Chapter 6 - The Pretended Girlfriend

SHAWN AXCEL'S POV

Baby you light up the world like nobody else~~~

"Hmm," ungol ko pagkasagot ko sa tawag ng kung sino man.

Fuck. I'm so sleepy. It's too early in the morning. At saka sino ba naman ang tumatawag ng ganitong oras.

"Ahm. Hi Shael, it's me Stella."

Napakunot ang noo ko at bumangon para tingnang maigi ang phone ko para siguraduhing si Stella ba talaga ang tumatawag.

Confirmed.

"Yeah. Why?" bored kong tanong.

Ugh.Iniistorbo niya ang tulog ko. I know she would ask me about Daron. The heck! Bakit hindi na lang si kuya ang tawagan niya. Dinadamay pa ako.

"A-Ah...Will you mind If I'll visit there in your mansion? I just want to know if Daron is okay."

God. She's too obsessed with my brother. But she can't do anything because he's still focused on her...

"Hey Shael. Can I come?" tanong na ulit sa kabilang linya.

"Fine. Just don't expect that he would notice you. You know him."

Before she could answer me, I ended up the call already. Sasabihin niya lang naman na 'thank you Shael' o di kaya 'you're the best'. Sawang sawa na ako sa mga linya niya.

Well, I am the playboy in our latest school so almost all of the girls knew me, including Stella. She's our classmate way back in high school and probably likes my brother, Daron. She always ask me if Daron is doing good or someone is flirting on him so she can break her neck. All I can say is that she's a psycho.

She's not bad, though. She's pretty, sexy, hot, and tall. But I don't have a plan on making her one on my toys---I mean girls. Maybe because she's not my type and she doesn't likes me too because she's deeply inlove with my brother.

Nang matapos akong maghilamos at magtoothbrush ay napagpasyahan kong lumabas na lang sa kwarto ko dahil wala narin akong planong matulog pa. It's almost 5:45 in the morning at 15 mins. na lang ay gigising narin ang mga kapatid ko. Ayos pa sana ang tulog ko kung hindi lang nanggulo si Stella. Kainis na babae.

"Goodmorning baby," nakangiting bati ko kay Katria ng makita ko siyang nagluluto sa kusina. Umupo naman ako sa isang upuan malapit sa kanya para pagmasdan siyang magluto.

"Oh? Ang aga mo naman atang nagising. Ginising kaba ni satanas para guluhin ako dito?" nakataas kilay niyang tanong habang nakahawak pa ng sandok.

Iba talaga ang babaeng 'to. Iniisip ko tuloy kung pa'no siya nakuha ni mommy bilang babysitter namin. Ganyan ba ang ipinakita niyang ugali kay mom o ganyan lang siya dahil sinabi ni mom.

Napatawa naman ako sa inasta niya."Maaga akong gumising dahil gusto kong ikaw ang una kong makita sa paggising ko. Makita lang kita buo na ang araw ko," biro ko sa kanya na ikinairap niya.

Hindi ata talaga tumatalab ang karisma ko sa kanya. Hindi niya ba alam kung pa'no kiligin o sadyang pinipigilan lang niya para magmukhang masungit. Aha! Tama 'yon nga. Alam ko namang walang makakatakas sa karisma ng isang SHAWN AXCEL HELVERYST.

"Tabi dyan kung ayaw mong mapaso," utos niya sa'kin pero imbis na sumunod sa kanya ay nanatili lang ako sa pwesto ko.

"Ano na? Tatabi kaba o hindi? 'Pag ako nainis talaga ibubuhos ko 'tong mainit na tubig sa mismong mukha mo," malakas niyang sermon sa'kin.

Amoy na amoy ko tuloy ang strawberry mint na hininga niya. Wow! May mouthwash pala siya.

Imbis na mainis o magalit ay tinawanan ko lang siya at hinawakan ang pulsuhan niya patungo sa kamay niya. Kitang kita ko kung pano magbago ang reaksyon niya at nanlaki ang mata. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para iwasang matawa. Fudge! I wanted to make fun of her.

Akala ko masaya na siya sa gano'n na posisyon pero nagulat ako ng bigla niyang inikot ang kamay niya sa kamay ko at tinupi ito na para bang papel. Napahiyaw ako sa sakit.

"A-Aray...S-Shit...S-Stop...K-Kat.." impit na sigaw ko ng mas diniinan niya pa ang paghawak sa kamay ko.

"The heck! What's happenin---Hey....What are you doing?!"

Inis na binitawan ni Katria ang nanlumo kong kamay at binalingan ng tingin si Raizer kasabay ng pagdating ng tatlo. Napahawak ako sa kamay ko pero napapikit ako dahil sa sakit. Fuck. Did she learn taekwondo?!

"Wala pang lalakeng nakahawak sa kamay ko maliban sa'yo. Alam mo ba kung gaano kabastos 'yang ginawa mo?!" Pinipigilan niyang tumaas ang boses niya.

Napakunot naman ang noo ko."Anong bastos do'n? Hinawakan ko lang ang kamay mo tapos halos baliin mona ang kamay ko?" I raised my eyebrow.

"Aba! Dapat lang 'no. Wala pa akong pinapayagang humawak sa kamay ko tapos hahawakan mo lang nang walang permiso?! Baka gusto mong pinuhin mo 'yang mga buto mo sa kamay!" Inis na inis na talaga siya.

Eh ano naman ngayon?! Ang liit na bagay lang ng paghawak sa kamay niya tapos binibig deal niya?!

"What now? I don't even know that you didn't let anyone to touch your hands. Ang arte mo naman."

And with that she raised her eyebrows. Based on her expressions I know she's angry now.

"Sabi ni Itay, 'wag ko daw pahahawakan nang kahit sinong lalake ang kamay ko lalo na't hindi ko siya nobyo.'Yan kase ang tradisyon sa probinsya namin, kabastusan daw kase 'yon sabi ng mga matatanda. Ngayon, alam mo na kung bakit ganito ako kagalit sa'yo dahil sa ginawa mo?!" Umirap siya pagkatapos niyang sabihin ang mga 'yon at bumalik sa ginagawa niya kanina.

