LXXVIII

Chapter Seventy-eight

["Yes, SMT Entertainment must have done everything just to kill the issue that's why it died down easily and people stopped talking about it already. Parang dumaan na lang ang isyu sa pagitan ni Sally at Jimin. They must be really embarrassed."]

Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata ni Aly sa screen ng laptop ko habang ikinukuwento niya sa akin ang mga kaganapan sa Seoul sa ilang araw na lumipas matapos ang press conference ni Manager Sejin.

True enough, news involving Jimin and Sally died down already. Para bang agad na nawala sa isipan ng mga tao ang isyu. Kahit sa social media ay wala na sa trend lists ito at natabunan na ng mga panibagong isyu. I guessed I should thank the power of SMT Entertainment, dapat lang. Malaking kumpanya sila at dapat lang na gawan nila ng paraan kung paano mapapatigil ang mga isyung iyon.

I was sure they just didn't want their artists in the front page of every tabloid and to be on top of the search engines online because of a bad issue.

It actually favored Jimin and I.

"Mabuti na lang dahil ayaw kong naiisyu si Jimin," sabi ko saka ngumuso ko. I noticed from the other side of my laptop that she was in a dim place. Napansin ko ring naka-ayos siya, malayo sa ayos niya na nakasanayan ko.

Her now long bloody red hair was in a half-pony tail. Hindi ko man nakikita ay alam kong naka-dress siya dahil sa texture ng sweetheart top na suot niya. A little amount of makeup was shining her face, showing how blooming she was. She was naturally beautiful but her overall appearance now made her more beautiful, even more beautiful.

"You took a day off?" untag ko, iniisip kung may espesyal bang okasiyon sa araw na ito, wala namang may birthday, kaya nagtataka ako kung bakit naka-ayos siya.

She sweetly smiled at me, her eyes glittering for some overflowing emotions I surely knew but I wouldn't dare named. Mahinhin niyang inangat ang kamay niya para isabit ang ilang hibla ng nalaglag na buhok sa tainga niya. And just like that, I didn't need to hear her answer because I found out.

["I'm on a date, Hanselle. I'm just waiting for Taehyung,] she answered in an obviously overly happy tone.

Maraming ikinuwento sa akin si Aly tungkol sa kanila ni Taehyung, tungkol sa relasyon nilang hindi nalalayo sa kung paano kami nag-umpisa ni Jimin at natatakot akong kailangan niya pang masaktan muna kagaya ko bago tuluyang makuha si Taehyung.

Aly also told me about Em and JK, kung paanong pinapahirapan ni Em si JK. Actually, nagtataka pa rin talaga ako kung paano sila nag-umpisang dalawa. I knew JK, akala ko noon ay may gusto siya sa personal hair stylist niya pero kung talagang gusto niya si Em, sa tingin ko, mahihirapan siya.

Magkaiba sina Em at Aly. Magkaibang-magkaiba.

Hindi naman nabanggit sa akin ni Aly ang tungkol kay Evah at Namjoon so I assumed, they were still clueless. I was sure, they would get mad if they found out and I hoped, Evah was doing okay. Sa kanilang tatlo, siya ang hindi pinaka-stable ang nararamdaman.

["Kailan babalik dito iyong boyfriend mo? Na-mi-miss na siya ng mga fans niya. You know how great of a stalker ARMYs are even with the small details. Nalaman nilang wala sa Korea si Jimin,"] ani Aly habang may sinisilip sa kung saan na hindi na kita sa screen ng laptop ko.

I sighed silently while watching her. Hindi pa namin napapag-usapan ni Jimin kung kailan siya babalik ng Seoul. Hindi ko rin alam kung magugustuhan ko bang malaman pa. Could I just have him for myself? Could he just stay here with me? Could I just lock him up with me so he couldn't go?

Don't be a hypocritical selfish, Hanselle. You know his dreams, you know his priority, don't even try to be on top of it. You'll get hurt. My inner Goddess stopped my delusional mind.

