XXVIII
Chapter Twenty-eight
"Yoongi…" tawag ko kay Yoongi matapos kong katukin ang kuwarto niya. I was holding a broom and a dustpan. Katatapos ko lang linisin ang ibang kuwarto at ang kuwarto na lang ni Yoongi ang hindi pa.
Sinadya ko talagang ihuli ang kuwarto niya dahil desidido na akong huwag ng isali iyon sa paglilinis dahil kahit naman halos dalawang buwan na ang lumipas simula noong huli akong pumasok at naki-alam sa kuwarto niya ay malinaw pa rin sa isipan ko iyong galit niya.
Maging iyong sinabi ni Jin na ayaw na ayaw ni Yoongi na pinapaki+alaman ang mga gamit niya pero kasi hindi ko ma-imagine ang kuwarto niyang puno na naman ng crumpled papers. Hindi ako matatahamik lalo na at ngayon lang talaga ako nagpasyang maglinis na kasama ang mga silid nila. Sumasakit ang mga mata ko sa mga kalat.
I was not a messy person.
"Ne?" he asked from the inside. Mahina ang boses niya at bahagyang namamaos. Hindi naman siya vocal ng BTS pero naisip ko ring nao-overuse din ang boses niya sa pag-ra-rap.
"Can you step out for awhile? I'll just clean your room," untag ko sa banayad na tinig para naman pumayag siya. As long as possible I wanted to talk softly to him. Hindi pa rin kasi kami vibes pareho.
He was just too stiff and strict for me. Maiintindihan ko rin kung ayaw niya at hindi niya ako pagbubuksan dahil hindi naman ako ang mag-sa-suffer sa maruming kuwarto… on the second thought, that sounded so selfish.
Ang ibang miyembro ay naglalaba ng mga sarili nilang damit. Pinapatunayan talaga nilang hindi lang sila basta mga idols lang, kaya nilang asikasuhin ang mga pangsarili nilang kagamitan. Si Jin ay nasa kusina, as usual. Si Jimin naman ang tumulong sa akin sa paglilinis ng bahay, siya ang nagba-vacuum sa labas.
"Come in~!" Yoongi answered from the inside, still had that soft and hoarse voice.
Nagulat ako sa sinagot niya. Bago iyon ah! Hinawakan ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Sinalubong ako ng medyo madilim na silid, a natural Yoongi smell—mixture of thick grains of native coffee and sweet and sour taste of strawberries—and well, just like I had expected, so messy room. Inilibot ko ang paningin ko habang nanliliit ang mga mata ko. I tried to make my eyes adjust from the dimness of the room. Mabuti at nagagawa niyang magtrabaho ng ganito kadilim ang kuwarto niya.
I found the opened lamp at the bedside table which was the only source of light, magulo ang mesa at bukas ang laptop niya.
"Yoongi?" tawag ko sa kaniya dahil hindi ko siya makita. Mula sa likod ko ay narinig kong nagsara ang pinto. I was about to turn around when I felt two strong arms gripping my waist, hot breath fanning my nape and nice smell soothing my nose.
I froze on my ground. Nabitawan ko ang walis at dustpan na hawak ko. Ang mga brasong nasa baywang ko ay hinila ako palapit sa isang malapad at medyo matigas na bagay, on where my back leaned… a chin was on top of my left shoulder.
"I don't share what's mine," Yoongi said from behind me in his natural lazy voice. I could feel his front body boarding my back.
Sinubukan kong kumawala sa kaniya pero mahigpit ang kapit niya sa akin. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba at naka-awang ang bibig ko dahil sa gulat. My brows then crossed while struggling to get off his tight grip.
Crap, what the hell is he doing?! Nasa labas lang ang ibang miyembro, lalo na si Jimin!
"Y-yuan!" saway ko sa kaniya habang pilit na kumakawala pa rin mula sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin. His strong arms were keeping me from moving and his smell was soothing my nose. Our nearness was making my heart wield untamed beats, not in joy or whatever but because of both fear and irritation.
"And you're mine," muli niyang sabi bago ako makaramdam ng malambot at mamasa-masang bagay na dumampi sa batok ko kasabay nang mainit na hangin. Little hairs from my body started building a battalion. Kinilabutan ako sa halik na iyon, but despite that, nagawa ko pang isipin na hindi pa ako naliligo at tuyo ako ng pawis dahil sa paglilinis.