Ako naman dito at nakatunganga lang at nag iisip kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Magso-sorry ba ako o hindi. Eh sa hindi ko naman talaga alam na ganun pala 'yon. Punyeta. I don't know their traditions. And now that she told me that, I felt a little guilt. Seems like she broke one of their special traditions.

But why am I thinking that, though? It's not my fault anyway. I just wanted to make fun with her so I did that. Ugh. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bahala na.

"Kuya, galit na sa'yo ngayon si babysitter Kat. Tingnan mo oh, parang wala na siya sa sarili. Nilagyan niya ng suka yung gatas imbis na mainit na tubig."

Napatingin ako kay Katria na hanggang ngayon ay nakatulala at nakasandal sa sink. Hinahalo ang hawak niyang gatas na alam kong hindi niya magugutuhan ang lasa dahil suka ang nilagay niya imbis na mainit na tubig. Lahat kami ay nakakunot noong nakatingin sa kanya. Hindi na nga kami makakain ng maayos dahil nadi-distract kami sa kanya.

"Then what should I do? Apologize for what I've done? Say sorry because I don't know their freaking traditions?" Nagkasalubong ang kilay ko.

"It's up to you. But it's better if you don't do anything. Hayaan mo siyang ganyan. Mas mabuti narin 'yang ganyan siya kesa 'yong daldal siya ng daldal," Cohen commented as if he didn't care.

"E 'di sabihin mo na lang na plano 'yon ni Kuya Daron at sinunod mo lang. Wala kanang p-problemahin kung gano'n." Sinamaan ng tiningin ni Daron si Raizer na napakagat sa labi niya. Iniisip na sana hindi niya na lang sinabi ang mga 'yon.

"Ikaw kuya Daron? What do you think am I going to do?" pagtatanong ko sa kanya na ngayon ay kasalukuyang kumakain pa rin.

He gave me a bored look."Why are you asking me?" Inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya.

Tinatanong ko siya tapos tatanungin niya rin ako? Great.

"Of course. I'm asking for your opinion. Walang matinong sagot 'yang dalawa kaya sa'yo ako magtatanong. Don't tell me you don't have a proper answer?"

"Mabuti alam mo."

I massage the bridge of my nose because of frustration. Sabi ko na wala eh. Ano ba talagang gagawin ko dyan sa babaeng 'yan at bakit parang pasan ko ang buong mundo. Ang liit lang naman ng problema eh. Kaasar.

"Why do you need their opinion, though? It's just so simple, Kuya. Say sorry and that's it. Ginugulo mo lang ang utak mo." I looked at Akken who is about to eat the green vegetable when I pinch his cheeks so he screamed.

"Ouch. Kuya. Ba't mo pinisil ang pisngi ko?" Sinamaan niya pa ako ng tingin habang hawak hawak ang pisngi niya.

"Thanks for your good idea, dude. Love you." Akmang hahalikan ko siya sa pisngi ng bigla niyang ilayo ang mukha ko at tiningnan ako ng parang nandididri.

"Eww."

"Punyemas ampanget ng lasa ang asi!" Napatakip si Katria sa bibig niya at nilagay sa sink ang baso ng gatas na kanina niya pa hinahalo.

Tinikman niya talaga kaya naibuga niya 'yong ininom niya. Mabuti na lang at malayo ng konti ang mesa namin sa kanya kundi baka sa mga pagkain niya naibuga. Baka masuka rin kami kung gano'n.

"Babysitter Kat naman eh. Kumakain kami oh. Nakakadiri ka." Napaiwas pa ng tingin si Akken at tinakpan ang bibig niya.

"Kung hindi ka rin naman sana tatanga tanga, e 'di alam mo na suka 'yong tinimpla mo imbis na mainit na tubig. Bobo." Nagwalk out na si Cohen pagkatapos niyang laitin si Kat.

"Suka pala yung natimpla ko?" Napakamot siya sa ulo niya at tiningnan 'yong nakabukas na bote ng suka na ginamit niya kanina.

"Ay hindi toyo. Maasim diba kaya malamang suka. Bobo ka nga." Sinundan naman ni Raizer palabas kaya kaming apat nalang ang natitira dito sa loob ng kusina.

What an awkward atmosphere.

"I lost my appetite." Tumayo na rin si Daron at saka sumunod sa labas.

Anong trip ng mga loko? Walk out session?

"Ah babysitter Katria, una na rin ako. Tapos ko nang kumain eh. D'yan lang ako sa labas," paalam naman ni Akken bago tumingin sa'kin at tumango.

I know his plan. He gives us privacy to talk what happen a while ago. Bumuntong hininga muna ako bago tumayo at lumapit kay Kate na nililinis ang gatas na naibuga niya kanina.

"Hayst. Hindi na naman nila inubos ang gulay. Mabuti pa si Akken." Hindi niya ako napansin dahil abala siya sa pagliligpit ng mga natitirang gulay."Ano bang meron sa gulay at ayaw nilang kumain? Masarap naman ah. Ang arte talaga ng mga timawang 'yon. Porket mayayaman." Patuloy pa rin siya sa pagpupunas ng mesa at hindi ako napapansin kaya sinubukan kong kalabitin siya.

"Uhm---"

"AY TIMAWA! Anak ng--Papatayin mo ba ako sa gulat ha? Shael?!" Pinaningkitan niya ako ng mata habang nakapameywang. Napakamot na lang ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung sa'n ako magsisimula.

"Ah...k-kase....uhm...s-sorry." Nakaiwas pa rin ako ng tingin dahil hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Nahihiya ba ako?

"Sinong kinakausap mo? Wala ka namang kaharap ah."

Napaawang bibig ako bago tumingin sa kanya. Seriously? Nahihiya na nga akong magsorry sa kanya tapos 'yon ang sasabihin niya?

