XXX

Chapter Thirty

Evah prepared the breakfast in the morning. Nakapuwesto kaming apat sa parisukat na mesang nasa loob lang din ng kusina. Maliit lang ang kusina ng bahay pero fully furnished naman. Magkarugtong sa isang gilid ang sink at ang stove, sa itaas ay ang cupboards at sa gilid ay ang refrigerator. May isa pang countertop na pinaglalagyan ng mga plato't kutsara.

Namangha ako nang makita ang mga pagkaing pinrepare ni Evah. Hindi ko tuloy mapigilang maluha dahil puro Filipino foods ang nakahain. Fried rice, may fried eggs at saka hotdogs, may mga sliced bread at tuna spread. Hindi pa rin nawawala ang iba't ibang slice ng mixed vegetables, I didn't mind it though because I was still mesmerized with the Filipino foods served. Nakakatuwa ring makitang muli iyong mga malalapad na plato dahil puro bowls ang nakikita ko sa bahay ng BTS—

I mentally shook my head as I simply wiped my eyes when I felt it water. Hindi dahil sa BTS—well, a bit—kung hindi dahil sa mga nakikita kong sobrang na-miss ko sa buhay ko dahil sa pananatili rito sa Seoul.

Nagtimpla rin si Evah ng kape para sa amin. She wisely chose a latte for me that I silently thanked for because I still hadn't told her about how I didn't want black coffees and teas.

"We don't eat lunch together since we're all at work. Sa gabi naman, madalas kumakain na kami sa labas o kung may usapan, sabay-sabay kaming kumain. We just have to do rounds for breakfast," paliwanag sa akin ni Em habang kumakain na kami. Siya ang nasa tabi ko samantalang si Evah ang sa kabisera at nasa harap ko si Aly. May dalawa pang bakanteng upuan dahil pang-animan ang mesa.

Kinailangan nilang i-kansela ang dati nilang rounds for breakfast para ma-isali ako sa bago. I honestly told them that I couldn't cook which they all just laughed off. Sinabi nilang hindi rin naman sila marunong noon. They had even told me that they could guide me so that I couldn learn.

Pare-pareho naman kaming nasiyahan sa kinalabasan. Si Evah ngayon, tomorrow would be Aly, then Em and I were the last. Sinunod na lang namin ang order ng ages namin. Si Evah ang pinakamatanda sa aming lahat at siya rin ang naghanda ng breakfast ngayon kaya siya ang una.

"Anong plano mo? You don't have work right?" Evah asked me after a while. Nakatitig siya sa akin gamit ang mga malalalim niyang mga mata. I could actually differentiate their beauty from each other.

Si Evah ang pinakamatangkad sa kanila, mayroon siyang mahaba at kulot na buhok, dark brown ang kulay ng buhok niya. She was very white, kumpara sa dalawa ay mas malaman siya, payat siya pero kasi bibilugin ang katawan niya, pareho kami actually kaso hindi naman ako matangkad. She had round deep brown eyes. Matangos ang ilong niya at mala-rosas ang kulay ng mga labi.

Si Em ang sunod na matangkad, she had long straight very black hair, it was not a perfect straight, parang layered ang style. Siya ang sa tingin ko ang may pinakamagandang hubog ng katawan. She was very thin yet she had visible curves. She was also white, though Evah was whiter. She had big yet so expressive eyes. Ang mga mata talaga niya ang una kong napansin sa kaniya. May matangos rin siyang ilong at maninipis na mga labi.

Si Aly, she was the shortest but that was because the two were tall. Actually, kaunti lang ang tangkad ko sa kaniya, baka nga isang guhit lang sa height centimeter measurement, imagine her height if I was a flat-five. Hanggang balikat lang ang wavy niyang buhok, we were again the same at this matter since maikli lang din ang buhok ko at wavy.

She was very petite, the perfect definition of a petite girl. Nagmumukha siyang high school girl lang actually. She was a bit morena, a real Filipino skin complexion but she had smooth skin. Maliliit ang medyo singkit niyang mga mata, we paralleled again because I was a bit singkit too, but her lashes were long and very black and mine was are short and thick but curled. Matangos rin ang ilong niya like those two and she had cherry full lips.

