XXXI

Chapter Thirty-one

Nang dumating ang Sunday ay sunod-sunod na mga texts ang natanggap ko mula kina Evah, Em at Aly. Binalita nila sa aking nasa venue na sila at nag-reserve pa sila ng upuan para sa akin. I just gave them a reply saying 'see you later' since it was still three in the afternoon, and since my work in the Philippines was handling tours or shows, I understood that audiences should be gathered two hours prior to the starting time.

I already knew the way going to the venue. Itinuro na nila sa akin at binigyan pa nila ako ng maayos na sketch ng direction. I didn't have a sense of direction so I really asked them to give me a clear and exact instruction, dahil kung hindi ay baka hindi na ako makabalik sa bahay.

Kinuha ko ang tray na inabot sa akin ni Mina. The order was for that guy, that regular customer of Bunnies and my suspected Aly's admirer. Dinala ko ang order niya. As usual, naka-itim na hoodie na naman siya, cap at mask. Paalis na ako nang tawagin niya ako sa mahinang tinig. He told me something in Korean language.

Ngumiti ako sa kaniya at sinabing, "English time for now."

He gaped for awhile. Akala ko ay may sasabihin pa siya pero umiling na lang siya at hinayaan na akong maka-alis.

"NOONA!"

Muntik na akong himatayin sa gulat nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang apat na kabataang lalaki na pare-parehong nakangiti ng malapad. My fanboys, as Aly called them. Nakita ko pang nakahawak sa dibdib si Yorin na siyang nakatayo sa pinto at tokang babati sa mga bagong dating na customers.

Natutuwa akong makita sila ngayon. I hadn't seen them for days dahil weekdays at since araw ng weekends ngayon ay nandito sila. Hey, I had told them that I didn't want to see them here during class hours. At natutuwa akong sumusunod sila sa akin.

I sweetly smiled at them. They weren't in their usual school uniform. Nakabihis sila ngayon, favor in their likes. At ang gaguwapo talaga ng mga batang ito. Kung hindi lang sila mukhang mga bulakbol pagsuot nila improperly ang mga school uniforms nila ay masasabi kong sobrang gaguwapo nila tulad ngayon.

They giddily occupied their usual table. Nilapitan sila ni Jung dahil hinihintay ko pa ang order ng admirer ni Aly. Nakita kong sabay-sabay silang umiling kay Jung at itinuro ako. Kunot ang noong sinundan ng tingin ni Jung ang itinuturo nila. He shrugged with a pout as he saw me. Sinenyasan niya akong lumapit.

Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kanila.

"Can you bring the order of table number three?" I asked Jung which he nodded curtly. I then got the orders of the boys since it was me who they wanted to wait them.

Mga pasaway talaga.

Bago ako makabalik sa counter ay kung ano-anong pinagkukuwento nila sa akin na talagang pinag-effort-an nilang mag-ingles, they even gave me gifts, that were too cute for a girl. Maliliit na mga stuffed toys. Iyong kasing lalaki lang ng kamao ko. I recognized some as dogs, tweety and angry birds. Naiisip ko nang i-design ang mga ito sa bedside table namin ni Em sa kuwarto.

Seriously, ang ku-cute nila pero sobrang kukulit. Malay ko ba kung anong nakita nila sa akin gayong sanay akong hindi masyadong nilalapitan.





I packed my things and readied myself just as the girl next in shift arrived. She apologized for being late which I just shrugged off. Late naman na ako sa lakad namin nina Evah kaya okay lang.

Simpleng sleeveless cyan button-down shirt lang ang isinuot ko at beige colored tight jeans na ipinares ko sa puti kong converse sneakers. Luma na ito kaya siguro kapag sumuweldo ako ay bibili ako ng bagong sapatos. Dala ko rin ang mint green kong sling bag na lumuluma na rin. Ang buhok kong lampas balikat na ngayon ay pasimple ko na lang sinuklay gamit ang mga daliri ko. Nag-bus ako papunta sa venue.

It was an MBC show. Naroon ang ibang K-Pop artists at mag-pe-perform. Yes, I knew that BTS might be there. Pero hindi naman sila ang ipupunta ako. As if naman mababaliw na naman ang tadhana at pagtatagpuin kami. I believed, fate wasn't that cliché and lame.