What the hell, Hanselle! Yoongi is already harassing you and taking advantage of you and you still have time to think about that?! My inner Goddess shouted me.
That woke me up.
Inipon ko ang buong lakas ko at kumawala kay Yoongi. Luckily, I succeeded. Mabilis ko siyang hinarap at binato ng masamang tingin. "What the hell are you doing?!" galit na sigaw ko sa kaniya.
He just stood there, staring intently at me as if he was too damn fvcked up because of what I did. Na para bang hindi niya inaasahan itutulak ko siya at galit na sisigawan. His thin crimson lips were parted. He couldn't just do that to me! He couldn't just do what he pleased to me! Napakamanyak niya. He had been doing that to me! Hindi ko alam kung may alam na silang lahat sa kung anumang namamagitan sa aming dalawa ni Jimin pero masyadong obvious iyon para hindi niya malaman!
Mahalagang tao si Yoongi sa buhay ni Jimin at ayaw kong magkagulo sila ng dahil lang sa akin. I didn't even know why Yoongi was doing this to me. May gusto ba siya sa akin? Impossible! Napakasuplado niya sa akin kaya hindi puwede iyon! Baka naman pinaglalaruan niya lang ako?
My hand fisted in ball at malakas kong kinagat ang pang-ibabang labi ko habang nakatitig pa rin ng masama sa kaniya. Niyakap ko ang sarili ko…
No… you can't cry in front of him, Hanselle. He just doesn't deserve it. You can't show your weakness in front of a person like him. My inner Goddess hardly shook her head at me.
Yoongi gaped at me even more. Lumambot ang mukha niya. He blinked several times. Gusto kong madala sa biglaang pagbabago ng ekspresiyon niya pero ramdam na ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa batok ko dahil sa paghalik niya sa akin kanina. I just couldn't… I just couldn't forgive him!
Mabilis kong pinunasan ang mga mata ko dahil nanunubig ang mga ito. Pagkatapos ay mabilis na dinampot ko ang walis at dustpan. Kusa siyang gumilid nang nilagpasan ko siya at palabas na ako ng kuwarto niya nang magsalita siya…
"Mianhe…"
But I was too scared to forgive him easily.
So I did all the efforts just to keep myself distance from Yoongi. Kahit nang mag-lunch kaming lahat ay malayo ako kay Yoongi. I would always catch him staring apologetically at me and I would always ignore him. I should have known before then that he was the only member I couldn't easily get acquainted with. He was just too dangerous and frightening for me. I didn't know if he liked me or he was just being plain ridiculous!
Pinili kong huwag nang sabihin sa iba ang mga nangyari dahil baka magkagulo lang kahit na iniisip kong hindi naman ako ganoon kahalaga sa BTS para palakihin pa ang gulo… and would they even believe me? Did it even worth a fuss?
Kaya ginawa ko na lang ang lahat para hindi na muling mapalapit kay Yoongi habang sinusubukang gawing normal ang lahat para hindi makahalata ang iba. At sa tingin ko rin, naiintindihan ni Yoongi ang sitwasyon kaya hindi siya gumagawa ng ibang bagay na mas ikaiinis ko.
Ganoon ang naging takbo sa mga sumunod pang mga araw. Kinakabahan ako tuwing napag-iisa kami ni Yoongi sa iisang lugar, para bang dahil sa ginawa niya ay may namuong takot sa puso ko sa kaniya. Mabuti na lang at parati kong kasama si Jimin. Tingin ko nga ay nakakapansin na ang ibang members sa pagbabago ng sitwasyon sa pagitan namin ni Jimin.
We would talk alone in the living room, we would watch movie together while the other members were busy with their own tracks. Nariyan naman kukulitin ako ni Taehyung at aagawin ang atensyon ko mula kay Jimin. Then I would catch Jimin frowning because of that. Sa tingin ko, pinipili na lang ng iba na manahimik tungkol sa amin ni Jimin.
A thing I was so thankful for. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kung may magtanong man sa kanila. At saka, wala pa kaming label ni Jimin. What were we? Dating? Since that was what we had talked about? Maybe, kasi hindi pa naman kami, hindi ko rin alam kung kailangan pa ba naming dumaan sa ligawan, because seriously, that was just too old fashioned.