"Can you just take it seriously?! Ako na nga tong naglakas loob na mag-sorry tapos magloloko ka pa," inis kong sambit sa kanya.

"Kasalanan ko ba kung sa pinto ka nakatingin at hindi sa'kin? At saka kung napilitan ka rin lang na mag-sorry sa ginawa mo kanina. Pwes, 'wag na lang." Inirapan niya ako at bumalik sa ginagawa niya kanina. Nilagay niya sa lababo 'yong mga plates at kinuha 'yong pamunas sa mesa para labhan.

Napapikit ako at humingang malalim. Geez. Is this so hard to say sorry to her. Kase naman eh, hindi ko talaga kayang tumingin sa kanya. Imagine, wearing her scary look like Daron with matching angry eyes and raised eyebrows. Iniimagine ko pa lang tumataas na ang balahibo ko. Ano klase ba siyang babae?!

Pero kahit na. Basta, magsosorry parin ako para tumahimik na ang kaluluwa ko sa kakaisip. Ugh. Feel ko tuloy close kami para mag-sorry ako sa kanya. Wait. Are we close.

"Oh? Natulala ka dyan?!"

"Ay sorry," gulat kong bulalas habang nakatingin ng diretso sa kanya. Actually, I didn't mean it. Nagulat lang talaga ako sa biglaang pagsulpot niya. But good thing because I already say it while looking at her.

Napabuntong hininga siya at umiling."Okay na 'yon. 'Wag mo nang alalahanin. Nangyari na eh, ano pa nga bang magagawa natin. Hayst. Sinuway ko tuloy 'yong isa sa mga special tradition namin." She gave me a small smile before going back to the sink where she will wash the dishes.

Guilty parin ako kahit nagsorry naman na ako.

"What's your religion, by the way? Bakit may gano'n pang tradition?" tanong ko. Wala lang. I'm just curious.

"Catholic rin. Ewan ko nga rin kung bakit may pa gano'n gano'n na tradition pero sabi ni Inay at Itay, nakasanayan na raw 'yon sa probinsiya namin. Si Inay nga ang unang nakahawak sa kamay niya ay si Itay no'ng 20 na siya at sila narin no'n," pagkukwento niya at tumatango tango lang din ako.

"At sabi pa ni Itay, kung sino raw yung unang makahawak sa kamay ko, dapat maging nobyo ko raw. Pero hindi naman kita type at hindi rin naman alam ni Itay na ikaw ang unang bakahawak sa kamay ko kaya okay lang." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"What? Are you serious? Pwede namang hindi panagutan diba? At saka hindi ko naman alam 'yon kaya baka excempted," gulat kong sabi.

Anong klaseng tradisyon ba ang meron sila? Bakit may pa gano'n gano'n pa? For pete's sake I don't want to be his boyfriend and she doesn't like me too kaya quits lang kami.

"Oo naman. Hindi mo naman kailangang totohanin ang sinabi ko. Duh. Our feelings are not mutual. At saka hindi kita type 'no. Asa kapa." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

Wala naman sigurong bad luck na dadating kapag hindi namin tinupad 'yon diba? Why am I overreacting anyway? I'm out of it.

"Wait. Are we friends?" Hindi ako nagulat sa tanong niya kundi sa English niya. Since when did she talk english? Marunong pala siya ah.

"I don't know." Hindi ko naman talaga alam kung gusto ko bang makipagkaibigan sa kanya o hindi! 3 days pa lang siya dito sa mansion. I don't think if she deserve my trust.

"Weh?! Sa pagkakaalam ko, hindi ka magso-sorry kung hindi mo close diba? So dahil nagsorry ka sa'kin, it means we're close," nakangiti siya na parang nang aasar sa'kin.

"Really? Baka nga."

"At dahil close na tayo, friends na rin tayo. Right?" Napatitig ako ng saglit sa kanya bago tumango.

"Yes?" I'm not really sure but I've already answered yes so, oo na lang. Bahala na nga.

"Oh yas! May kaibigan narin ako na isa sa mga Helveryst brothers. Kahit na playboy, sige na lang." Napatawa naman ako sa inasta niya.

She's not that bad, though. I think we'll be good friends. Pero syempre kahit gano'n, I'm still a playboy. Hindi 'yon nawawala. Baka nga 'pag bored ako eh mapagtripan ko ang babaeng 'to. Pero wala namang pakialam sa'kin 'to eh.

"Oh? Ba't natagalan kayo? Don't tell me you did---"

"Oh shut up, Cohen. I just ask her about the things they do in their province. Nothing more, nothing less." I said, cutting him. Mukhang nakuha naman ni Kat ang ibig niyang sabihin kaya inirapan niya ito.

"Maliligo muna ako." sabi niya at tumalikod para umakyat sa taas.

"Hindi mo ba kami bibilinan na huwag umalis?" nakakunot noong tanong ni Raizer kaya napalingon ulit sa'min si Katria.

"Hindi na. Alam ko namang hindi kayo aalis."

"Why are you so sure, huh?" Cohen smirked.

"Dahil sa mga 'to." Nanlaki ang mga mata namin at napatayo naman sila. Like...W-What the heck!! H-How did she....

"Hala! Pa'no mo 'yan nakuha sa'min babysitter Kat? Hindi ka naman pumapasok sa kwarto namin ah," di makapaniwalang sambit ni Akken.

"Fuck. Give it back to us or else you're dead," pagbabanta naman sa kanya ni Kuya Daron.

"Eh? Hindi pwede 'no. Ano ako tanga? Magpapakahirap akong kunin ang mga 'to tapos ibabalik ko lang sa inyo?! Duh. Manigas kayo," mataray niyang sagot bago ibinulsa ang mga wallet at keychains namin at umakyat sa taas.

"Argh! I swear I'm gonna kill that ugly babysitter!" frustrated na saad ni Cohen at napasabunot sa buhok niya.