Nang makarating ako sa venue, sa front entrance pa lang ay tinanong na kung may ticket ako. I showed them the ticket Evah had given me and they told me the exact venue. Hindi ko pa napupuntahan itong MBC Building. Malawak siya gaya ng iba pang channel stations na napuntahan ko na. I took the lift since nasa seventh floor ang venue. There were other people that lodged the lift with me. Ang iba ay sa second floor pa lang at saka third floor ay bumaba na. Some went out with me at the seventh floor.

Hawak ko pa rin sa isang kong kamay ang ticket. From the hallway, I could feel the effect of music and rhythm beneath my soles, loud thuds and screams from somewhere the corner.  Nagmumula siguro iyon sa studio. Nagsisimula na rin malamang ang show dahil past six na.

Gaya kanina sa entrance, tinanong din ang ticket ko nang nasa pinto na ako. This time, kinuha iyong ticket ko at pinunit sa gitna ng isang may kalakihang lalaki bago ibinalik sa akin. That meant, I couldn't go for a restroom break dahil paniguradong hindi na ako makakapasok.

Bumungad agad sa akin ang isang hallway patungo sa malawak na bulwagan, madilim ang paligid pero kitang-kita ko ang audience dahil sa mga liwanag na dulot ng mga dala nilang light sticks. Looking ahead, was the gleaming stage. Luckily, I found Em and Aly in the middle of the crowd while a girl group was performing on stage since they were just near the entrance. May isang bakanteng upuang nakalaan sa pagitan nila.

"Oh, you came!" Em told me when she noticed me. She led me to the vacant seat between them, that was while people from the back starting growling at me, at us, because I was kind of blocking their view from the stage.

Yumuko ako para humingi ng sorry sa mga ito saka mabilis na umupo sa nakalaang upuan para sa akin. Agad ko ring hinarap sina Em at Aly. "I'm sorry. Na-late kasi ng dating iyong karelyebo ko sa shift," sagot ko kay Em sabay lapag ng sling bag ko sa mga hita ko.

"Ssh. Queens are performing," saway samin ni Aly na engganyong-engganyo sa panonood.

Naka-irap na ibinalik ni Em ang atensyon sa stage at tumahimik na. Hinanap ko si Evah pero wala siya sa mga katabing upuan. Kinalabit ko si Em dahil mukhang hindi ko maaaring guluhin si Aly, she seemed to be enjoying the girl group performing on stage. Baka gusto niya ang Queens, pero kasi marami naman siyang grupong gusto.

Nilingon ako ni Em. "Bakit?" tanong niya.

"Nasaan si Evah?" I asked her.

"Nasa backstage siya. She needs to be there since they need more staffs tonight," Em answered me as she went back on watching.

"Ssh… you two seriously need to shut up now. Susunod na ang BTS," muling singit sa amin ni Aly nang hindi man lang lumilingon.

"What?!" My instant reaction of course was to get shocked. Napakalakas rin ata ang boses ko dahil nagtinginan ang ibang tao sa akin sa kabila ng ingay ng paligid. Sa pangalawang pagkakataon, yumuko ako para humingi ng sorry.

I was still not ready for it! Yes, I had expected them but I still had little hopes in me that they wouldn't be here!

Kunot ang noong binalingan ako ni Aly. Saglit niyang pinag-aralan ang mukha ko kaya lumunok ako at mariing isinara ang bibig ko para maiwasan ko ang makapagbitaw ng mga salitang pagsisisihan ko.

"Didn't you check the ticket? Nandoon ang pangalang ng BTS. And anong klaseng reaksyon ba iyan? Don't tell me you're an anti?" she inquired while pointing Em who was also staring confusedly at me. "Just like her. She's an anti." Umirap pa si Aly kay Em.

Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. I had never been an anti but I wanted to consider her idea. Kaso naalala ko ring, kung talagang gusto ko nang mawala sila sa landas ko, then I should literally take them away in my system and never give them a role in my life.

"I'm not," simpleng sagot ko na lang habang mabagal na umiiling. I face-palmed as I saw some of the fans at the front waving ARMY Bomb light sticks. Bakit ba ngayon ko lang napansin ang mga iyon gayong pansin na pansin sila dahil sa dami nila? Those were ARMYs. At ang ARMY Bomb light stick ang ginagamit ng mga fans ng BTS.