All in all, they were beautiful.

May hinala na rin akong hindi lang sila basta mga Filipino na napadpad lang dito sa Korea, sa mga ayos, sa kutis at sa pananalita, masasabi kong nagmula ang mga babaeng ito sa mga mayayamang pamilya sa Pinas. I just couldn't ask them that because that would be over boarding to their personal lives. At saka, hindi pa kami ganoon ka-close para magtanong ako sa kanila ng mga ganoon bagay.

Bumalik kay Evah ang atensyon ko at nakita ko siyang naghihintay sa sagot ko habang ngumunguya kaya tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang mga trabaho nila. Hindi pa nila sinasabi sa akin. Isa pa, hindi pa rin ako nagtatanong sa kanila.

"Are you okay here alone?" Aly asked me after sipping on her coffee.

"Actually, I want to go and look for a job. Any recommendations?" I asked them. Bumuntong-hininga ako dahil sa ideyang iyon na bigla na lang pumasok sa isipan ko. Kailangan ko ng trabaho, iyon ay kung ayaw kong gamitin ang pera ng mga magulang ko.

Lumiwanag ang mukha ni Aly at napapalakpak. "We're in short of servers! You wanna try?" she happily told me. She was really a bubbly girl. Madali lang siyang pangitiin kumpara kay Evah na napaka-ilap at kay Em na likas na yata ang pagiging masungit.

Luminawag rin ang mukha ko. Any job would do. As if naman may oras pa ako para mag-inarte. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan ko ng trabahong bubuhay sa akin. Wala na ako sa bahay ng BTS. I needed to support myself, alone.

Pinahiram ako ni Evah ng damit na isusuot. As long as I didn't want to wear a dress since I was more of a jeans type lady, I needed to. Kasi nanghihiram lang ako. We were kind of the same with size and built. Medyo skinny kasi si Em at maliit na babae naman si Aly. Evah was a dress type lady so I had no choice…

"Thanks," nahihiyang sabi ko kay Evah habang pinaplantsa ko gamit ang mga palad ko ang dulo ng suot kong red button-down dress, may collar ito at umabot lang hanggang sa tuhod ko ang haba, may mahahabang manggas din. Isinuot ko ang natatanging puting sneakers na dala ko, naalala kong naiwan ko yung favorite green converse high ko sa bahay ng BTS dahil sa pagmamadali.

"Don't mention it. You'll be a part of this family now. Anyway, I'm sorry for being mean to you last night. That was just because I don't easily trust people nowadays," ani Evah na napakabanayad ng tinig. She must be a natural husky voice kasi kagabi pa siya paos.

Nginitian ko na lang siya para ipakitang naiintindihan ko. Sa panahon ngayon, hindi puwedeng basta-basta na lang nagtitiwala sa kahit na sino.

Nalaman kong nagtatrabaho si Em sa isang teatro at isa siya sa mga artista. Si Evah naman ay nag-aaral pa, aniya ay ikalawang course na niya ito, as for now, she was studying while working several jobs to support her studies. While Aly was…

"This is where I work. Mahirap maghanap ng trabaho rito kapag hindi ka marunong ng mother tongue nila, may discrimination kasi pero didiskartehan natin iyang sa'yo…" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago siya ngumisi, which I found very creepy anyway. "You got the looks. Kindatan mo lang si manager Kang, papayag na iyon!" natatawa niyang dagdag saka na ako hinila papasok sa loob ng isang coffee shop. She didn't sound serious so I assumed, that was a joke.

Wala pa masyadong mga customers sa loob dahil medyo maaga pa, hindi pa nga nag-aalas-sais. But I heard from Aly, it was a twenty-four seven open café. Naglakad kami patungo sa counter kung saan may isang singkit at matangkad na lalaki ang nandoon at nakasuot ng kulay pink na polo at pants plus a pink bunny headband.

Iyan malamang ang uniform ng mga empleyado rito. Too girly but cute.

