si Evah ay abala sa pag-gi-grill.

"Tss. Itigil mo na nga iyan, Aly! Para kang tanga," saway ni Em kay Aly na tahimik kong sinang-ayunan sa isipan ko.

Sige na, please. Itigil mo na. Masakit na. Masyado lang mahina ang lagay ng puso ko.

"Okay! Silang tatlo lang naman ang nag-post," ani Aly saka ibinaba na ang phone niya at bumalik na muli sa maganang pagkain.

Tahimik akong nagpasalamat. Ang buong akala ko ay matatamihik na ako pero hindi pa man kami natatapos sa pagkain ay bumalik na naman sila sa pag-uusap tungkol sa BTS.  Mostly, it was just Aly while Em was giving side sarcastic remarks and comments and Evah was in between. Paminsan ay sinasaway niya ang dalawa kung minsan ay nakikisali siya.

I was thankful that I met these people, alright. Pero sana naman itigil na nila ang pagbanggit sa BTS.

"Ang suwerte naman ng Noona staff na iyon," Aly said after a while just as we settled down from talking about such things. I didn't know she was still on that page, mukhang iniisip talaga niya ang mga post ng BTS.

Hindi siya masuwerte, Aly! If you only know what that Noona had been through, they broke her trust and up until now, she's wounded for picking up every piece of it. And mind you, she isn't a Noona! Mas matatanda sa akin ang lahat ng miyembro maliban lang kay Jungkook!

At oo, nakaka-inis dahil hanggang sa isipan ko lang talaga iyan.


Pinanood ko si Aly nang lumabas siya ng counter para magtungo sa lalaking nasa isang mesa habang nakikita ko kung paano siya na-ti-tense dahil dikit na dikit ang mga braso niya sa magkabilang gilid niya. Mabagal at magagaan ang lakad niya.

Aly, fighting! I mentally cheered for her.

The man seemed to be uneasy too. Nakikita ko mula rito sa counter kung paanong hindi mapakali ang lalaking naka-black hoodie, black mask and cap—as usual—sa upuan niya habang yumuyuko para iwasan si Aly.

I would be their cupid. Aly deserved to be treasured by a guy for her to know her worth. Sa nakikita ko, masyado siyang focus sa ibang tao kaysa sa sarili niya.

Hiningi ko kay Aly na ako muna ang sa counter at siya ang mag-se-serve. Noong una ay hindi siya pumapayag pero nag-promise ako sa kaniyang bibigyan ko siya ng poster ni Taehyung. She giddily called us a deal and quickly went out of the counter.

Tss, Taehyung had a loyal and beautiful fan here. Kaibigan ko si Aly at ayaw kong makita niya ang totoong ugali ng BTS… sapat nang ako na lang.

I squealed like a salted worm inside the counter as I saw them already talking or I must say, Aly taking his order. Kung pagbabasehan ko ang tindig ng lalaki, since hindi ko nakikita ang mukha niya ay masasabi kong matikas ang pangangatawan niya. From the eye portion of his face, I could say, he had pair of small and nice eyes. Halos mapatili ako nang bahagya kong masulyapan ang bahagyang pagngiti ng mga mata ng lalaki habang kausap si Aly.

He smiled! Crap! Hindi ko alam na ganito pala kasayang panoorin ang love life ng kaibigan ko. I had friends but in the environment I had had, hindi uso sa amin ang ganito, shopping ang kind of bondings namin.

"Yah!" Natigil lang ang kilig na nararamdaman ko nang sitahin ako ni Dae. Kakatapos niya lang mag-blend ng kape. "You c-creepy," aniya sa mabagal na Ingles.

Ngumuso ako. "Look at her. Bagay sila," wala sa sariling sagot ko habang itinuturo ang puwesto ni Aly kasama ang admirer niya.

"Mwo?" aniya, kunot ang noo.

Napangiwi ako. Hindi nga pala Filipino itong si Dae. Nasanay na kasi akong nagsasalita ng Filipino dahil mga Filipino naman ang kasama ko sa bahay.

"I said, they look good together," sabi ko saka muling itinuro sina Aly.

He turned his head towards Aly. "Aniyo," nakasimangot niyang sagot saka ako tinalikuran na at bumalik na sa trabaho.

Napanguso akong muli dahil sa inakto ni Dae pero agad din naman akong napahagikhik nang makita kong naglalakad na pabalik sa counter si Aly. Ngiting-ngiti ako nang makalapit siya sa akin na pulang-pula ang mukha at tipong hindi mapakali.

She then pouted at me. "Lumabas ka na riyan dahil ayaw ko na! Shocks, I bet my cheeks are now boiling!" aniya na ikinatawa ko lang.

