Hinatid nga ni Julien si Hero hanggang sa opisina nito. Lahat ay nagsitinginan sa kanila. Julien seems to be enjoying it and even held him closer to him. Hero did nothing because he didn't want to cause a scene. Hinayaan nalang niyang tsansingan siya ng binata.
Pagkarating nila sa opisina ay kaagad na nagpaalam si Julien kay Hero dahil may asikasuhin din ito sa kompanya nila. Hero sighed in relief when Julien left his office. Finally, wala ng magpapainit sa ulo niya. Ayaw niyang masira ang buong araw niya dahil lang sa mokong na si Julien.
Hero thought it was the last time that he would see Julien for that day, but he was wrong. Paglabas niya kasi sa pinagtratrabahuang kompanya ay agad na nahagip ng paningin niya si Julien na kampanting nakasandal sa sasakyan nito habang nakatingin sa kaniya.
Ibang sasakyan na naman ang ginamit nito, kulay blue iyon na Mansory Carbonado Apertos. Alam na alam ni Hero ang modelo ng sasakyan dahil may ganoon din ang kaibigang si Alexander.
Mga mayayaman nga naman.
Gusto niya sanang takasan ito pero iyon lang ang puwesto kung saan puwede maghintay ng taxi.
"Hey, little spoon," bati nito sa kaniya. "Pauwi na sana ako pero naisip kong hintayin ka dito. Galing akong sa opisina."
Inirapan niya ito. "Tapos?"
Nagsalubong ang kilay nito sa sagot niya. Gusto niyang matawa sa reaksyon nito pero mas pinili niyang umaktong naiinis dito. Well, naiinis naman talaga siya kaunti, pero maganda ang araw niya kaya ayaw niyang masira iyon.
"Sungit naman," nakabusangot na sagot nito. "How's your day, little spoon?"
"Hindi maganda, may pangit kasing dumating," sagot niya dito. Mas lalo lang lumalim ang gatla sa noo nito dahil sa sagot niya.
"Sigurado akong hindi ako 'yan, tama?" Lumapit ito sa kaniya at inakbayan siya. Gusto niyang itulak ito palayo pero masyadong malakas ang binata.
"Huwag ka ngang feeling close, pangit!" Of course, joke niya lang iyon. Hindi naman pangit si Julien, sa totoo nga'y sobrang gwapo nito na halos dinaig pa ang mga nagsisikatang model ngayon. If they're not in a quarrel, he would surely fall for this guy. Pero ayaw niya sa lalaking ito dahil naiinis siya sa presensya nito.
"Kailangan mo ng magsimba, ang tindi mong magsinungaling." Natawa ito. "Ni Isa ay wala pang nagsabi sa akin na pangit ako. You're the first person to ever say that to me."
Umirap naman siya dito. "Hindi pagsisinungaling ang pagsasabi ng totoo. Kilabutan ka naman sa mukha mo!"
Hinarap siya nito at taimtim na tinitigan sa mata. Halatang napipikon na si Julien dahil halos naningkit na ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
"Take back what you said or I will kiss you right here," banta nito sa kaniya. Umirap lang siya dahil as if gagawin nito iyon. Siguradong hindi nito iyon magagawa sa pampublikong lugar. Masyado itong gwapo para sirain ang image nito sa isang katulad niya.
"Mukhang ikaw ata ang kailangang magsimba, masyado kang gwapong-gwapo sa sarili kahit hindi naman," tumawa siya. Isang nang-iinis na tawa. "Umamin ka na dahil masama ang magsinungaling sa sarili."
"You choose this one, don't freaking regret it."
Pagkasabi noon ay agad nitong sinakop ang kaniyang mga labi. Hero could feel Julien's soft lips against his own.
Hindi kaagad siya nakagalaw, nakabukas lang ang mata niya habang ito naman ay nakapikit na tila ba'y ninanamnam ang kaniyang mga labi.
Natauhan nalang si Hero nang maglayo ang kanilang mga labi. Hindi niya alam kung ilang minuto silang naghalikan, hindi naman kagaya noong sa party na pinasok talaga nito ang dila. It's was just a normal kiss.
But still!
"I could kiss you anywhere, and I still wouldn't mind." Kumindat ito sa kaniya.
Doon na nag-akyatan ang dugo ni Hero. Naiinis siya dahil naisahan na naman siya ng mokong na si Julien. Gusto niya itong suntukin sa mukha!
"Gago ka!" sigaw niya dito. Sa halip na ang kamay niya ang dumapo sa mukha nito ay mas naunahan siya nitong yakapin ng mahigpit. Kaya hindi siya nakagalaw kaagad dahil mabilis nitong pinulupot ang malalaking braso sa kaniyang baywang.
"Enough hitting me, Hero, or I will kiss you right here again with my tongue." Napuno ng pagbabanta ang boses nito. Para bang gagawin talaga nito ang sinabi nito. Inismiran niya ang lalaki at padabog na lumayo dito. "Though that idea would be awesome. Want to try it again, just like what happened at the party," dugtong pa nito.