I was a twenty-first century woman, I knew that in now generation, courting wasn't always applied anymore.
Can I just say that he is my boyfriend? Can I just blab to myself that I'm his girlfriend?
Tss. Stop assuming, Hanselle. Dating pa lang ang lebel niyong dalawa. Don't go overboard. Stop over boarding. My inner Goddess scolded me.
J-Hope and Jungkook were both busy with my Polaroid. Well, Jungkook just never took a hold off of it. Binilhan niya nga iyon ng napakaraming films dahil naubusan na ako. He was just so obsessed with it. Nadadamay niya rin si J-Hope at kung minsan naman ay si Taehyung.
Isang beses nga, nang hinawakan iyon ni RM ay galit na galit si Jungkook. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging ganoon gayong hinahawakan din naman iyon nina J-Hope at Taehyung
Madalas pa ring wala sa bahay ang BTS. Sinasabi naman nila sa akin ang mga activities nila.
RM even thanked me one day…
"Huh? Why for?" takang tanong ko kay RM isang araw habang nag-ni-nail cutter ako sa living room at siya naman ay pinapanood ang mga gamit panglinis na nasa round table na para bang ngayon lang siya nakakita ng mga iyon.
Jimin was just beside me, playing with his phone, naririnig ko pa ang malakas na sound effect ng nilalaro niya. Actually, madalas siyang pagalitan ni RM dahil naka-high volume ata ang phone niya.
"Because of you, they got interested in learning to speak English. I was having a hard time convincing them to attend our English lessons before but now, they're willingly learning," ani RM saka pinag-aangat ang mga maliliit na plastic bottles na pinaglalagyan ng mga panglinis.
Napansin ko ngang mas dumadalas ang session nila with their English tutor. Kapalit noon ay unti-unting dumidiretso ang mga Ingles nila at kahit papaano ay nakaka-usap na ako ng matino. Nginitian ko na lang siya dahil wala rin naman akong ideya sa sinasabi niya. Imposibleng ako ang dahilan. Baka naman nagbago lang ang isip ng mga iyon at gusto nang matuto ng Ingles.
Naghahanda na ako sa pagtulog nang makarinig ako ng katok sa pinto, pagkatapos ay bumukas iyon at iniluwa si Jimin na suot ang kaniyang pares ng gray thin sweater and black sweat pants. Hawak niya sa isang braso niya ang isang asul na unan.
"Jimin!" sabi ko saka napabangon dahil sa gulat. Ngumuso siya at nahihiyang ngumiti sa akin, his perfect set of whites showed as his small eyes disappeared with the way he smiled. He looked to shy, as always.
"Annyeong!" masayang bati niya sa akin.
Umayos ako ng upo at nagtataka siyang pinanood nang maglakad siya palapit sa akin. Agad siyang sumampa sa kama ko at dumikit sa akin. He leaned his chin on my shoulder not knowing at all that he could send my heart in frenzy with his every little move. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko…
One wrong move and we would kiss.
"I sleep here tonight," deklara niya habang nakanguso at nakatingala sa akin. Ang mga mata ay kumikislap dulot ng liwanag ng ilaw sa kisame ng silid.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gusto niyang mangyari. He couldn't be serious! Gusto ba niyang magtabi kami matulog? Kalokohan! Alam kong wala siyang iniisip na mahalay na mga bagay pero… pero ako?! I couldn't even trust my own guts! May tiwala ako sa kaniya pero pero sa sarili ko? I didn't trust myself! Lalo na at walking temptation ang lalaking ito!
He was my personal temptation!
Lumayo ako sa kaniya kaya napasandal ako sa headboard ng kama. "Y-You can't sleep here!" utal na sabi ko saka sunod-sunod na umiling. Hindi na mapakali ang puso ko sa ideya pa lang ng gusto niyang mangyari. Magtatabi kaming matulog? Ginagawa ba iyon ng mga nagdi-date? Normal ba iyon?