"Don't worry, dudes. I'm sure she will give it back to us. She's just threatening us," I said as I seat on the couch in front of them.

"Anong nakain mo at bigla kang bumait kuya? Did that girl poisoned you or something?" nakataas kilay na tanong ni Raizer.

I just gave them a smirk and played my lips with my fingers."Let's just say, she's my friend. Gusto ko kase 'yong paraan ng pananalita at pagkilos niya. She's amazing and unique. Wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan sa kanya diba?" I answered.

Tiningnan nila ako na para bang hindi makapaniwala maliban kay Akken. Maybe he get my point. Alam ko namang gano'n din siya. Base on how he treats Katria like his older sister. Alam kong dahan dahan na ring napapalapit ang loob niya kay Kat dahil hindi naman siya mahirap pakisamahan. 'Yong atittude niya lang ang problema.

"Like what the hell! Are you indeed serious?! Baka naman pinaglalaruan mo lang ang babaeng 'yon. Impossible namang mapalapit agad ang loob mo sa kanya eh hindi pa nga siya umabot ng week dito." I laughed on Cohen's reaction.

"Ano naman ngayon? I just want her to be my friend. Is it a big deal for you?"

"She just stayed here for 3 days and you two became close? Is it that easy to get you trust? We don't even know her and what's her real plan why she volunteered to be our babysitter. Maybe she'll just use us to gain more money from mom," Kuya Daron interrupted with a little bit angry on his voice.

Natahimik sila pagkatapos magsalita ni Kuya Daron. Nakikinig lang si Raizer habang nakacross arms naman si Cohen at nananahimik si Akken sa isang tabi. I looked at Daron who is looking at me seriously.

"Chill, Kuya. Don't take it seriously. I'm not really sure if I want to be friends with her." I smiled to convince them. Alam kong mas lalong lumala 'pag sumagot pa ako.

"Well, let's drop this topic. By the way Stella wants to see you," sabi ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

"What?! And then you let her without my permission?" nakakunot noo niyang tanong.

"I forgot to tell you. Madaling araw pa nulo'ng tumawag siya sa'kin. Wala na sa isip kong pumunta pa sa kwarto mo para tanungin ka kung okay lang ba."

"Isa parin yung babaeng 'yon eh. Hindi naman kagandahan tapos habol pa ng habol eh hindi rin naman siya gusto. Tsk." Cohen commented. Wala na ata tong magandang sasabihin kundi panlalait.

"'Wag kang mastress, Kuya. Hindi naman ikaw ang hinahabol, si Kuya Daron," natatawang sagot naman ni Akken kaya sabay kaming tumawa at sabay ring nakatanggap ng masamang titig galing kay Cohen.

"Sinabi niyang gusto niya lang makita si Kuya pero ang totoo halos hindi na siya umuwi at dito narin matulog. What a liar," saad naman ni Raizer habang naiiling.

"Pinag-uusapan niyo?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko ng biglang magsalita si Kat sa likod ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

"My god Kat! Can you give us a signal whenever you're here. Hindi 'yong bigla bigla ka na lang susulpot. Magkakaheart attack ako sa'yo eh." I exclaimed.

"Anong gusto mong gawin ko? Pumalakpak? Pumadyak? Tumambling? O baka gusto mong magtunog hayop ako."

Nakapameywang siya ngayon sa harapan namin. She is wearing a skyblue tshirt and maong shorts above the knee. Nakalugay lang rin ang buhok niyang mahaba. Nice. Nagmumukhang tao narin siya kahit konti. She's always wearing an oversized t-shirt and an big skirt or pajama. Good thing that she change her style.

"Ikaw bahala basta malaman namin kung nand'yan ka na ba."

"Magwawalis lang ako sa labas at didiligan ko rin 'yong mga bulaklak niyo. Tawagin niyo lang kayo kung may gusto kayo." Tumango lang ako kaya tiningnan niya saglit ang mga kapatid ko bago tuluyang lumabas.

" May pagka-cute rin pala si babysitter Kat," natatawang sambit ni Akken.

All of us turned our gaze on him.




KATE CHANDRIA'S POV

Juskong mahabagin. Ba't sobrang init ng panahon ngayon? Kakaligo ko lang tapos pinagpawisan agad ako. Hindi na lang siguro ako magpapalit ng damit, pupunasan ko na lang siguro ang likod ko. Marami na akong lalabhan mamaya kung gano'n. Nakakainis nga kase may washing machine naman sila pero kailangan ko pang maglaba. Bwisit. Konti pa lang naman ang damit ko 'no at baka sa kakabihis ko bukas wala na'kong magamit. Hayst.

Pagkakuha ko sa dalawang plastic bag dulo'n sa trashcan at agad akong naglakad buhat buhat ang nakapakabigat na plastic bags patungo sa gate. Letse! Ba't ba sobrang bigat ng mga 'to?! Eh pangatlong araw pa lang ngayon ah tapos puno na agad 'to?

Pagkalabas ko ng gate ay binuhat ko ito at isinandal sa pader. Kukunin din naman 'yan panigurado ng mga basurero kaya okay na 'yan dyan. Pinagpagan ko ang kamay ko at akmang papasok sa gate ng may mapansin akong babae na nakasandal malapit sa gate. Sino naman 'to?

Nakasuot siya ng off-shoulder pink dress above the knee at pares na black sandals. Meron ding nakasabit na white shoulder bag sa balikat niya at naka-make up pa. Wow! Sosyal ah! May pupuntahan ata siyang party. Pero bakit nakasandal sa malapit sa gate? Ay. Baka may hinihintay lang.

Hindi niya nga ako napansin dahil may kausap siya sa cellphone niya. Pati phone niya halatang mamahalin. Malamang, porma niya pa lang halatang mayaman siya. Hindi ko na lang din siya pinansin at akmang papasok sa gate ng marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kausap niya. Hindi naman sa tsimosa ako pero parang gano'n na nga. Lol.

