XXIX
Chapter Twenty-nine
Seryoso kong tinitigan ang black saucy noodles na nasa harap ko na inilahad sa akin ni Bien matapos niya itong haluin—because I was still too damn fvcked up to do it myself—kasunod ay umangat ang tingin ko sa kaniya na naka-upo sa harap ko lang din. I seriously didn't know how I ended up with him here. Basta ang alam ko hirap akong pahintuhin ang sarili ko sa pag-iyak kanina.
He managed to make me stop by just buying me that familiar banana yogurt I came to like. Aniya ay nakita niya raw akong umiinom nito noong huli naming pagkikita. Hindi ko alam na napansin niya iyon. Mukhang ang gatas na iyon ang nagiging getaway ko from crying.
Again, for an idol, he was too observant. Sa kabila ng pag-aalala niyang baka makilala ko siya noon ay nagawa pa niyang bigyan ng atensyon ang mga pagkain ko noon.
And wow, despite everything, fate still managed to insert Bien in the worst state of my life. At napaka-right timing lang talaga. Puwede namang ibang tao ang makita ko, puwedeng kapwa ko Filipino. I would forever be grateful if ever, pero bakit puro idol yata ang nakaka-encounter ko?
For an ordinary fan girl, I was surely very lucky, or maybe not.
Niloko nga pala ako ng BTS. Sinaktan ako ni Jimin, pinnagmukha akong tanga nina Jin at RM. Pinaasa ako nila Taehyung, Jungkook at J-Hope dahil akala ko may lugar na ako sa mga buhay nila. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako kay Yoongi dahil sa pagiging malayo ng loob namin sa isa't isa pero galit pa rin ako sa kaniya. What he had done to me maybe was just a part of their games.
Bumuntong-hininga ako dahil nanunubig na naman ang mga mata ko kaya imbis na isipin pa sila ay itinoon ko na laang muli ang atensyon ko sa pagkaing nakahanda sa mesa. I often saw this noodle in K-Dramas I had watched. Natatakam ako pero kasi hindi na ako kumakain ng kahit na anong klase ng noodles made in Korean.
Hindi ko rin pinalagpas ang lugar na kinaroroonan namin. Maliit lang ang lugar. Hindi ko masasabing mamahalin ang mga nandito dahil mukha lang itong simpleng noodle house na may hindi tataas sa sampung mesa. Hindi karamihan ang mga tao kaya rin malakas ang loob ni Bien dahil walang makakakilala sa kaniya.
Nahinto siya sa pagkain nang mapansing hindi ko pa rin ginagalaw ang pagkain ko. "You are not eating?" he asked in a confused stare.
Natutuwa rin ako kahit papaano sa kaniya dahil marunong siyang mag-ingles. He was like RM. Diretso rin kasi ang pag-iingles niya. Nalungkot ako bigla nang maalala ko si RM. I had trusted him so much. I didn't know he didn't treasure it, that was why it was so easy for him to break it. Actually, all of them.
Umusbong muli ang galit sa sistema ko. I had never thought I would be this mad at BTS, at the boy group I had liked ever since I had got involved in K-Pops. Akala ko, kahit kaunti ay may halaga ako kay RM, the way he had acted around me. Pinaramdam niya sa aking may halaga ako. Pinaramdam niyang hindi lang ako basta fan, kung hindi isang kaibigan. Actually, all of them.
I pursed my lips real hard to keep it from quivering because of a restrained sob. What did I do wrong? Did I really go overboard? Umasa kasi ako masyado sa kanila, lalong-lalo na kay Jimin. I blindly turned my fantasy into reality. Hindi ko alam na sadyang suwerte lang pala talaga ako para sa isang simpleng fan, na panandalian lang ang suwerteng iyon at ang mas nakakalungkot, may kapalit iyon.
Ayaw kong mag-inarte, kasi sino ba naman ako sa buhay nila? I bet, after everything, they wouldn't remember me anymore. Isa na lang akong useless na babaeng dumaan lang sa buhay nila. Betrayed and forgotten. That hurt but that was how life since then. Masyado lang talaga siguro akong nag-assume na baka mahalaga talaga ako para sa kanila.