"Annyeonghaseyo, Dae," Aly said in a fast Korean language towards the guy. Ngumiti ang lalaki nang makita si Aly at bumati pabalik. He looked cute too with his bunny headband.

Pinigilan ko ang mapangiti. I wouldn't want to look weird here for the first impression. Pero kasi sa tangkad nito at sa tikas ng pangangatawan ay masyadong soft and girly ang suot niya.

"Where's manager Kang?" Aly said again habang inililibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng lugar.

Maraming mga mesa ang nasa loob, mostly, four chairs per table but there were also two chairs for each of the tables. Kulay puti ang kulay ng mga ito ngunit pink ang kulay ng mga dingding kahit na ang tiled floor na tinatapakan namin.

"At the staff room," the guy answered.

Nakakabilib ang galing ni Aly sa pagsasalita ng wikang Korean. I wondered if I could also learn Korean? Well, I immediately turned down the idea. Useless naman na kung mag-aaral pa ako. Babalik na ako sa Pinas at hindi na babalik dito. Sky and land would switch places if I would even consider going back here. Mag-iipon lang ako pagkatapos ay tatawag ako sa Pinas, kay Kuya Haynes para magpatulong.

Tinanguan ni Aly ang lalaki at muli akong hinila patungo sa isang pinto. She unceremoniously opened the door and with her still dragging me, we bulged in. May mga pink lockers ang silid na nakapuwesto sa isang gilid at may isang mahabang mesa sa isang tabi kung nasaan ang ilang mga box. From somewhere the room, we saw a man, I guessed in his forties, minding those boxes. May hawak na papel at ballpen. He was wearing an eye-glasses but despite that, kita ko pa rin ang singkit niyang mga mata. Naka-tuck-in sa itim niyang slacks ang puti niyang polo at lumalabas ang malaki niyang tiyan.

Sa may kalayuang gilid niya ay may isa pang pinto na mukhang private office.

"Manager!" tili ni Aly na nagpagulat sa lalaki. Muntik na nitong ma-ihagis ang papel at ballpen na hawak nito. He annoyingly turned to us.

Kinabahan ako nang masama ang tinging binalingan niya si Aly pero nang mapasadahan niya ako ng tingin ay nagbago ang anyo niya at nagtatakang tinitigan ako.

"Wink," Aly nudged me, her elbow softly meeting the side of my arm. Imbis na sundin siya ay yumuko na lang ako since that was how Korean people showed some kind of respect.

The man walked towards us."Yah, Aly-ah! Who's this?" the man said in a crooked voice when he reached us.

"Tss. Aliyah to ng Aliyah! Isang taon na akong nagtatrabaho rito pero hindi pa rin niya mabigkas ng tama pangalan ko. Aly kasi!" inis na dabog ni Aly.

Hinawakan ko ang kamay niya. Nakakatuwa siya. I didn't know she had this kind of attitude. Naalala ko tuloy sa kaniya si Taehyung. Ayaw kong isipin sila but I couldn't blame myself for seeing things which reminded me of those jerks.

"She's my friend. We're short of server since you fired Mitsu, so I brought my friend here to take in her place," mahabang sabi ni Aly sa lalaki habang nakanganga lang ako at namamangha dahil sa galing niya. Enough of cussing. Kailangan ko na talagang matutong mag-Korean o kahit ang maka-intindi man lang. Siniko akong muli ni Aly. "Sinabi ko lang sa kaniyang naghahanap ka ng trabaho at gusto mong mag-apply," sabi sa akin ni Aly na tinanguan ko lang.

Isang sulyap pang muli ang ibinigay sa akin ng lalaking sa tingin ko ay siyang sinasabi sakin ni Aly na manager ng coffee shop na ito. And they brought me into the pedestal as they talked in Korean language I would never understand.


The uniform didn't seem so bad if not of the pink bunny headband. Kasi naman, nagpapaalala na naman ito ng kuwarto ko roon sa bahay ng BTS! Sa lahat ng kulay, bakit kasi pink pa? Pang-asar! Kulay pink na collar shirt na may logo ng  Bunnies sa may dibdib ang top uniform na suot ko at kulay pink na tight jeans. Mabuti na lang at puting sneakers ang suot ko kaya bumagay naman.