Aly and Em just gave me weird looks before turning their attention back to the stage. Naroon pa rin ang Queens at nag-pe-perform. Hanggang sa matapos ang performance ng Queen ay hindi ako mapakali. Ayaw ko silang makita. It would only scrape my already wounded heart. Hindi pa nga gumagaling tapos madudurog na naman.

Naaawa na ako sa puso ko.

And when the two emcees on the stage announced the next performers, mentioning the name of the boy group that I didn't want to hear for now, the crowd of ARMYs at the front started going wild as my heart started getting ripped into pieces… again.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Hanselle, you can't cry here. Wala kang maidadahilan gayong napakasaya ng lahat. And you can't go home still crying! My inner Goddess reminded me.

I held my breath to stop a sob from escaping my throat but I could feel my eyes start pooling and my vision slowly getting blurry. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang unti-unti itong naninikip nang mag-umpisang tumugtog ang intro ng isa sa mga kanta nila.

As ARMYs boomed the studio, seven friggin' gorgeous jerks appeared on the stage. They started performing, both singing, rapping and dancing. Wala pa rin silang kupas. Mapa-live man ang performance nila o on-screen lang ay napakagaling pa rin nila.

I smiled as I saw that man with a new light blonde shiny hair. I didn't know he changed his hair colour. Wala na iyong dati kong ice cream… my pink cotton candy. He was now a type of cake I still could never have. He didn't cost that much because even if he did, I had all the money to get him. It was just that he wasn't made for me. He was made for someone… else.

My heart leaped as he did that body wave and booty drop he just so good at. Galit ako sa kaniya pero hindi ko rin maitatangging siya lang talaga ang may kakayahang pabilisin ng ganito ang puso ko. Kahit ang simpleng paghawi niya ng buhok niya at ang pag-iigting ng mga bagang niya na para bang nanggigigil siya sa pagsayaw… ay muli akong hinihila pababa.

That jerk!

Hulog na ako, oo, noon pa sa kaniya. At kung kailan naman unti-unti na akong gumagapang pataas para makaahon dahil wala naman siyang balak na saluhin ako ay heto na naman siya, hawak niya malamang ang isang paa ko para pigilan akong makaahon. Because I was so damn fvcked up… I was falling even more deeply again.

"OMO! OMO! JUNGKOOK IS JUST SO COOL!" kinikilig na sigaw ni Aly. Hindi siya mapakali sa upuan niya at parang bulate kung makatili dahil si Jungkook na ang nasa unahan at sumasayaw habang kinakanta ang part niya. Nilulunod ang boses ni Aly ng mas malakas na tilian mula sa unahan.

Si Em ay tahimik lang—

"Stop overreacting, Aly. Jungkook is just dancing. What's so cool about that?" Em rolled her eyes. Anti nga talaga siguro si Em but this one girl on my other side was just like me, an ARMY, but I couldn't tell them that.

"Huwag mo na nga akong pansinin!" Aly snickered while still staring at the stage and cheering for the group.

"Tss. Para ka kasing tanga riyan! Hindi ka naman maririnig ng mga iyan!" inis na sabi ni Em.

"Mind your own biz, Em," tanging sabi na lang ni Aly at nagpatuloy sa pagsigaw at pagpalakpak.

Tahimik akong bumuntong-hininga. I couldn't do something about these two. Siguro, may reason kung bakit ayaw ni Em sa BTS. Maybe, BTS and their music wasn't just her type. At halata namang gustong-gusto ni Aly ang BTS. Mabuti na lang pala at ako ang nasa gitna nila. Who knows what they would do if they were closer to each other? Hindi naman kaya sumasakit ang ulo ni Evah sa dalawang ito? Palaging nagbabangayan?

They continued watching. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na madilim sa kinalalagyan naming mga audience dahil hindi nila kami nakikita? Well, this was better.

"I hope Taehyung would look at our side," Aly hopelessly said.

I hope he wouldn't. I'm sorry, Aly.

"OMG, I like Taehyung but hell, Jimin is really a bias-wrecker! Look, look at that goody dance machine lord!" Wala pa ring tigil si Aly.

Pakiramdam ko napakatagal ng performance nila. Limang minuto lang naman ang duration ng every performances pero bakit parang isang buong araw na akong hindi mapakali rito at pinapanood sila?