I gulped the sob back to my throat and minded my food. Baka makahalata pa ang lalaking nasa harap ko. Though at this point of my life, being mocked and laughed at by anyone at this matter was honestly the least in my concern. I just really wanted to go home, leave everything that happened here and forget. Forget…
"This isn't spicy, right?" I asked, afraid of spice, I already had so much spice in my life and I didn't want to add up more. I just wanted to have a break.
Wow. Since when did you learn metaphors, Hanselle? Simpleng noodles lang, ikinukumpara mo pa sa buhay mo! My inner Goddess smirked at me.
"Why? Would you prefer it spicy?" he asked back, his lips a bit black because of the black sauce. Hindi ko tuloy mapigilang mapalunok dahil natatakam ako. Matagal na akong hindi kumakain ng Korean noodles, siguro naman hindi makakasakit kung kakain ako ngayon.
Isa pa, nakakahiya kay Bien. Kahit na hindi maganda ang loob ko ngayon at tipong napagbubuntunan ko siya, kailangan ko pa ring magpasalamat na nandito siya ngayon. Though I really hated it, yes, understand me please, because I was the most complicated paradox ever.
Umiling ako. "No. I'd hate it," sagot ko bago ko hinawakan ang chopsticks.
Tss, may nakakatawang ala-ala na naman ang pumasok sa isip ko. Iyong mga kutsara't tinidor ko roon sa bahay ng BTS na talagang inilaan pa nila sa akin dahil hindi ako marunong gumamit ng chopsticks. Nakakatawa talaga. Paniguradong itatapon na nila ang mga iyon.
I tried to use the chopsticks and picked some strands of noodles from the bowl. Napasimangot ako nang dumulas ang mga ito at malaglag pabalik sa bowl. Masyado yata akong nakampante sa bahay ng BTS, sana inaral ko man lang ang gumamit ng chopsticks. Muli kong sinubukang sumandok ng noodles kaso nadudulas talaga.
Great! Stupid, chopsticks!
Narinig ko siyang tumawa kaya napabaling ako sa mukha niyang may malapad na ngiti na tipong-tipong tuwang-tuwa sa nakikita.
"You're using it the wrong way, miss," aniya.
Nagtaas ako ng kilay dahil sa ngisi niya. His perfect whites were shining and showing due to the smile he was giving me. Nawawala ang mga mata niya at napaka-cute niya lang. He looked like someone who was laughing at a fool.
Right, I knew, I was a fool. I didn't need to get reminded of that.
Ngumuso ako sa kaniya. Kung makangisi naman kasi siya parang napakadali nitong gawin. What was the right way then? May tamang paraan ba para rito? Sana pala noon pa lang itinuro na niya sa akin para hindi ako nahihirapan ng ganito!
Crap, Hanselle! What are you saying? He's referring to the chopsticks! Kanina ka pa! My inner Goddess scolded me this time.
I stretched my arm towards him, on where the chopsticks were. "Show me the right way then," I told him.
He smiled again, a very sweet, teeth showing smile. Alright, guwapo si Bien. He had small eyes that had very dark and long lashes. Matangos rin ang may kaliitan niyang ilong. Ang maninipis niyang mga labi ay pulam-pula. Bumagay rin sa kaniya ang pula niyang buhok. Kung siguro, wala akong pinoproblema ngayon, kung siguro hindi si Jimin ang laman ng puso ko ay baka naakit na ako sa kaguwapuhan ng isang ito.
Naakit lang, kasi kahit na nasasaktan ako, I didn't think I would want to fall in love with any other man who was not Jimin.
I just stared at the handsome idol in front of me. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit siya ngumingiti. Masyado kasing mabigat ang pakiramdam ko para makipagngitian sa kaniya. If only I was in my normal self, he wouldn't even have a chance to sit here with me, I would ignore him.
Ipinatong niya ang mga siko niya sa mesa at inabot ang mga kamay ko. I even flinched because of the sudden contact. Inayos niya ang chopsticks sa mga daliri ko habang nakangiti pa rin. Sana may makakilala sa kaniya rito. Ewan ko lang kung makangiti pa siya ng ganyan kapag pinagkaguluhan na siya.