"Oh yes. I'm here na in front of their mansion. No!! I told Shael that I'm going to visit Daron pero ang totoo I want to stay in their house for the whole day. I know naman na wala silang magagawa because they know me naman." Tumawa pa siya kausap niya kaya napataas ang kilay ko.

So dito pala talaga ang sadya niya? At bakit kilala niya si Shael, pati si Daron. Don't tell me..Oh no! Hindi. Hindi pwedeng mangyari 'to. Pero baka naman kaibigan lang nila ang isang 'to. Ah bahala na.

"Excuse me, miss. What are you doing?"

Napatigil ako sa pagpasok sa gate ng bigla siyang magsalita. Lumingon lingon pa ako sa kanan, kaliwa, at likod ko para masiguradong may iba pa bang tao pero kami lang naman dalawa ang nandito.

"Papasok. Hindi ba halata?" Hindi ko ata gusto ang ugali ng babaeng 'to. Parang masyadong maarte...at mataray.

"I know naman. What I mean is bakit? Kaano ano ka ba ng nakatira sa mansion na 'yan? Alam ko namang walang cousins ang Helveryst brothers and you didn't look like one of their friends. You're like a pulubi," maarte niyang sambit.

Aray ko ha! Porket ba hindi ako kagandahan, pulubi na agad tawag sa'kin?! Lakas din ata mang-realtalk ng babaeng 'to eh 'no. Walang preno ang bibig. Tsk.

"Pakialam mo." Akmang papasok ulit ako sa gate ng hilahin niya ang braso ko.

Sa lakas ng pagkalahila niya ay napunta ako malapit sa daanan ng sasakyan. Mabuti na lang at walang sasakyan na dumaan kaya hindi ako nasagasaan. Bwisit na babaeng 'to.

"Ano bang problema mo ha?! Inaano ba kita?!" Hindi ko talaga napigilan ang inis ko sa kanya.

Papatayin niya ba ako? Kung gano'n isusunod ko rin siyang letse siya!

"Problema ko? You! You don't have the right para pumasok sa mansion na 'yan. Don't you how rich they are tapos papasok lang ang isang panget na katulad mo dyan?! What a desperate!" singhal niya sa'kin habang nakacross arms.

Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang dumadaan dito pati narin ang mga kapitbahay. Walanghiya talaga ang babaeng 'to! Hindi na nagdalawang isip na manggulo. Sa aming dalawa, siya ang makapal ang mukha.

"Bakit ba ang big deal sa'yo kung pumasok ako sa mansion ha?! Gaganda ba yang ugali mo kung sakaling hindi ako pumasok? Hindi 'di ba kaya tumahimik ka. At saka sino kaba ha?!"

Pakialamera naman masyado ang babaeng 'to! Kahit naman maganda siya ng konti, mayaman, masama naman ang ugali. Bigla bigla na lang magagalit. May saltik ata 'to eh.

"I'm Stella Marie Penelope. The most gorgeous and sexiest girl in our school. I owned a lot of restaurants, malls, hot-----"

"Tama na. Okay na. Pangalan mo lang naman ang tinanong ko. Hindi kasama 'yong gaano ka kaganda at kayaman. Echoserang 'to!" Inirapan niya ako kaya hindi ako nagpatalo at inirapan ko din siya.

Ha! Anong akala niya sa'kin?! Papatalo sa isang maarteng katulad niya. Shatap ghorl!

"Hey! Why did you close the gate?! Papasok pa ako, ano ba?! They're waiting for me inside. You bitch! Buksan mo 'to." Hindi ko na lang siya pinansin kahit hinahampas niya ng malakas ang gate. Bahala siya dyan. Hindi naman ako ang mananagot kapag nasira 'yon.

"Duh. Sino naman siya para papasukin dito?! Baka bagong katulong, tsk. Sa itsura niyang 'yon?! Asa!" inis kong bulong sa sarili ko ng makapasok ako sa masion.

"Sinong kausap mo?! Nababaliw kana ba?!" biglang sulpot ni Raizer habang may suot na headphone at may hawak na controller.

"Alangan naman ikaw diba?! Malamang sarili ko ang kausap ko. Diyan kana nga!" Iniwan ko siya do'n at pumuntang kusina para uminom ng tubig.

Grabe! Parang isang linggo akong hindi nakainom ng tubig. Naubos ko tuloy ang isang container. Char. Kalahati lang 'no.

"Uhaw na uhaw babysitter Kat ah." Lumapit si Akken sa ref para buksan at kumuha ng cornetto. Sa kabilang kamay niya ay may hawak siyang magazine na may picture ng isang lalaking model.

"Ikaw kaya ang magbilad sa araw habang naglilinis hindi ka ba uuhawin." Iniwan ko rin siya do'n at pumunta sa living room para panoorin 'yong 'Crash Landing On You' episode 7. Hindi pa naman siguro nagsisimula.

"Oh? Manonood kana naman?!" Binalingan ko ng tingin si Cohen na kakababa lang ng hagdan at may towel pa sa balikat.

"Anong gusto mo?! Matulog ako dito gano'n?! Aish. Ewan ko sa inyo." Inis kong nilapag ang hawak kong unan at hindi na lang binuksan ang TV.. Wala na'kong gana. Manonood na lang ako sa youtube mamayang hapon. May wifi naman dito.

Kaasar. Ba't ba hindi mawala ang inis ko do'n sa Marie na 'yo'n. Parang kada minuto naiisip ko ang mukha niyang nakakainis eh. Mabuti na lang pinagsarhan ko siya ng gate.

"Anong mukha 'yan Katria?! Para kang pinagsakluban ng langit at lupa." Nakasandal si Shael sa may pintuan at parang may inaabangan.'Yong apat naman nakaupo na sa sofa. Favorite place ata nilang lahat 'yon.

"Bakit? Mukha ko pa rin naman 'to ah. Hindi naman nagbago."