Sinulyapan ko ang duration ng pag-uusap namin. Mag-iisang oras na kaming nag-uusap at mag-isa pa rin siya. Kanina ko pa rin napapansin ang pagkakabalisa niya. She would check the time on her wrist every now and then.

"Hindi pa namin napag-uusapan. Where's Kim Taehyung?" kunot-noong untag ko sa kaniya dahil masyado nang late si Taehyung, gayong ang lalaki dapat ang naghihintay at hindi ang babae.

Her thin pink shiny lips gaped at my question. Nalaglag ang mga mata niya at dahan-dahang yumuko, as strands of red hair from behind her ear fell on her face. Niyakap niya ang sarili niya habang mas kumukunot ang noo ko.

Where the hell was Taehyung?!

["He's just late, but I'm sure he'll come."] Nabasag ang boses niya bago siya mawala sa screen.

Napasandal ako sa swivel chair ko matapos ang tawag habang nakatitig ako sa screen ng laptop ko, sa likod ng laptop ko ay ang screen naman ng PC ko kung nasaan ang excel sheet. Bumaba ang tingin ko sa right down corner ng screen. Mag-aalas cinko na rito kaya six pm na sa Seoul.

Sana lang hindi biguin ni Taehyung ang tiwalang ibinibigay sa kaniya ni Aly, because I knew how a heart being betrayed felt and how it worked. It could be the most witty and rude. It could be the most unforgivable.

Trust me, I had been there.

Dinampot ko na lang ang tissue kong nasa gilid ng PC ko. I pushed my swivel chair back and stood up. Maglalakad pa lang ako patungo sa restroom dahil nakakaramdam na naman ako ng pagka-ihi na hindi naman madalas mangyari, but I almost tripped down when I felt my head suddenly sting.

Napasapo ako sa noo ko habang pinipilit na titigan ang tiled floor dahil pakiramdam ko, umiikot ito. Nang sa tingin ko ay kumislot lang ang ulo ko sa biglaan kong pagtayo ay muli akong tumuwid sa pagkakatayo para lang ngumiwi nang umikot na naman ang paningin ko. Lost of something to hold on, I stepped back trying to hold my ground but my knees gave up and just when I was about to fall, pair of strong arms tightly gripped my arms from behind and pulled me back to my ground.

"Hanselle, okay ka lang?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni James sa likod ko. Na-itayo na niya ako ng maayos pero nakahawak pa rin siya sa mga braso ko. Sobrang higpit ng hawak niya sa akin na para bang matutumba akong muli kung bibitiwan niya ako.

Humigpit ang hawak ko sa tissue habang pinipilit tumayo ng maayos. I adjusted first my sight to check if I was now okay and I sighed when my sight went back to normal.

"I'm fine. Thanks, James." I smiled at him.

"Saan ka ba pupunta? I think, you need to go to the clinic," sabi niyang mababakasan pa rin ng pag-aalala ang tono ng boses. Lumuwag na ang hawak niya sa mga braso ko nang sa tingin niya ay kaya ko nang tumayo ng maayos.

Hindi naman ako nasaktan para dalhin pa sa clinic. Ayaw ko na ring bumalik doon. I just really didn't vibe with medical stuff.

Sinulyapan ko ang mga braso kong mahigpit niyang hawak kanina. I hardly bit my lower lip as I saw the traces of his fingers forming lame red shades on my white skin. Kanina, iniisip ko nang babakat ang mga daliri niya sa balat ko dahil sa higpit ng hawak niya sa akin ngunit hindi ko inaasahang ganito ka-pula. Nagiging sensitive yata ang balat ko nitong mga nakaraang araw.

Mukhang napansin din ni James ang mga braso ko dahil mabilis siyang lumayo sa akin. His eyes horrifyingly stared down at my marked arms, confusion also shaded his circles.

"I-I d-didn't mean—"

Oh, same old James! The stutter… I thought, he had changed!