Kung kaya niya lang talagang patayin ang lalaking 'to ay kanina niya pa iyon ginawa. Kumulo talaga ang dugo niya dahil sa kakulitan nito. Not to mention na nanakawan na naman siya ng halik ng mokong na si Julien!
Last na 'yon!
"Umalis ka na at baka ano pang magawa ko sayo, pangit!" pambubugaw niya dito pero ang gago, imbis na pumasok sa sasakyan ay muli itong lumapit sa kaniya. They're so close to each other. Close enough that he could feel Julien's heart beating.
"Bear in mind that I won't let you go home alone. I'll give you a ride. But before that, we will be having dinner somewhere first." The way Julien said it was not in an asking manner but a declarative one. "So get inside my car. You don't want other people to see us arguing in the middle of the street, do you?" dagdag pa nito.
Doon na pinalibot ni Hero ang kaniyang paningin. Nahiya nalang siya sa sarili nang makitang may ilang nakatingin sa kanila. Ang iba ay tila nawe-weirduhan pero ang iba naman ay parang kinikilig? He's not certain, but Hero can see them giggling while watching.
Hinayaan na nga lang niya si Julien na pagbuksan siya ng sasakyan. Kinuha nito ang backpack na dala niya at nilagay iyon sa likod ng sasakyan. Pagkatapos ay umikot ito papunta sa kabila at umupo sa driver seat.
"You might be thinking of how stubborn I am, or how weird I am. But I just want to spend time with you because we were separated for so many years. That's why I'm being like this, I want to create fun memories with you, so just give me a chance, okay?" Pagkasabi noon ay pinaandar nito ang sasakyan.
Napabuntong hininga nalang si Hero habang kampanting nakaupo sa passenger seat.
Ano kaya ang mangyayari kung pagbibigyan niya si Julien? Oo nga't nagbalik na ito pero hindi niya inasahan na ganoon ang kanilang pagtatagpo. Naguguluhan tuloy siya kung may gusto ito sa kaniya o pinaglalaruan lang siya nito.
Hindi na niya alam, ang alam niya lang ay naiinis siya sa binata. But at the same time, he also doesn't want him to be gone again.
Walang umimik sa kanila habang nasa byahe pero ramdam ni Hero ang mga titig ni Julien sa kaniya paminsan-minsan. Kahit na hindi niya ito tinapunan ng tingin ay alam niyang madalas siya nitong tinitingnan.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay huminto nga ito sa isang pamilyar na building. Ito ang restaurant na sikat sa bansa pero niisang beses ay hindi pa siya nakapasok.
It's a large restaurant filled with influential people. Hero could see from the outside how nice it is there, but that's not the place where he wants to eat. Gusto niyang kumain sa karenderya sa tapat nito.
"Doon tayo sa tapat, mas nakakabusog ang mga pagkain sa karenderya," suhestiyon niya sa binata.
Ang karenderyang iyon ay bago pa lamang na pinatayo, mga isang linggo pa lamang pero sumikat kaagad ito dahil sa sarap ng luto at ganda ng tanawin. Nakapwesto kasi ito sa labas ng syudad kaya klaro ang bukirin sa likod nito. If you're going to take pictures, you'll end up with the green mountain as your background.
Laman ito ng social media ni Hero. Minsan narin siyang kumain dito kasama ang kaniyang pamilya kaya alam niya kung gaano kasarap kumain doon. Bukod kasi sa masarap na pagkain ay affordable lang din ang mga ulam kaya mas pipiliin niyang kumain doon kaysa sa malaking restaurant sa tapat nito.
The Karenderya is not your typical karenderya. It's small, but it's beautifully crafted. The facade of the building is made of glass, allowing them to see inside. Surrounding it are large umbrellas with tables and chairs.
Dahil malapit na mag gabi ay nakabukas na ang mga ilaw dito. And Hero could see how beautiful it is. The place is very aesthetic. Even the people are posting on social media about the new karenderya in town. At lahat ng mga post ay puro komplimento tungkol sa bagong kainan. All the reviews are positive. Kaya siya naingganyo at sinubukang kumain doon kasama ang kaniyang pamilya.
"Nah, let's eat here instead," he pointed to the large building in front of them. "I brought you here because I want us to have a special dinner, not in a karenderya. I don't even know what that means." Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa maliit na building sa kabilang kalsada.
Inirapan niya ito. "Masarap naman ang mga pagkain diyan saka ayoko sa mamahaling restaurant, hindi nakakabusog ang mga pagkain."
Totoo naman ang sinabi niya, ganoon naman ang hinahanda ng mga mayayaman. Dadalhin ka lang sa desinyo ng pagkain pero ang kukunti lang naman ng sini-serve.
"Nah," umiling-iling si Julien bilang pagtutol sa kaniya. "Mas gusto kong kumain dito mismo."
"Edi diyan ka, doon ako kakain," sagot niya dito. Ang arte kasi, puwede naman na doon nalang silang dalawa. Alam niya rin namang magugustuhan ni Julien doon dahil mahilig ito sa lutong bahay.
"But this is a date, Hero. And I want our first date to be in a fancy restaurant." Nagkamot ito sa batok na para bang nahihiya sa inamin nito.