"Tss. Ang tagal ah! I can't wait to see LUX!" Em said, irritatedly.

Somehow, I was taking her side now. Sana matapos na lang bigla ang performance ng BTS at palitan na sila ng kahit sinong grupo. I played with my fingers on my lap as I silently uttered a prayer with my eyes closed.

Please… please, make the time fly fast.

As I opened my eyes, I saw the two emcees back on the stage. I sighed and uttered a thanks this time. That was a prayer answered.

Marami pang sumunod na boy groups ang nag-perform, kabilang naroon ang BGB, Hunters at ang LUX na kanina pa hinihintay ni Em. Nakita ko rin ang mga pagbabago nina Jiro at Bien. I had seen them two times—three times for Bien— in my life and so this was what it really felt like to see them performing live…? Pakiramdam ko, ibang Bien at Jiro ang mga nakasama ko noon and I didn't think anyone would believe me if I told them that part of my life.

They would only think I was dreaming or even imagining. I couldn't even believe it myself! Baka naman panaginip ko lang ang lahat ng iyon?! Tss. I would rather choose meeting the BTS as my dream and choose meeting Jiro and Bien as my reality.

Nag-perform na rin ang Bubbles. Fans were shouting Sally and Jimin names, wanting them on stage. Wala ang BTS sa stage. Sally was just smiling with all those screams and chants. She must be really happy. Kasi suportado ng mga tao ang relasyon nila ni Jimin. And how could she be that gorgeous?! Kahit na malayo ako sa stage ay kitang-kita ko kung gaano siya kaganda.

Akala ko ay tapos na ang show pero nagkaroon lang pala ng commercial break. Pinagdikit ko ng mariin ang mga hita ko. Ngayon pa ba mangyayari ito? Puwede bang sa bahay na lang?

Urinary bladder, makisama ka na lang please.

"Anong problema?" Em asked me when she noticed me shifting in my seat uncomfortably.

Ngumuso ako. "Naiihi na kasi ako e," sagot ko.

Mahina siyang tumawa. "Hindi mo dapat iyan pinipigilan. Restroom break ka muna tutal commercial break pa naman," sabi niya.

"Pero pinunit na ang ticket ko," sabi ko.

She fished out something from the pocket of her shoulder bag. It was the same ticket that Evah gave us. "Since apat ang ticket na meron si Evah at tatlo lang tayo, may extra pa. Try mo munang lumabas, baka tatakan ka nila or something kung sasabihin mong magbabanyo ka lang pero dalhin mo na rin itong ticket just in case hindi ka na nila ulit papasukin," mahabang paliwanag niya sa akin habang inaabot sa akin ang ticket.

Tinanggap ko iyon at nagpasalamat.

Gaya ng inaasahan ni Em, tinatakan nga ako sa braso bago lumabas para makapasok pa ako ulit nang hindi na nagpapakita ng ticket. I just kept the extra ticket somewhere my jeans' pocket.

Nilingon ko ang magkabilang hallway. The entrance of the studio was near the right dead-end and the fire exit. Sinabi ng isang bantay sa pinto na nasa kabilang dulo pa ang restroom at sobrang haba ng hallway. Dinig na dinig sa tahimik na hallway ang banayad na pagtapak ng sneakers ko sa sahig. Evey stomp was corresponding with the every beat of my chaotic heart.

Kalokohan talaga. Parang noon lang nasa dressing room ako ng BTS pero ngayon isa na ako sa mga audiences nila. Nakakabaliw pero kinakaya ko naman—

"You're cool back at the stage, Joon hyung."

"Thank you, Taehyung-ah, you're cool too."

"Wah, our ARMYs are so thoughtful."

"That's why we love them, Hobi hyung."

I stopped dead in my track as seven jerks came out from one of the doors where the words 'BTS Dressing Room' was imprinted, a door meters away from me, near the dead end and the restroom. Sa dami naman kasi ng kalalagyan ng dressing room ng BTS, bakit iyong malapit pa sa dead end at sa restroom? Or I must say, bakit naman kasi hindi muna ako hinayaang makapasok sa banyo bago sila lumabas?!

Naiihi na ako!