Tumango-tango ako. "Sure, sure. Ako na ang maghahatid ng order niya pero magku-kuwento ka sa akin ah!" sabi ko habang umiikot palabas ng counter at kinindatan pa siya bago ko siya hinayaang ihanda ang order ng lalaking iyon.

Sure, Aly. You have some cute sides in you.

Hanggang sa matapos ang buong araw namin sa Bunnies ay masyadong naging pino ang kilos ni Aly, she was a natural bubbly girl and it was a surprised that she suddenly turned into a fine and proper lady. Dulot iyon ng pagkakaroon ng admirer.

Nag-text sina Em at Evah na hindi sila mag-di-dinner sa bahay kaya kumain na kami ni Aly sa labas bago umuwi. Pagdating sa bahay ay bagsak kami pareho ni Aly, ni hindi na naming nahintay pa ang pagdating ng dalawa.

Sa sumunod na araw, nagising ako nang marinig kong nag-ri-ring ang phone ko. I slightly opened my eyes only to find the heat of the sun striking inside the window. I yawned as I lazily reached for my phone on the table. I checked first the time, muli akong humikab nang makitang alas-sais pa lang. I then looked at the caller.

Halos magising ang buong diwa ko nang makitang pangalan ni Chelsea ang nandoon. Mabilis akong bumangon at pinakatitigan ang screen ng phone ko. Should I answer it? Pero kasi, ano namang isasagot ko kay Chelsea kung sakaling magtanong man siya sa akin? Guilty pa man din ako dahil hindi ko sinasagot ang tawag niya noong mga nakaraang linggo.

Humugot ako ng malalim na buntong-hininga bago ko sin-wipe ang green calling sign pakanan. I then drew my phone near my ear that was with my heart drumming in nervousness.

["Hanselle,"] banayad niyang sabi. Sobrang bland lang ng pagkakasabi niya kahit na mahina lang iyon ay abot-abot ang pagtatahip ng dibdib ko.

Kinabahan ako dahil wala ang high-pitched niyang boses na inaasahan ko. Mas gugustuhin ko pa yatang sigawan niya ako at pagalitan gamit ang high-pitched niyang boses, hindi ang ganito. She sounded so distant and cold.

"C-Chelsea," kabado kong sagot, natatakot ako dahil hindi naman ganito ang normalcy ni Chelsea.

I felt her indifference to me with how she said my name.

["I wasn't actually expecting you to answer my call but I'm still thankful that you did. Nakakatampo ka kasi e. Kung kailan kailangan mo ng karamay saka mo naman isinasara ang pinto mo para sa mga taong nag-aalala s-sa'yo…"] Pumiyok siya sa huling salita pero nanatiling mahina ang boses niya.

I bit my lower lip as my heart thudded, lightly painful. It wasn't Chelsea. It wasn't how she talked… gusto ko iyong maingay na Chelsea. Mas komportable ako sa kaniya.

["You did this twice, remember? The first one when we had left you there. Noong una ay pinalagpas ko. Well, I just called to check on you 'cause I'm worried,"] mahinang sabi niya.

I uncomfortably shifted on my bed, still feeling the heaviness in my heart. "Chelsea, kasi—"

["And please, you don't have to explain anything. Pinag-alala mo na ako. It's okay, pero Hanselle, iyong pamilya mo rito, halos mamatay na sila sa pag-aalala sa'yo. Hindi mo man lang ba sila mabigyan ng kahit isang tawag lang para sabihing ayos ka lang diyan?"] I could really hint the hatred from her tone. Galit siya. Galit si Chelsea. I couldn't believe I made her mad.

It was true that I didn't want them to know what I had been going through in Korea. Sapat nang ako na lang pero hindi ko naman alam na magiging ganito siya. Galit sa akin si Chelsea.

"I'm sorry, Chelsea. Hindi lang talaga ako sanay na dumidepende sa iba. I used to face my problem alone, I don't lean on people especially to my family," malungkot at mahina ko ring sagot.  Mahigpit kong hinawakan ang phone ko dahil nanghihina ako.

["How selfish of you. Paano kaming mga taong nag-aalala sa'yo? Mamamatay na lang ba kami sa pag-aalala? Dahil diyan hindi ko na ipinaalam sa'yong lumipad pa-Korea kahapon ang kuya mo. Face him."] Hindi na niya hinintay pang makasagot ako, she hung up the phone before I heard the ended tone.

Naiwan akong nakanganga. Pinroseso ko sa isipan ko ang mga huling mga salitang binitawan niya.

My brother? Si Kuya Haynes nandito sa Korea?! Paano niya nakilala si Kuya?