With only a black cap as his disguise, madali lang siyang makikilala though thankful akong nandito siya at sinasamahan ako—at hindi na niya kailangang malaman iyon—but I didn't sign up for this. I didn't ask for this. Kung papipiliin ako, mas gusto ko ang buhay malayo sa mga idols. I had had enough of them, to be honest.
"There. Try it," aniyang nakangiti pa rin. Lumayo siya sa akin pagkatapos niyang ayusin sa mga daliri ko ang pares ng mga sticks.
Sinubukan kong sumandok muli ng noodles at tama nga siya, I managed to pick some strands of noodles. Namamanghang napatitig ako sa chopsticks na may naka-ipit na noodles habang pinipigilan ko ang ngumiti. Nakakabilib lang kasi. Iyon pa lang ang pinaka-unang pagkakataong nasubukan kong gumamit ng chopsticks.
"I think, I can hear your phone ringing," wika niya matapos ng ilang sandaling tahimik na pagkain.
"I can hear it too," sagot ko sabay kibit-balikat. Kung alam niyang rinding-rindi na rin ako sa kakatunog ng phone ko.
"It must be important," sabi niya.
Kanina pa tumatawag sa akin si Chelsea. The news must have reached her already. At wala akong lakas para ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Isa pa, babalik na rin naman ako ng Pinas. I just needed to go to the airport and ask for my left belongings there. Nandoon ang mga papeles ko para makalabas sa bansang ito! Plus, nasa bahay ng BTS ang karamihan sa mga gamit ko. Even my Polaroid!
"I hate important calls," simpleng sagot ko bago tahimik na nagpasalamat dahil sa paghinto ng tunog.
"You must have a long list of your hates," wika niya.
Hindi ako nag-angat ng tingin sa kaniya. "I think so too." Patuloy lang ako sa pagkain at sa pagkamangha sa chopsticks.
I should say sorry for being witty and rude. Ganito talaga ako kapag galit ako. I was sorry too if he was being injected of my wittiness and rudeness. Actually, I sometimes would just keep quiet if I was mad, but I was rude most of the time. Kaya ayaw kong nagagalit at siya ang kasama ko ngayon kaya napagbubuntungan ko siya.
"Anyway, what's your relationship with the BTS?" he suddenly asked. Nahinto ako sa pagkain at naiwang naka-ipit sa mga labi ko ang ilang hibla ng noodles. I cut the noodles using my lips and put the chopsticks down. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at nakita ko ang kuryosidad sa mga mata niya.
"Why do you ask?" untag ko habang iniisip kung gaano siya kagaling pumili ng topic na pag-uusapan. Nananadya ba siya?
"Well, I saw you with them the last time we've met," sagot niya. Naalala ko bigla iyong pangalawang beses naming pagkikita sa convenient store at nagkita rin sila ng BTS noon.
Nagkibit-balikat ako. "I don't have anything to do with them," sagot ko sa tonong walang pakialam. I didn't want to have to do anything with them anymore. Desidido na akong ibalik sa dati ang buhay ko. Babalik na ako sa Pilipinas at ipapangako ko sa sarili kong hindi na ako babalik ng Korea. Magtatrabaho na lang ako sa kumpanya ni Mamang at magiging mas mabuting anak.
Mang, Pang, sunduin niyo na po ako rito.
But if my former company would give me chance, I would gladly take it.
Nang matapos kaming kumain nang walang nakakapansin sa kaniya ay hinatid niya ako sa pinakamalapit na bus station. All the while, he was casually talking to me, asking me some questions that I just answered with a nod or shake head. At some part of my mind, I thanked him again for keeping me great and patient company at times like this but of course, I didn't thank him vocally. Tahimik ko ring ipinanalangin na sana ay iyon na ang huli naming pagkikita.
Kinawayan ko siya bago ako sumampa sa bus. He just stood there, being unrecognized by the people, until he disappeared from my sight. Bumaba rin agad ako sa unang bus station na hinintuan.
Kung ngayon ako pupunta sa airport, baka walang maniwala sa akin. I didn't have here any evidences that I had my belongings there. Tanging identification cards lang ang mayroon ako at hindi ko alam kung sasapat ba ang mga iyon. So I needed first to plan everything. Baka kailangan ko rin ang tulong ng tatay ko o kaya ng kuya ko since being a lawyer knows some implications about this. Maybe I would give them a call one of these days. As much as I didn't want to ask for their help, I needed to. Gusto ko nang maka-alis dito!
Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka-upo sa bus stop at gumagabi na. Wala naman akong mapupuntahan. I thought of checking in at one of the hotels here in Seoul pero ayaw ko namang gamitin ang cards na galing sa mga magulang ko and I didn't think my remaining cash would be enough for me to survive for days. Sure, it could afford a night in a hotel but what about my other necessities?
Wala rin akong ibang dala kung hindi wallet at phone ko lang. Walang laman ang sling bag ko kung hindi ilang mga cosmetics lang.
Great. I was literally homeless in this country when I had all the luxuries in the Philippines. Napakahabang parusa naman yata nito.
I helplessly sighed as I watched the new arrived bus loading and unloading passengers. Mabuti pa ang mga taong iyan. Hindi sila involved sa isang napakagulong issue. Hindi nila kailangang masaktan. I had never asked for this that was why I couldn't understand why I was going through all this. Kung bibigyan lang ako ng pagkakataong maulit ang lahat ng ito—I really wished—I would really run far away from the BTS. Mas pipiliin kong huwag ma-attach sa kanila.
Actually, I did, I tried. It was them who didn't let me go. They caged me in their house. Paano ako makakatakbo palayo?
Mula sa kina-uupuan ko, from my left exactly, there was a TV screen. Doon ipinapakita ang ilang advertisements and well, news. It maybe also to keep the passengers entertained while waiting for the bus.
"Grabe, 'no! Si Sally pala iyong hidden girlfriend ni Jimin!"
"I really don't like Bubbles. They're like so pabebe!"
Nahinto ako sa panonood sa balitang sina Jimin at Sally na naman ang topic at nagpanting ang mga tainga ko sa narinig ko. I immediately spun around only to see two girls talking behind me. Agad naman nila akong napansin pareho. They stared apologetically at me before they bowed at me.
"Joseonghabnida," said the girl with the long black straight hair. Ang isang may maikling buhok at mukhang mas maliit ay ngumiti lang sa akin. Pareho silang nakasuot ng malalaking coat at halos magtatalon ako sa tuwa dahil sa wakas, nakakita ako ng hindi singkit dito.
"Y-you're both a Filipino?" I asked, stunned but I could hint faint hope through my own voice. Nanlaki ang mga mata nila pareho. The girl with the long hair stared at me as if checking my face. Ilang minuto lang ay umaliwalas ang mukha niya.
"Filipino ka rin?!" she asked, overjoyed for her tone. Masyadong matinis ang boses niya pero mas pinasaya lang nito ang nararamdaman ko. For awhile, I forgot about my heartache, about my problems, about the issues between BTS and Sally, about me and BTS. About me and Jimin.
I forgot about everything… for awhile.
Dahan-dahan akong tumango. Sa lahat ng mga nangyari sa akin sa araw na ito, so far, it was the only thing that made me somewhat happy and calm. Ang sarap pala sa feeling na may makitang kalahi ko rito sa bansang hindi ko alam kung tanggap ba ako. We were not literally families but I suddenly felt home.
Pinalibutan nila akong pareho. Agad kong naamoy ang pinaghalong amoy ng beer at pambabaeng pabango mula sa kanila.
"Gosh, nakakita rin ako ng Filipino rito sa wakas!" the long haired one beamed at me.
"Alam mo bang ngayon lang kami nakakita ng kapwa namin Filipino rito and we're like living here for three year?" Sinabayan pa ito ng masaya ring tono ni short haired one.
Hindi ko mapigilang ngumiti. A true and real smile after all that had happened to me. Nakakatuwang marinig ang mga sinasabi nila kaya parang gusto ko tuloy maiyak. Filipino. It had been months ago since I had talked to someone using Filipino language at hindi ako makapaniwalang naiiyak ako dahil lang may nakaka-usap ako ngayong mga Filipino. I must have missed my country so much!
"Anyway, I'm Mutya but I prefer everyone call me Em." The long haired one introduced herself. Naglahad siya ng kamay that I luckily accepted.
"I'm Hanselle," pagpapakilala ko rin.
"And I'm Alyssa but you should call me Aly." Ganoon din ang ginawa ng may maikling buhok.