He pouted even more at me. Halos mag-iwas ako ng tingin nang masulyapan ko ang mga labi niyang mamasa-masa at mamula-mula dahil sa pagkakanguso niya. Crap, wala ba talaga siyang ideya na hindi naman talaga ganoon kalinis ang utak ko at may mga kahalayan din naman akong naiisip?
Pagdating sa kaniya.
"Just tonight. Jebbal?" He cutely begged. Sobrang banayad ng boses niya na para bang ginagamitan niya ako ng spell ngayon para hindi ko siya matanggihan at dumadagdag pa ang lamlam ng mga mata niya.
Oh my! Hindi niya alam kung paano siya kahirap hindi-an kapag ganiyan siya lalo na at tinititigan niya ako ng ganiyan. Dapat kinonsider man lang niya na napakahina lang ng puso ko!
Hindi na niya hinintay pang makasagot ako. Hinila na niya ako sa isa kong braso at nang mahiga siya ay nasama ko at nahulog ako sa dibdib niya, ang isang braso niya ay kusang pumulupot sa akin. For a shy guy, he sure knew how to get his way to his girl.
I could smell his aftershave and shower gel mixed on him. I bet he could feel the fast beating of my heart in his side too. I had gotten even more conscious of my smell. I had my own shower gel in my hygienes. Even before, my mother had used to buy melon flavor shower gels and shampoos. Iyon na ang nakasayanan ko kaya nang magkaroon ako ng sarili kong hygienes, same flavor and brands na rin ang ginagamit ko. At sana lang talaga pabor sa kaniya ang ganoong flavor.
I felt him smell my hair as I felt him scoot me even closer to him.
Crap, ano na kayang amoy ko ngayon? I sure had taken a bath before going to sleep but I couldn't help feeling conscious!
"Misseu smells good. I might get addicted to you," aniya na mas sinisiksik pa ako sa kaniya. He kissed my head after that. Pumikit ako at ipinatong ang isang braso ko sa tiyan niya.
You smell so good too, Jimin. Too good for me. You have the tendency of getting addicted to me and so am I to you. In that case, then let's be a criminal for each other and get rehabilitation with each other's heart later on.
Mas humigpit ang yakap niya sa akin. "Good night," bulong niya sa akin mayamaya.
"Good night," I whispered back as I let our first night together brought us in a world of surreality called dream… in each other's arms.
That time I knew, it was not a dream, it was one-hundred-one percent reality.
Tig-iisang halik sa pisngi ang natanggap ko mula sa kanila bago sila tuluyang umalis na sobrang ikinagulat ko ngunit isang malapad na ngisi mula kay Taehyung ang nagpakalma sa akin. Of course, except Yoongi, he didn't even go near me. I couldn't just let him and I thought, he knew that.
Medyo nawindang ang buong pagkatao ko nang ginawa nila iyon pero ang tuluyang ikinawindang ng buong sistema ko ay nang halikan ako ni Jimin sa magkabila kong pisngi.
Sobra-sobra na akong napapalapit sa kanila at hindi maganda ang pakiramdam ko rito. It felt too impossible to be really happening.
I waved goodbye to the black van that was already far from my sight. Saka lang ako pumasok muli sa loob nang mawala na sa paningin ko ang sasakyan nila. Mayroon na naman silang broadcast ngayon. Kung may practice naman kasi sila ay sa bahay nila ginagawa since malaki ang band room.
I couldn't stop smiling because Jimin's words were still striking my heart and messing my mind.
"I will call you."
"Take care of yourself while I am gone."
"A-Akin ka, Hanselle-ssi."
Iba sa pandinig at sa pakiramdam kapag tinatawag niya ako sa pangalan ko in a formal way. He just had variants when addressing me. Hanggang ngayon ay tinatawag pa rin niya akong 'miss', actually lahat sila. It actually just became their style.
I could still remember how his other members frowned when Jimin said to me the last phrase. Malamang hindi nila naintindihan. That was just a thing agreed between Jimin and I. Itinuro ko kasi sa kaniya iyon. Hindi na rin ako magtataka kung isang araw makita ko na lang ang sarili kong nasa isang puting silid at nakasuot ng puting bestida habang magulo ang buhok at walang tigil sa kakangiti ng wagas.
Diagnosis: Mentally Unstable
Cause of insanity: Park Jimin
Tss. I wouldn't mind being insane for Jimin because it was a normal reason. A very normal and valid reason. Walang babaeng hindi mababaliw kung nasa mga sapatos ko ngayon.