May biglang kumatok sa punto kaya agad akong napaisip kung sino 'yon. Akmang bubuksan ko ang pinto ng maunahan ako ni Shael kaya napacross arms na lang ako. Kaya pala nakatayo malapit sa pinto kase may hinihintay.

"What the heck!"

Nanlaki ang mata ko ng makita si Marie na galit na galit pagkapasok at parang may hinahanap. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa'kin.

"You! Ba't moko pinagsarhan ng gate ha?! Alam mo bang nagpakahirap akong umakyat ng gate because of you!" singhal niya sa'kin na ikinairap ko.

"Duh. Baka nakakalimutan mong automatic 'yong gate at pwede mong iswipe ang card mo do'n kung registered ka para makapasok ka. Hindi ko kasalanan kung sadyang bobita ka lang talaga at umakyat ka pa ng gate." Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko pero agad din napalitan ng galit.

Nakataas kilay akong napatingin sa limang timawa na nakatingin lang sa'min. Wala naman atang balak magpaliwanag ang isa sa kanila kaya tumingin nalang ulit ako dito sa babae.

"Ano bang sadya mo dito ha?!"

"Why would I tell you? Sino kaba ha?!"

Ah gano'n?! Ngayon niya pa naisipang tanungin ang pangalan ko eh kanina pa nga kami nagsasagutan sa labas.

"Ako? Nanay mo?" pamimilosopa ko.

Kabagot sumagot sa babaeng 'to.

"Tinatanong kita ng maayos babae kaya sagutin mo ako ng maayos. Who are you?" Ang lakas makautos kala mo nanay ko. Sorry siya kase di kami close.

"Magpapakamatay kaba kapag sinabi ko ang pangalan ko sayo?" Kung sasabihin niyang 'oo' edi sasabihin ko ang pangalan ko.

Aba! Ang ganda kaya ng pangalan ko para ipagsabi sa iba. Mas maganda pa nga sa name niyang Marie. Ano 'yon? Biscuit.

"Nevermind. Mukhang wala naman akong makukuhang sagot galing sa'yo. And just so you know, hindi ikaw ang sadya ko rito." Bumaling ang tingin niya sa mga lalaking nakaupo sa sofa at ngumiti.

Ewan ko kung sino dyan ang sadya niya o baka sila talagang lahat ang sadya niya. Pero kahit na, sabi ni tita Elizabeth bawal magpapasok ng kahit sinong babae sa mansion.

"What are you doing na naman ba?" Hinarangan ko kase siya para hindi siya makalapit sa boys. Parang ilang minuto nalang sasabog na siya.

Well, same. Kanina ko pa din kase siya gustong kaladkarin sa taas at ihulog sa hagdan. Gano'n ako kasama. Chos.

"Hinaharangan ka. Hindi ba halata?" Ewan ko kung sadyang tanga siya o bobo lang talaga. Hindi ba malinaw sa kanyang ayokong lumapit siya sa lima.

"You know what? You're so pabida. Ano ka ba talaga dito ha?! Pakialam mo kung lumapit ako sa kanila? Oh right. Baka yaya ka nila. Well, it's okay kung maging protective ka sa mga alaga mo but just so you know, I'm their CLOSEST friend so you don't need to worry." Nilagpasan niya ako at alam kong nakalapit na siya sa kanila.

Okay, Katria. Kumalma ka lang. Maging mabait ka kahit gano'n ang trato niya sa'yo. Kahit gusto mo nang gilitan ng leeg ang babaeng 'yon, kontrolin mo ang sarili mo. Inhale, exhale.

Pero taena..hindi ko talaga kaya eh. Feeling ko naipon lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa galit. Nawa'y patawarin ako ng panginoon sa gagawin ko.

"Hey, Daron. I haven't seen you for almost 1 week. I miss you baby." Napalingon ako sa kanila at nanlaki ang mata ko ng makitang nakakandong na sa hita ni Daron si Marie.

Putek! Ang landi! Maygad! Anong gagawin ko? 'Pag talaga nalaman 'to ni tita Elizabeth patay ako. Kailangan kong gumawa ng paraan. Pero ano naman?

Base sa mukha ni Daron at naiirita na siya kay Marie dahil sa posisyon nila. Eh parang gusto niya din naman kase hindi niya naman pinaalis sa hita niya yang higad na 'yan. Ah basta! Bahala na si iron man.

"Hoy malandi!" Lakas loob kong hinila si Marie palayo kay Daron at sinamaan siya ng tingin.

"What now? Nagseselos ka? Kaano ano kaba niya?" nakataas kilay niyang tanong habang nakacross arms.

"I'm his girlfriend. Kaya kung pwede matuto kang lumugar," bakas ang pagtataray sa boses ko.

Lintek! Nagmumukha akong selosang girlfriend kahit hindi naman talaga. Wrong timing kase ang babaeng 'to. Hindi tuloy ako nakapaghanda ng sasabihin ko.

Napatingin kaming dalawa ng biglang umubo si Akken. Pinanlakihan ko siya ng mata para iparating sa kanyang sumakay nalang siya. Kahit nakakahiya ay tumingin parin ako kay Daron na parang walang pakialam sa nangyayari. Mabuti na rin 'yon nang sa gano'n ay mabawasan ng konti ang hiyang nararamdaman ko. Pero nasa 10% lang ang nabawas at may 90% pang natira. Jusko!

"You?" Tumawa ang impaktang nasa harap ko."Are you serious? Pwede ba, 'wag ka ngang mangarap ng gising. Kahit kailan hinding hindi papatol si Daron sa isang panget, at pulubing kagaya mo!" sigaw niya sa mismong mukha ko. Infairness, amoy apple mint ang hininga niya.

Pero wagas kung makalait. Grabe naman ang isang 'to. Kaugali niya talaga si Cohen, baka naman siya ang nawawalang kapatid ng limang timawa. Ay hindi! Imposible pala. Sa mukha niyang 'yan?! Nanay niya ata si Betty La Fea. Char.