It was so freaking good to have met them!
Ilang bus na ang dumating pero nanatili pa rin sila at nakipagkuwentuhan sa akin. Nakalimutan ko rin panandalian ang problema ko kung saan ako tutuloy ngayong gabi.
"Where do you live?" Em suddenly asked me bringing me back to what was actually happening to me. I bit my lower lip. Sa dami talaga ng mga puwede niyang itanong sa akin ay iyan pa. We should get passed on that personal background. Hindi ko kasi puwedeng sabihin sa kanilang naglayas ako sa bahay ng BTS. Nakakahiya rin namang sabihing homeless ako.
I contemplated very well my answer. "I'm planning on checking in at one of the hotels here in Seoul," sagot ko, pinaka-safe kong sagot, naisip kong mas mahalaga pala ang ngayon kaysa bukas. I couldn't sleep here outside or else I would freeze to death!
Aly got her jaw drop. Bahagyang nabinat ang maninipis niyang mga labi. Hindi rin nakalagpas sa paningin ko kung paanong bumaba ang mga mata niya sa suot ko.
Nahihiyang napanguso ako. Ngayon ko lang ata naramdaman ang hiya sa suot ko. Seryoso, mukha akong takas sa mental dahil sa pantulog at sneakers shoes na suot ko! And I bet, my hair was already mess! Puwede nang itlugan ng mga ibon!
"Are you sure you didn't run off from somewhere?" Em asked me suspiciously. Nag-iwas ako ng tingin habang kinakagat ang pang-ibaba kong labi pero nahuli ko pa kung paanong siniko ni Aly si Em.
"We still have a bed at home. If you want, you can occupy the vacant bed," Aly offered me. Walang pagdadalawang-isip sa tono ng boses niya kaya mabilis akong napalingon sa kaniya. I blinked at her. Kahit na ganito ang suot ko at mukha akong takas sa mental ay pagkakatiwalaan niya pa rin ako? Not that she wasn't supposed to trust me but if I were her, I wouldn't do the same.
Since when did all this glory and luck found me? Napagod na ba ang tadhana sa pagpapa-ulan ng kamalasan sa buhay ko kaya puro mga suwerte naman ang pinupuno niya sa akin ngayon?
In the end, I agreed to her offer. Mag-iinarte pa ba ako? A bed space was a lot more better than staying in a hotel for a night. Sumama ako sa kanila. Mula sa bus stop ay ten-minute walk na lang ang patungo sa bahay nila na nasa isang tahimik na village. Anila ay galing sila pareho sa trabaho.
At napakababaw ng salitang bed space para i-describe ang bahay na tinitirhan nila. Sinabi lang nilang bed space iyon dahil walang umo-okupa sa itaas na kama sa double-deck bed sa kuwarto ni Em.
"Evah?" tawag ni Em sa kung sino.
Nanatili akong nasa may gilid ng living room, dulo ng masikip na hallway mula sa pinto ng bahay. I could see from where I stood two pink doors, probably, those were the bedrooms. All in all, may dalawang kuwarto ang bahay at pare-parehong may double-deck beds daw sa loob. Small living room that was enough for them, at kusina. Malalaman agad na puro babae ang nakatira sa bahay dahil bukod sa sobrang linis ng buong paligid ay combination ng pastel pink, crimson red at white ang kulay ng bahay.
From one of the door came out a girl with a curly long hair, she looked like a Filipino so I assumed, Filipino rin siya. She was wearing a simple white v-neck shirt and a beige knitted long skirt. Kagaya nina Aly at Em ay maganda rin siya. Natural Filipina beauty.
Nagtaka pa siya nang makita ako. Saglit din naglakbay ang mga mata niya sa kabuuan ko at habang ginagawa niya iyon ay kunot ang noo niya, mabuti na lang at nahubad ko na ang sneakers ko. Mukha na lang akong babaeng palaboy ngayon, at least hindi na mukhang takas sa mental. Nevertheless, she went out the living room, still with her stoic face.
Hinila ako ni Em patungo sa living room at pina-upo sa carpeted floor kasama nila, ganoon din ang ginawa ng babaeng tinawag niyang Evah.