"Let's go to the kitchen, Ippi," pagkausap ko sa puppy na kanina pang pinaglalaruan ang mga paa ko at mukhang naghahanap ng makakain. We both went to the kitchen, with him tailing after me while barking cutely. Muli ko na namang pinagka-abalahan ng pansin ang mga sweets na nasa refrigerator. I was too happy to even let bad things in my mind. Wala rin akong paki sa calories na dala ng mga sweets na ito.
Dala ang isang bowl ng chocolate balls at bowl naman ng gatas for Ippi ay nagtungo ako sa sala, kasunod pa rin siya at binuksan ang TV. Naupo ako sa couch habang saglit kong nilapag sa gilid ang mga bowl para buhatin si Ippi at ipuwesto sa kabilang gilid ko naman. He licked my hands that made me chuckle.
"Hey, stop acting like your master. Parehong-pareho kayo e, napaka-clingy," natatawang sabi ko saka itinoon na ang atensyon sa television. Balita ang unang tumambad sa akin. Since I wasn't really of a news watcher, I was about to switch the channel when something caught my eyes.
Hindi sa mismong newscaster, kung hindi sa topic na kasalukuyan nitong tinatalakay. She was talking in formal Korean I supposed, so I couldn't understand any of her talks but the photo behind her was what really caught my attention.
A very familiar photo. It was the photo that rooted the issue between Jimin and I. The photo of a girl wearing a familiar jacket while being guided by Jimin went in the cab. Pero ang mas nagpakunot ng noo ko ay may nakadikit pang isang litrato roon, litratong ngayon ko lang nakita at mas nakakakuha ng pansin kaysa sa naunang picture.
A photo of Jimin kissing other girl… a girl I just barely knew but I still recognized her. Sally of Bubbles. The pretty main dancer of the girl group, Bubbles. Kahit na sa pisngi lang siya hinalikan ni Jimin, makikita pa rin ang sobrang daming behind stories sa larawang iyon.
The photo itself was enough to build one plot and one timeline story. The photo was more than enough to take down all the rumors between Jimin and I. The photo was a mixture of so many variables. It ended all the chaos and issue about the unidentified girlfriend of Park Jimin because the girl wasn't unidentified anymore… mayroon na itong pagkakakilanlan.
It was me, but the news said otherwise, the news said that it was Sally.
It wasn't me but Sally.
How convincing they could be? Kahit na ako ay nakukumbinsing si Sally nga iyon at hindi ako.
I saw reality, I saw betrayal, I saw fate and I saw emotions. Mga bagay na nagkokonek sa lahat ng mga pangyayari, hindi lang sa akin, sa amin ni Jimin, sa amin ng BTS kung hindi maging si Sally at ang lahat ng ito.
I then asked myself, since when did Sally of Bubbles have to do with all this?
Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga larawang iyon, ni hindi ko maintindihan ang pinagsasabi ng newscaster at hindi ko alam kung paano babasahin ang caption ng mga litrato pero alam ko. I didn't need further explanations because I was not stupid.
Pero bakit ganoon? Bakit kahit na alam ko na sa sarili ko, umaasa pa ang puso ko na sana hindi totoo, it sought explanation and confirmation.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang marinig kong bumukas ang pinto. Mabilis akong lumingon, expecting BTS but I only saw a tall and white man, familiar man at that.
Sejin, BTS' manager.
Agad akong tumayo at gulat na tinitigan siya. My heart started pounding in daze at the sight of the intimidating manager of the BTS. I just suddenly wanted to get buried deep down the ground. Si Ippi ay nanatiling naka-upo sa couch, being so innocent and behave.
"H-hi," I nervously greeted, my voice was being taken down by the loud and firm voice of the newscaster on TV.
The intimidating man didn't answer. He signaled me to sit back and so I did. Lumapit siya sa akin habang nakatuon ang tingin niya sa TV kaya mas lalo akong nilukob ng kaba. He was near.
He lavishly smiled at me. "So you are watching it," aniya na para bang tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari habang gulong-gulo ako, sa mga nakita ko sa TV at sa biglaan niyang pagsulpot dito.