"Bagay sa'yo!" Ngumisi sa akin ni Aly nang nakasimangot kong ihatid sa counter ang list of orders ng isang customer. "You should smile often. Sige ka, mas marami kang naa-attrack kapag nakasimangot ka!" dagdag pa niya.

I chuckled at her. "You know, mas maganda ka sakin," sabi ko sa kaniya.  Sumandal ako sa counter since wala pa naman masyadong customers.

Nanlaki ang mga mata niya at napansin ko ang pamumula ng mga pisngi niya. Bagay rin sa kaniya ang suot niyang pink bunny headband, it looked more suitable on her since she was petite and very cute.

"Omo! Talaga?!" she inquired, her eyes sparkled while her lips stretched widely. Sa hitsura niya, parang hindi niya alam ang bagay na iyon at walang nagsasabi sa kaniya.

"Oo," sagot kong natatawa. Umalis lang ako sa harap niya nang may tumawag sa aking customer.

Actually, it was hard talking to the customers lalo na sa ibang kahit basic English ay hindi alam. There were few customers that could understand the basics and the remaining more was the number of those who couldn't. Halos buong araw nangapa lang ako sa trabaho. Mabuti na lang at naka-antabay si Aly sa akin all the way. Nandiyang lalabas siya sa counter kapag nakikita niyang hindi na maganda ang sitwasyon sa pagitan namin ng customer.

She also gave me tips. Para raw matuwa ang mga customers, she said I needed to approach them with a smile. Hindi madali sa akin iyon since ang trabaho ko noon pa man ay nasa likod lang ng camera at malayo sa kabihasnan ng mga tao plus hindi naman ako palangiti. Madalas rin akong pinangingilagan. They said I was aloof but I didn't think so, it was them who was aloof toward me. Wala naman akong ginagawa para iwasan nila ako. Isa sa mga rason iyan kung bakit wala akong kaibigan sa office, well, except for Chelsea now since she was too persistent.

So giving smiles to people wasn't easy for me.


I was finally going the way my life had flipped upside down.  Sa puntong ito, hindi na ako magpapatalo sa tadhana. I wouldn't let fate play my life anymore just like how it let me get played by those rascals.

Luckily, I survived days in my new job. Nakikilala ko na rin ang mga kapwa ko empleyado bukod kay Aly. Si Dae at Mina na kasama ni Aly sa counter. Sina Lamma, Jung, Dahyun at Yorin na mga kapwa ko naman mga servers. They had kind of understood my situation too dahil ganito din naman daw si Aly noong mga unang araw nito sa trabaho. Only that, Aly had advanced knowledge those times not like me. Dahil bukod sa mga basic Korean ay wala na akong ibang alam. And I was happy because they were exerting an effort to converse with me.

"Aaah!" Aly screamed carelessly as the newly opened bottle of beer pressurized and it poured on her. Tumawa kaming lahat dahil doon. They decided to throw a welcome mini-party for me though kaming mga morning shift lang ang nandito at hindi ito alam ng manager.

Too late for a welcome party actually dahil ilang araw na ang lumipas simula noong first day ko. Three days na actually.

"Welcome to the Bunny Coffee Shop, Hanselle-ssi!" Aly said as she raised her bottle. Sabay-sabay naming inangat ang mga bote namin at pinag-untog. They repeated what Aly said in chorused.

Sa ilang buwan ko ng pananatili rito sa Korea ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong warmth from people I just met. Pakiramdam ko, belong na belong ako. So, was it what it felt like to getaway from BTS? Kung alam ko lang sana noon pa lang tinakasan ko na talaga sila. Who cared about the issue? Hindi naman kita roon sa mga litrato ang mukha ko.

Tss. I couldn't believe I had managed to stay longer with them. I couldn't believe I had cared for those people who had only taken my life as a joke.

Oh Hanselle, don't be a hypocrite! You wanted to stay with them so you casted away the idea of escaping! My inner Goddess rolled her eyes at me.