"Sa tingin mo ba nagbibiro ako? Nakakatawa ba yung sinabi ko ha?! Eh ano naman kung hindi ako maganda tulad mo, atleast ako alam ko sa sarili kong hindi ako feelingera kagaya mo," sabi ko with matching mega-irap pa.

Ha! Best in actress ata tong kinalaban niya. Nagmamala-telenobela narin ata kami dito at 'yong lima ang audience namin.

"Hindi daw, but you said earlier na you're Daron's girlfriend. Hindi kaba feelingera sa part na 'yon?!" Hindi talaga siya magpapatalo mga 'te. Pero syempre, ako din. Mamatay nang sumuko.

"Iba ang salitang feelingera sa nagsasabi ng totoo ghorl," palaban kong sagot. Parang anytime magsasabunutan na kami dito.

"Really? Then prove in front of me, in front of us."

Eto na nga bang sinasabi ko eh. Ano nang gagawin ko ngayon? Halikan si Daron sa harap nila? Yucks. No way! Eh kung lumingkis na lang ako sa braso niya at ngitian siya ng napakatamis, 'yong mas matamis pa sa asukal. Hindi 'wag. Nagmumukha lang akong malandi no'n. Eh ano naman? Tawagin si Daron gamit ang isang endearment at papaniwalain tong si Marie na kami talaga? Pero pano kung ilaglag ako ni Dale. Edi magiging kahiya hiya ako sa harap niya. Giatay! Bahala na nga.

" Love?" tawag ko gamit ang malambing kong boses. Pota. Anong klaseng gyera ba ang sinabak ko at humantong sa ganito.

Napatingin sa'kin si Daron at gano'n parin ang reaksiyon niya. Blangko. Wala na. Ipapahiya talaga ako ng kupal na----."

"Hmm."

A-Ano daw? Sumagot siya? Gulat akong napatingin sa kanya at nag iwas siya ng tingin.'Yong mga kapatid niya din parang nilagay ng isang taon sa freezer dahil hindi makagalaw.

At ako naman eto...tulala. Malay ko ba naman kaseng sasagot pala siya.

"D-Daron." Napalingon kami kay Marie na halos mamula na ang pisnge. Iiyak na ata siya.

Hala! Ang sama ko na ba?! Pero hindi naman ako ang nagpaiyak sa kanya eh. At saka bakit naman siya iiyak? Sila ba?

"Ah kase---"

"WHY DIDN'T YOU TELL ME SHAEL?!" Halos mapatalon ako sa gulat sa biglaang pagsigaw ni Marie. Nakayukom ang kamao niya habang nakatingin ng masama kay Shael na halos hindi alam ang gagawin.

Eh? Kailan pa naging reporter si Shael? Gano'n ba sila ka close? Aba malay ko.

"S-Stella naman eh. H-hindi mo naman kase ako tina---"

"SHUT UP!." Jusme! Ba't naging dragon ang babaeng ito."You! It's all your fault you bitch!" Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa'kin habang hawak hawak ang buhok ko.

"A-Aray...B-Bwisit...B-Bitiwan moko babae..." Pilit kong inaalis ang kamay niya sa buhok ko pero mahigpit ang hawak niya at feel ko nalalagas na yung mga buhok ko.

"No. As if papakawalan pa kitang slut ka! Mang-aagaw!"

"The heck! Tumigil na kayo!" rinig kong sigaw ni Cohen. Maya maya pa at may humila sa'kin at pati narin kay Marie.

"ANO BA! LET GO OF ME!" sigaw niya kay Shael na nakahawak ng mahigpit sa kanya. Napahawak naman ako sa ulo ko ng sumakit ito. Mabuti na lang at inawat kaagad kami nila Shael at Cohen.

Inis kong inayos ang sarili ko at tiningnan ng masama ang impaktang nasa harap ko. Ngayon, magtutuos tayong babae ka at sisiguraduhin kong hindi lang buhok mo ang hihilahin ko kundi pati narin yang ngala ngala mo.

"Bitiwan mo siya Shael." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

"A-Ano? Eh baka mas malala pa ang gawin sa'yo ni Stella."

"You heard her Shawn. Let. Go. Of. Me," singit naman ni Marie at malakas na winaksi ang kamay niya dahilan para mabitiwan siya ni Shael.

"Bakit ba galit na galit ka sa'kin ha?! Dahil lang sa may g-girlfriend na si Daron ganyan na ang naging reaksiyon mo? Ano ba kayo ha?!" Hindi kona napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya. Kapal ng mukha eh.

"Because he's only mine. At kahit hindi kami, sa'kin parin siya at hinding hindi ako papayag na mapunta siya sa iba. Lalong lalo na sa isang malanding katulad mo." Dahil sa galit ko at nasabunutan ko na ang impaktang nasa harap ko.

Pilit niya pang inaabot ang buhok ko pero hinihila ko ang buhok niya kaya todo kalmot lang siya sa mga braso ko. Kamag-anak ata siya ni catwoman dahil napakataas ng kuko.

'Yong mga lalaki naman ay nakatayo lang. Wala nang balak umawat sa'ming dalawa dahil natakot sigurong masampal o baka makalmot. Galit pa naman ako dahil sa Marie na 'to. Kung makapagsalita kala mo perpekto.

"Oh ano? Masarap ba ang sampal ko ha? Gusto mong pati yang kanang pisnge mo sampalin ko rin? Para fair ba."

Kakatapos lang naming magpalitan ng sampal. 'Yong pang international, 'yong talagang babakat yung kamay sa pisnge. Okay lang naman sa'kin kase ang hina niyang sumampal, ni lamok na hindi mamamatay eh. Ewan ko lang kung anong nararamdaman niya sa sampung sampal na binigay ko sa kanya. Paniguradong sobra pa sa salitang hapdi ang nararamdaman niya.

"ARGH! NAKAKAINIS KANG BABAE KA! ANG LAKAS NG LOOB MONG SAKTAN ANG NAG-IISANG ANAK NG MGA PENELOPE! NI MOM AT DAD KO NGA HINDI MAKAPAGBITAW NG MASASAMANG SALITA SA'KIN TAPOS IKAW....YOU UGLY CREATURE!."