"Yes, but I don't u-understand a thing," utal kong sagot dahil gusto kong maliwanagan, my heart wanted a clearer version of my assumptions. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri kong nakapatong sa kandungan ko. I couldn't afford to stare at his eyes for long. Masyadong nakakatakot ang mga mata niya at hindi pa nakakatulong na malapit lang siya sa akin.
Hindi talaga ako komportable sa kaniya.
"That is what I'm here for. I will not stay longer. I am here in behalf of my boys. We just got everything fixed. We covered up the rumors about you and Jimin-ssi. Putting some lies. Well, the story between Sally-ssi and Jimin-ssi is real. We just need to relate the first issue with this…" He stopped for awhile as he checked for my reaction.
Nakikita ko sa mga mata niyang hinuhuli ang mga tingin ko na curious siya sa nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nakangiti habang nagpapaliwanag sa akin gayong unti-unting dinudurog ng mga sinasabi niya ang puso ko at unti-unti ko ring nakukuha ang lahat.
My heart was slowly dying for every information he was feeding me. Lies and acts of showbiz industry.
"I hope you don't mind that we took your shots and made it to Sally-ssi, you have the same built though she's a little bit thinner. Anyway, it's kind of believable. We cannot tell people that you are the girl in the photos. Jimin-ssi and Sally-ssi relationship will be ruined," pagpapatuloy niya na mas nakapagpabigat ng loob ko. Sinabi niya ang mga iyon sa akin na para bang sigurado siyang hindi ako maapektuhan. He must be expecting that I would be happy since I would be free from them.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig ko pero mukhang hindi na talaga ako sinusunod ng katawan ko dahil mismong mga mata ko ang bumigo sa akin. Lush tears started streaming down from my eyes and wet my cheeks. They streamed down freely as my lips quivered for a restrained sob.
Gulat siyang tumitig sa akin na para bang hindi niya inaasahang makikita niya akong umiiyak. Nalukot ang mukha niya at nalaglag ang panga niya.
I started sobbing loudly.
"W-wae! Wae~?" he asked, panicking.
Umiling ako at pinunasan ang pisngi ko. Siyempre wala siyang alam dahil wala naman siya rito. He wasn't here to witness how his boys fooled me. At wala siya rito para makita kung gaano ako nagpakatanga sa mga ito. Wala siya rito para masaksihan kung paanong nagpadala ako sa mga nararamdaman ko.
Wala siya rito…
Kung may relasyon pala sina Jimin at Sally, bakit ginawa sa akin ni Jimin ang mga iyon? Bakit nila nilihim sa akin ito? Bakit hinayaan ng BTS na paniwalain ko ang sarili kong puwede pa akong magtagal na makasama sila kung may solusyon na pala sila sa mga isyu? At bakit hindi sila ang nagpapaliwanag nitong lahat sa akin?!
Right, Hanselle. I warned you but you didn't listen. My inner Goddess smirked at me.
Pinunasan kong muli ang pisngi ko dahil sa panibagong mga luha. I just wanted to hit myself for losing a shame and crying like a fool now.
"W-Why did it take you all so long to fix e-everything?" I asked, sobbing. That was all I could say. Dahil sa kabila ng lahat ng ito, pride ko na lang ang natitira sa akin.
I could only cry and let manager Sejin think that I was crying because finally, I would be free. I couldn't let him know that I was hurting because I felt very stupid and fvcked up. Nakakahiya at nakakababa ng pagkatao.
"I am very sorry! It should have been out last week but the boys had to postpone it," sagot niyang natataranta pa rin saka siya nag-abot ng isang panyo.
They asked to postpone what was supposed to happen last week? At last week pa pala dapat ito? Dahil ba hindi pa sila tapos na paglaruan ako? Na lokohin ako? Dahil ba natutuwa pa silang nakikita akong mukhang tanga dahil akala ko, okay ang lahat? Hindi pala, kasi nasa kanila kung kailan nila ako aalisin sa buhay nila. Nasa kanila kung gugustuhin pa ba nilang mag-stay ako gayong umaasa na akong totoo ang lahat.
And I couldn't believe I was too, very much, stupid!