Ilang minuto pa bago tuluyang mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. I tried calling her but she was not picking up. I guessed, she was very mad at me.  Sunod kong dinial ang numero ni Kuya Haynes and crap, he was not picking up too! Crap! He couldn't be here! Masyado nang magulo ang buhay ko para magpakita pa siya rito! Bakit walang nagsabi sa akin pupunta siya rito?

Idiot. You were not answering their calls… dapat lang sa'yo iyan.

I sighed when I could see my inner Goddess glaring at me from afar. She was too mean to be my inner Goddess, she should be my inner Devil. Dahil madalas niyang kinokontra ang mga iniisip ko.

At saka, huwag lang talagang masabi-sabi sa akin ni Kuya na may kliyente siya rito dahil sa Papang ang humahawak ng mga kliyenteng taga-ibang bansa!

Hindi na ko na naisip pang maghilamos, kaya nang bumaba ako ng kama since ako ang nasa itaas ng double-deck ay lumabas na ako ng kuwarto para hanapin yung tatlo. Kung kanina ay pupungas-pungas pa ako dahil sa antok ngayon ay gising na gising na ako. I brought my phone because I still wanted to try to call them.

Mabibigat ang yapak na dinaanan ko lang ang tahimik na living room patungo sa kusina habang iniisip ang mga posibilidad kung bakit nandito si Kuya. Hindi kaya susunduin na niya ako? Heto na kaya iyon? Tuluyan na kaya akong babalik sa Pinas? For real?

"I still find Hanselle familiar though."

Napahinto ako mula sa pagpasok sa kusina nang marinig ko iyon. Boses iyon ni Em. Saglit nitong naputol ang mga gumugulo sa isipan ko. Muli sana akong hahakbang nang may marinig akong muling boses.

"Familiar na siya noong una natin siyang makita! Grabe, naku-curious ako!" boses naman ni Aly.

I could hear cutting sound from the inside, nag-uuntugang mga baso at pagbubukas ng refrigerator. Mukhang gising na silang tatlo.

Si Aly ang tokang magluluto ngayon at madalas talagang nauunahan nila akong magising, kung minsan ay sabay kami ni Em.

"Baka kasi Filipino siya. Baka naman nakita na natin siya sa Pilipinas." Boses naman ni Evah.

Nagpatuloy ang mga ingay sa loob ng kusina.

Napa-isip ako sa mga narinig ko. I didn't find them familiar the first time we met so I knew I hadn't met them in the Philippines. Pero bakit sinasabi nilang pamilyar ako sa kanila? It could be one sided, baka nakita na nila ako, maybe yes, somewhere in the Philippines, but I was sure that I hadn't seen them yet from anywhere. They weren't familiar to me.

Hinintay kong magbago ang topic nila at pinalipas muna ang ilang minuto bago ako pumasok sa kusina. Hindi ko ugali ang mag-eavesdrop at nakakahiyang malaman nilang narinig ko ang mga pag-uusap nila tungkol sa akin.

I again tried to dial my brother's number at nang wala pa ring sumasagot sa ika-sampung subok ko ay tumigil na ako habang nararamdaman ko ang pagtahimik ng kitchen. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong abala na sila sa mga ginagawa nila. Si Evah ang nasa mesa at nagkakape. Si Em ang kasama ni Aly sa stove.

"Good morning," bati ko sa kanila.

Nilingon nila akong lahat. Lumiwanag ang mukha nilang tatlo nang makita ako. Si Em ay lumapit pa sa akin dala ang isang mug na nakita kong nangangalahati na paglapit niya sa akin.

"Good morning!" masiglang bati niya sa akin.

Ngumuso ako at itinoong muli sa phone ko ang atensyon ko. Si Mamang naman ang sinubukan kong tawagan. Humugot pa ako ng malalim na buntong-hininga. I really didn't want to do it. Ayaw kong istorbohin ang mga magulang ko dahil panigurado, hindi nila ako tatantanan sa kakatanong kung anong lagay ko rito. Madalas kasi nilang makalimutan na lumaki akong independent kaya akala nila ay palagi kong kailangan ng tulong nila, well, my mother the most.

"What's wrong?" Aly asked me when she noticed my uneasiness.

I showed her my phone. "I'm calling my mother," sagot ko sa kaniya sa malungkot na tinig. I just couldn't hide the hollowness in my heart. Hindi kasi talaga maganda ang kutob ko sa pagpunta rito ni Kuya Haynes tapos galit pa sa akin si Chelsea.

Ang bigat sa dibdib.

"Bakit? May problema ba?" paos na tanong ni Evah. She had natural husky voice pero mas paos ito ngayon. What had she been doing with her voice?