Natatawang pinutol ko siya. "No, it's fine. Ganyan talaga iyan. Hindi mo kasalanan. Salamat talaga, baka bumagsak na ako kung hindi ka dumating," sabi kong ngumingiti para hindi niya sisihin ang sarili niya. I used my free hand to cover one of my marked arms. Ang brasong iyon naman ang ipinangtakip ko sa isa pang brasong may marka rin.

"Hanselle!" Pumuno bigla sa buong silid ang matinis na tinig ni Chelsea. Lilingunin ko pa lang siya nang mawala sa tabi ko si James dahil may humila sa kaniya. "What are you doing?!" Lumitaw si Chelsea sa tabi ko, as if shielding me from James, galit ang tono niya habang nakakatitig kay James.

Sumeryoso ang mukha ni James habang inaayos ang nagusot niyang long sleeves dahil sa pagkakahila ni Chelsea sa kaniya para ilayo sa akin bago lumampas ang tingin niya. His eyes automatically fell soft meeting my eyes and his lips parted a bit.

"I'm not doing anything to her, Miss Chelsea. Excuse me." Bumalik kay Chelsea ang madilim niyang anyo bago siya tumalikod na at iniwan kami.

Mabibilis ang paghinga ni Chelsea habang sinusundan ng tingin si James. Nang makabalik na si James sa mga cubicles at mawala sa paningin namin ay saka pa lang ako nilingon ni Chelsea. Masama ang tinging ipinupukol niya sa akin.

"Is he trying to flirt again with you?!" singhal niya sa akin na para bang nagagalit lang sa isang bata.

I rolled my eyes at her, I couldn't believe she was raging just because of that. "C'mon, Chels, give James a break. Palagi mo siyang pinag-iisipan ng masama. Kaunti na lang at iisipin ko nang may gusto ko roon sa tao," labas sa ilong na sabi ko dahil sa hindi ko maintindihan kung bakit galit na galit siya kay James.

"Oh my gosh?! Something's wrong with your mind!" She exclaimed, staring at me like I was the most ridiculous.

"See? You're overacting." Ngumuso ako.

She remained staring at me, wide eyed with her mouth gaped. Pinigilan ko ang sarili kong matawa sa ekspresiyon niya. She might have an unexplainable attitude towards James but I knew, she wouldn't cheat on my brother with her having someone else she liked.

She just wouldn't.

Kinawayan ko si Chelsea habang sumasakay siya sa kotse ni Kuya Haynes. Nag-offer si Kuya na ihatid na rin ako pero tumanggi ako dahil dala ko naman ang Jeep ko at sinabihan na lang siya na mag-ingat sa pagmamaneho.

Ikalawang weekend ng Disyembre ay pareho kaming maagang nagising ni Jimin. Gaya ng nakasanayan, siya ang nagluto ng breakfast namin at ako naman ang naghugas ng mga pinggang ginamit namin. Kasabay din naming kumakain si Esen sa umaga pero kada-tatlong oras kung i-refill namin ang food bowl niya. Nadala ko na rin siya sa isang grooming house isang beses, walang grooming house dito sa building kaya sa may malapit sa department store na lang kami nagpunta.

Nagpa-register na rin kami ni Esen for a weekly visit. Well, we even visited a veterinarian for Esen's health. At this rate, para na talaga kaming nag-aalaga ng baby namin.

"Your beard are growing," sabi ko nang mapansin ko ang tumutubong mga buhok sa baba ni Jimin habang nakasandal siya sa couch at naglalaro na naman sa phone niya. I slowly raised my hand to hold his chin up and checked his slowly growing beard.

Kung iisipin, ganito lang madalas ang ginagawa namin kapag weekends. Tatambay kami sa living room, minsan nag-uusap ng kung anu-ano lang at kung minsan naman ay hinahayaan ko siyang makatungtong sa next portal sa nilalaro niyang Swordigo sa phone niya habang nilalaro ko naman si Esen.