Though yes, I would admit. I knew how selfish I sounded right now.

Ipinilig ko ang ulo ko at ipinagpatuloy ang sayang dulot ng bagong kabanata at bagong mga karakter sa buhay ko. Marami silang in-order na mga pagkain, mostly chickens, I recognized some famous fishcakes pero ang pinakamalinaw lang sa akin ngayong gabi ay ang mga beers.

It was weeks already since I last had a drink.

Tumunog ang phone ko sa gitna ng kasiyahan. I sighed as I saw the familiar unregistered number that had been calling me for days. I didn't usually entertain stranger's calls. If the number wasn't registered in my contacts then I would let the call rot. Pero kasi ilang araw na akong ginugulo ng tawag na ito. I had never gotten calls from unknown sources here in Seoul, lalo na at hindi galing sa Pinas ang country code kaya nagtataka ako.

Who could this be?

I excused myself for awhile.  Walang pumansin sa akin dahil busy sila sa pag-inom at pagsasaya. They were doing battle shots. Hindi ko na hinintay pang may pumansin sa kanila sa akin at nagtungo na ako sa labas ng tent-like store. Malapit lang ang store na ito sa Bunnies. Narinig ko from Aly na madalas silang magtungo rito para uminom, kung minsan ay si Em at Evah ang kasama niya.

I hesitantly dragged the green button call sign to the right and drew my phone near my ear. Malalalim at mabibigat na hininga ang unang bumungad sa akin pero nagpasya pa rin akong magsalita

"H-hello?" I asked, slightly afraid. Natatakot akong baka tama ang hinala ko. I couldn't let my guard down now. I had been hurt and I was still hurting.

'010' ang umpisa ng mga numero so the call wasn't from the Philippines at takot ko lang na marinig ang boses ng isa sa kanila. Lumayo na ako at ang pinakahuling bagay na gusto kong mangyari ngayon ay ang makita pa sila o ang maka-engkwentro ang kung sinuman sa kanila. Gusto ko na ng tahimik na buhay, at saka, okay na ako. Tinanggap ko na noon pa na dumaan lang talaga sila sa buhay ko para mag-iwan ng sugat sa puso ko.

Masakit kasi mahalaga sila sa akin. Hindi ako maaapektuhan ng ganito kung hindi sila espesyal sa puso ko pero kailangan kong umiwas at lumayo mula sa kanila para sa ikatatahimik ng buhay ko. I couldn't let people stay in my life and keep hurting me. I maybe a hypocrite but I loved myself. Alam ko kung kailan magpapaka-selfish.

My story wasn't about that stupid girl, loving limitless and boundless, giving her all not leaving even one bit love for herself. I knew when to let go of the things I so liked—or loved, I let go of them when they didn't make me feel good anymore.

I let go rather than hold on.

["Misseu,"] the caller said on the other line before I heard some frantic noises from the background, familiar loud voices at that. I could even hear the familiar beats of my stubborn stupid heart just because of that soft familiar voice.

Pumikit ako ng mariin. Nang buksan ko ang mga mata ko ay nanlalabo na ang mga ito. Inilayo ko ang phone ko sa tainga ko at matagal na pinagmasdan ang screen ng phone ko kung nasaan ang running time ng kasalukuyang tawag. Nanunubig ang mga mata ko at nanginginig ang mga labi ko.

No, Hanselle, you can't cry here. You know to yourself how hard for you to stop crying! My inner Goddess reminded me.

Pinigilan ko ang mapahikbi. Itinakip ko sa bibig ko ang isang kamay ko at dahan-dahang pinindot ang pulang calling sign sa screen para patayin na ang tawag saka pinanood kung paanong naputol ang tawag at lumitaw sa screen ng phone ko ang time duration.

00:23… it only took twenty-three seconds to bring all the pain and all the hatred back, striking my weak heart again, but then like I said, the last thing I wanted to happen was to get in touch again with them. And I hoped they would give me that. Huwag na sana nila akong guluhin pa dahil hindi ko na gustong magkaroon pa ng kahit na anong koneksyon sa kanila.