Nilingon ko siya. Napansin kong tea ang iniinom niya. I marched towards the table with my down shoulders and my frowning face. I frustratedly sat on my seat. "My brother's here," problemado kong sabi.

Ako na yata ang may pinakamaraming problemang kinakaharap ngayon. Puwede na akong pang-World Guinness Record nito as Most Problematic Person existing. Sunod-sunod kasi ang mga problema ko at mukhang walang balak tantanan ako.

"E 'di maganda! Makukuha mo na iyong mga gamit mo sa airport. You said, he's a lawyer, right?" Aly clapped happily, being oblivious of my frowning face and was finding the situation a good thing.

Sinabi ko kasi sa kanila noon na magpapatulong ako sa kuya ko para makuha ang mga naiwan kong gamit sa airport, pero noon iyon, noong hindi ko pa sila nakikilala. Isa pa, masaya sana kung inabisuhan muna niya akong pupunta siya rito at hindi iyong binibigla niya ako ng ganito.

"Nasaan na raw ba siya ngayon?" Evah asked after sipping on her tea.

"Hindi ko alam actually. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Hindi ko rin alam na pupunta siya rito," sagot ko, hindi ko maitago ang inis at pait sa tono ko. Muling naagaw ng phone ko ang atensyon ko. Bumalik na ito sa plain black wallpaper ko dahil wala ring sumasagot sa linya ni Mamang. And my mother was not picking up my calls too! What the hell was happening?!

"Don't worry, he'll surely contact you. At saka, bakit ka ba na-i-stress? Ayaw mo bang nandito siya?" Em asked, she occupied her seat while still holding her mug of coffee. Wala ng laman iyon. Mukhang hindi pa rin tapos si Aly sa niluluto niya.

Hindi kasi nila naiintindihan. Ayaw kong makita ng kuya ko ang kasalukuyang kalagayan ko rito, o kahit na sino sa pamilya ko. What would he think if he would see me here in this situation? Magagalit iyon kapag nalaman niyang iniwan ko ang napakaganda kong trabaho sa Pinas para lang maging waitress sa isang coffee shop?

I was not degrading my current job, pero iyon talaga ang mangyayari kapag nakita ako ni Kuya Haynes! Gaya ni Papang, sinusuportahan din niya ako sa lahat ng gusto ko, pero hindi sa mga ganitong bagay. Iisipin niyang naliligaw na ako ng landas.

Naliligaw naman talaga ako e. I couldn't find my way back to my old life. At ang mas nakakainis pa, parang… parang nagugustuhan ko na ang ganitong buhay. Ang mamuhay ng simple, may simpleng trabaho, may mga taong kagaya nina Aly, Evah at Em na kasama ko at masaya ako.

Iniiwasan ko na rin ang lahat ng mga pagkakataong maaari kong masalubong o makitang muli ang BTS.

"Kasi paniguradong isasama niya ako pabalik ng Pinas," sabi ko. Fear reigned my voice. Fear of my brother? He might be cold and strict but I had never feared my brother this way though I was scared of him. Fear of losing new found friends? Maybe yes. Fear of finally leaving all this?

Stop being a paradox, Hanselle! You're the most complicated paradox! My inner Goddess scolded me.

Maybe fear for the unknown.

Suddenly, a long moment of silence engulfed us. Ang tanging maririnig lang ang ay tunog ng pagkulo ng kung anumang niluluto ni Aly, but despite the deafening silence, my heart ran a battle… battle of the bands because of the loudest drum I could hear.

"And you don't want to go?" Evah asked in a low yet firm voice.

"'D-di ba iyon naman ang p-plano mo talaga?" Sinundan iyon ng basag na tinig ni Em na hindi makatingin sa akin.

"Can't you just… stay?" Lastly, Aly's hopeful voice. Nang sulayapan ko siya ay nakatitig siya sa akin gamit ang kumikinang na mga mata dahil sa mga luha. Sa likod niya ay nakikita ko ang evaporation ng niluluto niya.

Ngumuso ako habang ramdam na ramdam ko ang pagkalunod ng puso ko sa mga sinasabi nila. Nanunubig ang mga mata ko habang nananatili akong naka-upo at pinoproseso sa isipan at sa puso ko na hindi ko ata kakayaning iwan ang mga taong ito.

Kahit na… kahit na ilang beses ko pang makasalubong ang BTS at kahit ilang beses ko pa silang iwasan at taguan, kahit ilang beses pa akong masaktan sa mga nakikita kong updates sa kanila, I would endure… because I just didn't want to leave these people that had been a part of my life.

These girls. I couldn't just leave them. I just wanted to be one of them, be like them.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top