Si Hero naman ay natigilan sa sinabi nito. Ano daw? Date nila ito ngayon?
Gusto niyang tanungin ang binata na ulitin ang sinabi nito pero nahihiya siya at baka mali lang ang pagkarinig niya. Mas naguluhan tuloy si Hero kung ano talaga ang pakay nito sa kaniya.
If this is his way of getting close to him again, he doesn't think it's necessary for them to take things to this level. They were just friends, and Hero assumed they would stay that way.
At isa pa, mukhang hindi naman pumapatol ang dating kaibigan sa katulad niya. Baka nga marami na itong naging girlfriend sa ibang bansa e. Siguro ay laro-laro lang nito ang paghalik sa kaniya.
"Fine, let's eat there instead," suko nito sa wakas. Napangiti naman si Hero at hinila ang binata patawid sa kabilang parte ng kalsada.
Pagdating nila'y marami na ngang kumakain pero kahit na marami ang costumer ay nilapitan parin sila ng may-ari at binati silang dalawa. Ganoon ang ginagawa nito sa lahat ng costumer.
"Dito ba kayo kakain o ibabalot ko lang ang pagkain?" sabi nito pagkatapos silang batiin. Sa pagkakaalam ni Hero ay Phyllo ang pangalan ng may-ari ng Karenderya.
"Dito kami kakain." Si Julien ang sumagot. "Table for two."
Nagkatinginan naman si Hero at ang may-ari dahil sa sinabi ni Julien. Palihim siyang natawa sa binata.
"Walang ganoon dito," pagtatama ni Hero dito.
"Lahat po ng mesa dito ay puwede pangmaramihan pero maaari naman kayong umakopa ng pwesto para sa inyong dalawa," paglilinaw ni Phyllo dito. Nginitian ni Hero ang may-ari at palihim na sinabing pagpasensyahan na ang kasama. Ngumiti naman ito.
"My bad," sagot nito.
"It's okay, sir," sagot naman ng may-ari. "Nandoon ang mga ulam at kayo na ho ang pumili kung ano ang gusto ninyo, ako na mismo ang magse-serve para sa inyo." Iginiya naman sila nito sa banda kung saan display ang mga ulam. Puro Filipino food ang lahat ng andoon at talagang karenderya ang style nito dahil hindi ito katulad sa mga restaurant na saka na lulutin ang pagkain mo pag naka-order ka na. Dito kasi ay mayroon na lahat at kailangan mo lang pumili sa mga naka display na ulam.
It's a typical karenderya where the foods are already displayed, and you just have to choose which ones you like.
"Ano ang gusto mong kainin?" tanong niya sa binata. Though Hero has an idea of what Julien would like to eat. Noon kasi sa Rousseau International School for Children ay mahilig ito sa mga lutong bahay at kahit anong klase ay kinakain nito. Pero may isa itong pinakapaborito.
"You know what I like, Hero," he replied. "Don't tell me you've forgotten everything about it." There's a hint of disappointment in his voice.
Hero smiled. Of course hindi niya iyon makakalimutan.
"Afritada, adobo, chicken curry, at 4 cups of rice nalang ang sa amin," sabi niya sa may-ari na kampanting naghihintay sa order nila.
"Okay, ihahatid ko nalang sa table ninyo ang pagkain," sagot ng may-ari.
"Pahingi rin ng sabaw ha?" Sabi niya sa may-ari.
Ngumiti naman ito. "Oo naman."
Nagpunta na nga sila sa kanilang table. Nasa likurang bahagi sila ng Karenderya. Iyon nalang kasi ang kahuli-huliang table na available. Occupied na lahat dahil sa dami ng kumain.
"You could do that?" biglang tanong ng binata kay Hero. Mangha itong nakatingin sa kaniya.
"Do what?" balik tanong niya dito. Bigla-bigla nalang kasing nagtatanong tapos hindi niya man lang alam kung ano ang pinagsasabi nito.
"What you did earlier," sagot nito. "You asked sabaw for free to the waiter."
Natawa naman siya dito. "He is not a waiter, Julien. May-ari siya ng Karenderya," pagtatama niya. "At oo naman, puwede kang manghingi ng libring sabaw dito."
Manghang napatango-tango si Julien sa sagot niya. Parang hindi ito makapaniwala na may ganoon sa lugar.
Right, he's rich and probably has never experienced eating in a karenderya.
Ilang saglit lang ay dumating na ang kanilang in-order. Amoy na amoy ni Hero ang bango ng ulam sa kanilang harapan. Natatakam siyang lantakan lahat iyon!
"Enjoy your date!" masayang wika ng may-ari sa kanila bago umalis.
Hindi mapigilang mamula ni Hero sa sinabi nito. Lalo na nang makitang nakangisi si Julien sa kaniya, para bang nagustuhan nito ang ideya na date nila iyon.
"Everything feels so nice here. I was wrong; I thought this place wouldn't be fitting for a romantic date," sabi ni Julien sa kaniya at saka siya kinindatan.
__________
PLEASE VOTE!
__________
IANNNXXX | 2024
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top