I would hide just to avoid them, I would do everything just to stay far from them.


"Of course, I'd want to!" maligayang sabi ni Em sa sinabi ni Evah matapos niya kaming imbitahan na manood ng isang live show sa channel station na pinagtatrabahuan niya. "I'm sure, LUX will be there," dagdag pa ni Em.

Sandali akong napatitig sa kaniya nang bigkasin niya ang grupong LUX dahil naalala ko iyong araw na sinamahan ako ni Bien habang sumasakit ang loob ko dahil sa BTS. Sinamahan niya ako kahit na wala siyang ideya sa mga nangyari.

Thinking of it now, ang laki pala ng naitulong sa akin ni Bien, hinatid niya pa ako sa bus station na tanging black cap lang ang suot para itago ang identity niya. Delikado iyong ginawa niya. I could only imagine the risk he had taken for me and I couldn't believe I just realized it! And I realized how I was being an ungrateful lady, not appreciating the risk he had taken!

"How about your job?" Evah asked Em that once again caught my attention. Nasa gitna kami ng pagkain, pagkaing si Em ang naghanda. They had been really doing rounds. Maagang gumigising ang kung sinumang nakatoka sa pagluluto para maghanda ng almusal.

"I can take a day-off. Minsan lang to, 'no! Hindi ko pa rin nata-try na manood ng live show," ani Em habang nagkikibit-balikat.  Tumango si Evah at bumaling sa amin ni Aly para malamang kuhanin ang sagot namin ni Aly. We were both silently eating.

Evah had four tickets for MBC Live show this Sunday at niyaya niya kami. She worked there. Isa lang iyon sa dami ng mga trabaho niya. I just didn't know how she was handling several jobs and she was even studying at that. I heard from her she was now on her last semester in her Junior year. Magpo-fourth year na siya sa August since April pa lang ngayon.

"Ikaw Aly? Hanselle? You wanna go? Sayang naman kasi," Evah told us while looking at me and then to Aly.

Huminto ako sa pagkain. Okay lang sana sa akin but I couldn't afford to take a day off since I had just started working. Baka iba ang isipin ni manager Kang, kauumpisa ko pa lang pero mag-di-day-off na agad ako.

"It's fine for me. I can take a day-off too," sagot ni Aly habang dinadampot ang isang piraso ng ginawang eggrolls ni Em gamit ang chopsticks niya.

Bukas ako ang tokang magluluto. Dumaan na ang isang linggo at tapos na ang pagiging bisita ko sa bahay na ito. Sinabi naman nilang gigising sila bukas ng maaga para magabayan ako sa kusina. Evah had also told me that I didn't have to cook something grand, simpleng fried ride at egg rolls ay okay na raw sa kanila. Gusto ko sanang isagot sa kaniyang ni hindi ko nga kayang magmanipula ng stove kaso sobrang nakakahiya na iyon.

As for our personal tasks gaya ng paglalaba, sarilihan din, at dahil hindi ako naglababa ay nagpatulong pa ako kay Aly kung saan may pinakamalapit na laundry shop. Pinagtawanan nga nila ako nang malaman nilang hindi ako marunong maglaba. I had also shopped some clothes for me to use, my personal hygienes and cosmetics, just some of it since I had brought few inside my getaway sling bag.

Naalala ko nga rin ang Polaroid camera ko. I wanted to get it since it was a graduation gift for me from my mother pero ayaw ko naman ng bumalik pa sa bahay na iyon.  Mahirap na baka abutan nila ako.

"Ayaw kong mag-day-off, kauumpisa ko pa lang," nakanguso kong sagot kay Evah habang pinag-uuntog ang kutsara't tinidor ko. Sa aming lahat, ako lang hindi gumagamit ng chopsticks.

Bumuntong-hininga si Evah habang tumatango-tango naman si Em. Napansin ko kung paanong bumagsak ang mga mata ni Evah sa pagkain niya dahil sa isinagot ko. She was sad. I couldn't believe I made her sad!

"What time is the show?" Em then turned to Evah.

"Like the usual, around six pm," sagot ni Evah.