They were too engulfed with talking that they hadn't noticed me yet and I couldn't let them notice me at all. Hindi pa rin sila nagbibihis. Kung ano ang suot nila kaninang nagpe-perform sila sa stage ay iyon pa rin ang mga suot nila. And well, I was wrong when I said fate wasn't lame and cliché to plan this all out and let all this happen, again. Dahil sobrang lame nito ah! Sobrang cliché at lame!

Mas ikatutuwa ko pa kung makikita ko si Jiro ngayon, at least kahit cliché rin iyon, mas mabuti naman iyon!

Pinag-isipan ko kung tatalikod ba ako para tahimik na makaalis kahit na ihing-ihi na ako o magpapatuloy ngunit huli na dahil…

"Noona!"

Buwisit, Jungkook!

Nanlalaki ang mga mata ni Jungkook na nakatitig sa akin habang unti-unting lumilingon sa akin ang mga lokong kasama niya. They all turned their heads towards my direction.

Nanigas ako at naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo ko sa batok. I tried to urge my legs to move to ready for a run but I couldn't move any of my feet. Ramdam na ramdam ko na rin ang paninikip ng puson ko dahil naiihi na talaga ako!

Nanlalaki rin ang mga mata nila. Kahit na hindi ko maigalaw ang mga paa ko ay pinilit kong pumihit patalikod para takasan ang nakakainis na pangyayaring ito at para maglaho sa paningin nila dahil naisip kong mas tamang gawin iyon sa mga oras na ito.

Luckily, my feet followed me. I ran away from them, I ran away to save my heart. I ran away from those people who betrayed me, afraid that if they reached me, they would open the wound in my heart that still wasn't healed.

I ran away to save my life, this time.

"Misseu!"

"Hanselle-ssi!"

"Yah, noona!"

Narinig ko ang mga tawag nila, narinig ko ang mga boses nilang tinatawag ako, for a moment, parang gustong tumigil ng mga paa ko sa pagtakbo ngunit saglit lang iyon dahil muling bumalik sa alaala ko ang mga nangyari. Kung paano nila akong niloko, kung paano nila akong pinaasa… the pain, the betrayal, the run so I just continued running from them.

Akala ko ay makakatakas na ako kaso natumba ako sa lakas ng impact ng pagkaka-untog ko sa kung anuman. I fell on the ground, butt first. Napahawak ako sa puwit ko dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko. Ouch, that hurts. And crap! Lalabas na ang liquid wastes ko sa katawan!

When I raised my gaze, my face automatically lit up. Nag-aalalang nakatunghay sa akin ang isang miyembro ng Hunters. Of all people, idol na naman. And of all idols, si Jiro na naman! Ang cliché talaga ng tadhana pero okay na ito…

We meet again, Jiro. Though I'm too stunned of your makeup, I need to ignore it because I'm on run and you're the only person who can help me. At kahit na minumura ko na ang tadhana sa isipan ko dahil sa pagdadala sa'yo sa sitwasyong ito ay tahimik pa rin akong nagpasalamat dahil napakaganda lang ng timing niya!

Luminawag ang mukha niya nang makilala ako. Kasing liwanag ng mga kumikinang na beads sa suot niyang itim na leather jacket.

Pinilit kong inignora ang intimidation na hatid sa akin ng magulo niyang silver na buhok at ang makinang na kulay sa talukap ng mga mata niya, kasing kulay iyon ng matingkad niyang silver na buhok. Dali-dali akong tumayo at nagtago sa likod niya.

"Don't let those guys near me!" I hissed behind him as I pointed the group of jerks approaching in front of us. Mahigpit kong hinawakan ang damit niya sa likod at sinilip ang BTS. Muli ko ring inignora ang panunuot ng mabango niyang amoy sa ilong ko. A mixture of a manly and lavender scent.

I nervously bit my lower lip as I saw the BTS running towards us. Hindi naman siguro sila magkakagulo rito 'no? Nag-iisa lang si Jiro… at pito sila. I shook that idea while trying to mentally calm my insides.

They won't cause trouble for you, Hanselle. Stop assuming again, it's not so cool. My inner Goddess crossed her arms.

BTS stopped just a meter away from us. Halos lahat sila ay hinihingal at matamang lumalampas kay Jiro ang mga titig para makita ako.

"Jiro-ssi," RM said first thing before drawing his stare from me to Jiro, mabibilis pa rin ang paghinga.