So ramdom and trivial but I was all contented. It felt like I could last long in this moment for long as he was with me.

Bahagya niyang inilayo ang ulo niya sa akin nang hinawakan niya ang kamay kong hawak ang baba niya at marahang ibinaba. He stared back at me like he used to.

"You don't say that bluntly, misseu. You should not even say anything about it," nakangusong sabi siya habang yumuyuko at humihigpit ang hawak sa kamay ko na tila nahihiya.

Natawa ako dahil sa inasal niya. Komportable kami sa isa't isa pero ang pagiging mahiyain ay nasa sistema na niya kaya't hindi ko mai-aalis sa kaniya ang mga ganitong kilos niya. Minsan nga naiisip ko, baka sa akin lang talaga siya mahiyain.

He was just too cute though!

Sinundan ko siya papasok sa bahay nila hanggang sa loob ng kuwarto niya matapos niyang magdesisyon na kailangan na nga niyang mag-ahit. Wala akong gamit pang-ahit sa mga banyo ng bahay ko kaya nandito kami sa bahay nila. Maging nang dumiretso siya sa banyo ay nakasunod ako sa kaniya.

I had been here in his room before, I had slept here before but I had never been inside his bathroom.

Ang maliit na sink at pabilog na salamin sa ibabaw ang unang mapapansin sa loob ng banyo, nasa kanang bahagi ito at nakadikit sa puting tiled wall. Puti ang halos lahat ng walls maging ang floor, maging ang mga fixtures ay kulay puti rin. Looking ahead, I could see a white tinted glass sliding door. Nasa loob malamang ang toilet bowl maging ang shower.

Nameywang ako sa tabi ng nakasarang pinto nang pumuwesto siya sa harap ng sink kung nasaan ang ilang mga kagamitan. Sa harap niya ay ang wall mirror. A sky blue toothbrush and a toothpaste inside a blue glass, a dry soap, some facial wash and some other stuff I didn't know the use for. And well, there was a blue razor there.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin, he peaked at me through the mirror.

Nagkibit-balikat ako. "I'll watch you," simpleng sagot ko.

Bumuntong-hininga siya na para bang sumusuko na sa usapan naming alam naman niyang hindi siya mananalo. He then took something from the sink, a sprayer before pouring an amount on his palm and spread it on his chin. Ah, hindi ko alam iyong tawag doon pero iyon iyong puting parang whip cream na nilalagay bago mag-ahit.

Kinuha na niya ang razor at inumpisahan nang ahitan ang sarili. Ngumuso ako habang nagpipigil ng ngiti na pinapanood siya. Nakatalikod siya sa akin pero nakikita ko sa salamin ang ginagawa niya.

Here in front of me, was Park Jimin shaving his beard. I could just take a photo of him, post it on social media and well, ARMYs would blab on how of a boyfriend material he looked right now. And damn, he was mine. Park Jimin was mine.

"Should I do it?" I asked him, out of the blue, while I slightly skipped at my feet.

Nahinto siya bigla, ang kamay ay nakahawak sa razor at muli niya akong sinulyapan sa salamin bago kumunot ang noo niya. "Do you even know how to do this?" he asked back.

Umiling ako. "No."

"Then you should not, misseu," simpleng sabi siya at nagpatuloy na sa ginagawa. Kaunti na lang ang parte ng baba niyang may cream.

"Let me do it!" Pagpupumilit ko saka mabilis na lumapit sa kaniya at pumuwesto sa tabi niya habang excited na nakatingala sa kaniya. In the end, wala na naman siyang nagawa kung hindi ang payagan akong gawin ang pag-aahit sa balbas niya. Humarap siya sa akin bago ibinigay ang razor.

Tumingkayad ako para maabot ko siya since mas matangkad siya sa akin ng ilang inches. He needed to slouch a bit while anchoring one of his hand on the sink and his face levelling with mine. Seriously, how could people call this man short when he was inches taller than me?