"Puwede kang pumunta Hanselle kahit late na. Aalis ka sa Bunnies around five at didiretso ka na sa venue. You will arrive at six," Aly said as she calculated everything, mukhang napansin din niya ang biglaang lungkot ni Evah. Hindi madalas ngumiti si Evah pero madaling sabihin kung malungkot siya dahil bukod sa bumabagsak ang tono ng boses niya ay bagsak din ang mga balikat at mga mata niya.

Lumiwanag pareho ang mukha nina Evah at Em. Pumalakpak pa si Em as if finding Aly's resolution amazing while she was looking happily at Evah. Naisip kong may point nga si Aly roon. Wala naman sigurong masama kung ita-try ko at saka gusto ko rin silang maka-bonding. Si Aly lang kasi ang madalas kong kasama since we were in the same workplace.

These past few days I had witnessed how of a working girls they were. Minsan nga ay hindi na kami nagkakakitaan sa gabi dahil pare-pareho na kaming bagsak sa pagod. Sa umaga lang talaga kami nagkakaroon ng ganitong mga diskusyon.

"Hm, sure. Let's push that," nakangiti kong pagpayag na nakapagpangiti sa kanilang tatlo.

They were happy because I would be with them this Sunday.


Sa Bunnies, or just what most people called the coffee shop for the short term, nothing really queer happened. Nagugustuhan ko na rin ang kasalukuyang setup ng buhay ko.

It was a lot more better than staying at home and doing nothing, just wasting every tick-tock of time. At saka nag-e-enjoy rin ako sa mga katrabaho ko. It was different from the intense and very formal atmosphere in the office, though I liked both. Natutuwa lang akong nagagawa kong tumikim ng panibagong putahe ng buhay. At least, I could say, my life was now far from being boring anymore.

Nag-uusap kami nina Aly at Mina sa counter nang may lumapit sa aming singkit na batang lalaki, sa tantiya ko ay highschool student siya dahil na rin sa suot niyang uniform. Magulo ang buhok niya katulad ng suot niyang puting long sleeves polo dahil bukas ang first three buttons nito at ipinapakita ang itim na sandong panloob niya.

Pinapalala niya lang sa akin iyong mga bully, pasaway at delinquent boys sa school noong highschool pa ako.

"Noona, my friend over there is asking a selca with you," aniya sa akin habang itinuturo ang iba pang mga highschool boys sa may isang mesa sa gilid ng shop.  Nasa amin ang atensyon ng mga ito. Obvious na obvious ang common denominator ng mga ito, messy hairs and unbuttoned uniforms.

Kumunot ang noo ko. Binalingan ko si Aly dahil hindi ko naintindihan ang sinabi ng batang lalaki. 'Noona' lang ang na-gets ko at nakaka-inis lang dahil bigla kong naalala si Jungkook. Sana lang iniingatan ng batang iyon iyong Polaroid ko dahil galing iyon sa nanay ko.

Buwisit, halos lahat na lang yata ng nasa paligid ko ay nagpapaalala sa kanila.

"Gusto raw ng kaibigan niyang magpa-picture kasama ka," Aly said grinning at me.

Binalingan ko ang bata at ginulo ang buhok. He looked harmless if not of his rude and messy getup. Guwapo rin kasi siya. Mas bata pa yata siya sa bunso kong kapatid na si Holly dahil nasa college na iyon. Naisip kong walang masama sa hinihiling niya. Though, nakakapagtakang gusto ng kaibigan niyang magpa-picture kasama ako e hindi naman ako artista.

"Sure. Bring me to your friend," sabi ko habang nakangiti sa kaniya. Saglit muna siyang tumulala sa akin, pagkatapos ay nauna na siyang naglakad. Sumunod ako sa kaniya. Narinig ko pang sumigaw si Aly na sinabayan pa niya ng pang-asar na tawa.

"Be easy on the kids!"

Natawa na lang din ako. Not that I would bite those kids. Masyado pa silang mga bata.