Bumili kami ng makakain kanina sa may dumpling house na daanan namin just around the village. Aly set up the food on the table together with the plates. Sinabi kong tutulong ako pero matigas na iling ang inani ko mula kay Em, aniya ay bisita muna nila ako ngayon.
Maybe I could work in this house after a week of staying here.
"Sino siya?" the new girl asked, confused. Nanatiling nakatitig pa rin siya sa akin. Mukha siyang masungit. Masyadong pinid ang mga labi niya at bubuka lang kung magsasalita siya. Diretso ang linya ng mga kilay at matitig masyado ang itim-itim niyang mga mata. She somehow reminded me of my brother, my stiff and strict brother.
Hinintay muna ni Em si Aly na makabalik sa mesa bago niya sinagot ang babae.
"Before anything else, Evah…" Em called the new girl. "This is Hanselle. She's a Filipino too and well, uhm, we met her at the bus stop," pagpapakilala ni Em sa akin sa babae. "And Hanselle, she's Evah. She's occupying that room with Aly," ani Em sa akin habang itinuturo ang isang silid. Ang kuwartong nilabasan ni Evah kanina.
"Nice to meet you," sabi ko kay Evah habang ngumingiti ng tipid dahil natatakot ako sa stiffness na ipinapakita niya.
Kumunot ang noo niya. "Are you sure she isn't fake?" she blandly asked, not really showing much of an emotion.
Nagulat ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko, hindi siya basta-basta lang. Pakiramdam ko, siya iyong tipo ng taong mahirap kuhanin ang loob. At saka hindi ko rin inaasahang sa dinami-dami ng puwede niyang i-akusa sa akin, ang pagiging fake pa? What? She thought I was not a real Filipino?
Maybe I couldn't tell them the real reason as to why I was here and why I was homeless, but I was not fake.
"Evah, I don't think so," Aly answered while slowly shaking her head. I saw how she winced because of her friend's question but then, I understood. Hindi ko ito teritoryo. Ako ang nakikisiksik dito kaya dapat lang na makisama ako.
I sighed as I turned to Evah. "Look, I'm not fake. Filipino talaga ako," mahina ngunit puno ng assurance kong sagot habang nakatitig ng diretso sa mga mata niya para makita niyang hindi ako nagsisinungaling. Nararamdaman kong hindi lang ang pagiging Filipino ko ang ibig niyang sabihin, pakiramdam ko, takot siyang magbigay ng tiwala sa ibang tao.
I could see her aloofness. Kasi ganyan din ako… I was aloof.
Buntong-hininga siya kasabay ng pag-iiwas ng tingin sa akin bago siya tumango at medyo pagod na ngumiti. My insides cheered as I saw how her lips stretched a bit for a little smile. She just smiled and she was so beautiful!
"I'm sorry. I'm just too tired all day," she softly said as she raised her gaze at me. Sinalubong ng mga bilog na bilog niyang mga mata ang mga mata ko. For a while, I saw sadness run through her brown orbs that soon got washed out. What was that? Madali niya iyong naitago sa pamamagitan ng pagpikit at muling pagngiti.
I smiled back, ignoring what I just saw. "It's fine. I should get along with you all since I don't have anyone here that I can lean onto," sagot ko.
Sabay na tumango sina Aly at Em samantalang bumuntong-hininga lang si Evah. Just then, we started digging on the food we bought. Tinanong nila ako kung anong nangyari sa akin. I just told them half the truth. Sinabi kong naiwan ako ng eroplano pabalik ng Pilipinas dalawang buwan na ang nakakalipas at nasa airport ang mga gamit ko. Sinabi kong nakatira ako sa isang rental house until earlier because my landlady had kicked me out for some matter and luckily, they all believed it.
I told them that I couldn't go back to the airport since I only had my identification card with me and all my personal documents were there. Sinabi ko rin sa kanilang galing dito ang team namin para humawak ng concert kaya ako napadpad talaga rito.
"Omo! I was at that concert!" Aly beamed at me. Pumapalakpak pa siya na tipong tuwang-tuwa siyang maalala iyon.
"Yeah, I remember you skipping your shift just to attend that concert at muntik ka ng matanggal sa trabaho!" Umirap si Em kay Aly.