Bahagya akong napalayo dahil sa paglapit sa akin ni manager Sejin. I sniffed as I confusedly stared at his hand, a white handkerchief was in there. Dahan-dahan kong tinanggap ang panyo at ginamit para tuyuin ang pisngi ko. Lumayo ako sa kaniya pagkatapos. I even ignored Ippi who was back on playing with my limbs.
So, alam na pala ng BTS na mangyayari ang lahat ng ito? Alam na pala nila kung paano nila maayos ang problema pero bakit pinagmukha nila akong tanga? I deserved to know since I was involved with the issue.
Jimin…
Jimin, why would you have to do all those mushy things when you know all along that it will soon end? Na-boring ka ba kaya pinili mong paglaruan muna ako? And what? We should date? E buwisit ka pala e! May dini-date ka na pa lang mas maganda sa akin e! Really? Is this your way of showing how you fvcking play?!
Was that their way of getting even to me for messing with their career? Well, know what? They all succeeded. Congratulations! Nagmukha akong tanga. Above all, they hurt me. They all betrayed me. They all fooled me.
"Then maybe I should go now. Puwede na akong bumalik ng Pinas. Puwede na akong bu-bumalik sa tahimik kong b-buhay," wala sa sarili kong sabi habang humihikbi. Tumayo ako at tumakbo papuntang silid ko. Hindi ko nga pala kuwarto iyon.
Sa nangyaring ito, talagang wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila. I was just too humiliated that I didn't want to see any of them and the best way to do was to leave. I knew, that would please them. That would make their life so much easier now.
Pinulot ko ang mga gamit kong unang nasilayan ng mga mata ko. I got my phone on the bed and my sling bag behind the door. Habang ginagawa ko iyon ay patuloy pa rin akong humihikbi. Now, who would stop me from this endless crying?
Paglabas ko ay nagtataka pa ring nakatitig sa akin si manager Sejin. Nilapitan niya ako agad. I stepped backward, not wanting to get near him. I was still afraid of him.
"W-Where are you going?" he asked, confused.
Pinunasan ko ang pisngi ko. "There's no p-point in staying here a-anymore. Since the issue is settled, I can now go back to the Philippines." I struggled a sob. Nagtungo ako sa pinto. Naupo ako sa sahig habang isinusuot ang sapatos kong siyang suot ko noong una akong mapadpad sa bahay na ito, patuloy pa rin ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko.
Nahinto ako saglit sa pagsisintas when I saw a ball of fur in front of me, blocking the door. Napangiti ako ng mapait nang makita si Ippi na para bang nakaharang siya roon para pigilan akong umalis. But no, I had to leave.
I had to leave for my heart.
Crap! Could my tears be cooperative, at least just once in my life?!
Nagpatuloy ako sa pagsisintas. "I'm glad that e-everything is settled for them. I can't just stop crying since I'm so… so h-happy." Pumiyok pa ako. Nang matapos ako ay tumayo na ako at nilingon si manager Sejin.
Lies. They lied to me, couldn't I lie too? I only had my pride and I would do what it would take to preserve it.
He was still staring at me confusedly. "B-But you are crying," aniya.
Hindi nakalagpas sa paningin ko ang paglandas ng mga mata niya sa kabuuan ko. Nakapantulog pa rin ako. Wala na akong panahon pa para magbihis, ang pinaka-ayaw kong mangyari ngayon ay ang abutan ng BTS dito. Wala akong paki-alam kung ang weird kong tingnan dahil ipinares ko ang pantulog sa kulay puti kong high converse.
"Can y-you give me the direction of the nearest bus stop?" I asked him as I used the sleeves of my clothes to wipe my wet cheeks. Yumuko ako pagkatapos.
Nagtataka man ay sinagot niya ako, "I can just drive you there," he offered.
Iyan ang hindi ko mapapayagan. Hindi ako komportable sa kaniya. And I was just barely acting. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magpanggap na okay lang ako, above all, na masaya ako para sa lahat ng mga nangyayari dahil sa totoo lang… nasasaktan ako.
Betrayal was a lot more painful than having my first heartbreak with my first boyfriend, not to mention, BTS betrayed me.
Bakit ko ba kasi nakalimutang ang mapalapit sa kanila ay parang pagsuong sa kumukulong tubig? I would get burned and… it would be painful.