Nang marating namin ang mesang kinaroroonan ng mga kaibigan niya ay nakita kong may tatlong lalaki sa mesa na kasing-edad marahil ng lalaking lumapit sa akin. Mukha silang grupo ng mga bad boys sa school na walang ginawa kung hindi ang mam-bully at magpasaway. They all stared at me, not even blinking.

Ngayon lang ako nakakita ng grupo ng mga high schoolers dito. Pare-pareho silang singkit ang mga mata at natutuwa ako. Ang gaguwapo nila. Puwede kong baguhin ang hula ko, puwede rin naman silang grupo ng mga highschool heartthrobs sa school.

I sweetly smiled at them as they all gawked at me. "Annyeonghasaeyo!" bati ko sa kanila kasabay ng pagkaway. From one of them, I saw someone already taking a photo of me. "English time for now!" dagdag ko pa para hindi kami magkalokohan. Ganito ang ginagawa ko sa ibang customers ko na medyo nakakapalagayan ko ng loob.

They all continued to gawk at me in both shock and amusement. Later on, nagtutulakan na sila kung sino sa kanila ang makikipag-usap sa akin. Iyong dalawa ay pinaghihila iyong lalaking itinuro sa akin kanina ng lalaking lumapit sa counter.

"Who wants a photo with me?" tanong ko na lang dahil mukhang nagkakahiyaan pa sila.

"Me!" they chorused as they all raised their hands.

Sa huli, nanghila na lang sila ng isang customer na kukuha sa amin ng picture. We did a group shot. Pagkatapos ay tinanong nila ang pangalan ko pero napagpasyahan nilang tawagin akong 'Noona', iyon ay pagkatapos nilang paduguin at pasakitin ang ulo ko sa mga baliko nilang English. They even asked me if I was a member of a famous K-Pop girl group that I just laughed off.

Seriously, I didn't even know how to sing and dance! Plus, hindi naman siguro puwedeng maging idol ang tulad kong hindi marunong mag-Korean. And I was not that pretty!

They all said thanks to me, after that, I went back to work. They even told me that they would visit the shop often. Sinabi kong aasahan ko sila pero sana hindi ko sila makikita rito during class hours na masaya at maamo naman nilang sinang-ayunan.

Maybe, they weren't really bad bullies and delinquents, maybe they were really heartthrobs.

"You've already got fanboys!" ani Aly nang makabalik ako sa harap niya.

Inismiran ko siya. "Nagsalita ang may regular admirer!" Inginuso ko sa kaniya ang lalaking naka-upo sa isang gilid at tahimik na umiinom ng kape habang nakatitig sa amin.  Nang mapansin ng lalaki na nakatitig kami agad siyang nag-iwas ng tingin.

After a thorough observation, I had come to a conclusion that one of our regular customer was always here for some reason. Aly got that regular customer as her admirer. E napapansin ko kasi ang panay tingin nito kay Aly.

Nahuli ko ang panlalaki ng mga mata ni Aly. Nag-iwas siya sa akin ng tingin at inabala ang sarili sa mga gamit na nasa counter. Nahuli ko rin ang pamumula ng magkabilang pisngi niya.  That was fast!

Oh, come on, Aly! Have some self-confidence! You're beautiful!

"He isn't an admirer," nahihiyang sabi ni Aly saka inabala ang sarili sa mga imaginary things sa counter na siya lang ang nakakakita.

"He isn't just an admirer, you mean?" I teased her, meaningfully.

Ngumuso siya. "Ano ka ba! Bakit naman siya magkakagusto sa akin?" She shook her head and turned her back from me to keep herself busy and escape from my teasing.

"'Cause you're beautiful, Aly," I told her as I approached the customer who called for a server, giving a last glance to the guy who was still stealing glances from Aly.

Seriously, secret admirers nowadays were so weird. Nakasuot ang lalaki ng itim na hoodie, itim na cap at at itim na mask. That was their getup to avoid getting noticed. Sa totoo lang, mas nakaka-agaw siya ng pansin o baka sa akin lang big deal dahil wala namang paki-alam ang iba?

Mukhang sanay na sila sa mga ganoong ayusan. As usual…

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top