Pansin ko, likas na masungit si Em. Straight forward siyang magsalita samantalang si Aly ay soft spoken pero bubbly. Well, Evah was a bit restrained and restricted, very fine and proper. Pino kumilos at bihirang magsalita. Nagbibigay siya ng opinyon pero mukhang pinag-iisipang mabuti.
"Well, I just can't resist the charm of Robert Rogelio!" ani Aly na kilig na kilig habang magkahiwalay na hawak sa magkabilang kamay ang tig-isang chopsticks niya at niyakap ang mga ito.
"Oh, don't even hope for him. You won't stand a chance, girlfriend kaya niya iyong love team niyang si Alexis Levine," pang-aasar pa ni Em sa kaniya.
Nilingon ako ni Aly at malungkot akong tiningnan as if waiting for my confirmation. I didn't want to break her heart but I couldn't lie to her either, so I nodded slowly that wiped away her innocent and hopeful smile.
"Yes. They're in a relationship," sagot ko. That made her squeal in disappointment. Ang cute niya lang. Ngumawa siya ng ngumawa at pinatigil lang siya ng istriktong pagsaway ni Evah.
Sa tingin ko siya ang parang taga-handle ng mga bagay-bagay rito sa kanila. Sa lagay niyang ganyan, imposible ngang hindi siya katakutan nitong dalawa. She was just too stiff and strict!
"It's fine. I still have Taehyung!" ani Aly saka ngumuso. Dahil sa narinig ko ay naubo ako at nailuwa ko ang pagkaing nasa bibig ko.
Oh no, don't mention their names. I hate it!
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Evah at inabutan ako ng tubig. She stared directly at me eyes. Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya. Tumango ako at kinuha ang baso ng tubig. I immediately took it in.
Hindi ko inaasahang bibigkasin ng ganoon ni Aly ang pangalan ni Taehyung! I wasn't ready! Hindi naman sa ayaw ko, siyempre, maaaring kilala nila ang BTS pero hindi pa rin ako okay dahil sa kanila!
"Dahan-dahan lang kasi," Em told me, bahagya siyang umurong palapit sa akin at bahagyang hinaplos ang likod ko. Pagkatapos kong uminom ay huminga ako ng malalim at mahinang nagpasalamat.
Crap, even without them, even just hearing their names could ruin my day!
Ang sarap magtampo kay Taehyung. I thought his affection towards me was real, pakitang tao lang pala. Nakaka-inis! He was so sweet that I thought, he was born to be sweet, maybe he really was. He was freaking born to be sweet and I was born to be stupid to fall for it.
"Hey, Evah! Have you heard about the news regarding Jimin's girlfriend? Turn out it was Sally! Bullshit, right?!" Em told Evah, dinampot niya ang isang dumpling gamit ang mga chopsticks na nasa mga kamay niya at padabog na isinubo. They all could use chopsticks so well.
Mariin akong pumikit. Kung puwede ko lang takpan ang mga tainga ko para hindi na marinig ang mga tungkol sa BTS nang hindi magtataka ang mga babaeng kasama ko ngayon ay ginawa ko na, because I knew I couldn't just ask these people to stop talking about them.
Oh please, just stop it. I don't wanna hear any of it anymore. I'm… sucked up! I'm fed up! Tili ng isipan ko, hanggang sa isipan lang talaga.
"Nakakapagtaka nga e. Ang layo ng built ni Sally sa built ng babaeng rumored girlfriend ni Jimin noon. Ang payat-payat kaya ng pabebeng iyon!" Aly said irritatedly. Since siya ang nasa kabilang gilid ko ay ngumuso ako sa kaniya, wala sa akin ang atensyon niya kung hindi nasa mga pagkain.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi ni Aly dahil hindi siya naniniwalang si Sally nga ang rumored girlfriend ni Jimin noon o maiinis dahil ayaw ko nga muna silang isipin.
Pinigilan ko ang tumikhim. I couldn't just ask them to stop talking about those jerks, really. Baka isipin nila nababaliw ako. Wala tuloy akong magawa kung hindi ang makinig na lang sa kanila.
"Well, if they really love each other then you can't do anything about it," Evah said as she stuffed in her mouth some fresh vegetables that made me cringe. Anong lasa noon?