"Ne?" maangas na tanong ni Jiro. Manaka-nakang hampasin ko siya dahil nakukuha niya pang magmaangas gayong ang sasama ng tingin sa kaniya ng mga lalaking nasa harap.

Pakiramdam ko, tigre ang mga lalaking ito maging si Jiro at pinoprotektahan niya ang hapunan niyang Doe sa iba pang tigre na gustong umagaw nito, and I couldn't believe that I was that poor Doe!

Ridiculous! I was not good at metaphors, okay!

"You know she's ours to begin with. We have a lot of things that we need to discuss," RM firmly told Jiro with a stern voice. Hindi ko man naintindihan ang sinabi niya, sa tingin ko ay hindi iyon maganda.

Baka naman sinisiraan na ako ni RM kay Jiro? Magagawa niya nga kaya iyon sa akin? Malamang, niloko nga nila ako e.

Nag-iwas ako ng tingin mula sa leader ng BTS pero nahuli ko pa ang pag-igting ng panga niya bago dumako kay Jimin ang tingin ko na nasa tabi lang niya.

Jimin was seriously looking at me. His crimson plump lips were in a thin line and his jaw was hardly restrained. Ni hindi siya kumukurap habang matalim na nakatitig sa akin.

Sinalubong ng mga mata ko ang mga mata niya. Ironic, despite of the rage shading his eyes, I could see sparks through those round dark circles that his small eyes were housing. I bit my lower lip as I turned my gaze away from him. Hindi ko kaya… hindi ko kayang titigan siya ng matagal, nakakalunod.

Oh, nasaan na iyong mahiyaing Jimin na hindi ako kayang tingnan? Mahal kita, Jimin pero may hangganan ang pagpapakatanga ko. At sakasinong nagsabing tumitig ka sakin?! Wala kang karapatan!

At saka… b-bakit may mga lakas ng loob pa silang humarap sa akin pagkatapos ng mga ginawa nila sa akin?! Napaka-unfair naman! Bakit ako lang iyong nagtatago rito? They should be embarrassed to even appear in front of me!

I knew I had been stupid but that wasn't because I didn't know my self worth, it was because I was oblivious. I didn't know that they were fooling me. I didn't know that their sweet acts were all just an act, a feign, lies.

"Can't you see? She is a-afraid," Jiro said in slow English, leveling the intensity of rage that the guys in front of us were showing.

Nagulat ako. Ginagawa ba niya ito para maintindihan ko ang mga pinag-uusapan nila? Matagal akong napatitig sa malapad na likod ni Jiro habang iniisip na possible kayang interesado siya sa akin tulad ng sinabi niya noong nasa hospital kami? Pero ang bilis naman ata? Iyon pa lang ang dalawang beses naming pagkikita! At saka bakit sa akin pa? There were a lot of beautiful female idols out there, just like Kang Sally!

"Hanselle-ssi," Jin softly called me that once again drawn my attention to them. His voice was pleading, as if he wanted me to listen to them.

Nagtago akong muli sa likod ni Jiro at mas hinigpitan pa ang kapit ko sa damit niya. Mariin akong pumikit para iwasan ang panunubig ng mga mata ko. Hearing the desperate voices of BTS was breaking my heart. This was how they used to talk to me. Even Jin betrayed me. Lahat sila. I didn't even know if Zac's smiles to me before were all real. Baka nga fake lang din ang lahat ng iyon.

Pareho sila ni RM. Lahat sila…

I was sorry if they needed to pretend and create a skit for me. I was sorry if they needed to act so nice to me. I was sorry if they needed to settle for me and I was sorry for wasting their time.

"Don't worry. I will not let them get anywhere near you." Bahagya akong nilingon ni Jiro para banayad na sabihin sa akin iyon.

"Jiro-ssi!" Yoongi angrily said that echoed through the corners of the silent hallway.

Pareho namin siyang nilingon ni Jiro. Yoongi's fists balled while veins on his neck wrre becoming visible as he shot Jiro his raging glares. I had known him as the rude and not so nice guy, but this was just the very first time I saw him this angry.

Umayos ng tayo si Jiro at hindi nagpapakita ng sensyales na apektado siya sa mga taong nasa harap. Somehow, I admired him for that, lalo na't pakiramdam ko ay babagsak na lang ako bigla kung hindi lang ako nakakapit sa damit niya dahil sa panginginig ng mga binti ko.