Agad kong nalanghap ang flavor ng cream na gamit niya, matamis ito at malamig sa ilong. Dahan-dahan lang ang ginagawa kong pag-aahit sa kaniya dahil natatakot akong masugatan ko siya at habang ginagawa ko iyon, mataman siyang nakatingin… hindi sa ginagawa ko kung hindi sa mga mata ko. Ang maliliit niyang mga mata ay hinahabol ang bawat galaw ng mga mata ko.

I couldn't help but blink several times because I felt conscious with those beautiful eyes, staring down at me. As if those eyes only sought perfection since the holder was a perfection itself. Kahit na nanginginig ang mga kamay ko dahil sa paraan ng paninitig niya sa akin ay inangatan ko talagang hindi siya masugatan lalo na at hindi naman ako marunong nito.

Nang matapos akong ahitan siya ay naghilamos na siya samantalang nanatili akong nakatayo sa gilid niya at pinapanood siya. His biceps would flex hard every time his arms would move. Kahit ang pagtama ng inosenteng tubig sa makinis niyang balat ay kinaiinggitan ko.

Just how could a simple water have a privilege to touch his flawless face when it took me hardships to get on my shoes now? Ilang beses din akong nasaktan habang sinusubukang mapunta sa kinatatayuan ko ngayon.

Nang humarap siya sa akin matapos abutin ang isang malinis na tuwalyang nakasabit sa dingding ay agad na lumayas ang anumang mga pinag-iisip ko dahil naagaw ng mga labi niyang naka-awang ang atensyon ko. I pinched my fingers behind me as I gulped hard, trying to calm my system just because of a sight… a sight that would forever pleasure my eyes.

"Come h-here," utos ko sa kaniya, bahagya kong kinagat ang pang-ibabang labi ko nang mas umawang pa ang mga labi niya dahil sa pagtataka. "Just get down," ulit ko.

Nagtataka man ay sumunod siya, hinahayaang nakasabit sa leeg niya ang tuwalya. He slouched a bit again to me, his face moving closer to mine. Ang ilang tusok ng buhok niya sa noo niya ay mamasa-masa pa at tumutulo pa pero mas lalo lang nitong dinagdagan ang kaguwapuhang nakikita ko.

I can kiss him, right?

I quickly tiptoed as my palms gently cradled his now shaved damp chin, closing the distance between our lips and following the desire of my heart, I kissed him thoroughly.

No, not the kiss we often shared, I kissed him the way how my heart longed it. I kissed him, devouring every corner of his lips, conquering and demanding for a return. I could even smell the aftershave he used but I could also taste the natural sweetness of his lips. From his chin, my hands slowly trailed down his shoulder, pulling him closer as I wrapped my arms around his neck.

I triumphantly smiled between the kiss when I felt his hands protectively grip my waist and pull me closer to his body until the space invented wasn't present anymore. His lips then easily found the rhythm I invented. Ngunit mas mapusok siya at mas maalab. Ang nanahimik niyang dila ay natagpuan ang entrada ng bibig ko kaya pinagbigyan ko siya.

Just like a hunter, his tongue bravely entered my mouth marking its territory and conquering the corners he had yet tasted.

We kissed like we depended on each other's kiss, we showered each other sinful kisses that only us could spare and we were both panting for air when we pulled away.

He pulled me closer, bringing me inside his warm and tight hug, and burying his face on my neck as he showered me sweet nothings. Really, I would never exchange him for anything.

Bumalik kami sa bahay pagkatapos ang mainit na pangyayaring iyon.

Pagdating ng Sunday, napagpasyahan naming mag-grocery dahil ubos na ang mga stocks namin sa bahay. Kailangan na rin naming bilhan si Esen ng foods at litter. Sinabi kong huwag na siyang sumama pero makulit siya kaya hinayaan ko na, naisip ko ring baka naiinip na siya sa bahay. Inuna muna namin ang pamimili ng para sa kay Esen sunod ay ang pag-go-grocery.