I kind of admired them for having to use the chopsticks very well habang ako ay nangangapa pa, maybe some other time, I would take time to learn it.
"But seriously, look!" Inilabas ni Aly ang kaniyang phone at ipinakita sa amin ang isang larawan. "Lumabas ito almost two months before lumabas ang issue nina Sally at Jimin. The girl's hair in this photo was shoulder length cut plus color black…" ani Aly habang inilalahad ang ilang detalye sa napaka-pamilyar na larawang nasa phone niya. The second photo where people said we were kissing.
Lihim akong napahawak sa buhok ko. Kumpara sa gupit ko sa larawang iyon ay medyo mas mahaba na ang buhok ko ngayon dahil dalawang buwan na since mangyari ang nasa larawan at hindi pa ako nakakapagpagupit. Paanong napansin niya pa ang bagay na iyon?
"Remember? This came out just a day after Robert and Alexis concert here, I still can remember it because this shook the hell out of me. And see this too…" Una niyang itinuro ang pangalawang larawang lumabas sa kalagitnaan ng issue namin ni Jimin noon. The coffee shop scene and the kissing scene as they all said. Kung saan likod ko lang ang nakikita sa litrato at kita ang itim na itim na hanggang balikat kong buhok. "Look, look at this photo of Sally! She had her hair dyed in red three weeks in a row during those times before she dyed her hair in pink which is the color of her hair nowadays and this photo was taken in the middle of those weeks. Ano iyon? Nagawa niya pang isingit ang pagpapakulay ng itim at ibalik ulit sa pula? Her hair wasn't even this short! Tapos sasabihin ng Bighit na si Sally ng rumored girlfriend ni Jimin noon? LOKOHAN?!" Aly frustratedly explained everything her observation as she showed us a photo of Sally with her long hair dyed in red.
Kahit ako ay hindi na mapapansin pa ang bagay na iyon. Though, naiintindihan ko ang ipinupunto niya. Hindi siya convinced na si Sally ang nasa larawan pero hindi naman ibig sabihin noon na hindi totoo ang relasyon nina Sally at Jimin.
Bighit must have used the photo of me and Jimin to kill the rumors and to announce the official relationship of Sally and Jimin. Mas kapani-paniwala nga naman kung sasabihing si Sally iyong nasa larawan.
"Tsk. Bakit mo ba ini-stress sarili mo riyan? Of course, that's for publicity only! Baka naman para lang iyan matabunan ang naunang issue," sagot ni Evah na natatawa. Nakainggit. Nagagawa lang nilang tawanan ang isyung iyon gayong nasasaktan pa rin ako nito.
"E kahit na! Paano iyong totoong girlfriend ni Jimin?" Aly said, almost nagging.
"Stop it, Aly! Si Sally ang girlfriend ni Jimin. Harsh reality," Em then said, also laughing annoyingly.
Sumimangot si Aly. Nakaka-miss din pa lang kahit hindi ako kasali sa usapan para na rin akong belong kasi naiintindihan ko lahat. Hindi ko kailangang mangapa.
And well, Em was right. Si Sally nga ang girlfriend ni Jimin. BTS must have hidden it from me since the beginning since I was kind of the reason why all the rumors had spread. And I could only think of what Sally was feeling during those times. If I was ruined those times, she must be so devastated. Her boyfriend was having an affair with someone else. Siguro iyong nararamdaman ko ngayon, wala pa sa naramdaman ni Sally noon so maybe, I really deserved this, all this.
The betrayal, their lies and all the false hopes. Above all, this freaking broken heart.
Nalaman kong upon rental lang bahay na ito. Hindi naman sila nagkukulang sa kanilang pang-araw-araw na budget maging sa mga bills nila pero sayang naman daw kung hindi nila ipapagamit ang kama. And so, we all agreed in one composition. Magbabayad ako ng parehong halagang binabayaran nila, in that case, we would have to share in all the bills and expenses. Sounded like a better deal for me at dahil diyan, kakailanganin ko ng mapagkukuhanan ng pera. I still didn't want to use my cards. I needed a job. A decent job at that.
At hindi ko alam kung saan ako makakahanap ng trabaho rito sa Seoul gayong tourist visa lang ang mayroon ako.
Great!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top