Plus… my urinary bladder wasn't behaving so well! Baka maihi na ako rito kung hindi pa matatapos ang paghaharap na ito! If only I could call for a time first in the middle of all this just to pour my liquid wastes.

"What? There's no way I'd give her back to you. I told you, Namjoon. I will steal her if I'd have the fvcking chance," seryosong wika ni Jiro bago niya marahang hinawakan ang kamay ko at hinila ako para lagpasan ang BTS, na tahimik kong ipinagpasalamat kahit na wala naman akong naintindihan talaga sa mga pinag-usapan nila.

I even heard them call me that none of it I responded. Ipinagpasalamat ko rin nang walang nagtangkang sumunod sa BTS dahil baka sa banyo na talaga mangyari ang part two ng paghaharap namin!

Sinabi ko kay Jiro na kaya kong umuwi mag-isa pero hindi siya pumayag. Nasa basement ang sasakyang gagamitin niya sa paghatid sa akin. He let me first take a moment in the restroom. Sa tingin ko nga ay umatras na ang kagustuhang paglabas ng mga liquid wastes ko e.

I was thankful that he wasn't saying anything about what happened a while ago. At hindi rin siya nagtatanong. He just let me cry my heart out on my palms as he drove silently. Though, I was worried dahil baka kailanganin pa siya sa show gayong kanina ko pa naririnig ang pagtunog ng phone niyang nasa dashboard na kanina niya pa rin hindi pinapansin.

Sa loob ng halos tatlumpung minutong biyahe ay umiiyak lang ako. Here I come again with the nonstop crying. Kapag nalaman ng tatay ko at ng kuya kong umiiyak na naman ako, paniguradong lilipad ang mga iyon dito sa Korea.

Takot ko lang na makaladkad pabalik ng Pinas. As much as possible, I didn't want them to know how miserable I was here.

Ilang minuto nang nakahinto ang sasakyan sa harap ng bahay pero sige pa rin ako sa paghikbi. Jiro was just watching me, confusedly. The last thing this happened was when he watched me laughing at the hospital's rooftop, puwede na siyang mag-conclude ngayon na baliw nga talaga ako at maiintindihan ko iyon.

Paanong hindi ako iiyak kung sumasakit na naman ang dibdib ko dahil sa mga nangyari kanina? Pakiramdam ko, nanariwa na naman ang sugat sa puso kong hindi pa tuluyang gumagaling. Pakiramdam ko, hindi na talaga gagaling ang sugat na iyon.

"She's been crying for sixty minutes straight," narinig kong bulong niya habang wala pa rin akong tigil sa kakaiyak dito sa passenger's seat ng kotse niya. He couldn't just let me out of the car still crying.

Hindi ko naman masabi sa kaniyang baka abutin kami rito ng hatinggabi kung hindi niya pa ako pabababain.

"Just, y-you have w-water?" I asked him in the middle of my loud sobs. Kahit naman paano ay concern pa rin naman ako sa kaniya. Baka hindi na siya makabalik sa channel station dahil sa akin.

He nodded and got something from the dashboard's drawer. A bottle of water. He opened the lid before giving it to me. Nagtataka pa rin ang mga malamlam na mga mata. Agad akong uminom. Huminga ako ng malalim at pinigil na lang ang panibagong hikbing gustong kumawala sa lalamunan ko. Muli akong uminom para hindi na masundan pa ang hikbing iyon.

I waited for a while. Gumaan ang pakiramdam ko nang tumigil na ang mga mata ko sa pagluha. I just sniffed several times. Just then, he let me go out of his car, with me, draped around my shoulder was his leather jacket that had shining beads.

I thanked him for bringing me home as I showered him 'take cares' which he exchanged with…

"See you again."

And then I sent him off. Saka ko lang napagtanto ang sinabi niya ay wala na sa paningin ko ang sasakyan niya habang naiwan akong nakatayo sa gilid ng kalsada, sa harap ng bahay.

Umusok ang ilong ko. And what did he mean by that?!

I already closed the door of my life to idols like him, I just needed his help today that was why I was with him! Pero wala na talaga akong plano pang bumalik sa magulo at nakakatangang mundo ng K-Pop Idols. I had had enough headaches and heartbreaks from BTS and I didn't want a second part or even a sequel!

Give me a break please! For real!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top