Umiling ako. "Don't b-bother. I can find the way myself," sagot ko kasabay nang pagsinghot.
Muling kumunot ang noo niya. "Yah. You are still crying, or maybe you should wait for them first," aniya.
Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat sa kaniya na wala siyang nalalaman sa mga nangyayari rito sa bahay o sa pagitan namin ng BTS dahil kung nagkataon, wala akong mukhang maihaharap maging sa kaniya. For now, I just wanted to go far away from this house. Para akong sinasakal dito. Pakiramdam ko ipinapamukha ng bawat sulok ng bahay na ito ang mga katangahan ko at kung paano ako nagpaloko sa buong BTS.
I hated them for now, only for now. Siguro hihintayin ko na lang na humupa ang nararamdaman ko at saka na ako magde-desisyon kung galit pa rin ba ako sa kanila.
I hated betrayals. And they just betrayed me.
In the end, hinayaan akong umalis ni manager Sejin. I walked along the side of the road under the hot strikes of the heating sun while thinking of my life now. May mga taong napapatingin sa akin at tatawa pagpagkatapos. I was too damned to even mind them.
Now, saan ako pupunta? I couldn't say I ran away from home because BTS' home wasn't my home in the first place. Should I call my mother? Hindi rin puwede. Paniguradong magtatanong iyon at wala akong maisasagot. I was even considering that I would only be a headache for her.
I sobbed silently for the umpteenth time. And crap! I still couldn't stop crying until now! Buwisit! Bakit ba kasi napakatagal kong tumigil umiyak?! Baka isipin ng mga tao rito nababaliw na ako. Bukod sa mukha akong baliw sa suot ko ay basang-basa ang mukha ko at paniguradong pulam-pula ang mga mata ko dahil sa kakaiyak.
Baka bigla na lang may manghila sa akin dito at magboluntaryong ihatid ako sa Mental Institution.
Tss, crap! I just got played! Who would be in a right mind after that?!
Ginamit ko ang mahabang manggas ng suot kong pantulog para punasan ang basang pisngi ko. Crap again! Ni hindi pa ako naliligo. I was still wearing my night sleep clothes. Napakasaya lang! Kaya siguro pinagtatawanan ako ng bawat mga taong nakakasalubong ko.
Muli na naman akong humikbi kasabay nang pagkirot ng dibdib ko.
Now's not the right time, Heart. Galit ako. Galit ako dahil nasasaktan ka. Galit ako kasi hinayaan kong lumalim ang attachment ko sa kanila gayong alam ko nang mangyayari ito. Now, devour my stupidity.
Huminto ako sa paglalakad nang maramdaman kong kanina pa may sumusunod sa akin. I sobbed again. Pati ba naman dito? I needed space! Gusto kong mapag-isa! Mabilis akong pumihit patalikod.
"WHAT?!" I screamed, annoyingly.
"W-woa!" I heard someone say. Pinahiran ko ang mga mata kong nanlalabo dahil sa mga panibagong luha para aninagin ang kung sinumang nasa harap ko. Suminok ako bago ko masilayan ang isa sa mga miyembro ng LUX.
Once again, crossing my life, Bien of LUX. Ah, I remembered, he was living in the same neighborhood too.
I was too messed up and too tired to even get shocked of his appearance but I was more than grateful to see him than any of the BTS members. Kasi galit talaga ako. I wouldn't forgive them!
I sniffed as I stared back at him. Pawisan siya, nakikita ko ang mga pawis niya na nagmumula sa kulay pula niyang buhok na natatabunan ng hood ng suot niyang itim na hoodie. Bumaba pa ang mga mata ko sa kulay itim din niyang cargo shorts at simpleng itim na sliders. He was too simple for an idol but then I remembered again, he lived in this neighborhood too.
Bahagya ko ring naamoy ang usok ng sigarilyo. Tsk, he smoked again.
"Are you crying?" he asked, nasa tono niya ang pag-aalala o baka naga-assume na naman ako.
I scoffed loudly, enough for him to hear. "Heto na naman tayo sa walang katapusang murahan. Magpapaskil na talaga ako ng English only please sa noo ko!" mahina ngunit may diin kong bulong kasabay nang paglandas na naman ng mga luha ko.
Crap stupid stubborn tears!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top