Of course, we still needed to be extra careful. I insisted he wear a mask and cap.

Nasa meat section ako habang abala sa pamimili, nasa kaniya naman ang pushcart at nasa vegetables section siya. Siyempre, mawawala ba naman sa listahan namin ang mga gulay? Nitong mga nakaraang araw ay pakiramdam ko desidido siyang pakainin ako ng gulay.

Tss. Napakadaya.

"Hanselle?"

Mula sa pamimindot ng mga karne ng manok, na hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ay napalingon ako pagkarinig ko ng pangalan ko. Behind me was a cart, pushed by Mister Abarintos, I remembered he told me to call him Stephen. Napansin ko ang ilang mga lata ng beers, chips at sweets sa pushcart niya.

He was a man but beers and sweets don't complement with each other, in my opinion.

Nagulat ako nang makita siya. Mukha ngang malapit lang dito ang tinitirhan niya para muli kaming magkita rito sa department store na ito. Tipid akong ngumiti sa kaniya para i-acknowledge ang presensiya niya.

"Ikaw nga. Akala ko namamalik-mata lang ako. You really live just near here, huh?" aniyang tuwang-tuwa sa sariling obserbasyon.

"Ah yes, I lived in Cyanth Towers," simpleng sagot ko, a little confused over the enthusiasm he was showing me.

His face lightened up as he smiled even wider. "I lived just near the tower. My house is located just around here," he happily said as if what he just said was something we should both be glad about.

I pursed my lips. "Ganoon ba?" sabi ko dahil sa kawalan ng sasabihin, lalo na at hindi naman ako sanay makipag-usap sa ibang taong hindi pa masyadong kilala.

"Y-Yes," he said as he laughed awkwardly, already noticing the poor communication between us. I didn't really get along with people and crap, this poor communication skill I had should change! Hindi ko sinasadyang gawing awkward ang paligid sa pagitan namin pero anong magagawa ko?

Ganito ako!

Tumango na lang ako at muling ibinalik ang tingin sa mga karne. Hindi pa rin siya sumusuko na kausapin ako. He asked me if I was good at picking a fresh meat that I honestly answered, "No, I'm not." Madalas nagpapatulog ako sa staffs sa pagpili.

He again offered me help.

"Missue, are you done yet?" Jimin then appeared beside me, pushing our now loaded cart, coming from a different direction to where Mister Abarintos came.

"Not yet. Help me pick a fresh meat," sabi ko at itinuro ang mga karne. Lumampas ang tingin ni Jimin sa likod ko bago kumunot ang noo niya. I then turned to Mister Abarintos again. "Thank you for the offer, I think we can manage," I smiled at him, not to be rude for refusing his offer.

Now that I thought of it, I had been refusing his offer and it was more rude to realize it just now.

Nakangiting tumango na lang siya at tinanguan si Jimin na nasa likod. He then pushed his cart back and left us. Nang binalingan ko si Jimin ay kunot pa rin ang noo niyang hinahabol ng tingin si Mister Abarintos.

"Who is that guy?" he asked, gravely.

I sighed. Was he being jealous again? "He was the man I met last week. My account manager," sagot ko.

His face then turned back to normal before uttering a silent but deep sigh. Humarap na siya sa mga karne at pumili na ng bibilhin namin.

Nang matapos kaming mag-grocery ay bumalik na kami sa bahay. He then started cooking as I minded Esen's stuff.

"Next week, I will be coming back to Korea."

Nahinto ako sa paghaplos sa likod ni Esen habang kumakain ito nang marinig ko ang boses ni Jimin. Nilingon ko siya at nakita kong nasa likod ko siya at may suot na apron.

He stared blandly at me, with those cooking gloves on his hand. "My flight is on this coming Saturday."

That was like a bomb, exploding very loudly and damaging my insides. Too fast and very hard.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top