Wala akong pake kung 1000% siyang galit sa'kin. Galit rin naman ako sa kanya kaya quits lang kami.

"Eh ano ngayon? Ikaw yung nauna diba? Tinatapos ko lang. At saka wala akong pakialam kung mabuti ang trato sa'yo ng nga magulang mo, kaya siguro lumaki kang laitera at spoiled brat," irap kong sagot sa kanya.

Napatingin naman ako sa limang timawa at..wow! As in wow! Nakuha pa nilang kumain ng popcorn habang nakatingin sa'min. Ano 'to sine? Mga kupal, hindi 'to shooting uy! Nagandahan ata sila sa acting ko.

"Ano babysi---este Ate Katria, tuloy paba ang show niyo? Wala na bang episode 2?" Muntik na akong mahuli dahil kay Akken. Mabuti na lang at binawi niya rin kaagad.

Pero ano daw? Episode 2? Eh mukha na nga kaming taong grasa dito sa itsura namin. Mas mabuti kung ipagpabukas nalang yung karugtong. Di joke lang. Wala nang bukas dahil huling araw na ngayon na makikita nila si Marie. Ililibing na siya----este hindi ko na pababalikin dito.

Sa itsura niya ba namang 'yan, gugutuhin niya pang bumalik dito. 'Yong dress niyang pink, gusot gusot na. 'Yong sandals niyang itim, nabali 'yong isang heel. At syempre, hindi mawawala ang nagmamala-pugad niyang buhok at mapupulang mukha. Akalain mo 'yon, ang pormal niyang itsura kanina eto ang naging resulta.

"I will make sure that mom and dad will know this. And if that happens, you'll pay for everything," galit niyang sambit.

"That would never ever happen, Stella. You know how powerful our family and you know that you couldn't do anything. Stop this, Stella. Just accept the fact that you can't get me." Tila nabingi kami sa malamig na boses ni Daron.

So admirer pala ni Daron tong babaeng 'to. Ang obsess niya naman masyado. Pero hindi ko naman siya masisisi kase gwapo naman ang timawang 'to tapos mayaman na. Almost perfect, gano'n. Ugali niya lang 'yong problema.

"No, Daron. I won't accept anything. Kailan man hindi ako natalo and that would never ever happen. Akin ka sa ayaw at sa gusto mo." Galit niyang binaling ang tingin sa'kin."And you. Hindi pa ito ang huling pagkikita natin and if that happens, hindi na kita aatrasan pa. I will find informations about you and if I found out that you and Daron are not really together, I will immediately spread a news about you. Ipapahiya kita sa harap ng maraming tao," pananakot niya pa.

Katakot naman ang babaeng 'to. Parang bubuga na siya ng apoy. Letse! 'Pag talaga 'yon nangyari uuwi talaga ako sa probinsiya namin. Nakakahiya kaya ang mapahiya lalo na kung ikaw ay kahiya hiya. Lol.

"Hindi ko pa nalilinis yung inidoro kaya baka gusto mong mukha mo ang ilinis ko," nakataas kilay kong sabi.

Nakakairita na kase talaga ang presensya niya eh. Ang haba haba pa ng speech kala mo Valedictorian kagaya ko. Tse!

"Hmp." Padabog niyang hinablot ang shoulder bag niya at lumabas ng hindi man lang sinasara ang pinto. Rinig pa namin ang malakas na pagkatulak ng gate.

Ang bayolente talaga ng babaeng 'yon. Sana pala dinala ko si Vera dito para siya ang itapat ko do'n. Sigurado akong hanggang bukas 'yon magpapatayan.

"Haist. That girl. Tell me, pa'no kayo nagkakilala?" walang gana kong nilingon si Raizer na ngayon ay nakakunot noo.

"Kanina lang sa labas no'ng nagtatapon ako ng basura." Inayos ko ang damit ko may malaking punit sa gilid.

Yowo! May kalahing pusa talaga ang impaktang 'yon.

"Eh bakit kayo nag away babysitter Kat?" inis kong tinapunan ng tingin si Akken.

Ano 'to story telling?

"May sapak ata 'yong babaeng 'yon. Bigla bigla na lang manghihila tapos sisigawan ako. Sabihin niyo nga, takas mental ba 'yun?!" Kakaligo ko lang kaya tapos ngayon magbibihis ulit ako dahil sinira ng anak ni Betty La Fea ang maganda kong damit. Punyemas.

"Mas lalo ka pang pumanget dahil sa itsura mo ngayon. Mukha ka nang napag iwanan ng panahon." Sinamaan ko ng tingin si Cohen. Walangyang laitero ba't di na lang sumama dun sa kapatid niyang laitera din.

"Kung gamitin ko kayang panlinis yang mukha mo sa inodoro, sa tingin mo sinong mas panget sa'tin," mataray kong sagot sa kanya habang nakapameywang pa.

"Kung ako sa'yo Kat, magbihis kana. Kitang kita na namin ngayon ang pink mong bra." Agad nanlaki ang mata ko at napatingin sa dibdib ko at...

Jusmeyo por santo! Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko at galit na tiningnan si Shael na mamatay matay na sa kakatawa.

"Bwisit ka! Manyak!" sigaw ko at tumakbo paakyat habang nakatakip parin ang sirang damit sa dibdib ko.

Owemji! Nakakahiya!

"Pft..Ang sexy ng girlfriend ni Kuy Daron ah." Rinig ko pa ang tawanan nila sa baba.

Ano ba naman 'to. Nagpanggap pala akong girlfriend ni Daron kanina at ngayon pinaalala pa ni Shael. Sigurado akong aasarin nila ako mamaya pagbaba. Eh kung 'wag na lang kaya akong bumaba. Pero pa'no naman ang kakainin nila?!

Shems! Ayoko na talaga!

------------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top